Sunday, April 22, 2012

Ako'y Sa'yo at Ika'y Akin chapter 18


Thank you po sa mga bumabasa nang aking likhang story.


Salamat po samga nagcko-comment na readers ang nagbabasa at sa mga nagrate at nagvote. :]]]


Kay Clyde po- Sorry na. Di ka na namin aasarin ni Jordan. Promise! Si Jordan kasi, pasimuno. Ayan, nagtampo si Clyde. SORRY talaga!


Don’t forget to to add me on FACEBOOK/TWITTER.

Nakatuyo ng utak itong chapter na to. Grabe. Nag umpisa ako ng 8am sa paggawa at ngayon lang ako natapos 5pm. Tae. Sana magustuhan niyo.


Thanks.


Enjoy!


=================

RAHJ’S POV
3 months, 3 weeks and 4 days. The exact time na nag tagal kami sa New york for my chemotherapy session. And today, sa aking 5th day dito sa hospital, finally, I can say na malaya na ulit ako mula sa mga kemikal, doktor at mga nurse. Salamat at na discharge na rin ako at pwede na kaming makauwi ng Pilipinas.

Dumaan muna kami sa isang cathedral dun para makapag dasal na rin at makapagpasalamat sa Panginoon.

“Panginoon, muli, ako po ay nagpapasalamat dahil binigyan nyo po ako ng isa pang buhay na magagamit ko sa pang-araw-araw. Maraming salamat po dahil hindi niyo po ako binigo, salamat po at amy mga taong dumamay sakin when I’m dying.” Huminga muna ako saka ko pinagpatuloy. Nilakasana ko na ang mga sumunod kong dasal para marinig rin nila Mama.

“Salamat po kasi, May Mama ako na laging andyan para suportahan ako. Meron akong Ina na laging gumagabay sakin simula pa pagkabata. Meron ang Ina na tumatama sa pagkakamali ko. Meron akong Ina na handa akong tanggapin kahit ano pa man ang piliin kong sekswalidad. Nagpapasalamat po ako dahil binigyan niyo ako ng isang Ina na mapagmahal, handang damayan ka, sinusuportahan ka lagi at handang isakripisyo para samin ni Kuya” pagkatapos kong sabihin iyon ay tumingin ako kay Mama at ngumiti. Kita sa kanyang mata na nangingilid ang kanyang luha.

“Pangalawa po, salamat po dahil May Ama po akong nasa tabi ko para alalayan sa tuwing tatayo ko para pumunta ng CR. Meron akong Ama na handang akuin ang aking sakit para lang hindi ako masaktan sa bawat session ko. May ama akong tinanggap niya ng buong pagkatao kung ano at sino ang mahalin ko. Kaya po laking pasasalamat ko dahil May isa akong ama na masasabi kong mahal na mahal ako”

“Pangatlo, si Kuya Drew po. siya lang ang taong naging kasangga ko sa buhay pagdating saaming mga kalokohan, pinapayuhan kapag may problema ako at higit sa lahat at taga salo ng mga responsibilidad ko sa bahay kapag wala ako sa wisyo na gawin iyon. Kaya po thankful ako kasi May isa akong Kuya Drew na kayang intindihin ang pagiging baliw ko.”

“Huli po ay...”

“Salamat po dahil dumating si James sa buhay ko. kundi po dahil sa kanya ay hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na magpagamot dito sa New york at hahayaan ko na lang ang sarili ko na mamatay. Sa lahat po ng pagkakataon ay nandiyan siya para alalayan ako, suportahan at mahilin ng walang hinihinging kapalit sakin.”

“Sana po ay pagpalain niyo silang lahat sa mga kabutihang nagawa nila.Yun lang po. Amen” ang pagtatapos ko sa aking dasal. Umupo muna ako katabi ni Mama sa kanan at si Papa sa kaliwa tapos inakbayan nila akong dalawa.

“Maraming salamat din kasi ginawa mo lahat ng pagtitiis para lang gumaling ka.” Ang nakangiting sabi ni Papa sakin.

