Sunday, April 22, 2012

Ako'y sayo at ika'y akin chapter 20


Sorry for the late update.


Thank you po sa mga bumabasa nang aking likhang story.



Baka naman dun sa mga anonymous at silent readers, magpakilala na kayo para masama ko kayo sa pasasalamatan sa finale nito. THANKS!


Don’t forget to to add me on FACEBOOK/TWITTER.


Thanks.


Enjoy!


=================
*Ssscccrreeeecccchhh!* tunong nang gulong na sasakyan.

Pagtingin ko ay isang sasakyang mabilis na tumatakbo patungo sa kinatatayuan ko. hindi ako makapgreact. Napako na lang ako sa kintatayuan ko.

‘Aaaaahhhh!!” ang sigaw ko.

“Jjjjaaammeesss!” ang sigaw ng isang lalakeng tumatakbo papunta sakin at mabilisan akong naitulak papalayo sa sasakyan hanggang sa sya ang nabanggan ng sasakyan.

Kita ko ang paghampas ng katawan ni Miguel sa kotseng pula na bumangga sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, sobra akong nagpanic. Ang mga tao ay nagkumpulan sa palibot namin ni Miguel. Samantalang si Rahj ay kita kong nasa tabi ko at katulad ko ay natulala din sa nasaksihan.

“Rahj! Kumuha ka ng tulong! Ano ba!?”

“ah, eh. Oo” ang nauutal na sabi ni Rahj sakin.

“Cann somebody call for an ambulance?” ang rinig kong sabi ng isang black american. Kaya naman may isang taong tumawag sa 911 para sa ambulansya. Basta ko lang tinitingnan ang nakahandusay na si Miguel sa kalsada dahil hindi ko ito pwedeng galawin dahil baka mapasama pa ang kanyang lagay. Nilapitan naman ako ni Rahj at saka niyakap.

“Rahj” ang naiiyak kong sabi.

“Wag kang mag-alala. Padating na yung ambulansya. Hintayin na lang natin sila”

“Wala sanang mangyaring masama kay Miguel dahil di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya. Ako! Ako ang may kasalanan nito. Dapat sa una pa lang sinabi ko na sayo pero niloko kita” pagkatapos ay napaupo na lang ako sa kalsada at umiiyak. Napakalaking tanga kong tao, sana noong una palang pinagtapat ko na para hindi na humantong pa sa ganito. Dahil sakin lalong nag-away sila Miguel at Rahj, dahil sakin naaksidente pa sya at dahil sakin ay baka mamatay siya.

“ssshhhh, tahan na. Wag mong sisihin ang sarili mo. Ginawa mo lang yun para sakin.” Ang pagpapakalma sakin ni Rahj. Ngunit hindi ako natinag sa sinabi nya dahil hindi ako natigil sa kakaiyak.

 Ilang minuto lang ang nakakalipas at dumating agad ang ambulansya, police officers and fire truck. Agad nilang isinakay sa stretcher si Miguel at dinala sa ambulansya. Sumama kami ni Rahj sa ambulansya para dalhin sya sa pinakamalapit na hospital. Kita ko ang hirap na paghinga ni Miguel kaya naman nilagyan na sya ng oxygen mask para makahinga ng ayos. Habang umaandar kami ay nilalapatan naman siya ng paunang lunas at saka chineck na rin ang blood pressure kung okay naman. Awa naman ng Diyos ay nag OKAY sign sakin ang medic. Medyo nakahinga na rin ako ng ayos kaya naman nang bumalik ako sa ulirat ay naisipan kong tawagan sila Mama at Papa para papuntahin sila sa hospital.

Ilang  minuto din at nakarating na kami sa hospital. Dun ko napansin na dun din sa hospital galing si Rahj ang pinagdalhan kay Miguel. Agad siyang dinala sa Emergency room kaya nama hindi na kami nakapasok pa.

“Doc, please save him” wika ko sa doctor na incharge sa gabing iyon.

