Thank you po sa mga bumabasa nang
aking likhang story. Actually, may pinagdadaanan ako ngayon. Kaya naisipan kong
dugtungan agad yung chapter 13 ko para naman mailabas ko yung sama nang loob ko
for tonight.
Special
Mention: Thank
you po sa lahat ng mga bumabasa at nagko-comment sa story ko lalo na kila:
Rah16, TOTIX, --makki--, jv, robertmendoza94@yahoo.com, christian, jhay rotia, ramy from
qatar, Rahj(sana ikaw yung kakilala ko na Rahj dahil willing ako makipag
kaibigan sayo),
Donn,
ramo0468, chris, rheinne, jm_virgin2009, dereck, juice, cnjsaa, another Chris,
Boss J, ram and sa madaming anonymous commentors and silent readers. Sobrang
na-appreciate ko po comments nyo kaya naman lalo kong gagawin ang makakaya ko
na mapaganda ito.
Don’t forget to to add me on
FACEBOOK/TWITTER.
Oo nga po pala, may
nakachat po ako sa fb. Sabi nya “Kuya,
napacomplicated naman po ng story nyo kaya siguro ang konti nang mga
nagko-comment sayo. Nakakaawa ka naman po”
Hindi ko po alam ang
irereact sa kanyang sinabi. kaya
naman po, kayo na po ang maghusga. Totoo po bang over ka complicated nang story
ko? hindi naman ako galit dun sa nag sabi PM sakin. Napaisip lang ako
kung totoo kaya yun. After po magsink in sakin yung sinabi nya lalo na yung
last sentence, medyo po napaluha ako sa sinabi. Kaya naman po nagpapasalamat
ako sa lahat nang bumabasa nito.
Thanks.
Enjoy!
=================
Love has no boundaries, but
loving someone has its own boundaries. Yan lagi ang aking isinasa-isip tuwing
nakakakita ako nang mga taong sobrang inlove at pinapakita pa nila sa ibang tao
kung gaano nila kamahal ang isa’t isa. Pero pano naman kami ni Rahj? Should i
take does chances to be with him forever? I sacrificed almost all just for him,
pero paano kung mawala sya sakin? Eh di sayang naman lahat nang mga iyon.
Selfish? Ewan, I don’t classify myself as selfish. Di ko matanggap na selfish
ako. Pero base sa mga nakikita ko sa sarili ko at mga sinasabi ko, OO, selfish
nga ata ako. Mahirap pero yun ang totoo.
=================
“Good Morning Rahj” ang bati ko
sa aking kabiyak.
“Good Morning din” ang bati nya
sakin, sabay halik sa pisngi ko.
“Ready for your Chemo session?”
ang naitanong ko sa kanya.
“Yup! Pero kinakabahan ako” ang
malungkot na sabi ni Rahj.
Niyakap ko sya para ipakita ko sa
kanya ang aking suporta. Ang sarap talaga yumakap sa taong alam mong mahal ka
din nya katulad nang pagmamahal na binibigay mo sa kanya. Pinatong ko ang aking
baba sa kanyang balikat at saka nagsalita nang mahinahon.
“Wag ka mag-alala, andito lang
ako sa tabi mo. Sasamahan kita ngayon para sa chemo mo.” Ang bulong ko sa
kanya.
“Salamat talaga. Basta pag
gumaling na ako, may sorpresa ako sayo. At hinding hindi ko ito papgsisisihan
na gagawin ko at sigurado akong liligaya ka dun” ang sabi nya sakin.
“Iintayin ko yan, basta sa
ngayon, lagi kang kakain nang mga prutas at gulay para lumakas ka pa lalo.” Ang
papagpapa-alala ko sa kanya.
“Salamat” ang sabi nya sakin.
Tinanggal nya ang aking nakapatong na mukha sa kanang balikat nya at tinapat
nya sa kanyang mukha. lumapit sya at muli’y naglapat ang aming mga labi.
