Wednesday, November 20, 2013

Crazier part 1

Its been 4 years since huli kaming nagkita. Di ko alam if makikilala nya ako kung sakaling magkikita kami. Di ko alam if tanda nya pa birthday ko, di ko alam kung dun pa ba sya sa dating bahay namin nakatira, at di ko rin alam kung mahal pa ba nya ako.


Its all my fault kung bakit sya nagalit sakin, kung bakit nawala tiwala nya, at kung bakit biglang bumaligtad mundo ko dahil sa mga misunderstandings sa pag-itan namin.


“Martin, tawag ka ni boss” biglang akong natauhan ng kalabitin ako ni Jane, officemate ko, dito ako ngayon nagwowork sa isang construction company bilang Head ng Team ng isang department.


“Okay” tugon ko na lang at agad na tumungo sa kwarto ng boss ko.


Pagkapasok ko ng opisina nya, sobrang daming scratch papers ang nagkalat, mga working papers, at mga nagkalat na statements ng kumpanya.


“Ah—Sir, tawag nyo daw po ako?”


“Ano bang klaseng analysis at comparison yan na ginawa nyo?!” bulyaw agad sakin ng boss ko pagtingin nya sakin, kaya naman rinig sa buong opisna ang pagsigaw nya. Gulat syempre ako, tumingin muna ako sa mga empleyado at mga subordinates ko at nag-Okay sign sa kanila. Alam ko na ako lang ang may lakas loob na nakakaharap sa boss naming ito pag nagagalit ito samin. Ewan ko ba kung bakit ang lakas ng galit nito sa department namin at lalo na sa akin.


“Sir, ano po ibig nyong sabihin?” tanong ko dito habang nagreready ng mahabang pasensya ang at the same time composure para sa sarili.


“Tanga ka ba? Bakait mo hinayaang malaman ng mga auditor na mayroong nawawalang malaking pera sa atin? Ano na lang sasabihin ng BOD, na walang kwenta control procedures natin, na naiisahan tayo ng kung sino mang demonyo dito sa kumpanya natin? Or, baka naman ikaw yung may pakana ng anomalyang iyon at naglalagay ka nalang sa mga hayop na auditors na yon, ha?” Grabe talaga.


“Sir, di po talaga maiiwasang hindi masilip yan, lalo na at madaming ebidensya, pero siniguro ko naman po na di na mauulit yan eh, at saka may suspect na po kung sino-“ di na ako natapos kasi pinutol nya ako sa pagsasalita.


“Kahit pa! Bakit ba kasi hindi mo sundin ang utos ko sayo na wag mong ipapasilip yung anomalyang yan, palibhasa kasi kung anu-ano ina-atupag mo. At alam mo bang may dumating na impormasyon sakin tungkol sayo? Na malaki daw ang interes mo na makakuha ng simpatsya sa BOD para ikaw ang sunod maelect ng Vice, ang kapal talaga ng mukha mo! Di ka na nahiya sa ginawa mo dating pang-ga-gago sa ka-“ di nya natapos ang sasabihin dahil rumehistro sa mukha nya ang gulat, alam ko may gusto syang ituloy pero i nya matapos-tapos.


“—arhg! Get out! Get out of this room! And next time na hindi mo sundin ang utos ko, i’ll see to it na matatangalan ka na ng pwesto dito!” bulyaw nya sakin bago ako tuluyang makalabas ng kwarto nya.


“Kamusta, giyera?” bungad na tanong sakin ni Bryan, isa sa member ng team ko, at isa rin sa malalapit na kaibigan ko.


“Ayun, mukhang signal number 4 nanaman, di ko  nga alam kung bakit ganun kalakas ang galit nun sakin, eh simple lang naman solusyon sa problema nya tungkol dun sa 5M na yun, di pa nya magawa” sagot ko naman dito.


“Naku, kelan kaya tayo matatapat sa mata ng bagyong  dala ni Sir nu?” pag butt-in ni Kate sa usapan.


“Naku, malabo. Laging signal number 4or 5 dala  nyan pag kakausapin team natin. Ano ba kasi meron sa team natin para magalit sya satin?” tanong ni Joffrey samin.


“Ipagdasal nyo na lang na magkalove life yang si sir, baka sakaling maging chill yan” sabat pa ni Arjay sa usapan.


“Naku,  ang ipagdasal nyo ay sana matuloy paglipat sa kanya sa branch sa America, saka balita ko ka-age lang daw natin yung papalipat jan kay sir eh. Saka single pa daw, pero babaero daw eh.” Ang tila kinikilig na saad ni Carol samin.


“Sana nga” chorus na pag-sang-ayon naman namin. Kahit kasi ako minsan gusto ko na sumabog sa harap nya pag napapagalitan eh. Di ko alam kung bakit talaga galit yung samin, kahit nga minsan personal na yung pangbwibwisit samin eh. Dumating pa sa point na napaiyak ni sir si Bryan dahil sa panglalait nito sa member ko.


=============================================


Di pa pala ako nagpapapakilala, ako nga pala si Martin James Cerna, Martin nickname ko. 21 years old, graduate ng BS BA major in Marketing. Pero ang trabaho ko ay madaming accounting works, nababanas nga ako minsan pag pinagagawa ako ng kung anu-anong schedule na supposed to be eh trabaho ng Accounting department. Ewan ko ba, minsan kasi pinagawa sakin ng boss kong may signal number 4  ang FS analysis ng taong 2011-2012. Halos di ako nakatulog ng dalawang gabi dahil dun.


Nakatira ako sa New Manila, dati yun. Pero nag iba ang ihip ng hangin ng may nangyaring kung ano samin dati ng kasama ko sa bahay na yun. Tuwing nadadaan nga ako sa bahay namin  eh parang ang lakas ng hatak sakin. Pero gusto ko na kalimutan yung nangyari dati kaya naman eto, lumipat ako sa Makati, malapait sa pinagta-trabahuhan ko. Kasama ko sa condo unit ay si Bryan, Arjay, Carol at Kate-yung buong team ko. Mas magaan kasi samin ang madami kami para maliit lang hatian sa renta at utilities.


 Ako taga luto, sila taga hugas ng pinigkainan. Ako pinaka clumsy kaya walang figurines or vases sa center table namin. Ewan ko ba, para daw akong matutumba minsan pag naglalakad kaya ayun, andame ko ng nabasag na vases.


Anyway, 8pm na, nag start na kami mag ligpit ng paper works at mag finalize ng strategy ng next release ng mga condo units ng bigla kaming kausapin ni boss, Kaiyle Andrew Garcia pala name ng boss namin, 30 na sya, single, kaya ayun, signal number 4 lagi kasi wala pang asawa. Sinabihan nya kami na postponed daw muna release ng new units kasi malilipat na daw sya ng branch in 2 days and wait daw namin yung papalit sa kanya sa Monday. Syempre kami abot langit ang ngiti kasi aalis na sya, pero at the same time medyo malungkot kasi may pagka-galante at mabaet tong si boss lalo ng pag may occassion to celebrate sa company. Minsang ko lang din makita ngumiti itong si Sir Kaiyle(Kyle), and may naaalala ako sa ganung ngiti pero di ko malaman kung sino, medyo parehas kasi sila.


So after sabihin ni sir Kaiyle yun, tinap nya ako sa balikat saka umuna na palabas ng building. Syempre kami, tinginan kasi nga first time mangyari yun, medyo malumanay boses nya, at unang nag-approach samin. Kaya naman nagdecide kami na mag banchetto na lang as treat for ourselves since Friday na at sweldo day din. Kaya yun, dumiretso kami sa Cubao para sa banchetto.


While waiting for our orders, di ko alam pano nasingit na naman ang buhay pag-ibig ko ng mga kupal na to eh.


“Sir Martin, bakit pala kayo naghiwalay nung gf mo?” tanung sakin ni Arjay. Syempre, usapang lovelife kaya naman all ears silang nakikinig pag ganyang topic. Di nila alam yung totoo, basta sabi ko 4 years na kaming hiwalay ng gf ko. Ayaw ko na kasi balikan yung pangyayari kaya naman di ako nagbabangit sa kanila tungkol sa lovelife ko, at isa pa medyo aloof kasi ako sa ganyan topic.


Since medyo nasa mood sinagot ko tanong nila.


“Sabihin na nating ako yung may pagkakamali. Yung tipong pwede namang mag explain di agad ginawa, hinintay muna magpabukas before gawin. Kaya ayun, luhaan akong umuwi kasi wala na sya.” Tugon ko sa kanila


“What do you mean wala na sya?” tanong ni Carol sakin. Imbes sa sagutin ay ngumiti lang ako sa kanila. “Dito na yung order natin oh.” Turo ko sa order namin kaya di na nila ako kinulit pa. Alam na nila ibig sabihin nun.


Napasarap kain namin kaya medyo nagtagal pa kami, 10pm na kasi. Balik pa kami Makati. Since weekends na kaya dumiretso kami sa bar sa Eastwood, konting alak lang ako, mahirap na, baka san pa ko mapunta.
Habang nagkukwentuhan kami sa may bar counter, may biglang dumaan sa may harapan namin, naamoy ko pabango nya and it gives me goosebumps, alam ko kung sino ang may ganung pabango, after 4 years, ngayon ko lang yung ulit naamoy yun, ngayon lang ulit ako nakaramdam ng kakaibang pakiramdam. Parang walang nagbago, soothing parin ang effect nun sakin. Medyo naging aligaga ako kasi bigla akong napatayo ng wala sa oras at hinabol ko kung sino mang tao yun. Nang maabutan ko na at mahatak ko paharap sakin, nagulat ako at nadismaya. Kala ko  sya na, di pala.


