Friday, April 20, 2012

Ako'y Sa'yo at Ika'y Akin Chapter 17


Thank you po sa mga bumabasa nang aking likhang story.


Special Mention:Thanks po kay EA sa pagpromote ng story ko.


Salamat po samga nagcko-comment na readers ang nagbabasa.


Isa pa, ang hirap gawan ng narration ni James. Nahirapan akong gawan siya. Hindi ko alam kung tama ba yung pagkakagawa ko nun para sa kanya. Haha.


Don’t forget to to add me on FACEBOOK/TWITTER.


Thanks.


Enjoy!


=================

RAHJ’S POV

I guess its been 3 months since dumating kami dito sa America para magpagamot and luckily maganda ang feedback ng treatment ko. almost all of the cancer cells ay eliminated na. Which means, few treatments na lang ay completely good na ko. Sobra akong natutuwa dahil in no less than a month. Ay makakabalik na ako ng Pinas. Pero di pa sure yun, kelangan ko munang dumaan daw sa two tests na isasagawa sakin ng aking doktor para makasiguradong ligtas na ako sa cancer.

Today is Wednesday. 7:30am. Una akong nagising kila Mama. naririnig ko nanaman kasing umuungot si James. This fast few weeks ay lagi na lang syang nagkakaganyan. Its either umuungol sya or biglang magigising na lang sa pagkakatulog at pawis na pawis kahit naka on naman ang air conditioner ng kwarto ko.

“Hoy James! Gising!” ang pagyugyog ko sa kanya. Ngunit hindi ko parin ito magising kaya naman binasa ko ang aking kamay ng malamig na tubig at saka nilapat sa mukha ni James. Dahil dun ay nagising na nga sya.

“Okay ka llang ba?” ang tanong ko sa kanya. Tinabihan ko sya sa sofa kung saan sya nakaupo ngayon. Hindi naman agad nakasagot si James sa tanong ko kaya inulit ko ulit ang tanong ko sa kanya.

“Okay ka lang ba?” pag uulit ko sa tanong ko sa kanya.

“Ha? Oo, okay na ko” ang sagot ni James, halatang balisa ito dahil sa panaginip nya.

“Nag-aalala na ako sayo huh, noong nakaraang linggo ka pa nagkakaganyan. Laging masama ang panaginip. Worried na ko. ano ba kasi yang mga napanaginipan mo?” ang pag-aalalalang tanong ko sakanya.

“Wala ito. Sige, punta muna ako sa CR, maghihilamos lang” ang tanging naisagot nya sakin.

Hindi nya hinintay ang aking sagot dahil agarang tumao siya at tinungo ang CR. Nakakapanibago ang kilos ni James. Napapansin kong medyo nagiging secretive na to sakin na dati’y hindi naman ganito. Alam ko may tinatago ito sakin pero hindi ko naman mapa-amin kung ano ba yung tinatago nya.

Bumalik na lang ako sa higaan ko para makapagpahinga na rin ang aking kaliwang kamay since medyo masakit pa rin dala nang pagkakabit sakin ng dextrose noong Lunes. Pagkatapos maghilamos ni James ay nagpaalam sakin ito na bibili lang nang breakfast nilang apat at saki naman ay prutas dahil sineserbisan naman ako ng hospital sa pagkain para maka tama ang diet ko habang dumadaan ako sa treatment ko.

15 minutes after makaalis ni James ay nagising na nga sila Papa. Binati ko naman sila at ganun din naman sila. Ginawa na nila ang kanilang daily routine pagkagising. Pinapanuod ko naman sila sa kanilang ginagawa at medyo natatawa ako kanila dahil parang nasa bahay na lang talaga sila kung kumilos napansin naman ni Kuya Drew ang pag ngisi ko...

