Thank you po sa mga bumabasa nang
aking likhang story.
Salamat
po samga nagcko-comment na readers ang nagbabasa.
Don’t forget to to add me on
FACEBOOK/TWITTER.
Thanks.
Enjoy!
=================
MIGUEL’S POV
Ilang araw ko na ring tinuturuan
si James ng mga extra basic ethics sa pagiging waiter. masaya akong tinuturuan
siya dahil sa madali niyang nakukuha agad at saka masarap pag masdan ang
kanyang mukha habang seryoso nyang ginagawa ang mga tinuturo ko. Mahal ko na nga sya pero hindi ko alam kung
tama itong ginagawa ko, may mahal na syang iba pero bakit hindi ko kayang
pigilan ang aking nararamdaman. Ano bang meron sya at minamahal ko sya nang
ganito? Ang naitanong ko na lang sa
sarili ko.
Tuwing nakikita kong nahihihrapan
si James sa kanyang ginagawa ay tumutulong agad ako sa kanya at minsan ay ako
ang nagbubuhat nang mga mabibigat na dala nya. Hindi naman sya tumututol kaya
naman okay na rin iyon sakin.
Hindi papasok si James nang
dalawang araw kaya naman medyo malungkot ako dahil hindi ko sya makikita sa
loob nang araw na wala siya.
Habang abala ako sa pag asikaso
ng isang customer namin na Italiano ay may kumuha nang atensyon ko. papalapit
ito sakin kaya naman nagmadali akong kinuha ang order nang customer ko. pero
maagap itong nakalapit sakin nang papaalis na ako.
“Ganyan mo ba ako babatiin? Ang
talikuran ako?” ang nakangiting sabi ni Yvone sakin.
“wala akong panahon para
makipaglaro sayo Yvone, kaya umuwi ka na. Madami pa akong gagawin” ang wala
kong expresyon na sabi sa kanya.
Kita ko naman na medyo naasar ito
sakin. Kaya naman...
“Come on Miguel, hindi ako
pumunta dito para makipagtalo or anything”
“I’m here for you, to do me a
favor” ang sabi niya sakin. Napatingin ako sa kanya pero naangiti parin. Parang
hindi nauubusan nang ngiti ang babaeng ito kaya kinompronta ko na ito.
“Look Yvone, kung ano man yang
gusto mong ipagawa sakin. I don’t have anytime para gawin yan. saka nangako ako
sa sarili ko na hinding hindi na kita pagkakatiwalaan.” Ang sabi ko sa kanya.
“Oh please, past is past!” ang
sabi saki ni Yvone.
Pero tumalikod na lang ako
matapos kong sabihin ang gustong sabihin. Di pa man ako nakaka-apat na hakbang
ay nagsalit ulit sya.
“Gusto kong tulungan mo akong
paghiwalayin si Rahj and James. I wan Rahj to win him back” ang sabi sakin ni
Yvone.
Napatigil ako sa sinabi nya, unti-unti
ay liningon ko sya at nakita kong seryoso ang mukha nya.
“Tama ba ang narinig ko?”
“Rahj?” ang tanong ko sa kanya.
“Yes! Rahj! As in Chris Rahj
Manalo. Your bestfriend” ang simpleng sagot nya sakin na labis kong ikinabigla.
Of all person na kilala kong
Rahj, bakit si Rahj pa na bestfriend ko at halos kapatid na ang turing ko sa
kanya ang taong mahal ni James na kasalukuyang mahal at handa akong ipaglaban.
Pero parang lahat na ata nang kamalasan sa buhay ay pina-pasan sakin ng Diyos.
Bakit kailangang mangyari ito sakin.
“Oh, nabigla ka no? Kahit ako,
nabigla nang malaman kong isang lalaki pala ang ikinukwento sakin niya na mahal
na mahal niya, na sa tuwing gumigising siya ay ang lalaking iyon agad ang
naiisip niya.”
“Hindi ko alam kung anog gayuma
ang pina-inom niya para malason ang isipan ni Rahj.” Ang sabi sakin ni Yvone.
“Hindi ako makapaniwalang ang
Rahj na laging sinasabi sakin ni James ay si Rahj na bestfriend ko.”
“Kapag tinulungan ba kita dyan
ano naman ang makukuha kong kapalit?” ang sabi ko sa kanya.