“Okay, Don’t worry” ang tugon niya sakin.

Umupo kami ni Rahj sa katabing silya at saka naghintay. Ilang minuto at lumabas ang doctor at sinabing kailangan isailalim si Miguel sa isang operasyon dahil nagkaroon ng pamumuo ng dugo sa utak si Miguel at kailangan din ng dugo.

“He’s blood type AB-, which means, only family members or a person with the same tpye is the only one that can donate a blood” ang wika ng doktor.

“Blood type B ako, ikaw?”

“Huh? Ewan, di ko alam eh”ang sagot ni Rahj

“okay Doc, we’ll definitely find a donor” ang naisagot ko na lang. Pagkatapos namin magusap ay dinala na si Miguel sa isang pribadong room. Ako na ang pumirma ng mga dokumento na kelangan asikasuhin para sa pagstay ni Miguel at para na rin sa operation nya. One hour after, dumating sila Mama galing hospital.

“James! Ano nangyari? Kala namin kayo na ang naaksidente buti na lang at hindi” ang nasabi ni Mama samin pagkakita samin ni Rahj na nasa labas ng kwarto ni Miguel.

“Si Miguel po” sabi ni Rahj.

“Huh?!” ang nasagot ni Papa.

“Si Miguel? Kamusta na sya? Okay na ba daw sya?” ang sunod-sunod na tanong ni Papa samin.


“Okay na po sya for now, pero kelangan i-undergo sa isang operation dahil may namuong dugo sa kanyang ulo” ang pagpapaliwanag ko sa kanila.

“Saka nga po pala, kelangan daw salinan ng dugo. Blood type AB- daw po si Miguel. Family members lang at same person na may ganung type ng dugo ang pwede magdonate.” Ang pagpapaalam ko sa kanila.

“O-oh sige” ang sagot ni Papa. Halatang nabigla si Papa dahil sa nalaman nya. Isa pa, he’s acting strange ng malaman niyang si Miguel ang nabangga.

“So kelangan pala nating tawagan pamilya nya sa Pilipinas” ang banggit ni Mama samin.

“Ako na lang tatawag” ang mungkahi ni Papa samin sabay tayo. Napatingin na lang ako kay Mama na nagtatanong dahil sa inasta ni Papa. Pero ganun din sa Mama na nagtataka.

Lumabas muna si Papa ng kwarto ni Miguel para kausapin ang parents ni Miguel. Saka nama lumapit sakin si Rahj at umupo sa tabi ko.

“Sorry” ang mahinang usal niya.

“No, ako dapat ang magsorry. Napaka-immature ko. Dapat isina-alang alang ko ang side mo para hindi tayo humantong sa ganito. Sorry talaga.” Ang naiiyak kong sabi ko. Pangit man isipin pero, sa ganung pangyayari pa kami magre-reconcile na dalawa para lang marealize ang mali namin, KO pala. Ako lang namang tong ta-tanga-tangang tao na very selfish. Kapakanan ko lang nag iniisip ko, hindi ko man lang inisip ang kay Rahj kung ano ang magiging epekto sa kanya ng pakikialam ko sa buhay niya.

“May mali din ako, dapat hindi kita sinaktan, dapat hindi kita sinuntok, dapat hindi kita sinigawan, dapat hindi kita tiningnan ng masama. Naging padalus-dalos ako sa kinilos ko.”

“Hindi ko maipapangako na magkaka-ayos kami agad-agad ni Miguel bukas, sa makalawa, sa sunod na linggo, sa sunod na buwa,  pero para sayo, pipilitin ko sa abot ng makakaya ko.” wika niya sakin

“Hindi mo naman kelangan pilitin sarili mo kung di mo kaya makipag-ayos pero sana mawala na yang galit mo sa puso mo sooner or later. Mahirap kimkimin ang ganyan”  ang sabi ko sa kanya. Ngunit hindi sumagot si Rahj sa mga sinabi ko kaya naman inihilig ko na lang ang aking ulo sa balikat niya.

