Wednesday, June 13, 2012

Ako'y Sayo at Ika'y Akin CHapter 23


Thank you po sa lahat ng sumabaybay ng istoryang ito.


 SANA SA MGA ANONYMOUS, MAGPAKILALA NA KAYO, PARA MABATI KO NAMAN KAYO.



Don’t forget to to add me on FACEBOOK.


Thanks.


Enjoy!

----------------

“RRRRIIIIIINNNNNNNGGGGGGGGGGGGGGG!!!!!!!!” isang malakas na alingaw-ngaw ang gumising saking mahimbing at masarap na pagkakatulog.

“Today is the day” sabi ko sa sarili ko.

Bakit? Bakit nga ba? Kasi, ngayon ang tapos ng summer class ko, and next week, enrollment naman for my last year as a BS Accountancy  student. Sobrang excitement ang nararamdaman ko.

Pagtingin ko sa tabi ko, may isang lalaki pala akong  katabi. Malambot na buhok, matangos na ilong, manipis na labi, saktong kapal na kilay at magagandang pares ng mata. Si Rahj pala. Si Rahj pala ang katabi ko ngayon. Ang taong minahal ko, minamahal at mamahalin ko pa sa darating na panahon.

Dalawang araw na rin simula ng tumira na kami sa iisang bahay, napagpasyahan namin na sa condo unit ko na lang kami titirang dalawa. Nag-usap din ang aming mga magulang at parehas na pumayag na pagsamahin na kami ni Rahj sa iisang bahay. Wala naman daw kaso sa kanila yun as long as we know our limits. Kaya naman parehas namin ikinatuwa yun ni Rahj.

“Hoy! Gising na! 7am na!” sabi ko kay Rahj habang niyuyugyog ko na ito para lang magising.

“Hhhmm.” Tanging tugon nya sakin.

“male-late ka sa schedule mo! Hoy!” yugyog ko ulitt dito. Pero imbes na bumangon na ay kinapa ang comforter namin at saka nagtalukbong. Sa di malamang dahilan, imbes na mabwisit ako sa kanya ay natuwa pa ko sa inasal nito. Sa pangatlong araw namin sa pagtira sa condo ko, ganito ang senaryo namin dalawa pag ginigising ko na siya. Parang batang puyat na puyat.

Niyakap ko ito mula sa labas ng comforter. Yakap na mahigpit.

“Rahj, gising na. Male-late tayong dalawa” sabi ko sa kanya habang nakayakap parin.

Biglang gumalaw si Rahj at binaba niya ang nakatakip na comforter hanggang sa kanyang leeg.

“I love you” sabi niya sakin sabay ngiti. Talagang hindi sya nagmimintis sa pagbuo ng araw ko. At saka nilabas ang dalawang kamay at kinabig ang aking leeg papunta sa kanyang kaliwang balikat. Masarap, sobrang sarap sa pakiramdam pala talaga na sa paggising mo sa bawat umaga na ginawa ng Diyos ay ang taong mahal mo ang unang makikita mo sa paggising. Nginitian ko ito at saka bumulong. “I love you too”

Ini-angat niya ang aking mukha at hinalikan ang aking noo. Pagkatapos noon ay tumagilid siya paharap sakin at ngumiti.

“Tara na, bangon na tayo!” masiglang bati niya sakin. Agad-agad siyang bumangon at hinila ako sa kamay para makabangon na ko ng tuluyan. Agad na siyang lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina. Ganito naman sya eh kahit di pa siya dito nakatira, magpapatiuna sa kusina pagkagising kasi gustong baguhin ang sitwasyon at palabasin na late akong gumising sa kanya at mabagal kumilos imbes na sya naman talaga.

“Oh, bilisan mo, ligo ka na, male-late tayo nyan eh” sermon niya sakin habang kumukuha na ng itlog mula sa ref at gatas at milo powder. Oh, diba, nabaligtad na nya ang sitwasyon, ako na ngayon ang mbagal kumilos.

“Opo” sagot ko na lang dito at saka pumunta na ng CR. After 15 minutes,  lumabas na ako ng CR. Amoy ko na agad ang nilulutong itlog nito at ang pinaghalong gatas at milo powder saka pakukuluan. Nagbihis na ko ng damit ko at pantalon. Saka tinungo ang dinning area. Pagkalabas ko ng pinto ay naka ready na ang breakfast namin at si Rahj naman ay naka upo na sa silya at iniintay ako.

“Kain na tayo” alok niya sakin. Umupo na ako sa tapat niya at saka kumuha ng isang pirasong itlog at tinapay. Nilagyan naman niya ng special milo niya ang aking mug.

Habang kumakain kami ay panaka-nakang sumusulyap ito sakin, parang may gustong sabihin.

“Ano yun?” tanong ko dito.

“Huh?” gulat na sagot nya sa tanong ko.

“Bakit ka tingin ng tingin sakin? May sasabihin ko ba?”

“Wala!”

“Di nga?”

“Wala nga, kain ka na lang tayo. Masarap tong pagkaluto ko” iwas niyang sagot sakin.

Di ko na lang sya kinuli pa dahil alam ko naman magsasabi din ito sakin kalaunan. Unang natapos siya sa pagkain at saka nagpaalam na maliligo na daw sya. Pagakatapos ko kumain ay niligpit ko na ang mga pinagkainan namin at saka hinugasan. After 20 minutes, saktong tapos ko maglinis at mag-ayos ng kitchen ay sya naman labas ni Rahj sa kwarto. Ang gwapo mo talaga.  Ang di ko maiwasang komento sa kanya pagkalabas ng kwarto. Wala na, wala na talaga, buo na araw ko.