Pakiramdam ko pwede na akong mamatay dahil merong taong naghihintay sakin lagi,
may taong handang sumabay sakin kumain after ng trabaho, may taong nagpapasaya
sakin pag malungkot ako at may taong lubusan akong minamahal nang buong puso at
walang hinihintay na kapalit. Ilang segundo din naglapat ang aming mga labi.
Tulog pa naman sila Mama, Papa
pati na rin si Kuya Drew kaya naman malaya kaming maglambingan ni Rahj sa
kwartong iyon.
“Alam mo Rahj, napakaswerte ko
dahil kahit wala akong magulang na gumagabay sakin ay andyan naman sila Mama at
Papa pati na rin ang bago kong Kuya Drew na ina-alagaan ako. Sobra nga akong
nagpapasalamat dahil kahit mali ang relasyon natin sa paningin nang mga
nakakarami ay buong puso nila tayong tinanggap lalo na ako at itinuring pa na
anak.” Ang aking pagpapasalamat sa kanyang mga magulang.
“Syempre, asawa na kita diba. At
sila pa mismo ang nakasaksi nang proposal ko sayo sa garden. Hindi naman sila
tumutol kaya wala tayong problema. Basta gumaling ako, officially, magiging isa
ka na ring Manalo” ang nakangiting wika nya sakin. Kumunot naman ang noo ko sa
sinabi nya.
“Wag mo muna isipin yung sinabi
ko” ang dugtong ulit ni Rahj.
Ganun na nga lang ang ginawa ko
dahil hindi naman sya magsasabi sakin kung ano ba ang ibig sabihin nya. Hindi
ko na lang ginising sila Papa para makatulog sila nang maayos. Ako naman ay
lumabas muna nang hospital para makabili nang aming breakfast. Wala pang
masyadong bukas na mga resto dun kaya naman nagikot-ikot muna ako hanggang sa
may nakita akong lalaking pamilyar sakin ang likod. Lumapit ako sa kanya na
nasa isang bukas na resto. Bumibili din ata nang pagkain.
“Migs?” ang tanong ko sa
nakatalikod na lalaki. Humarap ito sakin at tama nga ang aking hinala.
“Oi, James. Good Morning!” ang
nakangiting pagbati nya sakin.
“Ano ginagawa mo dito?” ang
tanong ko sa kanya.
“Bibili nang pagkain. Gutom na
ako eh. Di ako nakapg-dinner kagabi eh.” Ang natatawang sagot nya sakin.
“Hala! Masama yan sa katawan.
Baka magka ulcer ka nyan.” Ang sabi ko sa kanya.
“Hehe, wag ka mag-alala. Matibay
to” ang sagot nya sabay flex nang mga biceps nya sa harap ko.
“Ikaw? Bakit ka nandito?” ang
tanong naman nya sakin.
“Katulad mo bibili din ako ng
pagkain namin.” Ang sagot ko sa kanya.
“namin?” ang pagulit nya sa
sinabi ko
“Oo, ako, si Rahj, si Mama, Papa
and Kuya” ang nakangiting wika ko sa kanya. Sa mga sinabi kong pangalan, bigla
syang nag iba ang mood. Ewan ko pero napansin ko iyon nang sabihin ko ang
pangalang Rahj. Pero di ako sure if yun nga yun..
“Sige, alis na ako” ang biglang
sabi naman ni Migs sakin.
“Ah. Sige” ang sagot ko nalang.
Sobra na talaga akong nahihiwagaan sa mga ikinikilos nito.
Noong pangalawang araw ko pala sa
resto ay lagi syang dumidikit sakin na parang naka mighty bond na yung katawan
nya sakin. Lagi nya akong sinasamahan pag ako lang mag-isa. Lagi akong
ngini-ngitian pero sa ibang kasama naman namin sa trabaho ay hindi sya ganun.
Ewan. Bahala na si batman.
Pinagkibit balikat ko na lang ang
biglang pagbago nang mood nya at biglaang pag-alis nya. Basta alam ko wala akong
sinabing masama.
Bumalik na nga ako nang hospital.