After namin sumimba ay dumiretso na muna kami sa  isang hotel. Dito muna kami mamalagi ng isang linggo bago bumalik ng Pinas since sabi ng doktor ay bawal ako agad bumiyahe. Everyday din ay pupunta ang doktor ko sa hotel para magkaroon ng follow up check ups.

Nothing really happen during the first day of our stay sa hotel except na lang ang pagpunta ni Yvone sa hotel na tinutuluyan nanaman. Buti umalis na si James papuntang work nya kundi giyera na naman ang dalawang iyon pag nagkita. Hindi ko na talaga alam kung pano ispelingin itong si Yvone para maintindihan niya na si James na ang mahal ko at kahit kailan ay wala na syang babalikan pa sakin.

“Hi. Good afternoon Rahj!” ang bati sakin ni Yvone after nya makapasok sa room namin. Ang kasama ko sa room ay si Kuya at Papa lang.

“Hello” ang bati ko sa kanya. Simpleng bati na di ko binigyan ng emosyon.

“Oh, bakit parang bad mood ka ata? Bakit, ano ginawa sayo ni James at ganyan ka? Don’t tell me nakita mo na syang may ibang lalake?” ang sunod-sunod na tanong sakin ni Yvone. At ikinagulat ko ang huling tanong nya.

“Anong ibig mong sabihin na may ibang lalake?” ang tanong ko naman sa kanya.

“Wala naman. Don’t mind it.” Ang nakangiting tugon ni Yvone.

“Oh heto, prutas. I heard favorite mo daw yan” sabi nya sabay abot ng mga prutas.

“Salamat”

“Ano pala atin?” ang di ko naiwasang maitanong sa kanya.

“Wala naman. Napadaan lang. Gusto ko lang ikaw makita” ang sabi niya sakin na nakangiti.

“Ah ganun ba. Oh nakita mo na ko. pwede ka na siguro umalis?” ang pagpapahayag ko ng gusto ko mangyari but in a “polite” way.

“sige, aalis na ko. nadala ko na naman ang mga prutas na yan” ang pagpapaalam ni Yvone saka siya naglakad papuntang pinto. Nang papalabas na sya ng tuluyan, lumingon muna sya sakin at saka nagsalita.

“Ah Rahj”

“Yep?” ang tugon ko

“Nasa huli ang pagsisi” pagkasabi nya ay bigla syang ngumiti at saka tuluyang umalis.

“Wait-“ tatanungin ko sana sya kung ano ibigsabihin nya pero tuluyan na nga syang nakalabas ng kwarto. Nang tumingin naman ako sa direksyon nila Kuya at Papa ay parehas sila nakatingin sakin na parang nagtatanong.

“Wait, wag nyo ko tingnan ng ganyan. Di ko rin alam ibig nyang sabihin.” Ang pagpapaliwanang ko sila.

Kahit anong isipin ko ay wala akong maapuhap na pwedeng dahilan kung bakit nya nasabi yun. Alam ko may gusto syang sabihin pero di nya ginawa kundi nagpahaging lang sya. Dumaan ang ilang oras ay nananakit na ang aking ulo sa kakaisip kung bakit nya sinabi ang mga salitang iyon. Sino kaya ang tintukoy niya. Hanggang sa gumabi na at dumating na sila Mama pati na rin si James. Kinalimutan ko muna iyon pansamantala para naman magkaroon kami ng bonding nila Mama.

Kagaya nang dati. Sabay sabay kaming nagdinner. Syempre filipino foods ang nakahanda since 3months na rin akong puro american foods ang binibigay sakin bilang pagsunod sa diet plan na binigay ng dietician ko. after namin kumain ay nagpahinga kami sa salas at nanuod ng pelikula. After a while, nauna na natulog sila Mama at kaming dalawa na lang ni James ang natitira sa salas.

“James” ang pagtawag ko sa kanya.

“Bakit?” ang nakangiting sagot nya sakin.