Lumapit sya sakin saka ngumiti tapos linapit nya ang mukha nya sa may tenga ko at saka bumulong.

“Kahit kelan talaga, you can’t resist my charm. Kala mo di ko narinig sinabi mo huh”

“Yabang mo! Wala akong sinabi no” maang-maangan ko sa kanya.

“Kaya pala gwapong gwapo ka sakin” pangbubuyo pa nyang lalo sakin

“Whatever” saka ako naglakad na papuntang elevator. Pagkatalikod ko sa kanya ay napangiti na lang ako sa nangyari. Rinig ko pang sinabi nya na hintayin ko sya pero di ko na liningon.

*Ting*

Saka bumukas ang elevator kaya pumasok na ko, pagharap ko ay kasunod ko na si Rahj na nakangiti parin sakin na nang-aasar.

“What?” asar-asaran kong tanong dito.

No reaction, nakatitig lang sakin.

“Ano?!” iriang tanong ko dito.

Pero wala parin. Nakatitig lang. Ito ang ayaw ko dito eh, tititigan lang ako na walang reaction.

“Fine!” suko ko dito.

Saka sya ngumiti at tumawa. “Susuko ka din pala eh” saka umakbay sakin at kniliti ang kanang bewang ko.

Hinding hindi talaga ako magsasawa na mahalin si Rahj. Lagi nya akong pinasasaya, pinapatawa, pinapahagalpak sa mga ka-kengkoyan niya, binubwisit sa mga jokes nya sakin, mga pangbubuyo nya pag nag-aasaran at ang parang batang tampu-tampuhan niya sakin.

Pagkalabas namin ng building ay dumiretso na kami kung saan nakapark ang sasakyan ko.

Hinatid ko si Rahj sa DLSU taft, para pwede ko syang sunduin if okay sa schedule ko par uwian na, at saka malapit lang samin, isang jeep lang.

“Bye!” paalam niya sakin saka bumaba ng sasakyan.

Pagkasarado niya ng pintuan ay bigla niya ulit binuksan.

“May nakalimutan ka?” takang tanong ko dito.

“Oo eh, meron pala”

“Ano?”

“Eto oh”

Sumakay siya ulit ng sasakyan at saka lumapit sakin at naglapat ang aming labi. Sa sobrang pagkabigla dahil di ko inaasahan ang gagawin niya at isa pa, hindi tinted ang sasakyan ko ngayon kaya kita kami ng mga estudyanteng nasa labas, ay hindi agad ako nakapagsalita.

Walang anu-ano ay hindi na nagpaalam si Rahj sakin na bababa na siya. Nang matauhan ako ay naglalakad na si Rahj kasama ang isang babae at isang lalake na sa tingin ko ay si Yvone yung babae at si Miguel ata yung isa.

Ngi-ngiti-ngiti akong umalis sa school niya at saka habang nagdadrive. Ganun parin ang aura ko hanggang makarating ako ng school. Isang nakangiting si ako ang sinalubong ng mga classmates ko habang naglalakad along the chapel ng school.

“Good morning!” bati ko sa kanila.

Napatigil naman sila at parehas na mga naka kunot ang noo.

“Mukhang maganda gising mo ngayon ah” bati sakin ni Mabel.

“Pano ba naman hindi gaganda, eh magkasama na sila ng boyfriend niya, oh diba, bongga yun!” ang eksaheradang komento ni Sheila sakin.

“Let’s say na, masaya lang talaga ako kasi back to normal na ulit buhay ko” sagot ko sa kanila at saka nagpatiuna na sa kanila.

Starting that day, mas naging busy na ko sa buhay ko. After  ko matapos ang summer class ko ay nagpalipas lang ako ng isang linggo at saka pumunta ulit ng school para mag-enroll bilang isang 4th year college student. Naging mabilis naman ang pagdaan ng panahon at magsisimula na ulit ang pasukan.

Sa loob ng 4 na linggong bakasyon ko ay naging maayos at magandang buhay naman ang nangyari samin ni Rahj.

Nandyan yung pupunta kami sa mall para lang sa tamang tambay o kaya ay kakain. Pupunta sa theme park para sumakay sa mga rides or pupunta kami ng mga classmates nya and classmates ko sa isang beach. Nagkasundo naman agad ang mga kaibigan namin dalawa at mabilis na nagkapalagayan ng loob.

Pasukan na ulit. Andyan yung gigisng ako ng 5:30 am para lang maghanda sa pagpasok namin or mauuna syang gumising samin dalawa at sya naman ang gagawa ng mga ginagawa ko kapag ako ang nauunang gumising. Ganyan lang naging routine naming dalawa. Hahatid ko sya sa school niyaa tapos didiretso na ko sa school ko, parehas na busy pero nakakapaglaan parin naman kaming dalawa ng oras sa isa’t isa.

Dumaan ang mga araw, linggo, buwan at sumapit na ulit ang Pasko.

Naisipan naming sa kanya-kanya pamilya muna kami sumama at di muna magkita sa christmas vacation namin para naman maiba.  December 19 inihatid ko si Rahj sa Cavite. Naabutan ko dun sila Papa, Mama at yung dalawang kapatid niya na si Kuya Drew and Miguel na abalang naglalaro ng backetball. Mukhang magkasundo na yung dalawa at wala na yung ilangan sa kanila simula ng tumira si Miguel sa puder nila.

