Sorry for the late update.
Thank you po sa mga bumabasa nang aking likhang story.
Magpakilala na kayo mga anonymous and
silent readers. 3 more chapters na lang siguro to. Di ko rin alam. Bahala na.
Depende sa mood ko. Confused ako ngayon
eh. Basta.
Don’t forget to to add me on FACEBOOK/TWITTER.
Thanks.
Enjoy!

=================
JAMES’ POV
Apat
na buwan since ng bumalik kami nila Rahj dito si Pilipinas. Good thing is that,
magkabati na ang magkapatid at magkasundo na. Hindi ko nga alam kung alam pa ba
ni Rahj na boyfriend pa nya ako dahil tuwing pumupunta ako sa kanila ay laging
busy ang magkapatid sa pagba-bonding. Minsan naman, pag gagala kami ni Rahj ay
tatanungin naman ni Rahj si Miguel gusto
sumama kaya ang nangyayari ay imbes na makapgsarilinan kami ni Rahj ay ang
nangyayari ay sila ang nag-eenjoy sa gala namin ni Rahj.
“May
problema ka ba? Ilang araw ko na rin kasing napapansin na parang wala ka na sa
mood.” Ang tanong n Rahj. Mukhang napansin na niya ang pagbabago ko. medyo
nagiging cold na ko sa kanya nung nakalipas na tatlong araw. Masyadong dry na
ang pagsagot ko sa kanya. Walng expression ang mukha ko kapag sasagot ako sa
kanya. Kahit si Miguel tinatanong na rin ni ya ako.
“Wala
naman. Okay lang ako” ang sagot ko sa kaniya.
“Sure
ka ba? Kasi parang ang laki talaga ng problema mo eh” ang tanong ulit ni Rahj
sakin.
“Oo
nga sabi eh” ang medyo napalakas kong sagot sa kanya. Nakita ko naman na
nagulat sya sa sinabi ko kaya naman tumayo na ako at nagpaalam na uwi muna ako
sa unit ko sa may Makati.
“Sige,
uwi na muna ako. Masama lang pakiramdam ko.” ang pagpapaalam ko kay Rahj.
Nagpaalam rin ako kila Mama, Papa at Miguel na nasa dinning area at magkasamang
nagre-ready lunch.
Dire-diretso
lang ako papunta kotse ko na walang lingon lingon. Sinundan pa ako ni Rahj
parasamahan na ihatid sa gate nila pero di ko sya nililingon.
“Bye!
Ingat ka sa-“ rinig kong naputol ang pagsasalita niya kasi hindi ko man lang
siya tiningnan after ko buksan yung pinto ng sasakyan ko. tapos agad ko pa itong
sinarado na sa pagkakaalam ko ay malaks ang pagkakasara ko. kaya naman parang
ang lumabas ang nagdadabog ako paalis.
Habang
binabagtas ko ang daan mula Cavite papunta Makati via SLEX at nagmuni-muni ako.
Napaisip ako na hindi ko akalain na aabot kami ng ganun katagal ni Rahj bilang magkarelasyon. Alam ko sa sarili ko na
mahal na mahal ko sya. Hindi ko kayang mawala siya sakin dahil sigurado akong
hindi ko rin kakayanin. Fragile ang puso ko masyado pagdating sa pag-ibig. Pero
pagdating sa pagtatago ng emosyon. Sisiw lang sakin. Kahit galit na ako
nakakaya kong hinid ipakita sa kanila ang galit ko. pinipilit kong magsink-in
agad sa puso ko yung emosyon kahit na kapalit nito ay ang pagisiskip ng dibdib
ko at hirap sa paghinga.
Nakakatawang
isipin na pagdating kay Rahj ay nagiging soft ako. Naalala ko tuloy nung a
month after namin dumating dito sa pilipinas. Nag-away kami dahil sa
panghihimasok or let’s just say na pinuntahan ni Rahj sila Mommy and Daddy sa
bahay namin sa Manila pero may naging magandang nangyari naman
----------------
“James! Gising ka na” ang pagyugyug sakin ni Rahj sa kama.
“Ano ba, ang aga-aga pa kaya. Antok pa ko. saka pagod pa
ako” ang sagot ko sa kanya.
