Dahil
sa walang magawa ngayon dito sa bahay kaya naisipan kong dugtungan na yung last chapter. Naisipan ko din lagyan
ng parts ang chapter 21 dahil gusto kong tapusin ang mga conflicts para sa
chapter 22 ay yung climax na ng story na to. Basta, malalaman nyo rin kung
bakit.
Thank you po sa mga bumabasa nang
aking likhang story.
Magpakilala
na kayo mga anonymous and silent readers. 3 more chapters na lang siguro to. Di
ko rin alam. Bahala na. Depende sa mood ko.
Confused ako ngayon eh. Basta.
Don’t forget to to add me on
FACEBOOK/TWITTER.
Thanks.
Enjoy!

=================
JAMES’ POV
Monday na.
January 15, 2005. Kila Rahj ako natulog kahapon since wala naman akong klase
pag Monday. Ganun naman lage eh simula nung bumalik kami mula America. Kapag
Saturday, sa bahay kami natutulog ni Rahj tapos pag Sunday, sa bahay naman
nila. Masasabi kong close na kami ulit ng mga parents ko. Lalo na si Rahj,
Mommy and Daddy na rin ang tawag sa parents ko. Nagkakilala na rin ang mga
parents namin at balae na ang tawagan. Nakakaloko sila. Close agad. At hindi
lang yun, naging magkasosyo pa sila Daddy at Papa sa negosyo na itatayo nila sa
Laguna na Pig Farm. At Sila Mommy at Mama naman ay pag may time, pumupunta sila
sa salon. Nakakatuwang isipin na magkasundo ang bawat side namin nila Rahj.
----------------------
Pinakilala ko na rin si Rahj sa mga realtives
namin at pinsan ko noong nagdaang Christmas. Sa una, medyo shock sila kasi
hindi nila akalain na ma-iinlove kami parehas ni Rahj sa isa’t isa. Kahit kami di
namin naiisip na magkakaganun, basta nangyari na lang ng kusa. Madali naman
naging ka-close ng mga pinsan ko si Rahj, actually, parang mas magpinsan pa nga
sila kasi may nakikipagtawanan pa si Rahj sa kanilla compare sakin. Ganun din
naman ako pero hindi ako masyadong malapit sa kanila. Hindi rin naman ako yung
unang nagsasalita pag kasama nila kaya nga ‘loner’ ang tawag nila sakin eh. Sa
side naman ni Rahj, pinakilala na rin nya ako. Some accepted us, and some are
not. Di daw nila maatim na magkakaganun si Rahj. Take note, pasko nun huh pero
parang summer ang dating sa kanila sa sobrang tingin nila samin ni Rahj habang
kumakain kami. Pero sabi nga nila, kahit gaano pa katigas ang isang tinapay,
lalambot pa rin ito sa isang mainit na kape. Noong kinagabihan kasi, napansin
kong hindi nagkakasundo yung isang Tita at Tito ni Rahj sa pamumuhunan sa
negosyo nila. Kesyo nalulugi daw, nawawalan daw ng customers. Syempre ako
naman. Bilang isang accountancy students at may alam din naman sa pagnenegosyo,
nagpresinta ako sa kanila na ayusing ang mga bagay bagay sa negosyon. Pinayuhan
ko sila sa mga do’s and don’ts. Hanggang sa natapos na ang celebration namin
nung kinagabihan sa kanila ay ang mga relatives pa niya mismo ang naggood luck
samin sa realtion namin ni Rahj. Nakakataba ng puso na marinig mula sa kanila
yun. Narinig ko rin na..
“Ang swerte ni Rahj sa kanya, bukod sa simple
lang, magaling at madiskarte pa pagdating sa negosyo.” Sabi nung tita nya.
“Tama! Mali ang panghuusga natin sa kanila
nuong una pero hindi sya nagpaapekto. Bagkus pa ay tumulong pa nga.” Gatong
naman ng isa nyang Tita.
Diba, panalo ako. Saved by my great utak!
Since ang bahay nila Rahjj ay sa may Imus pero
ang mga realtives at ancestral home ng mga parents nya ay sa Gen. Trias Cavite,
napagpasyahan na dun na lang kami matulog kasama ang mga pinsan nila sa isang
kwarto. Napakagulo namin. Before kami matulog ay nagkwentuhan pa kami. Topic?
Syempre, kami. Bininyagan din nila ako bilang isang true member ng kanilang
family. How? Putcha! Ipinalaman nila ako sa comforter kasama si Rahj.
Magkayakap kami ni Rahj tapos pinagulong sa comoforter namin. Then dinag-anan
nila kaming dalawa. Hindi naman masakit. Enjoy pa nga eh. Nakakatuwa sila.
