Thank
you po sa mga bumabasa nang aking likhang story.
Salamat
po samga nagcko-comment na readers ang nagbabasa at sa mga nagrate at nagvote.
:]]]
Pakiusap sa mga silent readers and anonymous, baka pwedeng
magpakilala na kayo para mapasalamatan ko kayo sa nalalapit na pagtatapos ng
estoryang ito. Thanks.
Don’t
forget to to add me on FACEBOOK/TWITTER.
Nakatuyo
ng utak itong chapter na to. Grabe. Nag umpisa ako ng 8am sa paggawa at ngayon
lang ako natapos 5pm. Tae. Sana magustuhan niyo.
Thanks.
Enjoy!
=================
JAMES’ POV
I’m a bit nervous dahil today is
my despida party. Nakakalungkot man isipin na ngayon ang huling araw na makakasama
ko ang mga kaibigan ko na naging sandalan ko sa ilang buwan kong paninirahan
dito sa America. Sigurado ako mamimiss ko silang lahat. At syempre si Joriz at
Miguel na sobrang naging malapit sakin noong nagsisimula pa lang ako sa
pagtratrabaho dito sa restaurant.
“Pwedeng pumunta sa party mo
mamaya?” ang nakangiting tanong sakin ni Rahj.
“Di pwede eh” ang sagot ko naman
sa kanya.
“Aaaayyy?” ang mahabang tugon
niya na parang bata kung makasagot.
“Ay ka dyan. Di ka naman
empleyado dun no saka ano gagawin mo dun. Baka ma-OP ka lang. Atsaka, wala ka
naman dun kakilala, sino kakausap sayo dun?” ang suhestyon ko sa kanya.
“Para san pa at naging gwapo ako
at malakas ang appeal. Eh di kakausapin ko mga kasama mo dun. Isa pa, alam ko
namang mas gusto nila ako kausap kasi suplado ka. Hahaha” ang sagot ni Rahj
sakin sabay tawa ng malakas.
“Eh para san pa tong swelas ng
tsinelas ko kung sasama ka ha?” ang pananakot ko sa kanya.
“Eh kasi naman. Sama mo na kasi
ako. Nababagot na ko dito. Walang magawa saka pwede naman daw ako lumabas ng
hotel sabi ni Dok basta wag lang sa maduming lugar” ang sagot ni Rahj. Sabay
luhod sa harap ko at parang batang nag-please sakin.
“Di pwede. Basta maghintay ka na
lang dito” ang sabi ko sa kanya.
“Ano ba yan. geh na nga.” Ang
tampu-tampuhan niyang sagot sakin.
“Atleast ikaw pag umuwi tayo ng
Pinas pwede moko makita eh sila hindi na, kaya pagbigyan mo naman ako. Please?”
ang pagpapaliwanag ko dito. Tumabi ako sa kanya sa paghiga sa kama kahit na
nakabihis na ako papuntang resto for my last day of work. Humiga ako sa kanyang
braso saka humarap sa kanya.
“Please? Sige na pleeaassee?” ang
pagmamakaawa ko sa kanya para hindi na sumama. Inaalala ko kasi na baka
magpang-abot dun sila Rahj at Miguel sa party kung pupunta si Rahj dahil
panigurado gulo ang mangyayari.
“Kiss muna” ang biglaang sagot
nya saka gumuhit ang isang ngiting nakakagago.
“Kiss lang huh” ang nangingiting
sagot ko naman sa kanya. Kaya naman hinalikan ko ito sa labi para matapos na
ang kanyang pagmamaktol.
“Isa pa, pwede” ang tanong naman
nya sakin.
“di na pwede, baka malate na ako”
ang sagot ko naman dito. Gumuhit bigla sa kanyang mukha ang kalungkutan.