“Gising ka na please. May lakad nga pala tayo ngayon di ko
lang nasabi sayo.”
“Pag di ka bumagon isusumbong kita kila Mama na kinain mo
yung tofu na binili niya nung isang araw. Sige ka” ang pagbabanta niya sakin.
“Bahala ka dyan. Isumbong mo kung gusto mo. Babayaran ko na
lang or bibili na lang ako para kapalit” ang walang ganang sagot ko sa kanya.
Sa totoo lang, kasalanan to ni Rahj kung bakit pagod na pagod ako eh. Mula sa
pagja-jog namin kahapon ng umaga ay napunta kami sa tennis tapos swimming kaya
naman sobra akong napagod. Sakit pa ng kalamnan ko. hindi ako makagalaw ng
ayos. Tapos nung kinagabihan, kinukulit ako, hinahalikan ko kung saan saan,
tapos ang kamay kung saan saan pumupunta. Wala pa naman ako sa mood.
“Pag hindi ka dyan talaga gumising, pupuntahan ko sila Mommy
mo at Daddy mo at sasabihin ko sa kanila na patawarin ka na nila.” Pagkasabi
niya ay agad akong napabalikwas sa kinahihihgaan ko. kahit masakit pa ang
kalamnan ko ay nagawa kong mapabangon sa kinahihigaan ko at napatayo.
“Sige subukan mo lang, dahil magkakalimutan na tayo” ang
pagbabanta ko sa kanya.
“Then gumising ka na kasi. May lakad nga tayo. Importante”
ang sabi niya sakin kaya naman wala na akong nagawa kungdi ang sumunod sa
sinabi niya. Agad akong naligo na at nagbreakfast na slash lunch. While eating
our brunch. Nakatitig lang sya sa mukha ko kaya naman naconsciou ako bigla.
“May dumi ba ako sa mukha?” ang tanong ko sa kanya.
“Wala naman. Ang cute mo lang tingnan habang kumakain” ang
sagot nya sakin sabay bigay ng isang matamis na ngiti.
“Bolero.” Ang sagot ko naman sa kanya.
“Oo na. Bolero na kung bolero. Masaya lang kasi ako na after
nung akisdente ay magkaka-ayos kami ni Kuya Miguel. Sino ba naman kasi
mag-aakala na ikaw lang pala ang taong hinihintay namin para magkaayos kami.”
Ang pagpapaliwanag niya sakin.
“Ano ka ba. Hindi naman ako ang gumawa nun eh. Nagkataon
lang, siguro naging way lang ako para magkabati na kayo.”
“Basta thank you talaga James.”
“Dahil dun, may surprise ako sayo mamayang hapon. Sana
magustuhan mo yung ihahanda ko”
“ano na yan huh? Duda talaga ako pag nagsasabi na na may
surpise ka eh”
“Wag ka mag-alala, magugustuhan mo to” ang sagot nya sakin
tapos saka sya tumayo at pumunta ng
kusina para kumuha ng maiinom ko. after ko makapgbrunch ay lumarga na kami ni
Rahj. Nagpaalam kami na may pupuntahan lang kila Mama.
Si Miguel nga pala ay kila Rahj na nakatira. Kinuha na ni
Papa si Miguel dahil gusto nyang pumayag. Noong una ay ayaw ibigay nung Mama ni
Miguel kay Papa pero pumayag din
kalaunan. Magkasama kami ni Rahj sa iisang kwarto. Si Kuya Miguel at Kuya Drew
naman ay may sariling kwarto. Nakakatuwa lang nung unang linggo ni Miguel sa
dito kila Rahj ay sa kwarto niya natutulog si Papa at si Rahj. Kaya naman
mag-isa na lang akong natutulog sa kwarto namin ni Rahj. Syempre naging
considerate naman ako na isipin si yung side ni Rahj dahil gusto nya magbond
kay Miguel.
Pumunta muna kami ni Rahj sa Parks and Wildlife. Ako driver
syempre dahil 17 palang siya eh. 1pm dumating kami dun. Pagkarating, naglakad
lakad kami mula entrance hanggang sa may parang pond. Umupo ako sa damuhan sa
ilalim ng Ipilipil tree na malapit lang dun sa pond. Tumabi sakin Rahj sa
pagupo.