Napagpasyahin din namin maglaro kami ng spin-the-bottle. Unang tumapat sa
pinsan niya na si Kuya Ricky, sunod kay Kuya Bryan, sunod kay Thea, sunod kay
Phoebe then kay Ate Frances. Sunod, ang inyong lingkod. Pero di naging ganun
lang. Kelangan daw parehas kaming sumagot ni Rahj.
“Ang tanong, nagsex na ba kayo ni Rahj? Sino
yung umano at nagpa-ano?” ang walang kagatull-gatol na tanong ni Kuya Bryan at
sinang ayunan naman nila. Putcha! Anong kklaseng tanong to? Ano isasagot ko?
Gosh!
“Huh? Seryoso?” ang nai-bulalas ko agad sa
kanila.
Parang may anghel na dumaan samin dahil sa
hindi kami makasagot agad ni Rahj. Nagkatinginan muna kami ni Rahj, napangiwi
ako sa naging reaksyon niya. NAKATAWA SAKIN SI KUMAG. Buset ka Rahj! Pag sinabi
mo, wala na akong mukhang ihaharap sa kanila! Please! Wag!
Lumingon si Rahj tapos nagbigay ng isang
ngiting abot hanggang tenga. OKAY! I’M DEAD. Ang nasabi ko na lang sa sarili
ko. Nagsigawan silang lahat. BALIW LANG? Sila Phoebe at Thea ay napatakip sa
kanilang bibig at ang ekspresyon nang kanilang mga mukha ay hindi makapaniwala.
Sila Kuy Bryan at Kuya Ricky ay todo sigaw dahil hindi parin makapaniwala
habang tumatawa ng pagkalakas-lakas. Habang si Ate Frances naman ay ayun,
nakatunganga samin. Nagpipigil ng sigaw.
Lumingon ako kay Rahj at tumgin ito sakin.
Tapos ngumiti sakin at nag-PEACE sign. Sabay sabing “Peace James” habang
nagpapacute sakin. Ouch! Nakakahiya! Pinalo ko si Rahj ng sa kanyang balikat
tapos ay lumapit ako sa kanya at bumulong...
“Kaasar ka, nakakahiya oh” bulong ko sa kanya.
“Wag ka mag-alala, di naman madaldal yan saka
matured na yang mga yan.” ang sagot naman niya sakin.
“uyy, nagbubulungan pa sila oh, maybe they
need privacy for each. What do you think guys?” ang sabi ni Phoebe. “
“Naku Phoebe, wag ka ganyan, ambait mo talaga,
promise, ang ganda pa.” Ang pambobola ko sa kanya. Alam ko kung ano gusto nila
palabasin pero deadma lang ako.
“Agree ako dyan. Tara!” ang gatong ni Kuya
Bryan. Agad silang tumayo at dali-daling pumunta ng labas. Tatayo sana ako pero
kinabig ni Rahj ang kaliwang braso dahilan para mapasungaba sa kanya. At sa
dibdib pa nya ako napasungaba. Ngumiti sakin si Rahj at hinalikan ako sa ulo.
Natawa naman ako sa kanya kasi alam ko na ang iniisip nito.
“Tama naman sila. We need privacy eh. Gusto mo
naman diba?” sabi sakin ni Rahj habang nakangiti parin siya ng sobra.
“Ano ka ba? Nakakahiya, dito pa tayo sa bahay
ng lolo’t lola mo ma-“ ang naputol ko na lang na lintanya kasi pumasok ulit
sila Kuya Bryan. Natigilan naman sila ng makita nila kami sa ayos namin. Kaya
napabalikwas kami ng wala sa lugar.
“Walang pang isang minnuto ha!” ang sabi ni
Thea na natatawa.
“Pambasag kayo ng moment, alam nyo yun?” ang
nasabi na lang ni Rahj. Parang tanga lang, seryoso.
“Dito na kami matutulog. Tuloy nyo lang yan.”
ang tatawang sabi ni Kuya Ricky samin. Syempre, tumigil kami ni Rahj. Kaya
humiga na lang kami pare-parehas. Magkakatabi kami sa room na yun. Di uso ang
kama sa room na yun kasi pinasadya talaga na japanese style yun para sa mga apo
ng mga lolo’t lola ni Rahj dahil malimit ay magkakasama silang natutulog sa
iisang kwarto. Kaya at home talaga ako sa kanila.
Habang naghihintay kami pare-parehas na dapuan
ng antok ay nagsalita si Phoebe.
“Gaano mo kamahal si Kuya James, Kuya Rahj?”
gaano nga ba ako kamahal ni Rahj? Ang sabi ko na lang sa sarili ko. tumingin
ako kay Rahj dahil interesado ako sa isasagot niya. Alam ko naman kung gaano
pero gusto ko marinig mismo sa bibig niya. Di parin sumasagot si Rahj bagkus ay
patuloy parin siya sa nakatingin sa ceiling.