“Simple lang, pwede na ulit
kayong maging magkaibigan kapag nalaman niyang ikaw ang tumulong sakin na ipa
realize sa kanya na isang katangahan ang magmahal nang kaperahas na kasarian”
ang sabi sakin ni Yvone. Sa sinabi ni Yvone ay parang sinabing tanga rin ako
dahil minsan na rin akong nagmahal nang lalaki at nauwi lang sa wala, pero
kahit ganoon ay masakit parin iyon dahil mahal ko si James at ayaw kong
mangyari iyon.
Naguguluhan ako sa mga nangyayari sa paligid ko. noong una, hindi ko
alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay James, pero nang
masigurado kong nagmamahal ako ay biglang dadating itong problemang ito, ang
paghiwalayin sila Rahj at James. Masakit sakin ang gagawin kong ito dahil
masasaktan ko lang si James pero magkakaroon naman ako nang chance na maging
akin na siya. Ano ba talagang dapat kong gawin?!
“Hindi ko gagawin iyan. Mahal ko
si James, Yvone. Ayaw kong malaman niyang ako ang dahilan nang pag-aaway nila
ni Rahj. Lalong-lalo na’ ayaw kong madagdagan ang kasalanan ko kay Rahj. Tama
na ang isang malaking kasalanan na nagawa ko sa kanya.” Ang sabi ko sa kanila.
Masakit man pero kelangan kong tanggapin na hanggan magkaibigan lang ang
pwedeng ibigay sakin ni James, at habang maaga pa ay kailangan ko nang patayin
ang aking nararamdaman para sa kanya at ibaling sa iba.
“Ano ulit? Tama ba ang narinig
ko?”
“Mahal mo si James?!” ang gulat
na tanong ni Yvone.
Hindi ako umimik bagkus ay yumuko
na lang ako at pinabayaan siya sa kung anog isipin niya.
“My goodness, what on earth is
going on?!” ang reklamo ni Yvone.
“Pati ikaw? Nabiktima nyang
magaling na lalaking iyan. Ano ba. Kung si Rahj ay hindi ko ma-imagine na
nagkagusto kay James pati ba naman ikaw? Nakakadiri ka!” ang sabi sakin ni
Yvone.
“Wala kang pakialam Yvone sa
buhay ko”
“Simula nang lokohin mo ako’y
pakiramdam ko’y lahat nang babae sa mundo ay pare-parehas - Mga Manloloko-“ ang pagpapatama ko sa kanya.
“hindi mo ako pwedeng sisihin na
magmahal nang isang lalaki dahil minsan ko naring naramdaman ang tunay na
pagmamahal galing sa isang katulad ko. hindi mo nakita kung paano ako namuhay
after mo akong iwan kaya wala kang karapatan na sumbatan ako sa napili kong daan”
ang sabi ko sa kanya.
“Alam mo, hindi ko alam kung ano
bang klaseng tao yang kibabaliwan ninyo ni Rahj. Magbestfriend nga kayo.” Ang
sabi ni Yvone sakin.
“Alam mo kung anong klase syang
tao? Totoo sya sa pinapakita nya, hindi mapagpanggap. Kontento sa kung anong
meron, hindi tulad mo.” Ang sumbat ko sa kanya.
“How dare you!” ang sabi sakin ni
Yvone saka ako binigyan nang isang sampal.
“Sige lang, sampalin mo ako. Pero
itong tatandaan mo, hinding hindi kita tutulungan sa balak mo. Kaya please,
umalis ka na. Nakakahiya ka” ang sabi ko sa kanya.
At tumalikod na ako sa kanya.
Hindi ko na hinitay ang kanyang iba pang sasabihin na kabaliwan. Bumalik na ako
sa trabaho na parang walang nangyari kanilang. Nilapitan naman ako nang mga
kasama ko sa trabaho at tinanong nang mga kung anu-ano. Sinabi ko na lang na
babaeng habo ng habol sakin para matahimik lang sa katatatanong.
Mahal ko si James kaya hindi ko hahayaang masaktan siya. Hindi ko ata
kakayanin na makita siyang nasasaktan kapag nag-away sila ni Rahj. Sa aking
bestfriend naman, ayaw ko nang dagdagan pa ang kasalang nagawa ko sa kanya.
Tama na ang isang kasalanang gawa nang isang katangahan. Hindi, ayaw ko ng
gumawa pa nang ikasasama ng iba.
JAMES’ POV
Bago ako bumalk nang trabaho ay
nag usap muna kami ni Rahj nang matiyempuhan kong umalis muna sila Mama at Papa
para bumili nang mga gamot ni Rahj.