“Pwede pa sandal sa balikat mo. Pagod na pagod pa talaga
ako” ang pagpapaalam ko sa kaniya. Walang anu-ano ay sumadal ako sa balikat
niya. Inihiga ko ang ulo ko sa kaliwang balikat niya.
“Alam mo. Matagal ko nang gusto ko nang itanong sayo to eh.”
Ang pagsisimula ni Rahj.
“Ano ba yun?” ang sabi ko naman sa kanya.
“Nagkagusto ka ba kay Kuya Miguel dati noong nasa America pa
tayo?” ang walang kaabug-abog na tanong niya sakin.
“Huh? Ano bang klasend tanong yan?” pagkatapos ay tumingin
ako sa kanya. “Seryoso ako James” ang sabi niya sakin sa mukhang seryoso.
“Ano... Kasi” ang putol putol kong sabi.
“Maiintindihan ko naman kung nagkagusto ka sa kanya eh kasi
wala ako sa tabi mo lagi. Nakahiga lang ako sa lagi sa kama. Buong araw la-“
naputol ang pagsasalit niya dahil sumagot agad ako.
“Oo nagkaroon ako ng gusto sa kanya. Dahil una palang kita
ko sa kanya ay naalala kita sa kanya. Hinid ko alam kung bakit parang
nararamdaman ko yung presensya mo sa kanya. Pero di na importante na yun dahil
pinili kita over him. Dahil alam kong mas mahal kita at hindi iyon magbabag pa”
pagkatapos nun ay nagkatinginan kaming dalawa. Parehas kaming napangiti after nun.
Para tuloy ang awkward ng moment na yun kasi parang bumalik kami sa dati na
kakakilala pa lang namin sa isa’t isa. Parang kaming mga bagong magkaibigan pa
lang na naiilang sa isa’t isa. Nakakahiya. *blush*
Habang tumatagal, nagiging awkward ang atmosphere sa paligid
namin dalawa. Hindi na ako bumalik sa pagkakasandal ko sa kanya. Nagkaroon
tuloy ng konting gap sa pag itan namin. *Nakakahiya**Blush*
“Halikaw nga dito. Miss na kitang yakapin” si Rahj na mismo
ang bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tumingin muna ako sa
kanya, hindi talaga ako makakibo. BLUSH
AGAIN. SH*T! Ibinuka ni Rahj ang kanyang kamay at ready nang yumakap sakin.
Di parin ako makagalaw kasi... nahihiya ako? Nahihiya? Parang tanga lang. Kaya
naman sya na ang naginitiate na yakapin ako. Ramdam ko na sincere sya sa
pagkakayakap sakin. Sobrang higpit. Ang sarap
sa pakiramdam.
“Thank you” yan ang mga salitang nasabi ko na lang sa kanya.
“Thank you din” ang sabi naman niya sakin.
Nagtagal pa kaming dalawa dun. Siguro 3pm na kami nakaalis
dun. Bumalik na kami sa kotse. Kaya lang naginsist si Rahj na sya daw ang
magda-drive. Hindi ako pumayag pero ang kulit nya lang kaya naman pumayag na
ako.
“Basta alalayan kita huh pag di mo na kaya” ang sabi ko na
lang sa kanya. Kaya sya na ang drive papunta sa next destination. Marunong
naman pala si Rahj magdrive eh. Kaya naging kampante na ako. Kung saan saan si
Rahj pumupunta kaya naman medyo nainip na ko. kung saan saan pa nagstop para
lang bumili ng kung ano. Kaya pinabayaan ko na lang. Hanggang sa di ko na
malayan na nakatulog na pala ako. Naramdaman ko na lang na parang tumigil na
yung andar ng kotse at namatay na.
“James, gising ka na. Dito na tayo.” Kaya naman nagising na
ako sa pagkakatulog. Pupungas akong kinukusot ko ang aking mata.
“Asan tayo? Gabi na pala?” ang ang sabi ko sa kanya.
“Basta. Suot mo pala to oh. Andyan na yung surpise ko eh” ang sabi ni Rahj sakin. Kaya nama sinuot ko na lang. Ramdam kong bumaba na si Rahj sa kotse. Tapos nagbukas bigla yung pinto sa tabi ko at inalalayan niya akong bumaba.