“Oh sige na, baka magalit pa ang
damulag kong baby” ang ngingiting tugon ko naman dito saka binigyan ng isang
marahan at matamis na halik. Pagkatapos
non ay nagpaalam na ako sa kanya para pumasok na. Pagkalabas ko ng pinto ay
naabutan ko naman sila Mama na nag-aayos na ng maleta at naghahanda na rin ng
breakfast nilang apat.
“Papasok ka na?” ang tanong sakin
ni Papa ng makita nya ako na papalabas ng kwarto namin ni Rahj.
“Opo, last day ko na po ngayon sa
resto kaya kelangan agahan ko” ang nakangiting wika ko dito.
“Ah okay. Di ka na ba kakain
muna?” ang tanong ulit ni Papa sakin.
“Naku, hindi na po. dun na lang
po ako kakain.”
“Sige po, aalis na po ako” ang
pagpapaalam ko sa kanila. Lumabas na ko ng pinto at dumiretso sa elevator
pababa ng hotel. Dire-diretso hanggang tuluyan na akong makalabas ng hotel. 4
blocks away hanggang resto ang nilakad ko. kahit 7:30am ay hindi naman masakit
sa balat ang araw at isa pa konti lang ang naglalakad ng oras na to kaya malaya
akong magmuni-muni habang naglalakad.
“What should I do pag nagkita na
sila Rahj and Miguel?”
“Pano kung magkagulo! Ano gagawin
ko?!”
“Ano ba naman kasi tong napasok
ko na gulo eh. Okay na ang lahat. Dumating pa tong si Miguel sa buhay ko”
“Surely, pag nalaman to ni Rahj
na kilala ko na bestfriend nya ay patay ako dun pero sana maintindihan nya ako”
mga nasa isip ko habang naglalakad. Di ko napansin na may kasalubong pala akong
nakabisekleta kaya naman sobra akong nataranta kung saan ba ako pupunta
hanggang sa...
*Blag!*
“Aray! Bakit kasi hindi
tumitingin sa dinadaanan eh. Bulag ka-“ ang natigilan kong pagsasalita dahil
parang pamilyar sakin ang likod nung lalaking bumangga sakin. SH*T! Na lang ang nasabi ko kasi kanina
sya ang topic namin ng isip ko.
“Miguel?” ang tanong ko agad.
“Oy James!”
“Good morning!” ang nakangiting
bati nya sakin, parang tanga lang na nasakatan na nga kami parehas tapos
nakangiti pa.
“Good morning ka dyan.
Pangiti-ngiti ka pa dyan kita mong na-aksidente na nga tayo eh” ang galit kong
sabi.
“Eh kasi, kung san san ka
nakatingin eh, ayan tuloy, nagkabanggaan pa tayo” ang sabi nya sakin.
“San ba punta mo at ang aga-aga
nakabihis ka na?” ang tanong niya uli sakin.
“Sa resto, last day ko na diba.
Kaya dapat maaga ako para makatulong naman before umalis” ang nakangiting sabi
ko dito.
“Oo nga pala no, bukas na alis
nyo” ang malungkot na tugon nya sakin.
“to naman, kung malungkot parang
namatayan. Parang di na tayo magkikita eh” ang pagpapagaan ko ng loob nya. Alam
kong ako ang dahilan ng kalungkutan niya dahil naging close na kami sa isa’t
isa kaya di ko sya masisisi.
“Gusto ko happy ka mamaya sa
despidida party huh para sakin, please?”
“Okay, sige na, sabi mo eh” ang
sabi niya sakin.
After namin mag-usap ay dumiretso
na ko sa resto. Si Joriz pa lang ang naabutan ko at mukhang abala sa paggawa ng
gma financial reports ng resto nya.
“Hi, good morning. Aga mo ata ah”
ang bati ko sa kanya.
“Dito ako natulog. Tinatapos ko
kas tong report eh.” Ang sagot niya sakin.
“Gusto mo tulungan kita? Para
naman mapakinabangan ang kinuha kong kurso.”