“hey! Napadalaw kayong dalawa!” bati samin ni Kuya Drew.

“Hi Kuya Drew, hi Miguel” bati ko sa kanilang dalawa at saka umupo kami ni Rahj sa silya along the court.

Nag-apir naman  si Rahj sa kanyang mga kapatid at saka tumakbo papunta sa bola. Nagdribble tapos tumira. Shoot!

“Namiss ko to Kuya, ang maglaro kasama kayo.  Di tulad sa manila, walang oras na makapaglaro kasi daming  assignments at saka laging pagod” malungkot na sabi ni Rahj sa kanyang mga kuya.

“Sos, pwede ka naman umuwi dito pag weekends eh pero di ka naman umuuwi. Nakakatampo ka na bunso” komento ni Miguel.

“Kuya naman” nahihiyang sagot nito kay Miguel. Close na nga silang dalawa.

“Siguro may pamangkin na kami no”sabat naman ni Kuya Drew saka ngumiti ng nakakaloko.

“Kuya!” sabay namin komento ni Rahj. Nagkatinginan naman kaming dalawa saka nagka-ilangan sa isa’t isa.

“Diba, sabi sayo Miguel eh” sabi ni Kuya Drew kay Miguel at saka nag apir ang dalawa tapos ay tumawa.

“Tara na sa loob, naghihintay na sila Papa sa inyong dalawa, madami daw kayong dapat ikuwento sa kanila” kapagkuwan ay wika ni Miguel samin.

Nagkatinginan kaming dalawa. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya sa kanya. Aamin ako, hindi pa ulit kami nagtatalik after ng graduation niya noong March, kaya siguro ganun kami makareact na di naman dapat.

Pagkapasok namin ay niyakap kaming dalawa nang magulang niya at saka binati.

Napaka-init talaga nila mag welcome ng bisita. Nakakatuwa silang pagmasdan na nagkukwentuhan sa harap ng hapagkainan.

“kumusta ba naman itong anak namin James?” kapagkuwan ay wika ni Papa.

“Ah, si Rahj po?” pause ko saka tumingin kay Rahj at ngumiti.

“Okay po syang kasama, wala pong problemang binibigay. Masipag po at may alam din naman po pala sa gawaing bahay” sagot ko sa tanong ni Papa.

“Oh, talaga Rahj? You know now how to cook and maglaba?” manghang tanong ni Papa.

“Yes and No” sagot nito. Kumunot naman ang noo nila Papa.

“Yes I know how to cook na and No kasi pinapa-laundry lang namin damit namin, sakit kasi sa kamay maglaba kahit naka washing machine” nahihiyang pagtatapat nito sa kanila.

“Still, you know some things na ikaw mismo ang nakatuklas, diba James?”

“ah. Opo!” sagit ko dito.

Madami pa kaming napagkwentuhan at mga tinanong sakin katulad ng mga plans namin dalawa sa buhay. At ganun parin naman ang sagot namin dalawa ni Rahj-ginagawa namin ang lahat para maging normal ang lahat sa paligid namin.

7pm na nang mapagdesisyunan ko nang umuwi kasi baka abutan ako ng ulan, mata-traffic pa ko pag nagkataon.

Naabutan ko sila Mommy and Daddy na nasa sala at abalang manuod ng isang romantic movie, The Vow lang naman ang pinapanuod nila.

“Hi anak” bati sakin ni Mommy.

“Hello Mom” bati ko sa kanila saka bumeso.

“Si Rahj, di mo kasama?” tanong naman ni Daddy. Napangiti na lang ako sa tinuran nito. Simula ng magkaayos kami ay naging okay na rin sakanya ang meron kami ni Rahj, lagi pa nga niyang nakakalaro ito sa Chess kapag bumibisita kami ni Rahj sa bahay. Inaabot sila ng 4 hanggang 5 oras sa pagche-chess lamang.

“di po eh, hinatid ko na po sa kanila. Napagdesisyunan po namin na magkanya-kanya muna kami ngayong christmas vacation para maiba naman.” Sago ko sa kanila

“Ah, okay. Sayang, kala ko pa naman may makakalaro ako ngayon pag uwi  mo ng Chess. Tsk” dismayadong sabi ni Daddy.

“Dad, naman. Marunong din akong mag chess, nakakatampo ka na huh, si Rahj ba talaga anak mo?” lambing ko dito.

“Hindi naman” sagot nito saka tumawa.

Kita ko sa mga mukha nila Mommy and Daddy na masaya sila at umuwi na ulit ako.

Dumaan ang ilang araw pa’t sumapit na ang Pasko. Sumimba kami ng pamilya ko at saka dumiretso sa Mall, binigyan nila ako ng pera, bilhin ko daw ang gusto kong bilhin kasi daw pambawi nila. Hinatid ko muna si Mommy sa Salon tapos si Daddy sa may Billiards kasama mga kumpare nya dun.

Wala naman akong gustong bilhin pero nang mapadaan ako sa isang perfume store,  di ko mapigil ang sarili ko na bumili ng pabango. Bumili ako ng Hugo Boss Perfume at saka isang Lacoste na pabango. Ewan, pero di ko talaga mapigilan ang di bumili nun.  Habang naglalakad sa 3rd floor ng mall, napadaan ako sa isang shop, naka-agay pansin sakin yun long sleeves na gustong gusto kong bilhin dati para sana kay Rahj pero wala akong dalawang pero, so since binigyan ako ng pera, bumili ako ng isang piraso, para christmas gift ko na rin sa kanya.

