Sunday, April 22, 2012

Ako'y sayo at ika'y akin chapter 21c


“At ang halik na yun, yes its pleasurable, pero walang love ako na nararamdaman sa halik mong iyon kundi pang-aangkin. Obsesseion. Walang passion.” -RAHJ

Don’t forget to to add me on FACEBOOK.


Thanks.


Enjoy!



=================
JAMES’ POV

“Yvone” ang panimula ni Rahj.

“Ra-Rahj... James...” ang tanging naging tugon lang samin nya. Maluha-luha syang nakatingin samin. Pero si Rahj, dire-diretso lang ang pagpunta sa upuan na nakalaan sa tapat ni Yvone kaya nakasunod lang ako sa kanya. Kita ko na nakakuyom ang kamay ni Rahj. Kaya hinawakan ko sya sa balikat.

“Rahj..”

“Oo, alam ko. wag ka mag-alala”

Kaya naman nagsalita na ulit si Rahj after namin makaupo.

“Bakit?” ang panimulang tanong ni Rahj.

“Sorry...”

“Sorry?Ganun lang? Fcuk You! After nyong banggain si Kuya, sorry lang ang sasabihin nyo?!”

“Kuya?”

“Oo, you heard it right Yvone, magkapatid kami ni Miguel.” Sa pagkakasabing iyon ni Rahj ay halatang nagulat si Yvone nang malaman niya ang totoo.

“Sorry Rahj, I didn’t mean it” ang naibulalas na lang ni Yvone sabay takip niya ng kanyang mga kamay sa kanyang mukha at napaiyak na lang. Kita ko na Devastated si Yvone sa nagawa nya kaya naman bahagaya akong naawa sa kanya.

“Hindi mo sinadya? Damn! Yvone, alam mo ba yang mga pinagsasasabi mo? Hindi nyo babanggain si Kuya kung hindi mo ginusto. Tapos ngayon sasabihin mo sakin na hindi nyo sinasadya. Fuck!” mga katagang lumabas sa bibig ni Rahj. Ngayon ko lang syang nakita at narinig kung pano magalit. Nakakatakot. Nakakabahala. Dahil sa itsura niyang iyon na parang santong hindi marunong gumawa ng kasalanan ay nakatago lang pala sa loob niya.

“Rahj, calm down” sabi ko sa kanya sabay tapik sa balikat niya.  Tiningnan lang niya ako at nakita ko sa mata niya ang isang kapatid na handang ipaglaban ang kanyang pamilyang  naapi kaya naman hindi ako naka imik pa.

“Basta nasa likod mo lang ako” dagdag ko pang sabi sa kanya. At tiningnan ko ulet si Yvone. Nakita ko namang nakamasid lang ito samin ni Rahj. At ang kanyang mata, halatang galit pa rin sakin. Alam ko yan sa sarili ko. Galit pa rin sya sakin. Alam ko gusto nyang gumanti sakin sa “pang-aagaw” ko “daw” kay Rahj sa kanya.

Mula sa isang galit na galit na Rahj ay malumanay itong nagsalita.

“Explain to us. Bakit nyo nagawa yun ni Christian. And speaking of Christian, pano kayo nagkakailala. I need you explanations Yvone. Sabihin mo ang lahat”

“Dahil mahal kita Rahj! Mahal pa rin kita. Nagsisisi ako na niloko kita noon pero narealize ko na mahal pala kita over Miguel. Maniwala ka!” Yvone said. Then, she’s about to grab Rahj’s hand but he opted to.

“Mahal? Yvone, hindi mo ako mahal!” sabi ni Rahj sabay pukpok sa table.

“Mahal kita Rahj! Sobra! Gagawin ko at kaya kong gawin ang lahat para lang mapatunayan kong mahal kita!” sagot naman ni Yvone.

“Yun na nga Yvone eh. Sobra na! Dahil dyan sa pagmamahal mong yan, nakasakit ka pa ng ibang taong minsan nang naging parte ng buhay mo. Ngayon, napatunayan mo ng kaya mo ngang gawin ang lahat para sakin pero hindi mo naman napatunayan na mahal mo nga ako.” Si Rahj, sabay pause, then bumuntong hininga muna sya at saka nagpatuloy.

“Obsessed ka lang sakin Yvone, hindi mo ako mahal. Masyado ka lang nilamon ng obsession mo kaya ka nagkakaganito”  ang walang kagatul-gatol na sabi ni Rahj kay Yvone. Napatingin naman ako bigla kay Yvone at kita kong medyo gulat ito sa narinig.

“Hindi ako obsessed sayo RAHJ. Mahal kita, yun lang at wala ng iba pa” si Yvone na napatayo na mula sa pagkaka upo.