“Ako na lang gagawa ng mga
financial reports mo. Mag-ayos ka na lang muna ng sarili mo. May-ari ka pa
mandin ng resto na sikat dito tapos ganyan na itsura mo” ang pag alok ko sa
kanya ng tulong at pati na rin pang-aasar ko sa kanya.
“Geh lang, sulitin mo na
pang-aasar mo dahil bukas wala ka nang maaasar na katulad ko pag bumalik ka ng
Pinas.” Ang nakangiting sabi niya sakin
“Salamat pala” ang sabi niya ulit
sakin. Sinuklian ko naman ito ng ngiti at saka bumaling sa mga papel na na
makakapal. Nag umpisa na kong gumawa ng mga financial reports. Financial
position, income statement at cash flow ang ginawa ko sa kanya. Mabilis ko
naman natapos ang mga iyon dahil almost 9:15am ko iyon natapos. Pagkalabas ko
ay nakita ko na ang mga kasamahan ko na abala sa paglilinis ng resto at
pag-aayos nito. Nakita ko din si Miguel at Eunice na abala sa pagpapalit ng mga
table cloths.
Dumaan ang 10am
11am
12nn
1pm
2pm
3pm
4pm
5pm
6pm
7pm
Konting oras na lang at aalis na
ko sa restaurant na to at babalik na ng Pinas. May namumuo nang mga daga sa
aking dibdib dahil kanina pa hindi mapakali sa pagdagundong ang aking puso.
Hindi ko naman mawari kung bakit ako nagkakaganito. Kahapon ko pa naman alam na
may party na magaganap pero yung kabang nararamdaman ko ay iba sa kabang
nararamdaman ko kapag alam kong may mangyayaring masama.
Laha kami ay naging abala sa
pag-asikaso sa mga customers na ngayon nga ay umuunti na. Friday evenin kasi
kaya naman madami naka reserve ng mga guests. Dala dito ng mga orders, dala
doon, assist dito ng mga guest, assist doon, refill ng tubig dito, refill dun
at kung anu-ano pa. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pagod since my first
day of work. Fortunately, may mga kaibigan akong tumutulong sakin pag di ko na
kaya. Andyan si Eunice na tintulungan akong mga assist a magrefill ng mga
tubig, si Miguel na tumutulong sa pagdadala ng mga steel trays na may laman na
pagkain at yung iba. Dumaan pa ang dalawang oras at tumuntong ang oras sa ganap
na 10pm ng gabi at natapos na nga ang aming mga ginagawa. PARTY! PARTY!
Nagsimula na kaming magtipon
lahat, kita ko naman na pinaghandaan nila ang araw na yun dahil puro mga
filipino foods and desserts ang nakahanda.
“James! Dapat masaya ka ngayon!”
ang bati sakin ni Eunice.
“Pano ako sasaya eh aalis na ko
bukas, di ko na kayo makikita” ang sabi ko sa kanila. Batid kong may namumuo
nang luha sa aking mata.
“Wag ka ngang epal, wag ka
umiyak, baka maiyak rin ako nyan papangit pa ako” ang natatawang sabi ni Eunice
pero nangingilid din ang luha.
“Pangit ka na naman talaga eh”
ang natatawang tugon ko naman sa kanya.
“Sige na pangit na ako.”
“Mamimiss talaga ka namin” ang
sabi ni Eunice sabay yakap sakin.
“Ako din, mamimiss ko kayo.
Super.” Ang tugon ko naman dito.
At yun na nga, nagstart na kaming
magsalu-salo sa pagkain na niluto nila kaninang tanghali noong abala pala ako
sa pag-iintindi sa napaadaming guests.
“Kayo huh, sinadya nyo pala na
ako ang mag-intindi para magawa nyo to.” Ang tampu-tapuhan ko sa kanila.
“Syempre, surprise nga diba” ang
sagot ng isang pamilyar na boses mula sa likod ko. pagkalingon ko dito ay
nagtatakang tingin ang ipinukol ko dito dahil may dala-dalang bulaklak na
nakatakip sa kanyang mukha.