“Martin, sino yun?” tanong sakin ni Bryan ng makabalik ako.


“Wa-wala.” Medyo utal kong sagot. Out of the bule, biglang akong tumayo. “Uwi na tayo” yaya ko sa kanila. Gulat lahat sila sa biglaang pag-yaya ko sa kanila.


“Pero kasi-“ kontra pa ni Kate.


“Kung ayaw nyo, una na ako. Sumama bigla pakiramdam ko eh.” Kaya nagpatiuna na ako sa kanila.


Di ko alam kung ano nangyayari sakin. Ang alam ko lang para akong aatakihin sa puso. Parang sasabog ang pakiramdam ko. Di ko alam kung bakit, nung naamoy ko pabangong yun, nag-iba timpla ko. Parang biglang bumalik lahat ng gusto kong takasan 4 years ago. Habang naglalakad ako papuntang sakayan ng taxi, bigla akong napaupo, nang may mabunggo akong lalake. Di ko nakita kung sino sya kasi naluluha ako dahil sa disappointment mula kanina. Medyo napamura yung lalake nung mabangga ko pero di nya naituloy kasi biglang naputol yung pagmumura nya tapos biglang naglakad na lang palayo.


“Martin!” tawag sakin ni Arjay. Agad silang tumakbo sa kinalalagyan ko at inalalyang tumayo. Medyo naluluha pa ako nun.


“Bakit ka natumba?” tanong sakin ni Carol.


“Wala naman, clumsy lang eh” sagot ko dito.


Nagkatinginan yung apat kong kasama saka nagyaya na rin umuwi.


Habang nasa bus kami, katabi ko si Bryan, nasa pangdalawahan lang kame, tapos yung tatlo nandun sa kabilang side na pangtatluhan. Sa bintana ako nakatingin, nakatulala lang habang binabagtas ang kahabaan ng EDSA. Di ko mapigilang isipin yung mga nangyari sakin 4 years ago, yung katangahan ko, yung kamalian ko, yung panahong masaya kami sa bahay namin. Ibang iba yung buhay ko dati compare sa ngayon. Noon, excited akong umuwi ng bahay para ipagluto sya  ng paburitong ulam nya. Excited para mayakap sya at masayang magkwento sa kanya ng mga nangyari sakin sa school. Pero ngayon, umuuwi ako para mayakap ko ang unan ko at matulog lang, at makasama ko mga kaibigan ko at katrabaho ko. Parang piraso ng buhay ko ay biglang natapyasan simula ng araw na yun. 4 years na, yet ganito pa rin ako.


“Kaw kasi, kung nilalabas mo yan samin, malamang di ganyan kasakit. Saka kung binubuksan mo lang mata mo, malamang masaya ka ngayon” pahayag ni Bryan sakin nung tumingin ako sa kanya.


“What?” tanong ko dito.


“Sabi ko, free umiyak.”


“What?”


“Anong what? Ayan, balikat ko oh, sandalan mo kung nahihya ka makita namin umiiyak. Kalalaking tao, iyakin. Team leader ka pa naman namin.” Biglang ngumiti sya sakin saka tumingin sa kabilang direksyon.


=============================================


Sunday na pero ganito parin ako, down na down. Para daw akong lantang gulay nung gumising ako saka dumiretso sa banyo para maghilamos. Tinatawanan na nila ako, nagmumukha na daw akong zombie dahil sa eyebags ko. Di ako makatulog ng ayos simula nung Friday ng gabi. Kaya naman nagdecide akong sumimba kasama sila.


10am yung mass na sinimbahan namin. Okay naman na pakiramdam ko, medyo gumagaan narin. After mass, dumiresto kami sa Ocean Park. Gusto ata mag unwind kaya naman dito kami dumiretso. Magkakasama kaming naglalakad at nagkukwentuhan tungkol sa bagong boss namin na palit kay sir Kaiyle. Habang nakaupo kami, may  napansin akong tao dun sa kabilang side ng aquarium ng mga pating. Parang familiar sakin, tinitigan ko pero pawala ng pawala yung image nya, umikot ako sa kabilang side pero di ko na nakita kung sino yun.


“Tanga ko talaga. Parang magpapakita yun sakin, eh anlaki ng galit nun sakin” pagkausap ko sa sarili ko. Narealise kong nagpapakatanga na naman ako sa imposible eh.


After nun, kumain kami atsaka umuwi na. After nga ng realisation na yun, okay na ulit ako. Nakakasabay na sa mga hirit ng mga kasam ko sa bahay. Kaya naman kinaumagahan, Monday, sabay sabay kaming pumasok ng opisina. Medyo maaga pa, 8am palang, 8:30am naman start ng working hours eh.


Habang inaayos ko yung proposal namin sa new strategy eh hindi ko na namalayan ang oras at isa pa, di ko rin namalayan na dumating na pala yung bagong head namin. Naglalakad na ako papuntang office ng bagong boss ko ng mahulog yung isang file ng proposal ng team namin sa harap ng pinto ng opisina nya. Saktong pagkuha ko ng isang file na nahulog ay kasabay ng pagbukas ng pinto. Pag angat ko, ay agad akong napaatras sa nakita ko. Di nga ako nagkakamali. Sya nga to. Di ko alam ang reaction ko kung ano.


“Good Morning, Martin, sya pala bagong Head nyo, siya yung anak ng  may ari ng kumpanyang ito. Siya si Kaiser Ejercito.” Bati sakin ni Mr. Del Prado, VP for Finance na nasa likod ng taong kaharap ko.


“Go-good morning po.” Bati ko dito kay Mr. Del Prado.


“Good morning, Sir” bati ko rin kay Kaiser. Medyo alangan ngiti ko sa kanya.


“Same old Martin, clumsy. Di ka parin nagbabago” balik nito sa bati ko.




Itutuloy...

Crazier
By: Jamespottt


Saturday, October 27, 2012

Ako'y Sa'yo at Ika'y Akin Finale

Salamat sa lahat ng mga sumuporta dito sa first story ko na ginawa.


Last chapter, final part. Sana may kanta kayo nito
Can’t cry hard enough


Don’t forget to to add me on FACEBOOK.


Thanks.


Enjoy!


----------

Two weeks after ko makumpirma ang aking hinala ay prinepera na namin ang kalusugan ni Rahj. Sa mga bitamina, sa mga pagkain na masustansya at sa mga dapat at hindi dapat gawin niya.

May mga bagay akong iniisip kung gagawin ko ba or ipagpapaliban ko na lang. Iniisip ko rin naman ang kapakanan ko kung gagawin ko ang desisyon na yun, pero yung kapakanan din naman ni Rahj ay hindi ko maisantabi. Isa sya sa mga taong hindi ko maiwan at isa sa mga taong pinapahalagahan ko. Pangit man pakinggan pero, yung buhay ko, parang dinikit ko na masyado kay Rahj. Minsan, habang nag-iisip ako sa may terrace sa bahay namin, ano kaya kung di ko nakilala si Rahj, ano kaya kung hindi ko sinagot ang biglaang pagmessage sakin niya, ANO KAYA KUNG HINDI KO SYA NAKILALA AT... MINAHAL? Mararanasan ko kaya tong ganitong paghihirap na kahit sarili kong kapakanan ay minsan nalilimutan ko na.

Sa loob ng dalawang linggo na yun. Walang mintis akong dalawin at kamustahin si Rahj pagkagaling na pagkagaling ko sa opisina. Sa nagdaang dalawang linggo, napabayaan ko pala ang sarili ko at pansamantalang nagkaka-leche-leche ako sa trabaho, minsan wala sa sarili, minsan pag may kameeting akong kliyente, nawawala ako sa sarili ko at namamalayan ko na ang ang sarili ko na nakamasid sa labas ng bintana. Muntikan na ring bitawan kami ng isang malaking kliyente namin na palaging sa kumpanya na pinapasukan ko lumalapit dahil sa katangahan ko. Dahil dun, nappagalitan ako ng VP ng kumpanya, di ko naman pwedeng sabihin na “sir, pasensya na po, lutang po ang isip ko dahil may sakit po ang boyfriend ko”. Wala eh, mahal ko yung tao. Di ko sya pwedeng sisihin. Tama?

Ilang araw ang lumipas, naabutan ko sila Mama at Rahj na magkausap sa kwarto nila, medyo malakas ang boses nun ni Rahj pero di ko marinig ang boses ni Mama kung ano ba yun.

“Ma, gusto kong gawin yun, bat ba di nyo ko pagbigyan? Ayaw ko namang iwan na lang sya kung sakali ng ganun ganun lang!” si Rahj.

“......” si Mama. Mahina ang boses kaya di ko marinig.

“Pero nangako ako sa kanya!” si Rahj ulit.

“......” si Mama.

“Sa huling pagkakataon Ma, payagan nyo na ko, maawa naman kayo!” si Rahj ulit. Pumipiyok na sya sa pagsasalit, marahil tinatago niyang maiyak kaya ganun na lang sya kung magsalita.

