Salamat sa lahat ng mga sumuporta dito
sa first story ko na ginawa.
Last chapter, final part. Sana may kanta kayo nito
Can’t cry hard enough
Don’t forget to to add me on FACEBOOK.
Thanks.
Enjoy!
----------
Two weeks after ko makumpirma ang aking
hinala ay prinepera na namin ang kalusugan ni Rahj. Sa mga bitamina, sa mga
pagkain na masustansya at sa mga dapat at hindi dapat gawin niya.
May mga bagay akong iniisip kung
gagawin ko ba or ipagpapaliban ko na lang. Iniisip ko rin naman ang kapakanan
ko kung gagawin ko ang desisyon na yun, pero yung kapakanan din naman ni Rahj
ay hindi ko maisantabi. Isa sya sa mga taong hindi ko maiwan at isa sa mga
taong pinapahalagahan ko. Pangit man pakinggan pero, yung buhay ko, parang
dinikit ko na masyado kay Rahj. Minsan, habang nag-iisip ako sa may terrace sa
bahay namin, ano kaya kung di ko nakilala si Rahj, ano kaya kung hindi ko
sinagot ang biglaang pagmessage sakin niya, ANO KAYA KUNG HINDI KO SYA NAKILALA
AT... MINAHAL? Mararanasan ko kaya tong ganitong paghihirap na kahit sarili
kong kapakanan ay minsan nalilimutan ko na.
Sa loob ng dalawang linggo na yun.
Walang mintis akong dalawin at kamustahin si Rahj pagkagaling na pagkagaling ko
sa opisina. Sa nagdaang dalawang linggo, napabayaan ko pala ang sarili ko at
pansamantalang nagkaka-leche-leche ako sa trabaho, minsan wala sa sarili,
minsan pag may kameeting akong kliyente, nawawala ako sa sarili ko at
namamalayan ko na ang ang sarili ko na nakamasid sa labas ng bintana. Muntikan
na ring bitawan kami ng isang malaking kliyente namin na palaging sa kumpanya
na pinapasukan ko lumalapit dahil sa katangahan ko. Dahil dun, nappagalitan ako
ng VP ng kumpanya, di ko naman pwedeng sabihin na “sir, pasensya na po, lutang po ang isip ko dahil may sakit po ang boyfriend
ko”. Wala eh, mahal ko yung tao. Di ko sya pwedeng sisihin. Tama?
Ilang araw ang lumipas, naabutan ko
sila Mama at Rahj na magkausap sa kwarto nila, medyo malakas ang boses nun ni
Rahj pero di ko marinig ang boses ni Mama kung ano ba yun.
“Ma, gusto kong gawin yun, bat ba di
nyo ko pagbigyan? Ayaw ko namang iwan na lang sya kung sakali ng ganun ganun
lang!” si Rahj.
“......” si Mama. Mahina ang boses
kaya di ko marinig.
“Pero nangako ako sa kanya!” si Rahj
ulit.
“......” si Mama.
“Sa huling pagkakataon Ma, payagan nyo
na ko, maawa naman kayo!” si Rahj ulit. Pumipiyok na sya sa pagsasalit, marahil
tinatago niyang maiyak kaya ganun na lang sya kung magsalita.
“Kung yan talaga ang gusto mo wala na
akong magagawa.” Medyong rinig kong sabi ni Mama. Mukhang may pag-aalangang
sagot ni Mama saka marahan itong naglakad papuntang pintuan. Saktong pagtalikod
ko sa pinto at lakad ng konti at kunwaring hinahanap sila ay saktong bukas
naman ng pinto kung san galing sila.
“James” “Oh” sabay na sabi nila Mama at
Rahj ng makita ako na palingon lingon at kunwaring hinahanap sila. Medyo
namumutla si Rahj ng makita ko ito. Isang ngiti lang naman ang aking sagot sa
mga ito.
“Kanina ka pa?” tanong ni Mama sakin.
“Kakadating ko lang po” sagot ko dito.
Hindi na muling nagsalita si Mama at saka tinungo ang kusina na walang pasabi.
Nang lingunin ko si Rahj ay isang ngiming ngiti naman ang binigay nito sakin.
“Kamusta?” tanong nito sakin at saka
umakbay.
“Lambing mo ata ngayon?” ang
naninibagong turan ko dito.
“Ngayon lang ba ako malambing?”
Imbes na sumagot ako ay ngumisi na
lang ako dito. Sinundan namin si Mama sa kusina at saka nagbalat ng mansanas
para kay Rahj. Habang nagbabalat ako, sya naman matamang nakamasid sakin si
Rahj.
“May gusto ka bang sabihin?” tanong ko
dito
“Wala naman”
“Eh
bakit panay ang tingin mo sakin?”
“Wala lang, gusto ko lang pagmasdan
ang mukha mo. Para kung sakaling mamatay-“
“Rahj!”
“So-sorry”
“Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Di
ka nakakatuwa” di ko natapos yung pagbabalat ko dahil sa tinuran ni Rahj. Umupo
na lang ako sa upuan sa may kusina at saka tumingin kay Rahj. Hindi ko lang
kasi maabsorb ng utak yung ganung mga salita na binitawan ni Rahj. Bakit parang
sa kanya ang dali-daling sabihin ng ganun. Bakit sya parang sumusuko na sa
laban namin.
Lumapit sa kinauupunan ko si Rahj at
saka tumabi saka inihilig ang ulo nito sakin.
“Sorry”
“....”
“Sorry. Kala ko kasi alam ko na kung
ano ang gagawin ngayon since napagdaanan ko na at nalampasan ko na itong sakit
na to. Pero mukhang mali ako. Parang bago ulit ako sa sakit nito. Hindi ko alam
ang gagawin. Tuwing gigising ako kumikirot ang ulo ko, samantalang dati hindi.
Pagkatapos kong magbanyo, mahihilo ako pero dati hindi.” Tinitingnan ko lang si
Rahj habang nagsasalita. Tama sya. Sa itsura nya habang nagkukwento, parang
bago nga ang lahat sa kanya.
“Tapos... imbes na ako naman ang
nag-aalaga sayo eh hindi. Ako na naman ang inaalagaan mo. Nahihiya na ako sayo.
Lagi na lang ikaw ang nag-eeffort sating dalawa. Ni hindi ko man lang maiparamdam
sayo kung gano kita kamahal. Di ko man lang maipadama sayo kung gano kita
pinahahalagahan. Tapos ngayon, hindi ako makapunta sa bahay natin. Laging dito
lang ako, bawal lumabas. Ni hindi man lang kita matulungan kahit man lang sa
simpleng pagluluto at sa simpleng paggising sayo sa umaga para pumasok...”
“...I’m sorry James kung nagiging
pabigat na ako sayo.”
“Kung alam mo lang Rahj. di mo man
napapansin pero napakalaking effort ang ginagawa mo sating dalawa. Sa simpleng
paglalambing mo, sa simpleng pagpapatawa sakin at sa simpleng pang-aasar sakin,
hindi mo alam kung gano ko yung pinapahalagahan.”
Hinihintay kong sumagot si Rahj pero
habang patagal ng patagal ay wala akong naririnig na pagsagot. Naramdaman ko na
lang na lalo syang sumiksik sa akin. Namamasa na rin ang suot kong damit sa
parteng dibdib. Umiiyak pala si Rahj.
“Hindi ko alam kung pano kita
napapasaya at napapatawa, pero masaya akong marinig yan mula sayo. Kahit pala
sa simpleng pagjo-joke ko sayo at paglalambing ay pinahahalagahan mo. Kala ko
sa mga simpleng bagay na ginagawa ko ay hindi mo napapansin. Kala ko-“ putol ko
dito.