“Rahj?” ang naibulalas agad ng
bibig ko.
“Surpise!” ang sabi nya sabay
tanggal ng takip sa mukha at nakangiting abot tenga.
“Panong-“ ang naputol kong salita
ng sumagot agad si Joriz.
“Pinapunta namin dito para
tumulong samin sa pagluluto. Mabait naman pala yang si Rahj dahil sya lahat
naghanda niyan at kami ang nagluto. Di pa daw sya ganuon kagaling magluto eh”
ang nakangiting wika ni Joriz.
“Ayaw mo kasi akong isama eh kaya
kinausap ko kanina si Joriz” ang sagot naman ni Rahj.
“Kayo huh, sinu-sorpresa nyo
talaga ako” ang sagot ko sa mga kumag.
“So, shall we continue our
celebration?” ang tanong agad ni Joriz at nag start na nga kami sa despidida
party.
Hanggang ngayon di ko pa nakikita
ulit si Miguel mula kanina kaya naman gusto ko sana tanungin si Joriz kung asan
pero laging nakabuntot sakin si Rahj kaya hindi ko magawa. I’ve tried to call
him pero out of coverage kaya naman pinagkibit balikat ko muna ang paghahanap
sa kanya. Mahirap na baka mabisto ako.
“TO our friend, employee and best
friend, James, sana pagdating mo ng Pinas ay wag mo kaming malimutan pag andun
na kami. To Rahj, wag mo sana syang papahirapan, lagi mong mahalin at unawain
kung minsan tupakin. At sana tandaan nyo na kayong dalawa lang ang
makakaresolba ng kung ano mang problema ang pagdadaanan nyo” ang payo ni Joriz
saming dalawa ni Rahj. Tumayo ako at kinuha ang atensyon nila sa pagpuk-pok ng
baso.
“Attention please. First of all,
nagpapasalamat ako sa inyong lahat for this party. Secong, kasi nakilala ko
kayong lahat para alalayan ako sa pagtr-trabaho dito sa resto. pinaramdam nyo
sakin na welcome ako dito. At kay Joriz sa pagiging bestfriend nito sakin.
Lahat ng tulong ay binigay mo sakin kaya maraming salamat talaga” ang
pagpapasalamat ko sa kanila.
Sa huling pagkakataon ay niyakap
ko silang lahat. Unti-unti ay pumatak ang aking luha na kanina ko pa
pinipigilan. Pati si Rahj ay napaiyak na rin sa nakita niyang eksena.
“Excuse me lang guys, labas muna
ako. Tawagan ko muna si Mama” ang pagpapaalam ni Rahj samin. After a few
minutes ay may kumalabit sakin, si Miguel.
“Ano ka ba, san ka ba nagpunta.
Pop-in, pop-out ba drama mo sa buhay?” ang puna ko sa kanya.
“Ssshhh! Tara dito” ang sabi nya
sabay hila sakin. Dinala niya ako sa may kitchen at saka ako biglaan niyakap
“Mamimiss kita, sobra. Sana wag
mo ko makalimutan” ang sabi nya sakin habang nakayakap sakin.
“Ano ka ba, baka may makakita
satin” ang nagpupumiglas kong sabi sa kanila.
“Don’t worry, sinabihan ko sila
Eunice na wag muna pupunta dito” ang confident na sabi niya sakin.
“Sigurista ka talaga.”
“Mamimiss din kita. Salamat
talaga sa lahat huh” ang sabi ko sa kanya. Niyakap ko rin sya gaya ng payakap
ko dito.
*Blag* ang tunog ng pintuan.
“Ano ibig sabihin nito?!” ang
sigaw ng isang lalaking pamilyar ang boses.
“Ano ang ibigsabihin nito!” ang
sigwa niya ulit. Kaya naman napatingin ako. Nakita ko si Rahj na galit na galit
kaya naman kumalas agad ako sa pagkakayakap kay Miguel. Sinalubong ko ito na
papalapit samin at nakakuyom ang kamao.