“Oh, bakit ka dyan napapangisi?” ang puna ni Kuya Drew sakin

“Wala naman. Natutuwa lang ako kasi kahit wala tayo sa bahay natin ay parang nasa bahay lang natin kayo, dahil kahit na nandito tayo sa hospital ay nagagawa nyo pa rin ang mga routines nyo. Kaya masaya ako na kahit may pinagdadaanan kayo, tayo, nagagawa pa rin nyo ang mga bagay na yan, hindi nyo pinararamdam sakin na down na down kayo dahil sa may cancer ako pero parang nornal lang ang takbo ng buhay nyo.” Ang sabi ko sakanil.a

Nagkatinginan naman silang tatlo saka ngumiti sakin. “Kahit kailan, hindi ka namin sisisihin kung bakit minsan ay napapagod kami sa pagbabantay sayo, hindi mo kasalanan kung bakit ka nagkasakakit. Binigay sayo ng Diyos ang sakit na yan dahil alam nyang kaya mo. Kaya tingnan mo, konting panahon at tiyaga  na lang ay magaling ka na. At pwede mo nang gawin an-“ ang naputol na pagsasalita ni Mama ng biglang bumukas ang pinto. Dumating na si James na may dalang breakfast nila at yung prutas na sinabi nyang bibilhin nya para sakin.

Nakangiti itong pinatong ang mga dala nya saka ay umupo sa tabi ko at biglang inihiga ang kanyang ulo sa hita ko.

“Pahiga huh, napagod ako sa paglalakad eh.” Ang nakangiting sabi niya.

“Sige lang.” Ang pagpayag ko. Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala si James sa hita ko. Tinawag naman ako ni Mama sa mahinang boses.

“Hoy Rahj!” ang pagtawag ni Mama.

“Po?” ang tanong ko sa kanya. Imbes na sagutin nito ako ay nginusuan lang ako at tinuro niya gamit ang kanyang nguso si James. Tiningnan ko naman ito at medyo napatawa ako. Kita kong tulog na tulog at medyo humihilik kaya naman inayos ko ang kanyang tayo. Nilagyan ko sya ng kumot sa kanyang balikat at saka ako  sumandal sa headboard ng kama.

Pinagbalat ako ni Mama ng oranges at saka ko kinain. Isang oras na rin ang nakakalipas pero hindi pa rin nagigising si James. Napansin ko naman pinagpapawisan nanaman siya kahit na malamig dahil sa airconditioner at medyo umuungol ito kaya naman nilapitan namin ni Mama. inuga ko ang katawan ni James para magising.

“Hoy, James. Gising! Gising!” ang paggising ko sa kanya. Pero hindi naman gumigising.

“Ahhh.. aaahhh..” ang pag ungol niya.

“Rrrrraaaahhhjjjj!” ang pagsigaw niya na kinabigla naman namin ni Mama.

Pag-alimpungatan ni James ay saka ito tumingiin sakin at napapaluha na. Yumakap ito bigla sakin at saka umiyak. Kaya naman niyakap ko na rin at inalo.

“James. Andito lang ako. Tahan na” ang sabi ko sa kanya habang hinahagod ang kanyang likod.

“Rahj, hindi ko kayang mawala kaa. Hindi ko kakayanin pag nawala ka” ang umiiyak na sabi ni Rahj sakin.

“Ano ba yang sinasabi mo. Hindi kita iiwan. Dito lang akosa tabi mo” ang sabi ko sa kanya.

Bgila naman sumingit si Mama.

“James, upo ka muna dito. Ikuwento mo nga samin kung ano ba yung napanaginipan mo.” Ang pakiusap ni Mama kay James. Umupo nga si James sa sofa at nag umpisa nang magkwento.

“Ka-kasi po. Na-napanagi-ginipan ko na-na..”

“..si-si Rahj daw po ay namatay sa isang aksidente.” Ang utal utal na pagpapaliwanag ni James.

“Huh? Panong naaksidente?” ang taakang tanong ko sa kanya.

“Eh kasi, nagbakasyon daw tayo sa isang lugar. Tapos, naaksidente tayo” ang paliwanag ni James samin.

“Hijo, ang lahat nang panaginip ay kabaliktaran ang mga nangyayari. Kaya wag ka matakot. Basta isipin mo na hindi kayo papabayaan ng Diyos dahil mabuti kayong tao” ang pagpapaliwanag ni Mama kay James.

“Sana nga po” ang sisinghap-singhap na sabi ni James kay Mama.