“Simple lang. Parang katulad ng isang hangin.
Patuloy lang sa pag-ihip. Hindi kelan mawawala. Dahil kapag nawala, ikamamatay
ko.” ang sabi ni Rahj. Speechless ako. No words can explain sa nararamdaman ko
ngayon. Mahal din kita Rahj. Ang nasabi ko
lang sa sarili ko.
Bigla siyang tumingin sakin. Tapos ay bumangon
sa pagkakahiga. Napabangon din ako sa pagkakahiga pati rin sila Kuya Bryan at
Ricky, si Ate Frances at sila Thea at Phoebe.
“Ganyan ko sya kamahal. Kahit na mali sa
paningin ng tao. Hindi ako matitinag dahil gagawin ko pa itong sandalan para
ipaglaban at gawing tama sa paningin nila kahit mahirap.” Tapos ngumiti ito sakin.
Ngiting alam mong sincere.
“Wala akong masabi. Promise!” ang nasabi na
lang ni Ate Frances. At sinang ayunan naman nila.
“Eh ikaw Kuya James, same question, gaano mo
kamahal si Kuya Rahj?” ang tanong lang ulit ni Phoebe pero this time ako naman
ang kelangan sumagot.
“Nakakabaliw.” Ang maikling sagot ko dito.
Napatingin naman silang lahat sakin pati si Rahj at ang mga mukha ay
nagtatanong.
“Hindi ko sya kayang mawala at sa puntong
mawala sya sakin ay ika-babaliw ko ito. Ikakasira ng ulo ko. Kaya
pinapanalangin kong sana forever na to. Diba sabi, good things lasts?” Ang sabi
ko. hindi ko alam kung bakit ako naluluha noong sinabi ko yon. Hindi natin
masasabi kung forever na nga ba ang relasyon meron kami ni Rahj. Kaya
nananalangin ako lagi before matulog at pagkagising. Nagpapasalamat kasi katabi
ko parin si Rahj sa higaan. Kayakap ko sya. Masaya. Parang nasa cloud 9 na ako
kapag ganun.
Niyakap naman ako ni Rahj. Hinagod nya likod
ko hinalikan sa noo.
“alam ko at alam natin parehas na forever na
tayo diba?” tanong niya sakin. Kaya naman tumango lang ako bilang sagot ko sa
kanya.
“So will you be my good thing?” ang tanong
niya sakin.
“Anong ibig mong sabihin?” balik kong tanong
sa kanya.
‘Will you be my good thing? Yes or No lang”
ang ulit niya.
“Yes!” sagot ko kahit di ko nagets ang tanong
niya sakin.
“Fine! Good things lasts nga diba? And you’ll
be that good thing” sagot nya agad sakin. Napasubsob naman ang ulo sa dibdib
nya dahil kahit nakakatawa ang sinabi nya ay napaka sweet naman.
“Thanks. Gets ko na” sagot ko naman sa kanya.
Kaya naman yumakap ako dito ng sobrang higpit.
“I guess lahat ng questions namin sa inyo ay
nasagot na ninyo.” Ang biglang sabi naman ni Kuya Bryan.
“What do you mean?” tanong agad ni Rahj
“Wala naman. Noong una lang kasi ay
naguguluhan kami sa inyong dalawa. Kung ano ang nakita nyo sa isa’t isa. Kung
anong meron sa inyo. Actions speaks louder than voice nga diba? And no words
can explain sa mga katanungan namin. At nasagot naman ninyo yun at sa palagay
namin tama na ang mga nakita namin at narinig para lubusang tanggapin na may
bago kaming pinsan.” Ang mahabang paliwanag ni Kuya Bryan.
-----------------------------------
Natutuwa
akong balikan ang mga experince kong yun sa piling nang bawat pamilya namin.
Tanggap na nila kami at nauunawaan nila kami. Wala kaming naririnig na
pangkukutya mula sa kanila bagkus ay todo suporta pa sila samin.
“Tara na?”
tanong sakin ni Rahj.
“Okay”
sagot ko dito.
Katatapos
lang naming mag agahan kasabay nila Papa at Mama. si Kuya drew naman ay maagang
umalis kaya di namin kasalo. Si Miguel naman ay kasabay ni Kuya Drew. Magkasama
silang dalawa sa isang university sa Manila. Agad kaming nagpaalam kila Papa.
Syempre, bago umalis, sandamakmak sa paalala ang binigay nila samin. Bawal daw
maglambingan while driving at bawalg magholding hands while driving, ganyang
sila lagi pag-aalis na kami. May isa pang malupit eh, sa sobrang supportive
nila ay parehas na kaming nahihiya sa sinasabi nila...