“Wait Rahj, let me explain.
Please!” ang pagmamakawa ko dito. Sa halip na sagutin ako nito ay pinukol lang
ako ng isang nanlilisik na tingin kaya naman para akong nanlulumo pagkalampas
nya sakin.
“Hayop ka! Ikaw na naman! Di ka
pa nasiyahan na kinuha mo sakin si Yvone pagkatapos ngayon si James! Ano ba
gusto mo patunayan ha?!” ang sigaw nya kay Miguel at nagsuntukan na nga silang
dalawa.
“Rahj! Miguel! Itigil nyo na
yan!” ang pag-awat ko sa kanilang dalawa. Sobrang lakas nilang dalawa kaya
nahihirapan akong pigilan.
“Kahit kailan, hindi ko inagaw si
Yvone! Hindi ko magagawang agawin sya dahil sya mismo ang lumapit sakin noong
nag-away kayong dalawa dati hanggang sa di ko na napigilan ang sarili ko na
magkagusto sa kanya. Hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko. hindi ko
kayang taluhin ka dahil kapatid na ang turing ko sayo!” ang sagot ni Miguel
“Kapatid?! Eh gago ka pala eh.
Inagaw mo si Yvone sakin noong nagkakalabuan kami. Tapos ngayon, si James naman
ang balak mong agawin?!” ang sigaw ni Rahj sabay suntok ni Rahj sa mukha ni
Miguel.
“Rahj! Stop it!” ang pag awat ko
sa kanya.
“Ikaw! Sa bahay tayo mag-uusap!”
ang sigaw nya sakin sabay hila.
Dahil sa ingay na nagawa namin ay
dumating sila Joriz at ang iba pa. Lahat sila ay nabigla ng mapakinggan nila
lahat ng mga sinabi nila Rahj and Miguel.
“Ibigsabihin magkakilala kayong
dalawa ni Miguel at Rahj” ang komento ni Joriz.
“Oo” ang tanging salitang
naisagot ko na lang.
Hinila na nga ako ni Rahj
papaalis ng resto. masyadong masakit at pagkakahawak sakin ni Rahj kaya
nagpumiglas ako.
“Aray! Rahj! Masakit, bitiwan mo
ko!” ang pagpupumiglas ko pero parang wala narinig si Rahj.
“Pwede bitiwawn mo sya” ang sabi
ni Miguel sabay lapit sakin at hinatak ang kabilang braso ko. kaya parehas na
silang naghahatakan.
“Aray! Masakit! Bitawan nyo na
ako!” ang reklamo ko sa kanila.
“Pwede ba Miguel, bitawan mo si
James. Uuwi na kami!” ang hasik ni Rahj kay Miguel.
“Ikaw ang bumitiw! Nasasaktan na
si James oh!” ang sagot naman ni Miguel.
“Bitiwan mo sabi sya eh!” ang
sigaw ni Rahj at susuntukin sana niya si Miguel pero naging maawat ako kaya
naman ako ang natamaan imbes na si Miguel. Di ko din naman alam kung bakit ako
ang sumalo ng suntok basta naging ganun na lang ang reaction ko.
“Aray” ang naidaing ko na lang.
Batid kong dumugo ang gilid kong labi.
“James!” ang sigaw nila parehas.
Agad na nilapitan ako ni Rahj and Miguel
“Sorry” ang sabi sakin ni Rahj.
Pero tiningnan ko lang ito sa kanyang mata.
“James sorry!” ang ulit nya sakin
pero di ko sya pinansin.
“Ayos ka lang ba?” ang tanong
sakin ni Miguel.
“Try mo kayang masuntok tapos
magpatanong ka din kung ayos ka lang para malaman mo. Syempre masakit!” ang
sigaw ko dito. Agad akong tumayo at dire-diretso na lumabas ng resto.