“Rahj, meron ba kayong kamag-anak
na halos kaparehas mo na nandito rin sa America?” ang tanong ko sa kanya.
“Wa-wala naman”
“Bakit mo natanong?” ang balik na
tanong sakin ni Rahj.
“Wala naman, kasi may kasamahan
ako sa trabaho na kamukha mo, kaya noong unang kita ko namalik-mata ako kasi
ang alam ko nasa hospital ka tapos may makikita kong nasa may resto ka ni
Joriz” ang sagot ko naman.
“Syempre andito lang ako, wala
naman akong pwedeng puntahan”
“Saka ikaw lang naman ang
naglalabas sakin sa room ko eh” ang nakangiting wika ni Rahj.
“Kamukha mo kasi eh. Hayaan mo,
if my free time sya isasama ko sya dito.” Ang tanong ko sa kanya.. hindi naman
agad sya nakasagot.
“Para makilala mo rin yung taong
tumutulong sa boyfriend mo”
“Pleaseeeee?” ang paglalambing ko
sa kanya.
“Ohh sige na! Matahimik ka lang.”
“Kundi lang talaga kita mahal,
nabatukan na kita” ang tatawang sagot ni Rahj sakin.
“Thank you!” pagpapasalamat ko sa
kanya sabay abot ang isang matamis na halik sa kanyang pisngi.
“Isa pa. Please?” tanong ni Rahj
sakin.
“Hala, maka-request. Mamaya na
lang ulit, baka maubos to eh” ang parang tanga ko lang na sagot sa kanya.
“Please? Dito naman sa kabila
para pantay.” Pagmamaka-awa nya.
“Basta last na to huh” ang sagot
ko naman sa kanya.
Akmang pupuwesto na ako para
halikan ang kabilang pisngi nya sana pero lumingon sya sakin kaya nagtama ang
labi namin. Di ko ma-explain ang feeling ko, ganoon nga talaga siguro pag
inlove. Masya ka lang nang di mo alam ang bakit. Basta masaya ka sa piling nya.
Nagka ulirat lang kami nang
maalala ko na male-late na ko sa trabaho kaya naman nagpaalam na ako sa kanya.
“Alis na ako. Baka malate pa ko.
mapagalitan pa ko ni Joriz. Basta pagaling ka huh.”
“I love you” ang naangiting wika
ko sa kanya.
“Opo. Ingat ka. I love you too”
ang sagot ni Rahj sakin.
Lumabas na ako nang kwarto ni
Rahj at saktong padating na sila Mama galing sa drugstore na malapit lang sa
hospital. Nagpaalam na rin ako sa kanila para bumalik na nang trabaho.
Sinabihan ako ni Mama na bumalik before 8pm para sabay na daw kaming magdinner.
After nang mahigit 15 minutes na
paglalakad ay nakadating na ako sa resto. naabutan ko sila Joriz at Migs na
nag-uusap. Mukhang seryoso ata ang pinag-uusapan kaya naman hindi ko na muna
sila inistorbo. Duimretso na ko sa locker room para makapagpalit nang uniform
namin. Pumasok bigla si Migs at base sa nakita kong reaksyon nya sa mukha ay
nagulat ata sya.
“Oh, bakit parang nakakita ka
nang multo?” ang naitanong ko sa kanya.
“Ah.. eh. Wala naman. Kanina ka
pa ba dito?” ang tanong nya sakin.
“Kadadating ko lang. Nakita ko
kayo ni Joriz na nag-uusap at mukhang seryoso kaya di ko na kayo nilapitan”
“May problema ba” ang sagot ko sa
kanya.
“Huh? Eh. Wala naman. Sige, balik
na ko sa lobby” ang sagot nya sa tanong ko.
Pagkalabas ni Migs sa locker romm
ay medyo nagtaka lang ako sa kanyang reaction. Parang may tinatago siya na di
ko pwedeng malaman. After ko mag-ayos nang sarili ay lumabas na ako nang locker
room. Naabutan ko naman si Migs na abala sa pag-aayos nang mga kubyertos kaya
nilapitan ko ito para matulungan pero bigla akong tinawag ni Joriz.
“James!” ang pagtawag sakin ni
Joriz.
“Yep!?” ang sagot ko sa kanya.
“Tulungan mo ako mag ayos nang
mga upuan at lames dun sa labas. Saka ay ikukwento ako sayo” ang nakangiting
sabi nito sakin.