“Kala mo hindi kita mahal?” tanong ko
dito at saka ako umakbay dito. Ngunit hindi ito sumagot imbes na tumungo na
lang.
“Mahal na mahal kita Rahj. Tandaan mo
yan. Kahit ano man ang mangyari, mahal na mahal kita. Ikaw ba, mahal mo ako?”
“Oo” simpleng tugon nito sakin.
Sa simpleng sagot nito sakin na “Oo” ay parang nakapanalo ako sa lotto.
OA man pakinggan pero hindi nyo lang alam kung pano iyon nagparigodon na naman
saking puso. Parang nung nagsisimula pa lang kami. Kung pano bumilis ang tibok
ang puso ko sa tuwing hihirit sakin si Rahj at sa tuwing ngingiti to sakin.
---------
1 week later----------
“Natatakot po ako”
“Kaya mo yan anak,
dito lang kami sa labas, maghihintay ulit sayo.” Si Mama.
Andito kami ngayon
sa Hopsital na pinagdalhan dati kay Rahj nung nawalan sya ng malay. Ngayon kasi
ang unang araw ng Therapy. Hindi pa namin alam kung hanggang kelan ang gamutan
nya. Naka depende kasi kung tatalab ba sa katawan nya yung gagawin na therapy.
“Katulad lang din
yan nung sa America kung pano ka sinailalim sa therapy. Basta isipin mo
malalampasan mo yan. Okay?” si Papa.
“Opo”
“Ah... Rahj...”
pagkuha ko ng atensyon dito.
“Teka... san ko ba nilagay yun...” saka ko
hinalungkat ang dala kong bag.
“Ah, eto. Yan. Lagay
mo lang yan sa kamay mo. Lagi kong dala yan san man ako pumunta. Dala dala ko
lagi yan kapag may departmental exams kami noon, nung kumuha ako ng Board exam
at nung nasa America tayo. Lagi mong dadalhin yan kahit sa bulsa lang
nakalagay. Yan kasi yung lucky Rossary ko na binigay ng pinsan ko sakin.”
“Salamat” tugon nya
saka ngumiti. Tiningnan nya muna yung binigay ko saka niya ibinulsa at saka
tumuloy na sa loob ng therapy room.
30 minutes, 40
minutes, 1 hour, hanggang sa naging dalawang oras ang paghihintay namin. Ilang
minuto pa ang lumipas at lumabas na nga si Rahj ng therapy room na nakasakay sa
wheel chair na patungo sa isang private room.
Kung pagmamasdan mo
ang itsura nya, mas hinang-hina sya sa naging treatment nya kesa nung nasa
America ginawa yung treatment. Mahahalata mo agad yung stress sa mukha nya.
Pati nanunuyo ang kanyang labi.
“Mama... “ ang
nakangiting iniwika ni Rahj ng pumasok na kami ng kwarto nito.
“Anak... kamusta
ka?” tanong ni Mama dito.
“o-okay lang po”
sagot nito saka ngumiti. Tumingin naman ito sakin at katulad kanina ay ngumiti
din.
“Hi... “ simple lang
pero alam ko madaming kahulugan itong gustong sabihin sakin.
“Gutom ka na ba?”
“Medyo”
“Sige, pag okay na
pakiramdam mo, kakain tayo huh, pahinga ka lang.”
“Hinde.”
“Hu-huh?”
“Kumain na tayo,
Okay na ko” saka marahang umupo si Rahj mula sa pagkakahiga at saka tumingin
samin nila Papa.
“O-okay”
Alam ko magugutom si
Rahj after ng treatment nya at isa pa, tanghalian na rin, pati kaming kasama
nya ay gutom na rin kaya naisipan kong magpasama kay Miguel na bumili ng
pagkain. Sinigang na baka, menudo at adobong manok ang mga pagkaing alam kong
magpapasaya sa kanya.
Ngi-ngiti-ngiting
kumakain si Rahj habang nakatingin samin. Parang isang batang ngayon lang ulit
nakalabas ng bahay kasama ang kanyang magulang ang itsura ngayon ni Rahj habang
kumakain sa kwarto kasama kami. Nakakapanibago lang.
“Ooohh, ang sarap!”
masiglang sabi nito sabay himas sa kanyang tiyan.
“Kapag ganito ang
pagkaing kakainin ko siguro after ng treatment, for sure, gagaling ako agad.
Diba James?”
“Ah... o-oo!” gulat
kong sagot dito. Alam nyo yun, yung tipong bago sa inyo yung mga nangyayari.
“Uwi na tayo. Gusto
ko mag-mall!” Pagkatpos ay tugon nito samin.
“Ma, lalabas po kami
ni James ah, pwede?” again, nakakapanibago. Imbes na magpapahinga siya, mas
pinili nyang gumala kasama ko.
“Pero anak, galing-“
pero cinut ni Rahj ang ibang sasabihin ni Mama.
“Please?” tanong
nito saka tumingin ng blankong expresyon sa kanyang Mama. Ano ba nangyayari? nakakapanibago lahat? Wala na nga nagawa si
Mama, tumingin ito kay Papa at kila Kuya Drew at Miguel tapos ay tumango bilang
pagsagot.
“Si-sige. Ikaw na
muna ang bahala kay Rahj, James” sabi ni Mama sakin sabay tapik sa balikat ko.
Tumango lang ako dito bilang pagsagot.
----------
5pm na, pero nandito
pa rin kami ni Rahj sa Mall. Habang siya ay aliw na aliw sa paglalaro dito sa
WoF ay ako naman itong nakaupo na at nakatingin lang sa likod ni Rahj. Pagod na
ko sa kakaikot sa Mall na to sa sobrang laki at lawak pero sya, parang hindi
nagkaron ng therapy kaninang magtatanghali at sige parin sa paglalaro. Bawat
stall na matigilan namin ay papasok ito at saka titingin ng damit o kaya ay
pantalon na magustuhan pero di naman bumibili, inaabala lang ang mga sales lady
o man. Tumigil lang kami sa paglalakad ng madaanan namin ang WoF at saka walang
sawang naglaro siya.
Ilang minuto na rin
ang lumipas at sawakas ay napagod na rin si Rahj dahil bagsak balikat itong
lumapit sa kinauupuan ko at tumabi.
“Ang daya, makukuha
ko na sana yung stuffed toy kaya lang sumabit eh” sumbong nito sakin.
“Di ka pa
napapagod?” imbes na sagot nito sakin ay tinanong ko lang ito. Tanging iling
lang ang naisagot nito sakin.
“Gutom?” tanong ko
dito. Tanging tango lang naman ang sagot nito sakin.
“Tara? Mcdo?”
“Sige!” kaya agad kaming tumayo at naglakad na
papuntang sa naturang kainan.
----------
Isang oras pa ang
tinagal namin sa Mall, naka-upo lang kami at saka nagkuwentuhan sa lobby.
Pagkatapos nun ay napagpasyahan na namin umuwi.
Habang nagda-drive
ako pauwi ay binalot naman ng katahimikan ang sasakyan. Nang lingunin ko ang
kasama ko ay natutulog na ito. Humihilik pa. Nakasandal na sa bintana ng
sasakyan ang ulo nito. Kaya itinigil ko muna ang sasakyan at saka inayos ang
pwesto nito. Di ko lang maiwasang mapangiti kasi, sa katulad pa ng taong ito
ako nahulog. Sa taong katulad pa nito na kung matulog ay parang fetus kung pano
matulog, humihilik nga lang. Muli kong itinuon ang aking atensyon sa manibela
at sa daan at saka nagdrive na ulit pauwi ng Cavite.