“sorry” ang bulong ko ulit dito

“sorry din” ang sagot naman niya sakin. Nasa ganun kaming pwesto nang bumalik si Papa at medyo malungkot ito

“Ano daw po sabi?” ang tanong ni Rahj.

“Baka bukas or sa makalawa sila dumating” ang sagot ni Papa.

“Ang tagal naman po ata, baka lumala na sitwasyon ni Miguel.” Ang sagot ko dito.

“Basta hintayin na lang natin sila before ang operation” ang sabi ni Papa sa boses na may awtoridad.

Kaya nga yun na lang ginawa namin, dun na lang din kami nagpalipas ng gabi ni Rahj samantalang sila Mama at Papa ay umuwi na muna. Kami naman ay dun na lang natulog ni Rahj sa sofa na magkatabi. Kinaumagahan ay wala paring malay si Miguel. Si Rahj naman ay naunang bumangon at pumunta ng resto para bumili ng pagkain kaya ako ang iwan na magbantay kay Miguel.

Mataman kong pinagmasdan si Miguel, naalala ko lang si Rahj sa kanya na nakalatay dati sa ganung higaan, sa ganung kama, sa ganun kwarto nung may cancer siya. Nakakawang tingnan si Miguel, humihinga sya sa pamamagitan ng isang pump para masuportahan, ang dami niyang mga galos, nakabandage ang kanyang kaliwang hita tapos ang kanyang kanang braso ay nakabandage din. Muli, bumalik na naman ang senaryo na nasaksihan ko mismo dahil nasa harap ko lang ng mangyari iyon. Lumaglag na naman ang aking mga luhang akala ko ay naubos na kagabi.

“Sorry Miguel, dahil sakin nagkaganyan ka” ang nasabi ko na lang. Nagulat ako ng kumibo ang hintuturong daliri ni Miguel, batid kong narinig niya ang aking sinabi kaya niya siguro nai-galaw yun.

“Magpagaling ka lang Miguel, tutulungan kitang maayos ang problema niyo at pangako, hindi ko na kayo pangungunahan pa ni Rahj. Hiliing ko lang na magkaayos na kayo” ang sabi ko sa walang malay-tao na si Miguel. After few minutes ay bumalik na si Rahj na may dalang breakfast, kaya naman kumain na kaming dalawa, hindi naman namin mai-alis ang mailang kami sa isa’t isa dahil sa insidente kagabi. Nahihiya ako sa kanya dahil sa pagiging makasarili ko.

“Rahj, sorry talaga, imbes na nagpapahinga ka ngayon para sa-“ hindi na pinatapos ni Miguel ang aking sasabihin dahil nagsalita agad sya.

“Ano ka ba, baka maubos na ang sorry dito sa mundo, kagabi ka pa sorry ng sorry eh.”

“Diba sabi ko, okay na. Saka wala na sakin yun, iniisip mo lang kapakanan ko. Hindi naman talaga ako galit sayo” ang agarang sabi niya sakin.

“Pero-“ again, di na naman niya ako pinatapos sa pagsasalita.

“Wala nang pero-pero, basta okay na tayo” ang sagot agad niya. Nginitian ko na lang sya para hindi na rin humaba ang aming usapan. After namin kumain, ay saktong pasok naman ng nurse na magtitingin ng vital signs ni Miguel. After icheck ng nurse ay binigyan nya kami ng instructions na pag naubos ang dextrose ni Miguel ay saibhin agad sa kanya para mapalitan na agad.

Ilang oras din kaming naghintay hanggang sa unti unti ay nakikita kong nahihirapan na huminga si Miguel dahil sa umaangant masyado ang dibdib nya. Until, nagseizure na nga sya.

“Rahj, tawagin mo yung doctor! Bilisan mo” ang paggising ko sa tulog na si Rahj

“huh?” ang pupungas na sagot ni Rahj.