--------------------------------
Lahat kaming nasa sala, nanunuod ng Rated K.
Nakakatuwa yung mga pinapanuod, limot k nga lang ang toppic. Basta maganda.
Natapos na namin itong paunorin kaya nilipat ni Kuya Drew sa star world, ang
palabas, Titanic. Ang scene ay yung sex scene nila Jack and Rose. Nakakatawa
kasi yun pa yung naabutan naming scene.
“Antok na ko” ang malakas na pagkakasabi ni
Rahj. Kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya.
“Peace” sabi niya sabay peace sign.
Syempre kami, patuloy parin sa panunuod pero
tapos na yung sex scene nila. Nandun na kami sa part na nahati na yung barko
into two. And again...
“Antok na talaga ako” ulit ni Rahj. Again,
napatingin ako sa kanya.
“Tara na, tulog na tayo” ang aya sakin ni
Rahj.
“10 more minutes please?” sabi ko sa kanya.
“I can’t wait. Gusto na kitang mayakap eh”
sabi niya sakin.
Kaya naman bumulong ako dito “ Maghintay ka
kung gusto mo na akong mayakap”
“Payakap huh” sabi nya sakin at biglaan akong
niyakap. Napasinghap naman ako sa ginawa niya kaya napatingin sakin sila Mama.
“Antok na daw po. hehe” sabi ko sa mga ito.
Di ko pinansin si Rahj na nakaulo sa likod ko.
kaya naman natappos na ang pinapanuod namin ay tinamaan na rin ako ng antok.
Tiningnan ko si Rahj at ayun,, tulog na sa likod ko. ginising ko ito at
sinabing matutulog na kami. Eto namang si kumag, ayun, abot langit ang ngiti.
“nakarinig ka lang na matutulog na tayo sobra
ka naman makangiti” ang pagpansin ko dito.
“Syempre, masosolo na kita” ang sabi naman
nito sakin.
“Baliw!” ang tatawang sagot ko dito.
Kaya naman magkabuntot kami ni Rahj na papunta
sa room namin habang kasabay namin sila Mama.
“tulog na po kami” ang paalam ko sa kanila.
“Good night din” sabi ni Mama samin.
“bawal maganuhan ha! Baka magka-apo kami nang
wala sa oras. Patay kayo samin” ang sigaw naman ni Papa.
Natigilan naman kami ni Rahj sa paglalakad.
Napatingin sa kanila. At nakita kong nakangiti ang mag-asawa. My Goodness!
Magkakakamag-anak nga sila nila Kuya Bryan, mga liberated na
“matulog lang kayo ha, pwede na kayo magsolo.
haha” ang sabi ulit ni Papa samin sabay kindat.
“Papa talaga!” ang pagsita naman ni Mama kay
Papa. Natawa naman si Mama sa sinabi ni Papa. Kaya naman agad kaming pumasok
parehas sa kwarto ni Rahj.
-------------------------------
Oh diba!
Nakakahiya yung mga sinabi nila samin. Kala naman nila... sobra lang. :]
Agad
kaming sumakay ni Rahj sa kotse na dala ko. Ako driver at sya naman sa tabi ko.
Malapit lang naman school nya eh. Mga 1 hour drive lang sa tantya ko. sa Las
Pinas kasi ang campus nila eh, hindi sa main. Syempre, ako tong si mr.
Congenialoty kuno, hinatid ko si Rahj hanggang sa loob ng campus nila. Hanggang
sa classroom nila hinatid ko. ewan ko ba kung bakit ko naisipang ihatid sya.
Almost 5 months na ata syang late sa klase nila at sa pagkakaalam ko ay 3rd
grading na sila. Umalis kami ng pinas na mag-start pa lang 1st grading nila. So
kelangan nyang maghabol. Kagaya niya. Late na rin ako sa klase namin. Final
grading na kami at kakatapos lang ng midterm nila sa 2nd sem. Kaya late ako ng
isang sem. Kaya naman isa-summer ko na lang yung di ko nakuha na units.
“Hi, good
morning” ang bati ni Rahj sa mga classmates niya ng makadating kami na room
niya. Masasabi ko na napaganda ng room nila, maayos, refreshing ang labas,
malamig naman sa loob kasi naka-AC.
“RRRAAAAHHHJJJ!!!”
ang sigaw ng mga ito ng makita nila ito.
Agad na pumunta sila sa kinatatyuan ni Rahj at agad na nag group hug.
“Miss ka
na namin!” ang malaks na pagkakasabi nung classmate nila na babae.
“Kamusta
ka na? Okay ka na ba?” tanong naman nung isang lalake.