“Pwede ba akong bumisita sa resto na pinagta-trabahuhan mo? Para na rin makita ko si Joriz na tumulong sayo saka para narin makapagpasalamat ako sa kanya” ang pagpapaalam ko sakanya.

“Ah. Ehh.”

“Kaw bahala, kelan mo ba gusto pumunta” ang parang napilitan lang na pagpayag ni James sa hiling ko.

“Kapag available ako pupunta ako dun.” Ang sagot ko sa kanya.

“Sige” ang sabi nya saka ngumiti.

Siniksik ko ang kanang kamay ko dito saka niyakap sa bewang nya at inihilig ko ang aking ulo sa kaliwang balikt niya.

“Alam mo, namiss ko tong pwestong ito.” Ang paglalambing kong sabi sa kanya.

“Eh ako, hindi mo namiss?” ang tanong naman ni James sakin.

“Hindi” ang mabilisan kong sagot.

“Ah ganun, geh tanggalin mo na yang kamay mo sa bewang ko, bahala ka mag-isa sa kwarto mo matulog” ang mabilisan niyang sagot.

“Hindi kita miss, kasi miss na miss na miss na miss kita. Sobra!” ang sagot ko naman sa kanya.

“Ewan ko sayo.” Ang tampu-tampuhan niyang sagot sakin.

“hala, nagtampo ang bata” ang sagot ko sa kanya saka ko sinudot ang kanyang tagiliran dahil alam kong malakas ang kiliti niya dun.

“eh! Rahj. Ang gulo mo”

“Bolero ka na nga ang kulit mo pa” ang saway nya saki.

“Eh di ba yun nga nagustuhan mo sakin. Arrruuuiii” ang pang-aalaska ko pa sakanya

“He! Daldal mo!” ang saway nya ulit sakin.

“Eh ikaw ba, namiss mo ko?” ang tanong ko naman sa kanya matapos kaming magkulitan.

“Actually, Oo” ang sagot nya.

“Ayyiee, namiss ako ng mahal ko.” ang parang bata kong sagot sa kanya.

“Pero ngayon hindi na” ang dugtong niyang sagot sakin.

“Anong hindi na?” ang medyo napataas kong tanong sa kanya.

“Hindi na. As in di na kita namimiss” ang sagot niya.

“Kasi katabi na kita ngayon. HAHAHA” ang sabi niya sabay tawa ng malakas. Pati rin ako ay natawa sa kalokohan niyang iyon.

“Pero seriously, miss na kita. Miss ko na ang yakap mo, ang paglalambing mo, ang noo mo, ang ilong mo, ang mga mata mo at ang halik mo. Miss ko na ang buong ikaw.” Ang seryoso kong sabi kay James. Natigil naman si James sa kanyang pagtawa kanina pa. At nagseryoso din ang kanyang mukha.

“Kaya naman mahal na mahal kita eh, kasi ang lakas mong makahirit sakin. Alam mo ba yun?” ang sabi sakin ni James.

Unti-unti ay naglalapit ang aming mga mukha. ang aming mga ilong ay naglapat at nagkiskisan ang dulo ng aming mga ilong na parang isang kalapating naglalambingan. Parang mga swan na naglalambingan sa ibabaw ng tubig. Unti unti ay lumalapit ang aming mga labi sa isa’t isa hanggang sa...

“Ehem!”

“Wag naman kayong gumawa ng kahalayan dito sa salas. Kung gusto nyo sa kwarto niyo na lang. Saka, magpatulog naman kayong dalawa. Antok na ko!” ang pagbasag samin ni Kuya Drew sa namumuong tensyon ng aming katawan ni James.

Nagkatinginan kaming dalawa ni James at sabay na napatawa dahil sa sinabi ni Kuya Drew. Hindi namin kasi akalain na ganun ang magiging reaction niya ni Kuya. Bumalik na si Kuya Drew sa kwarto niya at naiwan parin kaming dalawa ni James sa salas. Napagdesisyunan na namin na sa salas na lang matulog dahil maganda ang palabas na pelikula sa Star Movies. Magkatabi kami ni James na nakahiga. Iginaya ko ang kanyang ulo patungo sa saking braso para gawin niyang unan. May laman naman iyon dahil sa swimmer ako sa school namin. Kaya hindi sya mahihirapan na ihiga ang ulo nya duon. Natuwa naman ako sa ginawa ni James. Tumagilid ito sakin at saka niyakap ang aking dibdib.

