Friday, April 27, 2012

Sana

Hi, I'm James.

James of City of Manila. 18 years old. Single. At aminado ako sa sarili ko na, iba ako sa normal na mga lalake. Mga normal na lalakeng sa halip na naglalaro sa labas ng bahay, kasama halos araw-araw ang mga barkadang lalake at higit sa lahat kaibigan/kapatid/kasangga ang tingin lang sa mga kabarkadang lalake ngunit taliwas ito sa normal na buhay ng isang lalake.

Aminado ako sa sarili ko, bisexual/bakla/silahis, call anything you want me to call. I don't care. Di ko kelangan label-an ang sarili ko para ipakita sa tao kung ano ako. "Action speaks louder than voice" ika nga nila.

Once, I fell inlove with a girl named Nicole, she's pretty, no doubt. Mula elementary magkakaklase na kame. Alam niyang may gusto ako sa kanya. At sa tingin ko, gusto din nya ako dahil nung pumunta kami ng mga classmates ko (we're 7 in the class during elementary, 5 girls 1 boy-its me- and 1 gay). Nangyari kasi, napagpasysahan namin na mag-rest na muna kasi super pagod na kame from kulitan, laughing, asaran, laro at kung anu-ano pa. Magkatabi kami sa kama, and all of a sudden, niyakap niya ako. Nilapat pa niya yung mukha niya sa likod ko. That time, I feel like I'm on heaven. Yung crush ko yakap-yakap ako. I was like, "Shit!" Pero ako lang ata yung naging assuming, parang wala lang sa kanya yung. Sabi ko sa sarili ko, 'okay, baka mali lang interpretation ko'

Alam nyo ba yung feeling na, gagawin mo ang lahat para lang sa mahal mo, Yes, you read it right, that time, alam ko sa sarili ko mahal ko na siya, pero lahat ng yon ay gumuho/nawala na parang bula nung 2nd(second) year high school na kame. Naki-text ako sa kanya kasi kelangan ko mag-reply kay Mama, may ipapabili sana ako sa kanya. Without my consent, she texted my mother na "Ma, bakla po ako", "Ma, sorry po bading na bading ako". She's pretending to be me when she texted my mom. Noong umuwi mama ko, she's so angry with me, gulong gulo ako nun kung bakit, tapos pinakita niya sakin yung mga messages na nareceive nya. Sobrang tinanggi ko yun kasi di naan talaga ako yun. Pero parang di na niwala sila Mama at first pero kalaunan naniwala din. she decided to bring it to guidance counselor namen to teach her a lesson. Pumunta si Mama ng school, so lumikha yun ng bulung-bulungan sa mga schoolmates ko, narining ko na lang na kaya daw pumunta mama ko kasi daw, binasted daw ako ni Nicole nung sabihin kong gusto ko sya. What a jerk I said to myself. Para silang mga tanga lang.

So kinausap na siya, parang di sya seryoso nung pinagsabihan. That time, wala, wala na talagang pag-asa. kala ko sya na pala sakin pero nagkamali ako. Mula nooon di ko na sa pina-pansin pa. Hanggang sa nag-third year high school na kame ay nag-transfer na sya ng school sa America.

Nasabi ko sa sarili ko, di na ko magpapakita ng motibo kahit na kaninong tao kapag gusto ko. Pero I was all wrong, nakilala ko si Allan, one year ahead ako sa kanya so junior ko sya. Gwapo, makulit, mabait, matulungin. DUon ko lang narealize na I'm attracted to both sex. Intrams namin non, magkagroup kame, very much appreaciated ko yung mga pakitutungo nya saken. Pero sa di inaasahang pagkakataon(galing talaga magbigay ni lord na kaibigan) sinabi ng classmate ko kay Allan na crush ko sya. Mula noon, di na nya ako pinansin totally hanggang mag-graduation kame.

Don ko lang napatunayan na mali talaga na sabihin mo directly sa crush mo na gusto mo sya at sabihin mo sa mga friends mo na crush mo yung tao.

Hanggang sa naging bitter na ako sa mga taong nasa paligid ko. 1st year college ako ng maging iba ang personality ko, at napapansin na to ng magulang ko, ilang pinsan ko, kapatid ko at mga classmates ko.
Lage akong iritable, madaling maasar, lageng mainitin ang ulo. Sa parents ko naman, sumasagot na ko sa kanila, di ko sila iniintindi.

Sa sarili ko naman, wala na akong pakialam, bahala kung malipasan ng gutom, bahala kung matuyuan ng pawis, bahala na, Puro bahala na.

One more thing, ayaw na ayaw ko rin ng mga romantic movies, kasi lumalabas yung isang inferiority complex ko. Yung tipong sisisihin ang sarili bakit ako naging ganito, bakita ako naging bisexual. kung sanang naging isang straight na lalake lang ako eh di sana masaya SIGURO ako ngayon. Lagi kong sinasabi, buti pa sila, masaya, buti pa sila nakukuha ang mga gusto, buti pa sila supported by their parents, buti pa sila pumapasok sa school nila, buti pa sila nakuha nilang ang kursong gusto nila, buti pa sila may taong nagmamahal sakanila. Handang ipaglaban, handang mahalin ng walang kapalit. Eh ako, bakit di ko nakukuha ang gusto ko? bakit di ako supported ng parents ko sa gusto kong mangyari, bakit walang isang taong nagmamahal sakin, walang taong nagpaparigodon ng puso ko sa tuwing nakikita ko, sa tuwing nakakausap ko. Naisip ko minsan, magpakamatay na lang kaya ako, nasa kusina lang naman yung pagkain ng daga. nasa may cabinet lang naman yung baygon, nasa may CR lang naman yung muriatic acid. Pero di ko naman magawa-gawa. Kasi hanggang ngayon umaasa ako na sana, sa bilyun bilyong tao sa mundo na nabubuhay, sana isa sa kanila ang ipaglaban ako para makasama.


No comments:

Post a Comment