Tumungo nga kaming dalawa sa
labas. Habang nag aayos si Joriz ay napansin kong hindi ito mapalagay sa
ginagawa kaya naman nag salita na ako.
“May problema ba? Kanina ka pa
kasi dyan hindi mapalagay.” Ang sabi ko sa kanya.
“Ano kasi...” ang putol na sagot
nya.
“Ano?” ang pag ulit ko sa sagot
nya.
“Ano kasi...”
“Ano..”
“Pano pag nalaman mong yong
kaibigan mo nagkakagusto na pala sayo without knowing it?”
“Kahit alam nya na may mahal kang
iba pero handa syang ipaglaban ka kahit katangahan na iyon?”
“Ano ang gagawin mo?” ang tanong
sakin ni Joriz. Medyo nagulat ako sa kanya kasi since high school ay hindi sya
very vocal sa mga usapang pag-ibig maliban na lang kung may nagpapatulong sa
kanya.
“Bakit mo naman natanong? Bakit,
sino nagpapatulong sayo?”
“Pwede ba tumulong din sa kanya?”
ang sagot ko sa kanya.
“Wala!” ang mabilisang sagot nya
sakin.
“Sure? Sino ba sya?” ang tanong
ko ulit.
“Wala, nevermind na nga lang.”
Ang badtrip nyang sagot sakin.
“Sige na nga, sagutin ko tanong
mo.”
“Napakahirap naman nang situation
nya kasi may mahal nang iba yung nagugustuhan nya. Sana naman wag syang tanga
na ipaglaban pa ang nararamdaman nya. Alam naman nya sa sarili nya siguro na
mali iyon.” Ang sagot ko sa kanyang katanungan.
“Basta kung kelangan nya nang
advise ay andito lang ako. Pwede nya akong lapitan kung sino man sya.” Ang
pagdugtong kong sagot sa kanya.
Ngumiti lang sakin si Joriz tapos
pinagpatuloy ang kanyang ginagawa. Naging pala-isipan naman sakin kung sino ang
taong nagpapatulong sa kanya pero wala akong maisip kung sino ang posibleng
taong iyon. Tinapos na lang namin ang aming ginagawa tapos ay pumasok na ulit
nang resto.
Pinagkibit balikat ko na lang mga
itinanong sakin ni Joriz dahil wala rin naman akong makukuhang kasagutan kong
iisipin ko pa ito nang lubusan. Pinalipas ko na lang ang mga oras na dumadaan
sakin at ginagawa kong busy ang aking sarili. Andyan ang tutulong ako sa kusina
kapag masaydong maraming orders na pagkain bilang taga balat or taga hiwa nang
mga gulay, karne or mga sangkap na gagamitin. Or pinapractice ko ang mga tinuro
pa sakin ni Migs sa tamang pagdadala nang mga pagkain at mga inumin. Pag kontin
na lang ang mga customers ay tutulong ako kay Joriz para mag ayos nang mga
records at financial records nang resto nya. Natapos ang aking araw na sobrang
pagod kaya naman nagpaalam na ako kila Joriz, Migs at sa iba pang kasamahan
namin nang uwian na. Eksaktong 8pm kami natapos kaya naman nagmadali akong
nag-ayos nang sarili para maka abot ako sa dinner namin kasama sila Mama.
“Goo evening, sorry if I’m late”
ang bati ko sa kanila.
“Hay, buti dumating ka na. Gutom
na ko talaga” ang sagot sakin Rahj.
Nginitian ko na lang sila dahil
wala na akong lakas nang loob para makipagkwentuhan sa kanila. Ang tanging nasa
isip ko lang ay ang kumain at matulog na agad.
Inumpisahan na nga namin ang
pagkain. Beef brocolli, rice, vegetable salad at strawberry yogurt. Iyan ang
aking mga kinain. Magkatabi kami ni Rahj na kumakain. Kita ko naman na iba na
sya kumpara sa mga nagdaang araw kaya masaya ko dahil unti-unti na syang
gumagaling. Kahit kaya naman ni Rahj na kumain mag-isa ay nagpapasubo ito sakin
na parang batang bibo na kumakain. Natatawa na lang samin sila Papa sa nakikita
nila. Maski ako ay natatawa ako sa sarili ko dahil para na talagang mag-asawa
kaming dalawa. Kulang na lang ay certificate para tawagin kaming mag-asawa.