Wala akong ginawa kundi lumibot lang ng lumibot sa mall, kain ng ice cream dito, tambay sa may lobby, then punta sa sinehan para maka idlip ng konti. Sumapit ang 7pm at nasa mall parin kami nila Daddy.

“wala bang kapaguran ang dalawang yun sa paglibot dito?” ang di ko maiwasang ikomento.

Habang naghihintay sa kanila sa may lobby ay biglang nagring ang phone ko. Si Mama, tumatawag.

“Hello Ma, bakit po kayo napatawag?” bati ko sa kanya.

“Si Rahj kasi” bungad naman ni Mama sakin. Biglang bumilis ang tibok ng puso  ko.

“Bakit, ano po ang nangyari?” nag-aalalalang tanong ko dito.

“Nawallan kasi ng malay tao.” Sagot ni Mama sakin.

“Huh? Bakit po? Sige po, punta ako dyan ngayon din” pagkapatay ko ng phone ko ay dinial ko naman number nila Dad at Mom at sinabi sa kanila ang nangyari kay Rahj. Nagpaalam na rin ako sa kanila na pupunta ako ng Cavite ngayon.

Habang nasa daan ay di ko maiwasang mapaisip kung bakit sya nahimatay, okay naman sya ng ihatid ko sa kanila. Ilang araw palang naman din ang nakakalipas. Hanggang sa makarating ako sa hospital na pinagdalhan kay Rahj balisa ako at di mapakali.

“Good evening Miss. Anong room naka-admit si Rahj Manalo?” bati ko sa nurse sa information desk ng hospital.

“Room 304 po Sir” sagot naman nung Nurse. Nagpasalamat ako dito at saka mabilisang tinungo ang kwarto.

Tok Tok Tok.

Saka ko binuksan ang pinto ng kwarto, nandun sila Papa at yung ibang relatives nila sa kwarto. Si Rahj, ayun, nakahiga sa kama at wala paring malay tao.

“Kamusta na po si Rahj?” tanong ko dito.

“Okay naman na daw sya, napagod lang daw” sagot ni Papa sakin.

“Pasensya ka na James kasalanan namin kasi katulong namin sya sa pag-asikaso ng mga ihahanda ngayon pasko kasi may reunion ang buong pamilya kaya sya napagod. Sorry” paghingi nang tawad ni Frances sakin.

“Okay lang, di nyo naman kasalanan. Ang mahalaga okay na siya.” Sagot ko dito saka ngumiti

Dumating din sila Daddy sa naturang Ospital at kinamusta ang lagay ni Rahj. Napapagpasyahan kong manatili sa ospital hanggang sa magising na si Rahj. Sabi kasi ng Doctor na pwede na daw ma discharge si Rahj kapag nagising na ito. Wala namang masamang nangyari or injury/ies siyang nakuha kundi over fatigue lang.

9pm, inihatid ko sila Daddy sa may parking lot ng Ospital.

“Okay ka lang ba dito anak?” tanong sakin ni Mommy.

“Opo, uuwi rin po ako pag nagising ni Rahj”

“Basta text mo kami pag okay na siya” mungkahi naman ni Papa.

“Opo, sige po” sagot ko ulit.

Sumakay na sila ng sasakyan kaya naiwan ako sa labas ng parking space. Di ko alam ang nagtulak sakin pero lumapit ako ulit sa sasakyan nila saka kumatok sa binta sa gawi ni Papa.

“Bakit?” tanong nila pagkababa ng binta ng sasakyan.

“Sorry po” nahihiyang sabi ko dito.

Nagkatinginan sila ni Mommy at saka tumingin sakin “Para saan?” tanong ni Daddy sakin saka ngumiti..

“Kasi, mas inuna ko pang samahan si Rahj dito sa ospital kesa samahan kayong umuwi sa bahay lalo’t pasko ngayon. Sorry po talaga” mahiya-hiyang pagdadahilan ko dito.

Sumilay sa kanilang mga bibig ang isang magandang ngiti. “Okay lang, naiintindihan ka namin. Natutuwa nga kami sayo kasi malaki ka na talaga. You can take care of yourself na” sabi ni Mommy sakin.

“At isa ka nang responsableng anak at nobyo. Napakaswerte namin sayo at ni Rahj. Kaya naiintindihan ka namin.” Tugon ni Papa.

“Anak nga talaga kita” ang ngi-ngiting tugon ni Daddy sakin.

“Ano po?” wala sa sarili kong tanong dito.

“Kung ako ang nasa sitwasyon mong yan, marahil ganyan din ang ginawa ko” ang nakangiting sabi ni Papa sakin. Saka nito  itinaas ang bintana ng sasakyan at saka bumusina tanda ng aalis na sila.

Hindi ko mawari pero nakaramdam ako ng ibayong saya. Kumaway ako dito habang papaalis ang sasakyan namin. After non, bumalik na ulit ako sa kwarto ni Rahj. Ganun parin sya. Wala parin malay. Iginala ko ang tingin ko sa buong kwarto at mga naka upo ang buong pamilya ni Rahj sa isang silya na nakasandal sa ding-ding ng naturang kwarto. Pare-parehas na mga pagod.

“Merry Christmas po” bati ko sa mga ito.

Lahat sila ay tumingin sakin tapos ay ngumiti.