Tinabihan ko na lang si James para icomfort ito. Hindi na nga nakapasok dahil sa sobrang puyat. Bakit kasi pag nasosobrahan nang tulog itong taong ito ay pakiramdam niya lagi ay puyat siya. Mas gusto pa ang puyat dahil mas masigla pa daw sya pag ganun. Kaya buong hapon kaming nagkwentuhan lang ni James at ni Kuya Drew habang si Mama at Papa ay pumunta sa relatives namin sa kung saang lupalop ng New York.

4pm. Napagpasyahan ni Kuya Drew na umalis muna para makabili ng yogurt na kanina ko pang hinahanap. Natira kami ni James sa loob nang kwarto. Katulad nang dati, nanuod na lang kami ng palabas sa Star Movies nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto. After kumatok ay bumukas ang pinto at saka pumasok si Yvone. Hindi ko naman inaasahan na may mukha pa syang magpakita sakin dahil sa mga sinabi nya sakin last day.

“Hi Rahj. Kamusta na pakiramdam mo?” ang bating tanong nya sakin. Bilang isang may pinag-aralan at galing pa sa isang catholic school ay sinagot ko ito ng ayos.

“Okay naman ako. Ikaw?” ang nakangiting sagot at tanong ko sa kanya.

“Okay lang din naman.” Sagot ni Yvone saka ito lumapit sakin at pinulupot ang kanyang mga braso sa kaliwang braso. Nakita ko naman ang reaction ni James na medyo napakunnoot ang noo.

“Ano ba Yvone. Mahiya ka nga!” ang paggsita ko sa kanya.

“Bakit naman ako mahihiya. Lalake ka, babae ako. Ano naman nakakahiya?” ang tanong niya sakin.

“Pwera na lang kung nahihiya ka para kay James kasi dinidikitan kita. Lalake naman yan diba?” ang sagot at tanong ulit sakin ni Yvone.

“Yvone, please stop this”

You’re going crazy again” ang sabi ko sa kanya.

“So I’m the one who’s crazy right now? C’mon Rahj. Wake up! Wake up!”

“Hindi ang isang katulad ni James” sabi ni Yvone sabay lingon kay James at saka tumingin ulit sakin.

“...ang magpapaligaya sayo. Tandaan mo, hindi ka nya mabibigyan ng anak. Eha ko, andito lang ako. Kaya kitang bigyan ng anak kahit ilan pa ang gusto mo. Saka, hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? A guy like you is created only to love a woman like me” ang sumbat nya sakin. Hindi nga umimik si James sa mga sinabi ni Yvone. Alam ko naman masakit ang mga binitiwan salita ni Yvone pero hindi sya nagsasalita. Kaya ito ang kinakainisan ko minsan sa kanya. Kelangan muna syang masaktan ng sobra before magsalita at ipagtanggol ang sarili niya.

“You’re crazier than I thought Yvone. Ano ba gusto mo palabasin? Hindi sa bilang ng anak ang basehan sa pagmamahalan. There are many ways for us(James and Me) to have a son or daughter. At kahit kelan, hindi sinabi ng Diyos na bawal magmahal ng kapwa mo!” ang sabi ko sa kanya. Natigilan naman si Yvone sa mga nasabi ko.

“Mahal ko si James at-“ ang naputol kong sabi sa kanya dahil sumabat na si James. Tumayo na ito sa kanyang kinauupuan at nagsalita. Halata sa kanya boses na nanggagalaiti na ito sa sobrang asar.

“...at mahal ko sya. Yun ang importante”

“Hindi naman kelangan na lagyan agad nang label ang isang pagsasama kung same/opposite man ang kasarian nang dalawang taong nagmamahalan.  Basta alam mong may puwang na sya/ikaw sa puso m/nya.”

“Lalong lalo nang  hindi mo kelangan lagyan ng label ang isang tao kung ano ba sya. Bakla/bi/homo/transgender/lalake/babae/tibo/lesbian or whatever you call to that person still tao lang sya. Tumibok ang puso sa isang taong kaparehas ng kasarian at hindi naman iyon agad-agad mapapansin. Kung mapansin mo na ito ay nasa state na ng sobrang mahal mo na ito at nasa puntong nagseselos ka na pag nakikitang mong may kasama syang iba. Pakiramdam mo sobrang binagsakan ka nang tone-toneladang bato sa buong katawan mo dahil parang ang bigat sa pakiram.”