“Payakap huh, hindi ako sanay na walang dantayan eh.” Ang natatawang pagpapaalam niya sakin.

“Sige lang” ang nakangiting wika ko sakanya.

Habang nanunuod kami ng pelikula ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

===============
JAMES’ POV

Habang nanunuod kami nang pelikula ni Rahj ay di ko na namalayan na una napala syang nakatulog sakin. Sa pagkakataong iyon, nagkaron ako ng lakas ng loob para ilabas ang bigat na bumabagabag sakin.

“Alam mo Rahj, sana noon palang, nagkabati na kayo ni Migs para hindi na sana ako nahihirapan pang itago sayo na nakilala ko na ang bestfriend mo turned to be your mortal enemy dahil kay Yvone. Hindi naman kita kasi masisisi kung magagalit ka sakin pag nalaman mo pero sana pagnalaman mo hayaan mo akong ipaliwanag ang side ko. gusto ko lang naman sanang ibalik ang dating meron kayo ng bestfriend mo na parang tinuring mo na ring kuya.” Huminga muna ako ng malalim saka nagpatuloy.

“Rahj, hindi ko na alam kung pano ko pa ito itatago sayo. Tapos si Yvone, andyan pa. Hindi ko alam kung pano sya mapapaliwanagan. Lagi na lang syang nanggugulo ng may buhay ng may buhay. Tulungan mo naman ako.”

“Ipapaliwanag ko naman sayo lahat kung makikinig ka lang sakin. Sana pakinggan mo ako.” Ang pagtatapos ko nang paglalahad ng saloobin ko sa kanya.

Pagkatapos nun ay tiningnan ko siya. Sarap na sarap sa pagtulog. Kala mo parang walang problemang pinagdaanan. Lumapit ako dito at saka ko sya hinalikan sa kanyang noo. After non ay napgdesisyunan ko na rin matulog.

=================
Kinuha ko ang aking phone para sana tumawag sa mga rescue team pero walang signal, kitang-kita nang mga mata ko ang panghihina ng mga taong kasama namin sa naaksidenteng tren. Nakakapnlumo na sa ganitong pangyayari lang kami mamamatay. Pero nakita ko si James na tumutulong sa ibang mga naaksidente kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob para pamunuan ang lahat para pare-parehas kaming maligtas. Ilang araw na rin ang lumilipas pero unti-unting tinatanggal ng Diyos ang pag-asa namin dahil wala paring rescue team ang dumadating para tumulong. Ang mga tubig at pagkain na aming naipon ay konti na lang natitira. Hanggang sa...
=================

“Hoy James, gumising na kayo dyan” ang narinig kong pagtawag samin ni Mama dahilan para magising ako sa pagkakatulog.

“Good morning po” ang nakangiting wika ko dito.

“Bakit dito kayo natulog ni Rahj. Baka kayo magkasakit dyan sa ginagawa nyo.” Ang pagka-aga-agang sermon ni  Mama sami.

“Pasensya na po. hehe”

“Dito po kami inabot ng antok ni Rahj kakapanuod” ang palusot ko sa kanila pero yun yung totoo talaga

“Naku Mama, namiss lang nyang dalawang yan ang isa’t isa kaya dyan na nakatulog, pagbigyan mo na” ang sabat naman ni Papa sa usapan namin dalawa.

“Naku, kayong dalawa talaga” ang parang batang sabi samin ni Mama.

After nun ay ginising ko na si Rahj sa pagkakatulog. At halatang hindi na sanay magpuyat ang kumag dahil pasuray suray itong parang lasing habang inaalalayan kong pumunta sa kwarto namin dalawa para doon na nya pag patuloy ang pagtulog.