“Kung yan talaga ang gusto mo wala na akong magagawa.” Medyong rinig kong sabi ni Mama. Mukhang may pag-aalangang sagot ni Mama saka marahan itong naglakad papuntang pintuan. Saktong pagtalikod ko sa pinto at lakad ng konti at kunwaring hinahanap sila ay saktong bukas naman ng pinto kung san galing sila.

“James” “Oh” sabay na sabi nila Mama at Rahj ng makita ako na palingon lingon at kunwaring hinahanap sila. Medyo namumutla si Rahj ng makita ko ito. Isang ngiti lang naman ang aking sagot sa mga ito.

“Kanina ka pa?” tanong ni Mama sakin.

“Kakadating ko lang po” sagot ko dito. Hindi na muling nagsalita si Mama at saka tinungo ang kusina na walang pasabi. Nang lingunin ko si Rahj ay isang ngiming ngiti naman ang binigay nito sakin.

“Kamusta?” tanong nito sakin at saka umakbay.

“Lambing mo ata ngayon?” ang naninibagong turan ko dito.

“Ngayon lang ba ako malambing?”

Imbes na sumagot ako ay ngumisi na lang ako dito. Sinundan namin si Mama sa kusina at saka nagbalat ng mansanas para kay Rahj. Habang nagbabalat ako, sya naman matamang nakamasid sakin si Rahj.

“May gusto ka bang sabihin?” tanong ko dito

“Wala naman”

“Eh  bakit panay ang tingin mo sakin?”

“Wala lang, gusto ko lang pagmasdan ang mukha mo. Para kung sakaling mamatay-“

“Rahj!”

“So-sorry”

“Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Di ka nakakatuwa” di ko natapos yung pagbabalat ko dahil sa tinuran ni Rahj. Umupo na lang ako sa upuan sa may kusina at saka tumingin kay Rahj. Hindi ko lang kasi maabsorb ng utak yung ganung mga salita na binitawan ni Rahj. Bakit parang sa kanya ang dali-daling sabihin ng ganun. Bakit sya parang sumusuko na sa laban namin.

Lumapit sa kinauupunan ko si Rahj at saka tumabi saka inihilig ang ulo nito sakin.

“Sorry”

“....”

“Sorry. Kala ko kasi alam ko na kung ano ang gagawin ngayon since napagdaanan ko na at nalampasan ko na itong sakit na to. Pero mukhang mali ako. Parang bago ulit ako sa sakit nito. Hindi ko alam ang gagawin. Tuwing gigising ako kumikirot ang ulo ko, samantalang dati hindi. Pagkatapos kong magbanyo, mahihilo ako pero dati hindi.” Tinitingnan ko lang si Rahj habang nagsasalita. Tama sya. Sa itsura nya habang nagkukwento, parang bago nga ang lahat sa kanya.

“Tapos... imbes na ako naman ang nag-aalaga sayo eh hindi. Ako na naman ang inaalagaan mo. Nahihiya na ako sayo. Lagi na lang ikaw ang nag-eeffort sating dalawa. Ni hindi ko man lang maiparamdam sayo kung gano kita kamahal. Di ko man lang maipadama sayo kung gano kita pinahahalagahan. Tapos ngayon, hindi ako makapunta sa bahay natin. Laging dito lang ako, bawal lumabas. Ni hindi man lang kita matulungan kahit man lang sa simpleng pagluluto at sa simpleng paggising sayo sa umaga para pumasok...”

“...I’m sorry James kung nagiging pabigat na ako sayo.”

“Kung alam mo lang Rahj. di mo man napapansin pero napakalaking effort ang ginagawa mo sating dalawa. Sa simpleng paglalambing mo, sa simpleng pagpapatawa sakin at sa simpleng pang-aasar sakin, hindi mo alam kung gano ko yung pinapahalagahan.”

Hinihintay kong sumagot si Rahj pero habang patagal ng patagal ay wala akong naririnig na pagsagot. Naramdaman ko na lang na lalo syang sumiksik sa akin. Namamasa na rin ang suot kong damit sa parteng dibdib. Umiiyak pala si Rahj.

“Hindi ko alam kung pano kita napapasaya at napapatawa, pero masaya akong marinig yan mula sayo. Kahit pala sa simpleng pagjo-joke ko sayo at paglalambing ay pinahahalagahan mo. Kala ko sa mga simpleng bagay na ginagawa ko ay hindi mo napapansin. Kala ko-“ putol ko dito.

“Kala mo hindi kita mahal?” tanong ko dito at saka ako umakbay dito. Ngunit hindi ito sumagot imbes na tumungo na lang.

“Mahal na mahal kita Rahj. Tandaan mo yan. Kahit ano man ang mangyari, mahal na mahal kita. Ikaw ba, mahal mo ako?”

“Oo” simpleng tugon nito sakin.

Sa simpleng sagot nito sakin na “Oo” ay parang nakapanalo ako sa lotto. OA man pakinggan pero hindi nyo lang alam kung pano iyon nagparigodon na naman saking puso. Parang nung nagsisimula pa lang kami. Kung pano bumilis ang tibok ang puso ko sa tuwing hihirit sakin si Rahj at sa tuwing ngingiti to sakin.

--------- 1 week later----------

“Natatakot po ako”

“Kaya mo yan anak, dito lang kami sa labas, maghihintay ulit sayo.” Si Mama.

Andito kami ngayon sa Hopsital na pinagdalhan dati kay Rahj nung nawalan sya ng malay. Ngayon kasi ang unang araw ng Therapy. Hindi pa namin alam kung hanggang kelan ang gamutan nya. Naka depende kasi kung tatalab ba sa katawan nya yung gagawin na therapy.

“Katulad lang din yan nung sa America kung pano ka sinailalim sa therapy. Basta isipin mo malalampasan mo yan. Okay?” si Papa.

“Opo”

“Ah... Rahj...” pagkuha ko ng atensyon dito.

 “Teka... san ko ba nilagay yun...” saka ko hinalungkat ang dala kong bag.

“Ah, eto. Yan. Lagay mo lang yan sa kamay mo. Lagi kong dala yan san man ako pumunta. Dala dala ko lagi yan kapag may departmental exams kami noon, nung kumuha ako ng Board exam at nung nasa America tayo. Lagi mong dadalhin yan kahit sa bulsa lang nakalagay. Yan kasi yung lucky Rossary ko na binigay ng pinsan ko sakin.” 

“Salamat” tugon nya saka ngumiti. Tiningnan nya muna yung binigay ko saka niya ibinulsa at saka tumuloy na sa loob ng therapy room.

30 minutes, 40 minutes, 1 hour, hanggang sa naging dalawang oras ang paghihintay namin. Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas na nga si Rahj ng therapy room na nakasakay sa wheel chair na patungo sa isang private room.

Kung pagmamasdan mo ang itsura nya, mas hinang-hina sya sa naging treatment nya kesa nung nasa America ginawa yung treatment. Mahahalata mo agad yung stress sa mukha nya. Pati nanunuyo ang kanyang labi.

“Mama... “ ang nakangiting iniwika ni Rahj ng pumasok na kami ng kwarto nito.

“Anak... kamusta ka?” tanong ni Mama dito.

“o-okay lang po” sagot nito saka ngumiti. Tumingin naman ito sakin at katulad kanina ay ngumiti din.

“Hi... “ simple lang pero alam ko madaming kahulugan itong gustong sabihin sakin.

“Gutom ka na ba?”

“Medyo”

“Sige, pag okay na pakiramdam mo, kakain tayo huh, pahinga ka lang.”

“Hinde.”

“Hu-huh?”

“Kumain na tayo, Okay na ko” saka marahang umupo si Rahj mula sa pagkakahiga at saka tumingin samin nila Papa.

“O-okay”

Alam ko magugutom si Rahj after ng treatment nya at isa pa, tanghalian na rin, pati kaming kasama nya ay gutom na rin kaya naisipan kong magpasama kay Miguel na bumili ng pagkain. Sinigang na baka, menudo at adobong manok ang mga pagkaing alam kong magpapasaya sa kanya.

Ngi-ngiti-ngiting kumakain si Rahj habang nakatingin samin. Parang isang batang ngayon lang ulit nakalabas ng bahay kasama ang kanyang magulang ang itsura ngayon ni Rahj habang kumakain sa kwarto kasama kami. Nakakapanibago lang.

“Ooohh, ang sarap!” masiglang sabi nito sabay himas sa kanyang tiyan.

“Kapag ganito ang pagkaing kakainin ko siguro after ng treatment, for sure, gagaling ako agad. Diba James?”

“Ah... o-oo!” gulat kong sagot dito. Alam nyo yun, yung tipong bago sa inyo yung mga nangyayari.

“Uwi na tayo. Gusto ko mag-mall!” Pagkatpos ay tugon nito samin.

“Ma, lalabas po kami ni James ah, pwede?” again, nakakapanibago. Imbes na magpapahinga siya, mas pinili nyang gumala kasama ko.

“Pero anak, galing-“ pero cinut ni Rahj ang ibang sasabihin ni Mama.

“Please?” tanong nito saka tumingin ng blankong expresyon sa kanyang Mama. Ano ba nangyayari? nakakapanibago lahat? Wala na nga nagawa si Mama, tumingin ito kay Papa at kila Kuya Drew at Miguel tapos ay tumango bilang pagsagot.

