Saturday, May 5, 2012

Ako'y sayo at Ika'y Akin Chapter 21.d


To TOTIX – maghanap ka ng author na mabubwisit. Kung natatagalan ka sa pag iintay ng update then wag ka mambwisit kasi di ka nakakatuwa.





Don’t forget to to add me on FACEBOOK.


Thanks.


Enjoy!

----------------
Hanggang sa tuluyan na akong makapasok ng bahay. At ang una kong nakita ay isang ilaw ng kandila sa may kusina. Palinga-linga ako sa buong bahay. Hinahanap ang switch ng ilaw. Agad ko namang nakapa ito, at, at, at, di nagtagal ay napindot ko na rin yung switch.

~Happy Birthday to you~

Sabay sabay na kumanta sila Mama, Papa, Mommy, Daddy, Kuya Drew, mga classmates ko at classmates ni Rahj, Si Dean at yung relatives namin nila Rahj na malapit lang sa area namin. Alam mo yung pakiramdam na parang biglang narejuvenate ka mula sa stressful daw mo kasi nandun lahat ng  mga importanteng tao sa buhay mo. Nakakatuwa pa’t pati mga unexpected persons ay nandun.

“Happy Birthday anak!” bati sakin nila Mommy and Daddy.

“Happy Birthday, anak!” bati naman nila Mama, Papa at Kuya Drew.

“Friend, happy birthday!” bati naman nila Sheila, Mabel at Pech.

“Happy Birthday hijo” si Dean. (At pati si Dean ay naimbitahan...siguro... siguro..)

“salamat po sa inyong lahat”

“Kala ko talaga may nangyaring masama dito sa bahay, ang OA ko lang makareact kanina sa sasakayan.” Sabi ko sa sarili ko.

“ Thank you po talaga sa inyong lahat”

“Nagustuhan mo ba surprise party namin sayo?” pag singit naman ni Rahj mula sa likuran ko at may dala-dalang cake.

“Hey!”  nasabi ko na lang at lumapit sa kanya.

“Ikaw may pakana neto nu?” pagtanong ko sa kanya. Imbes na sumagot ay ngumiti lang ito saken.

“Blow the candle na” sabi nito sakin. At inilapit na nito sakin yung dala dalang cake nya sakin.

18 years of being single.at ngayon, on my 19th birthday, i feel very complete. Nasa tabi ko lang sila Mommy, Daddy, Mama, Papa, kuya Drew, mga classmates ko, friends ko at higit sa lahat... si Rahj. Ano pa ba hihilingin ko? Sa loob ng 18 years ko na yung, hinihiling ko lage tuwing birthday ko na sana may mga taong laging nasa tabi ko para laging umagapay sakin at isang taong mamahalin ako at ngayon nga nasakin na lahat ng ito. Dalawa na lang ang hinihiling ko, ang makapagtapos kami ni Rahj sa pag-aaral at maging CPA na ako at sya naman sa kursong gusto nya at magkaron ng masayang pamilya. Alam ko sa sarili ko malapit na yun.

After ko magreminisce ng mga bagay na lageng pumapasok sa isip ko pag birthday ko ay hinipan ko na yung ilaw sa kandila ng cake na hawak ni Rahj. Lahat sila ay nagsipagpalakpakan.

After nun ay kumuha na kame ng pagkain. Magkatabi kami ni Rahj na umupo sa table ng mga classmates ko at si Dean.

“Congrats huh” bati naman sakin ng mga classmates ko. Naka kunot noong tiningnan ko ang mga ito. Di ko gets.

“Huh?” tanong ko sa mga to.

“Congrats, kasi finally... alam mo na yun” ang nahihiyang sabi sakin ni Mabel.

“Welcome” sagot ko sa mga ito sabay ngiti sa kanila.

After namin kumain, nakiipag kwentuhan muna ako sa mga taong nasa loob ng bahay. Habang si Rahj naman ay kasama yung mga high school friends nya at nagkukwentuhan sa may garden, at base sa mga naririnig kong mga sigawan ng mga classmates nyang lalake at tilian ng kanyang mga classmates na babae ay sa tingin ko kami ang pinag uusapan ng mga ito. (Lakas ko lang maka assume. LOL)

Nasa kusina ako ngayon ng bigla akong tinawag ni Mommy.