----------
Isa’t kalahating
linggo na rin ang lumipas at apat na therapy na rin ang lumipas at kitang kita
na kay Rahj ang mga pagbabago sa kanya. Kung ikukumpara ang ginawang treatment
sa kanya sa Amerika ay parang mas hiyang pa sya sa treatment niya doon kesa
dito sa Pilipinas.
Pumapayat, tumutuyo
ang labi, unti-unting pagkalagas ng buhok at isang nanghihinang Rahj ang
mapapansin mo dito. Pero sa kabila nun
ay lagi pa rin syang nakangiti. Di nya alam pero sa bawat pagngiti nya samin
kung kamusta sya ay nasasaktan ako dahil alam ko, at talagang alam ko na hindi
sya okay. Kung pwede lang siyang umiyak sa harapan namin ay marahil nagawa
niya. Hindi lang talaga iyak kundi hagulgol.
----------
Sa ika-limang linggo
ng kanayang treatment ay mas naghina si Rahj. nagiging moody na rin ito at
minsan ay nagiging bastos na sa pagsagot.
Isang hapon,
binisita ko ito kasama sila Daddy at Mommy sa kanila. May dala kaming mga prutas
at herbal drinks na binili ni Mommy mula sa isang kakilala niya. Malugod naman
kaming sinalubong ng mga magulang nito sa kanilang pintuan ng dumating kami.
Ang pinagtaka ko lang ay wala si Rahj ng sumalubong ang mga ito.
“Asan po si Rahj?”
tanong ko kay Papa. Hindi ito sumagot bagkus ay lumingon lang kay Mama na
parang humihingi ng sagot. Kaya naman lumapit ito sakin at saka ako niyakap.
“Nandun lang siya sa
garden, naka-upo. Pinapanuod niya yung mga lovebirds na binili niyo. Aliw na
aliw daw sya dun tuwing tinitingnan niya” sabi sakin ni Mama. Nagpaalam ako sa
mga magulang namin at saka tumungo ng garden, paglabas ko ng bahay ay di ko
makita kung nasaan ang taong hinahanap ko. Normally nakatayo ito sa tapat ng
hawla(cage) na pinasadya pa namin pero
walang Rahj ang naroon. Pagtalikod ko ay nakita ko si Rahj. Halos mapaluha ako
sa nakita ko. Isang linggo lang akong hindi nakabisita dahil masyadong toxic
ang schedule ko sa opisina at tax season ngayon kaya di basta basta umabsent.
Pumunta ako dito para makita ang improvement kay Rahj pero mukhang nagkamali
ako.
Nandun si Rahj,
nakaupo habang nanunuod sa mga lovebirds na abalang abala sa paglipad.
Tatawa-tawang nakatingin sa mga ibon. Nandun, nakaupo. Nakaupo sa isang
wheelchair. Nangangayayat at ang ibang iba sa itsura sa dating Rahj.
“Hello” bati ko
dito. Lumingon ito sakin. Saka nangunot ang noo. Nakipagtitigan lang ako dito.
Marahil di nakatiis kaya’t nagsalita.
“Bakit ka umiiyak?”
tanong nito sakin.
Dun ko lang napansin
na umiiyak pala ako. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko sa mga nakikita ko
ngayon. Hindi ito ang gustong makita ng mga mata. Hindi ito ang gusto kong
mabungaran pagkatapos ng isang linggong di pagkikita.
Ang gusto kong
mabungaran, ang malaking improvement sa treatment niya. Ang di na pagpayat
masyado at ang pagiging totoo na nga mga ngiti nito sakin. Pero bakit hindi
nangyari?
“Wala” tugon ko dito
at saka ngumiti at pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa mata ko.
“Wala huh. Pero ako
alam ko kung bakit” nakangiti nitong sagot sakin.
“Anong ibig sabihin
mo” tanong ko dito.
“Alam ko kung bakit
ka nagkaganyan, kahit ako di rin makapaniwala eh.” Sabi nito sabay ngiti.
“Pinanghihinaan na
ako ng loob James. Parang ilang araw na lang bibigay na ako”
“RAHJ!” di ko
mapigilang maisatinig dahil sa galit. Tumingin lang ito sakin at saka nagsalita
muli.
“Buwan na lang ang
hinihintay ko James. Buwan na lang. Alam ko di na ako magtatagal. Alam ko
konting oras na lang ang natitira-“
naputol ang mga sinasabi nito.
Nagpantig ang tenga
ko. Di ko alam kung pano ko nagawa iyon kay Rahj pero hinila ko palapit sakin
ang wheelchair at saka ito nasampal.
Natameme ito sa
ginawa ko. Di ko napansin na lumapit na rin pala sila Mama samin. Nang tingnan
kong muli si Rahj ay umiiyak na ito.
“Ano bang pinagsasabi
mo?! Hindi ka mamamatay Rahj! Hindi ka mamamatay! Hindi! Hindi! Hindi ako
papayag Rahj! hindi ka mamamatay!...” di na napigilan ng mga luha ko at
bumagsak na ito sa sahig kasabay ng pagbagsak ko sa sahig.
“Gagawin ko ang
lahat Rahj para lang gumaling ka. Hindi ka mamamatay! Madami pa tayong gagawin.
Magtatapos ka pa sa kursong kinikuha mo. Pupunta pa tayo sa ibang bansa! Rahj!
Hindi ka pa pwedeng mawala! Tutuparin pa natin yung mga pangarap natin..”
“Pero James pano
kung panahon ko na talaga. Pano kung konting oras lang pala talaga ang nilaan
Niya sakin. Pano kung-“
“Pano kung mali ka
sa akala mo. Pano kung gagaling ka pala? Rahj, magtiwala ka lang sa sarili mo.
Wag namang sumuko para sakin oh... wag kang sumuko para samin oh” nang tingnan
ko sila Mommy ay umiiyak na rin ang mga ito. Kahit sila Papa at Miguel ay
umiiyak na rin.
“Please?” tanong ko
dito.
“Susubukan ko” tugon
nito sakin at saka ako niyakap ng pagkahigpit gipit saka umiyak sa balikat ko.
Pare-parehas kaming
umiiyak sa may garden kung saan dapat masaya ang atmospera ng lugar na yun pero
napalitan ng kalungkutan at pighati.
----------
Pagkatapos ng
tagpong iyon ay pumunta na kami sa may sala at saka nagpahinga. Ipinikit ko
lang ang mga mata ko para makapagpahinga na rin kahit konti. Pero sa tuwing
pipikit ako ay imahe ng isang malungkot na Rahj ang nakikita ko kaya di ko
maiwasan ang di mangilid ang luha.
Ilang minuto pa’t
tinawag na kami ni Manang para kumain ng hapunan. Iginaya ko ang wheelchair ni
Rahj papuntang kusina pero pinigilan ako nito. Tumingin lang ako kila Mama pero
nagtatakang tingin lang din binigay nito sakin.
“Diba sabi mo wag akong
sumuko?” tanong nito sakin. Bigla itong gumalaw at unti-unting tumayo mula sa
pagkakaupo sa wheelchair. Sa unang subok niya ay bigo lamang siya. Pero sa
pangalawang subok niya ay tagumpay siyang nakatayo. Lumingon ito samin at saka
ngumiti.
“Kaya sisimulan ko
sa maliit na bagay, at yun ang wag gamitin ang wheelchair na yan dahil hindi pa
ako lumpo.” Kapagkuwan ay wika nito at saka dahan dahang naglakad. Buti na lang
at naalalayan ko ito dahil kung hindi ay susubsob ito sasahig sa muntikang
pagkadapa. “salamat” tugon lang nito.
