Thursday, February 9, 2012

Ako'y Sa'yo at Ika'y Akin chapter 13

Thank you po sa mga bumabasa nang aking likhang story. Sobrang hirap kung pano ko dudugtungan yung chapter 12 netong story na to. Ang hirap nang pinasok ko.


May bago akong story na sinusubaybayan. And promise, ang ganda! Haha. Natutuwa ako sa story nya. Yung kay Fugi saka kay Jordan. Nakakakilig yung story nila. Like what Fugi said, sana magkaroon din ako nang story ko na pwede kong isulat para sa inyo.


Special Mention: Thank you po sa lahat ng mga bumabasa at nagko-comment sa story ko lalo na kila: Rah16, TOTIX, --makki--, jv, robertmendoza94@yahoo.com, christian, jhay rotia, ramy from qatar, Rahj(sana ikaw yung kakilala ko na Rahj dahil willing ako makipag kaibigan sayo),
Donn, ramo0468, chris, rheinne, jm_virgin2009, dereck, juice, cnjsaa, another Chris, Boss J, ram and sa madaming anonymous commentors and silent readers. Sobrang na-appreciate ko po comments nyo kaya naman lalo kong gagawin ang makakaya ko na mapaganda.

Don’t forget to to add me on FACEBOOK/TWITTER.


Thanks.


Enjoy!


====================


I LOVE YOU
Napakasarap pakinggan nang mga salitang iyan lalo na kung sa mahal mo manggagaling. Pero kung sa mga dadaang panahon ay iba ang magsabi nyan sa iyo. Ano ang magiging reaction mo?

====================



Habang naglalakad ako sa lobby ng hospital ay nakasalubong ko si Yvone. What the? Ano ginagawa nya dito?! Ang naitanong ko sa aking sarili. Hindi kami nagpansinan ng magkasalubong kami. Bagkus, ang kasama nya lang na babae ang nakatingin sakin. Patay malisya akong dumiretso lang sa room ni Rahj. Nasa tapat na ako nang room nya nang makita kong may tao na kausap si Rahj. Nakawheeled chair sya at nakikipag usap kay Rahj. Parang masaya naman nakikipag usap siya kaya tiningnan ko kung sino ang taong iyo.


“Si Ceejay!” ang nasabi ko na lang sa sarili ko nang makilala ko ang likod nya.


Hindi muna ako pumasok, nakining muna ako sa usapan nilang dalawa. Ang weird kasi dahil si Ceejay pa mismo ang nag-approach na maka-usap itong si Rahj. Siguro sincere nga sya sa pag-sosorry kaya hanggang dito sa America ay abot parin ang kanyang mga SORRIES sa ginawa nya.


Pumasok na nga ako nang kwarto.


 “Good Evening” ang nakanigiting wika ko sa kanila. Nag pretend na lang ako na di ko sila naririnig na nag-usap.


“May bisita po pala tayo”


“Good evening po sa inyo” ang sabi ko naman sa bisitang sila Ceejay, Tita Edeza at si Alex na nakaupo sa sofa sa likod nang pinto.



“Good evening din.” Ang bati sa kin ni Mama.


“Its been 2 days since last kang umuwi” ang dugtong naman na sabi ni Mama sakin.


“Na-miss ko po kayo kasi” ang sabi ko kay Mama sabay yakap sa kanya(tinuring ko na talaga syang second mother kaya ganun na lang ako maka-asta)


“Eh ako?” ang maktol na pagpapapansin ni Rahj sakin.


“Ewan” ang nakangiting wika ko  naman.


“Ewan ko din sayo” ang sabi naman ni Rahj sakin. Nalungkot sya sa sinabi ko, pero di ko muna pinansin. First of all, kelangan ko malaman ang pakay nila Ceejay dito.


“James...” ang sabi sakin ni Ceejay nang mapatingin ako sa kanya.


“Yep?” ang sagot ko naman.


“Buti gumaganda na pala ang situation ni Rahj. And i heard you’re working, that’s good” ang nakangiting wika ni Ceejay sakin.