“Oh. May gutter. Itaas mo paa mo pag hakbang mo huh” ang mga
paalala sakin ni Rahj habang naglalakad.
“Oh, pataas yung lalakaran huh” isa pang palala sakin ni
Rahj. Unti unti ay parang narereccall ko na tong place na to. Parang alam ko
kung saan. Saka amoy pala sa paligid pamilyar ako.
Tok tok tok
Rinig ko naman na nagbukas ang pinto ng bahay. Saka kami
tumuloy ni Rahj.
Tama ako. Alam ko tong amoy na to. Hindi ako nagkakamali.
Alam ko talaga.
“James. Buksan mo na” ang sabi sakin ni Rahj afer kong
umupo. Kaya naman unti unti kon binuksan yung nakalagay sa mata ko.
“James” ang nakangiting bati sakin nila Mommy at Daddy. Kaya
naman napatingin ako kay Rahj.
“What’s going on?” ang tanong ko kay Rahj. Agad akong
napatayo sa kinauupuan ko.
“Rahj! I SAIT WHAT’S GOING ON? BAKIT AKO NANDITO?!” ang sabi
ko. tumaas na ang boses ko kaya naman nagulat sakin si Rahj. “I’M GOING HOME”
ang sabi ko at dire-diretso lang ako palabas ng bahay namin.
Of all places, bakit dito pa niya naisipang dalhin ako. At
surpisepa daw. What the Fcuk!
“Wait lang po. kausapin ko lang po sya” ang rinig kong sabi
ni Rahj kila Daddy nung naglalakad ako palabas.
Dire-diretso lang ako palabas ng bahay. Hanggang sa tuluyan
na akong nakalabas. “James! Wait lang!” ang sigaw na sabi ni Rahj sakin pero
hindi ko siya pinansin. So eto pala ang surprise! Sabi ko sa sarili ko
habang naglalakad ako. Biglang hinawakan ako ni Rahj sa kaliwang braso ko kaya
naman napatigil ako. Hindi parin ako lumilingon sa kanya. Hindi ko sya kayang tingnan.
Nakakaasar siya.
“Let me explain, please” ang sabi ni Rahj sakin. Hindi ko na
kaya ang nagnyayari ngayon araw. Parang lahat ata ng emosyon na ramdaman ko na.
Hindi ko na napigilan ang aking mga luha na kumawala mula sa mga mata ko.
napakasagana. Ang daming lumabas.
“Bakit?” ang lumabas na lang sa bibig ko.
“Dahil gusto kong maayos ang lahat ng tungkol sayo. Nagawa
mong ayusing ang buhay ko kaya sana pagbigyan mo kong ayusin yung sayo.” Ang
nagmamakaawang sabi ni Rahj sakin. “Give me a chance para ayusing ko yung buhay
mo. Dahil sakin kaya kayo nag-away. Dahil sakin kaya ka umalis dito. Kaya
pinangako ko sa sarili ko na tutulungan kitang ayusing kung ano mang problema
ang dinulot ko sayo. At ito na yung tamang time, James.” Ang sabi nya ulit
sakin. Niyakap niya ako mula sa likuran. Ramdam kong basa na yung likod ko
marahil siguro sa umuiiyak si Rahj.
“Hindi ko hiningi ang tulong mo. KAYA WAG KANG MAKIALAM SA
BUHAY KO RAHJ! BOYFRIEND LANG KITA!” hindi ko alam kung san nagmula yung mga
salitang iyon para saibhin ko sa kanya. Alam kong masama ang magiging dating
nun pero nasabi ko parin.
“May pakialam ako James!” ang sigaw ni Rahj sakin. Humihikbi
na sya sa pag-iyak kaya naman nilingon ko na sya. Nakayakap parin sya sakin
kahit na nagiba ako ng posisyon.
“May pakialam ako! Dahil MAHAL KITA! DAHIL BOYFRIEND MO KO!
DAHIL...”
“DAHIL...”
“DAHIL ANO!?!?!?!?!” ang sigaw ko sa kanya.
“DAHIL ANO RAHJ! Sabihin mo para maintindihan ko!” ang ulit
kong sigaw sa kanya.. sa puntong iyon.. nagkatinginan kaming dalawa. Mas lalong
hinigpitan nya ang yakap sakin hanggang sa hindi na ako makahinga ng ayos.