“Nak, may naghahanap sayo sa labas” si Mommy.

“Sino daw po?” tanong ko dito.

“tingnan mo na lang” sagot naman ni Mommy tapos ay tumalikod na sakin.

Ibinababa ko muna yung kinakain ko sa lamesa tapos dumiretso na ko sa may labas. Pagkalabas ko ng bahay ay biglang natahimik sila Rahj at napatingin saken. Napatayo bigla si Rahj at tumingin sa babaeng nasa may gate ng bahay.

“Si Yvone” sabi ko sa sarili ko. Kahit na mabigay sa pakiramdam ang presensya nya ay parang may tumutulak saken na puntahan ko sya.

“Go” sabi naman sakin ni Rahj na ipnagtaka ko. Go? Ano meron?

“Happy Birthday” bati sakin ni Yvone ng makalapit sakin.

“Thank you” bati ko dito sabay ngiti. Isang ngiti din ang binigay sakin ni Yvone.

“ahm.. ano..”, “ah... eh..” sabay namin nasabi ni Yvone. Nagkatinginan kame tapos sabay na natawa. Ewan ko ba bakit parang biglang nag-iba ang impression ko kay Yvone ngayon. Mabait naman pala. Nasabi ko na lang sa sarili ko.

“Pasok ka, sabay tayong kumain” alok ko sa kanya. Sabay kaming naglakad papasok ng bahay habang si Rahj ay nakangiting nakatingin lang samin dalawa.

“Mom, Dad, si Yvone po... ah.. eh..” pagpapakilala ko sa kanya pero di ko alam kung pano i-a-address siya.

“Bagong kaibigan po ni James” biglang sagot naman ni Yvone sakin magulang. Inilibot ko ang tingin ko at nakita kong nakatingin lang samen sila Mama, Papa at Kuya Drew. Mga nakakunot ang noo. Pero di ko maaninag ang pagkagalit nila.

Tinanong lang nila Mommy ng konti si Yvone tapos ay sinamahan ko na pumunta ng kitchen. Habang kumakain kame ay biglang dumating si Rahj at tumabi sakin. Bigla itong umakbay sakin at napahagikhik.

“Yvone, di ba may sasabihin ka?” sabi ni Rahj sabay ng nakakalokong ngiti. Nakita kong pinadilatan siya ng mata ni Yvone.

“Wa-wala” maang na sagot ni Yvone sabay tingin sa plato niya.

“Wag ka na mahiya Yvone, ano ba yung gusto mong sabihin?” tanong ko sa kanya. Di agad sumagot si Yvone saken, marahil ay tinitimbang ang sarili nya kung magsasabi ba sya or mamaya na lang.

“ano... kasi...” putol na sabi ni yvone.

“Kasiii...?” sabay namin sabi ni Rahj.

“Sorry..” mahinang sabi ni Yvone pero sapat na para marinig ko. Sa pangalawang pagkakataon, ngayon ko lang ulet nakitang sincere sya sa sinasabi niya.

“Ano?” ang medyo nang-aasar na tanong ni Rahj na nakangiting aso pa. Siniko ko naman ito. At tumingin saken at nagmuwestra ang bibig na “WHAT?” pero nakangiti saken.

Natatawa na lang ako sa pagiging isip bata ngayon ni Rahj. At si Yvone naman, nagiging uncomfortable at  hindi makatingin samen ng diretso. Nahihiya samen.

“Hey, di namin narinig yung sinasabi mo” pang aasar pang lalo ni Rahj.


“Rahj..” saway ko dito.

“sorry!” sabi naman nito saken at napahagikhik na lang.

“So-sorry James, Sorry Rahj” sabi ulet ni Yvone samen. Naawa ako bigla sa kanya. Nararamdaman kong totoo ang sinasabi niya kaya hinawakan ko yung kamay niya.

“Its okay, past is past. Nandun na eh, wala na tayong magagawa. Pero hiling ko lang at bilang birthday ko naman na, sana, bumawi ka samen. Saka matagal na kitang pinatawad Yvone. Nung nasa America pa lang tayo. Sabi ko sa sarili ko, “whatever happened in America stays in America” para makasimula ako ng bagong buhay ko dito” pagpapa-intindi ko sa kanya.