Pero of all person na makakasalubong ko ay ang pinaka ayokong makita. Dahil
baka maghalo ang binalatan sa tinalupan.
“Good morning!” ang nakangiting
wika ni Yvone sakin.
What’s with this girl. Nung huli kaming magkita ay parang gusto na ako
nitong lamunin sa sobrang galit tapos all of a sudden ang bait nya sakin.
Gaguhan ba to? Ang sabi nang isip ko
sakin.
“Good morning din” ang pagsagot
ko s bati nya.
“Saan ka punta? Saka ano yan dala
mo?” ang tanong sakin ni Yvone.
“Galing ako sa resto na yun oh”
sabay turo sa resto na pinagbilhan ko nang pagkain.
“Breakfast namin nila Papa” ang
sagot ko ulit.
“Ah, okay.”
“Sige, alis na ako. May
pupuntahan pa ako”
“Ingat ka palagi huh...’ ang
sinabi nya sakin at saka naglakad. Hindi ko na narinig ang iba pa nyang
sinasabi. Kinabahan naman ako sa huling sinabi nya sakin. Bakit ko kelangan mag ingat? Ang naitanong ko sa sarili ko.
hinayaan ko na lang si Yvne sa sinabi nya, baka gutom lang sya kaya kung
anu-ano ang pinagsasasabi. Dumiretso na ako sa room ni Rahj. Nadatnan ko sila
Mama na gising na kaya naman binati ko sila. Ganon din naman sila, bumati din
sakin. Pinatong ko na ang mga dala kong pagkain para makakain na kami at ma-i-ready
na si Rahj sa opertation nya.
Naligo muna si Mama at sila Papa
at Kuya ay nagtoothbrush naman habang kami ni Rahj ay nanunuod ng pelikula sa
star movies. After nila gawin ang kani-kanilang daily routing ay umupo na
kaming lahat sa upuan sa table na nakalagay malapit sa CR.
“Let us all pray”
“In the name of the father, and
of the son, and of the Holy ghost. Amen” ang pagsisimula ni Mama sa pagdadasal.
“Oh Lord, we thank you for all
the blessing that we are now currently receiving. Salamat po sa magandang
kalusugan na ipanagkakaloob mo samin sa pang-araw-araw” ang sabi ni Mama.
“Sa walang sawang pag-alalay
samin sa mga problemang dumadaan ay nagpapasalamat kami” si Papa.
“Sa di pagpapabaya samin kapag
kami ay nangangailangan nang tulong ay nagbibigay ka nang taong tutulong samin.
Salamat po don” si Kuya Drew.
“Humihingi po kami nang
kapatawaran sa mga nagawa naming mga kasalanan” si Mama ulit.
“Sana po ay bigyan nyo pa kami
nang mahabang buhay, magandang kalusugan, mga magagandang dahilan para ipagpatuloy
namin ang mga bagay bagay na nasimulan namin sa aming kahapon, at walang humpay
na pagmamahal mula sa iyo at pagmamahal na tinatamasa namin mula sa aming
kaibigan, kakilala at mga magulang at kapatid.” Si Rahj sabay non ay huminga
muna nang malalalim.
“At saka po sa pagmamahal na
binibigay ni James sa aking mga magulang
at aking Kuya Drew at lalo na po sakin, sobra po akong nagpapasalamat
dahil pinadala nyo po sya samin” si Rahj ulit.
“Si James po na walang sawang
sumusoporta kay Rahj para sa kanyang therapy” Si Mama
“Si James na walang sawang
nag-aalaga sa aking anak at walang sawa sa pagrespeto samin”
“Si James na walang sawang
minamahal ang aking kapatid. Na walang sawang pinapakita samin kung gano sya ka
sincere” si Kuya Drew naman.
“Kaya naman po sana po ay lagi
nyo syang bibigyan nang lakas nang katawan at loob na magpatuloy sa mga ganoong
gawain at wag magsawa na mahalin kami bilang kanyang mga bagong magulang” sila
Mama at Papa ang nagsalita.