“Tawagin mo ang doktor! Nagse-seizure si Miguel” ang pag ulit ko dito. At agaran ngang tinawag ni Rahj ang doktor, pagbalik niya ay kasama na niya ang mga ito. Agad ko naman tinawagan sila Mama at Papa para ipaalam ang nangyari.

“If he will not undergo the surgery as soon as possible, then he might die because of the blood clot in his head” ang sabi ng doktor sakin.

Kaya naman hindi ko alam kung anong ang isasagot sa doktor na yun. Kasi naman, kung hindi sana ako naki-alam eh di sana hindi ito mangyayari. Ilang minuto lang at dumating sila Papa at Mama. napansin ko naman si Papa na sobrang nag-aalala ng lapitan ito si Miguel, may pahaplos haplos pa ito sa ulo at mukha na parang sinasaulo ang bawat anggulo nito.

“Pa, Okay ka lang?” ang tanong ni Rahj kay Papa.

“Ah.. eh. Oo, okay lang ako. Concern lang ako sa kanya, nakakaawa kasi, di nya kasama pamilya nya” ang sagot ni Papa kay Rahj.

“Sigurado po ba kayo?” ang tanong ulit ni Rahj. Imbes na sumagot ay tumango lang si Papa saka ngumiti ito kay Rahj. Hindi na muling nagtanong si Rahj kaya naman lumapit ito ulit sakin at hinatak ako palabas ng kwarto.

“Alam mo, kagabi pa ako naku-curious sa kilos ni Papa eh. Parang may hindi sinasabi” ang sabi ni Rahj sakin.

“Ako nga din eh, grabe ang concern niya kay Miguel, parang anak na niya ang turing dahil sa tindi ng concer” ang sagot ko naman dito.


“Parang anak?” ang mahinang usal niya.

“Bakit? May problema ba?” ang tanong ko naman dito.

“Huh? Wa-“ ang naputol na pagsasalita ni Rahj dahil narinig namin ang malakas na tawag ni Mama.

“James! Rahj!” ang sigaw ni Mama. kaya naman agad kaming pumasok sa kwarto, naabutan namin na hindi makahinga ng ayos si Miguel kaya naman pumunta agad kami sa nurse’s station at ipinaalam ang sitwasyon ni Miguel. Agad na pumunta dun ang dalawang nurse at ang doktor na in-charge kay Miguel. Ayon sa kanya, kelangan na talagang operahan si Miguel ngayon din araw dahil hindi na kakayanin ng katawan niya kapag ipinagpabukas pa ang operasyon. Kaya naman hindi kami magkanda-ugaga sa kung ano ang desisyun na gagawin namin.

“Ano ang gagawin ko?!” ang malakas na sabi ni Papa. Kaya naman napatingin kami nila Mama at Rahj Kay Papa.

“Ano ba ang ibig mong sabihin?” ang naguguluhang tanong ni Mama.

“Hindi ko na kayo. Ayokong mawala si Miguel sakin” ang naiiyak na sabi ni Papa samin. Hanggang ngayon wala parin akong makuhang sagot sa katanungan namin kung bakit ganito ang ikinikilos ni Papa mula pa kagabi.

“May hindi po ba kayo sinasabi samin?” ang tanong ni Rahj. Tiningnan muna ni Papa si Rahj at mataman itong tinitigan.

“Rahj-“ ang naputol na paglalahad sana ni Papa ng katotohanan dahil biglang may isang babaeng pumasok na kaedadan lang ni Mama at isang lalakeng kaedad ni Kuya Drew.

“Miguel! Anong nangyari sa kanya? Bakit sya nagkaganito?” ang  nabiglang sabi ng babae.

“Eliza! Buti dumating ka na! Si Miguel, naaksidente” ang sabi ni Papa.

“Pano sya naaksidente Claude! Sabihin mo!” ang sabi nung babaeng nagngangalang Eliza.