“Diba tama ako?” ang mahabang litanya ni James kay Yvone.

“...” ang tanging naisagot na lang ni Yvone sa paliwanag ni James.

“Oh ano Yvone, hindi mo pa ba nauunawaan kung bakit ko pinili si James over you?”

“Gusto mo ba ipaliwanag ko pa sayo para lang maintindihan mo?” ang alok ko na tanong sa kanya.

“...sige! ipaintindi mo saakin kung bakit mas karapat dapat sya sa puso mo kesa sakin na naging parte na minsan ng buhay over that James na kelan mo lang nakilala!”

“Sige! Ipaintindi mo!” ang sabi nya sa malakas na tono.

“Kay James ko nakita ang isang pagmamahal na noon ko pa hinahanap mula sayo. Pero hindi mo man lang ito naibigay sakin. Hindi mo nakayang iparamdam sakin kung gaano ako kahalaga sayo, pero si James, kahit hindi niya sabihing mahal nya ako ay ramdam ko naman iyon sa gawa niya.” Huminga muna ako nang malalim saka nagpatuloy ulit.

“I never required him na samahan ako dito sa America para magpagamot nang malaman namin na may stage 2 leukemia ako pero sinamahan pa rin nya ako. Umalis sya sa kanilang bahay para ipakita lang sa kanyang mga magulang na kaya nyang mabugay without their suervsion. Lagi nyang nirerespeto ang desisyon nila Mama at Papa. Lagi nya akong inaalagaan kahit na pagod sya galing sa trabaho. Pinapakita nya sakin na kahit may sakit ako ay ginagawa niyang normal ang maging takbo ng buhay ko dito sa hospial. Hindi nya pinaparamdam sakin na may sakit ako imbes ay binu-boost nya ang aking self esteem para hindi ako mawalan ng pag-asa na hindi na gagaling.”

“At ito nga. Masaya ako na kasama sya sa buhay ko at hinding hindi ko iyon pinagsisisihan.”

“One last thing. Don’t make me regret the day I met you dahil lang dyan sa pagiging selfish mo” ang mahabang pagpapaliwanag ko sa kanya.

Lalong hindi nakapagsalita si Yvone sa mga sinabi ko. hindi agad siya nakakibo matapos akong magbitaw ng ganung mga salita.

Pakiramdam ko ay lalong gumaan ang aking pakiramdam dahil nailabas ko na rin ang mga bagay na gusto kong ilabas.  After a while, saka pa lang ata nag sink in sa utak ni Yvone ang aking mga sinabi dahil nagkapagsalita na rin sya.

“I really can’t understand why. Napakababaw lang nang dahilan mo Rahj para mahalin mo si James ng ganyan.”

“I can’t do this anymore. I’m leaving” ang sabi agad ni Yvone samin. Nagulat na lang ako nang magsalita ulit si James.

“Ano pa ba ang kulang sa mga sinabi namin sayo ni Rahj para maintindihan mo at matanggap mong hindi ka na nya mahal? You know what? You’re crazy! Ang hirap mong paliwanagan. Mahirap bang intindihin na mahal ko sya at mahal niya ako”

“Ikaw ba noong tinanong ka kung bakit mo mahal si Rahj noong mga panahong meron pang ‘Kayo’ ay nasagot mo agad? Siguradong hindi mo agad nasagot. Bakit? Dahil naniniwala ako na there’s magic when two people fall in love. Madaling sabihin na mahal mo ang isang tao kahit na nararamdaman mong mahal mo nga talaga sya pero hindi mo maipaliwanag kung bakit dahil ikaw mismo, hindi mo alam kung bakit mo siya mahal. Ang alam mo lang ay mahal mo sya. Masaya ka pag kasama mo sya. Ganun lang.” Ang pagpapaliwanag ni James kay Yvone.

“Ewan ko! ang hirap maintindihan.” Ang sabi ni Yvone pa rin samin.

“You really are a one of a kind talaga Yvone. Napaka stubborn mo parin.” Ang nasabi ko sa kanya.

“Bahala kayo! Basta hindi ako susuko na ipaliwanag sayo na mali ang magmahal ng kaparehas na kasarian. Dahil mali yan” ang sagot ni Yvone samin. Lumabas agad si Yvone ngg kwarto. Nagkatinginan na lang kami ni James at napatwa dahil sa mga sinabi namin kanina.