“Bilang bagong kapatid” si Kuya
drew
“At bilang siang parte nang aming
Pamilyang Manalo at parte nang buhay ko” si Rahj.
Napamulat ako bigla sa mga
sina-sabi nila sa kanilang dasal. Hindi ko alam kung gaano ako napasaya nila.
Gustong umiyak, yun lang aking napagtanto sa sarili ko. Iyak nang pagpapasalamat
at kasiyahan.
“Sobra po akong nagpapasalamat sa
aking bagong magulang kapatid at kabiyak nang aking buhay. Kundi po sa kanila
ay hindi ko marerealize na LIFE IS BEAUTIFUL. Kaya po bigyan nyo po sila nang
magandang kalusugan at lakas sa pag-iisip. At sana po ay pagalingin nyo na po
si Rahj...” ang naputol kong sabi.
Umiiyak na pala ako nang mga
sandaling nagsasalit ako. Hindi ko mapigilan ang aking pag iyak marahil ay
ngayon lang ako nakaranas nang ganito at nakarinig nang mga salitang nanggaling
sa aking mga bagong magulang. Mula pagkabata ay tatlong beses ko palang narinig
ang mga ganoong salita dahil busy sila Mommy at Daddy sa trabaho. After ko sa
school ay nagkukulong na ako sa kwarto ko kaya naman napakasaya ko dahil may
nagsabi nun sakin.
Naramdaman ko na lang na may
humahagod sa aking likod. Pag tingin ko ay si Mama pala. Nakngiti ito sakin
nang ubod ang tamis kaya naman lalo akong napaiyak.
“Sana po ay pagalingnin nyo na si
Rahj, dahil hindi po namin kakayanin kung may masamang mangyari.” Ang
pagtatapos ko sa aming dasal. Nagkatinginan kaming lahat at ngumiti kami.
“AMEN” ang sabay sabay namin
sabi.
Pagkatapos nang aming dasal ay
lumapit sakin si Rahj na nakasakay sa wheeled chair. Niyakap nya ang aking
bewang at nagsalita...
“Wag kang mag-alala, maayos ang
lahat sakin pati na rin sa pamilya mo” ang pag-aalo nya sakin.
“Salamat” ang nasabi ko na lang.
Kumain na nga kami nang dala kong
mga pagkain. Pinagsaluhan namin ang dala kong garlic bread and pizza galing sa
resto at rice and menudo sa isang pinoy resto.
“Thank you sa foods James” ang
sabi ni Papa sakin.
“Welcome po Papa” ang sagot ko
naman.
Oo nga pala, di ka ba papasok?”
ang tanong sakin ni Papa.
“Hindi po muna, sasamahan ko
ngayon si Rahj sa therapy nya. Nakapagpaalam narin po ako sa kaibigan kong may
ari ng resto na di ako papasok ngayon hanggang bukas para mabantay si Rahj
before, during at after nang therapy nya ngayon at bukas po” ang nakangiting
wika ko naman.
“Swerte talaga ni Rahj sayo.
Basta pag kelangan mo nang payo, lumapit ka lang samin” sagot ni Papa sakin.
“Makakaasa po kayo” ang pagsagot
ko naman.
After namin kumain ay iniligpit
na namin ni Kuya Drew ang pinagkainan namin samantalang sila Mama at Papa ay
pumunta nang nurse station para maitanong kung anong oras ang session ng
therapy ni Rahj. After namin maglinis ay saktong bumalik na sila Mama at sabi’s
11pm daw ang therapy kaya naman makakapagpahinga pa kami nang ilang oras.
Lumabas muna sila Mama at Papa
para makapag grocery. Naiwan kami nila Kuya Drew at Rahj sa kwarto. Nanuod muna
kami nang movie sa star movies at saktong ang palabas ay Tron legacy kaya swak
samin dahil pare-parehas kami nang trip na panuorin. Di ko napansin na
nakatulog na pala si Rahj saking tabi kaya naman ang ginawa ko ay nilipat ko ang
aking kamay at inihilig ang kanyang ulo sa aking dibdib at saka sya niyakap sa
bewang nya. One and a half hour na kaming nanunuod hanggang sa nakatulog na rin
ako sa ganuong pwesto namin dalawa.