“Okay na?
Wala ka nang sakit?” tanong naman nung isa.
“Okay na
ko. Wala nang sakit. Pwede na ulit tayong makapagkwnentuhan, makapagkulitan,
makapaglaro, makapagasaran” ang sabi ni Rahj. Napansin kong nagpahid siya sa
mata ng kamay niya. Siguro naiiyak.
Matagal pa
silang nagyakapan at nagbatian hanggang sa napansin na ata nung isang classmate
nya ako.
“Sino
sya?” ang tanong nung isang babae sabay turo sakin. Lumingon naman si Rahj
sakin at ngumiti. Tapos lumapit sakin at umakbay.
“Sya ba?
Sya ang taong kasama namin sa America. Nagbantay, nag-alaga sakin at kasama ko
sa hirap at ginhawa ng buhay ko.” sabay ngiti sa kanila. “Classmates, meet
James” pagpapakilala niya sakin sa mga kaklase niya.
“Hello po”
ang nakangiting sabi nila.
“James
meet, Donn, another James, Ivy, Kathleen, Samboy, Kris, Christian, Sandra,
Carlo, Mathew and the two of them” sabay turo sakin dun sa dalawang babae na
feeling ko kilala ko eh.
“Hi James”
ang bati na sabay sakin nung dalawa. Wait, kialal ko sila eh. Sino nga ba ulit
sila?
“Phoebe!
Thea!” ang naalala kong pangalan nila.
“Yes!
Hindi mo na ata kami naalala eh” ang sabi nung dalawa. “Syempre naaalala ko pa
rin kayo no” ang nakangiting sabi ko naman sa kanila.
Nagkwentuhan
muna kami ng ilang minuto. Pinakilala pa ako ni Rahj sa iba pa niyang mga
classmates. Pati sa mga teachers pinakilala niya ako nung sinamahan ko siyang
pumunta sa faculty room at nagbigay ng health letter niya. Pati mga teachers
nya ay napakasupportive sa kanya. Palibhasa mabait at magaling sa klase kaya
okay lang sa kanila na umabsent ito. Pinakilala din ako ni Rahj sa mga ito.
Matapos yun ay inihatid ko ito sa classroom niya sa 4th floor. Habang umaakyat
kami sa hagdan ay naririnig namin ang mga bulungan ng ibang kasbay namin na
estudyante.
“Siya ba
yun?” tanong nung isang babae.
“Oo, sya
si Rahj. Yung sa Dance club. Pero di ko kilala yung kasama niya eh.” Sabi naman
nung isa pang babae.
“Wag mo
silang pansinin.” Sabi sakn ni Rahj. “Mga trying hard yan na magpapansin sakin.
Ewan ko ba kung bakit na lang ako
pinagtitinginan ng ibang mga estudyante.
Nakakasawa na nga eh” ang sarkastikong saki ni Rahj.
“Di ka
naman nagyayabang ng itsurang yan no?” sarkastong tanong ko dito sabay ngiti na
nakakagago. Imbes na sumagot ay ngumiti lang sya. Hanggang sa makarating na
kami sa classroom nila ay ay pinagtitinginan pa rin sya ng ibang mga babae at
binabae na estudyante sa school nila. Mga ilang minuto lang ay may dumating
ulit na estudyante. Kilala ko sya. Kilalang kilala ko. hanggang dito ba naman
sinusundan kami neto.
“Hi Rahj”
ang bati nya samin.
“Yvone?”
ang sabay namin sabi ni Rahj. Parehas kaming nagtataka kung pano sya napapunta
ng Pilipinas, ang alam ko kasi ay nakakulong siya sa America dahil na rin sa
binangga nila ni Ceejay si Miguel.
“Oh bakit?
Parang nakakita kayo ng multo?” ang nakangiting wika ni Yvone.
“Kasi..
bakit...?” ang tangin nasabi ko na lang. Samantalang si Rahj ay masama ang
tingin kay Yvone.
“Di pala
namin sayo nasabi Rahj, nagtransfer sya ulit dito satin nung week na umalis
kauo papunta America. Di na namin nasabi sayo kasi di namin alam kungpano ka
mako-contact.” Ang singit ni Phoebe sa pag-uusap namin. Alam nila ang mga
nangyari samin habang nasa america kami.
“Basta,
ipapaliwanag ko na lang sa inyo kung pano pag dumating ang tamang panahon.
Pasok na tayo. Andyan na si Ma’am Fonte” ang sabi ni Yvone samin. Lumingon kami
at nakita nga namin yung teacher na naglakad at mukhang samin nakatingin. Kaya
naman nagpaalam na ako sa kanila.