Lahat kami ay
nakangiting kumakain at pinpilit maging masigla ang atmospera ng hapagkainan
kahit minsan ay nagiging tahimik ito pero agad na binabasag ni Rahj sa
pamamagitan ng mga biro niya.
Pagkatapos namin
maghapunan ay nagkwentuhan muna kami sa mga buhay buhay namin. Hanggang sa
napansin ko na lang na kami na lang pala ni Rahj ang nasa sala at iba naman ay
nasa garden na at nagpapahangin. Tumayo si Rahj at dahan dahang lumapit sa
kinauupuan ko. Di naman ako magkamayaw sa pag-alalay dito para makalapit sakin
dahil talang madadapa siya sa paglalakad.
“Beh...”simula nito.
Napatingin naman ako dito at di ko maintindihan ang magiging reaksyon kasi dun
nya lang ako tinawag na Beh. Natatawang nakatangin lang ako dito.
“Ayaw mo ata eh”
maktol nito sakin. Again, his childish
acts hit me. As if hitting two birds in one stone. Kasi, tinanggal niya yung
kalungkutan na dinadala ko nung mga oras na yun at pinalitan niya ng
kasiyahan... at kakornihan.
“hindi, okay nga eh”
“Napilitan ka lang
ata eh”
“Okay lang talaga.
Cute nga eh”
“Talaga?”
Tumango lang ako
dito bilang sagot at saka nagpatuloy na siya sa mga sasabihin pa niya.
“May tanong kasi
ako, pero wag ka magagalit ah.”
“Shoot it” hamon ko
dito.
“Pano kung may
dumating sayong tao at mamahalin ka pag wala na ako. Mamahalin mo rin ba sya?”
“NO!” mabilis kong
tugon dito.
“Pano kung kaugali
ko sya, kamata, kailong, kacute, kasweet, kamukha ko, in short parang ako pero
ibang tao pala, mamahalin mo rin ba?”
“Definitely NO!”
“Pano kung gusto ko
mahalin mo rin siya tulad ng pagmamahal na binigay mo sakin?”
“Imposibleng manyari
yan Rahj, maliban na lang kung kambal mo yan or doppleganger. Malamang magiging
kamukha mo nga.”
“Di mo naman
sinasagot tanong ko ih”
“Alam mo naman ang
sagot ko diyan diba. HINDI. Ikaw lang ang mamahalin ko ng ganito kasi ikaw ang
pinili kong makasama”
“Eh pano kung siya
pala yung papalit sa kin at sya yung gagawa nung mga naiwan kong promise sayo?”
Hindi ako nakareact
sa mga huling salitang binitiwan niya sakin. Hindi ko alam ang isasagot
sakanya. Ewan ko ba.
“Ay naku, matulog ka
na Rahj para di kung anu-ano ang pinag-i-iisip mo.”
Tatayo na sana ako
pero bigla itong nagsalit ulit.
“Seryoso ako
James” napalingon ako dito at nakita ko
ngang seryoso ito sa sinasabi niya. Wala na akong nagawa kundi ang sagutin ito.
“Di ko alam Rahj. Di
ko pa pinag-iisipan ang sitwasyon ganyan kasi naniniwala akong gagaling ka”
Pagkatapos ay tumayo
na ako at dire-diretsong naglakad papuntang garden para yayain na sila Papa
para umuwi.
----------
Habang nasa sasakyan
kami papauwi ng Manila ay di ko maiwasang mapaisip sa mga katagang binitawan ni
Rahj.
“What if nga?”
tanong ko sa sarili ko.
“what if kelangan
kong tanggapin yung katotohan na mangyayari talaga yun. Ano gagawin ko? Tapos
may dumating na katulad ni Rahj? what if? Argh!” reklamo ko sa sarili ko. Kahit
ako kasi naguguluhan din sa mga bnitawang salit ni Rahj sakin
“May gumugulo ba
sayo Anak?” tanong sakin ni Mommy. Dun ko lang napansin na kahit si Daddy ay
nakatingin din sakin gamit ang rear view mirror at waring nagtataka.
“Wala naman po Ma”
“You can tell us
anything that bothers you Anak”’ nakangiting pahayg nito sakin.
“Salamat po”
----------
Dalawang araw after
nung tampuhan na nangyari samin ni Rahj ay nakatanggap ako ng tawag. Ilang
beses itong tumawag sakin pero ilang beses ko ring pinapatay ng walang tinginan
kung sino ba ang tumatawag sa dahilang nasa isang board meeting ako. Hanggang
sa napansin na ata ng ibang board of directors ang panay dukot ko sa phone ko.
“Please answer that
call Mr. Castillo. Baka importante na yan.” Pag-agaw atensyon ni Mr. Delos
Reyes, isa sa mga BoD, habang abala sa pagrereport ang kasama ko sa
trabaho. Ngumiti lang ako sa mga ito at
saka lumabas ng kwarto.
Pagkakita ko ay naka
9 missed calls na ito at lima dito galing kay Miguel at apat ay galing kay
Yvone. Ilang segundo pa ay may tumawag ulit. Si Miguel. Kaya agad ko itong
sinagot.
“Hello, Miguel
bakit-“ simula ko pero naputol ng magsalita agad ito.
“..........”
“Huh?! O sige punta
na ko dyan ngayon”
“...........”
“Ano ulit Ospital
iyan?”
“..............”
“okay-okay”
Pagkabalik ko ng room
ay lahat sila nakatingin sakin. Dire-diretso lang ako sa aking mga gamit at
materials. Nangingig ang buong katawan ko habang nilalgay sa bag ang mga gamit
at materials ko. Walang nagsasalit sa loob ng room, lahat ng mata sakin, alam
ko yan.
May isang butil na
pumatak mula sa mga papel na nakalapag sa aking bag. Tiningnan ko lang ito
habang ina-absorb ng papel at bumakat ang mga luhang unti-unti pang pumapatak.
“May problem ba Mr.
Castillo?” tanong sakin ni Mr. Choi, major investor ng kumpanya.
“I’m so sorry Sir, I
have to go. Something just happened. And I really need to be there as soon as
possible.” Naluluha kong sagot dito.
“Pero pano na yung
presentation mo?” tanong sakin ni Chelsea, katrabaho ko.
“Bahala na” sagot ko
dito.
“Kapag umalis ka Mr.
Castillo, sisiguraduhin kong wala ka nang trabaho na babalikan!” banta sakin ni
Sir Fajardo. Wala sa sarili kong sinagot ang senior ko at saka tinitigan ito.
“Bahala na po kayo
Sir, kung tatangalan nyo man ako ng trabaho, makakahanap pa ako. Pero kung mawawala
yung taong kelangan kong puntahan ngayon ay di na ako makakahanap pa ng katulad
niya.” Saka ako naglakad dire-diretso papalabas ng pintuan.
“Give us an update when
you came back Mr. Castillo. For sure sobrang seryoso nyan para iwan mo ang
ganitong kahalagang meeting” sabi ni Mrs. Chen, CEO ng kumpanya, at saka
ngumiti sakin. Nginitian ko din ito bilang sagot at saka dumiretso na sa
Ospital.
----------
Halos paliparin ko
ang sasakyan ko makarating lang ako sa Ospital na pinagdalhan kay Rahj. At nang
makarating na ako dun at mabilisan kong tinungo ang ER section ng Ospital.
Pagkapasok ko dun ay naabutan ko ang nag-uusap na sila Papa at ang babaeng
doktor.
“Buti dumating ka
na, kanina pa kami nag-aalala sayo.” Bungad ni Mama sakin.