“Sorry po Ma’am, dahil po sakin kaya nabangga sya. Dapat ako po ang mababangga pero itinulak niya ako kaya sya ang nahagip ng kotse. Sorry po” ako na ang sumagot sa katanungan nung babaeng nagngangalang Eliza kay Papa.

Imbes na sumagot pa ay umiyak na lang ito. Yumakap ito sa lalakeng sa tingin ko ay anak niya. Lumapit naman si Papa dun sa babae saka hinagod sa likod. Sa puntong iyon ay nagkaroon na ako ng hinala kung bakit ganun na lang ang concer ni Papa kay Miguel.

“Pwede ba ipaliwanag niyo sakin ang nangyayari?” ang tanong ni Mama. agad naman nagkatinginan si Papa at si Tita Eliza.

“Ano? Sabihin nyo sakin? May hindi ba ako nalalaman?” ang tanong ni Mama ulit. Tumingin muna si Papa kay Mama at tinatanya ang magiging reaction ni Mama. pagkatapos ay tumingin ito kay Rahj at saka lumapit at hinaplos ang mukha ni Rahj.

“Sorry” ang tanging salita na naisambit ni Papa.

“Sorry? Para san?” ang sabi ni Mama.

“Anak namin ni Claude si Miguel” ang walang kagatul-gatol na sabi ni Tita Eliza. Hindi agad nagsink in sa utak ko ang sinabi ni Tita Eliza. Ilang segundo na tumahimik sa kwartong iyon at saka lang nag sink in ang mga sinabi ni Tita Eliza.

“Ano? Anak?!” ang di makapaniwalang tanong ni Mama kay Papa. Imbes na sumagot ay tumungo na lang ito. Silence means Yes.

“hindi ba kayo nagtataka na magkamukhang-magkamukha si Rahj ang Miguel? Kahit ako akala ko niloloko lang ako ni Eliza nang sabihin niyang buntis siya at ako ang ama ng dinadala niya pero hindi ako nagpaapekto. Pero habang lumalaki sila Rahj at Miguel, dun ko lang napansin na nagiging magkamukha nga sila.” Ang sagot ni Papa samin.

“Pero paano? Paano nangyari yun? Sabihin nyo!?” ang malakas na sabi ni Mama.

“Noong nag-away tayo dati noong wala pa si Rahj sa sapupunan mo, isang taon ako nung nawala at nakilala ko nga si Eliza, wala noon ang asawa niya dahil naka-base ang kumpanya niya dito sa America kaya nagkaroon ng pagkakataon na magkamabutihan kami hanggang sa nagbunga nga iyon at iyon si Miguel. Ang alam ko noon ay gumamit kami ng contraceptives pero mukhang hindi gumana kaya si Miguel ang naging bunga.”

“Patawarin mo ko Alexandra” ang pagsusumamo ni Papa kay Mama.

“Ewan, ewan. Hindi ko alam kung mapapatawad kita.”

“Niloko mo ko Claude, kala ko ako lang ang babaeng minahal mo pero-“ ang naputol na sabi ni Mama dahil sumabat si Tita Eliza.

“Sana patawarin mo na si Claude, alam ko mahirap pero hindi naman namin parehas ginusto na iyon. Basta nangyari na lang ng di namin namamalayan.” Ang pagsingit ni Tita Eliza.

“Ewan, ewan, di ko alam kung mapapatawad pa kita Claude, akala ko ako lang pero may iba ka pa palang minahal, ang gusto ko lang mangyari ngayon ay tapusin na tong problema na ito para makauwi na ng Pilipinas.”

“Sobrang bugbog na ko sa stress dahil sa naging condisyon ni Rahj. Tapos heto tayo ngayon, nasa hospital na naman” ang sabi ni Mama. tumingin ito kay Rahj at nilapitan. Niyakap ni Mama ito at saka hinagod ang kanina pa palang umiiyak na si Rahj.


================
RAHJ’S POV

“So you mean all those years, tinago mo samin Papa na may kapatid ako? Bakit?” ang naluluhang tanong ko sa kanya.

