Thursday, July 26, 2012

Ako'y Sa'yo at Ika'y Akin Last Chapter Part 1


This is it. Enjoy nyo po. Pasensiya sa super late post ng ending. Ngayon lang ako nagka time na gumawa kasi College week namin so malaki free time ko. Sensya talaga


I-enjoy na po natin ang 1st part ng last chapter ko na ‘to.


Don’t forget to to add me on FACEBOOK.


Thanks.


Enjoy!

----- Ang nakaraan-----
Habang naglilinis ako ng kwarto namin ni Rahj ay may napansin akong isang maliit na plastic bottle na nakatumba sa ilalim ng damitan ni Rahj sa closet namin.

Sobra akong nacurious sa gamot na ito. Kasi parang may mali eh. Parang may di ako nalalaman. Simula ng araw na yun ay di ako mapakali. Tuwing ise-search ko sa net ang pangalan ng gamot ay di ko mapindot ang enter button kasi kinakaabahan ako sa posibleng pwede kong malaman. Ngunit di ako tinigilan ng isa kong side na malaman kung ano nga ang gamot na yun.

Sobra akong nanghina ng malaman ko kung para san ang gamot na yun. Sobrang nanlambot ang mga tuhod ko at hindi ako makatayo.

Buong araw akong nagkulong sa kwarto at hindi nakapasok sa trabaho. Hindi ko alam kung totoo ba yung mga nalaman kong impormasyon sa bagay na yun.

Gusto kong kausapin si Rahj tungkol sa bagay na yun pero di ko alam kung pano sisimulan.
-----------------------------------------

Dumaan ang isang linggo pero wala man lang akong nakikitang balak na sabihin ni Rahj kung anong meron sa kanya. Di ko magawang ipakita sa kanya na magalit kasi, baka dire-diretso na eh, di ko alam kung anong mangyayari sakin sa mga nalaman ko. Pilit kong iniintay ang na sya mismo ang magsalita.

Until...

“Psst” tawag sakin ni Rahj habang naglalakad kami pababa ng hagdan sa St. Thomas Square. Sinama ko kasi siya sa Victory U belt. Yung first time na napunta ako nun ay nung 4th year ako kasama mga classmates ko kasi imbes na masayang daw time namin sa pagtulog nung college week namin ay pinapunta kami dun ng prof namin sa Auditing. 

“Bakit?” tanong ko dito

“Lumilindol ba?” balik na tanong niya sakin. Agad naman nangunot-noo akong tinitigan siya saka umiling bilang sagot.

“Bakit parang umuuga pakiramdam-“ di na natuloy niya ang sasabihin dahil biglang na-out of balance si Rahj. Buti na lang napakapit siya balikat ko kaya naman naalalayan ko itong tumayo.

“Okay ka lang ba?” tanong ko dito

“Nahihilo ako” ang naniningkit nitong sabi sakin.

“Saglit lang, iuupo-“ di ko na natapos ang sasabihin ko dahil tuluyang nawalang ng malay si Rahj habang inaalalayan kong umupo. Napaluhod siya at tumama ang mga tuhod niya sa flooring ng nasabing gusali. Nagpapanic akong sinalo si Rahj mula sa tuluyang pagkakabagsak nito.

“Rahj!” nagpapanic kong tawag dito habang niyuyugyog ko ang balikat nito. Sa puntong ito, ay nagkukumpulan na ang mga taong nakakita sa pagbagsak ni Rahj pati narin yung mga kasabay namin sa paglabas sa venue ng nasabing organization.

“James, dalhin natin siya sa Ospital” ang kalmadong sabi sakin ni Mabel, nawala sa isip ko na kasama nga pala namin dalawa ang mga malalapit kong kaibigan na sila Mabel, Pichay at Sheila.

“a-ah, oo. Tara tulungan niyo ako” agad naman akong tinulungan ng mga ito na alalayan si Rahj papuntang sasakyan. Agad kong pintakbo ang sasakyan papuntang UST hospital, malapit na kami ng magkaroon ng aksidente, isang banggaan nang pampasaherong jeep at isang private car.