Kinuha ni Mama ang kamay ko at saka hinila papunta sa tabi nya at pinaupo.

“Alam mo ba anak, di ko alam kung pano ka pasasalamatan sa mga ginawa mo samin” panimula nito.

Nakakunot noo akong tumingin dito.

“Simula palang nung sinamahan mo kami sa America para sa therapy ni Rahj hanggang sa mga pinagdaanan natin dun hanggang ngayon na pinagpalit mo na makasama ang pamilya mo kesa sa bantayan si Rahj hanggang magising ito, ngayon pasko ay sobra talaga akong nagpapasalamat sayo”

Tumigil siya tapos tinginan si Rahj sa kama.

“Lagi ka nyang ibinibida samin at sa mga kamag-anak namin kung pano mo sya alagaan. Sobrang saya nya pagnagkukwento sya ng mga bagay na tungkol sayo. Tuwing ganun sya, dun lang namin nakikita yung ibang klaseng ngiti niya at dun lang din namin napansin iyon. Napapnsin din ng mga uncle at auntie niya ang kakaibang kislap ng mga mata niya kapag binabanggit niya ang pangalan mo. Kaya nagpapasalamat talaga ako sayo kasi nakikita namin ang mga ngiting ganun.” Paglalahad ni Mama sakin.

“Ah.. eh. Di ko po alam kung ano ang sasabihin. Sobra naman po ata yung mga papuri nyo sakin. Nakakhiya naman po” sagot ko dito habang kamut-kamot ang ulo ko.

“Okay lang yun, you deserve all those things” sabat ni Kuya Drew. “Oo nga, tama si Mama” sabat din ni Miguel.

Ngumiti na lang ako sa kanila bilang pasasalamat. Honestly, nakakalaki ng puso ang mga sinasabi nila sakin. Kaya naman di ko maiwasang mapatingin sa natutulog na si Rahj at mapangiti.

Ilang oras din kaming naghintay and finally, nagising na si Rahj.

“Ma.. Pa..” ungol nito.

“salamat naman at gising kana anak” ang nakangiting sabi ni Mama.

“asan po ako?”

“Andito ka ngayon sa Ospital. Nawalan ka ng malay kaya ka namin dinala dito”

“Ganun po ba? Pasensya na po. Paskong pasko nandito tayo ngayon sa hospital” ang tila dismayadong tugon nito samin.

“Ano ka ba. Ayos lang yun. Ang mahalaga, 10pm palang, pwedeng pwede pa tayo humabol sa Pasko” ang nakangiting sabi nila Kuya Drew

“Oo, pwede ka naman daw madischarge na pag nagising ka na. Kaya bumangon ka na dyan para mahabol pa tayo kasiyahan kila Lola” sabi naman ni Miguel na parang bata kung magsalita.

“Kuya Miguel talaga, parang bata.tsk” sabi naman ni Frances dito.

“Nga pala Rahj, si James oh” sabi naman ni Papa dito. Kita ko sa mga mata nito na  nagiba ang aura. Biglang umayos ang naka simangot na mukha nito. Saka ngumiti sakin. Aktong babangon ito ng tulungan ko syang makabangon ng ayos.

“Anong ginagawa mo dito?”  takang tanong niya sakin

“Merry Chirstmas” bati ko dito, di ko na sinagot ang tanong niya kasi baka sisihin lang niya ang sarili niya.

“Ganun din sayo” tugon naman nito sakin.

“oh, alalayan kitang tumayo ah, tapos uwi na tayo para maka-abot pa tayo sa party nyo, diba Ma? Pa?”

“Ah.. Oo, tama si James. Tara na”

Agad naman nakuha nila Mama ang ibig kong sabihin sa mga tingin ko sa kanila n magiging okay ang lahat, na ako na bahalang magpaliwanag mamaya.

Dumating din ang doktor na tumitingin kay Rahj at saka sinuri kung okay naman na sya. And good thing, pwedeng pwede na daw siyang makauwi. Binilinan lang kaming laging uminom ng tubig at kung maari, ay uminom ng isang coke in can para mabawi nito yung glucose na kulang sa kanyang katawan.

Dumating kami sa bahay ng Lolo’t lola nila sa Gen. Trias, Cavite kung saan labas palang nang bahay ay aninag mo na ang mga nagkakasiyahang mga kamag-anak nila sa garden at pati rin sa loob ng bahay.

Pagkababa namin ng sasakyan ay sinalubong kami ng mga pinsan nito na minsan ko na rin naka-usap at nakabiruan ng minsan magovernight kami nila Rahj dito sa bahay ng Lolo nila.

“kamusta ka na?”tanong ni Kuya Bryan kay Rahj.

“Eto, gwapo parin”  sagot ni Rahj.

“Okay ka na, mayabang ka na ulit” sabi nito na natatawa na lang saka inakbayan.

Ako naman ay sinalubong nila Thea at Phoebe, kinamusta nila ako tapos nagkwento na ng nagkwento sa mga ginawa nila simula kahapon hanggang kanina.

Nasa dinning area kami ngayon at kumukha ng mga pagkain. Pansin ko lang na may mga matang nakatingin sakin kaya nilingon ko ito. Sa tingin ko ay nasa mid 40’s na ang mga tiyo at tiya ni Rahj. Nakatingin lang sakin tapos tiningnan nila si Rahj na nakaupo na sa table. Pinagkibit balikat ko na lang yung nangyari yun saka dumiretso sa table kung nasan sila Rahj at ang pamilya niya.