“No Yvone, obsessed ka masyado sakin. Hindi pagmamahal yang nararamdaman mo sakin. Obsession yan. Alam ko ang pakiramdam na yan nang iparamdam mo sakin ang sakit na iwananan ka ng taong minahal mo at gusto mong makasama SANA sa pagtanda mo.” Ang paglalahad ni Rahj kay Yvone. Napatitig si Yvone kay Rahj. Nakatingin lang sya. Unti unti ay may pumatak na mga butil ng luha.

“Sorry.” Tanging mga salitang nasabi ni Yvone sabay upo sa silya at tumungo. Nagpipigil si Yvone sa pag iyak. Pakinig ko ang mga paghikbi niya. Sobra na akong naaawa kay Yvone. Ang hirap makakita ng taong ikaw ang may kasalanan kung bakit nagkakaganyan sila.

“Your sorry is not enough to heal my brother Yvone.” Katagang nasabi ni Rahj at tumalikod ito kay Yvone at humarap sakin. Tumingin sya sakin. Kita kong may mga namumuong mga luha na sa mata ni Rahj kaya naman ngumiti lang ako sa kanya at...

“everything will be okay. Trust me” ang sabi ko sa kanya.

“Sana nga” tugon naman niya sakin.

“Mahal kita Ra-“ ang naputol na sasabihin ni Yvone dahil biglang may nagsalita na lalake.

“Yvone, tigilan mo na yang kahibangan mong yan!” ang may awtoridad na sabi ng isang lalakeng nasa mid 40’s na.

“Dad?” ang nasabi na lang ni Yvone.

“Tito” ang sabi ni Rahj sa lalakeng nagsaita. Nang lingunin ko ito ay parang namumukhaan ko ito.

“Mr. Cabral?” ang naitanong ko na lang sa kanya.

“Kilala mo ang Daddy ko?” tanong ni Yvone sakin.

“Sya ang Daddy mo? Isa sya sa mga partners ng Daddy ko sa negosyo namin at nakilala ko na rin sya before sa party na organized ng kumpanya namin” sagot ko sa tanong ni Yvone sakin.

“I can’t believ this” ang tanging nasabi na lang ni Yvone sabay pahid ng mga luha nya at lumapit ito kay Mr. Cabral – Daddy nya.

***Pak***

Gulat. Sobrang pagkagulat. Yan ang naramdaman ko at pati rin si Rahj ng pinagmamasdan namin si Yvone na papalapit sa Daddy nya. Walang ka-abug-abog na sinampal ang ginawa ni Mr. Cabral kay Yvone.

“Yvone! Tigilan mo na to! Tigilan mo na ang kahibangan mong yan, tigilan mo na ang paghahabol mo kay Rahj dahil hindi ka na niya mahal!” ang sabi ni Mr. Cabral na nakahawak sa balikat ni yvone at niyuyugyog ito habang nagsasalita sya.

Nagpupumiglas si Yvone na makawala sya hanggang sa natanggal sa pagkakahawak ng kanyang Daddy.

“Pati ba naman ikaw Dad mas gusto mong magkatuluuyan silang dalawa? What’s wrong with you? Di ba dapat suportahan mo ako kasya sa sabihang tumigil ako? Mahal ko si Rahj! Mahal na mahal! At alam ko may puwang pa ako sa puso nya” sagot ni Yvone.

“Kung may puwang ka man sa puso ko, yun ay puwang na lang bilang isang kaibigan.” Pagsingit ni Rahj. Napatingin si Yvone kay Rahj at lumapit ito. Hinawakan niya si Rahj sa batok at walang ka-abug-abog na hinalikan ito sa harapan namin ng Daddy nya.

Parang may kung anong tinik na tumusok naman sa puso ko ng makita ko silang dalawa na magkalapat ang bibig. Pero agad din naman nawala yung nang makita kong si Rahj ay nakatingin lang sa nakapikit na si Yvone. Si yvone lang ang humahalik kay Rahj, walang response si Rahj sa mga halik na binibigay ni Yvone sa kanya. Kaya naman tumigil si Yvone sa paghalik.

“Ano ba Rahj? Hindi mo ba gusto? Di ba gusto mo naman na hinahalikan kita dati?” ang naluluhang tanong ni Yvone. Pero hidi nagsasalita si Rahj.

“Ano ba! Magsalita ka!” muli sa  pag sigaw niyang iyon ay tuluyan nang pumatak ang mga butil ng luha niya na pinipigilan lang niya kani-kanina.