Nagising na lang kami nang
gisingin kami ni Mama para pumunta na sa therapy room para kay Rahj. Kaya
naghanda na kaming lahat para si Rahj.
“Kinakabahan ulit ako” ang sabi
ni Rahj samin.
“Wag ka mag-alala, andito lang
kami” ang sagot ko naman.
Pumasok na nga si Rahj sa room at
naghintay kami sa labas.
30 minutes
1 hour. Wala pang Rahj na
lumalabas kaya naman medyo kinakabahan na ako.
1 hour and 30 minutes.
Lumabas na si Rahj sa room.
Halaang nanghihina kaya dinala na namin sya sa kwarto nya kasam ang doctor at
nurse na nag-aassist samin.
Pagkahiga ni Rahj ay kinausap na
namin ang doktor. Doo namin napag-alaman na konti na lang daw ang cancer cells
kay Rahj kaya naman sobra kaming tuwang tuwan. Lord, thank you po talaga! Ang sabi ko sa sarili ko.
================
MIGUEL”S POV
2pm na pero walang James na nagpapakita samin
kaya naman medyo nabahala na ako. Habang nagseserve ako nang mga pagkain ay
hindi ako mapakali. Andyan ang lalabas ako ng resto para abangan sya kung
nandyan na ba sya. Or pupunta ako nang locker room to check if dumating na sya
pero lagi na lang akong bigo.
“Migs, kanina ka pa balisa. May
problema ba?” ang tanong sakin ni Maam Joriz.
“Wala naman po, si James po kasi.
Hanggang ngayon wala pa. Nagwo-worry na po ako eh” ang sagot ko sa kanya.
Nagulat naman ako sa sinabi kong nagwo-worry ako. Bakit ganun ang lumabas sa
bibig ko. natatanga na ba ako?
“Ah. Nagpaalam sya na di daw sya
papasok ngayon at bukas dahil sasamahan nya si Rahj para sa therapy session”
ang sabi ni Maam sakin. Sa aking narinig ay di ko maiwasang manikip ang aking
dibdib dahil parang hindi magsink in ang pangalang RAHJ. Bakit ba kahit dito sa
america ay may Rahj na nagkalat.
“Ah, ganun po ba, sige po.
babalik na lang po ako sa trabaho ko” ang sabi ko kay Ma’am Joriz.
Bumalik na nga ako sa aking
trabaho pero lutang ang aking isip.
Bakit ba ako nagkakaganito?
Tuwing naririnig ko ang pangalang James ay bumibilis ang tibok nang aking puso.
Tuwing naririnig ko ang boses nya ay napapangiti ako. Noong unang araw nya dito
ay hindi naman ganito ang tibok nang puso ko pero habang tumatagal sya dito ay
nagiiba din ang pattern nang tibok nang puso ko. hindi ko mabigyan nang
pangalan ang mga nangyayaring iyon sakin dati pero ngayon alam ko na ang
pangalan non. PAG-IBIG. Tama, pag ibig na ata ang nararamdaman ko sa kanya. Pag
ibig nga ba? Or infatuated lang ako. Pero mali ito, meron na syang partner at
sobra na syang masaya sa piling nya. Mali naman kung ipaglalaban ko pa ang
gusto ko. isa pa, bakit kinakabahan ako pag naririnig ko ang pangalan Rahj, hindi
kaya sya ang kilala kong Rahj? Pero malabo. Wala sa katangian nun ang umibig
nang isang lalake.
Natapos na nga ang aking trabaho
nang araw na yung pero lutang parin ang isip ko. afer ko makapgbihis ay umalis
na ako nang resto. Habang naglalakad papunta sa aking tinutuluyan ay may
napansin akong pamilyar na babae. Habang papalapit ako dito ay nakikilala ko na
ang kanyang likod at duon ko lang napagtanto na tama nga ako.