“Thank you..” sabi nya saken sabay ng isang patak ng luha nya mula sa kaliwang mata lang niya.

“Di na ako nagtataka kung bakit gustong gusto ka ni Rahj...”

“Mabait ka, maunawain, very mature kung mag-isip at practical, higit sa lahat hindi ka possessive pagdating sa kanya. Hayaan nyo, babawi talaga ako sa inyong dalawa” sagot ulit ni Yvone samin.

Ngumit lang ako sa kanya bilang sagot. Pagtingin ko naman kay Rahj ay nagpipigil na ito ng tawa, kaya naman siniko  ko ito. Pagka-siko ko sa kanya ay hindi na ata napigilan ang tawa at humagalpak na ito tawa na ikinatingin ng mga taong nasa loob ng bahay namin. Linigon ko naman ang mga taong nandun at sumenyas ng OK sign.

“Ano ba, kanina ka pa huh” pagsaway ko dito.

“eh kasi... eh kasi.” Putol putol na sabi ni Rahj at sa pagitan nun ay ang parang batang tawa niya at nakahawak pa sa kanyang tiyan.

“Ano?!” iritang sabi namin ni Yvone.

“Kasi ang drama nyo” pagkasabi niya ay humagalpak na naman sya ng tawa. Nagkatinginan naman kame ni Yvone at ng mapansing para nga kaming tanga na magkahawak ang kamay ay napatawa na rin kame.

Ang sarap talaga sa pakiramdam ang magpatawad at tumawa after nun. Nasabi ko  na lang sa sarili ko.

After namin magkwentuhan sa may kitchen ay nagtagal pa kami dun ng 15 minutes at tinawag na kami, may program daw na gagawin. Program? WTH?! Nasabi ko na lang sa sarili ko. Kasi naman, its 8:30 pm na and its getting late tapos may program pa. At isa pa, antok na ko!

Nang makumpleto na ang lahat ay sinimulan ni Kuya Miguel

And speaking of Kuya Miguel, ngayon ko lang sya nakita dito ah. Parang kabute na biglang sumulpot na lang.

“Hi, I know its getting late kaya we should start this 15 minutes na program.” Pause nya sabay hinga at nagpatuloy.

“Okay, so to start with, let me call the Mrs. Mercado para sa isang speech” sabi ni Kuya Miguel at napagtanto ko na si Dean pala yun. Ng makapunta na sa unahan ay napansin ko ang hawak nyang papel na sobrang nagpakaba sakin.

“Good evening sa inyo, di ko na patatagalin ang lahat kung bakit ako nandito sa harap” pag-pause ni Dean at tumingin saken. Okay, kinakabahan na ako. Sabi k ona lang sa sarili ko.

“Just recently, may isang estudyante ang nakapukaw ng atensyon ko. Kung titingnan mo siya ay nothing’s special pero may napansin lang ako sa kanya, sa pagiging isang simpleng estudyante nya ay napapasaya nya ang mga taong nasa paligid niya. Nagpaalam ang batang ito sakin nag mag-li-leave ng almost 1 sem para lang samahan ang importanteng tao sa kanya. At first, nasabi ko sa sarili ko, parang ang babay naman ata ng rason niya na isuko ang pag-aaral nya para lang dun. That’s so immature. Pero nagkamali pala ako, ako pala ang naging immature. Hindi ko pinakinggan ang rason nyang acceptable naman pala. Pagdating niya dito ulet sa pilipinas ay pinuntahan niya ako at tinanong kung pwedeng bumalik ulit sa kurso niya. Di ako nag-alinlanganang tanggapin ulet siya dahil alam ko na tinuruan niya akong maging isang mature na indibidwal at maging malawak ang pang-unawa. Nakakatawang isipin na isang estudyante pa ang magtuturo nun sakin” pagpapaliwanag ni Dean saka ulit tumingin samin ni Rahj na magkatabi. Hinawakan ko ang kamay niya kasi medyo nanginginig na ito.

“I’m referring to Mr. Castillo.” Sabay turo niya sakin at ngumiti ito.