“Wala kang kwentang tao Rahj. Ganun ganun na lang ba talaga ako kabilis palitan? Di ba dati naghahabol ka pa sakin. Pero bakit ngayon parang wala na lang sayo yung halik na yun?” ang naitanong ng lumuluhang si Yvone.

“Simple lang, napagod na ko sa paghahabol sayo. Tao din ako, napapagod. At ang halik na yun, yes its pleasurable, pero walang love ako na nararamdaman sa halik mong iyon kundi pang-aangkin. Obsesseion. Walang passion.” Mga katagang binitawan ni Rahj. Sa pagkakasabing iyon ni Rahj ay bumitaw na lang si Yvone sa pagkakahawak na iyon nya.

Tumingin lang ito kay Rahj tapos ay ngumiti. Pagkatapos nun ay lumapit ito sakin. Tiningnan lang ako nito at gaya kay Rahj ay ngumiti. “Suko na ako” ang sabi ni Yvone sakin. Pagkasabing pagkasabi na yun ni Yvone ay lumapit ito sa Daddy nya at yumakap. Sa pagkakayakap niyang iyon ay umiyak na lang siya na parang bata.

Nasabi ko na lang sa sarili ko na “Salamat”

Ngumiti lang samin si Mr. Cabral habang yakap yakap niya si Yvone. Nang mapatingin naman ako kay Rahj ay nakangiti ito sakin kaya naman lumapit ako sa kanya. Pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya ay sinalubong naman niya ako ng mahigpit na yakap.

“Sorry ah” sabi niya sakin

“Para san naman?” sabi ko sa kanya kahit na alam ko ang tinutukoy nito.

“Dun sa paghalik sakin ni Yvone” sagot niya sakin.

“Okay lang yun. Alam ko namang wala lang yun sayo” sagot ko dito at pagkatapos nun ay niyakap niya ulit ako ng mahigpit.

RAHJ’S POV

Habang yakap yakap ko si James ay naalala ko yung tungkol kay Christian kaya naman kumalas agad ako kay James. Nagtatakang tingin naman ang nakita ko sa mukha ni James kaya sinabihan ko ito na yung kay Christian ay di pa namin nalalaman. Nagets naman agad ni James kaya lumapit ulit kami kay Yvone.

“Ah, Yvone..” pagtawag pansin ko kay Yvone. Imbes na sumagot ay lumingon lang ito sakin.

“Gusto ko sana malaman yung tungkol kay Christian” sabi ko dito.

Nag punas ng luha si Yvone at tumungo sa upuan niya at nag umpisa na magkwento si yvone samin

“Naabutan ko kasi siya sa pinagtatrabahuhan ninyong dalawa 5 days before yung aksidente. Nakita ko siyang naka upo sa isa sa mga table sa labas ng resto at nakatingin lang kay Miguel. Tinitingnan ko lang siya nung una pero ng tumagal ay bigla na lang siyang umiyak. Nilapitan ko sya. Inabutan ko ng panyo. Tapos tinanong ko ang pangalan niya, nagpakilala siya na siya si Christian. Nang marinig ko pangalan niya, nakuha agad nun nakuha ang atensyon ko. Parang familiar sakin ang pangalan nya kaya lang di ko malaman kung san ko ba napakinggan yun. Kaya kinaibigan ko din sya. Two days din kaming naghang out, naging instant friends kami agad sa loob ng dalawang araw. Hanggang sa naabutan ko na naman sya sa resto, umiiyak na naman sya at nakatingin na naman kay Miguel, kaya tinanong ko na sya kung bakit sya ganun. At first kala ko jino joke nya lang ako pero nang magkwento na sya ng very detailed. Dun ko nalaman na totoo pala yung sinasabi nya. Naging sila pala ni Miguel, at nakipaghiwalay na lang ito ng walang sinasabi kung bakit. Ni hindi man lang nagpaliwanag kaya naman masyadong naguluhan si Christian. Nang lingunin ko si Miguel, nakita ko sila ni James na nag uusap at mukhang seryoso. Tinanong ako ni Christian kung kilala ko ba daw yung kasama ni Miguel lagi-lagi at sinabi ko na sya si James. Pagkasabing pagkasabi ko ng pangalan ni James, biglang nagbago ang mukha niya, mukhang lalong nagalit. Kaya naman nakaisip ako ng plano na banggain si James pagkalabas ng resto. Si Christian ang pinagdrive ko para wala akong sabit pag may nakakita samin. Pumayag naman siya hindi dahil sa ayaw niya kay James pero para makuha ulit ni Christian ang atensyon ni Miguel. Kaya naging madali ang lahat para sakin. Hindi ko naman akalain na...” tumigil sa pagsasalit si Yvone at tumngin kay Rahj.