“DAHIL...” ang putol ulit na sabi ni Rahj.
“Dahil tanggap na namin kayo James. Dahil ayaw naming masira
ang kinabukasan mo dahil lang samin. Dahil nakita namin mahal ka niya. MAHAL NA
MAHAL” nagulat ako kung sino ang nagsalita. Si Mommy pala.
“Anong ibig nyong sabihin?” ang di ko naiwasang itanong sa kanila
“Laging pumupunta dito si Rahj pag hapon. Lagi syang nagmamakaawa na tanggapin namin kayong dalawa. Sa una palang tanggap ko na ang buong pagkatao mo pero natatakot akong ipaalam sayo. Hanggang sa inabutan siya ng isang malakas na ulan. Sinabihan kami ni Manang na hindi daw sya umalis. Nandun lang sa labas ng gate. At hinding hindi aalis hanggat di namin tinatanggap ka bilang ikaw...” sabi ni Mama. biglang pumatak ang luha isa isa. Alam kong sincer na si Mommy sa pagsasalita.
“...kaya dun ko lang nalaman ang kamalian ko sa buhay,
James. Sana sa una palang tinanggap ka na namin. Dun ko lang nakita na hindi
imposible na mahalin ng isang lalake ang kapwa nya. Nakita ko ang sarili ko sa
kanya dati nung pinaglaban ko ang Mommy mo sa mga parents nya. Ganun din ang
ginawa ko. hindi ako nagpatinag sa malakas na ulan. Kahit bagyo pa yan.
susuungin ko dahil mahal ko sya. At ganun din si Rahj.” Ang dugtong naman ni
Daddy sa paliwanag ni Mommy.
Sa puntong iyon ay lalo akong napaiyak. Hindi ko akalain na
matatanggap nila ako.
“Pinakita niyang mahal na mahal ka niya at kaya niyang gawin
ang lahat. Hindi sya nahihiya kahit na pinagtitinginan na sya ng mga tao.” Ang
sabi pa ni Mommy.
“Mom, Dad.” Ang nabanggit ko na lang.
Lumapit sila sakin at niyakap nila kaming dalawa ni Rahj.
Duon ko lang naranasan ulit ang ganung yakap simula nung bata pa ako. Huli kong
naranasan yun nung bago ako mag grade three. After nun naging busy na sila pareho
sa trabaho at madalang nakami nagkakabonding sa pamilya kaya naman nagtampo ako
sa kanila. Isang yakap lang pala nila ay mawawala na ang mga hinanakit ko sa
kanila.
“Sorry po...” ang umiiyak kong sabi. “Sorry po, sorry po,
sorry po..” ang tuloy tuloy ko lang na sabi.
“Ssshhh. Tahan na. Mahal na mahal ka namin ng Daddy mo” ang
pag aalo sakin ni Mommy.
“Mahal na mahal ko din po kayo, salamat po” ang nasabi ko na
lang sa kanila. Inaya na kami ni Rahj na pumasok. Nakayakap ako kay mommy
habang pumapasok kami sa bahay samantalang si Rahj naman ay inakbayan ni Daddy.
Hindi muna sila pumasok ng bahay. Parang may pinag-usapan ata.
Ganun ang nangyari nung gabing iyon. Habang kumakain kami ay
nagkukuwnetuhan kami sa mga pinagdaanan namin ni Rahj habang nasa america kami
at pati na rin yung tungkol kay Miguel.
-------------------
Natawa na lang ako sa sarili ko habang nagmamaneho ng
sasakyan papunta sa unit ko sa Makati. Dun ko lang narealize ang essence ng
pamilya at karelasyon. Kung hindi kay Rahj, marahil hindi na ako tuluyang
bumalik kila Mommy. Tuluyan na siguro akong nilamon ng galit sa kanila. Tuluyan
ko na siguro silang kinamuhian.
Nakakatawa lang isipin na may isang Rahj lang pala akong
hinihintay para lang magkaayos kami nila Daddy. Hindi kailanman sumagi sa isip
ko na si Rahj pa ang gagawa ng paraan para magkabati kami. Who knows, maybe sya
rin ang magbigay sakin ng anak. Haha. Kidding.