Habang kumakain kami ay lumapit bigla si Rahj sakin.

“May regalo pala ako sayo, nasa taas lang. Kunin ko lang saglit ah” sabi nito sakin saka nagpatiuna na sa kwarto.

Naiwan naman ako dun sa table kaya nagpatuloy lang na kumain. Habang kumakain ako magisa, may lumapit sakin na mga medyo matanda na mga babae at lalake.

“Siya na ba yung tinutukoy niyo?” tukoy ng mga ito sakin na tinatanong sila Mama at Papa.

“Oo Luisa, sya na nga” ang nakangiting tugon ni Mama sa kanila.

“Oh, we’re so glad to finally meet you hijo” bati nito sakin. Agaran naman akong tumayo at saka nakipag beso sa mga babaeng medyo may kaedadan na rin at nakpag shake hands sa mga lalaking medyo may edad na rin.

“Ako nga pala si Luisa. Tita Ysa na lang tawag mo sakin. Anak ko si Bryan”

“Ako naman si Franko. Tito Franko na lang. Anak namin ng asawa kong to, si Mary, sila Ricky at Phoebe.

“Martin naman pre, pinaka bunsong anak. Kapatid ko ang mga magulang nila Rahj” sabi nung huling nagpakilala. Siguro magka age lang kaming dalawa neto. Magka height pa. Katulad ng lahi ni Rahj, di maikakailang magandang lalake din ang isang ito.

“nice to meet you po. Ako po si James” pagpapakilala ko naman dito.

Dumating nmana bigla si Rahj na may bitbit na isang paper bag. Tapos nakaplaster ang isang maganda ngiti.

“Good evening po Tito’t Tita” bati nito sa mga nagpakilalang tito’t tita niya sakin.

“Hijo, sya na ba?” tanong nila kay Rahj na nagpepertina sakin.

“Opo! Sya na po talaga!” masiglang sagot nito. Dun ko lang napansin kung pano ito ngumit kapag involve na ko at kung pano sya ngumiti kapag di nya ko kasama, katulad nga ng sinabi nila Mama, iba ngumiti si Rahj.

Imbes na sumagot ang mga tito niya ay ngumiti na lang ito samin saka kami tinapik sa likod dalawa tapos ay umalis na sila.

“Eto nga pala oh, regalo ko sayo” inabot sakin ni Rahj  yung dala niyang paper bag. Pagkabukas ko ay isang tshirt. Na may design na bar code sa gitna tapos imbes na serial number ang nakalagay ay ang mga salitang “I LOVE YOU” ang nakalagy.

“Salamat” sabi ko dito. “meron din akong dalang regalo sayo. Ayan oh buksan   mo”

“Ano to?”

“Buksan mo kaya para malaman mo”

Habang binubuksan ni Rahj ay sabay dito ang pagngiti niya. Mukhang nahuhulaan na niya kung ano iyon.

“Oi, yung gusto kong  long sleeve! Salamat!” sabi nito sakin ng makita niya yung binili ko

“Salamat!”

Pagkatapos namin magpalitan ng regalo ay tinapos na namin ang aming pagkain saka pumunta sa tumpok ng kanyang mga pinsan saka yung isang niyang tiyuhin na si Martin. Awkward tumawag ng tito since magka age lang kame.

Kwento dito, kwento dun, biruan ditoo, biruan dun. Kung anu-anong mga pinaggagagawa pa namin dun. Andyan yung mababaling ang atensyon ng buong tumpok namin sa aming dalawa at tutuksuhin kaming dalawa. I-de-dare kaming dalawa ng kung anu-ano na sinusunod naman namin dalawa.

“Martin! Ricky! Rahj! Puna na kayo sa gate, sisindihan na natin yung fireworks!” tawag samin ni Tita Luisa, panganay na kapatid ng Mama ni Rahj.

“oh, tawag na tayo. Tara!” yaya samin ni Martin.

Naunang tumayo si Rahj kesa sakin saka nya inabot ang kamay ko para alalayang tumayo. Pagkatapos niya akong tulungang tumayo ay di na niya binitawan ang kamay ko tapos ay hinila na niya ako. Di alintana ang mata ng ibang mga Tita niya na samin nakatinging dalawa.

Sa gate nila, andun ang buong pamilya nila Rahj. Ngunit di kami dun pumwesto ni Rahj.

“Oh, san tayo pupunta? Andun sila sa may gate oh?” tanong ko dito.

“Basta, mas maganda view dito sa alam ko” sagot nya sakin saka patuloy na hinila ako kung saan man yung tinutukoy niyang lugar.

“Dddddyyyyaaarrrrraaannn!” sigaw niya saka pinakita sakin ang isang parang na sa gitna nito ay may puno ng mangga.

“Wow! Ang ganda!”

“Diba sabi ko naman sayo mas maganda dito”

“Oo nga,  ang ganda dito. Sarap humiga sa damuhan.” Pagkasabi ko na pagkasabi sa mga huling salitang binitiwan ko ay nakita ko na lang si Rahj nakahiga na sa damuhan.

“Higa ka oh, dito sa tabi ko” mungkahi nito sakin.

Humiga naman ako sa tabi niya. Ngunit iniangat niya ang aking ulo at saka nilagay ang kanyang braso para maging higaan ko.

“salamat.” sabi ko saka tumingin sa kanya a kasalukuyang nakatingin din pala sakin.

“Ako dapat ang nagpapasalamat sayo” sabi nito sakin.