“Hindi ka ba magbe-breakfast kasabay namin?” ang tanong ko sa kanya ng maihiga ko ito sa kama. Pero wala man lang naging sagot siya. Kaya naman kiniliti ko ito para magising sa katotohanan.

“Hoy! Ang sabi ko kung hindi ka ba sasabay na magbreakfast samin?” ang pag-ulit ko ng tanong ko.

“Hi.. hin..di na..” ang antok na antok pa nyang sabi.

“Di naman halatang puyat eh no?” ang pang aasar ko dito.

“Namiss ko kasi ang matulog nang mahaba kaya susulitin ko na muna pansamantala habang di pa ako nakakabalik ng Pinas” ang sabi ya sakin.

“Sige tulog ka na muna ulit. Papasok na ko.” sabi ko sa kanya at saka tumalikod.

“wait” ang pahabol niya

“Bakit? Male-late na ko” ang sabi ko sa kanya.

“Kiss ko” ang pupungas niyang sabi sakin. Napangiti ako sa kanyang sinabi kaya lumapit ako dito.

“Kaw talaga” ang sabi ko dito at saka nillapit ang aking labi sa kanyang noo. Pero umangat siya kaya sa labi niya ako napahalik. Masyadong mapusok ang ginawa niyang paghalik. Hanggang sa namalayan ko na lang na gumaganti na rin pala ako sa kanyang paghalik. Ako na mismo ang kumalas sa aming halikan dahil baka sa kung saan pa ito mapunta.

“Kaw talaga, hilig mong mambigla. Mamaya makita pa tayo nila Mama nakakahiya naman” ang pagsesermon ko sa kanya.

“Asus. Nagustuhan mo naman diba? Hehe” ang sabi nya sakin at saka napahagikhik.

“Eh kung itong swelas ng tsinelas ko ang  ipahalik sayo. Magugustuhan mo kaya? Tumulog ka na nga lang ulit!” ang pagbabanta ko sa kanya.

“Opo, tutulog na ulit” ang pagsuko nya sakin.

“Bye, ingat ka. I Love you” ang sabi nya sakin.

“Pahinga ka lang huh. Wag muna gumala. I love you too” ang pagpapaalam ko sa kanya.

After noon ay dali-dali akong nag intindi nang sarili para hindi ako mahuli. Dahil paniguradong masesermunan ako ni Joriz kapag na late ako kahit isang minuto lang. Nakatikim na ako dati ng sermon dito nang maabutan niya akong kakadating lang at pansin kong wala siya sa mood nang araw na yun kaya naman nasungitan ako ng bruha kong ka-klase. Palibhasa walang lovelife kaya parang laging meron kapag kinakausap mo minsan.

Buti naman, pinagpala ako ng Diyos ngayong araw dahil 10 minutes before 9am ay nakadating na ako sa resto. Naabutan ko naman sila na abalang nag-aayos sa labas kaya naman dali dali akong pumunta ng locker room at nagpalit ng uniform saka bumalik.

“Hoy, balita ko magaling na daw yung partner mo mula sa leukemia.” Ang sabi sakin ng isa kong kaibigan dun. Nasabi ko na rin kasi sa kanila na isa akong bisexual at hindi na sila gulat don. Hindi nga lang makapaniwala na ganun ako dahil malayo DAW sa itsura ko.

“Oo. Thank GOD at magaling na nga siya.” Ang nakangiti kong pagsagot sa kanila.

“Pakilala mo naman kami sa kanya minsan para naman makita namin” ang sabi sakin ni Eunice na katrabaho ko. isang fil-am na gaya ko ay in-need din sya ng trabaho dahil sa ayaw niyang umasa sa parents nya kahit na mayaman naman sila.

“Sige ba. Basta pag available sya at pag pwede. Pinagbawalan ko kasing gumala baka kasi mahilo mahirap na” ang sagot ko naman kay Eunice.