“Sya po ang dahilan kung bakit ako  naging mas understandable. At kanina nga po ay kumuha syang ng pagsusulit para maka-cope up sa mga namiss nyang subjects and good thing pasa po sya sa lahat. At sa huling bahagi ng kanyang exam ay hindi isang objective and problem solving na exam ang binigay ko kung isang essay. Isang tanong na kung saan pwedeng i-express ang saloobin. Ang tanong po ay bakit kelangan niyang umalis ng bansa at iwanan ang mga responsibilidad dito at ang kanyang pag-aaral. After nyang ipasa yun ay binasa ko agad. At masasabi kong isang napakabuting tao nya.” Sabi ni Dean sakin at saka nagpahid ng luha sa kanyang mata.

Tinaas ni Dean ang kanyang kamay hawak ang isang papel na naglalaman ng aking saluobin.

“gusto ko lang ishare ang sagot nya sa inyo kaya po meron tayong program na ganito”

“isa lang akong estudyante nuon at isang normal lang na tao pero ng makilala ko si Rahj ay lahat ng ito ay nagbago. Kung dati ay wala akong rason para mabuhay at ipagpatuloy ang aking mga nasimulan ay biglang nagbago yun dahil ngayon, alam ko na kung bakit kelangn kong magpatuloy mabuhay at ipaglaban kung ano ang tama. Habang tumatagal ay lumalalim ang pagkakaibigan namin, na nauwi na nga sa pagiging mag nobyo. Opo, alam ko sa sarili na mali ito at sabi nga nila sa ganitong relasyon ay immoral, pero para samin, MAS GUSTO PA NAMING MAGING IMMORAL SA PANINGIN NG MGA TAONG ITO KESA MAGING ISANG STRAIGHT NA LALAKI NA NAGTUTULAK NG DROGA O PUMATAY NG MGA TAO.
Kelangan ko din umalis ng bansa para samahan ang taong nagpapa rigodon ng puso ko tuwing kasama ko sya at nagpapasaya sakin, para suportahan sya sa kanyang laban, ang labang para mabuhay muli, para makasama pa niya ang mga taong malalapit sa buhay niya at proud akong sabihin na kasama ako dun sa mga taong yun.  Sa una naging mahirap ang pag-aadjust pero kahit ganun ayaw kong magreklamo, ayaw kong ipakita na nahihirapan ako dahil alam ko mahihirap din sila lalo na si Rahj. Naranasan kong magtrabaho dito para makatulong sa gastusin pero ayaw namang tanggapin nila Mama at Papa ang aking tulong, tama na daw ang pagpupuyat ko din at pag-alalay kay Rahj, ang papapasaya at pagpapatawa sa kanya. Tama na daw iyon. Yun na lang daw ang tulong ko sa kanila. Pero hindi naging madali ang lahat, may mga naging pagsubok ang dumating saming buhay na nagpatatag ng samahan namin, bilang isang pamilya at pangalawang pamilya ko na rin. At ngayon nga, habang sinusulat ko ang damdamin kong ito, ay hindi ko maisip na mahaba na rin pala ang naging journey ko kasama ang mga improtanteng tao sa buhay ko at kahit kailan, hinding-hindi ako mag-sasawa at susuko dahil MAHAL KO SILA. MAHAL NA MAHAL.” Pagkatpos basahin ni Dean ang aking sinabi ay nagsitayuan ang mga nandun at nagsipagpalakpakan. Ang iba ay napaluha at ang iba naman ay nakangiti.

Nilapitan ako ng mga kakilala ko at niyakap.

“congratulations” huling wika ng Dean namin. At nagpalakpakan ang lahat.


0o0o0o0


After 2 months.

“Asan ka na ba?!” tanong sakin ni Rahj at halatang galit na sakin.

“Malapit na ko!” sabi ko dito sa kabilang linya.

“Pag ikaw hindi nakaabot, sasakalin talaga kita!” sabi sakin ni Rahj at sabay baba ng telepono.

“Damn!” sigaw ko at sabay pukpuk ng manibela ko. Dalawang buwan na rin after ng birthday party ko, binigyan na rin kami ng blessing ng mga magulang namin na pwede na kaming tumira sa isang bahay after makagraduate ni Rahj ng high school. Dito na kasi sya sa manila titira kasama ko sa condo ko dahil sa La salle na ata sya mag-aaral or sa MIT globay city. Di ko pa sure, pero sana sa la salle na lang sa taft para hindi na malayo.