“...na sasagipin ni Miguel ang buhay ni James. Hindi ko akalain na si Miguel ang mababangga namin.”

Sa puntong iyon ay walang nakapag salita samin. Maging ang Daddy ni Yvone ay gulat din.

“Kung ganun, planado mo pala ang lahat ng iyon?” tanong ko sa kanya. Imbes na sumagot ay tumango na lang ito tapos ay tumungo. Hindi  ko akalain na makakagawa si Yvone ng ganun.
-----------------------------

Namalayan ko na lang ang sarili ko na malapit na pala ako sa toll plaza ng SCTEX, kaya kumuha na ako ng pera ko sa wallet para mabayaran ko yung toll fare. Pagkatapos nun ay dumiretso na ko ulit sa pagpapatakbo. tatlumpong minuto pa ang tinagal ko hanggang sa nakarating na ko sa condo na tinitirhan ko. Agad kong tinungo ay unit ko para makapagpahinga na rin bago maligo at pumunta ng school. Hindi ko namalayan at nakatulog na pala ako sa pagkakahiga ko.

Nagising na lang ako ng mag vibrate bigla ang phone ko. Pagka tingin ko, ang daming mga missed calls at texts messages, nang buksan ko para malaman ko kung sino ang nagtext, nagregister bigla ang name ni Rahj

“Jan ka na ba sa inyo. Txbk”
“May pasok ka pa, 10:30am. Bilisan mo”
“Recess namin, ham sandwich binili ko at pineapple juice.”
“1 hour before class mo, naka ready ka na ba?”
“Hoy! Aba, magreply!”

At madami pang iba. Naka 5 missed calls din si Rahj sakin. Kaya naman tinext ko na ito.

“Sorry, late repz, nakatulog kasi, maaga ako nakadating dito samin.” Text ko sa kanya.        

Nang tingnan ko ang oras ay 30 minutes before 10:30 na lang, kaya naman nagmadali na akong maligo at magbihis. After 15 minutes, umalis na ulit ako at pumunta na ng school.

At dahil sa heavy traffic sa may Quirino Highway, 11:30 na ako nakarating ng school.

At dahil sa kilala ako ng dean namin ay pinayagan akong hindi idrop ng prof ko sa mga subjects ko. Ang kondisyon nga lang ay dapat pasa ako sa midterm exam namin at final exams pati na rin sa dalawang exam na ibibigay niya mismo sakin na sya ang gumawa. Kaya naman kinuha ko ng yung oppurtunity na wag mag repeat ng isang sem.

“Good morning po Ma’am” ang bati ko sa prof namin na kasalukuyang nagtuturo na.

“Good Morning din Mr. Castillo. You’re so early for the next subject.” Ang bati rin sakin ni Ma’am Dela Pena sabay tawa sakin. At umupo na nga ako sa isang vacant seat sa unahan. Gaya ng napag usapan, nagmake up class ako sa lahat ng subject ko na iniwan. Kaya naman 10:30 to 7:30 ang naging class ko. Buti na lang andyan ang mga classmates ko na binigyan ako ng mga notes para makapg aral.

Binigyan lang ako ni Dean ng two weeks preparation para sa midterm exams ko sa anim(6) accounting subjects na dala ko ngayon sem. Kaya naman puspusan ang review ko.


Friday. Nasa bahay kami ng parents ko ni Rahj. Dun namin napagpasyahan na matulog. Habang abala si Rahj sa panunuod sa star movies, ako naman ay abala sa pagrereview. Sa Monday na kasi yung midterm exam ko na ibibigay ni Dean kaya puspusan ako sa pag-aaral. Hindi ko muna pinapansin si Rahj dahil ayaw ko maabala.

Habang busy ako sa pagrereview, lumabas ng kwarto si Rahj at bumaba. Ilang minuto din ang nakakalipas ay hindi pa ulit sya bumabalik kaya naman lumabas na rin ako ng kwarto, pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto ay nakaamoy ako ng tino-toast na tinapay at niluluto na hotdog, kaya naman mabilisan akong bumaba ng hagdanan. Naabutan ko si Rahj at si Manang na nagluluto. Kaya naman napangiti ako.

“Hello, good morning.” Bati sakin ni Rahj. Isang nagtatanong na tingin lang ang ibinato ko dito.

“Tingnan mo kaya yang relo mo para malaman mo kung anong oras na” suhestiyon naman sakin ni Rahj kaya tinginan ko nga ang relo ko.

Time check, 5:46am na.

“Kaya pala..” ang nasabi ko lang sa sarili ko.

“Hindi ka ba inantok sa buong gabi mong pag-aaral?” tanong naman sakin ni Rahj.