“Si-sige. Ikaw na muna ang bahala kay Rahj, James” sabi ni Mama sakin sabay tapik sa balikat ko. Tumango lang ako dito bilang pagsagot.

----------
5pm na, pero nandito pa rin kami ni Rahj sa Mall. Habang siya ay aliw na aliw sa paglalaro dito sa WoF ay ako naman itong nakaupo na at nakatingin lang sa likod ni Rahj. Pagod na ko sa kakaikot sa Mall na to sa sobrang laki at lawak pero sya, parang hindi nagkaron ng therapy kaninang magtatanghali at sige parin sa paglalaro. Bawat stall na matigilan namin ay papasok ito at saka titingin ng damit o kaya ay pantalon na magustuhan pero di naman bumibili, inaabala lang ang mga sales lady o man. Tumigil lang kami sa paglalakad ng madaanan namin ang WoF at saka walang sawang naglaro siya.

Ilang minuto na rin ang lumipas at sawakas ay napagod na rin si Rahj dahil bagsak balikat itong lumapit sa kinauupuan ko at tumabi.

“Ang daya, makukuha ko na sana yung stuffed toy kaya lang sumabit eh” sumbong nito sakin.

“Di ka pa napapagod?” imbes na sagot nito sakin ay tinanong ko lang ito. Tanging iling lang ang naisagot nito sakin.

“Gutom?” tanong ko dito. Tanging tango lang naman ang sagot nito sakin.

“Tara? Mcdo?”

“Sige!”  kaya agad kaming tumayo at naglakad na papuntang sa naturang kainan.

----------
Isang oras pa ang tinagal namin sa Mall, naka-upo lang kami at saka nagkuwentuhan sa lobby. Pagkatapos nun ay napagpasyahan na namin umuwi.

Habang nagda-drive ako pauwi ay binalot naman ng katahimikan ang sasakyan. Nang lingunin ko ang kasama ko ay natutulog na ito. Humihilik pa. Nakasandal na sa bintana ng sasakyan ang ulo nito. Kaya itinigil ko muna ang sasakyan at saka inayos ang pwesto nito. Di ko lang maiwasang mapangiti kasi, sa katulad pa ng taong ito ako nahulog. Sa taong katulad pa nito na kung matulog ay parang fetus kung pano matulog, humihilik nga lang. Muli kong itinuon ang aking atensyon sa manibela at sa daan at saka nagdrive na ulit pauwi ng Cavite.

----------
Isa’t kalahating linggo na rin ang lumipas at apat na therapy na rin ang lumipas at kitang kita na kay Rahj ang mga pagbabago sa kanya. Kung ikukumpara ang ginawang treatment sa kanya sa Amerika ay parang mas hiyang pa sya sa treatment niya doon kesa dito sa Pilipinas.

Pumapayat, tumutuyo ang labi, unti-unting pagkalagas ng buhok at isang nanghihinang Rahj ang mapapansin mo dito. Pero sa  kabila nun ay lagi pa rin syang nakangiti. Di nya alam pero sa bawat pagngiti nya samin kung kamusta sya ay nasasaktan ako dahil alam ko, at talagang alam ko na hindi sya okay. Kung pwede lang siyang umiyak sa harapan namin ay marahil nagawa niya. Hindi lang talaga iyak kundi hagulgol.

----------
Sa ika-limang linggo ng kanayang treatment ay mas naghina si Rahj. nagiging moody na rin ito at minsan ay nagiging bastos na sa pagsagot.

Isang hapon, binisita ko ito kasama sila Daddy at Mommy sa kanila. May dala kaming mga prutas at herbal drinks na binili ni Mommy mula sa isang kakilala niya. Malugod naman kaming sinalubong ng mga magulang nito sa kanilang pintuan ng dumating kami. Ang pinagtaka ko lang ay wala si Rahj ng sumalubong ang mga ito.

“Asan po si Rahj?” tanong ko kay Papa. Hindi ito sumagot bagkus ay lumingon lang kay Mama na parang humihingi ng sagot. Kaya naman lumapit ito sakin at saka ako niyakap.

“Nandun lang siya sa garden, naka-upo. Pinapanuod niya yung mga lovebirds na binili niyo. Aliw na aliw daw sya dun tuwing tinitingnan niya” sabi sakin ni Mama. Nagpaalam ako sa mga magulang namin at saka tumungo ng garden, paglabas ko ng bahay ay di ko makita kung nasaan ang taong hinahanap ko. Normally nakatayo ito sa tapat ng hawla(cage)  na pinasadya pa namin pero walang Rahj ang naroon. Pagtalikod ko ay nakita ko si Rahj. Halos mapaluha ako sa nakita ko. Isang linggo lang akong hindi nakabisita dahil masyadong toxic ang schedule ko sa opisina at tax season ngayon kaya di basta basta umabsent. Pumunta ako dito para makita ang improvement kay Rahj pero mukhang nagkamali ako.

Nandun si Rahj, nakaupo habang nanunuod sa mga lovebirds na abalang abala sa paglipad. Tatawa-tawang nakatingin sa mga ibon. Nandun, nakaupo. Nakaupo sa isang wheelchair. Nangangayayat at ang ibang iba sa itsura sa dating Rahj.

“Hello” bati ko dito. Lumingon ito sakin. Saka nangunot ang noo. Nakipagtitigan lang ako dito. Marahil di nakatiis kaya’t nagsalita.

“Bakit ka umiiyak?” tanong nito sakin.

Dun ko lang napansin na umiiyak pala ako. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko sa mga nakikita ko ngayon. Hindi ito ang gustong makita ng mga mata. Hindi ito ang gusto kong mabungaran pagkatapos ng isang linggong di pagkikita.

Ang gusto kong mabungaran, ang malaking improvement sa treatment niya. Ang di na pagpayat masyado at ang pagiging totoo na nga mga ngiti nito sakin. Pero bakit hindi nangyari?

“Wala” tugon ko dito at saka ngumiti at pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa mata ko.

“Wala huh. Pero ako alam ko kung bakit” nakangiti nitong sagot sakin.

“Anong ibig sabihin mo” tanong ko dito.

“Alam ko kung bakit ka nagkaganyan, kahit ako di rin makapaniwala eh.” Sabi nito sabay ngiti.

“Pinanghihinaan na ako ng loob James. Parang ilang araw na lang bibigay na ako”

“RAHJ!” di ko mapigilang maisatinig dahil sa galit. Tumingin lang ito sakin at saka nagsalita muli.

“Buwan na lang ang hinihintay ko James. Buwan na lang. Alam ko di na ako magtatagal. Alam ko konting oras na lang ang natitira-“  naputol ang mga sinasabi nito.

Nagpantig ang tenga ko. Di ko alam kung pano ko nagawa iyon kay Rahj pero hinila ko palapit sakin ang wheelchair at saka ito nasampal.

Natameme ito sa ginawa ko. Di ko napansin na lumapit na rin pala sila Mama samin. Nang tingnan kong muli si Rahj ay umiiyak na ito.

“Ano bang pinagsasabi mo?! Hindi ka mamamatay Rahj! Hindi ka mamamatay! Hindi! Hindi! Hindi ako papayag Rahj! hindi ka mamamatay!...” di na napigilan ng mga luha ko at bumagsak na ito sa sahig kasabay ng pagbagsak ko sa sahig.

“Gagawin ko ang lahat Rahj para lang gumaling ka. Hindi ka mamamatay! Madami pa tayong gagawin. Magtatapos ka pa sa kursong kinikuha mo. Pupunta pa tayo sa ibang bansa! Rahj! Hindi ka pa pwedeng mawala! Tutuparin pa natin yung mga pangarap natin..”

“Pero James pano kung panahon ko na talaga. Pano kung konting oras lang pala talaga ang nilaan Niya sakin. Pano kung-“

“Pano kung mali ka sa akala mo. Pano kung gagaling ka pala? Rahj, magtiwala ka lang sa sarili mo. Wag namang sumuko para sakin oh... wag kang sumuko para samin oh” nang tingnan ko sila Mommy ay umiiyak na rin ang mga ito. Kahit sila Papa at Miguel ay umiiyak na rin.

“Please?” tanong ko dito.

“Susubukan ko” tugon nito sakin at saka ako niyakap ng pagkahigpit gipit saka umiyak sa balikat ko.

Pare-parehas kaming umiiyak sa may garden kung saan dapat masaya ang atmospera ng lugar na yun pero napalitan ng kalungkutan at pighati.

----------
Pagkatapos ng tagpong iyon ay pumunta na kami sa may sala at saka nagpahinga. Ipinikit ko lang ang mga mata ko para makapagpahinga na rin kahit konti. Pero sa tuwing pipikit ako ay imahe ng isang malungkot na Rahj ang nakikita ko kaya di ko maiwasan ang di mangilid ang luha. 

Ilang minuto pa’t tinawag na kami ni Manang para kumain ng hapunan. Iginaya ko ang wheelchair ni Rahj papuntang kusina pero pinigilan ako nito. Tumingin lang ako kila Mama pero nagtatakang tingin lang din binigay nito sakin.

“Diba sabi mo wag akong sumuko?” tanong nito sakin. Bigla itong gumalaw at unti-unting tumayo mula sa pagkakaupo sa wheelchair. Sa unang subok niya ay bigo lamang siya. Pero sa pangalawang subok niya ay tagumpay siyang nakatayo. Lumingon ito samin at saka ngumiti.