“Rahj,
sige. Uwi na ko. papasok pa ko mamaya. Ingat ka, wag magpapagod” sabi ko dito
at nagpaalam na nga.
“Sige
ingat ka ha” tugon nito sakin. Kaya naman agad akong naglakad pababa ng
building. Kahit sa hagdan ay mga estudyante parin nag-uusap tungkol kay Rahj.
Pati ako nadamay na sa usapan nila.
”Siya ba yung tinutukoy ni Yvone?” sabi nung
isang binabae.
“Siya siguro, ang lakas ng loob na magpakita
pa kay Yvone eh samantalang inagawan lang niya si Yvone kay Rahj.” Gatong pa ng
isang binabae.
“Tanda na nga sa bata pa pumapatol, tapos kay
Rahj pa. Nakakahiya! Pwe!” sabi naman nung isang babae na nakita namin kanina
lang habang paakyat ng hagdan.
“Okay,
wala ako narinig” sabi ko na lang sa sarili ko. agad na nagvibrate ang phone ko
at nang makita ko kung sino nagtext ay nagregister ang name ni Rahj.
1 new message received.
Rahj ko
Jan. 15, 2005
“Wag ka mag-alala. Hindi ako magpapa-apekto sa
mga sinasabi ni Yvone na yun. Ingat ka sa pagbaba ng hagdan sa may kaliwang
side ng building, madami jan bading. Baka mabiktima ka! Walang matitira sakin.
Madami din dyang mgma chismosa na babae at bading na ka-close ni Yvone. Ingat! I love you. Keep safe. GB
<3” text sakin ni Rahj.
Napangiti
naman ako after ko mabasa yung message na yun. Pero after nun, napaisip ako
kung anong side nga ba to nang building. Nang napagtanto ko, left side pala.
SH*T! Kaya pala ang daming nagchi-chismisan
at mga bading. Tss.
Time
check. 8:00 am. There’s two more hours before my 10:30 am subject. Kaya naman
swabe lang pagpapatakbo ko sa kotse. Pag may pasok, sa condo ko ako naglalage.
Pero pag wala, ay sa bahay namin pag weekdays then kila Rahj pag weekends,
ganyan ang siste namin. While driving from Las Pinas papunta Makati. Eto na
naman ako, my favorite hobby, ang magmuni-muni.
------------------------------------
“Regarding with the car accident, the main
suspect is Ms. Yvonce Cabral and her accomplice Christian Jhay Samaniego” ang
sabi nung police na pumunta sa room ni Miguel. Walang akong masabi ng marinig
ko ang pangalan ni Yvone, pero lalo na nung narinig ko ang pangalan ni Ceejay.
Bakit? Yan agad ang tanong na pumasok sa isip ko.
“Oh my god” ang tanging nasabii lang ni Mama.
“Yvone Cabral?!” ang naibulalas ni Papa
“Pero bakit. Alam ko galit sya kay Rahj pero
bakit nya kelangang gawin iyon?” ang tanong ni Papa samin.
Hindi agad kami makasagot kasi hindi namin
alam ang isasagot sa tanong na iyon. Kahit kami di namin alam kung bakit. Isa
lang ang naiisip kong dahilan sa tanong na yon, marahil yung lang pero si
Ceejay, hindi ko alam kung bakit.
“Dahil po sakin Papa” sagot ni Rahj sa tanong
niya.
Kaya naman napatingin kaming lahat kay Rahj,
pati Mama ni Miguel at yung kapatid niya. “What do you mean dahil sayo?” ang
agarang tanong ni Papa sakin.
“Dahil mas pinili ko si James over her.
Pinagpipilitan niyang mas karapat dapat siya sakin over James. Hindi ko
maintindihan kung bakit niya ginagawa iyon. Pero yung ang sigurado ko. galit
sya sakin” ang sabi ni Rahj. Mali it. Ako dapat ang nagsasabi nun. Sakin naman
talaga galit si Yvone pero inako ni Rahj. “Huy! Ano ka ba? Ako dapat ang
nagsasabi niyan” ang puna ko dito. Ako naman talaga h. Dapat ako.
“Nagkakamali po kayo. Ako po talaga ang
dahilan ni-“ naputol pang aking sasabihin pa dahil nagsalita ulit si Rahj.
“Dahil po sakin kaya nabangga si Kuya Miguel.
Hindi po sana siya magkakaganyan kung hindi ko sya napagsalitaan ng masama. Di sana
siya magkakaganyan kung nagkaintindihan kaming dalawa sa pinasok namin gulo.
Siguro po yan ang paraan niya para sabihin mali ako at tama siya. Hindi ko po
sinasadya” pagpapaliwanag pa ni Rahj. Umiyak si Rahj after nang sabihin iyong
mga salitang iyon. Ewan, naguguluhan na ako sa nangyayari.