After namin kumain ay inilabas namin ni Kuya Drew si Rahj sa isang maliit na
garden sa likod nang hospital. Ngayon ko lang iyon nakita dahil hindi ako
nagagawi sa lugar na iyon. Malapit ang garden na iyon sa dagat kaya naman presko
at masarap ang pagdampo nang hangin sa katawan.
“Nakita ko ito nang maglibot ako
sa buong hospital. Wala kasi akong magawa kanina sa room ni Rahj kaya naglibot
na lang ako. Maganda diba?” ang sabi sakin ni Kuya Drew.
“Maganda nga kuya.” Ang sagot ni
Rahj.
Lumapit sakin si Rahj habang
sakay sa wheeled chair. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at pinisil-pisil ito
“Namimiss ko nang pisilin ang
kamay mo. Diba lagi ko itong ginagawa sayo kapag napapagod ka galing sa school
mo. Hayaan mo, pag ako gumaling na, aalagaan kita nang mabuti.” Ang nakangiting
wika sakin ni Rahj.
“Salamat kasi kahit may sakit ka
na, nagagawa mo parin akong pasayahin sa abot nang iyong makakaya.” Ang nasagot
ko na lang sa kanya. Nagtagal pa kami doon nang ilang minuto saka bumalik sa
kwarto. Naabutan namin sila Mama na tulog na sa sofa, kaya naman nilagyan ko
sila nang kumot para hindi lamigin. Pinahiga ko na si Rahj at inintay
makatulog. Umupo ako sa tabi nang kama ni Rahj hanggang sa naramdaman ko na
lang na pumikit na ang aking mata.
Lumipas ang ibang mga araw ay
unti unti ko nang nakukuha ang mga itinuro pa sakin ni Migs noong isang araw
lang. Kasabay noon ay ang pagkakaroon nang closeness samin between Migs.
Napakabait talaga nya sakin. Inaalalayan nya ako kapag masyadong mabigat ang
aking mga dala or sasamahan nya akong kumain kapag oras nang break. Unti unti
ay nakikilala ko na ang totoong Miguel Carlo dela Torre.
Natapos ang 4 hours na walang
humpay na pagdating nang mga masusugid naming customers nang may dumating na
isang pamilyar na babae. Mag isa lang syang dumating. Ako lang ang waiter na
walang ginagawa dahil kakatapos ko lang maghatid nang mga utensils na nagamit
kani-kanina lang kaya ako na ang lumapit sa knya.
“Waiter!” ang nakataas na kamay
nyang pagtawag sakin. Kaya naman lumapit na ako sa kanya.
“Good afternoon Ma’am” ang
nakangiting sagot ko dito.
Hindi nya ako napansing papalapit
dahil after nya tumawag nang waiter ay may kinuha ito sa bag nya. Nang
maramdaman nyang nasa tabi na nya ako ay saka nya itinaas ang kanyang ulo.
“Oh. What a small world. Tingnan
mo nga naman. Ang galing talaga nang tadhana.” Ang nakangiting aso sakin ni
Yvone. Hindi ko na lang pinansin ang kanyang pang-aasar kaya naman hindi ako
nagpakita nang katiting na pagka-ilang sa kanya.
“May I take your order Ma’am?”
ang tanong ko sa kanya.
“No my dear, let’s have some
talk.” Ang nakangiting wika pa rin nya sakin.
“Excuse me Ma’am, but please call
me again if you have decided on what to order” ang sagot ko na lang sa kanya.
Tumalikod ako sa kanya at akmang lalakad na sana nang magsalita sya ulit.
“I don’t know why the management
get a crew like you”
“Sabihin mo nga, anong klaseng
gayuma ba ang binili mo sa Quiapo para mapa-amo ang mga iyan sayo pati na rin
ang isang inosenteng si Rahj?”
“Sige nga sabihin mo?!” ang
pasigaw na sabi sakin ni Yvone. Ang mga mata nang mga foreigner na customers
namin at pati na rin ang ibang mga crew ay nakatingin na samin. Hindi ko
malaman ang gagawin.
“Ma’am, mind you if you lower
your voice. Nakaka istorbo po sa mga ibang customers” ang pagsita ko sa kanyang ginagawang pagsigaw.
“Come on James. Alam ko namang
hindi yan ang tunay mong ugali. You’re a FAKE!” ang sabi sakin ni Yvone. Gusto ko na talagang patulan itong si Yvone
pero babae nga lang kaya hindi ko magawang sapakin.