“Oo nga. Thankful ako at gumaganda na ang situation nya. Sana ikaw din maging maayos na sayo after the operation mo and the bloodtransfussion” ang sagot ko naman.


“Sana nga maging okay na ang lahat para magawa na namin ang sinadya namin dito sa America” ang makahulugang sabi nya samin.


“Oo nga”


“Bakit? Ano ba plano nyo dito?” ang di ko maiwasang itanong sa kanya.


“We’re geting married the day i hit him by my car accidentally” ang pagsingit naman ni Alex sa usapan namin.


Napatingin ako kay Ceejay at ngumiti ito sakin. Nahihiya ako sa mga nangyayari sa loob nang kwarto kasi naman, kung ako nasa sitwasyon nila Mama, Papa at Kuya Drew ay parang maiilang ako. Dalawang pares nang lalaki na mag-on ang nag-uusap at parang walang paki-alam sa mga nakakrinig. Ganito na ba ka liberated ang mga kabataan dito?!  Ang di ko maiwasang ma-i-side comment.


“We’re really sorry to hear that. Sayang naman at hindi natuloy” ang pag sabat ni Mama sa usapan namin habang si Rahj ay nakatingin lang sakin na medyo nanlilisik ang tingin sakin. Ano ba problema nang lalaking to? Ang naitanong ko sa sarili ko.


“Pero once na gumaling na ako completely ay magpapakasal na kami at lalagay na sa tahimik” ang sabi naman ni Ceejay.


“Since nasadya na po namin Mr. Manalo ang pakay namin dito ay magpapaalam na po kami. Maraming salamat po.” Ang sabi ni Tita Edeza samin.


“Okay po. Walang anuman po yun. Sana’y gumaling na din ang iyong anak para lahat tayo ay mapanatag na at walang problema na dinadala” ang sabi naman ni Papa sa kanila.


Tumayo na sila Tita Edeza at Alex saka tinulak si Ceejay na nakasakay sa wheeled chair. Bago pa man sila makalabas nang tuluyan ay nagsalit ulit si Ceejay...


“Rahj, salamat ulit at sa inyo po Tito, Tita” ang sabi ni Ceejay.


Medyo naguguluhan ako sa sinabi ni Ceejay kung bakit sya nagpapasalamat. Ano ba nangyari?


Pagkalabas nila ay tumabi ako kay Rahj na nakaupo parin at nakasadal sa headboard nang kama nya. Niyakap ko sya nang mahigpit pero di man lang sya nagreact kaya nagsalita ako..


“Ano meron sayo? Parang wala ka ata sa mood?” ang naitanong ko sa kanya.


“Wala” ang simpleng sagot nya.


“Di nga? Kilala kita, sige na sabihin mo na..please?” ang pagmamakaawa ko.


“Eh kasi, nakakatampo ka lang, tinatanong kita kung ako na-miss mo tapos sasabihin mo na ewan” ang sabi nya sakin. Medyo na tawa ako sa sinabi nya dahilan para maasar sya skain lalo.


“Bakit ka naman tumatawa?” ang tanong nya sakin.


“Kaw kasi, na miss interpret mo sinabi ko. I said ewan, hindi ko sinabi na HINDI.”


“Syempre namiss kita, sobra. Kaw kaya iniisip ko before matulog, kahit sa panaginip ko ikaw din nandun, kahit nga sa pag-uusap nang kaibigan ko ikaw topic namin.”


“Saka, dinalhan kita nang favorite foods mo. Dragon  fruit at strawberry yogurt”


“Ito pa pala. Bigay nung kaibigan ko at boss ko na rin na si Joriz, mga prutas saka paggaling ka daw para makita ka din nya” ang pagpapaliwanag ko naman sa kanya. Medyo sumilay na ang kanyang mga ngiti kaya naman natuwa ako sa pagkakataong iyo.


“Talaga?” ang tanong naman sakin ni Rahj.


“Anong talaga? Oo nga diba. Miss na kita” sabi ko sa kanya.


“Sabi mo eh, kaw ang boss ko eh” ang sabi sakin ni Rahj.