“I never thought na masasabi ko yun sa harap niya. Salamat ha” ang sabi ko kay James.

“Hindi, she deserves to hear that words from you para malinawan na sya” ang nakangiting wika ni James sakin.
After nang sagutan namin nila Yvone ay hinitay na nga lang namin si Kuya Drew para sa yogurt na pinabili namin. Tinanong naman kami ni Kuya Drew na kung anong nangyari dahil nakasalubong niya si Yvone na busangot ang mukha kaya naman ikinuwento namin ang nangyari. Noong una ay naasar siya pero nung medyo pahuli na ay tinatawanan na niya si Yvone at sinabihan pang “she’s one of a desperate woman I’ve ever known” kaya naman pati kami ay natawa na rin.

Sa mga sumunod na araw ay isinagawa na ulit sakin ang chemo session ko. ramdam ko na naman na parang mamatay na ko. sa bawat pag galaw ko, sa bawat pagdikit ng balat ko sa kahit na anong bagay ay sobrang kirot, halos isuka ko na ang bituka ko pero wala naman lumalabas kundi gastric juices na lang, sobra akong nahihilo, kaya naman tiniis ko ito para lang matapos na lahat ng paghihirap ko at makapagsimula na ng panibagong buhay kasama ang aking mga mahal sa buhay at isa na doon si James.

Lumipas ang two weeks at isang magandang balita ang dumating pero kaakibat noon ay may isang malungkot na balita naman dumating samin.


================
JAMES’s POV
 Its been a week since lagi na lang akong nakakapanaginip ng di aya-ayang panaginip. Sobra na akong nababahala sa aking napapanaginipan ko. pakiramdam ko totoong totoo na ito. Saka yung mga places na napapanaginipan ko ay very familiar sakin.

Nagising na lang ako nang naramdaman kong may yumuyugyug saking katawan. Nang makita ko ito ay napaiyak ako. Niyakap ko si Rahj ng sobrang higpit. Kala ko talaga totoo ang aking napanaginip. Pinakuwento sakin nila Mama ang aking mga napanaginipan at sinabihan na lang nila ako na wag mag-alala dahil kabaliktaran lagi ang ibigsabihin nuon.

Hindi na muna ako pumasok ng araw na iyon dahil masyado nang late at paniguradong papagalitan ako ni Joriz dahil late na ko. kaya naman sinamahan ko na lang dalhin si Rahj sa session room nya para sa chemo. Habang naghihintay kami ni Kuya Drew sa labas ng kwarto ay may napansin akong nakahiga sa stretcher at mabilisang dadalhin ata sa emergency room. Nang makita ko iyon ay bigla akong kinabahan sa di malamang dahilan. Parang gusto kong sumunod sa mga nurse at doktor papuntang ER pero may pumipigil sakin.

“Okay ka lang ba?” ang tanong sakin ni  Kuya Drew ng mapansin nyang nawala ang atensyon ko sa pagkukwentuhan namin.

“Oo.” Ang matipid ko na sagot.

“Sure?” ang tanong ulit nya.

“...” ang tanging na isagot ko na lang sa huling katanungan niya. Aminado ako na hindi ko naitago ang aking saloobin ng makita ko yung taong dala-dala papuntang ER dahil parang kilala ko siya.

“Kuya, pwede puntahan kung sino yun?” ang pagpapaalam ko sa kanya.

“Basta bilisan mo lang huh” ang sagot nya sakin. Dali-dali akong sumunod sa mga nurse hanggang sa nakarating na ako sa ER na pinagdalhan ko. laking gulat ko ng makita ko si Tita Edeza at pati na rin si Alex. Parehas na umiiyak. Hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Ceejay kaya nagkakaganito sila.

“Tita! Ano pong nangyayari?” ang nag-aalalang tanong ko sa kanya.

“Si Ceejay...” ang umiiyak na sabi ni Tita.

“...50/50” ang naiiyak na sabi ni Tita Edeza sakin.

“Ano po?! Panong nangyari?” ang gulat kong tanong sa kanya.