Nakarating na ako sa condo. At agad agad akong bumaba at
dimiretso sa unit ko sa 22nd floor. Pagdating ko dun dumiretso ako sa kama ko.
bagsak! Ay grabe, sobrang pagod. Tumingin ako sa ceiling. Hanggang sa dinala na
naman ako ng pagmumuni-muni ko.
Bakit nga ba ako nagseselos kay Miguel, eh infact kapatid ko
na sya halos. Bakit ko magseselos sa kanya eh alam ko namang nagba-bonding lang
naman sila ni Rahj. Bakit kelangan kong mainggit? Hindi ko alam ang sagot.
Bakit nga ba? Dahil ba nawawalan sya ng time sakin? Pero pang ang selfish naman
ng dating ko ganun nga ang reason ko. Dahil ba si Miguel na ngayon ang nagpapasaya
kay Rahj at hindi ako? Eh diba parang katangahan naman yung kung ganun ang
reason ko? Dahil ba nakikita ko sialng close na magkakapatid kaya ba ako
nagkakaganito? Eh parang sinabi ko na rin na James you’re so pathetic! Natural lang yan, namiss nila ang isa’t isa!
Tanga ka ba? Oh diba. Parang ang
tanga ko nga naman.
Speaking
of Miguel. Naalala ko kung pano sila nagka-ayos ni Rahj at tinanggap ni Mama si
Miguel sa pamilya.
---------------
“Pa! Gising na po si Miguel” ang biglaang sabi ko dahil
nakita kong nagmulat na si Miguel mula sa pagkakatulog nya nang limang araw.
Kaya naman lahat sila ay nabalaikwas ng nalaman nila. Kasalukuyan ko kasing
tinitingnan ni Miguel at nagkukuwento tungkol kay Rahj. Na excited na syang
maging kuya sya. Na pinapatawad na sya ni Rahj.
“Miguel anak!” ang sabi ni Papa.
“Ahh.. asan ako?” ang daing agad ni Miguel nang magising.
“Nandito ka sa hospital. Hindi mo ba naaalala yung mga
nangyari sayo?” ang tanong ni Papa sa kanya. Umiling ang si Miguel. Kaya naman
ikinuwento ni Papa sa kanya ang mga nangyari.
“Teka lang po. bakit po anak ang tawag nyo sakin?” ang
nakakunot noo na tanong ni Miguel kay Papa. Napatingin naman si Papa kay Rahj
tapos tumingin sa Mama ni Miguel.
“May hindi po ba ako nalalaman?” ang tanong ulit ni Miguel.
“Alam mo kasi anak. Siya ang tunay mong ama.” Ang sabi nung
Mama nya.
“Pero pano po nangyari yun? At saka-“ ang naputol na sabi ni
Miguel dahil nagsalita agad si Papa.
“Nagkaron kami ng relasyon ng Mama mo ng nagkalabuan kami ng
asawa ko. at ikaw ang naging bunga. At kung ang itatanong mo ay si Rahj. Oo,
tama ka. Magkapatid kayong dalawa” ang sabi naman ni Papa. Halatang nagulat si
Miguel dahil napatingin siya kay Rahj na kung saan nakangiti si Rahj sa kanya.
“ Pero-“ naputol ang sasabihin pa ni Miguel dahil lumapit si
Rahj sa kanya.
“Ku...Kkuya” ang nauutal na sabi ni Rahj.
“...” ang taning naging reaksyon ni Miguel kay Rahj.
“Kuya Miguel...” ang sabi ni Rahj. Nagiging teary eyed na
ulit sya.
“Kuya?” ang tanong ni Miguel. Ngumiti lang si Rahj.
“Sorry” ang sabi ni Rahj.
“Para san?” ang tanong naman ni Miguel.
“Dahil naging masama ako sayo.” Ang naluluhang sabi ni Rahj.
“Masama? Sakin? Bakit naman?” ang naluluhang sabi na rin ni Miguel.
Pinagmasdan na lang namin nila Papa at ng iba pa si Rahj na ayusin ang gusto
nilang magbestfriend slash ‘mortal enemy’ slash makapatid.