Imbes na sagutin ang
tanong nito sakin ay sinagot ko ito ng isang tanong
“Ano pong nangyari?”
“Gusto niya kasing
magluto...”
“Magluto? Eh di
naman po sya marunong, diba? Sana nagpaluto na lang sya kila Manang”
“Gusto nya siya daw
ang magluto kasi marunong na daw siya”
“Sino po ba daw ang
kakain at gusto nyang siya ang gumawa non eh alam naman niyang bawal siya
mapagod?”
“Ikaw daw. Gusto nya
daw malaman kung anong lasa ng natutunan niyang pagkain na lutuin mula sayo.”
Sa pagkasabi sakin ni Mama noon ay napatingin ako sa nakahigang si Rahj at saka
nilapitan. Napaka iyakin ko para sa isang lalake pero si Rahj kasi, lage nya
akong pinapaiyak at sinu-sorpresa.
Naramdaman ko na
lang na may humawak sa balikat ko, pagtingin ko ay si Mama na ito.
“Pagkagising nya
kanina, excited syang nagpabili ng mga rekados kay Manang. Noong una ay ayaw pa
saming sabihin kung bakit sya masaya hanggang sa sinabi ni Manang kung bakit.
Gusto daw subukan ni Rahj yung mga natutunan niyang pagkain na lutuin mula
sayo.
Naalala ko nung nagrereview ako para sa board exam ay
nakaamoy ako ng nasusunog na niluluto. Pagtingin ko ay adobong baboy pala ang
niluluto ni Rahj. Bukod sa amoy sunog na nga ay iba pa ang amoy noon. Tawa pa
ako ng tawa non dahil mangiyak-ngiyak si Rahj sa pagtanggal ng mga nasunog na
karne sa kawali noon. Kung di ko pa sya tinulungan ay siguro inabot sya ng
pasko sa lababo.
Napagpasyahan namin na tulungan na lang niya akong
magluto ulit ng adobong baboy. Tinuruan ko rin siya kung pano magluto ng tunay
na adobo. Yung napapaiyak siya sa paggagayat ng sibuyas, sa pagbabalat ng
bawang, sa pagkaka-bahing niya dahil sa paminta at kung anu-ano pa habang
tinuturuan ko siya. Madami pa akong tinuro sa kanya katulad ng menudo at
pochero. Pero di ko alam na sineseryoso niya ang pag-aaral nun. Kaya medyo
gulat ako ngayon na para sakin pala yung niluluto niya.
“Sorry po Ma, dahil
sakin napagod siya, dahil po-“ pero agad na pinutol iyon ni Mama.
“Wala kang kasalanan
Anak. Ni minsan di namin nakita yan na ganyan kaexcited sa gagawin niya. Pero
dahil sayo naging ganyan siya, masayahin sa likod ng mga problema.”
Tiningnan ko lang
ito mata sa mata at saka ngumiti. Nakita ko naman ang biglang pag galaw ni Rahj
senyales na gising na ito. Unti-unting dumilat ito at ng makita kami na
nakaabang ay ngumiti ito samin.
“Pasensya na.
Naabala na naman kita. Gusto ko sanang sorpresahin ka eh. Kaya lang di kinaya
ng kata-“ habang nagsasalita sya ay niyakap ko na lang sya. Alam ko, alam kong
sinisisi na naman nya ang sarili nya kung bakit ako nasa harapan niya. Alam
kong sinisisi na naman niya ang sarili nya dahil umabsent ako ngayon sa trabaho
ko.
“Wag mong sisihin
ang sarili mo Rahj. Wala kang kasalanan. Ako ang may desisyon nito kaya wala
kang kasalanan. Kung magkandaleche-leche man ako sa yun ay dahil sakin hindi
dahil sayo.”
“Pero James, dahil
sakin-“ pinutol ko na naman sya
“Sssshhh. Wag kang
mag-alala, alam to ng boss ko kaya okay lang. Sa ngayon pahinga ka muna para
mamaya sasamahan mo akong kainin yung niluto mo para sakin. Okay?” pag-aalo ko
dito. Tumango lang ito at saka muling ipinikit ang kanyang mata para
magpahinga.
Habang nakaupo ako
sa kama ni Rahj at pinagmamasadan lang siyang magpahinga ay may ideyang biglang
umusbong sa isip ko. Minsan ko na ring naiisip gawin to pero wala pa akong sapat
na dahilan dati, pero ngayon meron na. Sasabihin ko na rin ito bukas o sa
makalawa after kong iprepare ang lahat. Sana okay lang.
Tulad nga ng
pinangako ko ay umuwi kami sa bahay nila Rahj at pagdating na pagdating namin
ay excited si Rahj na sinama ako sa kusina at pinaupo sa lamesa. Ibang iba nga
daw sya bulong sakin ni Mama na katabi ko sa lamesa dahil sobrang saya ngayon
ni Rahj. Ina-assist na lang sya ni Manang kung may kelangan man ito sa
pagluluto. Kahit sa pagdadala nito ng pagkain na linuto nya para samin ay gusto
nya sya ang gagawa, buti na lang si Manang na ang nagpumulit na sya ang
magdadala nito.
“Masarap?” tanong
nito samin.
“ahmm... “
pambibitin ko dito.
“ahmmm...? “
nakangunot noo nito samin na tanong.
“Pwede na...” sabi
ko dito sabay ngiti. Ngumiti na rin ito samin at saka sinamahan na rin kaming
kumain. Kahit si Manang ay inaya nitong sumabay na samin sa pagkain.
9pm na ng
mapagpasyahan kong umuwi na. Hinintay ko munang matulog si Rahj saka ako umuwi.
Di pa sana ako makakauwi dahil mahigpit ang pagkakahawak sakin ni Rahj sa braso
ko habang natutulog. Buti na lang nandyan si Miguel para tabihan ang kanyang
kapatid.
----------
“Good Morning po Ma’am” bati ko sa CEO
ng kumpanya na si Mrs. Chen.
“Good Morning din, kamusta? Okay na ba
yung pinuntahan mo sa Ospital?” tanong
nito sakin.
“Ano po... ahm... yun nga po yung
pinunta ko sa inyo eh. Teka asan na ba yun?” saka ko hinalungkat ang bag ko.
“Ah eto.” Saka ko binigay kay Ma’am ang isang sobre. Isang sobreng naglalaman
ng resignation letter ko. Oo, yan yung planong pumasok sa isip ko. Yan lang ang
nakikita kong paraan para maalagan ko si Rahj buong araw. Okay lang kahit
mawalan ako ng trabaho, alam ko makakahanap pa naman ako pero si Rahj, di ko
kayang mawala sya sakin. Kaya yan lang ang ideyang pwede kong gawin. After all,
sacrfice is partly a factor of love.
“Sana po maintindihan niyo”
“Why?” tanong nito sakin.
“Yan lang po yung pwede kong gawin.
Wala na po akong ibang choice Ma’am.” Pagtapat ko dito.
“Ganun mo ba sya ka-mahal para gawin
mo to. Mawawalan ka ng trabaho Mr. Castillo. Mawawalan ka ng income.”
“Opo. Kaya kong gawin ang ganitong
bagay para lang sa kanya Ma’am. Sapat naman rin po ang ipon ko para
masuportahan ko sarili ko sa pang-araw-araw”
“She’s so lucky to have you Mr.
Castillo” agad na sumilay ang ngiti mula sa aming boss.
“Excuse me?”
“I mean, napakaswerte ng babaeng ito
na may lalaking katulad mo na handang isakripisyo ang lahat.”