“Kakatapos ng unang parte ng operation nya kahapon tapos kanina habang kumakain kami ni Alex ay napansin kong umaangat ang dibdib ni Ceejay at dun na nagsimula ang seizure nya. Tinawag namin ang mga nurse at doktor at nilapatan ng first aide. Nagdecide ang mga doctor na ipagpatuloy na ang second part ng operation nya dahil baka mas lalong lumala ang sitwasyon nya” ang pagkukwento ni Tita Edeza

“Naku, kawawa naman po si Ceejay” ang sabi ko sa kanila tapos ay niyakap ko si Tita Edeza para aluin at hinagod ko ang kanyang likod para na rin umayos ang kanyang pakiramdam.

“H’wag po kayong mawalan ng pag-asa Tita. Siguradong isa ito sa mga pagsubok ng Diyos para sa inyo.” Ang papgpapalakas ko ng loob niya.

“Salamat hijo” ang sabi sakin ni Tita. Pagkatapos non ay lumapit ako kay Alex. Nabigla na lang ako ng yakapin niya ako. Hindi ako gumati ng yakap imbes ay habang nakayakap sakin ay bumulong ako.

“Maniwala ka kay Ceejay, kaya niya ‘to” pagkasabi ko nun ay bumitaw na sya sa pagkakayakap sakin at nasalit.

“Salamat” ang sabi nya.

“Basta kung kelangan niyo ng tulong andito lang kami nila Mama salikod niyo” ang sabi ko sa kanila. Sinamahan ko sila hanggang sa matapos ang operasyon ni Ceejay. Nakalimutan ko na nga ang balikan si Rahj after ng session nya.

Habang dinadala si Ceejay papunta sa ICU kung saan dun muna sa ilalagi para mas mabantayn ay inalalayan ko si Tita Edeza na makasunod kami sa ICU. Pinagbawalan  muna kaming makapasok dahil maselan pa ang kondisyon ni Ceejay kaya sa labas muna kami.

“Pasensya ka na James, pati ikaw naabala pa namin” ang pagpapaumanhin ni Tita sakin.

“Okay lang po yun. Mas kelangan nyo po ng karamay ngayon mga oras na to” ang sagot ko kay Tita.

“Alam mo, hindi na ako magtataka kung bakit... Alam mo na.. Kayo ni Rahj. Dahil napaka supportive mong tao. Kahit hindi mo pa kami nakikilala ng lubos ay pinili mong samahan kami at damayan.” Ang nakangiting sabi sakin ni Tita Edeza.

“Salamat po” ang nakangiting pagpapasalamat ko naman.

“Sasabihin ko po kila Mama ang nangyari kay Ceejay para makatulong naman po kami sa inyo sa alam naming paraan.” Ang sabi ko kay Tita Edeza.

“Salamat talaga James sa tulong.” Ang naluluhang sabi ni Tita. Samantalang ng lingunin ko si Alex ay nakatitig ito sakin. Ito na naman, ang mga titig na kung makatingin sakin ay  parang titig ng isang pusa na nagpapa-awa. Nginitian ko na lang ito at ganun din sya. Ilang oras pa kami sa labas ng ICU ng payagan na kaming makapasok sa room basta magsuot na lang ng full body coat ang mask saka hair net pati na rin plastic shoes bilang precautionary measures. Pagkapasok ko ay nakita ko si Ceejay na ang daming mga aparatong nakalagay sa kanya. Naawa ako sa kondisyon niya kaya naan tumabi ako kay Tita Edeza. Siguro nakuha nya ang ibig sabihin ng pagtabi ko kaya niyakap ng kaliwang kamay niya ang aking bewang.

“Nakaka-awa tingnan si Ceejay. Parang isang lantang gulay na ngayon” ang naiiyak na sabi ni Tita.

“Opo. Tama po kayo. Pero sana Tita, pag nagising na si Ceejay ay h’wag niyong ipakita yang ganyang emosyon dahil malulungkot sya pagnakita niyang nagkakaganyang kayo.” Ang pagpapa-alala ko sa kanila.

“Pero James, mahirap para samin na h’wag ipakita ang aming nararamdaman.” Ang pagsabat ni Alex.