“Hindi, hindi ko nga namalayan na umaga na pala eh. Ikaw, bakit hindi ka natulog? Baka mahilo ka nyan” sagot ko dito at balik ko naman tanong sa kanya.

“Eh hinihintay kitang matulog eah” sagot naman nito sakin.

“Sana umuna ka na baka makasama yan sayo”

“Ano ka ba, malakas na ulit ito nuh” sagot nya sabay flex ng muscle nya na ikinatawa ko naman.

“Baliw, samahan mo na lang ako kumain tapos tulog na tayo.” Sabi ko naman dito, at wala pang dalawang segundo na nakakalipas ay tumabi na ito sakin at tumusok na ng hotdog at kumagat.

“Parang ewan ka lang Rahj. Ambilis ah” sabi ko naman dito.

Lumapit ito sakin at bumulong.

“Syempre, excited na ko makatabi ka sa pagtulog” sabi nya sakin sabay ngisi ng nakakaloko.

“Hep, alam ko ibig sabihin ng mga ngisi mong yan Rahj” bara ko dito.

Pero parang hindi ata tinablan sa pambabara ko dahil lalo lang itong ngumisi sabay kindat sakin. Hindi ko alam pero may ibang dulot sakin yung ganun niyang pagpapacute. Naramdaman ko na lang na parang uminit ang pisngi ko kaya naman nilihis ko na lang ang tingin ko at tumusok na lang din ng hotdog sabay kain.

“Na miss kita” biglang sabi naman ni Rahj sakin na kasalukyan ko na palang katabi at nakaakbay na sakin habang kumakain kami parehas ng niluto nitong hotdog.

Nakatingin lang ako sa kanya at walang imik. Ngumiti lang sya sakin. Tapos, ang kanyang labi ay nagmwestra na parang hahalik kaya naman lumayo ako sa kanya.

“Chris Rahj-“ ang natigil kong pagsermon sana sa kanya dahil nagsalita agad siya sakin.

“Ano ba, penge pang hotdog. Kung anu-ano agad iniisip ih.” Maktol naman nito sakin. Kaya naman natawa na lang ako sa katangahan ko. Feeler!

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa kwarto ko. Unang humiga si Rahj sa kama dahil naghilamos muna ako sa banyo at nagwiwi na rin. Pagkabalik ko sa kwarto, ayun, knock out na si Rahj. Tulog na tulog na, humihilik  pa. Tulog nga ba yan?

Dahil na rin sa ngayon lang ako nakaramdam ng antok ay humiga na ako sa tabi ni Rahj. Wala pang ilang minuto ang nakakaraan ay biglang gumalaw si Rahj. Yumakap ito sakin at biglang nagsalita.

“Justin..” sabi nito sakin.

“Ay naku Rahj, kinakabahan talaga ako pag tinatawag mo ako na Justin eh.” Sagot ko naman dito.

“Pwede? Please.” Biglang sabi nito sakin.

“Chris Rahj Manalo, pagod ako, puyat at-“ hindi na naman niya ako pinatapos.

“Ako din naman eh, pagod puyat. Lubus lubusin na nating tong pagkapuyat at pagkapagod natin. Please. Kahit 5 rounds lang” sabi nya sakin. At Grabe lang makahirit huh,  five rounds, LANG? Maka-LANG lang sya huh.

“No, make ti 1 round only.”

“4 rounds, please?”

“No, 2 rounds lang?”

“3 rounds na lang, please! Have mercy!”

“No, stick to 2! Take it or leave it” sagot ko naman dito.

“I’ll take it! Sagot naman niya sakin.

Nagstart na syang halikan ko mula tenga, ilong, noo leeg at labi. Sa mga paghalik nyang iyon, nakakaramdam ako ng ibayong kilig, (Kilig?) ewan, di ko maexplain kung bakit. Tapos parang bumagal pa ang oras, or sadyang binabagalan lang ni Rahj ang kanyang paghalik sakin. Hanggang sa dumapo na nga sa labi ko ang mga labi niya. Napakabagal, padampi dampi.

“I love you” sabi ni Rahj sakin.

“I love you too” sagot ko naman sakanya.

At nag umpisa na ulit syang humalik ulit. Mula sa dahan dahan ay medyo naging marahas na ito. Hanggang sa lumalaban na rin pala ako sa paghalik niyang iyon sakin. Unti unti ay ang kamay namin ay kung san san na lumalakbay. Unti unti rin, nawawalan kami ng damit, shorts hanggang sa underwear na lang ang natitira.

“Are you ready?” tanong niya sakin. Hindi ako makasagot sa kanya, dahil alam ko masakit.