“Thank you po.” Alangan kong
pagpapasalamat. Kung alam lang niya na isang lalake yun. And besides. Malalaman
din naman niya yun dahil nilagay ko yun sa resignation letter ko. I hope she
understand me.
Lumabas ako ng opisina niya at saka
tinungo ang cubicle ko at niligpit lahat ng gamit ko sa dala isang box. Lahat
ng nakakakilala sakin ay nakatingin sa aking pagliligpit.
“Di ka na ba talaga mapipigilan?”
tanong sakin ni Chelsea. Ka-team ko.
“Ganun talaga eh. Kelangan gawin ko
to.”
“Alam nya na ba to?”
“Si Rahj? hindi pa. Ayaw kong sabihin
sa kanya kasi baka sisihin na naman niya sarili nya.”
“Basta pag kelangan mo ng tulong
tawagan mo lang kami nila Jhay, Euranel, Jordan, Nicka. Basta alam mo rin naman
kung saan kami mahahagilap ah”
“Salamat” saka niya ako niyakap.
----------
Dalawang linggo pa
ang lumipas at sa ikatlong linggo mula ng umalis ako sa trabaho ay sinimulan na
akong kabahan tuwing umaga. Nandyan yung magigising na lang ako biglaan at saka
titingnan kung katabi ko pa si Rahj sa kama. Makakahinga naman ako ng maluwan pag nakita kong mahimbing ang kanyang
tulog.
Ngayon ang ika-20th
birthday ni Rahj. excited kaming dalawa kagabi na salubungin itong araw na ito
kaya di kami makatulog agad sa pag-aanta na mag 12am na para batiin siya ng
Maligayang Kaarawan. Alam namin dalawa ni Rahj na bawal na bawal sa kanya ang
mapuyat pero enjoy naman kaming nagkukwentuhan para pamatay oras.
“Good Morning” bati
nito sakin at saka bumangon na rin sa pagkakahiga. Agad na tumayo si Rahj saka
dire-diretsong pumasok sa banyo. Narinig ko na lang na pumapatak na ang tubig
mula sa shower. Excited nga talaga siya.
Ilang minuto pa bago siya lumabas ng banyo.
Medyo napalunok ako
sa nakita ko paglabas nya ng banyo. Ganito na pala itsura ng katawan ni Rahj.
Mature na nga ika nila. Medyo nakaramdam ako ng init sa katawan sa nakita ko.
Nakatapis lang sya paglabas. Ibang iba na ang pinagbago niya.
“Baka matunaw” basag
nito saking pagtitig.
“Ewan ko sayo” sabay
diretso ng banyo para maligo na rin. Humagikhik lang ito pagdaan ko sa harap
niya. Bago pa man ako makapasok ng banyo ay hinawakan niya ako sa braso saka
pinaharap sa kanya.
“I love you. Thank
you sa lahat, as in sa lahat lahat” sabii nito sabay halik sakin ng mabilisan
at saka walang tingin na dumiretso sa closet at nagsimula ng maghalungkat ng
damit.
Maraming buwan na
rin ang lumipas bago nasundan ang ganitong halik sakin ni Rahj. parang
nakakapanibago. Parang ganun dati nung nagsisimula palang kami. Nandun pa rin
yun kilig pero iba eh, sobrang kilig ang nararamdaman ko. Napahawak pa ako sa
labi ko at medyo napangisi. Hindi nalang ako tumugon sa kanya bagkus ay pumasok
na lang akosa banyo.
----------
“Kapag nagmahal ka,
dapat wala kang hinihintay na kapalit. Dapat unconditional. Kasi kapag nilagyan
mo ng sangkap ng pansariling kapakanan. Hindi na pagmamahal iyon. Kung
magmamahal ka dapat buong buo, walang labis walang kulang. Para kung kunin man
sya ng ating Panginoong Diyos, atleast napakita mo kung gano mo sya kamahal.
Wala kang pagsisihan kasi alam mong pag-umalis sya, baon baon nya ang
masasayang ala-ala nya sayo. Mga ala-alang di nya pagsisihang binuo kasi kasama
ka niya sa pagbuo nun.” Sermon ng pari sa kanyang homiliya.
Nandito kami ngayon
sa simbahan sa Dasmarinas. Yan kasi ang gusto ni Rahj ngayong birthday nya at
tamang tamang nataon sa araw ng linggo. Gusto niyang kumpleto silang pamilya sa
pagharap sa Panginoon. Sa pagsabi niya samin ng simpleng kahilingan na yan nung
makalawa ay dun na ko sinimulang kabahan. Alam ko meron akong dapat tanggapin pero
mahirap sakin ang ganun.
“Happy Birthday
Rahj” bati namin kay Rahj after matapos ng misa.
“Salamat po” tugon
nito.
“San mo gustong
magcelebrate?” tanong ni Kuya Drew.
“Sa bahay na lang,
mas masarap dun eh” saka sya ngumiti samin
After few minutes na
pag stay sa simbahan, dumireto na rin kami sa bahay. Simpleng celebration lang
ang gusto ni Rahj kaya naman yun ang sinunod namin. Naalala ko pa nga yung
pinag usapan namin ni Mama kagabi...
“Salamat James huh, salamat sa lahat talaga. Salamat
kasi dumating ka sa buhay ni Rahj. Kung di dahil sayo, malamang, mas maagang
kinuha samin ang batang iyan. Kahit anong mangyari, wag ka sanang bibitaw sa
kanya.” Out of the blue, bigla na lang akong niyakap ni Mama habang nagluluto
ako ng sauce ng spaghetti.
“A-ah.. eh..”
“Please...”
“Sige po...” at saka isang malalim na buntong hininga ang
pinakawalan ko. Marahil, kelangan ko na ring tanggapin na anytime, pwede na
syang mawala samin. Pero, bakit pag naiisip ko yun, ang hirap tanggapin, ang
hirap, ang sakit sa dibdib.
Ang hirap tanggapin
ng mga salitang yan lalo na’t kay Mama pa nanggaling yan. Sumusuko na sila
kahit may pag-asa pa.
***(sound ng nabasag
na baso)***
Napatingin ako kung
san nanggaling yung tunog na yun at ng makita ko kung san, nakita ko sa pwesto
ni Rahj. nakaluhod sya habang pinupulot yung mga basag na bubog habang dumudugo
ang kanang kamay niya.
“Hey, wag mo ng
pulutin yan! Baka ma tetano ka” pagpuna ko dito. Tiningnan lang ako nito at
saka ngumiti sakin from ear-to-ear. Agad ko syang nilapitan at saka kinuha sa
kanya yung mga basag na bubog.
“Kaw talaga—“
pagsisimula ko kaya lang pinutol niya.
“Mamatay na rin
naman ako eh, kaya okay lang kahit matetano ako” ngiting tugon niya saken kaya
natigilan ako sa pagkuha ng mga pirasong bubog.
“Hinde, hindi ka
mamamatay Rahj. matagal pa yun, tutuparin pa natin yung gusto natin sa buhay-“
pinutol na naman niya ko.
“Natupad na naman
mga gusto natin sa buahy eh. Ikaw na maging magaling na CPA at ako naman, na
sana makapagtapos ka sa college at makapasa ng board exam...” he sighed.
“...pero mukhang di
ko natupad yung gusto ko..”
“ano yun?”
naluluhang tanong ko dito.
“...na sana maging
masaya ka piling ko. Lagi ka na lang kasing napeperwisyo dahil sakin, nawalang
ka pa ng trabaho dahil sakin, kelangan mo pang mamalagi dito sa Cavite at iwan
sila Mommy at Daddy sa Manila. Ang gusto ko lang nman ay maging masaya tayong
dalawa pero hindi nangyari dahil sakin” tiningnan ko sya and he’s crying.