“Yvone?” ang tanong ko.
“Yes?” sabay non ay humarap sakin
sya.
“OH, what a small world my dear”
ang sabi nya sakin sabay pulupot nang mga kamay nya sa braso ko.
“Ano ba, alisin mo nga ang kamay
mo sakin” ang pagmamaktol ko.
“Ano ba, hindi mo ba ako
namimiss? Di mo ba namimiss ang ating paglalaro?” ang nakakagagong ngiti nya
sakin.
“Ewan ko sayo. Wala akong alam sa
mga sinasabi mo” ang sabi ko sa kanya.
“My dear, nakakatampo ka huh.
Ilang taon lang tayo hindi nakapg usap pero parang ang laki na nang pinagbago
mo” ang sabi nya sakin.
“Iba na ako ngayon sa kilala mong
Miguel noon”
“hindi na ako basta basta
maniniwala sa mga sasabhin mo! Manloloko ka!” ang sigaw ko sa kanya. Sobra na
akong nairita sa mga ginagawa nya.
“kung makapgsalita ka grabe.
Matapos mo makuha ang gusto mo sakin basta mo ako iiwanan. Sino kaya ngayon ang
manloloko satin?” ang sigaw na tanong din nya sakin.
“Bakit, sino ba ang nanloko satin
na sasabihin mong mahal mo ako kesa kay Rahj”
“Tinuring ko nang kapatid si Rahj
dahil sya ang umaalalay sakin nuong
panahong wala ako sa sarili ko pero ano napala nya?! Pinagtaksilan ko
sya dahil sayo. Kala ko nga mahal mo ko non pero mas mahal mo pa pala ang
katawan ko kesa sa nararamdaman ko!” ang panunumbat ko sa kanya.
Hindi nakapgsalita agad si Yvone
sa sinabi ko. nang makabawi ito ay sinampal ako nito.
“How dare you say that to me. At
pinapalabas mo na ako ang mali? Ganun ba yun?” ang sagot nya.
“Bakit, totoo naman ah!” ang
sagot ko.
“You bitch! Wala kang kwentang
tao!” ang sigaw nya.
Sabay nagwalk out sya.
Pinagtitinginan na kami nang mga tao na nakapaligid samin kaya naman nag ayos
ako nang saril at umalis sa lugar na parang walang nangyari..
Its been a day since sagutin ako
ni Yvone kahapon. Kahit two days ko lang sya niligawan ay pinakita ko sa kanya
na mahl na mahal ko sya. Pero nag iba iyon. Dumating si Rahj-ang aking
bestfried/kapatid na rin- na galit na galit, sinapak nya ako saka minura
nang minura. Hindi agad ako nakalaban sa
kanya. Nang makabawi ay saka ako gumanti. Halos magpatayan na kami sa sapakan.
Naawat naman kami nang mga kapwa estudyante namin at guards na dumating. After
nang inseidenteng iyon ay pinatawag kami sa guidance office. Duon kami
nagpaliwanag at pinatwan si Rahj nang 2 weeks na suspensioon at ako naman ay 1
week lang. Sa isang linggong suspensyon sakin ay laging dumadalaw sakin si Yvone
sa bahay para alagaan ako. Kahit na may pasa ako ay di ko iyon inda dahil
andyan naman si Yvone. Miyerkules nang walang tao sa bahay. Dumating si bahay,
at may dalang isang wine. Nag inuman kaming dalawa hanggang sa nakita na lang
namin ang aming mga sarili na kapwa hubo’t hubad. At yun na nga, may nangyari
samin. Hindi ko iyon pinagsisisihan dahil binigay ko lang ang sarili ko sa
taong mahal ko kaya okay lang. Ilang beses din naulit iyon sa isang buwan
naming pagsasama. Hanggang sa may nangyaring di inaasahan. Narinig ko si Yvone
na nakikipag usap sa phone nya sa labas nang bahay. Nagtatawanan sila at
narinig ko na “Ang galing pala nya sa kama! Pamatay, ang sarap nya. Ang laki pa
nang alaga! Talagang hindi ka magsasawa”. Sa mga narinig ko ay mistulang akong
batong ewan na napako sa kinatatayuan. Lubos akong nasaktan sa kanyang mga
sinabi. all those times na nagsisiping kami ay hndi pala make love para sa
kanya iyon kundi past time lang pala. Kaya naman after a day, hinarap ko sya.