“H’wag ka nang umiyak hijo. Hindi mo naman
kasalanan. Walang may kasalanan nito. Ang dapat nating gawin natin ngayon ay
ipanalangin natin na gumaling na si Miguel. At saka pabayaan na natin ang korte
na humusga sa mga yon” ang sabi nung Mama ni Miguel.
“Tama na yan. ssshhh. Tahan ka na Rahj, masama
yan sa kalusugan mo” ang pag-aalo ni Mama. nilapitan ko ito saka ko tinabihan
sa pagkakaupo niya. Hinagod ko ang likod niya at saka inalo din katulad ni
Mama.
“Tama sila Rahj, walang may kasalanan” sabi ko
dito. Ano ba yan,, ano tong mga pinagsasabi ko? eh ako nga ang may kasalanan
tapos ngayon parang ipinapasa ko kay Rahj ang kasalanan ko. You’re crazy James!
Kinasuap ni Papa ang mga police. At
nagkasundong pag gising ni Miguel ay saka na lang bumalik para makunan ng
statement. After umalis ng mga police, napagkasunduan namin na umuwi muna at
kinabukasan na lang ulit bumalik. Ang naiwan lang ay si Papa, Mama ni Miguel at
Kuya niya.
Pare-parehas kaming mga pagod pagkarating ng
hotel. Pero si Rahj ay nakatulala lang sa tapat ng bintana ng kwarto namin.
Kaya nilapitan ko ito at yumakap sa
likod niya.
“Wag mo masyadong dibdibin Rahj, andito lang
ako para sandalan mo” sabi ko dito.
“Kasalanan ko kasi James eh. Kung noong una
palan talaga ay pinakinggan ko na ang dahilan niya eh di sana masaya tayo
ngayon. Kung noong nagpapagamot pa ako dahil sa cancer na ito ay kinaya ko pero
ngayon di ko ata kakayani.” Pagpapaliwanag nito sakin.
“Kaya mo yan Rahj, dito lang kami sa likod mo.
Susuportahan ka namin” sagot ko dito.
“Pero KAPATID KO YUN! DAHIL SAKIN KAYA SYA
NAGKAGANUN!” ang sabi niya, tumaas na ang tono ng boses nya at medyo galit ata.
“Wag mo naman akong sigawan” sabi ko sa kanya.
“So-sorry” ang sabi nya tapos ay humarap sakin
at yumakap na rin. Inihiga niya ang ulo niya sakin at umiyak. Umiyak lang siya
ng umiyak.
“Sige, ilabas mo lang yan. wag mong dibdibin,
baka magkasakit ka nyan sa puso” sabi ko dito. Kaya naman inilabas talaga niya
ang saloobin niya umiyak na pparang bata siya.
“Naging masamang kapatid ba ako?” tanong niya
sakin.
“Hindi naman ah, bakit mo natanong?” sagot
kong tanong dito.
“wala naman, naisip ko lang, kasi siguro ito
yung parusang bigay sakin ng Diyos” ang sagot nya sakin.
“Wag ka mag-aalala. Dito lang kami sa tabi mo”
tugon ko dito.
“Salamat” sabi nya sakin at inihiga nya ulit
ang ulo nya sa balikat ko.
Afte rnun ay napagpasyahan namin na matulog
na. Magkayakap kaming natulog. Gusto ko iparamdam sa kanya na sinusuportahan ko
sya sa kung anuman ang pinagdaaan niya ngayon.
“Thank you pala” banggit ko dito ng makahiga
kami
“Salamat san?” tanong nya sakin.
“Kasi ikaw ang umako ng kasalanan imbes na
ako. Ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit sya nabangga. Kung hindi
sana ako agad nagwalk out eh di hindi sana sya mababangga” paliwanag ko dito.
“Hindi mo naman talaga kasalanan. Walang may
kasalanan. Nagkataon lang nga siguro yung mga nangyari. Hindi natin kagustuhan
iyon” paliwanag niya.
“Basta thank you” pagpipilit ko dito. Hindi na
sya sumagot kaya naman hindi na ulit ako nagsalita.
Unti unti, pumipikit na ang mga mata ko.
hanggang sa tuluyan na akong nakatulog na kayakap ay Rahj.
Nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw,
pag-mulat ko ay kitang kong bukas ang pinto papunta terrace ng kwarto namin, at
nandun si Rahj, nakaupo at nagkakape.
“Good Morning” bati ko dito.
“Good Morning din” sagot nya sakin.
“Sila Mama, andyan pa ba?” tanong ko dito.
“Andyan pa naman, bakit?” balik nyang tanong
sakin.
“Wala naman, anong oras pala tayo babalik ng
hospital?” tanong ko ulit dito.