“Anak-“ ang putol na naman na sagot ni Papa.

“Naging kaibigan ko siya, naging matalik na kaibigan, naging kasama ko sa buhay, naging kaklase at tinuring kong kapatid. Hanggang sa humantong kami sa isang hindi pagkakaunawaan. Lagi ko syang sinisisi kapag galit ako sa mundo at kapag ako nag-iisa. Laging si Kuya Drew lang ang nasasabihan ko ng problema ko sa buhay.” Huminga muna ako ng malalalim saka nagpatuloy sa pagsasalita.

“Nasuntok ko na sya, nasapak, napagsalitaan ng masasakit na salita, naduro ko, at kung anu-ano pa tapos all of a sudden, malalaman kong kapatid ko pala ang taong minsan na naging parte ng buhay ko at naging karibal ko rin sa pag-ibig?” ang nasabi ko na lang at saka ako napaupo at napaiyak. Linapitan naman ako ni James at saka hinagod ang aking likuran.

“Ssshhh, tahan na. Kahit ako nabigla, hindi ko akalain na kaya pala kayo magkamukhang magkamukha ay magkapatid pala kayo. Siguro, its time for you to let go that pain you had before with Miguel lalo na ngayong naaksidente sya para sagipin ako.” Ang mungkahi ko dito. Tumingin lang ako sa kanya pero di na ako sumagot.

Medyo di ko alam kung pano iha-handle ang sitwasyong katulad nito. Hindi ko ine-expect na mararanasan ko ang ganitong uri ng sitwasyon.

Mahirap kalimutan ang ginawa sakin ni Miguel, ni Kuya Miguel dahil minsan na niyang inagaw sakni si Yvone at ngayon naman si James, kaya mahirap sakin na patawarin siya, pero kung sa isang pagpapatawad ay hahantaong naman sa isang mas productive na buhay para samin bakit hindi ko magawa? Mahirap man pero kelangan kong tanggapin na kelangan ko ngang siyang patawarin pero hindi ko nama alam kung kelan ba ang tamang panahon na yun.

“Ngayon alam nyo na ang katotohanan, sana magawa nyo kaming patawarin, kung pwede sana ibaon na lang natin sa nakaraan iyon at magsimula na lang tayo ng panibagong buhay” ang wika ni Papa.

“Hindi ko alam kung pano pero susubukan kong kalimutan ang mga sinabi nyo. Pero hindi ko maipapangako na makakalimutan ko nga iyon ng buo, alam ko sa sarili ko na may maiiwan at maiiwan parin na latak ng kasalanang iyon dito sa puso ko pero hindi naman ako diyos para hindi magpatawad.” Ang sabi ni Mama kay Papa. Lumapit sakin si Papa at saka bumulong.

“Sorry kung itinago ko sa inyo” ang sabi sakin ni Papa. Tumingin lang ako dito at saka ngumiti. Pagkatapos ng usapan iyon ay napagdesisyunan ng paoperahan si Kuya Miguel, nagdonate din kami ni Papa ng dugo since pare-parehas kami ng blood type. Dun ko lang talaga napatunayan na magkapatid nga kami dahil ang blood type AB- ay nakukuha lang sa magkamag-anak sa aking pagkaka-alam at ayon na rin sa mga nabasa ko na article at encyclopedia.

Lumipas pa ang isang oras, dalawa, tatlo hangang sa naging anim na oras ay hindi pa rin nakakalabas si Kuya sa operating room.

“Pa, bakit ang tagal ni Kuya sa loob?” ang tanong ko kay Papa. Kahit na may galit ako na nararamdaman sa kanya ay lamang ang pag-aalala dahil mula pagkabata ay naging magkalaro na kami at magkaibigan.

“Wag kang mag-alala, di sya pababayanan ng Diyos” ang sabi naman ni Mama. sa sinabi ni Mama ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na magiging maayos ang lahat at makakabalik na rin kami ng Pilipinas kasama sila Mama, Papa, Kuya Drew, James at ang bago kong Kuya na si Miguel.