“Sige” ang sabi sakin ni Eunice at saka kami bumalik sa pagaayos ng resto.

Napansin ko naman na papalapit si Migs kaya binati ko ito. Ganun parin naman kami kahit na nagtapat sya na gusto niya ako. Pero hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya dahil mahal ko si Rahj at lalong ayaw ko syang patulan dahil bestfriend siya ni Rahj.

“Good morning din” ang masayang bati ni Miguel sakin.

“Saya natin ngayon ah” ang pagpansin ko naman sa kanya. Lumapit ito sakin at saka bumulong.

“Syempre dahil sayo” ang sabi niya na ikinabigla ko naman. Tiningnan ko ito sa kanyang mga mata at mukhang seryoso sya sa kanya sinasabi. Kaya naman nagpaalam ako sa kanila na mag-CR lang ako.

Agada akong pumunta ng CR para makaiwas kay Miguel, naasiwa tuloy ako sa kanya sinabi. naconscious tuloy ako. After ko mag-wiwi ay dumiretso ako sa washing area. Bago pa man ako matapos sa paghuhuga, ay bumukas ang pinto ng CR at pumasok si Miguel. Pinakiramdaman ko muna siya sa kanyang ginagawa. Ater nya umihi ay lumapit sya sa washing area para maghugas ng kamay(proper etiquette after umihi ng isang lalaki ay ang paghugas dapat ng kamay).

“totoo ang sinabi ko sayo kanina. Dahil sayo kaya ako masaya” ang seryosong sabi ni Migs sakin habang nakatingin sa salamin.

“Pero mali yun diba. Hindi kita mahal at hanggang kaibigan lang ang turing ko sayo. Kaya sa iba mo na lang ibaling ang pagmamahal mong iyan” ang sabi ko sa kanya.

“Pero diba pumayag ka na ligawan kita?” ang tanong nya sakin na ikinabigla ko. naalala ko na pumayag nga pala ako sa gusto niyang panliligaw sakin.

“Hindi. Gulong gulo lang ang isip ko nang mga oras na yun kaya nasabi ko yun sayo Miguel. Pasensya na” ang sabi ko sa kanya at agarang lumabas ng CR.

Dumiretso agad ako sa kusina para abangan ang mga orders na dadalhin sa customers para na rin makaiwas sa kakulitan ni Miguel. Nawala talaga sa isip ko na pumayag nga pala ako sa kagustuhan niya na magpaligaw na rin. Grabe, ang tanga mo lang James! Sisirain mo ang tiwal sayo ni Rahj pag nalaman niya ito! Sabi ng isang side ng utak ko. Bahala na talaga si Batman, yan lang ang nasabi ko sa sarili ko after ko marealize ang katangahan ko.

Naging smooth naman ang takbo ng buong araw ko dahil minsanan na lang ulit niya ako kung kausapin. Lumipas pa ang 3 days at nalalapit na kami sa pagbabalik namin sa Pilipinas. Kaya naman sinabihan ko n sila na uuwi na ko ng Pilipinas dahil tapos na yung dahilan ko para magstay pa dito sa America. Nakita ko naman na lumungkot bigla si Miguel. Nang makita ko syang ganun ay parang biglang kumirot ang puso ko dahil naging malapit ko na rin syang kaibigan. Simula ng dumating ako sa resto na yun ay sya na ang naging mentor ko sa pagwe-waiter kaya mahirap din naman para sakin na iwanan sya. Pero sabi nga nila. Some good things lasts. At isa sya sa mga magandang memory na kelangan kong iwanan para magpatuloy sa buhay na pinili ko.

“Ay naku. Ma-mimiss ko yung isang tao dyan” ang sabi ni Miguel. Alam ko namang ako tinutukoy niya eh.

“Salamat talaga Miguel sa lahat huh. Kundi dahil siguro sayo di ako makaka cope sa mga trabaho dito sa resto ni Joriz”

“Saka sa inyo rin guys, thanks talaga. Kayo lang ang naging sandalan ko habang may pinagdadaanan ako” ang pagpapasalamat ko sa kanila. Yumakap sakin si Miguel siguro dala na rin ng emosyon kaya nya yun nagawa.