“Ganito lang mag-eeng ang
despidida party?! Sh*T! Its a fucking Sh*t!” ang nasabi ko na lang sa sarli ko.
Dirediretso lang ako papunta
hotel. Naramdaman ko na lang na nanginginig na ang aking tuhod dahil na rin sa
tensyon kanina at isama pa ang pagkakasuntok sakn ni Rahj at talagang
manginginig nga tuhod ko. Ramdam ko may tumabi sakin kaya naman nilingon ko to.
Nakita ko si Rahj na naktingin sakin pero di ko pinsansin. Naasar ako sa kanya.
Kala ko nagbago na ang ugali nyang iyon pero nagkamali pala ako.
“alam mo. I’ve tried to hide it
from you na kilala ko si Miguel. Sya ang taong tinutukoy ko na tumutulong sakin
kaya excited akong ipakilala sayo pero dun sa point na ipapakilala na kita saka
ko malalaman na sya pala ang dahilan kung bakit kayo nagkalabuan ni Yvone. Sya
pala yung bestfriend mo na tinuring mong kapatid. Kaya naman hindi ko alam kung
pano ito hindi mo malalaman. Dahil alam kong magkakaganito ka” ang naiiyak kong
sabi sa kanya.
“James. I’m so sorry, hindi ko
naman kasi sinasadya-“ naputol ang sasabihin pa nya dahil nagsalita agad ako,
“Para san pa ang mga police kung
lagi na lang tatanggapin natin ang sorry”
“Rahj, its too late to make your
sorry works. Nasaktan mo na ko.” ang sabi ko sa kanya.
“Please James, I’m so sorry. I
love you” ang sabi nya sakin.
“Please stop saying I Love you
kung di mo naman kayang pangatawanan. Dahil nakakabanas ang ganun. Alam mo
pinanghahawakan ko ang mga sinabi mo na aalagaan mo ako pero di mo naman kaya.
Say it when you’re ready again to love and protect me” ang sabi ko sa kanya. At
lumaglag na ang aking luhang kanina pang gustong kumawala. Niyakap ako ni Rahj
ng nasa ganun akong itsura..
“Seeing you crying hurts me alot.
Sana maintindihan mo na ganun talaga ang reaction ko. Ayaw kong mawala ka sakin
dahil minsan na akong nawalan ng mahal dahil sa kanya.” Ang umiiyak na sabi ni
Rahj.
“Bitwan mo ko Rahj. Saka mo na
lang ako yakapin kung kaya mong protektahan ako hindi yng ikaw pa mismo ang
mananakit sakin.” Ang sabi ko sa kanya habang umiiyak pa rin.
Tumayo ako agad at naglakad
papalayo sa kanya.
“Mahal na mahal kita Rahj” ang
sabi ko sa sarili ko habang papalayo sa kanya.
Pero hindi nagtagal ang
paglalakad ko dahil nakarinig na lang ako nang isang tunog....
*Ssscccrreeeecccchhh!* tunong
nang gulong na sasakyan.
Pagtingin ko ay isang sasakyang
mabilis na tumatakbo patungo sa kinatatayuan ko. hindi ako makapgreact. Napako
na lang ako sa kintatayuan ko.
‘Aaaaahhhh!!” ang sigaw ko.
“Jjjjaaammeesss!” ang sigaw ng
isang lalakeng tumatakbo papunta sakin at mabilisan akong naitulak papalayo sa
sasakyan hanggang sa sya ang nabanggan ng sasakyan.
Itutuloy...
Share ko lang:
Masakit pala malaman na yung
friend mo ay crush pala ng crush mo and masakit pa crush din niya. Di ko alam
kung crush pa ba ang tawag dito or inlove na nga ba ako sa kanya. Let’s say na,
na love at first sight ako sa kanya. At ngayon alam ko na na may iba na pala
syang crush so I have to move on again and again. For the nth time,
nagsacrifice na naman ako and acting to everyone na everything is fine kahit
hindi. Yun lang
No comments:
Post a Comment