“Kaya sisimulan ko sa maliit na bagay, at yun ang wag gamitin ang wheelchair na yan dahil hindi pa ako lumpo.” Kapagkuwan ay wika nito at saka dahan dahang naglakad. Buti na lang at naalalayan ko ito dahil kung hindi ay susubsob ito sasahig sa muntikang pagkadapa. “salamat” tugon lang nito.

Lahat kami ay nakangiting kumakain at pinpilit maging masigla ang atmospera ng hapagkainan kahit minsan ay nagiging tahimik ito pero agad na binabasag ni Rahj sa pamamagitan ng mga biro niya.

Pagkatapos namin maghapunan ay nagkwentuhan muna kami sa mga buhay buhay namin. Hanggang sa napansin ko na lang na kami na lang pala ni Rahj ang nasa sala at iba naman ay nasa garden na at nagpapahangin. Tumayo si Rahj at dahan dahang lumapit sa kinauupuan ko. Di naman ako magkamayaw sa pag-alalay dito para makalapit sakin dahil talang madadapa siya sa paglalakad.

“Beh...”simula nito. Napatingin naman ako dito at di ko maintindihan ang magiging reaksyon kasi dun nya lang ako tinawag na Beh.  Natatawang nakatangin lang ako dito.

“Ayaw mo ata eh” maktol nito sakin.  Again, his childish acts hit me. As if hitting two birds in one stone. Kasi, tinanggal niya yung kalungkutan na dinadala ko nung mga oras na yun at pinalitan niya ng kasiyahan... at kakornihan.

“hindi, okay nga eh”

“Napilitan ka lang ata eh”

“Okay lang talaga. Cute nga eh”

“Talaga?”

Tumango lang ako dito bilang sagot at saka nagpatuloy na siya sa mga sasabihin pa niya.

“May tanong kasi ako, pero wag ka magagalit ah.”

“Shoot it” hamon ko dito.

“Pano kung may dumating sayong tao at mamahalin ka pag wala na ako. Mamahalin mo rin ba sya?”

“NO!” mabilis kong tugon dito.

“Pano kung kaugali ko sya, kamata, kailong, kacute, kasweet, kamukha ko, in short parang ako pero ibang tao pala, mamahalin mo rin ba?”

“Definitely NO!”

“Pano kung gusto ko mahalin mo rin siya tulad ng pagmamahal na binigay mo sakin?”

“Imposibleng manyari yan Rahj, maliban na lang kung kambal mo yan or doppleganger. Malamang magiging kamukha mo nga.”

“Di mo naman sinasagot tanong ko ih”

“Alam mo naman ang sagot ko diyan diba. HINDI. Ikaw lang ang mamahalin ko ng ganito kasi ikaw ang pinili kong makasama”

“Eh pano kung siya pala yung papalit sa kin at sya yung gagawa nung mga naiwan kong promise sayo?”

Hindi ako nakareact sa mga huling salitang binitiwan niya sakin. Hindi ko alam ang isasagot sakanya. Ewan ko ba.

“Ay naku, matulog ka na Rahj para di kung anu-ano ang pinag-i-iisip mo.”

Tatayo na sana ako pero bigla itong nagsalit ulit.

“Seryoso ako James”  napalingon ako dito at nakita ko ngang seryoso ito sa sinasabi niya. Wala na akong nagawa kundi ang sagutin ito.

“Di ko alam Rahj. Di ko pa pinag-iisipan ang sitwasyon ganyan kasi naniniwala akong gagaling ka”

Pagkatapos ay tumayo na ako at dire-diretsong naglakad papuntang garden para yayain na sila Papa para umuwi.

----------
Habang nasa sasakyan kami papauwi ng Manila ay di ko maiwasang mapaisip sa mga katagang binitawan ni Rahj.

“What if nga?” tanong ko sa sarili ko.

“what if kelangan kong tanggapin yung katotohan na mangyayari talaga yun. Ano gagawin ko? Tapos may dumating na katulad ni Rahj? what if? Argh!” reklamo ko sa sarili ko. Kahit ako kasi naguguluhan din sa mga bnitawang salit ni Rahj sakin

“May gumugulo ba sayo Anak?” tanong sakin ni Mommy. Dun ko lang napansin na kahit si Daddy ay nakatingin din sakin gamit ang rear view mirror at waring nagtataka.

“Wala naman po Ma”

“You can tell us anything that bothers you Anak”’ nakangiting pahayg nito sakin.

“Salamat po”

----------
Dalawang araw after nung tampuhan na nangyari samin ni Rahj ay nakatanggap ako ng tawag. Ilang beses itong tumawag sakin pero ilang beses ko ring pinapatay ng walang tinginan kung sino ba ang tumatawag sa dahilang nasa isang board meeting ako. Hanggang sa napansin na ata ng ibang board of directors ang panay dukot ko sa phone ko.

“Please answer that call Mr. Castillo. Baka importante na yan.” Pag-agaw atensyon ni Mr. Delos Reyes, isa sa mga BoD, habang abala sa pagrereport ang kasama ko sa trabaho.  Ngumiti lang ako sa mga ito at saka lumabas ng kwarto.

Pagkakita ko ay naka 9 missed calls na ito at lima dito galing kay Miguel at apat ay galing kay Yvone. Ilang segundo pa ay may tumawag ulit. Si Miguel. Kaya agad ko itong sinagot.

“Hello, Miguel bakit-“ simula ko pero naputol ng magsalita agad ito.

“..........”

“Huh?! O sige punta na ko dyan ngayon”

“...........”

“Ano ulit Ospital iyan?”

“..............”

“okay-okay”

Pagkabalik ko ng room ay lahat sila nakatingin sakin. Dire-diretso lang ako sa aking mga gamit at materials. Nangingig ang buong katawan ko habang nilalgay sa bag ang mga gamit at materials ko. Walang nagsasalit sa loob ng room, lahat ng mata sakin, alam ko yan.

May isang butil na pumatak mula sa mga papel na nakalapag sa aking bag. Tiningnan ko lang ito habang ina-absorb ng papel at bumakat ang mga luhang unti-unti pang pumapatak.

“May problem ba Mr. Castillo?” tanong sakin ni Mr. Choi, major investor ng kumpanya.

“I’m so sorry Sir, I have to go. Something just happened. And I really need to be there as soon as possible.” Naluluha kong sagot dito.

“Pero pano na yung presentation mo?” tanong sakin ni Chelsea, katrabaho ko.

“Bahala na” sagot ko dito.

“Kapag umalis ka Mr. Castillo, sisiguraduhin kong wala ka nang trabaho na babalikan!” banta sakin ni Sir Fajardo. Wala sa sarili kong sinagot ang senior ko at saka tinitigan ito.

“Bahala na po kayo Sir, kung tatangalan nyo man ako ng trabaho, makakahanap pa ako. Pero kung mawawala yung taong kelangan kong puntahan ngayon ay di na ako makakahanap pa ng katulad niya.” Saka ako naglakad dire-diretso papalabas ng pintuan.

“Give us an update when you came back Mr. Castillo. For sure sobrang seryoso nyan para iwan mo ang ganitong kahalagang meeting” sabi ni Mrs. Chen, CEO ng kumpanya, at saka ngumiti sakin. Nginitian ko din ito bilang sagot at saka dumiretso na sa Ospital.

----------
Halos paliparin ko ang sasakyan ko makarating lang ako sa Ospital na pinagdalhan kay Rahj. At nang makarating na ako dun at mabilisan kong tinungo ang ER section ng Ospital. Pagkapasok ko dun ay naabutan ko ang nag-uusap na sila Papa at ang babaeng doktor.

“Buti dumating ka na, kanina pa kami nag-aalala sayo.” Bungad ni Mama sakin.

Imbes na sagutin ang tanong nito sakin ay sinagot ko ito ng isang tanong

“Ano pong nangyari?”

“Gusto niya kasing magluto...”

“Magluto? Eh di naman po sya marunong, diba? Sana nagpaluto na lang sya kila Manang”

“Gusto nya siya daw ang magluto kasi marunong na daw siya”

“Sino po ba daw ang kakain at gusto nyang siya ang gumawa non eh alam naman niyang bawal siya mapagod?”

“Ikaw daw. Gusto nya daw malaman kung anong lasa ng natutunan niyang pagkain na lutuin mula sayo.” Sa pagkasabi sakin ni Mama noon ay napatingin ako sa nakahigang si Rahj at saka nilapitan. Napaka iyakin ko para sa isang lalake pero si Rahj kasi, lage nya akong pinapaiyak at sinu-sorpresa.

Naramdaman ko na lang na may humawak sa balikat ko, pagtingin ko ay si Mama na ito.

“Pagkagising nya kanina, excited syang nagpabili ng mga rekados kay Manang. Noong una ay ayaw pa saming sabihin kung bakit sya masaya hanggang sa sinabi ni Manang kung bakit. Gusto daw subukan ni Rahj yung mga natutunan niyang pagkain na lutuin mula sayo.

Naalala ko nung nagrereview ako para sa board exam ay nakaamoy ako ng nasusunog na niluluto. Pagtingin ko ay adobong baboy pala ang niluluto ni Rahj. Bukod sa amoy sunog na nga ay iba pa ang amoy noon. Tawa pa ako ng tawa non dahil mangiyak-ngiyak si Rahj sa pagtanggal ng mga nasunog na karne sa kawali noon. Kung di ko pa sya tinulungan ay siguro inabot sya ng pasko sa lababo.