“Kayo huh. Masyadong sweet. Kung wala lang partner tong si James baka paghinalaan pa namin kayong dalawa na magjowa” ang pagpansin samin ni Eunice.

“kaw talaga Eunice. Kung anu-ano napapansin mo” ang pagbasag ko naman sa trip ni Eunice na asarin kami neto.

“haha. Biro lang.”

“So dapat may despidida party ka bukas dahil sa Saturday na pala balik nyo” ang sabi naman ni Eunice.

“oo nga! Good idea yan” ang pagsang-ayon naman ni Joriz kay Eunice.

Kaya naman pinagplanuhan namin ang aming gagawin para bukas after ng trabaho namin. After nun ay napgdesisyunan na namin umuwi. Naunang umalis na si Miguel dahil may kelangan pa syang gawin. Habang nasa may dinning table kaming lahat at nag-uusap ay biglang may isang taong dumating sa resto at hinahanap ako.

“Hoy! Di nyo naman ako pinapakinggan eh” ang pagtawag ko sa kanila dahil nagkukwento pa ako tungkol sa buhay namin sa Pinas. Nakatalikod ako sa main entrance ng resto kaya hini ko nakikita kung sino yung tinitingan nila.

“Good evening. Nandito ba si James? Justin James Castillo?” ang tanong nang isang pamilyar na boses. Lumingon ako dito at nabigla kung sino.

“Rahj?” ang sabi ko dito. Sinabihan ko nang h’wag gagala lalo na pag gabi dahil baka sipunin. Nakakaasar talaga.

“James!” ang masayang pagtawag nya sakin sabay lapit samin.

“Ano ginagawa mo dito?” ang tanong ko sa kanya.

“Susunduin kita. Saka para makita na rin yung resto na pinagtratrabahuhan mo. Saka para makita na rin yung mga tumutlong sayong loko ka” ang nakangiting wika niya.

“Ikaw talaga. Sinabihan na kita na wag kang-“ ang naputol kong sabi dahil biglang may nag “EHEM!”

“Hindi mo ba kami ipapakilala?” ang tanong sakin ni Eunice. Nakangiti pa na nakakaloko ang bruha.

“Ah. Eunice, Joriz, Kurt and Than, this is Rahj, my, uhm.. uhm” ang di ko masabing boyfriend dahil wala akong maapuhap na tamang term. Pero agad na nagsalita si Rahj.

“...his boyfriend” ang nakangiting wika ni Rahj. Napatingin naman ako sa kanya after nya sabihin iyon na walang pag-aalinlangan

“Ayyie! Kinikilig ako. Hahaha” ang sabi ni Eunice after makumpirmang si Rahj ang tinutukoy ko na partner ko.

“Jackpot ka James. Ang gwapo ng boyfriend mo-“ ang naputol na pagsasalit ni Eunice dahil tiningnan ko ito ng masama.

“..I mean partner. Hehe” ang pagkaklaro niya.

“Kung ako sayo wag mo na sya pakawalan. Dahil pag pinakawalan mo yan ay kukunin ko. haha” ang malanding sabi ni Eunice.

“Sige subukan mo papakain ko sayo yang mabalahibo mong jacket” ang sabi ko dito dahilan para mapatawa silang lahat.

“ito naman, parang di na mabiro. So Hot mo lagi”

“Andito lang yung “PARTNER” mo naging masungit ka na” ang sabi ni Eunice tapos tumawa ng malakas

“Kaya nga nagustuhan ko si James kasi napakasungit. Very challenging” ang pagsakay naman ni Rahj sa biro ni Eunice.

“Sumakay ka naman sa biro?” ang parang ewan ko lang na sabi sa kanya. Ngumiti na lang ito sakin.

“I heard naging successful ang chemo mo.” Ang pagsabat ni Joriz sa usapan namin.

“Yep!” ang nakangiting wika ni Rahj.