“I’ll be gentle” sabi niya ulit sakin. Kaya naman tumango na lang ako bilang pagsang-ayon ko sa kanya.

Unti unti ay pinasok niya ako. Masakit. Oo sobrang sakit. Mahapdi, pero kung sa hapding ito ay ang kapalit naman ay masaya siya at ako. Okay lang, titiisin ko.

Mula sa mabagal na pag-galaw niya ay medyo bumibilis na ito. Puro mga halinghing lang namin ang maririnig sa kwarto kong iyon. Halinghing ng dalawang taong nagmamahalan.

Pagkatapos naming pagsaluhan ang umagang iyon, parehas kaming nakatulog. Magkayakap. Nakahiga ako sa kaliwang braso  niya at siya naman ay nakayakap sa bewang ko, ako naman ay nakayakap sa katawan niya.

Pasado alas kwatro na ng magising ako, wala na sa tabi ko si Rahj . kaya naman tumayo na ako at naglakad papuntang banyo. Diretsong ligo na ako at pagkatapos ay nagbihis at bumaba na. Nakita ko naman si Rahj at si Daddy na nag uusap sa may garden. Seryoso ang mga mukha kaya naman di na muna ako lumapit sa kanila.

Dumiretso ako sa kusina at naabutan ko sila Mommy at si Manang na nagkukwentuhan, kaya dumiretso ako.

“Good afternoon Ma” bati ko dito sabay halik sa pisngi.

“Good afternoon din” bati naman sakin ni Mama.

“Gppd Afternoong Manang” bati ko naman kay Manang.

“Good afternoon din Sir James” sagot nya sakin. “Sir, kain na muna kayo, ipinagluto kayo ni Sir Rahj ng Sinigang na baboy. “ sabi ulit sakin ni Manang. Kaya naman napatingin ako sa direksyon nila Rahj at Daddy na kasalukuyang papapasok na ng bahay galing garden.

“Sige po, paki init na lang Manang” sagot ko dito. At ganun nga ang ginawa ni Manang.

“Good afteroon” bati sakin ni Daddy at kasunod nun ay si Rahj na seryoso parin ang mukha.

Lumapit ako kay Daddy at humalik din sa pisngi sabay bulong na “ano nangyari dun?” tanong ko sa kanya na ang tinutukoy as si Rahj.

“Ah, wala yun.” Sagot naman ni Daddy sakin tapos ay tumngin ito kay Rahj. Nilingon ko naman si Rahj at ngumiti rin ito.

Ipinagkibit balikat ko na lang yun dahil ang importante sakin ay makakain na dahil gustom na ko. Sobra.

After ko kumain ay dumiretso na ulit ako ng kwarto ko para magreview. Si Rahj naman, nandun lang sa sala, kausap naman ay si Mommy. Di ko na lang yung pinansin dahil kelangan ko na ulit magreview para sa exam ko.

Naging okay naman ang lahat after ko magreview, halos lahat naman ata ay nareview ko na kaya wala ng problema. Bukas ay mag eexam na ko so kelangan ko na matulog ng maaga. Kaya naman niyaya ko na si Rahj matulog. Pero sabi niya sakin

“Una ka na muna, mamaya na ko, sunod na lang ako, nag uusap pa kami nila Daddy.” Sabi nya/


“Sige. Gud nyt” sagot ko naman dito.

At talagang Daddy na nga ang tawag nya rin sa Daddy ko. Kaya naman sobrang tuwa ko dahil tanggap na nga talaga kami nila Daddy at Mommy.

Lunes. This is it. Papunta na ako ng school. 8:00am ang exam ko sa office ni Dean. Kaya 7:30 pa lang ay nasa school na ko. Tumambay muna ako sa JPIA Office ng college namin. Nag intay ako na magbukas ang dean’s office namin. Habang naghihintay ay unti unting dumadating ang mga estudyante pati na rin ang mga kaklase ko.

“Good luck sa exams!” bati sakin ni Sheila at Mabel.

“Good luck dre!” bati naman sakin nila Josh.

Pati prof namin sa iba kong subjects nakiki gud luck din.

Time check. 8:00 am.

Kaya dumiretso na ako sa dean’s office at sakto naman na bukas na at nasa loob na rin si Dean.

“Good morning po Dean” bati ko dito.

“Good morning din, ready ka na ba?” tanong nya sakin.

“Opo” ang medyo kinakabahan kong sagot sa kanya.

Kaya naman nagready na ko sa exam ko. Kumuha na ko ng pencil ko(no.2) eraser, at sharpener.