Napagpasyahan namin na tulungan na lang niya akong magluto ulit ng adobong baboy. Tinuruan ko rin siya kung pano magluto ng tunay na adobo. Yung napapaiyak siya sa paggagayat ng sibuyas, sa pagbabalat ng bawang, sa pagkaka-bahing niya dahil sa paminta at kung anu-ano pa habang tinuturuan ko siya. Madami pa akong tinuro sa kanya katulad ng menudo at pochero. Pero di ko alam na sineseryoso niya ang pag-aaral nun. Kaya medyo gulat ako ngayon na para sakin pala yung niluluto niya.

“Sorry po Ma, dahil sakin napagod siya, dahil po-“ pero agad na pinutol iyon ni Mama.

“Wala kang kasalanan Anak. Ni minsan di namin nakita yan na ganyan kaexcited sa gagawin niya. Pero dahil sayo naging ganyan siya, masayahin sa likod ng mga problema.”

Tiningnan ko lang ito mata sa mata at saka ngumiti. Nakita ko naman ang biglang pag galaw ni Rahj senyales na gising na ito. Unti-unting dumilat ito at ng makita kami na nakaabang ay ngumiti ito samin.
“Pasensya na. Naabala na naman kita. Gusto ko sanang sorpresahin ka eh. Kaya lang di kinaya ng kata-“ habang nagsasalita sya ay niyakap ko na lang sya. Alam ko, alam kong sinisisi na naman nya ang sarili nya kung bakit ako nasa harapan niya. Alam kong sinisisi na naman niya ang sarili nya dahil umabsent ako ngayon sa trabaho ko.

“Wag mong sisihin ang sarili mo Rahj. Wala kang kasalanan. Ako ang may desisyon nito kaya wala kang kasalanan. Kung magkandaleche-leche man ako sa yun ay dahil sakin hindi dahil sayo.”

“Pero James, dahil sakin-“ pinutol ko na naman sya

“Sssshhh. Wag kang mag-alala, alam to ng boss ko kaya okay lang. Sa ngayon pahinga ka muna para mamaya sasamahan mo akong kainin yung niluto mo para sakin. Okay?” pag-aalo ko dito. Tumango lang ito at saka muling ipinikit ang kanyang mata para magpahinga.

Habang nakaupo ako sa kama ni Rahj at pinagmamasadan lang siyang magpahinga ay may ideyang biglang umusbong sa isip ko. Minsan ko na ring naiisip gawin to pero wala pa akong sapat na dahilan dati, pero ngayon meron na. Sasabihin ko na rin ito bukas o sa makalawa after kong iprepare ang lahat. Sana okay lang.

Tulad nga ng pinangako ko ay umuwi kami sa bahay nila Rahj at pagdating na pagdating namin ay excited si Rahj na sinama ako sa kusina at pinaupo sa lamesa. Ibang iba nga daw sya bulong sakin ni Mama na katabi ko sa lamesa dahil sobrang saya ngayon ni Rahj. Ina-assist na lang sya ni Manang kung may kelangan man ito sa pagluluto. Kahit sa pagdadala nito ng pagkain na linuto nya para samin ay gusto nya sya ang gagawa, buti na lang si Manang na ang nagpumulit na sya ang magdadala nito.

“Masarap?” tanong nito samin.

“ahmm... “ pambibitin ko dito.

“ahmmm...? “ nakangunot noo nito samin na tanong.

“Pwede na...” sabi ko dito sabay ngiti. Ngumiti na rin ito samin at saka sinamahan na rin kaming kumain. Kahit si Manang ay inaya nitong sumabay na samin sa pagkain.

9pm na ng mapagpasyahan kong umuwi na. Hinintay ko munang matulog si Rahj saka ako umuwi. Di pa sana ako makakauwi dahil mahigpit ang pagkakahawak sakin ni Rahj sa braso ko habang natutulog. Buti na lang nandyan si Miguel para tabihan ang kanyang kapatid.

----------
“Good Morning po Ma’am” bati ko sa CEO ng kumpanya na si Mrs. Chen.

“Good Morning din, kamusta? Okay na ba yung pinuntahan mo sa Ospital?”  tanong nito sakin.

“Ano po... ahm... yun nga po yung pinunta ko sa inyo eh. Teka asan na ba yun?” saka ko hinalungkat ang bag ko. “Ah eto.” Saka ko binigay kay Ma’am ang isang sobre. Isang sobreng naglalaman ng resignation letter ko. Oo, yan yung planong pumasok sa isip ko. Yan lang ang nakikita kong paraan para maalagan ko si Rahj buong araw. Okay lang kahit mawalan ako ng trabaho, alam ko makakahanap pa naman ako pero si Rahj, di ko kayang mawala sya sakin. Kaya yan lang ang ideyang pwede kong gawin. After all, sacrfice is partly a factor of love.

“Sana po maintindihan niyo”

“Why?” tanong nito sakin.

“Yan lang po yung pwede kong gawin. Wala na po akong ibang choice Ma’am.” Pagtapat ko dito.

“Ganun mo ba sya ka-mahal para gawin mo to. Mawawalan ka ng trabaho Mr. Castillo. Mawawalan ka ng income.”

“Opo. Kaya kong gawin ang ganitong bagay para lang sa kanya Ma’am. Sapat naman rin po ang ipon ko para masuportahan ko sarili ko sa pang-araw-araw”

“She’s so lucky to have you Mr. Castillo” agad na sumilay ang ngiti mula sa aming boss.

“Excuse me?”

“I mean, napakaswerte ng babaeng ito na may lalaking katulad mo na handang isakripisyo ang lahat.”

“Thank you po.” Alangan kong pagpapasalamat. Kung alam lang niya na isang lalake yun. And besides. Malalaman din naman niya yun dahil nilagay ko yun sa resignation letter ko. I hope she understand me.

Lumabas ako ng opisina niya at saka tinungo ang cubicle ko at niligpit lahat ng gamit ko sa dala isang box. Lahat ng nakakakilala sakin ay nakatingin sa aking pagliligpit.

“Di ka na ba talaga mapipigilan?” tanong sakin ni Chelsea. Ka-team ko.

“Ganun talaga eh. Kelangan gawin ko to.”

“Alam nya na ba to?”

“Si Rahj? hindi pa. Ayaw kong sabihin sa kanya kasi baka sisihin na naman niya sarili nya.”

“Basta pag kelangan mo ng tulong tawagan mo lang kami nila Jhay, Euranel, Jordan, Nicka. Basta alam mo rin naman kung saan kami mahahagilap ah”

“Salamat” saka niya ako niyakap.

----------
Dalawang linggo pa ang lumipas at sa ikatlong linggo mula ng umalis ako sa trabaho ay sinimulan na akong kabahan tuwing umaga. Nandyan yung magigising na lang ako biglaan at saka titingnan kung katabi ko pa si Rahj sa kama. Makakahinga naman ako ng  maluwan pag nakita kong mahimbing ang kanyang tulog.

Ngayon ang ika-20th birthday ni Rahj. excited kaming dalawa kagabi na salubungin itong araw na ito kaya di kami makatulog agad sa pag-aanta na mag 12am na para batiin siya ng Maligayang Kaarawan. Alam namin dalawa ni Rahj na bawal na bawal sa kanya ang mapuyat pero enjoy naman kaming nagkukwentuhan para pamatay oras.

“Good Morning” bati nito sakin at saka bumangon na rin sa pagkakahiga. Agad na tumayo si Rahj saka dire-diretsong pumasok sa banyo. Narinig ko na lang na pumapatak na ang tubig mula sa shower. Excited nga talaga siya.  Ilang minuto pa bago siya lumabas ng banyo.

Medyo napalunok ako sa nakita ko paglabas nya ng banyo. Ganito na pala itsura ng katawan ni Rahj. Mature na nga ika nila. Medyo nakaramdam ako ng init sa katawan sa nakita ko. Nakatapis lang sya paglabas. Ibang iba na ang pinagbago niya.

“Baka matunaw” basag nito saking pagtitig.

“Ewan ko sayo” sabay diretso ng banyo para maligo na rin. Humagikhik lang ito pagdaan ko sa harap niya. Bago pa man ako makapasok ng banyo ay hinawakan niya ako sa braso saka pinaharap sa kanya.

“I love you. Thank you sa lahat, as in sa lahat lahat” sabii nito sabay halik sakin ng mabilisan at saka walang tingin na dumiretso sa closet at nagsimula ng maghalungkat ng damit.

Maraming buwan na rin ang lumipas bago nasundan ang ganitong halik sakin ni Rahj. parang nakakapanibago. Parang ganun dati nung nagsisimula palang kami. Nandun pa rin yun kilig pero iba eh, sobrang kilig ang nararamdaman ko. Napahawak pa ako sa labi ko at medyo napangisi. Hindi nalang ako tumugon sa kanya bagkus ay pumasok na lang akosa banyo.