“By the way. I’m Joriz. James’ classmate since elementary at his employer” ang nakangiting wika ni Joriz kay Rahj.

“Oh, so you’re Joriz. I heard a lot from you from James. Very thankful ako na tinutulungan mo sya. Thank you sa pagpasok sa kanya dito sa resto mo. It really mean so much to me.” Ang pagpapasalamat ni Joriz. Napangiti naman si Joriz sa sinabi ni Rahj kaya tumingin ito sakin.

“What?!” ang pagpansin ko sa tingin ni Joriz sakin.

“Who would have thought na siya lang pala ang hinihintay mong tao na makakapagbago sayo James. Napakabait netong si Rahj para mapunta sayo.” Ang sabi ni Joriz.

“What do you mean?” ang tanong ko naman dito.

“Lagi ka na lang masungit dati, parang you against the world ang drama mo dati. Pero ngayon, lagi kang nakangiti dahil may isang tao ka palang pinanghuhugutan ng lahat ng iyon. I’m really porud of you James. Ang layo na ng narating mo” ang sabi niya sakin. Kaya naman napangiti ako sa sinabi nya.

“talagang malayo na narating ko. Pinas to America. Hello, ilang kilometro kaya yun?” ang pang-aasar ko kay Joriz.

“Ay naku. Wala paring pinagbago ang pagiging pilosopo mo. Don’t make it literally unggoy ka!” ang sabi sakin ni Joriz.

“Butiki ka. Ang yaman mo na nga sa Pinas tapos magnenegosyo ka pa dito sa America. Grabe lang huh” ang pang-aasar ko dito. Bumabalik lang ang asaran namin dalawa ni Joriz simula elementary kaya kami nagkakaganito. Ang mag-asaran ang pumapawi sa aming emosyon. Nakakamiss din kasi siya kahit na parehas kaming magulo.

“Pero seriously, mamimiss ko kayo lalo kana Joriz butiki” ang sabi ko sa kanila at saka ako napayakap kay Joriz.

“Mamimiss din kita unggoy ka” ang sabi ni Joriz. Nakaka-iyakk lang na in a matter of two days ay aalis na ako pabalik ng Pinas.

“Ay naku, itigil na natin tong drama na to” ang pagputol ni Rahj sa dramahan namin.

“Isa ka pa unggoy ka. Putulin ba naman moment namin” ang sabi ko naman kay Rahj.

“Unggoy ka dyan. Mahal mo naman. Haha” ang sabi ni Rahj sabay tawa na nakakagago, dahilan para matawa din kami.

“Sige, alis na kami. Bukas na lang ulit. Saka salamat pala sa inyo” ang pagpapaalam ko sa kanila saka pagpapasalamat na rin.

“Sige. Ba-bye na” ang sabi ni Joriz.

“Kaw Rahj huh, ingatan mo yang si James. Kahit engot yan mahal namin yan. kaya alagaan mo huh” ang pasigaw na sabi ni Joriz kay Rahj.

“Roger that boss!” ang nakangising sabi ni Rahj.

“Wag na kayo pumunta sa kung saan saan huh. Baka kung san mo pa dalhin yang si James magkaron pa kami ng inaanak ng wala sa oras!” ang sigaw naman ni Eunice habang papalakad na kami.

“Baliw ka talaga Eunice. Kung magka-anak man kami wag ka nang aasa na kukuninkita ninang. Baka mahawa pa sa pagiging madaldal mo!” ang sagot ko naman dito.

“Baliw ka talaga!” ang sigaw ni Eunice sakin.

Dina ko sumagot pa sa kanya. Dahil alam kong hahaba pa ang usapan. Kayanam naglakad na kami ni Rahj pabalik sa tinutuluyan namin. Its just 4 blocks away from the resto so malapit-lapit lang. Wala na kaming pakialam kung sino pa makakakita samin na mag holding hands dahil gabi na naman at saka liberated naman dito kaya okay lang. HAHAHA.



Itutuloy...



No comments:

Post a Comment