Dalawnag buwan narin at heto, ga-graduate na si Rahj sa high school. And nakakatuwang isipin na nakasama pa sya sa top 10 ng klase nila over-all kahit walang extra curricular activities syang sinalihan. Rank 8 sya.

At ako? Heto, sa coastal road papuntang Cavite, papunta sa venue ng graduation nila and nahinto ako dahil sa isang malaking traffic. Pag minamalas ka nga naman. Ang mga towing truck ay nakakagulo na dahil sa isang truck na tumagilid sa gitna ng daan. Ang mga walang utak naman driver na nakapaligid dun ay hindi magbigayan ng space or hindi na lang magsal-itan na umabante para maging smooth ang andar ng mga ito. Eh hindi, mga nag-uunahan kaya ayun, may nag-git-gitan na dalawang kotse. Sobrang swerte ko talaga. Big time!

9am ang start ng ceremony pero nakarating ako ng 9:30am. At pagdating ko, isang eskandalosong tunog ang nagmula sa main entrance ng auditorium kaya lumingon sakin lahat. Nakakahiya! Nakita ko si Rahj sa may unahan ay busangot ang mukha, parang di maipinta. At hindi man lang ako nito nagawang ngitian. Paktay ako nito. Sbi ko sa sarili ko dahil umandar na naman ang pagiging isip bata nito na napaka cute namang tingnan sa kanya. XD

Tumabi ako kila Mama na nakaupo katabi yung column ng ga-graduate. Bale ang siste ay, 4 columns yung nasa auditorium, yung gitnang dalawang column ay para sa graduates at magkahiwalay ang lalake a t babae, yung outer 2 ccolumns naman ay sa mga parents nila. Sinilip ko si Rahj pero hindi ako nito tinapunan ng tingin.

Nabuburyo na ako makinig ng speech ng mga nagsasalita sa unahan pero di ako makatulog dahil baka makita ako ni Rahj, lalo akong patay pag nagkataon. Tsk.

Dumako na sa pagbibigay ng medal, unang tinawag ang rank 10, then rank 9, at si Rahj na-rank 8.

Tumayo na si Rahj papuntang stage at kasabay nun ay ang patayo nila Mama at Papa sa tabi ko.  Nang nasa stage na sila ay busangot parin ang mukha ni Rahj at nang sasbitan na sya ng medal ay nakatignin lang ito sakin at masama ang titig. Nagsalita ako pero walang boses. WHAT? Tanong ko sa kanya.

Mukhang nakita nila Mama ang reaction namin ni Rahj kaya naman, bumaba si Papa at hinila ako papuntang stage. Gusto palang sabay naming isasabit ang medal sa kanya. After namin isabit ang medal ay tinapakan ni Rahj ang paa. “arekup!” ang nasabi ko na lang pero nakangiwi ako at tumingin kay Rahj, nakangisi na ito sakin. Nagsipagtawanan naman ang mga nakakita samin sa tagpong iyon, pati yung mga admin ng school ay napatawa din. Lumapit ako dito at binulungan, “Isip bata” bulong ko dito.

After nun ay nagtagal pa ang ceremony ng 1 oras at natapos din. Picture dito, picture dun, ako ang naging photographer ng kumag. Kung di ko lang to mahal, nabato ko na sa kanya yung camera nila. Tsk.

Lumapit sakin si Rahj at iginaya niya ang kanyang kanang kamay sa aking bewang at kinuha ang camera. Binigay iyon kay Yvone at pinicturan kaming dalawa. Para kaming dalawang tanga dun na nagpicturan. Pati si Yvone ay nakipagpicturan narin samin dalawa. After nun ay dumiretso na kami sa bahay nila. Habang kumakain kami ay tinawag ako ni Rahj at pinapapunta sa labas ng bahay sa may garden.

“Bakit? Bungan na tanong ko dito.

“Thank you ah” sabi nito sakin sabay halik sa pisngi ko. Ngumit lang ako sa tinura nito at inakbayan.

“Thank you din ah.” Sabi ko sa kanya. Tumingin ito sakin at nakakunot ang noo.

“Para saan?” tanong nya

“sa lahat, kasi andyan ka lagi sakin” sabi ko dito sabay ngiti. Naalala ko yung regalo ko sa kanya at saka sandaling nagpaalam, pagbalik ko nakangiti na to sakin.