“Ma, pwede ko po bang ilabas si Rahj nang room? May papakita lang po ako sa kanya.” Ang pagpapaalam ko naman kay Mama.


“Pwede naman, basta wag sa labas nang hospital” ang bilin ni Mama sakin.


“Opo” ang sagot ko kay Mama.


“Wait mo surpise ko sayo mamaya, magugustuhan mo iyon for sure” ang bulong ko kay Rahj. At agad nga itong ngumit nang pagkatamis-tamis.


“Salamat” ang sagot ni Rahj sakin.


Pumunta muna akong CR para makapaghilamos a saka bumalik sa kama ni Rahj na kasalukuyang kinakain ang binili kong yogurt. Hindi ko narin pinalampas ang pagkakataong tanungin sila Mama kung bakit nandito sila Ceejay kanina lang, kaya naman lakas loob akong nagtanong sa kanila.


“Ma, bakit po nandito sila Ceejay kanina?” ang tanog ko sa kanila.


“Ah, yun ba. Pumunta dito para personal na makapaghingi nang patawad mula dun sa nagawa niya sa resort kay Rahj”


“Ah ganun po ba, yun lang po sadya nila?” ang tanong ko ulit.


“Oo. Saka nangangamusta lang sa sitwasyon ni Rahj”


“Mabait naman pala sila, lalo na yung Ceejay. Siguro nga ay nadala lang nang alak kaya napukpok si Rahj nang bote.”


“Nabanggit ni Ceejay na sobrang kamukha daw ni Rahj yung kasamahan nya... ewan, di ko dinnaintindihan yung sinabi nya nung huli” ang sabi ni Mama sakin.


“Ah okay, buti naman po”


“Eh ano naman sabi sayo Rahj ni Ceejay? Ang pagtatanong ko kay Rahj.


“Ganon pa rin, humihingi nang sorry sakin, ako na nga ang nahihiya sa kanya kasi lagi na lang nagsosorry eh wala naman ginagawa sakin” ang nakangiting wika nya.


“Nakipagkamay din sakin saka yung hussband to be nya na si Alex, at mabait naman pala talaga” ang sabi ni Rahj sakin.


“Buti naman at ayos na kayong dalawa, so wala na pala akong dapat alalahanin” ang sabi ko at sabay bitiw nang isang malalim na hinga.


Kumain na kami nang dinner namin. Dahil sa may nakalagay na dextrose kay Rahj kaya ako ang nagpapakain sa kanya. Para tuloy kaming mag-asawa na talaga neto. Nakatingin lang samin sila Mama at Papa na naka ngiti kaya naman lubos akong napasaya. Andyan yung parang bata si Rahj na magpapasubo sakin, tapos biglang magpa-pout nang labi pag hindi agad nasubuan. Para tuloy kaming ewan na nagkukulitan habang kumakain.


After namin kumain aynagpahinga muna kaming lahat. After 30 minutes ay pinagpaalam ko na si Rahj na lalabas muna kami. Sinakay ko muna sya sa wheeled chair saka inilabas nang kwarto.


“Saan  ba tayo pupunta?” ang tanong sakin ni Rahj.


“Basta somewhere na pwede tayong makapg solo at makapg usap nang tayo lang.” Ang sabi ko sa kanya.


Hindi nga sya sumagot pa. Sumakay kami ng elevator papunta sa pinatuktok na floor. Pagkadating namin dun ay dumiretso kami sa fire exit. Mula don ay binuhat ko na si Rahj sa likod ko. hawak ko ang dextrose na kasalukuyang nakakabit parin sa kanya. Kaya naman marahan kaming umaakyat papunta sa rooftop. After 5 minutes ay dumating na kami. Iniupo ko si Rahj sa sahig at ako’y tumabi sa kanya.


“Dito na tayo. At ito ang gusto ko sayong ipakita”


“Ang magandang buwan na ngayon ay nakatapat satin dalawa” ang sabi ko sa kanya.


“Miss na miss na kita James” ang sagot ni Rahj.