“Shit” sabay sabay naming sabi ng matapakan kong bigla ang break ng aking sasakyan. Nagkatinginan kaming apat at saka tumingin kay Rahj na wala paring malay. Agad na binalot kami ng katahimikan. Walang isa samin ang nangangahas na magsilat. Hanggang sa gumalaw si Rahj sa pagkakaupo nya.

“Nasabi mo na ba sa kanya yung tungkol sa mga gamot na nakita mo?” basag ni Sheila sa katahimikan na namumuo sa loob ng sasakyan. Umiling lang ako bilang sagot at saka tiningnan ang mukha ni Rahj.

Habang masayang naglalaro ang tatlo kong kaibigan kasama si Rahj at ang tatlo nitong mga pinsan sa bahay ay pumunta muna ako ng balkonahe. Hawak hawak ang isang T-ice ay nakatingin ako sa mga sasakyang dumadaan. Mga taong dumadaan sa side walk. Hindi ko namalayan na sinundan ako nila Pichay at Sheila. Tina-tapik nila ako sa likod at saka sila tumingin sakin. Mga nag-aalalang tingin.

“May problema ba, kapatid?” tanong sakin ni Pichay.

“Wa-wala.” Ang utal kong sagot. Alam kong pagdating dito, hindi ako makakapagsinungaling. Magaling magbasa ito ng saloobin sa pagtingin lang sa mata. Kaya alam kong hindi ito kakagat sa pagsisinungaling ko.

“Please James, for the nth time, hindi ka magaling magsinungaling” ang reklamo ni Sheila.

“Fine” bulalas ko dito.

“Ano ba kasi problema?” tanong ni Sheila.

“Si.. Si Rahj kasi..” putol putol kong sabi dito.

“Kasi...?” tanong ng dalawa.

“Si Rahj kasi may tinatago sakin”

“Don’t tell me, nambababae siya?” si Sheila

“Or nanlalalake?” si Pichay.

“Hindi! May nakita kasi akong gamot sa sa ilalalim ng damitan ni Rahj.

“Gamot sa?” tanong nilang dalawa

“Gamot sa... cancer” sa sinabi kong iyon ay napasinghap ang dalawa. Isa lang ang nasa isip namin tatlo sa pagkakataong ito. At alam ko, the chances na totoo yun ay 75% dahil bukod sa bote na nakita ko sa damitan niya ay madalasang paghilo nito. Ang pagrereklamo niya na masakit ulo niya.

“Kelan mo sasabihin yung tungkol dun?”

“Di ko alam, bahala-“

“Bahala!, bahala na naman! Ano ba James. Kelan ba mawawala sa bokabularyo mo ang salitang bahala?” ang asar na sabi sakin ni Sheila.

“Hindi ko alam kung pano sisimulan! Natatakot akong malaman ang  totoo!” ngayon, sa pagkawala ng emosyon ko sa dibdib ko ay sabay nun ang paglaglag rin ng luha ko. Naramdaman ko na lang na may yumakap sakin at saka may humagod sa likod ko. Si Sheila.

“Okay lang yan,basta andito lang kami sa likod mo” pang-aalo sakin ni Sheila.

Hindi ko namalayan, muling tumulo ang luha ko sa pagbabalik tanaw ko sa nakaraan. Ngayon, nakatingin sila sakin tatlo at mataman lang na nakatingin. Sumilay sa kanila ang ngiti ng mga totoong kaibigan.

“we’re at your back” sabi ni Mabel. Tinuon ko na ang atensyon ko sa daan at saka tinungo ang emergeny ng Ospital. Habang isinasagawa yung mga procedures ng nurse kay Rahj sa ER ay ininterview naman ako ng nurse.

Sa aking pagtataka ay kilala siya ng mga nurse na nag-aasikaso sa kanya. Kaya naman habang tinatanong ako ng nurse ay di ko maiwasang mapatingin sa nakahigang si Rahj.

“Sir, tawagan ko lang po yung doktor niya” paalam ng nurse sakin. Nangunot noo naman ako sa sinabi ng nurse.

“Excuse me, Doktor ni Rahj?” tanong ko sa nurse.

“opo sir” saka tuluyang pumunta sa info desk at nagpindot ng numero.

Nilingon ko sila Mabel at naabutan kong nakatingin din ang mga ito sakin. Hindi ko alam, pero kala ko ubos na lahat, pero may tumulo parin sa mata ko na konting luha habang papalapit ako sa mga kaibigan ko.

“Mabel” sambit ko saka yumakap sa kanya at napaiyak na lang sa katotohanang toto nga ata ang hinala namin.

“Ssshhh. Wag kang mag-alala, hindi pa natin alam ang totoo.” Pang-aalo nito sakin.

“Pero pano kung totoo. Anong gagawin ko?” tanong ko sa mga ito. Medyo matagal ito sumagot hanggang sa nag-aangat na ako ng ulo at tiningnan si mata sa mata

“Just pray for it not to happen again” sabi nito sakin saka ngumiti.
------------------

May bente minutos din kaming naghintay sa pagdatin ng doktor, at pagdatin nito ay agad niyang hinanap ang magulang.

“on the way na po sila dok” sagot ko dito.

“So, you must be James, right?” ani ng doktor sakin.

“Opo”

“sige, after nilang icheck si Rahj, kakausapin ko kayo ng parents nya sa room niya.” Sabi ng doktor sakin saka kami iniwan sa may lobby ng Ospital.
----------------
 Dinala na si Rahj sa kwarto niya na wala paring malay, kasunod ng mga nurse ay ako at ang tatlo ko pang mga kaibigan papasok ng kwarto .

Mataman ko lang tinitingnan si Rahj, kung pano matulog, kung ano yung kumportableng pwesto na gustong gusto niya habang natutulog.

“Ahm, okay na ko dito mag-isa. Pwede na kayong umuwi, gabi na masyado. Atsaka, dadating na rin sila Papa”  nakangiting sabi ko sa mga kaibigan ko. Di naman agad sila nakasagot dahil nagpalitan sila ng mga tingin saka sumagot.

“Okay lang ba talaga na mag-isa?” nag-aalalang tanong ni Mabel.

“I’m fine” tugon ko naman dito.

“Basta text mo na lang kami pag nagising na siya saka pag may kelangan kang gamit sa bahay nyo”

“Okay, thank you”

“No prob. Para san pa’t naging kaibigan ka namin”

Naiwan naman akong mag-isa sa loob ng kwadradong kwarto kasama si Rahj. Sa isang kwartong di tiyak kung kelan kami makakalabas dito. Natatakot na kong pumasok sa Ospital. Parang nagkakaphobia na ko pag tutungtung ako ng ospital. Hindi ko alam kung kelan makakaalis sa ganitong lugar. Walang katiyakan kung bukas or sa makalawa ay makakalabas na.

Dahan dahan akong lumalapit kay Rahj, umupo sa tabi nito saka kinuha ang kangyang kamay.

“Kelan mo ba sasabihin sakin ang totoo? Kung kelang-“ di ko kaya, di ko kayang ituloy pa, nagsisimula na naman mamuo ang mga luha ko sa paguumpisa sa sanang sasabihin ko pero mapilit ang bibig ko, wala akong ginawa kundi ang tanggapin na lang.

“Kung kelang malubha ka na... kung kelang di mo na kaya... kung kelang wala ng solusyon ang pwedeng magawa?” ang mga salitang namutawi sa bibig ko sa pag itan na bawat paghikbi. Wala na, parang isang gripong sira na ang aking mata, hindi alam kung kelan ito titigil. Hindi ko namalayan habang lumuluhang kinakausap si Rahj ay ang pagdating naman nila Papa at Mama.

Paglingon ko sa kanila ay saka ako napatayo at sinalubong sila ng isang mahigpit na yakap.

“Ma, Pa, si Rahj po” sumbong ko sa mga ito.

“Ssshh, gagaling din sya” nakangiting sabi sakin ni Mama.

Ilang minuto pa ang aming hinintay saka dumating ang doktor na may dala-dalang papel. Resulta ata ng test na ginawa kay Rahj.

“Good evening po” bati samin ng doktor. Agad naman kaming umupo sa katabing sofa ng kama ni Rahj.

“Dok, kamusta na po ang anak namin?” tanong ni Papa sa doktor. Pero imbes na sumagot samin ay isang nagtatanong na tingin ang ibinigay niya samin. Saka lumingon sa walang malay parin na si Rahj.

“Bakit po dok?” naguguluhang tanong naman ni Mama sa doktor.

“Wala po bang nababanggit sa inyo si Rahj?” tanong samin ng doktor.

“Wa-wala naman.” Sagot ni Papa

“Wala ba talaga siyang nababanggit tungkol sa kundisyon nya?” tanong ulit ng doktor.

“huh? Wala talaga.” Sagot ni Mama

“Ano bang meron sa kanya Doc, simpleng hilo at sakit lang ng ulo ang kanyang dinadaing samin, wala nang iba pa” tila naguguluhang paliwanag ni Papa sa doktor. Dahil sa tagpong ito, di ko na napigilan ang sarili ko na sabihin ang nasa isip ko

“Is he sick again doc?” mahinang pero alam ko napakinggan din nila dahil bigla silang tumigil sa pagpapaliwanagan. Tumingin ako ng diretso sa doktor, muli, humahapdi na naman ang mga mata ko dahil hindi ko na kayang kimkimin lahat.

“Is he sick doc? Bumalik ba ulit yung sakit nya? Bumalik ba ulit yung leukemia niya? Doc, sabihin nyo samin ang totoo”

Marahang tumango ang doktor sa aking mga katanungan. Mistulang nabingi ako sa sinabi ng Doktor. Pakiramdam ko ay umiikot ang aking mundo. Nagbabadya na namang tumulo ang mga luha ko pero batid ko ay ubos na ito.

Naramdaman ko na lang na may bumalot sakin na mga bisig. Si Mama at Papa. Yumakap sakin at humihikbi. Tulad ko, parehas kami ng nararamdaman, nalulungkot sa nalaman. Bati dko, parehas din kami ng hinihiling na sana ay gumaling pa ulit si Rahj. Umaasa na hindi kami bibiguin ng Diyos.

“James” bulong ni Mama sakin.

“Alam ko po Ma, sana gumaling po si Rahj” pang-aalo ko dito.

“Sana nga” tugon naman ni Papa.

“hhhmmmmm” sambit ni Rahj saka gumalaw paharap samin. Unti-unti, nakikita namin na mumulat na sya ng mata.

“Asan ako?” si Rahj

“Andito ka sa Ospital Rahj” sabi naman ng doktor na kasalukuyang pinapaayos ng pwesto sa higaan.

“Ospital? Si Ja-“ pagtatanong ni Rahj saka naputol ang sasabihin pa sana niya. “James!” ang nakangiting sabi nito sakin. Isang matipid lang na ngiti ang binigay ko dito saka tumungin ulit sa doktor.

“Dok-“ “Rahj-“ ang natigilang pagsasalita ng doktor at ni Rahj. Tumango ang doktor kay Rahj bilang nagsasabi na sya na ang magsimula.

“Dok, ano pong nangyari sakin? Bakit po ako nandito? Bakit po nandito sila Mama at Papa?” ang sunod sunod na tanong ni Rahj. Per imbes na sumagot ang doktor ay tumingin ito samin. Ewan ko pero pakiramdam ko ay bilgang may tumulak sakin at namalayan ko na lang na may kinukuha ako sa bag ko. Nang makita ko na ang hinahanap ko ay napasinghap akong bigla at saka tumingin ng alangan sa side nila Mama at Papa. “Rahj... “ ang nasabi ko na lang sa isip ko.  Saka huminga ng malalim.

“Rahj” tawag ko dito, lumingon ito sakin at saka nanlaki ang mga mata dahil sa hawak kong botelyang plastic.

“Kelan-? Pano-?” ang utal na tanong nito sakin

“I saw this under your clothes nung naglinis ako ng closet natin.” Ang nangingilid ko na namang sabi dito.

“Alam mo na ito?!” ang medyo napataas na boses na pagtatanong ni Mama sakin. Medyo nagulat ako sa tinuran nito pero humupa din yun. “I’m sorry, ‘di dapat ako nagsalita ng ganun” sabi ni Mama sakin.

“Ngayon ko lang din po ito nalaman. Hinihintay ko si Rahj na siya mismo ang mag-open sakin tungkol dito. Noong una ay hindi ko ito pinapansin pero ng mapansin ko na napapadalas na ang kanya pagsakit ng ulo at pagkahilo ay hinanap ko po sa net kung para saan ang ganitong gamot and i found out na...” tigili ko saka tumingin kay Rahj “...para sa may leukemia ang gamot na ito. Food suplement at saka para sa mga nahihilo at madalas na sumakit ang ulo.” Bahagayang natahimik ang buong kwarto at nang tingnan ko si Rahj ay hindi ito makatingin sakin bagkus ay tinuun ang pansin sa kanyang kama. Hanggang sa si Rahj na mismo ang bumasag na katahimikan.

“I’m sorry, I dont intend it to keep as a secret. Sasabihin ko din naman sana kaya lang nnangyari na ito at nalaman nyo na” ang nakayukong sabi nito samin. Agad na tumayo sila Mama at Papa at lumapit kay Rahj at marahang pinahilig sa kanilang dibdib. Alam kong kelangan nya ngayon ng magulang na masasandalan bukod sakin, ang naisatinig ko na lang sa sarili ko.

“I’m sorry. I’m sorry” ang paulit-ulit na sabi ni Rahj sa pag-itan ng mahihinang hikbi. Bahagyang tumahimik ulit ang buong kwarto. Nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ang namamawis kong noo at ang nangingilig kong kamay. Di ko man alam pero nakatingin pala sakin si Rahj. Nag tumingin ako sa gawi nito ay nakangiti ito sakin. Iba ka talaga, nakukuha mo pang ngumiti sa kabila ng sakit na dinadala mo ngayon. Sabi ng isang bahagi ng utak ko.

“So dok, kelan po natin sisimulan ang treatment ko?” ang nakangiting pagtatanong nito sa doktor. Napatingin naman sakin at kila Papa ang doktor, pilit man pero ngumiti ng payak si Papa sa doktor.

“Kapag ready ka na, kapag ready ang katawan mo” sabi ng doktor samin.

“Maybe two weeks form now, sisimulan na natin ang treatment mo. Hindi natin masasabi agad na effective yung treatment until makita natin yung resulta at kung gumagana ba yung treatment sa kanya, all you have to do now is to eat nutritious foods and avoid stressful works and pagpupuyat.” Bilin ng doktor samin.

After nun, lumabas na ang doktor kasunod sila Mama at Papa. Naiwan lang kaming dalawa ni Rahj sa kwarto. Ako na nakaupo sa sofa at siya na nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama niya. Walang gustong magsalita samin dalawa, walang gustong magsimula na pag-uusap hanggang sa di ko na matiis. Magsasalita na sana ako ng unahan nya ako.

Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit sakin, umupo sa tabi ko at inihilig ang kanyang ulo sa kanan kong balikat.

“I’m sorry” sabi nito sakin. Agad nalusaw ang paghihinakit ko sa kanya sa isang simpleng paghingi ng tawag. Wala akong makitaan ng kung ano kung pagsisi lamang.

“I’m sorry din, hindi dapat ako sayo naghinanakit sa hindi mo pagsasa-“ naputol ang akin pang mga sasabihin ng humarap sakin si Rahj at ngumiti. Mistulang napipi ako sa mga nakita ko sa kanyang mukha. Isang masayang Rahj.

“ssshhh, wala kang kasalanan, naisip mo lang yun dahil sakin, kundi ako naglihim di sana tayo hahantong sa ganito.” Nakangiti parin sabi nito sakin. Medyo nangungunot ang noo ko sa pinapakita sakin ni Rahj. hindi naman dapat ganito ang reaksyon nya pero iba pa ang reaksyon nya sa inaasahan kong malungkot na Rahj.

“Bakit?” tanong sakin nito.

“Wa-wala”

“Ano nga? Ano nga?”

“Di ko lang inaasahan kung bakit ganyan pa rin ang reaskyon, kung bakit ka nakangiti sa kabila ng mga ito.”

“Ito lang kasi ang magagawa ko sa kabila ng nararamdaman ko, ang ngumiti. Ang itago ang totoo kong nararamdaman sa paligid ng mga taong nagmamalasakit sakin simula’t simula, ang hindi ipakita na naapektuhan ako sa kabila ng sakit ko” ang nakangiting sabi nito sakin.

May kumurot sa puso ko at nagsasabing yakapin ko ito kaya walang pag-a-atubili na niyakap ko ito. Niyakap ko at nilasap ang ma-yakap si Rahj. Habang tumatagal ay nararamdaman ko na parang may tubig na mainit saking dibdib. Si Rahj, umiiyak.

“James, bakit ako pa? Hindi pa ba sapat yung halos isang taon ko, isang taon natin, sa America na pananatili dun para sa pagpapagamot ko, para sa pagpapagaling ko? Hindi ko na kaya, nahihirapan na ako. Ayaw ko nang maulit yung naranasan ko sa America pag nagpapa-chemo. Sinabi ko diba dati na ako naman ang mag-aalaga sayo pero bakit ba ayaw ako bigyan ng pagkakataon ng Diyos na gawin din yun sayo? Bakti ba ayaw nya akong bigyan ng pagkakataon na malaya kang alagaan at suklian lahat ng nagawa mo sakin? James... masakit na, nahihirapan na ako, pakiramdam ko ayaw na akong mabuhay nang Diyos, parang gusto nya akong patayin unti-unti.”

Sa unang pagkakataon ay nakita ko si Rahj na ganito ka-vulnerable. Hindi ko maisip na sa kabila ng pagiging masayahin at pala ngiting Rahj ay may ganito siyang side na ngayon ko lang nakita. Meron pa pala akong hindi nakikita at nalalaman kay Rahj, ito ay ang pano pagaanin ang loob sa ganitong sitwasyon, sa ganitong punto ng buhay nya na inaakala nyang gusto na siyang patayin ng Diyos unti-unti.

“Sssshhh... wag mong sabihin yan. Baka isa ulit ito sa pagsubok  Niya  sayo, sa’tin. Diba? Malay mo kung sinusubukan lang Niya kung katulad noon, ganun pa rin ba yung pagtitiwala natin sa isa’t isa. Kaya wag mong sabihin yan”

“Pero bakit kailangan ganun sa dati. Ayoko na, nahihirapan na ako. Masakit, sobrang sakit, literal na masakit. Ayo-“ di ko na pinatapos pa ang mga susunod niyang sabihin. Pinigilan ko ulit ito magsalita. Alam ko kasi kung ano pa ang isusunod nya.

“Kaya nga diba ako nandito sa tabi mo, kami nila Papa, Mama, Kuya Drew, Miguel at si Yvone. Para damayan ka. Para di mo solohin kung ano man yang nasa loob mo. Kaya wag mo sanang solohin at itago samin yung dapat na alam namin na pinagdadaanan mo.”

Mula sa pagkakasubsub nito sa dibdib ko ay tumingin sakin ito. Nakatingin lang siya sakin. Parang hinihintay ata akong may gawin.

Ngumiti ka. Ngumiti ka. Yan lang magpapagaan ng loob sa kanya.

Kung san man nanggaling ang ideyang yun at kung sino man ang nagsabi sakin nun ay Maraming salamat. Dahil ngumiti din siya tapos ay saka ulit yumakap sakin.  Hindi na ako nagsalita pang muli. Hinayaan ko na lang na anurin kami ng oras hanggang sa di tumagal ay pumasok na ulit sila Mama at Papa galing sa kwarto marahil ng doktor ni Rahj. Naabutan naman nila kami sa ganung pwesto, tahimik lang silang lumapit sakin at saka tumingin. Nakatulog na kasi si Rahj sakin pagkatpos nitong umiyak at maglabas ng saloobin. Kaya naman marahan na ginising ito ni Papa sa pagtapik sa balikat nito.