“Dahil inaway kita, nasuntok nita, nasapa, nasabihan ng
masasamang bagay at higit sa lahat naging masama akong bestfriend sayo at...”
ang naputol na sabi ni Rahj.
“at?” ang sabi naman ni Miguel.
“..at kapatid” sa huling katagang sinabi ni Rahj ay lumaglag
na ang mga luhang kanina pa niya pinipigalan na lumabas pero hindi sya
nagtagumpay dahil mismong ang mga mata nya ang nagkanuno sa kanya na ilabas ang
kanyang luha.
“Ssshhh.. tahan na. Halikaw dito” ang sabi ni Miguel at
itinaas niya ang dalawa niyang kamay. Kahit nahihirapan siya ginawa pa rin
niya. Tutulungan ko sana siya na itaas ang kanyang kamay pero kinapitan ako ni
Kuya Drew sa kamay at umiling lang sya. Nakuha ko naman ang ibig nyang sabihin
kaya di ko na ginawa
Unti unting lumapit si Rahj kay Miguel. Si miguel ay
nakangiti lang na nakatingin sa kapatid niyang si Rahj pero tumutulo ang mga
luha. Nang lumapit na si Rahj ay niyakap siya ni Miguel na mahigpit. Nakakaiyak
ang masaksihan ang gunong pangyayari kaya naman hindi ko maiwasang maluha sa
nakikita.
“Ako ang dapat magsorry dahil naging selfish ako. Inagaw ko
sayo si Yvone nu-“ naputol ang sinabi ni Miguel dahil nagsalita agad si Miguel.
“Hindi Kuya. Okay lang yun. Wala na sakin yun. Nagpasalamat
pa nga ako sayo dahil nakilala ko ngayon si James. At alam mo yung dahilan ko
kung bakit ko sya mahal na mahal” ang sabi ni Rahj. Napatingin sakin si Miguel
tapos ngumiti. Nginitian ko rin siya.
“Sorry din..” ang sabi ni Miguel. After nun ay laging nasa
tabi ni Miguel si Rahj. Pinabayaan kong si Rahj muna ang magintindi kay Miguel.
Mukha naman silang masayang dalawa sa pagkukwentuhan. Saka para narin makapg pahinga
ako. Kapag tulog na si Miguel saka lang kami nakakapg usap at nakakapagsolohan
ni Rahj.
----------------
Naalimpungatan
na lang ako sa papgumumuni-muni ko ng biglang may nagdoor bell sa unit ko. kaya
naman nagayos muna ako ng sarili bago ko binuksan ang pinto.
Bumulaga
sakin si Rahj na nakangiti. Agad niya akong niyakap kaya di agad ako
nakapagsalita.
“Bakit
ka agad umalis. Miss na miss pa naman kita” ang naglalambing na sabi sakin ni
Rahj.
“Wait,
bumitaw ka muna. Baka may makakita satin eh” ang naiiritang sagot ko sa kanya.
Ewan ko ba bakit bigla akong nairita sa kanya ngayon araw.
“Galit
ka?” ang takang tanong ni Rahj sakin. Hinila ko si Rahj papasok ng unit ko at
diretso lang kami papuntang living room.
“Hindi
ako galit no” ang deepensa ko sa sarili ko.
“EH
kung hindi bakit umalis ka agad sa bahay tapos nagdadabog ka pang umalis?” ang
tampong sabi ni Rahj sakin.
“Masama
lang pakiramdam ko” ang walang ekkspreyon kong sabi. Nakatingin lang ako sa
labas ng kwarto ko. naisipan kong tumayo at lumapit sa glass door sa veranda at
binuksan. Sumalubong sakin ang isang napakalamig na hanging amihan.
“Ang
lamig..” ang sabay nami sabi ni Rahj. Nagkatinginan kaming dalawa tapos
napatawa sa reaksyon namin.
“Hindi
ako galit Rahj. Masama lang talaga-“ ang naputol kong sabi dahil nagsalita agad
si Rahj.
“Hindi
ka galit, pero nagseselos ka kay Kuya Miguel, tama ba?” ang tanong ni Rahj
sakin. Napatingin naman ako kay Rahj ngunit itong si Rahj naman ay nakangiti.
“Hindi
ah! Saka bakit ka nakangiti? May nakakatawa ba?’ ang sabi ko sa kanya. Umandar
agad ang pagiging defensive ko kaya naman obvious na.