Niyakap ko na lang sya at saka kusang lumabas ang luha ko.
“Sorry ah... di ko
na natupad pangako ko sayo, di pa natupad wish ko sayo”
“Ssshhhh... walang
kang dapat ipag-sorry kasi, naging masaya ako sayo, at natupad ang wish mo,
kasi napakasaya ko at napakaswerte ko kasi minahal mo ko. Words are not enough
to describe how happy I am when I’m with you.”
“pero kasi...”
“Walang pero pero,
I’m glad you came into my life”
“Thank you”
“Kaasar ka,
pinapaiiyak mo ko eh birthday na bithday mo. Tsk. Tara kain na tayo” inalalayan
ko sya patayo at saka kami naglakad papuntang kusina.
--------
Konting kwentuha at saka konting
pakikipag usap sa mga bisitang pumunta sa bahay nila Rahj saka sya dumiretso sa
kwarto niya para magpahinga. Pagkasarado
ng pinto ni Rahj ay biglang tumahimik ang buong bahay. Ng tingnan ko kung
bakit, lahat ng nandun, mga naging malungkot na ang mukha, parehas ko rin sila
ng nararamdaman.
“Sorry to hear the news James” si
Martin, uncle ni Rahj.
“ganun talaga eh”
“Di rin ako makapaniwala eh. Parang
kelan lang nun kalaro ko siya dito sa garden na to. Ang hirap paniwalaan na
ganun ganun na lang sya mawawala. Sana pala mas naging mabait akong uncle at
close buddy nya sa kanya”
“Its okay, lahat naman tayo, naging
masaya kasama sya and I’m sure ganun din sya.”
“Kaya natin to.” Out of the blue, bigla
nya kong niiyakap.
“Ah.. eh.. ano.. Martin”
“So-sorry” nginitian ko na lang to
atsaka ko nagpaalam na aasikasuhin ko lang yung mga naiwan plato sa kusina.
“weird” nasabi ko na lang sa sarili ko.
--------
11pm na ng makaalis na lahat ng bisita
pati na rin sila Mommy and Daddy. Bumaba rin si Rahj after 3 hours of rest sa
kwarto niya saka nakipag tawanan sa mga pinsan niya. After a while, natulog na
rin kame.
At 1am the next day, I heard Rahj
crying.
“Rahj, okay ka lang?”
“James...”
“Its okay, bakit ka ba umiiyak?”
“Nahihrapan akong labanan yung antok”
“Huh?” Napabangon ako bigla at saka sya
tiningnan. “ano ibig mong sabihin?”
“Gustong gusto ng pumikit ng mata ko,
pero ako ayoko pa. Natatakot ako James..” saka sya napahagulgol.
“Rahj...” I hugged him tighter.
“Natatakot ako na baka bukas, di na ko
magising, Na baka bukas, di ko na kayo makita, baka bukas di ko na maimulat
mata ko” hinigpitan pa niya pagkakayakap sakin saka humagulhol. Wala akong
masabi sa kanya, parang yung dila ko umurong na ata. Kelangan ko na bang
sumuko? Kelan ko na bang mag let go ngayon para di ako mas masaktan sa dadating
na mga araw? Kelangan ko na ba talaga?
----------
<<<<<<<<Please play CAN’T CRY
HARD ENOUGH till the end>>>>>>>
Two days later, ito na nga ba ang
sinasabi ko, ang kinakatakot ko. Rahj requested na sana nasa tabi nya kaming
lahat na naging parte ng buhay nya. Its getting dark na rin.
Ako, Daddy & Mommy, Papa & Mama,
Kuya Drew, Miguel, Yvone, mga close cousing nya and some of his high school
friends, his Uncle Martin, mga Lolo and Lola nya, at saka mga Tito’t Tita niya.
Ngumiti samin si Rahj, yung tipong
ngiting alam mong last na yun.
“Salamat kasi nandito kayong lahat”
“Rahj...”
“Salamat po Papa, Mama, kasi kundi dahil
sa inyo, wala ako dito. Salamat kasi tinanggap nyo kung ano man meron kami ni
James. Salamat kasi lagi kayong nasa tabi ko. Hinding hindi nyo ko pinabayaan.
Sa mga times na gusto ko ng umayaw pero nandyan
kayo para palakasin ang loob ko, salamat po talaga” nakita ko sila Papa’t Mama, umiiyak na.
“Sa inyo dn po Daddy’t Mommy, salamat po
at kahit sa maikling panahon na nagkaayos kayo ni James ay tinggap niyo rin
kame. Salamat po kasi nakilala ko ang anak nyo”
“Sa inyo Kuya Drew at Kuya Miguel, sana
lagi kayong nandyan para kila Papa pag nawala na ko. Salamt din pala na kahit
nagiging makulit ako at isip bata, still hinahabaan nyo pasensya nyo sakin.
Lalo na sayo Kuya Miguel, sa loob ng maikling panahon, natutunan kong tanggalin
yung galit na meron ako para sayo dati, maraming salamat kasi mas naging mature
ako. Saka, ligawan mo na kasi si Yvone, alam ko naman mahal mo rin naman sya”
medyo natawa pa si Rahj sa huling kumento nya.
“Sayo din Yvone, thank you sa lahat.
Thanks dun sa mga years na pinagsamahan natin. Wag kang mag-alala, matagal ko
ng kinalimutan kung ano man meron sama ng loob meron ako sayo dati.”
“salamat Rahj” si Yvone, saka pinunasan
yung luhang dumadaloy na kay Rahj.
“Sa inyo po Lolo’t Lola, Tito’t Tita,
saka sa inyo pinsan, salamat kasi naging magandang impluwensya kayo samin,
naging mabuting kamag-anak kayo, salamat talaga kasi nandyan kayo samin.
Salamat kasi tinanggap nyo ko kung sino hindi kung ano kami.
“Apo, mahal na mahal ka namin tatandaan
mo yan ah”
“Salamat po”
“Sa inyo din, salamat kasi naging
malapit ko kayong kaibigan during my high school days. Salamat sa good
memories. Di ko kayo malilimutan”
“At sayo...” saka sya tumingin sakin,
inangat nya ang dalawang kamay niya. Nakuha ko naman kung ano gusto niya
ipahiwatig.
“Rahj...” bulong ko dito saka ko siya
niyakap.
“Salamat kasi nakilala kita, salamat
kasi minahal mo ko, salamat kasi nandyan ka lagi sakin, salamat kasi hinding
hindi mo ko pinabayaan. Maraming salamat. Mahal na mahal kita, tandaan mo yan
huh. Sana pag umalis na ko, wag mong damdamin ng husto, wag kang bibitaw, sana
ipagpatuloy mo lahat ng gusto mo sa buhay. Yung mga planong kasama nating
binuo, sana gawin mo parin para sakin, hindi naman kita inoobliga na tuparin,
pero alam ko, masaya ka dun sa plano natin. Alam ko may dadating na bagong
magmamahal sayo, sana sa kanya mo ibaling ang pagmamahal mong iyon. Words can’t
express how much I love you, sana sa huling pagkakataon, gusto kitang halikan.
Pwede ba?” tumango lang ako sa kanya, saka naman niya kinabig angulo papunta sa
kanya at nagkadampi ang aming labi.
Kusang lumabas ang luha ko habang
magkadikit ang aming labi. Ramdam ko ang pagmamahal niya sakin, ramdam na
ramdam ko. Gustong gusto kong umiyak sa mga oras na yun pero di ko magawa dahil
na rin sa kagustuhan niya.