Hindi na ko sumagot, imbes, nginitian ko na lang ito. Biglang lumiwanag ang kalangitan ng iba’t ibang kulay ng mga paputok. Ang ganda, sobrang ganda. Mas maganda pa dun sa mga paputok na dinala namin ng minsan magbakasyon kami sa batangas.

Habang nanunuod ng fireworks display ay naramdaman ko na lang na biglang bumigat ang dibdib ko, nangtingan ko, kamay ni Rahj. Nakayakap na siya sakin saka siniksik ang ulo saking balikat.

“Sana ganito tayo palagi, masaya, laging magkasama, tahimik lang” biglang sabi nito habang nakapikit ang mga mata.

“Alam mo, kung mamamatay man ako, gusto ko ganito, nakahiga lang sa damuhan at ninanamnam ang gabi  at iniintay na kunin ng mga anghel” wala sa sariling sabi nito na kinabigla ko naman.

“Ano ka ba? Bakit ka nagsasalita ng ganyan? Matagal pa yun!” aaminin ko, bigla akong kinabahan sa sinabi niyang iyon. Sa lahat siguro ng sitwasyon na pwedeng dumaan sakin, yung ganun bagay ang di ko kayang harapin.

“Joke lang naman. Kung sakali lang naman pati eh.” Natatawang sabi nito sakin . medyo naasar ako sa biro niyang iyon.

“Di ka nakakatawa Rahj, ayoko ng ganyan kahit pa man biro yan” medyo nag-iiba ang tono ng boses ko.

“Sorry” sabi nito sa malungkot ng boses.

“Okay lang, basta wag kang mag-iisip ng ganyan, di ko ata alam ang gagawin pag dumating ang ganyan” medyo naiiyak ko ng sabi sa kanya.

“Basta gusto ko, kung dumating man yung ganung sitwasyon at harapin ng kung sino man yun, tumingin lang tayo sa langit at ipikit natin ang ating mata, saka damhin ang hangin umiihip at pakinggang natin ang sinasabi nila satin, sigurado ako pagkatapos nun, malalaman na natin ang solusyon” sabi nito sakin saka ako mahigpit na niyakap.

“Pero-“ magsasalita pa sana ako pero agad niyang pinutol yun sa pamamagitan ng pagtakip ng hintuturo niya sa mga labi ko.

Hindi na nga ako nakapagsalita sa halip ay niyakap ko na lang din si Rahj habang nanunuod kami ng fireworks display. Limang minuto din ang tinagal ng display na yun at ng matapos nga ito ay nakita ko na lang ang sarili kong umiiyak. Umiiyak sa di malamang dahilan. Siguro sa saya. Nang tingnan ko si Rahj, ayun, nakatulog na pala habang nakayakap parin sakin. Hinayaan ko na lang na ganun ang posisyon namin. Nakatingin sa mga bituin na ngayon ay kumikinang sa kalangitan. Unit-unti ay naka idlip na pala ako. Nagkamalay na lang ulit ako ng ginigising na ko ni Rahj, nakaupo siya sa damuhan katabi ang kanyang mga pinsan na ngayon ay abala sa pagtawa.

“Kanina pa kayo hinahanap nila Tita!” pag-agaw pansin samin nila Kuya Ricky na abala parin sa pagtawa. Nang bumangon na ako ay nakita ko sila na nagkukulitan na magpipinsan sa tabi lang namin sa damuhan.

Nasabi ko na lang sa sarili ko na ang sarap talagang mabuhay lalo na kung ganito ang mga makikita mo sa paggising mo.

Pagkatapos kong magpagpag ng mga damo na dumikit sa likod ko ay dumiretso na kami sa bahay ng Lolo’t lola niya.

Dumaan pa ang mga araw na  naging okay naman, bumalik na rin ako sa bahay namin kinaumagahan. Pinahatid ako ng mga magulang niya kay Martin kasama ang iba pa nilang mga pinsan at si Rahj.

Mabilis na dumaan ang araw na naging linggo na naging buwan hanggang sa naging taon.

Ngayon nga ay gagraduate na ko sa kursong napili ko.

Araw ng pagtatapos ko at sa PICC ginanap ang graduation ceremony ko.

CASTILLO, JUSTIN JAMES
Graduate
Bachelor of Science in Accountancy

Di man ako nakapasok sa pagiging Cum Laude pero masaya parin ako at kahit papaano ay nabigyan ako ng “with distinction” na award.

Pagkatapos ng graduation ko ay nagkaron kami ng pagkakataon na magpapicture. Picture ko na solo lang, Picture ko kasama ang aking Mommy, Daddy at Kuya na umuwi galing Amerika. Picture ko kasama ang aking pamilya at si Rahj. Picture ko kasama ang aking mga close friends. At picture ko kasama si Rahj lang.

Pagkatapos nun ay dumiretso na kami sa bahay para makapag-celebrate sa aking pagtatapos. Dumating ang aking mga kamag-anak at nagkaron ng salu-salo. At ang isa sa gusto kong pangyayari nung araw na yun ay ng bigyan ako ng bagong DSLR camera galing sa aking mga magulang. Sobrang nagpasalamat ako sa kanila dahil di ko ine-expect na magkakaron nun dahil medyo may kamahalan iyo, saka aksidente ko lang din yun na nabanggit ng minsan kaming mag mall kasama sila Daddy at Mommy.