“Ikaw!
Ikaw ang nakakatawa. Magkapatid kami ni Kuya. Bakit ka naman dun magseselos. Eh
dapat nga siya pa ang magselos sakin eh kasi
ako’y sayo at ika’y sakin pero hindi naman nya ginagawa. Sinusuportahan
pa nga niya tayo. Siya pa nga ang unang nakapansin na parang lumalamig ka na
daw sakin.” Ang paliwanag ni Rahj.
“Ano?!”
ang gulat kong tanong.
“See
tama ako nu. Tama ako nu?!” ang excited na pagkasabi nya sakin. “Uuuyyy,,,
nagseselos nga sya. Tama nu” ang pangungulit niya sakin.
“ Ano
ba Rahj?!” ang mataas kong pagkakasabi ko.
“Eh
bakit kasi hindi mo pa aminin na naiinggit ka kay Kuya kasi mas may time ako sa
kanya.” Ang sabi niya sa kin na nakangiti.
“Eh
ano ba ang mapapala mo kung umamin ako huh?” ang tanong ko naman sa kanya.
“Wala.”
Ang sabi nya agad.
“Wala
naman pala eh” ang sagot ko naman.
“Pero
naiinggit ka parin?” ang sabi niya sakin.
“Oo
na! Naiinggit na ko! nagseselos na ko! dahil mas may time ka pa sakanya. Dahil
mas masaya ka sa kanya kesa sakin! Ano! Tama na ba yung dahilan?!” ang pag amin
ko dito.
Hindi
agad nakaimik si Rahj. Hanggang sa natawa siya sakin. *Argh! Nakaka-asar tong lalaking to*
“Ano
ba?! Hindi na nakakatuwa huh!” ang pagmamaktol ko dito.
“Oh
sige na. Titigil na ako. Hindi ko nama kasi akalain na totoo nga hinala ko. Wag
kang mag-alala. MAHAL NA MAHAL KITA! I love you. Yung pagmamahal
ko sayo kasing lalim ng pinakamalalim na dagat sa buong mundo. I love you. Yung
pagmamahal ko sayo kasing laki ng pinag sama samang planeta. I love you. Yung
pagmamahal ko sayo mas matagal pa sa forever. I love you. Yung pagmamahal ko
sayo hinde na mapapalitan ng kahit sino. I love you. Kahit ilang beses pa
kitang kelangan pakasalan gagawin ko. Kahit na sa lahat ng simbahan sa buong
mundo, gagawin ko. I love you. Kahit na ipagtabuyan mo ko, kahit na mag sawa ka
sakin, kahit na iwanan mo ko, ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko. Hahanapin
kita kahit san ka magpunta. At pag nahanap kita, hinde na kita ulit papakawalan
pa. I love you. Kahit gaano kasakit, kahit gaano kahirap hinde kita iiwan. I
love you. Yung pagmamahal ko sayo, hinde na mawawala. I love you, James.
I love you, I love you, I love you...”
Sa mga
sinabi ni Rahj ay sobra akong kinalibuan. Parang last i love you’s na namin sa
isa’t isa kung makapag ilove you sya. Pero syempre feeling ko lang yun. Masaya
ako sa sinabi niya. Masayang masaya.
“Wag
ka mag-alala. Hinding hindi na ko magseselos or maiinggit ng walang dahilan.”
Ang sabi ko sa kanya saka ko sya niyakap.
“Salamat”
ang sabi ko ulit sa kanya.
“Salamat
din kasi mahal na mahal mo ko” sabi ko
lit. Hinalikan ko sya sa labi tapos ngumiti.
After
ng reconciliation ‘kunwari’ ay di ko na pinauwi si Rahj. Dito ko na lang siya
pinatulog tutal konting buwan na lang at magkasama na kami ni Rahj dahil dito
na sya titira sa condo ko.
Tulong
kaming nagluto ng ulam namin dalawa na sinigang na baboy at saka pinakbet.
Pinagsaluhan namin dalawa ito. At sa may tapat ng veranda namin napag isipan
kumain. Parang ang naging set up ay isang romantic dinner habang hinahampas ka
ng malamig na hanging amihan.
No comments:
Post a Comment