First exam. Cost Accounting. 2 hours and 30 minutes lang ang binigay sakin ni Dean na time limit. Awa naman ng diyos. Mukhang lahat ng execrises at multiple choice na binasa ko sa libro ay parang effective.

Second exam. Advance accounting part 1. Same time limit. My god! Nahalungkat ata ang buong utak ko dahil nahirapan ako sa exam. Pero sakto lang dahil nasagutan ko naman.

Third exam. Financial management part 1. Sakto lang. May madali may mahirap. Nakakabobo nga lang yung true or false. Dun pa naman ako engot.

Lunch! My favorite. Makakakin na rin ako. Naalala ko yung phone ko kaya naman tiningnan ko kung may nagtext at di nga ako nagkamali dahil meron lang naman akong 20 unread messages. Pagtingin ko, lahat si Rahj.

“Good luck sa exam mo”
“Sana kumain ka before ka umalis ng bahay niyo”
“Yan, few more minutes exam mo na. Mag pray ka”
“Papasok na ko.”
“Dito na ko school. Nakasalubong ko rin si Yvone. At mukhang nagbago na nga ata”
“Sige, dito na teacher namin. Good luck”
“I love you”
“Walang reply?”
“Sige na. Basta galingan mo. Gagalingan ko din dito”

Natatawa ako habang binabasa ko yung mga text messages nya sakin. Di ko namalayan na katabi ko na pala mga best friends ko.

“Hoy, musta exam?” tanong sakin ni Sheila.

“Madaling mahirap eh. Sakto lang. Kaya naman ng utak ko so far.” Sagot ko dito.

“buti naman at carry mo yung exam. Ikaw na!” sabi naman ni Mabel.

“Baliw! Malamang kakayanin nyan, eh may special someone na yan eh. Syempre inspired! Hahahah” sabat naman ni Pichay.

“Mga praning! Kain na nga lang tayo. Gutom na ko. Sobra” pag iiba ko na lang ng topic sa kanila.

“Pero seryoso James, sino ba talaga pinutahan mo sa America at nagsacrifce ka ng 1 sem dun?” tanong naman sakin ni Sheila.

Imbes na sumagot ako ay ngumiti na lang ako sa kanila tapos ay pumunta sa bilihan ng Juice(sa may Nutrilicious). Pero di nagpaawat, sumunod sila sakin at mukhang interesado talaga. Di muna ako sumagot sa kanila, dahil natatawa ako sa mga expression ng mukha nila.

“Sige, mambitin ka lang. Tatamaan ka talaga sakin.” Sabi naman ni Sheila na nag muwestra na ng kanyang kamao(parang lalake kasi yun)

“Boyfriend ko.” Walang ka anu-ano kong sabi sa kanila. Sabay punta sa may table. Parang wala lang sakin yung pagkakasabi ko pero ng tingnan ko sila ay mga mukhang ewan. Literally, nakanga-nga sila. Kaya naman natawa ako sa kanila.

“Ano ba yan. Para kayong tanga lang.” Sabi ko sa kanila.

“Wag mo nga kaming echosin! Boyfriend ka dyan.” Sagot naman ni Pichay.

“Want some proof?” panghahamon ko sa kanila.

“SURE!” sabay sabay nilang sagot.

Kaya naman kinuha ko wallet ko at kinuha ko yung picture namin ni Rahj sa may tapat ng 7 eleven na makadikit ang mukha namin parehas habang umiinom ng gulp na inorder namin.

“WEHHHH?!?!?!?!” sabay sabay nilang komento sakin.

“Bakit?” tanong ko naman dito.

“di nga, totoo to? Baka naman photoshop lang to ha!” komento ni Mabel sakin.

“Bahala kayo kung ayaw nyo maniwala, basta ako, nagsasabi lang ng totoo” sabi ko sa kanila sabay kuha ng picture namin at balik sa wallet. Then kumain na ko ng inorder ko na menudo at lumpiang shanghai.

Mabilisan lang ako kumain dahil by 1:30pm, magstart na ulet ako mag exam. Ewan ko ba naman sa sarili ko kung bakit nag suggest ako kay Dean na isang araw lang ang pagkuha ko ng exam na dapat ginagawa namin na two Sundays at one Wednesday. Tanga ko lang.

Habang naglalakad ako sa hagdan papunta 5th floor ng building namin ay nakabuntot pa rin sakin sila Sheila, Mabel at Pichay sakin at mukhang mga nagbubulungan.

Hanggang sa mapatapat na kami sa Dean’s Office ay hindi pa rin humuhupa ang pagkukwentuhan nila.

“James, pag pinakilala mo kami sa kanya. Saka palang kami maniniwala” sabi sakin ni Sheila.