“Kala ko wala kang regalo sakin eh” nakangiting sabi nito sakin at sa paper bag na dala ko.

‘Pwede ba naman yun? Syempre meron, sana magustuhan mo” sabi ko dito. Agad syang umupo sa sementadong upuan sa garden nila at binuksan ang regalo ko. Isang medyo maliit na box.

“Wow! Thank you!” ssabi nya sakin sabay yakap at halik sakin sa buo kung mukha. (lols, naalala ko si fugi. Haha)

“Pero pano mo nalaman..” takang tanong sakin nito.

“Naalala mo ba nung nag trinoma tayo? Titig na titig ka dyan sa relo na yan, eh malapit na graduation mo kaya pinag ipunan ko yan. Di lang alam pero nung bibili na ako nyan, may nakasabay akong bibili nyang at isa na lang ang stock ng store. Nagmakaawa pa ako kay kuyang bibili din na sakin na lang. Buti pumayag sya. Kaya ingatan mo yan” sermon ko dito.

“opo tay. Haha. Joke” biro naman nito sakin.

“Baliw, tay ka dyan. Wag kang tatabi sakin mamayang gabi” banta ko dito.

“joke lang diba?” pagpapacute nito sakin.

“Ewan ko sayo. Pasok na tayo, gutom na ko, at saka ang inet na oh, mangingitim tayo. Hahaha”



Wednesday, May 2, 2012

Mga tanong ko sa buhay.

Minsan naisip ko, bakit kelagan ng isang tao na humanap ng kapareha? para ba may kasama sila sa pagtanda? para ba may ka-sex sila? para ba may napapaglabasan ng sama ng loob? bakt kelangan magkaroon ng anak? para san? para may magpatuloy ng lahi? para padamihin ang tao dito sa mundo? or para ipakitang masaya ka? nakakapagtaka.
18 years old na ko and turning 19 this May pero dalawa pa lang dyan ang may kasagutan ako. yun ay para may kasama ka sa pagtanda at para may labasan ka ng sama ng loob. The rest? Don't mind it.
Nakakaasar lang kasi hindi ko alam ang sagot dito lalo na pagdating dyan sa love love na yan. Alam nyo ba na hindi ako naninniwala sa love. Sa crush oo, kasi admiration lang naan yun(as for me lang huh) pero LOVE? WTF is love! pano ko malalaman na LOVE na pala nararamdaman ko. Putcha talaga. Siguro naman nabasa nyo yung post ko na SANA? well if not, basahin nyo yung kung bakit ni na ko naniniwala sa LOVE.
May isa pa akong reason eh. Sa mga katulad ko(naten? haha. Tanga lang) na mga bisexuals/gays/silahis or kung ano man yan. Kung tagilid ka na. Malabo na para saken para matuwid pa yan. This is just my opinion. Believe me, di ko naman sinasabi na ganun lahat, pero according to my observation, majority di na natutuwid. Kung matuwid lang, KUNWARI lang yun. Nag-aasawa or gf para masabing iba na sya. What the?!

Moving on, sa mga katulad ko na alanganin, di na ko naniniwala sa LOVE(bitter!) eh kasi naman, ang tingin sayo ng mga tao sa halos sa araw araw ay isang failure. My GOD! Nakakabwisit sila. Kaya nga kahit papaano, nagpipilit akong umarte na straight ako. Thanks to my parents, ang features ko ay pang lalake talaga, buff na katawan,moreno na kulay, basta, pang lalake talaga ang features ay hindi masyadong halata na BI pala ako.

Okay moving on again, eh kasi naman, lage ka na lang nilang inaaasar, binubwisit, nakaka-asar na sila. Sobra.  Meron pa nga akong nagustuhan na classmate ko kaya lang nawala agad kasi sobra syang manlait. Sabihan ka ba naman KABAYO! Diba nakaka-asar. Mukha ba akong kabayo? Putcha naman oh. Mula noon, lage na lang akong niloloko ng mga college classmates ko na Kabs, Kabayo and madami pa. Pero eto ako ngayon, isang taong na lang, gagraduate na sa kursong BS Accountancy at higit sa lahat, immune na ako sa mga pambubusisit sakin ng mga classmates ko. haha. Funny, rught?

Thanks for reading if meron man, atleast na ilabas ko ang sama ng loob ko. Haha