“Hindi muna ako sasama, pupunta akong police
station ngayon, gusto ko sana makausap si yvone bakit nya to nagawa at pati na
rin si Ceejay” seryosong sagot niya sakin. Medyo nabigla ako sa kanyang sagot dahil
mukhang gusto nga nya talang gawin iyo. Hindi na lang ako sumagot dahil alam
kong hindi ko sya mapipigailan. Kilala ko na si Rahj, sya ang taong pagginusto
hindi titigil hangga’t di nakukuha ang gusto.
“Samahan na kita, gusto ko rin silang makita
at makausap. Anong oras ka ba pupunta?” mungkahi ko dito at tanong na rin.
“Mamayang 10am” sagot nya sakin.
“Good, then magluluto muna ako. Tawagin na
lang kita pagkakain na, okay?” sagot ko dito, ngunit di naman sya sumagot kaya
naman lumapit ako dito at tinapik. “Okay?” ang ulit ko dito.
“O-Oh sige” ang utal niyang sabi. Mukha ngang malalim ang iniisip kaya lumabas na muna ako para makapg isip siya ng ayos.
Naabutan ko naman si Mama na nagcha-cop na ng
mga ingredients na lulutuin, mukhang filipino food ata ang lulutuin.
“Good morning po Mama” ang nakangiting wika ko
dito.
“Good morning din. Aga mo atang nagising ah.
Kamusta tulog niyo ni Rahj? Kamusta si Rahj?” sabi sakin ni Mama. Ka-aga-aga
niratrat agad ako ng mga tanong. Bull’s eye agad ako. Di ko alam isasagot.
“Okay naman po tulog namin ni Rahj. Si Rahj
naman po, ayun, nasa may terrace, nagkakape at mukhang malalim ang iniisip”
sabi ko sa kanya.
“Naawa nga ako dyan eh, after nya gumaling
mula sa sakit at maging stress-free na ulit ay bumalik na naman sa pagiging
lungkutin simula kagabi.” Sabi ni Mama.
“Ako nga yin po eh, naawa na sa kanya. Hindi
ko alam kung pano ko sya aaluin eh” sagpt ko naman dito.
“Kaya nga laking pasasalamat ko at dumating ka
samin kasi minsan ay di ko sya natitingnan dahil na rin sa pagod.” Sagot ni
Mama.
“Naku, wala naman po yun. Mahal ko po eh” ang
nakangiting wika ko sa kanya. Tumingin sakin si Mama at ngumiti ng ubog ng
tamis.
“Bakit po? may nasabi po ba ako?” ang tanong
ko sa kanya.
“Wala naman, natutuwa lang ako at nakilala ka
ni Rahj. Thank you talaga” ang sagot ni Mama sakin. Imbes na saumagot ay
ngumiti lang ako dito.
“Tulungan ko na po kayong magluto, ano po ba
ang lulutuin pala?” ang mungkahi ko dito.
“Pinakbet at adobo, dadalhin ko mamaya sa
hospital” sagot ni Mama. “Sige po, ako na lang ang bahala sa pagluluto. Hindi
po niyo natatanong na sararp na sarap ni Rahj dyan pag nagluluto ako sa bahay”
sabi ko kay Mama.
“Talaga? Eh hindi nga kumakain ng gulay yan
eh” sagot ni Mama sakin.
“Talaga po?” balik kong tanong dito..
“Hindi talaga kumakain yan, kahit anong gawin
namin. Ayaw, ikaw lang pala ang solusyon” sabi ni Mama sakin.
“Siguro nga po. hahaha” sagot ko dito at
tinulungan ko na nga magluto.
9 am kami natapos magluto. 1 hour before kami
pumunta ni Rahj papuntang police station.
Naunang umalis sila Mama at Kuya Drew samin.
Kaya kami na lang ang natira ni Rahj. Agad kaming kumain at nagready.
Habang nasa taxi kami ay hinawakan ko ang
kamay ni Rahj na hangang ngayon ay nanlalamig.
“Ready ka na ba?” tanong ko dito.
“Me-medyo” sagot nya sabay ngiti.
Nakarating kami ng police station, at agadn
namin kinausap yung jail guard. Pinapunta na kami sa waiting area. After few
minutes tinawag na kami.
Nakita namin si Yvone na nakauspo na sa
kabilang side. Only fiber glass lang ang divider namin at isang telepono lang
ang nagiging medium namin para mapakinggang ang sinasabi.
“Yvone!” ang panimula ni Rahj.
Itutuloy...
PS: makgpakilala na sana kayong mga silent
readers and authors. Malapit na ang ending nito. After ng mga conflicts ay
climax na kasi then the ending. Please.
No comments:
Post a Comment