Sinabi ko ang lahat nang dahilan at gulat sya sa mga narinig nya. Mula non,
hindi na sya nagpakita sakin. Lumipat na rin ako nang school para makapg simula
at don ko nga nakilala si Ceejay.
Lubusang napakasakit non para sakin, dahil pinagpalit ko ang aking
bestfriend over that cheap horny and garbage girl na yun. Sinubukan kong
makipag usap pero lagi syang umiiwas sakin kaya nasabi ko sa sarili ko na wala
akong karapatan na sumaya hanggang hindi ako napapatawad ni Rahj. Pero parang
nawala sa isip ko isip ko iyon nang dumatin si Ceejay sa buhay ko.
================
CEEJAY’S POV
Ilang days na lang at gagawin na
ang sunod na operasyon sakin at ang bloodtransfussion. Kaya naman kinakabahan
na ako. Napag isipan kong pumunta sa
kwarto ni Rahj para humingin ng tawad at nagpasama na rin ako kay Mama at Alex.
Hindi naman kami nabigo dahil pinatwad na nga kami ni Rahj. Dumating din si
James kaya pinakilala ko na sya sa aking mapapangasawa na si Alex.
After namin humingi nang patawad
ay umalis na kami at bumalik sa kwarto
ko. habang inaayos ko ang aking gamit ay may nakita akong picture sa bag ko.
pagkakita ko ay bumalik lahat nang ala-ala ko sa kanyang masaya. Kamusta na nga
kaya si Miguel ngayon? Ang tanong na yan ang pumasok ko sa isip ko. sobra ko
syang minahal pero iniwan lang nya ako kaya naman sobra akong nangulila at
nagalit sa kanya. Hindi ko alam kung tama pero may nabuong mga plano saking
isip para lang makaganti kay Miguel. Hindi ko sya hahayaang sumaya dahil gusto
ko maranasan niya kung pano mawalan ng karamay sa buhay at sisiguraduhin kong
iiyakan nya ang pag iwan sakin. Papahirapan ko ang taong kanyang mamahalin
dahil pati sya ay isasama ko sa pagpapahirap. Pero bago ang lahat ay kelangan kong
magpagaling muna para maisakatuparan ko ang aking mga plano.
Pumasok ko sa isip ko na
ipagkumpara si Rahj at Miguel. At nabuo sa image ko ang kanilang mga imahe.
Magkamukhang magkamukha! Walang duda. Pero bakit? Anong meron?
Tinawag na ako ni Alex para
makapagpahinga na para makabawi nang lakas. Sa ngayon, pinag-aaralan ko na kung
paano mahalin sa Alex. Dahil gusto ko nang makalimutan ang aking mga
pinagdaanan sa buhay nang iwan ako ni Miguel. Alam ko may puwang na sa puso ko
si Alex pero di pa ganap na malaki. Lahat naman nag bagay ay nagsisimula sa
maliit. Kaya naniniwala akng matututunan ko syang mahalin.
Alex was always there when times
na kelangan ko nang sandalan na masasandigan. alam ko sa unag pag uusap namin
ay natunugan ko nang may interes sya sakin at nakumpirma ko nga yon. Hinayaan
ko lang sya hanggang sa nagtapat sya at nagtanong kung pwedeng ligawan ako.
Hanggang sa sinagot ko na sya para sana maging panakip butas lang pero kalaunan
ay hindi ko na kayang lokohin sya dahil may nararamdaman na rin ako para sa
kanya. Kaya masaya ako na sabihin nyang papakasalan niya ako.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment