Friday, April 27, 2012

Sana

Hi, I'm James.

James of City of Manila. 18 years old. Single. At aminado ako sa sarili ko na, iba ako sa normal na mga lalake. Mga normal na lalakeng sa halip na naglalaro sa labas ng bahay, kasama halos araw-araw ang mga barkadang lalake at higit sa lahat kaibigan/kapatid/kasangga ang tingin lang sa mga kabarkadang lalake ngunit taliwas ito sa normal na buhay ng isang lalake.

Aminado ako sa sarili ko, bisexual/bakla/silahis, call anything you want me to call. I don't care. Di ko kelangan label-an ang sarili ko para ipakita sa tao kung ano ako. "Action speaks louder than voice" ika nga nila.

Once, I fell inlove with a girl named Nicole, she's pretty, no doubt. Mula elementary magkakaklase na kame. Alam niyang may gusto ako sa kanya. At sa tingin ko, gusto din nya ako dahil nung pumunta kami ng mga classmates ko (we're 7 in the class during elementary, 5 girls 1 boy-its me- and 1 gay). Nangyari kasi, napagpasysahan namin na mag-rest na muna kasi super pagod na kame from kulitan, laughing, asaran, laro at kung anu-ano pa. Magkatabi kami sa kama, and all of a sudden, niyakap niya ako. Nilapat pa niya yung mukha niya sa likod ko. That time, I feel like I'm on heaven. Yung crush ko yakap-yakap ako. I was like, "Shit!" Pero ako lang ata yung naging assuming, parang wala lang sa kanya yung. Sabi ko sa sarili ko, 'okay, baka mali lang interpretation ko'

Alam nyo ba yung feeling na, gagawin mo ang lahat para lang sa mahal mo, Yes, you read it right, that time, alam ko sa sarili ko mahal ko na siya, pero lahat ng yon ay gumuho/nawala na parang bula nung 2nd(second) year high school na kame. Naki-text ako sa kanya kasi kelangan ko mag-reply kay Mama, may ipapabili sana ako sa kanya. Without my consent, she texted my mother na "Ma, bakla po ako", "Ma, sorry po bading na bading ako". She's pretending to be me when she texted my mom. Noong umuwi mama ko, she's so angry with me, gulong gulo ako nun kung bakit, tapos pinakita niya sakin yung mga messages na nareceive nya. Sobrang tinanggi ko yun kasi di naan talaga ako yun. Pero parang di na niwala sila Mama at first pero kalaunan naniwala din. she decided to bring it to guidance counselor namen to teach her a lesson. Pumunta si Mama ng school, so lumikha yun ng bulung-bulungan sa mga schoolmates ko, narining ko na lang na kaya daw pumunta mama ko kasi daw, binasted daw ako ni Nicole nung sabihin kong gusto ko sya. What a jerk I said to myself. Para silang mga tanga lang.

So kinausap na siya, parang di sya seryoso nung pinagsabihan. That time, wala, wala na talagang pag-asa. kala ko sya na pala sakin pero nagkamali ako. Mula nooon di ko na sa pina-pansin pa. Hanggang sa nag-third year high school na kame ay nag-transfer na sya ng school sa America.

Nasabi ko sa sarili ko, di na ko magpapakita ng motibo kahit na kaninong tao kapag gusto ko. Pero I was all wrong, nakilala ko si Allan, one year ahead ako sa kanya so junior ko sya. Gwapo, makulit, mabait, matulungin. DUon ko lang narealize na I'm attracted to both sex. Intrams namin non, magkagroup kame, very much appreaciated ko yung mga pakitutungo nya saken. Pero sa di inaasahang pagkakataon(galing talaga magbigay ni lord na kaibigan) sinabi ng classmate ko kay Allan na crush ko sya. Mula noon, di na nya ako pinansin totally hanggang mag-graduation kame.

Don ko lang napatunayan na mali talaga na sabihin mo directly sa crush mo na gusto mo sya at sabihin mo sa mga friends mo na crush mo yung tao.

Hanggang sa naging bitter na ako sa mga taong nasa paligid ko. 1st year college ako ng maging iba ang personality ko, at napapansin na to ng magulang ko, ilang pinsan ko, kapatid ko at mga classmates ko.
Lage akong iritable, madaling maasar, lageng mainitin ang ulo. Sa parents ko naman, sumasagot na ko sa kanila, di ko sila iniintindi.

Sa sarili ko naman, wala na akong pakialam, bahala kung malipasan ng gutom, bahala kung matuyuan ng pawis, bahala na, Puro bahala na.

One more thing, ayaw na ayaw ko rin ng mga romantic movies, kasi lumalabas yung isang inferiority complex ko. Yung tipong sisisihin ang sarili bakit ako naging ganito, bakita ako naging bisexual. kung sanang naging isang straight na lalake lang ako eh di sana masaya SIGURO ako ngayon. Lagi kong sinasabi, buti pa sila, masaya, buti pa sila nakukuha ang mga gusto, buti pa sila supported by their parents, buti pa sila pumapasok sa school nila, buti pa sila nakuha nilang ang kursong gusto nila, buti pa sila may taong nagmamahal sakanila. Handang ipaglaban, handang mahalin ng walang kapalit. Eh ako, bakit di ko nakukuha ang gusto ko? bakit di ako supported ng parents ko sa gusto kong mangyari, bakit walang isang taong nagmamahal sakin, walang taong nagpaparigodon ng puso ko sa tuwing nakikita ko, sa tuwing nakakausap ko. Naisip ko minsan, magpakamatay na lang kaya ako, nasa kusina lang naman yung pagkain ng daga. nasa may cabinet lang naman yung baygon, nasa may CR lang naman yung muriatic acid. Pero di ko naman magawa-gawa. Kasi hanggang ngayon umaasa ako na sana, sa bilyun bilyong tao sa mundo na nabubuhay, sana isa sa kanila ang ipaglaban ako para makasama.


Sunday, April 22, 2012

Ako'y sayo at ika'y akin chapter 21c


“At ang halik na yun, yes its pleasurable, pero walang love ako na nararamdaman sa halik mong iyon kundi pang-aangkin. Obsesseion. Walang passion.” -RAHJ

Don’t forget to to add me on FACEBOOK.


Thanks.


Enjoy!



=================
JAMES’ POV

“Yvone” ang panimula ni Rahj.

“Ra-Rahj... James...” ang tanging naging tugon lang samin nya. Maluha-luha syang nakatingin samin. Pero si Rahj, dire-diretso lang ang pagpunta sa upuan na nakalaan sa tapat ni Yvone kaya nakasunod lang ako sa kanya. Kita ko na nakakuyom ang kamay ni Rahj. Kaya hinawakan ko sya sa balikat.

“Rahj..”

“Oo, alam ko. wag ka mag-alala”

Kaya naman nagsalita na ulit si Rahj after namin makaupo.

“Bakit?” ang panimulang tanong ni Rahj.

“Sorry...”

“Sorry?Ganun lang? Fcuk You! After nyong banggain si Kuya, sorry lang ang sasabihin nyo?!”

“Kuya?”

“Oo, you heard it right Yvone, magkapatid kami ni Miguel.” Sa pagkakasabing iyon ni Rahj ay halatang nagulat si Yvone nang malaman niya ang totoo.

“Sorry Rahj, I didn’t mean it” ang naibulalas na lang ni Yvone sabay takip niya ng kanyang mga kamay sa kanyang mukha at napaiyak na lang. Kita ko na Devastated si Yvone sa nagawa nya kaya naman bahagaya akong naawa sa kanya.

“Hindi mo sinadya? Damn! Yvone, alam mo ba yang mga pinagsasasabi mo? Hindi nyo babanggain si Kuya kung hindi mo ginusto. Tapos ngayon sasabihin mo sakin na hindi nyo sinasadya. Fuck!” mga katagang lumabas sa bibig ni Rahj. Ngayon ko lang syang nakita at narinig kung pano magalit. Nakakatakot. Nakakabahala. Dahil sa itsura niyang iyon na parang santong hindi marunong gumawa ng kasalanan ay nakatago lang pala sa loob niya.

“Rahj, calm down” sabi ko sa kanya sabay tapik sa balikat niya.  Tiningnan lang niya ako at nakita ko sa mata niya ang isang kapatid na handang ipaglaban ang kanyang pamilyang  naapi kaya naman hindi ako naka imik pa.

“Basta nasa likod mo lang ako” dagdag ko pang sabi sa kanya. At tiningnan ko ulet si Yvone. Nakita ko namang nakamasid lang ito samin ni Rahj. At ang kanyang mata, halatang galit pa rin sakin. Alam ko yan sa sarili ko. Galit pa rin sya sakin. Alam ko gusto nyang gumanti sakin sa “pang-aagaw” ko “daw” kay Rahj sa kanya.

Mula sa isang galit na galit na Rahj ay malumanay itong nagsalita.

“Explain to us. Bakit nyo nagawa yun ni Christian. And speaking of Christian, pano kayo nagkakailala. I need you explanations Yvone. Sabihin mo ang lahat”

“Dahil mahal kita Rahj! Mahal pa rin kita. Nagsisisi ako na niloko kita noon pero narealize ko na mahal pala kita over Miguel. Maniwala ka!” Yvone said. Then, she’s about to grab Rahj’s hand but he opted to.

“Mahal? Yvone, hindi mo ako mahal!” sabi ni Rahj sabay pukpok sa table.

“Mahal kita Rahj! Sobra! Gagawin ko at kaya kong gawin ang lahat para lang mapatunayan kong mahal kita!” sagot naman ni Yvone.

“Yun na nga Yvone eh. Sobra na! Dahil dyan sa pagmamahal mong yan, nakasakit ka pa ng ibang taong minsan nang naging parte ng buhay mo. Ngayon, napatunayan mo ng kaya mo ngang gawin ang lahat para sakin pero hindi mo naman napatunayan na mahal mo nga ako.” Si Rahj, sabay pause, then bumuntong hininga muna sya at saka nagpatuloy.

“Obsessed ka lang sakin Yvone, hindi mo ako mahal. Masyado ka lang nilamon ng obsession mo kaya ka nagkakaganito”  ang walang kagatul-gatol na sabi ni Rahj kay Yvone. Napatingin naman ako bigla kay Yvone at kita kong medyo gulat ito sa narinig.

“Hindi ako obsessed sayo RAHJ. Mahal kita, yun lang at wala ng iba pa” si Yvone na napatayo na mula sa pagkaka upo.

“No Yvone, obsessed ka masyado sakin. Hindi pagmamahal yang nararamdaman mo sakin. Obsession yan. Alam ko ang pakiramdam na yan nang iparamdam mo sakin ang sakit na iwananan ka ng taong minahal mo at gusto mong makasama SANA sa pagtanda mo.” Ang paglalahad ni Rahj kay Yvone. Napatitig si Yvone kay Rahj. Nakatingin lang sya. Unti unti ay may pumatak na mga butil ng luha.

“Sorry.” Tanging mga salitang nasabi ni Yvone sabay upo sa silya at tumungo. Nagpipigil si Yvone sa pag iyak. Pakinig ko ang mga paghikbi niya. Sobra na akong naaawa kay Yvone. Ang hirap makakita ng taong ikaw ang may kasalanan kung bakit nagkakaganyan sila.

“Your sorry is not enough to heal my brother Yvone.” Katagang nasabi ni Rahj at tumalikod ito kay Yvone at humarap sakin. Tumingin sya sakin. Kita kong may mga namumuong mga luha na sa mata ni Rahj kaya naman ngumiti lang ako sa kanya at...

“everything will be okay. Trust me” ang sabi ko sa kanya.

“Sana nga” tugon naman niya sakin.

“Mahal kita Ra-“ ang naputol na sasabihin ni Yvone dahil biglang may nagsalita na lalake.

“Yvone, tigilan mo na yang kahibangan mong yan!” ang may awtoridad na sabi ng isang lalakeng nasa mid 40’s na.

“Dad?” ang nasabi na lang ni Yvone.

“Tito” ang sabi ni Rahj sa lalakeng nagsaita. Nang lingunin ko ito ay parang namumukhaan ko ito.

“Mr. Cabral?” ang naitanong ko na lang sa kanya.

“Kilala mo ang Daddy ko?” tanong ni Yvone sakin.

“Sya ang Daddy mo? Isa sya sa mga partners ng Daddy ko sa negosyo namin at nakilala ko na rin sya before sa party na organized ng kumpanya namin” sagot ko sa tanong ni Yvone sakin.

“I can’t believ this” ang tanging nasabi na lang ni Yvone sabay pahid ng mga luha nya at lumapit ito kay Mr. Cabral – Daddy nya.

***Pak***

Gulat. Sobrang pagkagulat. Yan ang naramdaman ko at pati rin si Rahj ng pinagmamasdan namin si Yvone na papalapit sa Daddy nya. Walang ka-abug-abog na sinampal ang ginawa ni Mr. Cabral kay Yvone.

“Yvone! Tigilan mo na to! Tigilan mo na ang kahibangan mong yan, tigilan mo na ang paghahabol mo kay Rahj dahil hindi ka na niya mahal!” ang sabi ni Mr. Cabral na nakahawak sa balikat ni yvone at niyuyugyog ito habang nagsasalita sya.

Nagpupumiglas si Yvone na makawala sya hanggang sa natanggal sa pagkakahawak ng kanyang Daddy.

“Pati ba naman ikaw Dad mas gusto mong magkatuluuyan silang dalawa? What’s wrong with you? Di ba dapat suportahan mo ako kasya sa sabihang tumigil ako? Mahal ko si Rahj! Mahal na mahal! At alam ko may puwang pa ako sa puso nya” sagot ni Yvone.

“Kung may puwang ka man sa puso ko, yun ay puwang na lang bilang isang kaibigan.” Pagsingit ni Rahj. Napatingin si Yvone kay Rahj at lumapit ito. Hinawakan niya si Rahj sa batok at walang ka-abug-abog na hinalikan ito sa harapan namin ng Daddy nya.

Parang may kung anong tinik na tumusok naman sa puso ko ng makita ko silang dalawa na magkalapat ang bibig. Pero agad din naman nawala yung nang makita kong si Rahj ay nakatingin lang sa nakapikit na si Yvone. Si yvone lang ang humahalik kay Rahj, walang response si Rahj sa mga halik na binibigay ni Yvone sa kanya. Kaya naman tumigil si Yvone sa paghalik.

“Ano ba Rahj? Hindi mo ba gusto? Di ba gusto mo naman na hinahalikan kita dati?” ang naluluhang tanong ni Yvone. Pero hidi nagsasalita si Rahj.

“Ano ba! Magsalita ka!” muli sa  pag sigaw niyang iyon ay tuluyan nang pumatak ang mga butil ng luha niya na pinipigilan lang niya kani-kanina.

“Wala kang kwentang tao Rahj. Ganun ganun na lang ba talaga ako kabilis palitan? Di ba dati naghahabol ka pa sakin. Pero bakit ngayon parang wala na lang sayo yung halik na yun?” ang naitanong ng lumuluhang si Yvone.

“Simple lang, napagod na ko sa paghahabol sayo. Tao din ako, napapagod. At ang halik na yun, yes its pleasurable, pero walang love ako na nararamdaman sa halik mong iyon kundi pang-aangkin. Obsesseion. Walang passion.” Mga katagang binitawan ni Rahj. Sa pagkakasabing iyon ni Rahj ay bumitaw na lang si Yvone sa pagkakahawak na iyon nya.

Tumingin lang ito kay Rahj tapos ay ngumiti. Pagkatapos nun ay lumapit ito sakin. Tiningnan lang ako nito at gaya kay Rahj ay ngumiti. “Suko na ako” ang sabi ni Yvone sakin. Pagkasabing pagkasabi na yun ni Yvone ay lumapit ito sa Daddy nya at yumakap. Sa pagkakayakap niyang iyon ay umiyak na lang siya na parang bata.

Nasabi ko na lang sa sarili ko na “Salamat”

Ngumiti lang samin si Mr. Cabral habang yakap yakap niya si Yvone. Nang mapatingin naman ako kay Rahj ay nakangiti ito sakin kaya naman lumapit ako sa kanya. Pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya ay sinalubong naman niya ako ng mahigpit na yakap.

“Sorry ah” sabi niya sakin

“Para san naman?” sabi ko sa kanya kahit na alam ko ang tinutukoy nito.

“Dun sa paghalik sakin ni Yvone” sagot niya sakin.

“Okay lang yun. Alam ko namang wala lang yun sayo” sagot ko dito at pagkatapos nun ay niyakap niya ulit ako ng mahigpit.

RAHJ’S POV

Habang yakap yakap ko si James ay naalala ko yung tungkol kay Christian kaya naman kumalas agad ako kay James. Nagtatakang tingin naman ang nakita ko sa mukha ni James kaya sinabihan ko ito na yung kay Christian ay di pa namin nalalaman. Nagets naman agad ni James kaya lumapit ulit kami kay Yvone.

“Ah, Yvone..” pagtawag pansin ko kay Yvone. Imbes na sumagot ay lumingon lang ito sakin.

“Gusto ko sana malaman yung tungkol kay Christian” sabi ko dito.

Nag punas ng luha si Yvone at tumungo sa upuan niya at nag umpisa na magkwento si yvone samin

“Naabutan ko kasi siya sa pinagtatrabahuhan ninyong dalawa 5 days before yung aksidente. Nakita ko siyang naka upo sa isa sa mga table sa labas ng resto at nakatingin lang kay Miguel. Tinitingnan ko lang siya nung una pero ng tumagal ay bigla na lang siyang umiyak. Nilapitan ko sya. Inabutan ko ng panyo. Tapos tinanong ko ang pangalan niya, nagpakilala siya na siya si Christian. Nang marinig ko pangalan niya, nakuha agad nun nakuha ang atensyon ko. Parang familiar sakin ang pangalan nya kaya lang di ko malaman kung san ko ba napakinggan yun. Kaya kinaibigan ko din sya. Two days din kaming naghang out, naging instant friends kami agad sa loob ng dalawang araw. Hanggang sa naabutan ko na naman sya sa resto, umiiyak na naman sya at nakatingin na naman kay Miguel, kaya tinanong ko na sya kung bakit sya ganun. At first kala ko jino joke nya lang ako pero nang magkwento na sya ng very detailed. Dun ko nalaman na totoo pala yung sinasabi nya. Naging sila pala ni Miguel, at nakipaghiwalay na lang ito ng walang sinasabi kung bakit. Ni hindi man lang nagpaliwanag kaya naman masyadong naguluhan si Christian. Nang lingunin ko si Miguel, nakita ko sila ni James na nag uusap at mukhang seryoso. Tinanong ako ni Christian kung kilala ko ba daw yung kasama ni Miguel lagi-lagi at sinabi ko na sya si James. Pagkasabing pagkasabi ko ng pangalan ni James, biglang nagbago ang mukha niya, mukhang lalong nagalit. Kaya naman nakaisip ako ng plano na banggain si James pagkalabas ng resto. Si Christian ang pinagdrive ko para wala akong sabit pag may nakakita samin. Pumayag naman siya hindi dahil sa ayaw niya kay James pero para makuha ulit ni Christian ang atensyon ni Miguel. Kaya naging madali ang lahat para sakin. Hindi ko naman akalain na...” tumigil sa pagsasalit si Yvone at tumngin kay Rahj.

“...na sasagipin ni Miguel ang buhay ni James. Hindi ko akalain na si Miguel ang mababangga namin.”

Sa puntong iyon ay walang nakapag salita samin. Maging ang Daddy ni Yvone ay gulat din.

“Kung ganun, planado mo pala ang lahat ng iyon?” tanong ko sa kanya. Imbes na sumagot ay tumango na lang ito tapos ay tumungo. Hindi  ko akalain na makakagawa si Yvone ng ganun.
-----------------------------

Namalayan ko na lang ang sarili ko na malapit na pala ako sa toll plaza ng SCTEX, kaya kumuha na ako ng pera ko sa wallet para mabayaran ko yung toll fare. Pagkatapos nun ay dumiretso na ko ulit sa pagpapatakbo. tatlumpong minuto pa ang tinagal ko hanggang sa nakarating na ko sa condo na tinitirhan ko. Agad kong tinungo ay unit ko para makapagpahinga na rin bago maligo at pumunta ng school. Hindi ko namalayan at nakatulog na pala ako sa pagkakahiga ko.

Nagising na lang ako ng mag vibrate bigla ang phone ko. Pagka tingin ko, ang daming mga missed calls at texts messages, nang buksan ko para malaman ko kung sino ang nagtext, nagregister bigla ang name ni Rahj

“Jan ka na ba sa inyo. Txbk”
“May pasok ka pa, 10:30am. Bilisan mo”
“Recess namin, ham sandwich binili ko at pineapple juice.”
“1 hour before class mo, naka ready ka na ba?”
“Hoy! Aba, magreply!”

At madami pang iba. Naka 5 missed calls din si Rahj sakin. Kaya naman tinext ko na ito.

“Sorry, late repz, nakatulog kasi, maaga ako nakadating dito samin.” Text ko sa kanya.        

Nang tingnan ko ang oras ay 30 minutes before 10:30 na lang, kaya naman nagmadali na akong maligo at magbihis. After 15 minutes, umalis na ulit ako at pumunta na ng school.

At dahil sa heavy traffic sa may Quirino Highway, 11:30 na ako nakarating ng school.

At dahil sa kilala ako ng dean namin ay pinayagan akong hindi idrop ng prof ko sa mga subjects ko. Ang kondisyon nga lang ay dapat pasa ako sa midterm exam namin at final exams pati na rin sa dalawang exam na ibibigay niya mismo sakin na sya ang gumawa. Kaya naman kinuha ko ng yung oppurtunity na wag mag repeat ng isang sem.

“Good morning po Ma’am” ang bati ko sa prof namin na kasalukuyang nagtuturo na.

“Good Morning din Mr. Castillo. You’re so early for the next subject.” Ang bati rin sakin ni Ma’am Dela Pena sabay tawa sakin. At umupo na nga ako sa isang vacant seat sa unahan. Gaya ng napag usapan, nagmake up class ako sa lahat ng subject ko na iniwan. Kaya naman 10:30 to 7:30 ang naging class ko. Buti na lang andyan ang mga classmates ko na binigyan ako ng mga notes para makapg aral.

Binigyan lang ako ni Dean ng two weeks preparation para sa midterm exams ko sa anim(6) accounting subjects na dala ko ngayon sem. Kaya naman puspusan ang review ko.


Friday. Nasa bahay kami ng parents ko ni Rahj. Dun namin napagpasyahan na matulog. Habang abala si Rahj sa panunuod sa star movies, ako naman ay abala sa pagrereview. Sa Monday na kasi yung midterm exam ko na ibibigay ni Dean kaya puspusan ako sa pag-aaral. Hindi ko muna pinapansin si Rahj dahil ayaw ko maabala.

Habang busy ako sa pagrereview, lumabas ng kwarto si Rahj at bumaba. Ilang minuto din ang nakakalipas ay hindi pa ulit sya bumabalik kaya naman lumabas na rin ako ng kwarto, pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto ay nakaamoy ako ng tino-toast na tinapay at niluluto na hotdog, kaya naman mabilisan akong bumaba ng hagdanan. Naabutan ko si Rahj at si Manang na nagluluto. Kaya naman napangiti ako.

“Hello, good morning.” Bati sakin ni Rahj. Isang nagtatanong na tingin lang ang ibinato ko dito.

“Tingnan mo kaya yang relo mo para malaman mo kung anong oras na” suhestiyon naman sakin ni Rahj kaya tinginan ko nga ang relo ko.

Time check, 5:46am na.

“Kaya pala..” ang nasabi ko lang sa sarili ko.

“Hindi ka ba inantok sa buong gabi mong pag-aaral?” tanong naman sakin ni Rahj.

“Hindi, hindi ko nga namalayan na umaga na pala eh. Ikaw, bakit hindi ka natulog? Baka mahilo ka nyan” sagot ko dito at balik ko naman tanong sa kanya.

“Eh hinihintay kitang matulog eah” sagot naman nito sakin.

“Sana umuna ka na baka makasama yan sayo”

“Ano ka ba, malakas na ulit ito nuh” sagot nya sabay flex ng muscle nya na ikinatawa ko naman.

“Baliw, samahan mo na lang ako kumain tapos tulog na tayo.” Sabi ko naman dito, at wala pang dalawang segundo na nakakalipas ay tumabi na ito sakin at tumusok na ng hotdog at kumagat.

“Parang ewan ka lang Rahj. Ambilis ah” sabi ko naman dito.

Lumapit ito sakin at bumulong.

“Syempre, excited na ko makatabi ka sa pagtulog” sabi nya sakin sabay ngisi ng nakakaloko.

“Hep, alam ko ibig sabihin ng mga ngisi mong yan Rahj” bara ko dito.

Pero parang hindi ata tinablan sa pambabara ko dahil lalo lang itong ngumisi sabay kindat sakin. Hindi ko alam pero may ibang dulot sakin yung ganun niyang pagpapacute. Naramdaman ko na lang na parang uminit ang pisngi ko kaya naman nilihis ko na lang ang tingin ko at tumusok na lang din ng hotdog sabay kain.

“Na miss kita” biglang sabi naman ni Rahj sakin na kasalukyan ko na palang katabi at nakaakbay na sakin habang kumakain kami parehas ng niluto nitong hotdog.

Nakatingin lang ako sa kanya at walang imik. Ngumiti lang sya sakin. Tapos, ang kanyang labi ay nagmwestra na parang hahalik kaya naman lumayo ako sa kanya.

“Chris Rahj-“ ang natigil kong pagsermon sana sa kanya dahil nagsalita agad siya sakin.

“Ano ba, penge pang hotdog. Kung anu-ano agad iniisip ih.” Maktol naman nito sakin. Kaya naman natawa na lang ako sa katangahan ko. Feeler!

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa kwarto ko. Unang humiga si Rahj sa kama dahil naghilamos muna ako sa banyo at nagwiwi na rin. Pagkabalik ko sa kwarto, ayun, knock out na si Rahj. Tulog na tulog na, humihilik  pa. Tulog nga ba yan?

Dahil na rin sa ngayon lang ako nakaramdam ng antok ay humiga na ako sa tabi ni Rahj. Wala pang ilang minuto ang nakakaraan ay biglang gumalaw si Rahj. Yumakap ito sakin at biglang nagsalita.

“Justin..” sabi nito sakin.

“Ay naku Rahj, kinakabahan talaga ako pag tinatawag mo ako na Justin eh.” Sagot ko naman dito.

“Pwede? Please.” Biglang sabi nito sakin.

“Chris Rahj Manalo, pagod ako, puyat at-“ hindi na naman niya ako pinatapos.

“Ako din naman eh, pagod puyat. Lubus lubusin na nating tong pagkapuyat at pagkapagod natin. Please. Kahit 5 rounds lang” sabi nya sakin. At Grabe lang makahirit huh,  five rounds, LANG? Maka-LANG lang sya huh.

“No, make ti 1 round only.”

“4 rounds, please?”

“No, 2 rounds lang?”

“3 rounds na lang, please! Have mercy!”

“No, stick to 2! Take it or leave it” sagot ko naman dito.

“I’ll take it! Sagot naman niya sakin.

Nagstart na syang halikan ko mula tenga, ilong, noo leeg at labi. Sa mga paghalik nyang iyon, nakakaramdam ako ng ibayong kilig, (Kilig?) ewan, di ko maexplain kung bakit. Tapos parang bumagal pa ang oras, or sadyang binabagalan lang ni Rahj ang kanyang paghalik sakin. Hanggang sa dumapo na nga sa labi ko ang mga labi niya. Napakabagal, padampi dampi.

“I love you” sabi ni Rahj sakin.

“I love you too” sagot ko naman sakanya.

At nag umpisa na ulit syang humalik ulit. Mula sa dahan dahan ay medyo naging marahas na ito. Hanggang sa lumalaban na rin pala ako sa paghalik niyang iyon sakin. Unti unti ay ang kamay namin ay kung san san na lumalakbay. Unti unti rin, nawawalan kami ng damit, shorts hanggang sa underwear na lang ang natitira.

“Are you ready?” tanong niya sakin. Hindi ako makasagot sa kanya, dahil alam ko masakit.

“I’ll be gentle” sabi niya ulit sakin. Kaya naman tumango na lang ako bilang pagsang-ayon ko sa kanya.

Unti unti ay pinasok niya ako. Masakit. Oo sobrang sakit. Mahapdi, pero kung sa hapding ito ay ang kapalit naman ay masaya siya at ako. Okay lang, titiisin ko.

Mula sa mabagal na pag-galaw niya ay medyo bumibilis na ito. Puro mga halinghing lang namin ang maririnig sa kwarto kong iyon. Halinghing ng dalawang taong nagmamahalan.

Pagkatapos naming pagsaluhan ang umagang iyon, parehas kaming nakatulog. Magkayakap. Nakahiga ako sa kaliwang braso  niya at siya naman ay nakayakap sa bewang ko, ako naman ay nakayakap sa katawan niya.

Pasado alas kwatro na ng magising ako, wala na sa tabi ko si Rahj . kaya naman tumayo na ako at naglakad papuntang banyo. Diretsong ligo na ako at pagkatapos ay nagbihis at bumaba na. Nakita ko naman si Rahj at si Daddy na nag uusap sa may garden. Seryoso ang mga mukha kaya naman di na muna ako lumapit sa kanila.

Dumiretso ako sa kusina at naabutan ko sila Mommy at si Manang na nagkukwentuhan, kaya dumiretso ako.

“Good afternoon Ma” bati ko dito sabay halik sa pisngi.

“Good afternoon din” bati naman sakin ni Mama.

“Gppd Afternoong Manang” bati ko naman kay Manang.

“Good afternoon din Sir James” sagot nya sakin. “Sir, kain na muna kayo, ipinagluto kayo ni Sir Rahj ng Sinigang na baboy. “ sabi ulit sakin ni Manang. Kaya naman napatingin ako sa direksyon nila Rahj at Daddy na kasalukuyang papapasok na ng bahay galing garden.

“Sige po, paki init na lang Manang” sagot ko dito. At ganun nga ang ginawa ni Manang.

“Good afteroon” bati sakin ni Daddy at kasunod nun ay si Rahj na seryoso parin ang mukha.

Lumapit ako kay Daddy at humalik din sa pisngi sabay bulong na “ano nangyari dun?” tanong ko sa kanya na ang tinutukoy as si Rahj.

“Ah, wala yun.” Sagot naman ni Daddy sakin tapos ay tumngin ito kay Rahj. Nilingon ko naman si Rahj at ngumiti rin ito.

Ipinagkibit balikat ko na lang yun dahil ang importante sakin ay makakain na dahil gustom na ko. Sobra.

After ko kumain ay dumiretso na ulit ako ng kwarto ko para magreview. Si Rahj naman, nandun lang sa sala, kausap naman ay si Mommy. Di ko na lang yung pinansin dahil kelangan ko na ulit magreview para sa exam ko.

Naging okay naman ang lahat after ko magreview, halos lahat naman ata ay nareview ko na kaya wala ng problema. Bukas ay mag eexam na ko so kelangan ko na matulog ng maaga. Kaya naman niyaya ko na si Rahj matulog. Pero sabi niya sakin

“Una ka na muna, mamaya na ko, sunod na lang ako, nag uusap pa kami nila Daddy.” Sabi nya/


“Sige. Gud nyt” sagot ko naman dito.

At talagang Daddy na nga ang tawag nya rin sa Daddy ko. Kaya naman sobrang tuwa ko dahil tanggap na nga talaga kami nila Daddy at Mommy.

Lunes. This is it. Papunta na ako ng school. 8:00am ang exam ko sa office ni Dean. Kaya 7:30 pa lang ay nasa school na ko. Tumambay muna ako sa JPIA Office ng college namin. Nag intay ako na magbukas ang dean’s office namin. Habang naghihintay ay unti unting dumadating ang mga estudyante pati na rin ang mga kaklase ko.

“Good luck sa exams!” bati sakin ni Sheila at Mabel.

“Good luck dre!” bati naman sakin nila Josh.

Pati prof namin sa iba kong subjects nakiki gud luck din.

Time check. 8:00 am.

Kaya dumiretso na ako sa dean’s office at sakto naman na bukas na at nasa loob na rin si Dean.

“Good morning po Dean” bati ko dito.

“Good morning din, ready ka na ba?” tanong nya sakin.

“Opo” ang medyo kinakabahan kong sagot sa kanya.

Kaya naman nagready na ko sa exam ko. Kumuha na ko ng pencil ko(no.2) eraser, at sharpener.

First exam. Cost Accounting. 2 hours and 30 minutes lang ang binigay sakin ni Dean na time limit. Awa naman ng diyos. Mukhang lahat ng execrises at multiple choice na binasa ko sa libro ay parang effective.

Second exam. Advance accounting part 1. Same time limit. My god! Nahalungkat ata ang buong utak ko dahil nahirapan ako sa exam. Pero sakto lang dahil nasagutan ko naman.

Third exam. Financial management part 1. Sakto lang. May madali may mahirap. Nakakabobo nga lang yung true or false. Dun pa naman ako engot.

Lunch! My favorite. Makakakin na rin ako. Naalala ko yung phone ko kaya naman tiningnan ko kung may nagtext at di nga ako nagkamali dahil meron lang naman akong 20 unread messages. Pagtingin ko, lahat si Rahj.

“Good luck sa exam mo”
“Sana kumain ka before ka umalis ng bahay niyo”
“Yan, few more minutes exam mo na. Mag pray ka”
“Papasok na ko.”
“Dito na ko school. Nakasalubong ko rin si Yvone. At mukhang nagbago na nga ata”
“Sige, dito na teacher namin. Good luck”
“I love you”
“Walang reply?”
“Sige na. Basta galingan mo. Gagalingan ko din dito”

Natatawa ako habang binabasa ko yung mga text messages nya sakin. Di ko namalayan na katabi ko na pala mga best friends ko.

“Hoy, musta exam?” tanong sakin ni Sheila.

“Madaling mahirap eh. Sakto lang. Kaya naman ng utak ko so far.” Sagot ko dito.

“buti naman at carry mo yung exam. Ikaw na!” sabi naman ni Mabel.

“Baliw! Malamang kakayanin nyan, eh may special someone na yan eh. Syempre inspired! Hahahah” sabat naman ni Pichay.

“Mga praning! Kain na nga lang tayo. Gutom na ko. Sobra” pag iiba ko na lang ng topic sa kanila.

“Pero seryoso James, sino ba talaga pinutahan mo sa America at nagsacrifce ka ng 1 sem dun?” tanong naman sakin ni Sheila.

Imbes na sumagot ako ay ngumiti na lang ako sa kanila tapos ay pumunta sa bilihan ng Juice(sa may Nutrilicious). Pero di nagpaawat, sumunod sila sakin at mukhang interesado talaga. Di muna ako sumagot sa kanila, dahil natatawa ako sa mga expression ng mukha nila.

“Sige, mambitin ka lang. Tatamaan ka talaga sakin.” Sabi naman ni Sheila na nag muwestra na ng kanyang kamao(parang lalake kasi yun)

“Boyfriend ko.” Walang ka anu-ano kong sabi sa kanila. Sabay punta sa may table. Parang wala lang sakin yung pagkakasabi ko pero ng tingnan ko sila ay mga mukhang ewan. Literally, nakanga-nga sila. Kaya naman natawa ako sa kanila.

“Ano ba yan. Para kayong tanga lang.” Sabi ko sa kanila.

“Wag mo nga kaming echosin! Boyfriend ka dyan.” Sagot naman ni Pichay.

“Want some proof?” panghahamon ko sa kanila.

“SURE!” sabay sabay nilang sagot.

Kaya naman kinuha ko wallet ko at kinuha ko yung picture namin ni Rahj sa may tapat ng 7 eleven na makadikit ang mukha namin parehas habang umiinom ng gulp na inorder namin.

“WEHHHH?!?!?!?!” sabay sabay nilang komento sakin.

“Bakit?” tanong ko naman dito.

“di nga, totoo to? Baka naman photoshop lang to ha!” komento ni Mabel sakin.

“Bahala kayo kung ayaw nyo maniwala, basta ako, nagsasabi lang ng totoo” sabi ko sa kanila sabay kuha ng picture namin at balik sa wallet. Then kumain na ko ng inorder ko na menudo at lumpiang shanghai.

Mabilisan lang ako kumain dahil by 1:30pm, magstart na ulet ako mag exam. Ewan ko ba naman sa sarili ko kung bakit nag suggest ako kay Dean na isang araw lang ang pagkuha ko ng exam na dapat ginagawa namin na two Sundays at one Wednesday. Tanga ko lang.

Habang naglalakad ako sa hagdan papunta 5th floor ng building namin ay nakabuntot pa rin sakin sila Sheila, Mabel at Pichay sakin at mukhang mga nagbubulungan.

Hanggang sa mapatapat na kami sa Dean’s Office ay hindi pa rin humuhupa ang pagkukwentuhan nila.

“James, pag pinakilala mo kami sa kanya. Saka palang kami maniniwala” sabi sakin ni Sheila.

Liningon ko naman sila saka sumagot. “Sure”

Saktong pagpasok ko naman sa office ay nandun na si Dean.

“Good afternoon po Ma’am” bati ko dito.

“Good afternoong din. Kamusta exam?”ang natatawang bati sakin ni Dean(parang ewan lang ha)

“Sakto lang po. Madaling Mahirap na ewan. Hehe” sagot ko dito.

“Oh sya. Exam ka na ulit” sabi naman ni Dean sakin. Kaya naman kinuha ko na yung mga materials ko sa pagsasagot.

Fourth exam. Productions and Operations Management. Ang pinaka ayaw ko na subject. My goodness. Papatayin ako nito sa pagbabasa ng librong ang font size ay 10 tapos ang ninipis pa per page. Eh ilang chapter kelangan ko basahin, 10 chapters lang naman. Tapos puro mga theories pa na kinatutulugan ko talaga pag binabasa ko. Parang pampatulog tong subject na to sakin eh. Pero! Wag ka! Ang daming lumabas sa reviewer na sinagutan ko! Kaya naman feeling ko pasang pasa ako. Haha

Fifth exam. Financial Accounting p3. My favorite. Ewan. Pero nadadalian ako sa subject na to.  Wala pa atang 1 hour ng matapos ko itong sagutan eh.

“Finally, last exam!’ ang nasabi ko na lang nang ipasa ko kay Dean ang Scannable sheet ko.

“For the last exam Mr. Castillo, isang written exam ang gagawin mo na kaiba sa mga ibang nag exam. Sa exam na to, isusulat mo ang mga dahilan mo kung bakit mo kelangan umalis ng Pilipinas at iwan ang mga responsibilidad mo dito kabilang ang pag-aaral.” Pagpapaliwanag ni Dean sakin.

“Si-sige po” ang nauutal kong sabi sa kaniya. Nagpahinga muna akong 10 minutes para marefresh ang utak ko sa next exam ko. Sa lahat ng exam ata, dito ako pinaka-kinabahan. On the spot naman kasi! Kaasar.

3:45pm, nagstart na ko sa pagsusulat ko ng dahilan ko. Lahat lahat ng mga gustong kong isulat dun ay sinulat ko. Lahat ng mga guilts, at regrets ko sinulat ko dun. Pati na rin yung samin ni Rahj nilagay ko. Alam ko naman na mapapagkatiwalaan si Dean pagdating sa ganung bagay kaya nilagay ko rin.

5 minutes before 6pm ng matapos ako sa pagsusulat. Agad ko naman pinasa kay Ma’am yung sinulat ko at nagpaalam na rin. Pagkababa ko ng building dumiretso agad ako sa parking lot para kunin yung sasakyan. Pagkastart ko ng makina ay agad ko ng itong pinatakbo. Dumiretso na ko sa bahay namin.

Habang binabagtas ko ang daan papunta sa village namin ay bigla akong kinabahan. Alam ko sa sarili ko, bago ang pakiramdam na to. At sobrang kumakabog ang dibib ko. Hindi ko alam basta. Kinakabahan lang ako. Feeling ko may mangyayari eh.

Pagkatapat ko sa bahay namin, lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib ko. Nakapatay ang lahat ng ilaw. Tapos bukas ang gate namin at pintuan ng bahay. Kaya naman may pumasok agad na ideya sa isip ko.

“Wag naman sana” nasabi ko na lang sa sarili ko.
Pagkababang-pagkababa ko sa sasakyan ay dali dali akong dumiretso sa pintuan. Habang naglalakad ay sya naman pagbilis ng pabilis ng tibok ng dibdib ko, parang tatalon na ata ang puso ko sa dibsdib ko sa sobrang bilis.

Hanggang sa tuluyan na akong makapasok ng bahay. At ang una kong nakita ay isang ilaw ng kandila sa may kusina. Palinga-linga ako sa buong bahay. Hinahanap ang switch ng ilaw. Agad ko namang nakapa ito, at, at, at, di nagtagal ay napindot ko na rin yung switch.




Itutuloy...



Sorry for the super duper late update. Madami kasing nanyari. Dami mga quizzes, long exams at lastly, departmental exams namin(ewan talaga bakit Accountancy pa kinuha kong course. Tsk). Masyado lang pressured kasi kelangan mag-aral dahil incoming 4th year na ko this coming Academic  Year so kelangan pasa(yung tipong 2.0 to 1.0 lang ang grade hindi pasa na 3.0) sa lahat ng subject. Isa pa, nilagnat ako at inatake ng hika. Ngayon(March 18) lang natapos exam namin. Grabe. K. Fine.

Ako'y sayo at ika'y akin chapter 21b


Dahil sa walang magawa ngayon dito sa bahay kaya naisipan kong dugtungan  na yung last chapter. Naisipan ko din lagyan ng parts ang chapter 21 dahil gusto kong tapusin ang mga conflicts para sa chapter 22 ay yung climax na ng story na to. Basta, malalaman nyo rin kung bakit.


Thank you po sa mga bumabasa nang aking likhang story.


Magpakilala na kayo mga anonymous and silent readers. 3 more chapters na lang siguro to. Di ko rin alam. Bahala na. Depende sa mood ko.  Confused ako ngayon eh. Basta.


Don’t forget to to add me on FACEBOOK/TWITTER.


Thanks.


Enjoy!



=================
JAMES’ POV
Monday na. January 15, 2005. Kila Rahj ako natulog kahapon since wala naman akong klase pag Monday. Ganun naman lage eh simula nung bumalik kami mula America. Kapag Saturday, sa bahay kami natutulog ni Rahj tapos pag Sunday, sa bahay naman nila. Masasabi kong close na kami ulit ng mga parents ko. Lalo na si Rahj, Mommy and Daddy na rin ang tawag sa parents ko. Nagkakilala na rin ang mga parents namin at balae na ang tawagan. Nakakaloko sila. Close agad. At hindi lang yun, naging magkasosyo pa sila Daddy at Papa sa negosyo na itatayo nila sa Laguna na Pig Farm. At Sila Mommy at Mama naman ay pag may time, pumupunta sila sa salon. Nakakatuwang isipin na magkasundo ang bawat side namin nila Rahj.

----------------------

Pinakilala ko na rin si Rahj sa mga realtives namin at pinsan ko noong nagdaang Christmas. Sa una, medyo shock sila kasi hindi nila akalain na ma-iinlove kami parehas ni Rahj sa isa’t isa. Kahit kami di namin naiisip na magkakaganun, basta nangyari na lang ng kusa. Madali naman naging ka-close ng mga pinsan ko si Rahj, actually, parang mas magpinsan pa nga sila kasi may nakikipagtawanan pa si Rahj sa kanilla compare sakin. Ganun din naman ako pero hindi ako masyadong malapit sa kanila. Hindi rin naman ako yung unang nagsasalita pag kasama nila kaya nga ‘loner’ ang tawag nila sakin eh. Sa side naman ni Rahj, pinakilala na rin nya ako. Some accepted us, and some are not. Di daw nila maatim na magkakaganun si Rahj. Take note, pasko nun huh pero parang summer ang dating sa kanila sa sobrang tingin nila samin ni Rahj habang kumakain kami. Pero sabi nga nila, kahit gaano pa katigas ang isang tinapay, lalambot pa rin ito sa isang mainit na kape. Noong kinagabihan kasi, napansin kong hindi nagkakasundo yung isang Tita at Tito ni Rahj sa pamumuhunan sa negosyo nila. Kesyo nalulugi daw, nawawalan daw ng customers. Syempre ako naman. Bilang isang accountancy students at may alam din naman sa pagnenegosyo, nagpresinta ako sa kanila na ayusing ang mga bagay bagay sa negosyon. Pinayuhan ko sila sa mga do’s and don’ts. Hanggang sa natapos na ang celebration namin nung kinagabihan sa kanila ay ang mga relatives pa niya mismo ang naggood luck samin sa realtion namin ni Rahj. Nakakataba ng puso na marinig mula sa kanila yun. Narinig ko rin na..

“Ang swerte ni Rahj sa kanya, bukod sa simple lang, magaling at madiskarte pa pagdating sa negosyo.” Sabi nung tita nya.

“Tama! Mali ang panghuusga natin sa kanila nuong una pero hindi sya nagpaapekto. Bagkus pa ay tumulong pa nga.” Gatong naman ng isa nyang Tita.

Diba, panalo ako. Saved by my great utak!

Since ang bahay nila Rahjj ay sa may Imus pero ang mga realtives at ancestral home ng mga parents nya ay sa Gen. Trias Cavite, napagpasyahan na dun na lang kami matulog kasama ang mga pinsan nila sa isang kwarto. Napakagulo namin. Before kami matulog ay nagkwentuhan pa kami. Topic? Syempre, kami. Bininyagan din nila ako bilang isang true member ng kanilang family. How? Putcha! Ipinalaman nila ako sa comforter kasama si Rahj. Magkayakap kami ni Rahj tapos pinagulong sa comoforter namin. Then dinag-anan nila kaming dalawa. Hindi naman masakit. Enjoy pa nga eh. Nakakatuwa sila. Napagpasyahin din namin maglaro kami ng spin-the-bottle. Unang tumapat sa pinsan niya na si Kuya Ricky, sunod kay Kuya Bryan, sunod kay Thea, sunod kay Phoebe then kay Ate Frances. Sunod, ang inyong lingkod. Pero di naging ganun lang. Kelangan daw parehas kaming sumagot ni Rahj.

“Ang tanong, nagsex na ba kayo ni Rahj? Sino yung umano at nagpa-ano?” ang walang kagatull-gatol na tanong ni Kuya Bryan at sinang ayunan naman nila. Putcha! Anong kklaseng tanong to? Ano isasagot ko? Gosh!

“Huh? Seryoso?” ang nai-bulalas ko agad sa kanila.

Parang may anghel na dumaan samin dahil sa hindi kami makasagot agad ni Rahj. Nagkatinginan muna kami ni Rahj, napangiwi ako sa naging reaksyon niya. NAKATAWA SAKIN SI KUMAG. Buset ka Rahj! Pag sinabi mo, wala na akong mukhang ihaharap sa kanila! Please! Wag!

Lumingon si Rahj tapos nagbigay ng isang ngiting abot hanggang tenga. OKAY! I’M DEAD. Ang nasabi ko na lang sa sarili ko. Nagsigawan silang lahat. BALIW LANG? Sila Phoebe at Thea ay napatakip sa kanilang bibig at ang ekspresyon nang kanilang mga mukha ay hindi makapaniwala. Sila Kuy Bryan at Kuya Ricky ay todo sigaw dahil hindi parin makapaniwala habang tumatawa ng pagkalakas-lakas. Habang si Ate Frances naman ay ayun, nakatunganga samin. Nagpipigil ng sigaw.

Lumingon ako kay Rahj at tumgin ito sakin. Tapos ngumiti sakin at nag-PEACE sign. Sabay sabing “Peace James” habang nagpapacute sakin. Ouch! Nakakahiya! Pinalo ko si Rahj ng sa kanyang balikat tapos ay lumapit ako sa kanya at bumulong...

“Kaasar ka, nakakahiya oh” bulong ko sa kanya.

“Wag ka mag-alala, di naman madaldal yan saka matured na yang mga yan.” ang sagot naman niya sakin.

“uyy, nagbubulungan pa sila oh, maybe they need privacy for each. What do you think guys?” ang sabi ni Phoebe. “

“Naku Phoebe, wag ka ganyan, ambait mo talaga, promise, ang ganda pa.” Ang pambobola ko sa kanya. Alam ko kung ano gusto nila palabasin pero deadma lang ako.

“Agree ako dyan. Tara!” ang gatong ni Kuya Bryan. Agad silang tumayo at dali-daling pumunta ng labas. Tatayo sana ako pero kinabig ni Rahj ang kaliwang braso dahilan para mapasungaba sa kanya. At sa dibdib pa nya ako napasungaba. Ngumiti sakin si Rahj at hinalikan ako sa ulo. Natawa naman ako sa kanya kasi alam ko na ang iniisip nito.

“Tama naman sila. We need privacy eh. Gusto mo naman diba?” sabi sakin ni Rahj habang nakangiti parin siya ng sobra.

“Ano ka ba? Nakakahiya, dito pa tayo sa bahay ng lolo’t lola mo ma-“ ang naputol ko na lang na lintanya kasi pumasok ulit sila Kuya Bryan. Natigilan naman sila ng makita nila kami sa ayos namin. Kaya napabalikwas kami ng wala sa lugar.

“Walang pang isang minnuto ha!” ang sabi ni Thea na natatawa.

“Pambasag kayo ng moment, alam nyo yun?” ang nasabi na lang ni Rahj. Parang tanga lang, seryoso.

“Dito na kami matutulog. Tuloy nyo lang yan.” ang tatawang sabi ni Kuya Ricky samin. Syempre, tumigil kami ni Rahj. Kaya humiga na lang kami pare-parehas. Magkakatabi kami sa room na yun. Di uso ang kama sa room na yun kasi pinasadya talaga na japanese style yun para sa mga apo ng mga lolo’t lola ni Rahj dahil malimit ay magkakasama silang natutulog sa iisang kwarto. Kaya at home talaga ako sa kanila.

Habang naghihintay kami pare-parehas na dapuan ng antok ay nagsalita si Phoebe.

“Gaano mo kamahal si Kuya James, Kuya Rahj?” gaano nga ba ako kamahal ni Rahj? Ang sabi ko na lang sa sarili ko. tumingin ako kay Rahj dahil interesado ako sa isasagot niya. Alam ko naman kung gaano pero gusto ko marinig mismo sa bibig niya. Di parin sumasagot si Rahj bagkus ay patuloy parin siya sa nakatingin sa ceiling.

“Simple lang. Parang katulad ng isang hangin. Patuloy lang sa pag-ihip. Hindi kelan mawawala. Dahil kapag nawala, ikamamatay ko.” ang sabi ni Rahj. Speechless ako. No words can explain sa nararamdaman ko ngayon. Mahal din kita Rahj. Ang nasabi ko  lang sa sarili ko.

Bigla siyang tumingin sakin. Tapos ay bumangon sa pagkakahiga. Napabangon din ako sa pagkakahiga pati rin sila Kuya Bryan at Ricky, si Ate Frances at sila Thea at Phoebe.

“Ganyan ko sya kamahal. Kahit na mali sa paningin ng tao. Hindi ako matitinag dahil gagawin ko pa itong sandalan para ipaglaban at gawing tama sa paningin nila kahit mahirap.” Tapos ngumiti ito sakin. Ngiting alam mong sincere.

“Wala akong masabi. Promise!” ang nasabi na lang ni Ate Frances. At sinang ayunan naman nila.

“Eh ikaw Kuya James, same question, gaano mo kamahal si Kuya Rahj?” ang tanong lang ulit ni Phoebe pero this time ako naman ang kelangan sumagot.

“Nakakabaliw.” Ang maikling sagot ko dito. Napatingin naman silang lahat sakin pati si Rahj at ang mga mukha ay nagtatanong.

“Hindi ko sya kayang mawala at sa puntong mawala sya sakin ay ika-babaliw ko ito. Ikakasira ng ulo ko. Kaya pinapanalangin kong sana forever na to. Diba sabi, good things lasts?” Ang sabi ko. hindi ko alam kung bakit ako naluluha noong sinabi ko yon. Hindi natin masasabi kung forever na nga ba ang relasyon meron kami ni Rahj. Kaya nananalangin ako lagi before matulog at pagkagising. Nagpapasalamat kasi katabi ko parin si Rahj sa higaan. Kayakap ko sya. Masaya. Parang nasa cloud 9 na ako kapag ganun.


Niyakap naman ako ni Rahj. Hinagod nya likod ko hinalikan sa noo.

“alam ko at alam natin parehas na forever na tayo diba?” tanong niya sakin. Kaya naman tumango lang ako bilang sagot ko sa kanya.

“So will you be my good thing?” ang tanong niya sakin.

“Anong ibig mong sabihin?” balik kong tanong sa kanya.

‘Will you be my good thing? Yes or No lang” ang ulit niya.

“Yes!” sagot ko kahit di ko nagets ang tanong niya sakin.

“Fine! Good things lasts nga diba? And you’ll be that good thing” sagot nya agad sakin. Napasubsob naman ang ulo sa dibdib nya dahil kahit nakakatawa ang sinabi nya ay napaka sweet naman.

“Thanks. Gets ko na” sagot ko naman sa kanya. Kaya naman yumakap ako dito ng sobrang higpit.

“I guess lahat ng questions namin sa inyo ay nasagot na ninyo.” Ang biglang sabi naman ni Kuya Bryan.

“What do you mean?” tanong agad ni Rahj

“Wala naman. Noong una lang kasi ay naguguluhan kami sa inyong dalawa. Kung ano ang nakita nyo sa isa’t isa. Kung anong meron sa inyo. Actions speaks louder than voice nga diba? And no words can explain sa mga katanungan namin. At nasagot naman ninyo yun at sa palagay namin tama na ang mga nakita namin at narinig para lubusang tanggapin na may bago kaming pinsan.” Ang mahabang paliwanag ni Kuya Bryan.

-----------------------------------

Natutuwa akong balikan ang mga experince kong yun sa piling nang bawat pamilya namin. Tanggap na nila kami at nauunawaan nila kami. Wala kaming naririnig na pangkukutya mula sa kanila bagkus ay todo suporta pa sila samin.

“Tara na?” tanong sakin ni Rahj.

“Okay” sagot ko dito.

Katatapos lang naming mag agahan kasabay nila Papa at Mama. si Kuya drew naman ay maagang umalis kaya di namin kasalo. Si Miguel naman ay kasabay ni Kuya Drew. Magkasama silang dalawa sa isang university sa Manila. Agad kaming nagpaalam kila Papa. Syempre, bago umalis, sandamakmak sa paalala ang binigay nila samin. Bawal daw maglambingan while driving at bawalg magholding hands while driving, ganyang sila lagi pag-aalis na kami. May isa pang malupit eh, sa sobrang supportive nila ay parehas na kaming nahihiya sa sinasabi nila...

--------------------------------

Lahat kaming nasa sala, nanunuod ng Rated K. Nakakatuwa yung mga pinapanuod, limot k nga lang ang toppic. Basta maganda. Natapos na namin itong paunorin kaya nilipat ni Kuya Drew sa star world, ang palabas, Titanic. Ang scene ay yung sex scene nila Jack and Rose. Nakakatawa kasi yun pa yung naabutan naming scene.

“Antok na ko” ang malakas na pagkakasabi ni Rahj. Kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya.

“Peace” sabi niya sabay peace sign.

Syempre kami, patuloy parin sa panunuod pero tapos na yung sex scene nila. Nandun na kami sa part na nahati na yung barko into two. And again...

“Antok na talaga ako” ulit ni Rahj. Again, napatingin ako sa kanya.

“Tara na, tulog na tayo” ang aya sakin ni Rahj.

“10 more minutes please?” sabi ko sa kanya.

“I can’t wait. Gusto na kitang mayakap eh” sabi niya sakin.

Kaya naman bumulong ako dito “ Maghintay ka kung gusto mo na akong mayakap”

“Payakap huh” sabi nya sakin at biglaan akong niyakap. Napasinghap naman ako sa ginawa niya kaya napatingin sakin sila Mama.

“Antok na daw po. hehe” sabi ko sa mga ito.

Di ko pinansin si Rahj na nakaulo sa likod ko. kaya naman natappos na ang pinapanuod namin ay tinamaan na rin ako ng antok. Tiningnan ko si Rahj at ayun,, tulog na sa likod ko. ginising ko ito at sinabing matutulog na kami. Eto namang si kumag, ayun, abot langit ang ngiti.

“nakarinig ka lang na matutulog na tayo sobra ka naman makangiti” ang pagpansin ko dito.

“Syempre, masosolo na kita” ang sabi naman nito sakin.

“Baliw!” ang tatawang sagot ko dito.

Kaya naman magkabuntot kami ni Rahj na papunta sa room namin habang kasabay namin sila Mama.

“tulog na po kami” ang paalam ko sa kanila.

“Good night din” sabi ni Mama samin.

“bawal maganuhan ha! Baka magka-apo kami nang wala sa oras. Patay kayo samin” ang sigaw naman ni Papa.

Natigilan naman kami ni Rahj sa paglalakad. Napatingin sa kanila. At nakita kong nakangiti ang mag-asawa. My Goodness! Magkakakamag-anak nga sila nila Kuya Bryan, mga liberated na

“matulog lang kayo ha, pwede na kayo magsolo. haha” ang sabi ulit ni Papa samin sabay kindat.

“Papa talaga!” ang pagsita naman ni Mama kay Papa. Natawa naman si Mama sa sinabi ni Papa. Kaya naman agad kaming pumasok parehas sa kwarto ni Rahj.

-------------------------------

Oh diba! Nakakahiya yung mga sinabi nila samin. Kala naman nila... sobra lang. :]

Agad kaming sumakay ni Rahj sa kotse na dala ko. Ako driver at sya naman sa tabi ko. Malapit lang naman school nya eh. Mga 1 hour drive lang sa tantya ko. sa Las Pinas kasi ang campus nila eh, hindi sa main. Syempre, ako tong si mr. Congenialoty kuno, hinatid ko si Rahj hanggang sa loob ng campus nila. Hanggang sa classroom nila hinatid ko. ewan ko ba kung bakit ko naisipang ihatid sya. Almost 5 months na ata syang late sa klase nila at sa pagkakaalam ko ay 3rd grading na sila. Umalis kami ng pinas na mag-start pa lang 1st grading nila. So kelangan nyang maghabol. Kagaya niya. Late na rin ako sa klase namin. Final grading na kami at kakatapos lang ng midterm nila sa 2nd sem. Kaya late ako ng isang sem. Kaya naman isa-summer ko na lang yung di ko nakuha na units.

“Hi, good morning” ang bati ni Rahj sa mga classmates niya ng makadating kami na room niya. Masasabi ko na napaganda ng room nila, maayos, refreshing ang labas, malamig naman sa loob kasi naka-AC.

“RRRAAAAHHHJJJ!!!” ang sigaw ng mga ito ng makita nila ito.  Agad na pumunta sila sa kinatatyuan ni Rahj at agad na nag group hug.

“Miss ka na namin!” ang malaks na pagkakasabi nung classmate nila na babae.

“Kamusta ka na? Okay ka na ba?” tanong naman nung isang lalake.

“Okay na? Wala ka nang sakit?” tanong naman nung isa.

“Okay na ko. Wala nang sakit. Pwede na ulit tayong makapagkwnentuhan, makapagkulitan, makapaglaro, makapagasaran” ang sabi ni Rahj. Napansin kong nagpahid siya sa mata ng kamay niya. Siguro naiiyak.

Matagal pa silang nagyakapan at nagbatian hanggang sa napansin na ata nung isang classmate nya ako.

“Sino sya?” ang tanong nung isang babae sabay turo sakin. Lumingon naman si Rahj sakin at ngumiti. Tapos lumapit sakin at umakbay.

“Sya ba? Sya ang taong kasama namin sa America. Nagbantay, nag-alaga sakin at kasama ko sa hirap at ginhawa ng buhay ko.” sabay ngiti sa kanila. “Classmates, meet James” pagpapakilala niya sakin sa mga kaklase niya.

“Hello po” ang nakangiting sabi nila.

“James meet, Donn, another James, Ivy, Kathleen, Samboy, Kris, Christian, Sandra, Carlo, Mathew and the two of them” sabay turo sakin dun sa dalawang babae na feeling ko kilala ko eh.

“Hi James” ang bati na sabay sakin nung dalawa. Wait, kialal ko sila eh. Sino nga ba ulit sila?

“Phoebe! Thea!” ang naalala kong pangalan nila.

“Yes! Hindi mo na ata kami naalala eh” ang sabi nung dalawa. “Syempre naaalala ko pa rin kayo no” ang nakangiting sabi ko naman sa kanila.

Nagkwentuhan muna kami ng ilang minuto. Pinakilala pa ako ni Rahj sa iba pa niyang mga classmates. Pati sa mga teachers pinakilala niya ako nung sinamahan ko siyang pumunta sa faculty room at nagbigay ng health letter niya. Pati mga teachers nya ay napakasupportive sa kanya. Palibhasa mabait at magaling sa klase kaya okay lang sa kanila na umabsent ito. Pinakilala din ako ni Rahj sa mga ito. Matapos yun ay inihatid ko ito sa classroom niya sa 4th floor. Habang umaakyat kami sa hagdan ay naririnig namin ang mga bulungan ng ibang kasbay namin na estudyante.

“Siya ba yun?” tanong nung isang babae.

“Oo, sya si Rahj. Yung sa Dance club. Pero di ko kilala yung kasama niya eh.” Sabi naman nung isa pang babae.

“Wag mo silang pansinin.” Sabi sakn ni Rahj. “Mga trying hard yan na magpapansin sakin. Ewan ko ba kung bakit na lang  ako pinagtitinginan ng ibang mga estudyante.  Nakakasawa na nga eh” ang sarkastikong saki ni Rahj.

“Di ka naman nagyayabang ng itsurang yan no?” sarkastong tanong ko dito sabay ngiti na nakakagago. Imbes na sumagot ay ngumiti lang sya. Hanggang sa makarating na kami sa classroom nila ay ay pinagtitinginan pa rin sya ng ibang mga babae at binabae na estudyante sa school nila. Mga ilang minuto lang ay may dumating ulit na estudyante. Kilala ko sya. Kilalang kilala ko. hanggang dito ba naman sinusundan kami neto.

“Hi Rahj” ang bati nya samin.

“Yvone?” ang sabay namin sabi ni Rahj. Parehas kaming nagtataka kung pano sya napapunta ng Pilipinas, ang alam ko kasi ay nakakulong siya sa America dahil na rin sa binangga nila ni Ceejay si Miguel.

“Oh bakit? Parang nakakita kayo ng multo?” ang nakangiting wika ni Yvone.

“Kasi.. bakit...?” ang tangin nasabi ko na lang. Samantalang si Rahj ay masama ang tingin kay Yvone.

“Di pala namin sayo nasabi Rahj, nagtransfer sya ulit dito satin nung week na umalis kauo papunta America. Di na namin nasabi sayo kasi di namin alam kungpano ka mako-contact.” Ang singit ni Phoebe sa pag-uusap namin. Alam nila ang mga nangyari samin habang nasa america kami.

“Basta, ipapaliwanag ko na lang sa inyo kung pano pag dumating ang tamang panahon. Pasok na tayo. Andyan na si Ma’am Fonte” ang sabi ni Yvone samin. Lumingon kami at nakita nga namin yung teacher na naglakad at mukhang samin nakatingin. Kaya naman nagpaalam na ako sa kanila.

“Rahj, sige. Uwi na ko. papasok pa ko mamaya. Ingat ka, wag magpapagod” sabi ko dito at nagpaalam na nga.

“Sige ingat ka ha” tugon nito sakin. Kaya naman agad akong naglakad pababa ng building. Kahit sa hagdan ay mga estudyante parin nag-uusap tungkol kay Rahj. Pati ako nadamay na sa usapan nila.

”Siya ba yung tinutukoy ni Yvone?” sabi nung isang binabae.

“Siya siguro, ang lakas ng loob na magpakita pa kay Yvone eh samantalang inagawan lang niya si Yvone kay Rahj.” Gatong pa ng isang binabae.

“Tanda na nga sa bata pa pumapatol, tapos kay Rahj pa. Nakakahiya! Pwe!” sabi naman nung isang babae na nakita namin kanina lang habang paakyat ng hagdan.

“Okay, wala ako narinig” sabi ko na lang sa sarili ko. agad na nagvibrate ang phone ko at nang makita ko kung sino nagtext ay nagregister ang name ni Rahj.

1 new message received.
Rahj ko
Jan. 15, 2005


“Wag ka mag-alala. Hindi ako magpapa-apekto sa mga sinasabi ni Yvone na yun. Ingat ka sa pagbaba ng hagdan sa may kaliwang side ng building, madami jan bading. Baka mabiktima ka! Walang matitira sakin. Madami din dyang mgma chismosa na babae at bading na ka-close ni  Yvone. Ingat! I love you. Keep safe. GB <3” text sakin ni Rahj.

Napangiti naman ako after ko mabasa yung message na yun. Pero after nun, napaisip ako kung anong side nga ba to nang building. Nang napagtanto ko, left side pala. SH*T! Kaya pala  ang daming nagchi-chismisan at mga bading. Tss.

Time check. 8:00 am. There’s two more hours before my 10:30 am subject. Kaya naman swabe lang pagpapatakbo ko sa kotse. Pag may pasok, sa condo ko ako naglalage. Pero pag wala, ay sa bahay namin pag weekdays then kila Rahj pag weekends, ganyan ang siste namin. While driving from Las Pinas papunta Makati. Eto na naman ako, my favorite hobby, ang magmuni-muni.

------------------------------------
“Regarding with the car accident, the main suspect is Ms. Yvonce Cabral and her accomplice Christian Jhay Samaniego” ang sabi nung police na pumunta sa room ni Miguel. Walang akong masabi ng marinig ko ang pangalan ni Yvone, pero lalo na nung narinig ko ang pangalan ni Ceejay. Bakit? Yan agad ang tanong na pumasok sa isip ko.

“Oh my god” ang tanging nasabii lang ni Mama.

“Yvone Cabral?!” ang naibulalas ni Papa

“Pero bakit. Alam ko galit sya kay Rahj pero bakit nya kelangang gawin iyon?” ang tanong ni Papa samin.

Hindi agad kami makasagot kasi hindi namin alam ang isasagot sa tanong na iyon. Kahit kami di namin alam kung bakit. Isa lang ang naiisip kong dahilan sa tanong na yon, marahil yung lang pero si Ceejay, hindi ko alam kung bakit.

“Dahil po sakin Papa” sagot ni Rahj sa tanong niya.

Kaya naman napatingin kaming lahat kay Rahj, pati Mama ni Miguel at yung kapatid niya. “What do you mean dahil sayo?” ang agarang tanong ni Papa sakin.

“Dahil mas pinili ko si James over her. Pinagpipilitan niyang mas karapat dapat siya sakin over James. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa iyon. Pero yung ang sigurado ko. galit sya sakin” ang sabi ni Rahj. Mali it. Ako dapat ang nagsasabi nun. Sakin naman talaga galit si Yvone pero inako ni Rahj. “Huy! Ano ka ba? Ako dapat ang nagsasabi niyan” ang puna ko dito. Ako naman talaga h. Dapat ako.

“Nagkakamali po kayo. Ako po talaga ang dahilan ni-“ naputol pang aking sasabihin pa dahil nagsalita ulit si Rahj.

“Dahil po sakin kaya nabangga si Kuya Miguel. Hindi po sana siya magkakaganyan kung hindi ko sya napagsalitaan ng masama. Di sana siya magkakaganyan kung nagkaintindihan kaming dalawa sa pinasok namin gulo. Siguro po yan ang paraan niya para sabihin mali ako at tama siya. Hindi ko po sinasadya” pagpapaliwanag pa ni Rahj. Umiyak si Rahj after nang sabihin iyong mga salitang iyon. Ewan, naguguluhan na ako sa nangyayari.

“H’wag ka nang umiyak hijo. Hindi mo naman kasalanan. Walang may kasalanan nito. Ang dapat nating gawin natin ngayon ay ipanalangin natin na gumaling na si Miguel. At saka pabayaan na natin ang korte na humusga sa mga yon” ang sabi nung Mama ni Miguel.

“Tama na yan. ssshhh. Tahan ka na Rahj, masama yan sa kalusugan mo” ang pag-aalo ni Mama. nilapitan ko ito saka ko tinabihan sa pagkakaupo niya. Hinagod ko ang likod niya at saka inalo din katulad ni Mama.

“Tama sila Rahj, walang may kasalanan” sabi ko dito. Ano ba yan,, ano tong mga pinagsasabi ko? eh ako nga ang may kasalanan tapos ngayon parang ipinapasa ko kay Rahj ang kasalanan ko. You’re crazy James!

Kinasuap ni Papa ang mga police. At nagkasundong pag gising ni Miguel ay saka na lang bumalik para makunan ng statement. After umalis ng mga police, napagkasunduan namin na umuwi muna at kinabukasan na lang ulit bumalik. Ang naiwan lang ay si Papa, Mama ni Miguel at Kuya niya.

Pare-parehas kaming mga pagod pagkarating ng hotel. Pero si Rahj ay nakatulala lang sa tapat ng bintana ng kwarto namin. Kaya nilapitan ko ito at yumakap sa  likod niya.

“Wag mo masyadong dibdibin Rahj, andito lang ako para sandalan mo” sabi ko dito.

“Kasalanan ko kasi James eh. Kung noong una palan talaga ay pinakinggan ko na ang dahilan niya eh di sana masaya tayo ngayon. Kung noong nagpapagamot pa ako dahil sa cancer na ito ay kinaya ko pero ngayon di ko ata kakayani.” Pagpapaliwanag nito sakin.

“Kaya mo yan Rahj, dito lang kami sa likod mo. Susuportahan ka namin” sagot ko dito.

“Pero KAPATID KO YUN! DAHIL SAKIN KAYA SYA NAGKAGANUN!” ang sabi niya, tumaas na ang tono ng boses nya at medyo galit ata.

“Wag mo naman akong sigawan” sabi ko sa kanya.

“So-sorry” ang sabi nya tapos ay humarap sakin at yumakap na rin. Inihiga niya ang ulo niya sakin at umiyak. Umiyak lang siya ng umiyak.

“Sige, ilabas mo lang yan. wag mong dibdibin, baka magkasakit ka nyan sa puso” sabi ko dito. Kaya naman inilabas talaga niya ang saloobin niya umiyak na pparang bata siya.

“Naging masamang kapatid ba ako?” tanong niya sakin.

“Hindi naman ah, bakit mo natanong?” sagot kong tanong dito.

“wala naman, naisip ko lang, kasi siguro ito yung parusang bigay sakin ng Diyos” ang sagot nya sakin.

“Wag ka mag-aalala. Dito lang kami sa tabi mo” tugon ko dito.

“Salamat” sabi nya sakin at inihiga nya ulit ang ulo nya sa balikat ko.

Afte rnun ay napagpasyahan namin na matulog na. Magkayakap kaming natulog. Gusto ko iparamdam sa kanya na sinusuportahan ko sya sa kung anuman ang pinagdaaan niya ngayon.

“Thank you pala” banggit ko dito ng makahiga kami

“Salamat san?” tanong nya sakin.

“Kasi ikaw ang umako ng kasalanan imbes na ako. Ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit sya nabangga. Kung hindi sana ako agad nagwalk out eh di hindi sana sya mababangga” paliwanag ko dito.

“Hindi mo naman talaga kasalanan. Walang may kasalanan. Nagkataon lang nga siguro yung mga nangyari. Hindi natin kagustuhan iyon” paliwanag niya.

“Basta thank you” pagpipilit ko dito. Hindi na sya sumagot kaya naman hindi na ulit ako nagsalita.

Unti unti, pumipikit na ang mga mata ko. hanggang sa tuluyan na akong nakatulog na kayakap ay Rahj.

Nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw, pag-mulat ko ay kitang kong bukas ang pinto papunta terrace ng kwarto namin, at nandun si Rahj, nakaupo at nagkakape.

“Good Morning” bati ko dito.

“Good Morning din” sagot nya sakin.

“Sila Mama, andyan pa ba?” tanong ko dito.

“Andyan pa naman, bakit?” balik nyang tanong sakin.

“Wala naman, anong oras pala tayo babalik ng hospital?” tanong ko ulit dito.

“Hindi muna ako sasama, pupunta akong police station ngayon, gusto ko sana makausap si yvone bakit nya to nagawa at pati na rin si Ceejay” seryosong sagot niya sakin. Medyo nabigla ako sa kanyang sagot dahil mukhang gusto nga nya talang gawin iyo. Hindi na lang ako sumagot dahil alam kong hindi ko sya mapipigailan. Kilala ko na si Rahj, sya ang taong pagginusto hindi titigil hangga’t di nakukuha ang gusto.

“Samahan na kita, gusto ko rin silang makita at makausap. Anong oras ka ba pupunta?” mungkahi ko dito at tanong na rin.

“Mamayang 10am” sagot nya sakin.

“Good, then magluluto muna ako. Tawagin na lang kita pagkakain na, okay?” sagot ko dito, ngunit di naman sya sumagot kaya naman lumapit ako dito at tinapik. “Okay?” ang ulit ko dito.


“O-Oh sige” ang utal niyang sabi. Mukha ngang malalim ang iniisip kaya lumabas na muna ako para makapg isip siya ng ayos.

Naabutan ko naman si Mama na nagcha-cop na ng mga ingredients na lulutuin, mukhang filipino food ata ang lulutuin.

“Good morning po Mama” ang nakangiting wika ko dito.


“Good morning din. Aga mo atang nagising ah. Kamusta tulog niyo ni Rahj? Kamusta si Rahj?” sabi sakin ni Mama. Ka-aga-aga niratrat agad ako ng mga tanong. Bull’s eye agad ako. Di ko alam isasagot.

“Okay naman po tulog namin ni Rahj. Si Rahj naman po, ayun, nasa may terrace, nagkakape at mukhang malalim ang iniisip” sabi ko sa kanya.

“Naawa nga ako dyan eh, after nya gumaling mula sa sakit at maging stress-free na ulit ay bumalik na naman sa pagiging lungkutin simula kagabi.” Sabi ni Mama.

“Ako nga yin po eh, naawa na sa kanya. Hindi ko alam kung pano ko sya aaluin eh” sagpt ko naman dito.

“Kaya nga laking pasasalamat ko at dumating ka samin kasi minsan ay di ko sya natitingnan dahil na rin sa pagod.” Sagot ni Mama.

“Naku, wala naman po yun. Mahal ko po eh” ang nakangiting wika ko sa kanya. Tumingin sakin si Mama at ngumiti ng ubog ng tamis.

“Bakit po? may nasabi po ba ako?” ang tanong ko sa kanya.

“Wala naman, natutuwa lang ako at nakilala ka ni Rahj. Thank you talaga” ang sagot ni Mama sakin. Imbes na saumagot ay ngumiti lang ako dito.

“Tulungan ko na po kayong magluto, ano po ba ang lulutuin pala?” ang mungkahi ko dito.

“Pinakbet at adobo, dadalhin ko mamaya sa hospital” sagot ni Mama. “Sige po, ako na lang ang bahala sa pagluluto. Hindi po niyo natatanong na sararp na sarap ni Rahj dyan pag nagluluto ako sa bahay” sabi ko kay Mama.


“Talaga? Eh hindi nga kumakain ng gulay yan eh” sagot ni Mama sakin.

“Talaga po?” balik kong tanong dito..

“Hindi talaga kumakain yan, kahit anong gawin namin. Ayaw, ikaw lang pala ang solusyon” sabi ni Mama sakin.

“Siguro nga po. hahaha” sagot ko dito at tinulungan ko na nga magluto.

9 am kami natapos magluto. 1 hour before kami pumunta ni Rahj papuntang police station.

Naunang umalis sila Mama at Kuya Drew samin. Kaya kami na lang ang natira ni Rahj. Agad kaming kumain at nagready.

Habang nasa taxi kami ay hinawakan ko ang kamay ni Rahj na hangang ngayon ay nanlalamig.

“Ready ka na ba?” tanong ko dito.

“Me-medyo” sagot nya sabay ngiti.

Nakarating kami ng police station, at agadn namin kinausap yung jail guard. Pinapunta na kami sa waiting area. After few minutes tinawag na kami.

Nakita namin si Yvone na nakauspo na sa kabilang side. Only fiber glass lang ang divider namin at isang telepono lang ang nagiging medium namin para mapakinggang ang sinasabi.

“Yvone!” ang panimula ni Rahj.



Itutuloy...

PS: makgpakilala na sana kayong mga silent readers and authors. Malapit na ang ending nito. After ng mga conflicts ay climax na kasi then the ending. Please.