Si Rahj naman, ang binigay sakin ay isang bag na pang-opisina na may naka-engraved na pangalan ko dun. Nang buksan ko bag ay may nakita akong isang Box. Nang buksan ko ito ay isang white gold bracelet ang natanggap ko. May naka-engraved naman na pangalan ni Rahj sa likod ng bracelet na yun.

Tinaas ni Rahj ang kanyang kamay at nakita ko naman na suot niya yung katulad na bracelet na binigay niya sakin saka siya ngumiti.

“Salamat” sabi ko dito nang makaalis sila Mommy sa tabi namin.

“Welcome” sabi nito sakin saka ngumiti ulit.

“Gamitin mo yan pag CPA ka na hah” biglang sabi nito sakin.

“Hah? Oo naman. Syempre. Bigay mo to eh”

Kinuha nito ang kamay ko saka pinisil-pisil saka tumingin sakin at ngumiti.

“Congratulations pala, nalimutan kitang batiin kanina nung bumaba ka sa stage”

“Salamat”

“walang anuman”

Tumagal pa si Rahj sa bahay ng ilang oras saka nagpaalam na aalis na daw siya. Kasama niya si Miguel at Kuya Drew kaya di ko na kelangang mag-alala sa kanya habang bumibyahe siya.

Dumaan pa ang ilang buwan at sa pagdaan nito ay kasabay nun ang pagrereview ko para sa board exam. Minsan minsan nagkikita kami ni Rahj para lumabas at magliwaliw pero madalas lang yun. Sinasabi ko naman sa kanya minsan na konting tiis lang kung hindi ko sya minsan nakakausap dahil sa busy rin ako sa pagrereview. Naiintindihan naman niya ang sitwasyon ko.

Dumating ang araw na magte-take ako ng CPA board exam. 1st day, okay lang naman ang exam at nakakapagod ganun din naman nung 2nd day. 3rd day at 4th day ay halos malugaw ang utak ko sa pagsasagot ng mga problem solvings na exam. Awa naman ng Diyos ay nasagutan ko naman lahat. Resulta na lang ang iintayin ko.

2nd day after the final day ng exam ay lumabas na ang resulta. Kasama ko si Rahj sa bahay ng makita namin ang resulta.

“Pumasa ako!” dalawang salitang sinigaw ko ng sinigaw ng mgakalabas ang resulta. Sobrang tuwa ko noon dahil sa wakas, nagbunga ang mga paghihirap ko.

Nang malaman nila Mommy and Daddy at Mama and Papa ang balita ay binati nila ako para sa tagumpay ko.

Araw ng oathtaking at nandun kaming buong pamilya kasama syempre si Rahj. Habang nanunumpa kaming mga nakapasa ay nakatingin ako kila Daddy.

Lahat sila ay masuyong ngumiti sakin

Pagkatapos ng oathtaking namin ay dumiretso na kami sa bahay para mag celebrate ulit.

“CPA ka na!” bati sakin ni Rahj nung pumunta kami sa kwarto ko para magpahinga.

“Oo nga eh. Buti nakapasa” sabi ko dito.

“Sana ako din makagraduate na”

“Konting taon na lang, 3rd year ka na naman eh. Isang taon na lang, magiging magaling na interior designer ka at gusto ko, ikaw ang magdedesign ng bahay natin”

“Syempre naman!”

Sobra  akong nagpasalamat sa Diyos dahil sa mga blessing na binigay niya sakin nung mga nakaraang taon. At hiling ko pa na sana maging okay ang aking napiling buhay sa darating pang mga taon.

Na-employ ako sa isang sikat na Accounting Firm dito sa Pilipinas. Sobrang okay at warm naman ang pagtanggap nila sakin ng magstart ang aking trabaho. Ganun parin ang routine namin ni Rahj, ihahatid ko siya sa school niya saka didiretso sa opisina.

Naging okay naman ang takbo ng buhay ko sa sumunod na taon. 2nd year ko na sa pagtatrabaho at si Rahj naman ay 4th year college na.

Habang naglilinis ako ng kwarto namin ni Rahj ay may napansin akong isang maliit na plastic bottle na nakatumba sa ilalim ng damitan ni Rahj sa closet namin.

Sobra akong nacurious sa gamot na ito. Kasi parang may mali eh. Parang may di ako nalalaman. Simula ng araw na yun ay di ako mapakali. Tuwing ise-search ko sa net ang pangalan ng gamot ay di ko mapindot ang enter button kasi kinakaabahan ako sa posibleng pwede kong malaman. Ngunit di ako tinigilan ng isa kong side na malaman kung ano nga ang gamot na yun.

Sobra akong nanghina ng malaman ko kung para san ang gamot na yun. Sobrang nanlambot ang mga tuhod ko at hindi ako makatayo.

Buong araw akong nagkulong sa kwarto at hindi nakapasok sa trabaho. Hindi ko alam kung totoo ba yung mga nalaman kong impormasyon sa bagay na yun.

Gusto kong kausapin si Rahj tungkol sa bagay na yun pero di ko alam kung pano sisimulan.




Itutuloy...

Sa mga silent readers, pakilala na kayo, 2 chapters na lang po ito. Please para naman masama ko kayo sa pasasalamatan.




Monday, June 4, 2012

Ako'y Sa'yo at Ika'y Akin update notice

since di ko nadala laptop ko nung umuwi ako for vacation, pag uwi ko na lang po ng manila ako gagawa ng pre finale.

sched. june 20, 2012- pre finale

june 27, 2012 finale

wag po kayong mag-alala, hahabaan ko po yung update