“Pero mas mahirap para kay Ceejay na makita niya kayong nagkakaganyan dahil iisipin niyang dahil sa kanya kaya kayo nagkakaganyan. Ipakita nyo sa kanya na kahit na nagkaganyan siya ay malaks parin ang loob niyo” ang sabi ko sa kanila. Hindi sila nakapgsalita at parang nina-nam-nam ang aking paalala sa kanila.

“Tama ka nga James. Kelangan naming ipakita sa kanya na malakas kami.” Ang nakangiting sabi ni Tita Edeza sakin.

Ilang oras din akong nandun sa ICU para samahan sila. Nagpaalam na ako sa kanila na babalik na sa kwarto ni Rahj. Hindi ko napansin na pitong oras na pala akong nananatili kasama nila. Dahil 8pm na nang umalis ako sa ICU.

Pagkadating naman sa kwarto ni Rahj ay nakita ko itong nabusangot ang mukha na hindi maipinta. Si kuya Drew naman ay ganun din at nakakunot pa ang noo.

“Oh, bakit kayo ganyan makatingin?” ang tanong ko sa kanila.

“Saan ka ba galing?” ang tanong ni Kuya Drew sakin.

“Kila Ceejay” ang sagot ko sa kanila.

“Ano naman ginawa mo dun?” ang agarang tanong ni Rahj sakin.

At ikinuwento ko nga sa kanila ang buong nangyari. Halata sa kanilang mga mukha ang pagka-shock sa narinig nila.

“Kawawa naman si Ceejay at ang Mama niya. Ano kaya pwede nating maitulong?” ang komento ni Mama.

“Kahit daw po suporta na lang ay okay na daw po at saka panalangin” ang sabi ko sa kanila. Naintindihan naman nila ang aking sinabi kaya tumahimik sa kwarto. Lumapit ako kay Rahj tapos ay kinulbit ko ito.

“Galit ka ba kasi hindi mo ako nakita kanina after your session?” ang tanong ko sa kanya.

Hindi muna ito umimik bagkus ay pumikit muna. Kaya hinintay ko na lang sya matapos sa panalangin niya. After non ay nagsalita na rin sya.

“Kanina, nung di ka pa dumadating ay oo, sobra akong naasar sayo. Pero ng ipaliwanag mo samin kung bakit natagalan ka ay nawala ang aking galit kundi, napabilib mo ako. Kasi may napasayang kang tao. At yun ay ang kanyang Mama at si Alex. Alam ko kahit wala ako dun ay yun ang ginawa mo. Kilala kita James, gagawin mo ang lahat para lang mapaluwag ang nararamdaman ng isang tao kaya salamat dahil may mga tao kang natulungan” ang nakangiting sabi sakin ni Rahj.

“Salamat dahil naintindihan mo” ang nakangiting sabi ko sa kanya. After nun ay bumili na kami ng pagkain ni Kuya Drew sa labas at agad na bumalik para makakain. Alam ko gutom ako nang mga oras na yun kaya naman marami-rami din akong nakain.


================
ALEX’S POV
Napakaswerte talaga nung lalaking iniibig ni James dahil kaya niyang ipawala ang kahit anong sakit na nararamdaman ng isang tao. Kaya nagpapasalamat talaga ako sa kanya dahil kahit papaano ay nailabas ko ang aking nararamdaman sa pamamagitan ng pag-iyak.
================

----------------------------------------------------------------------------------------

***ungol sound***
Nasa isang bakasyon kami at pauwi na papunta Airport pero isang malagim na aksidente ang nangari. Nagkalat ang mga salamin ng sasakyan. Madami akong nakitang mga taong humihingi ng tulong hanggang sa may mapansin akong isang batang umiiyak at dumudugo ang kanyang ulo kaya agad ko itong nilapitan. Pero bigo dahil kahit nalagyan ko na ito ng benda sa ulo ay hindi kinayanan at namatay. Napakasakit nun para sakin dahil hindi man ko man lang nasagip ang buhay niya.
***ungol sound***
-------------------------------------------------------------------------------------------







Itutuloy...

PS: Moments of love
Bringin' us closer together
Sweet memories
I know we'll remember forever
Moments of Love


                                              Ano ba ang ibig sabihin ng kantang ito? My Goodness.
                                                Feel free to make some guesses.yypy 

No comments:

Post a Comment