“Ma’am, please lower your voice,
or else...” naputol ang aking pagsasalita nang putulin ito nang isang boses
mula sa likod ko.
“Yvone, stop it” ang pagsaway ni
Migs kay Yvone.
“Oh, Hi there sweety!” ang
nakangiting sabi ni Yvone nang makita nya ito sa likod ko na biglang sumulpot.
“Stop calling me sweety.”
“Pwede ba, kung wala kang
matinong gagawin, baka pwedeng umalis ka na? Nakaka-istorbo ka na nang ibang
mga customers” ang sagot ni Migs sa kanya.
“Ayaw ko nga. I’m here to eat.”
“Saka bakit ba ayaw mo akong
makita? May gusto ka bang ayaw makita at malaman ni James?” ang nakangiting
asong tanong ni Yvone kay Migs. Bigla namang tumingin sakin si Yvone at
nakangiting aso din ito sakin.
Tumingin ako kay Migs pero hindi
ko mahagip ang kanyang mga mata. Yung tipong ayaw tumingin sakin. Katulad
kanina, hindi rin makatingin sakin nang diretso kaya nagsalita na ako...
“Ano bang ibig mong sabihin
Yvone?”
“Saka may dapat ba akong
malaman?” ang tanong ko sa kanya.
Hindi makatingin sakin si Miguel
kaya tumingin ako kay Yvone pero nakangiti lang ito sakin.
“Ano bang nangyayari? Sabihin nyo
nga?” ang tanong ko ulit. Medyo napalakas ang aking boses dahilan para
mapatingin sakin ang katabi namin mga customer sa kabilang table.
“Alam mo kasi James...” hindi na
natapos si Yvone sa kanyang pagsasalita dahil hinila ni Migs si Yvone papalabas
nang restaurant.
“Ano ba Miguel! Nasasaktan ako!”
ang sigaw ni Yvone sa kanya.
Ngunit tila walang naririnig si
Miguel dahil dire-diretso lang siya sa pagkaladkad kay Yvone palabas. Sinundan
ko silang dalawa para linawin ang mga sinasabi nila
“Aray! Masakit Miguel! Ano ba
bitiwan mo nga ako!” ang sigaw ulit ni Yvone. Nagpumiglas sya para makawala kay
Miguel na kasalukyang kitang-kita ko na galit na galit. Hindi ko alam kung ano
ang tinutukoy nila pero sigurado akong may pinanghuhugutan siya kaya sya galit
na galit.
“Umalis ka na nga Yvone kung ayaw
mong ipakaldkad kita sa mga pulis” ang medyo malakas na sabi ni Miguel.
“Teka nga! Ano bang nangyayari.
Sabihin nyo ng sakin!” ang pagsabat ko sa kanilang usapan.
“ayaw nyang malaman mo na magkakilala
kami!” ang sigaw ni Yvone.
“Ano? Di ko maintindihan” ang
sagot ko naman.
“Stop it Yvone!” ang sabi ni Migs
kay Yvone.
Ngunit parang walang narinig si
Yvone kaya nagsila ulit sya.
“Ayaw nyang malaman mo nagkaron
kami nang relasyon!” si Yvone ulit
“I said stop it!” ang sabi ni
Migs. Lalapit sana ulit sya pero nagsalita ulit si Yvone. Napatigil si Miguel
at napalingon sakin nang sabihin ni Yvone ang huling sinabi nya. Kahit ako ay
parang tumigil ang mundo ko nang marinig ang mga sinabi Yvone.
Totoo ba ang narinig ko? ang sabi ko sa isipan ko.
“Wag ka ngang magbiro Yvone!” ang
sabi ko sa tonong medyo naaasar na.
“I’m not joking James!” si Yvone.
“Ano ba Yvone, wag ka ngang
magulo!” si Migs ang nagsalit.
“You heard me right James.”
“Magbestfriends sila Rahj at
Miguel”
“At parehas ka nilang minamahal”
ang sabi ni Yvone sakin.
Hindi ako makapaniwala sa mga
sinabi ni Yvone. Hindi mag sink in sa utak ko ang mga sinabi niya sakin. Si Miguel? Magkakagusto sakin? Ano to,
gaguhan? Sabi nang isip ko sakin.
Itutuloy...
Author’s note: Abangan ang mga posibleng gumulantang sa inyo sa susunod
na kabanata.
No comments:
Post a Comment