----------
“Kapag nagmahal ka, dapat wala kang hinihintay na kapalit. Dapat unconditional. Kasi kapag nilagyan mo ng sangkap ng pansariling kapakanan. Hindi na pagmamahal iyon. Kung magmamahal ka dapat buong buo, walang labis walang kulang. Para kung kunin man sya ng ating Panginoong Diyos, atleast napakita mo kung gano mo sya kamahal. Wala kang pagsisihan kasi alam mong pag-umalis sya, baon baon nya ang masasayang ala-ala nya sayo. Mga ala-alang di nya pagsisihang binuo kasi kasama ka niya sa pagbuo nun.” Sermon ng pari sa kanyang homiliya.

Nandito kami ngayon sa simbahan sa Dasmarinas. Yan kasi ang gusto ni Rahj ngayong birthday nya at tamang tamang nataon sa araw ng linggo. Gusto niyang kumpleto silang pamilya sa pagharap sa Panginoon. Sa pagsabi niya samin ng simpleng kahilingan na yan nung makalawa ay dun na ko sinimulang kabahan. Alam ko meron akong dapat tanggapin pero mahirap sakin ang ganun.

“Happy Birthday Rahj” bati namin kay Rahj after matapos ng misa.

“Salamat po” tugon nito.

“San mo gustong magcelebrate?” tanong ni Kuya Drew.

“Sa bahay na lang, mas masarap dun eh” saka sya ngumiti samin

After few minutes na pag stay sa simbahan, dumireto na rin kami sa bahay. Simpleng celebration lang ang gusto ni Rahj kaya naman yun ang sinunod namin. Naalala ko pa nga yung pinag usapan namin ni Mama kagabi...

“Salamat James huh, salamat sa lahat talaga. Salamat kasi dumating ka sa buhay ni Rahj. Kung di dahil sayo, malamang, mas maagang kinuha samin ang batang iyan. Kahit anong mangyari, wag ka sanang bibitaw sa kanya.” Out of the blue, bigla na lang akong niyakap ni Mama habang nagluluto ako ng sauce ng spaghetti.

“A-ah.. eh..”

“Please...”

“Sige po...” at saka isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Marahil, kelangan ko na ring tanggapin na anytime, pwede na syang mawala samin. Pero, bakit pag naiisip ko yun, ang hirap tanggapin, ang hirap, ang sakit sa dibdib.

Ang hirap tanggapin ng mga salitang yan lalo na’t kay Mama pa nanggaling yan. Sumusuko na sila kahit may pag-asa pa.

***(sound ng nabasag na baso)***

Napatingin ako kung san nanggaling yung tunog na yun at ng makita ko kung san, nakita ko sa pwesto ni Rahj. nakaluhod sya habang pinupulot yung mga basag na bubog habang dumudugo ang kanang kamay niya.

“Hey, wag mo ng pulutin yan! Baka ma tetano ka” pagpuna ko dito. Tiningnan lang ako nito at saka ngumiti sakin from ear-to-ear. Agad ko syang nilapitan at saka kinuha sa kanya  yung mga basag na bubog.

“Kaw talaga—“ pagsisimula ko kaya lang pinutol niya.

“Mamatay na rin naman ako eh, kaya okay lang kahit matetano ako” ngiting tugon niya saken kaya natigilan ako sa pagkuha ng mga pirasong bubog.

“Hinde, hindi ka mamamatay Rahj. matagal pa yun, tutuparin pa natin yung gusto natin sa buhay-“ pinutol na naman niya ko.

“Natupad na naman mga gusto natin sa buahy eh. Ikaw na maging magaling na CPA at ako naman, na sana makapagtapos ka sa college at makapasa ng board exam...” he sighed.

“...pero mukhang di ko natupad yung gusto ko..”

“ano yun?” naluluhang tanong ko dito.

“...na sana maging masaya ka piling ko. Lagi ka na lang kasing napeperwisyo dahil sakin, nawalang ka pa ng trabaho dahil sakin, kelangan mo pang mamalagi dito sa Cavite at iwan sila Mommy at Daddy sa Manila. Ang gusto ko lang nman ay maging masaya tayong dalawa pero hindi nangyari dahil sakin” tiningnan ko sya and he’s crying. Niyakap ko na lang sya at saka kusang lumabas ang luha ko.

“Sorry ah... di ko na natupad pangako ko sayo, di pa natupad wish ko sayo”

“Ssshhhh... walang kang dapat ipag-sorry kasi, naging masaya ako sayo, at natupad ang wish mo, kasi napakasaya ko at napakaswerte ko kasi minahal mo ko. Words are not enough to describe how happy I am when I’m with you.”

“pero kasi...”

“Walang pero pero, I’m glad you came into my life”

“Thank you”

“Kaasar ka, pinapaiiyak mo ko eh birthday na bithday mo. Tsk. Tara kain na tayo” inalalayan ko sya patayo at saka kami naglakad papuntang kusina.

--------

Konting kwentuha at saka konting pakikipag usap sa mga bisitang pumunta sa bahay nila Rahj saka sya dumiretso sa kwarto niya para magpahinga.  Pagkasarado ng pinto ni Rahj ay biglang tumahimik ang buong bahay. Ng tingnan ko kung bakit, lahat ng nandun, mga naging malungkot na ang mukha, parehas ko rin sila ng nararamdaman.

“Sorry to hear the news James” si Martin, uncle ni Rahj.

“ganun talaga eh”

“Di rin ako makapaniwala eh. Parang kelan lang nun kalaro ko siya dito sa garden na to. Ang hirap paniwalaan na ganun ganun na lang sya mawawala. Sana pala mas naging mabait akong uncle at close buddy nya sa kanya”

“Its okay, lahat naman tayo, naging masaya kasama sya and I’m sure ganun din sya.”

“Kaya natin to.” Out of the blue, bigla nya kong niiyakap.

“Ah.. eh.. ano.. Martin”

“So-sorry” nginitian ko na lang to atsaka ko nagpaalam na aasikasuhin ko lang yung mga naiwan plato sa kusina. “weird” nasabi ko na lang sa sarili ko.

--------

11pm na ng makaalis na lahat ng bisita pati na rin sila Mommy and Daddy. Bumaba rin si Rahj after 3 hours of rest sa kwarto niya saka nakipag tawanan sa mga pinsan niya. After a while, natulog na rin kame.

At 1am the next day, I heard Rahj crying.

“Rahj, okay ka lang?”

“James...”

“Its okay, bakit ka ba umiiyak?”

“Nahihrapan akong labanan yung antok”

“Huh?” Napabangon ako bigla at saka sya tiningnan. “ano ibig mong sabihin?”

“Gustong gusto ng pumikit ng mata ko, pero ako ayoko pa. Natatakot ako James..” saka sya napahagulgol.

“Rahj...” I hugged him tighter.

“Natatakot ako na baka bukas, di na ko magising, Na baka bukas, di ko na kayo makita, baka bukas di ko na maimulat mata ko” hinigpitan pa niya pagkakayakap sakin saka humagulhol. Wala akong masabi sa kanya, parang yung dila ko umurong na ata. Kelangan ko na bang sumuko? Kelan ko na bang mag let go ngayon para di ako mas masaktan sa dadating na mga araw? Kelangan ko na ba talaga?

­­­----------

<<<<<<<<Please play CAN’T CRY HARD ENOUGH till the end>>>>>>>


Two days later, ito na nga ba ang sinasabi ko, ang kinakatakot ko. Rahj requested na sana nasa tabi nya kaming lahat na naging parte ng buhay nya. Its getting dark na rin.

Ako, Daddy & Mommy, Papa & Mama, Kuya Drew, Miguel, Yvone, mga close cousing nya and some of his high school friends, his Uncle Martin, mga Lolo and Lola nya, at saka mga Tito’t Tita niya.

Ngumiti samin si Rahj, yung tipong ngiting alam mong last na yun.

“Salamat kasi nandito kayong lahat”

“Rahj...”

“Salamat po Papa, Mama, kasi kundi dahil sa inyo, wala ako dito. Salamat kasi tinanggap nyo kung ano man meron kami ni James. Salamat kasi lagi kayong nasa tabi ko. Hinding hindi nyo ko pinabayaan. Sa mga times na gusto ko ng umayaw pero nandyan  kayo para palakasin ang loob ko, salamat po talaga”  nakita ko sila Papa’t Mama, umiiyak na.

“Sa inyo dn po Daddy’t Mommy, salamat po at kahit sa maikling panahon na nagkaayos kayo ni James ay tinggap niyo rin kame. Salamat po kasi nakilala ko ang anak nyo”

“Sa inyo Kuya Drew at Kuya Miguel, sana lagi kayong nandyan para kila Papa pag nawala na ko. Salamt din pala na kahit nagiging makulit ako at isip bata, still hinahabaan nyo pasensya nyo sakin. Lalo na sayo Kuya Miguel, sa loob ng maikling panahon, natutunan kong tanggalin yung galit na meron ako para sayo dati, maraming salamat kasi mas naging mature ako. Saka, ligawan mo na kasi si Yvone, alam ko naman mahal mo rin naman sya” medyo natawa pa si Rahj sa huling kumento nya.

“Sayo din Yvone, thank you sa lahat. Thanks dun sa mga years na pinagsamahan natin. Wag kang mag-alala, matagal ko ng kinalimutan kung ano man meron sama ng loob meron ako sayo dati.”

“salamat Rahj” si Yvone, saka pinunasan yung luhang dumadaloy na kay Rahj.