Nang maalimpungatan na si Rahj ay tumingin muna ito sakin at saka tumingin kila Papa na nakangiti. Bilang sukli ay ngumiti rin ito.

“It’s okay anak, andito lang kami sa likod mo” sabi ni Mama.

“Wag ka mag-alala, hindi kami nagagalit sayo at kailanman, di kami nagalit sayo.”  Si Papa.

“sa-salamat po” hiyang turan naman ni Rahj sa kanyang magulang. Dalawang lalake ang kumuha ng atensyon namin ng bigla itong pumasok, sila Kuya Drew at Miguel. Parehas na nakangiti.

“Kakadating lang namin ng bahay ng magtext samin sila Mama na andito ka daw ‘tol” si Kuya Drew.

“Ano ba nangyari?” tanong ni Miguel sa kapatid.

“Ah... “ turan namin nila Papa at Mama sa dalawang magkapatid na bagong dating. Nangunot naman ang noo ng dalawa at saka nagtinginan kay Rahj.

“I’m sick bro.”

“Again.” Nakangiting sagot ni Rahj. Katulad kanina. Nakangiti nanaman siya samin. Ayaw nanaman ipakita samin kung ano ang tunay na nararamdaman niya.

Mula  sa nangungunot na noo ay biglang nawalan ng emosyon ang dalawang magkapatid. Wala kang makikitang bahid ng anong emosyon dito. Lumapit ang dalawa kay Rahj at saka siya niyakap.

“We’re at your back bro. Again.” Si Kuya Drew

“Always” si Miguel.

Parehas na nakangiti ang dalawa kay Rahj at saka tumingin sa mga magulang.

Pagkatapos nga non ay napapgpasyahan na namin umuwi. Si Rahj sa Cavite muna at ako, saking mga magulang muna. Napagpasyahan namin na mas makakabuti kung ganun ang gagawin namin ngayon para naman makapagpahinga kami ng ayos pare-parehas lalo na si Rahj.

Habang nagda-drive ako papunta sa bahay ng aking mga magulang ay di ko pa rin maisip na ano pa kaya ang mga pagsubok na ibibigay Niya samin ni Rahj. Di ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay namin. Agad ako bumaba at diretsong naglakad papuntang front door. Ilang pindot ko lang ng door bell ay bumukas na pinto ng bahay namin.

Ang mag-asawa ay naka-abang sakin pagkatapos buksan ang pinto.

“Mom, Dad” sambit ko sa kanila at saka yumakap. Tulad ni Rahj, yakap lang ng aking mga magulang ang makakapag tanggal siguro ng kung ano mang nararamdaman mo.

“Gusto mo bang ikuwento samin kung ano yang dinadala mo? Or hihintayin na lang namin kung kelan mo gusto sabihin?” tanong sakin ni Mommy.

Kaya naman hinila ko ang mga ito patungo sa sofa sa salas at inumpisahan ko ng ikuwento lahat ng nangyari mula nung nakita ko yung bote na gamot ni Rahj hanggang sa nangyari ng araw na yun.

“Its okay James. Alam naman natin na isa lang yan sa pagsubok ng Diyos kay Rahj kung gano ba sya katatag. H’wag ka mag alala. Kaya niya yan.” Sabi sakin ni Mommy.

“Your Mom is right, kayang kaya yan ni Rahj. basta nandito lang kami ng Mommy mo kung kelangan mo ng masasandalan” si Daddy.

“Thank you po”

“Care to have dinner? I’m sure pagod ka” tanong sakin ni Mommy. Ngumiti lang ako dito bilang sagot at saka tumayo at pumunta ng dinning area.

Siguro tama nga ang kasabihang “Mothers knows best”  kaya naman di na ko magtataka sa alok ng aking ina na kumain muna bago ko tunguhin ang kwarto at makapagpahinga.



***Comments and reactions are much appreciated.
Itutuloy...

No comments:

Post a Comment