“I love you James” bulong nito sakin
after magdampi ang aming labi.
“I love you too Rahj” bulong ko din
dito.
“Di ko na rin pala pwedeng sabihin na
Ako’y sa’yo at Ika’y Akin, kasi from now on, I’m letting you go” then Rahj
hugged me.
Saka bumuhos na ng tuluyan ang aking mga
luha, di ko rin napigilan ang aking sarili at napahagulhol ako habang yakp
yakap ko sya.
“Rahj, sana makaya ko lahat”
“Wag ka mag-alala, makakaya mo to, trust
me. Diba nga, sabi nila, kapag may umaalis, may dumadating. Kaya wag kang
mag-alala, may dadating din sayong tutulong sayo na umahon”
“Rahj, mahal na mahal na mahal kita.
Rahj, wag ka naman ganyan, gusto ko pang tuparin yung plano natin kasama ka,
pano na ko. Pano na kami? Rahj, please naman, give us more years para makasama
ka pa namin, kahit 5 years”
Umiling lang siya.
“5 months?”
Again, umiling lang sya
“5 weeks” umiling ulit
“5 days?” ayaw pa rin nya
“5 more hours?” umiling pa ulit sya.
“5 more minutes” sumilay sa kanya ang
isang ngiti. “Sure, mahal kita eh”
aFter that, niyakap ko lang siya.
“uncle martin...” habang yakap yakap ko
sya, biglang naman syang nagsalita
“Yes?”
“May sasabihin pala ako sayo” lumapit si
Martin sa tabi ni Rahj at saka pinakinggan ang sasabihin.
After few seconds, tumayo si Martin at
tumingin sakin, saka lumabas ng room.
“Ano sinabi mo?”
“Sabi ko, magtapat na sya sa taong gusto
nya, boto naman ako eh” ngumiti lang sya sakin
Nagsilabasan na sila maliban sakin na
mas piniling tabihan si Rahj habang yakap yakap ko ito.
“Can i hold you hands?” tanong nito
sakin.
Kinuha ko naman ang kanyang kanang kamay
and filled those spaces between his fingers.
“James, i love you”
“I love you too”
“I love you”
“I love you too”
“I love you”
“I love you too”
“I love you”
“I love you too”
“I love you”
“I love you too”
“I love you”
“I love you too”
“I love you”
“I love you too”
“I love you”
“I love you too”
“I love you”
“I love you too”
“I love you”
“I love you too”
“James, inaantok na ko, pwede na ba
akong matulog?” tanong nito sakin.
“Mamaya na lang pwede?”
“Pero antok na ko eh, please?”
Tinitigan ko sya eye to eye, and biglang
may umagos na luha mula dun. I wiped his tears and nodded.
“Sige, sleep tight, sweet dreams...”
“Thank you” slowly, he closed his eyes.
“...and I love you” i kissed his lips
one last time.
“I love you too James... I love you”
I hugged him tighter, and cry silently.
------------
7 months na rin simula ng nawala si
Rahj, actually, I’m so blessed na nandya family ko sa pag-alalay nila sakin.
Pero di ko parin maipagkakaila sa sarili ko na I missed him so much, na I still
love him very much. Gusto ko na ring sumunod sa kanya.
Naalala ko, meron nga pala akong boteng
tinatago dito sa cabinet namin eh. Hinalungkat ko yung cabinet namin at nakita
ko rin yung hinahanap ko.
“I”m sorry, Mom, Dad, Pa, Ma. Miss ko na
po sya, i hope na maintindihan nyo”
When I’m about to drink that poison, my
door suddenly opened, and to my surprise, nakita ko sila Daddy.
“James!” sigaw ni Daddy sakin saka
tumakbo at tinabing yung bote.
“What the f1ck are you doing?”
“Dad, miss ko na po si Rahj. di ko na
kaya, ayaw ko na, wala na kong makitang dahilan para mabuhay!” ang hagulhol
kong pag amin sa kanya.
Bigla na lang nya akong tinaas mula sa
pagkakaupo at saka ako sinuntok.
“Hon! Bakit mo ginawa yun?!” tarantang
tanong ni Mama sakin.
“Dapat lang yan sa kanya! Kelangan nyang
matauhan...”
“...at kung sa palagay mong walang
kwenta buhay mo, pumunta ka muna ng ospital ng baka sakaling magbago yan isip
mo!” saka nag walked out si Daddy.
Tiningnan ko si Mommy pero di nya ko
sinagot instead tinulungan niya kong tumayo.
“You better ko to the Hospital para
naman matauhan ka” dagdag pa ni Mommy sakin
Labag man sa loob ko na lumabas ng
kwarto ko ay sinunod ko na sila
After a 15 minute drive, nakarating na
ko ng Ospital, agad naman akong sinalubong nila Kuya Drew at Miguel.
“Congrats bro!” si Kuya Drew.
“Congrats for what?” takang tanong ko sa
kanila.
“Daddy ka na rin! Ano ba?!” sabi sakin
ni Miguel
“Huh?”
“You better go to the nursery para
makita mo kung gano kagwapo ang anak nyo”
“Anak ko?” tanong ko dito.
“Just go” nakangiting sabi sakin ni Kuya
Drew.
Hindi naman malayo yung nursery kaya
agad kong nakita, nandun na sila Daddy at Mommy pati na rin sila Papa at Mama.
“Tingnan mo yan anak mo, ang gwapo,
manang mana sa Daddy” sabi sakin ni Mama
Tiningnan ko naman yung tinuturo nilang
baby, and to my surprise, kamukhang kamukha ni Rahj ang baby na yun. Out of the
blue, biglang tumulo ang luha ko, yung kaninang mabigat na bagay na
nararamdaman ko ay nawala at napalitan ng kagalakan.
“Pero pano?” tanong ko sa kanila.
“Kinausap kami ni Rahj, sabi nya gusto
niya daw na magkaron kayo ng anak. Nung una ay di ako pumayag pero ng makita ko
kung gano kagusto niya na magiwan sayo ng anak ay pinayagan na namin sya, siya
mismo ang naghanap ng surrogate mother. Sya rin may gustong wag sabihin sayo”
“Rahj...” after ko marinig yun ay lalo
akong napaluha ng marelaize na, napaka
tanga ko para sayangin ang buhay ko. Sobra.
Kinatok ko yung salamin para makuha ang pansin
ng nurse na nasa loob.
Tinuro ko yung baby ko para dalhin sa
harap namin.
Habang papalapit ang bata ay mas
napaiyak ako, kamukhang kamukha ni Rahj ang baby. Kaya napabulong ako sa
“I’m
sorry”
THE END
----------------------------------------------------------------
Sa buhay natin,
kelangan maging matatag tayo sa kahit anong pagsubok. Hindi ibig sabihin na
napag daananan na natin iyon dati ay kakayanin ulit natin sa muling pagbabalik
ng pagsubok na iyon. Pero kapag oras mo na talaga, oras mo na. Wala na tayong
magagawa, kahit malakas ka pa kay GOD, wala paring mangyayari, kaya sana,
maging aral sating lahat na gawin nating yung pinaka sweet thing and most
memorable memories na pwedeng ibigay natin sa mga mahal natin, para atleast,
wala tayong pagsisisihan.
---------------------------------------------------------------
Hanggang dito na
lang po ang kwento nila James at Rahj. Sana may natutunan kayo sa istoryang
ito.
Yun lang and
maraming salamat.
PS: Sorry if naging
iresponsableng author ako, pero alam ko ang obligasyon ko sa site na ito, at
iyon ay tapusin ang nasimulan. I’m really sorry for the long wait.
-James
No comments:
Post a Comment