Liningon ko naman sila saka sumagot. “Sure”

Saktong pagpasok ko naman sa office ay nandun na si Dean.

“Good afternoon po Ma’am” bati ko dito.

“Good afternoong din. Kamusta exam?”ang natatawang bati sakin ni Dean(parang ewan lang ha)

“Sakto lang po. Madaling Mahirap na ewan. Hehe” sagot ko dito.

“Oh sya. Exam ka na ulit” sabi naman ni Dean sakin. Kaya naman kinuha ko na yung mga materials ko sa pagsasagot.

Fourth exam. Productions and Operations Management. Ang pinaka ayaw ko na subject. My goodness. Papatayin ako nito sa pagbabasa ng librong ang font size ay 10 tapos ang ninipis pa per page. Eh ilang chapter kelangan ko basahin, 10 chapters lang naman. Tapos puro mga theories pa na kinatutulugan ko talaga pag binabasa ko. Parang pampatulog tong subject na to sakin eh. Pero! Wag ka! Ang daming lumabas sa reviewer na sinagutan ko! Kaya naman feeling ko pasang pasa ako. Haha

Fifth exam. Financial Accounting p3. My favorite. Ewan. Pero nadadalian ako sa subject na to.  Wala pa atang 1 hour ng matapos ko itong sagutan eh.

“Finally, last exam!’ ang nasabi ko na lang nang ipasa ko kay Dean ang Scannable sheet ko.

“For the last exam Mr. Castillo, isang written exam ang gagawin mo na kaiba sa mga ibang nag exam. Sa exam na to, isusulat mo ang mga dahilan mo kung bakit mo kelangan umalis ng Pilipinas at iwan ang mga responsibilidad mo dito kabilang ang pag-aaral.” Pagpapaliwanag ni Dean sakin.

“Si-sige po” ang nauutal kong sabi sa kaniya. Nagpahinga muna akong 10 minutes para marefresh ang utak ko sa next exam ko. Sa lahat ng exam ata, dito ako pinaka-kinabahan. On the spot naman kasi! Kaasar.

3:45pm, nagstart na ko sa pagsusulat ko ng dahilan ko. Lahat lahat ng mga gustong kong isulat dun ay sinulat ko. Lahat ng mga guilts, at regrets ko sinulat ko dun. Pati na rin yung samin ni Rahj nilagay ko. Alam ko naman na mapapagkatiwalaan si Dean pagdating sa ganung bagay kaya nilagay ko rin.

5 minutes before 6pm ng matapos ako sa pagsusulat. Agad ko naman pinasa kay Ma’am yung sinulat ko at nagpaalam na rin. Pagkababa ko ng building dumiretso agad ako sa parking lot para kunin yung sasakyan. Pagkastart ko ng makina ay agad ko ng itong pinatakbo. Dumiretso na ko sa bahay namin.

Habang binabagtas ko ang daan papunta sa village namin ay bigla akong kinabahan. Alam ko sa sarili ko, bago ang pakiramdam na to. At sobrang kumakabog ang dibib ko. Hindi ko alam basta. Kinakabahan lang ako. Feeling ko may mangyayari eh.

Pagkatapat ko sa bahay namin, lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib ko. Nakapatay ang lahat ng ilaw. Tapos bukas ang gate namin at pintuan ng bahay. Kaya naman may pumasok agad na ideya sa isip ko.

“Wag naman sana” nasabi ko na lang sa sarili ko.
Pagkababang-pagkababa ko sa sasakyan ay dali dali akong dumiretso sa pintuan. Habang naglalakad ay sya naman pagbilis ng pabilis ng tibok ng dibdib ko, parang tatalon na ata ang puso ko sa dibsdib ko sa sobrang bilis.

Hanggang sa tuluyan na akong makapasok ng bahay. At ang una kong nakita ay isang ilaw ng kandila sa may kusina. Palinga-linga ako sa buong bahay. Hinahanap ang switch ng ilaw. Agad ko namang nakapa ito, at, at, at, di nagtagal ay napindot ko na rin yung switch.




Itutuloy...



Sorry for the super duper late update. Madami kasing nanyari. Dami mga quizzes, long exams at lastly, departmental exams namin(ewan talaga bakit Accountancy pa kinuha kong course. Tsk). Masyado lang pressured kasi kelangan mag-aral dahil incoming 4th year na ko this coming Academic  Year so kelangan pasa(yung tipong 2.0 to 1.0 lang ang grade hindi pasa na 3.0) sa lahat ng subject. Isa pa, nilagnat ako at inatake ng hika. Ngayon(March 18) lang natapos exam namin. Grabe. K. Fine.

No comments:

Post a Comment