“Sa inyo po Lolo’t Lola, Tito’t Tita, saka sa inyo pinsan, salamat kasi naging magandang impluwensya kayo samin, naging mabuting kamag-anak kayo, salamat talaga kasi nandyan kayo samin. Salamat kasi tinanggap nyo ko kung sino hindi kung ano kami.

“Apo, mahal na mahal ka namin tatandaan mo yan ah”

“Salamat po”

“Sa inyo din, salamat kasi naging malapit ko kayong kaibigan during my high school days. Salamat sa good memories. Di ko kayo malilimutan”

“At sayo...” saka sya tumingin sakin, inangat nya ang dalawang kamay niya. Nakuha ko naman kung ano gusto niya ipahiwatig.

“Rahj...” bulong ko dito saka ko siya niyakap.

“Salamat kasi nakilala kita, salamat kasi minahal mo ko, salamat kasi nandyan ka lagi sakin, salamat kasi hinding hindi mo ko pinabayaan. Maraming salamat. Mahal na mahal kita, tandaan mo yan huh. Sana pag umalis na ko, wag mong damdamin ng husto, wag kang bibitaw, sana ipagpatuloy mo lahat ng gusto mo sa buhay. Yung mga planong kasama nating binuo, sana gawin mo parin para sakin, hindi naman kita inoobliga na tuparin, pero alam ko, masaya ka dun sa plano natin. Alam ko may dadating na bagong magmamahal sayo, sana sa kanya mo ibaling ang pagmamahal mong iyon. Words can’t express how much I love you, sana sa huling pagkakataon, gusto kitang halikan. Pwede ba?” tumango lang ako sa kanya, saka naman niya kinabig angulo papunta sa kanya at nagkadampi ang aming labi.

Kusang lumabas ang luha ko habang magkadikit ang aming labi. Ramdam ko ang pagmamahal niya sakin, ramdam na ramdam ko. Gustong gusto kong umiyak sa mga oras na yun pero di ko magawa dahil na rin sa kagustuhan niya.

“I love you James” bulong nito sakin after magdampi ang aming labi.

“I love you too Rahj” bulong ko din dito.

“Di ko na rin pala pwedeng sabihin na Ako’y sa’yo at Ika’y Akin, kasi from now on, I’m letting you go” then Rahj hugged me.

Saka bumuhos na ng tuluyan ang aking mga luha, di ko rin napigilan ang aking sarili at napahagulhol ako habang yakp yakap ko sya.

“Rahj, sana makaya ko lahat”

“Wag ka mag-alala, makakaya mo to, trust me. Diba nga, sabi nila, kapag may umaalis, may dumadating. Kaya wag kang mag-alala, may dadating din sayong tutulong sayo na umahon”

“Rahj, mahal na mahal na mahal kita. Rahj, wag ka naman ganyan, gusto ko pang tuparin yung plano natin kasama ka, pano na ko. Pano na kami? Rahj, please naman, give us more years para makasama ka pa namin, kahit 5 years”

Umiling lang siya.

“5 months?”

Again, umiling lang sya

“5 weeks” umiling ulit

“5 days?” ayaw pa rin nya

“5 more hours?” umiling pa ulit sya.

“5 more minutes” sumilay sa kanya ang isang ngiti. “Sure, mahal kita eh”

aFter that, niyakap ko lang siya.

“uncle martin...” habang yakap yakap ko sya, biglang naman syang nagsalita

“Yes?”

“May sasabihin pala ako sayo” lumapit si Martin sa tabi ni Rahj at saka pinakinggan ang sasabihin.

After few seconds, tumayo si Martin at tumingin sakin, saka lumabas ng room.

“Ano sinabi mo?”

“Sabi ko, magtapat na sya sa taong gusto nya, boto naman ako eh” ngumiti lang sya sakin

Nagsilabasan na sila maliban sakin na mas piniling tabihan si Rahj habang yakap yakap ko ito.

“Can i hold you hands?” tanong nito sakin.

Kinuha ko naman ang kanyang kanang kamay and filled those spaces between his fingers.

“James, i love you”

“I love you too”

“I love you”

“I love you too”

“I love you”

“I love you too”

“I love you”

“I love you too”

“I love you”

“I love you too”

“I love you”

“I love you too”

“I love you”

“I love you too”

“I love you”

“I love you too”

“I love you”

“I love you too”

“I love you”

“I love you too”

“James, inaantok na ko, pwede na ba akong matulog?” tanong nito sakin.

“Mamaya na lang pwede?”

“Pero antok na ko eh, please?”

Tinitigan ko sya eye to eye, and biglang may umagos na luha mula dun. I wiped his tears and nodded.

“Sige, sleep tight, sweet dreams...”

“Thank you” slowly, he closed his eyes.

“...and I love you” i kissed his lips one last time.


“I love you too James... I love you”

I hugged him tighter, and cry silently.

------------

7 months na rin simula ng nawala si Rahj, actually, I’m so blessed na nandya family ko sa pag-alalay nila sakin. Pero di ko parin maipagkakaila sa sarili ko na I missed him so much, na I still love him very much. Gusto ko na ring sumunod sa kanya.

Naalala ko, meron nga pala akong boteng tinatago dito sa cabinet namin eh. Hinalungkat ko yung cabinet namin at nakita ko rin yung hinahanap ko.

“I”m sorry, Mom, Dad, Pa, Ma. Miss ko na po sya, i hope na maintindihan nyo”

When I’m about to drink that poison, my door suddenly opened, and to my surprise, nakita ko sila Daddy.

“James!” sigaw ni Daddy sakin saka tumakbo at tinabing yung bote.

“What the f1ck are you doing?”

“Dad, miss ko na po si Rahj. di ko na kaya, ayaw ko na, wala na kong makitang dahilan para mabuhay!” ang hagulhol kong pag amin sa kanya.

Bigla na lang nya akong tinaas mula sa pagkakaupo at saka ako sinuntok.

“Hon! Bakit mo ginawa yun?!” tarantang tanong ni Mama sakin.

“Dapat lang yan sa kanya! Kelangan nyang matauhan...”

“...at kung sa palagay mong walang kwenta buhay mo, pumunta ka muna ng ospital ng baka sakaling magbago yan isip mo!” saka nag walked out si Daddy.

Tiningnan ko si Mommy pero di nya ko sinagot instead tinulungan niya kong tumayo.

“You better ko to the Hospital para naman matauhan ka” dagdag pa ni Mommy sakin

Labag man sa loob ko na lumabas ng kwarto ko ay sinunod ko na sila

After a 15 minute drive, nakarating na ko ng Ospital, agad naman akong sinalubong nila Kuya Drew at Miguel.

“Congrats bro!”  si Kuya Drew.

“Congrats for what?” takang tanong ko sa kanila.

“Daddy ka na rin! Ano ba?!” sabi sakin ni Miguel

“Huh?”

“You better go to the nursery para makita mo kung gano kagwapo ang anak nyo”

“Anak ko?” tanong ko dito.

“Just go” nakangiting sabi sakin ni Kuya Drew.

Hindi naman malayo yung nursery kaya agad kong nakita, nandun na sila Daddy at Mommy pati na rin sila Papa at Mama.

“Tingnan mo yan anak mo, ang gwapo, manang mana sa Daddy” sabi sakin ni Mama

Tiningnan ko naman yung tinuturo nilang baby, and to my surprise, kamukhang kamukha ni Rahj ang baby na yun. Out of the blue, biglang tumulo ang luha ko, yung kaninang mabigat na bagay na nararamdaman ko ay nawala at napalitan ng kagalakan.

“Pero pano?” tanong ko sa kanila.

“Kinausap kami ni Rahj, sabi nya gusto niya daw na magkaron kayo ng anak. Nung una ay di ako pumayag pero ng makita ko kung gano kagusto niya na magiwan sayo ng anak ay pinayagan na namin sya, siya mismo ang naghanap ng surrogate mother. Sya rin may gustong wag sabihin sayo”

“Rahj...” after ko marinig yun ay lalo akong napaluha ng  marelaize na, napaka tanga ko para sayangin ang buhay ko. Sobra.

 Kinatok ko yung salamin para makuha ang pansin ng nurse na nasa loob.

Tinuro ko yung baby ko para dalhin sa harap namin.

Habang papalapit ang bata ay mas napaiyak ako, kamukhang kamukha ni Rahj ang baby. Kaya napabulong ako sa

 “I’m sorry”









THE END


----------------------------------------------------------------




Sa buhay natin, kelangan maging matatag tayo sa kahit anong pagsubok. Hindi ibig sabihin na napag daananan na natin iyon dati ay kakayanin ulit natin sa muling pagbabalik ng pagsubok na iyon. Pero kapag oras mo na talaga, oras mo na. Wala na tayong magagawa, kahit malakas ka pa kay GOD, wala paring mangyayari, kaya sana, maging aral sating lahat na gawin nating yung pinaka sweet thing and most memorable memories na pwedeng ibigay natin sa mga mahal natin, para atleast, wala tayong pagsisisihan.

---------------------------------------------------------------



Hanggang dito na lang po ang kwento nila James at Rahj. Sana may natutunan kayo sa istoryang ito.

Yun lang and maraming salamat.



PS: Sorry if naging iresponsableng author ako, pero alam ko ang obligasyon ko sa site na ito, at iyon ay tapusin ang nasimulan. I’m really sorry for the long wait.




-James