Tumabi sakin si James at saka ako inihilig papunta sa kanyang dibdib at nagsalita.

“Alam mo ba Rahj, habang naghihintay kami dito ni Kuya Drew sa therapy mo, lagi lang akong nagdadasal sa Diyos na sana makayanan mo ang chemo session mo at hindi naman ako binigo ng Diyos dahil heto ka ngayon at katabi ko.”

“gawin mo rin ang ginawa ko para gumaling si Miguel ng mabilis” ang mungkahi ni James sakin. Kaya naman agad kong ipinikit ang aking mata at nagdasal.

Lord, bigyan niyo po ng lakas ng loob si Kuya Miguel na magpakatatag habang inooperahan. Bigyan nyo po sya ng panibagong buhay, second life lang po at itatama ko po ang aking mga kalamalian na nagawa sa kanya. Gusto ko pong makasama sya ng matagal at makahingi narin ng tawad sa kanya. Huwag nyo pong kunin muna sya mula samin. Amen.

DI ko namalayan na tumutulo na pala ang aking luha habang nagdadasal. After ko magdasal, nasabi ko na lang sa isip ko na Handa ko na syang patawarin.

After namin magdasal ni James ay naghintay pa kami ng ilang oras hanggang sa nakatulog na nga ako sa balikat ni James.

4am nang magising ako mula sa ingay na nagmula sa pintuan ng operating room. Kita ko na inilalabas na nila si Kuya Miguel kaya naman ginising ko na sila.

“James, tapos na ang operasyon, gising ka na” ang sabi ko sa kanya. Kaya naman pupungas si James na inaaninag ang ako. Ginising ko na rin ang iba kaya sunod sunod na kaming nakasunod sa mga nagdadala kay Miguel. Dinala siya sa isang pribadong room ng mga nurse, after ma itransfer sa kama ay lumabas na sila at kami namang pasok. Lumapit si James sa natutulog na si Kuya Miguel at batid kong tinititigan niya si Kuya.

“Ano tinitingnan mo dyan?” ang tanong ko sa kanya. Ngumit sakin si James saka sumagot.

“Magkamukha nga kayo, walang duda, magkapatid nga talaga kayo” sabi ni James sabay ngiti. Umakbay na lang ako dito at saka nagsalita.

“Tama ka, masarap sa pakiramdam ang walang dinadalang problema.” Tumignin lang sakin si James na nagtatanong kaya sumagot ulit ako.

“Nagdasal ako na sana bigyan ng second chance ni Lord na mabuhay si Kuya dahil handa na akong patawarin siya sa kung anumang ginawa niya. Alam ko may kasalanan din ako at yun ay ang pagiging padalus-dalos ko sa mga aksyon ginagawa ko kaya ngayon binigay na ng Diyos agad agad ay sasabihin ko na sa kanya pag gumising na sya.” Ang pagpapaliwanag ko sa kanya.

“Salamat talaga. Hindi ko alam kung ano meron ka at nagagawa mong baguhin ang damdamin ng ibang tao pero nagpapasalamat parin ako kasi dumating ka sakin”

“Salamat talaga” ang dagdag ko pang sabi. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. after ko makapagdasal kaninaa t makatulog sa kakahintay sa operasyon ay gumaan ang pakiramdam ko. siguro na ilabas ko na rin yung mga bumabagabag sa puso at isipp ko noon pa man.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng dumating ang mga police.

“Good Morning Madame about the accident happened last day. We have identified the driver and the accomplice of the crime. They are Yvone Cabral and Christian Jhay Samaniego.” Ang sabi ng police.






Itutuloy...

Thanks sa lahat ng mga nagcomment.

PS: sa mga anonymous and silent readers, please, magpakilala na kayo oh. Para masama ko kayo sa pasasalamatan. Thanks

No comments:

Post a Comment