“Miss na rin kita, kaya nga ako umuwi ngayon dahil kulang ang araw ko pag gumigising ako na hindi kita nakikita”


“Makita lang kita, marinig ang boses, mayakap, mahalikan or ngitian ay buo na ang araw ko” ang sabi ko sa kanya sa mahinahon at mabagal na pagsasalita.


“Ako din naman eh. Pag hindi kita nakikita parang kulang ang araw ko. pag hindi kita nakakausap parang walang gana ang araw ko. pag hindi kita nayayakap parang walang excitement akong nararamdaman na lalong magpagaling. Pag hindi kita nahahalikan bago matulog parang ang bigat sa pakiramdam. Ganyan kita kahalaga sakin. Kaya sobrang mahal kita James. No  words can express my love for you, and I’m very luck na may boyfriend akong katulad mo” si Rahj na nagsisimula nang maiyak.


“Wag ka umiyak, baka pati ako mapaiyak nyan”


“Basta tandaan mo lang na kahit anong pagsubok na dumating satin, TRUST lang ang kailangan nating panghawakan sa isa’t isa dahil sa ganyan nagsisimula lahat ng mga relasyon para lalo silang tumibay”



“Kaya naman nagtititwala ako sayo na kakayanin mo at titiisin mo ang mga ginagawa sayo tuwing chemotherapy mo. Selfish mang isipin Rahj pero tiisin mo para sakin. Dahil hindi ko kayang mawala ka sakin. Dahil pag nakataon, wag naman sanang mangyari, ay baka hindi ko kayanin” ang naiiyak ko naring pagsasalita.


“Oo, tiwala ako sa sarili ko at alam kong kakayanin ko ito” ang sagot ni Rahj


“I love you Rahj” ang sabi ko sa kanya.


“I love you more James” ang sagot ni Rahj sakin.


Napakasarap pakinggan nang mga salitang iyon lalo na kung sa mahal mo magmumula ang mga katagang iyan. Muli, ay naglapat ang aming mga labi. Naging saksi namin ang buwan at mga tala sa langit sa aming busilak na pagmamahalan.



=================


MIGUEL”S POV


Ilang buwan na rin nang simula kong tahakin ang aking kapalaran dito sa America. Noong una ay hirap mag adjust mula sa impyernong nararanasan ko sa Pilipinas. Mula sa isang marangyang buhay na iniwan ko dun ay ngayon, di ko alam kung saan ako pupulutin dito sa America. Sa unang tatlong araw ko dito ay malimit ako sa mga bars don para makapag-isip. May mga babaeng lumalapit sakin na nagpapahiwatig ng inters sakin pero di ko sila pinapansin. Habang nabuo sa isip ko na kailangan kong lumaban para maging matatag ako. Kinabukasan, naghanap ako ng trabaho. Since I’m a student o HRM dati na nagshift to business administration sa kagustuhan na rin ng ama ko ay sa isang restaurant ako nag-apply sa kadahilanang mas gusto ko ang kursong HRM na nakapundar na ako ng 2 taon dito hanggang sa nagshift to Business ad. Medyo nagkahinala ako na pinoy ang may ari nang resto dahil sa muebles at pati na rin sa way nang mga nakalagay sa loob ng restaurant na pinag-applyan ko.


“Good morning Ma’am, I’m here to apply for any vacant position of your Restaurant. I’m in need of a job right now. So please allow me to be your employee.” Ang pagmamakaawa ko sa May ari.


“right timming, we’re in need of two waiters. Do you know the basics of restaurant ethics?” ang tanong sakin nang babaeng may ari.


“Yes Ma’am.”


“Buti na lang” ang pabulong kong sabi.


“Excuse me? Did you said BUTI NA LANG?” ang tanong sakin nang may ari


“Yes Ma’am.” Ang sagot ko agad.


“Pinoy ka pala.” Ang nakangiting wika nya,


“Kayo din po pala.” Ang sagot ko naman


“Naku, hired ka na agad. Pinoy ka pala. Buti na lang” ang sagot naman ng may ari.


“Talaga po? Salamat po. ako po si Miguel Carlo dela Torre. Migs for short Ma’am..” ang sagot ko  na nakngiti.


“Joriz” ang sagot nya.


Pinaliwanag nya sakin kung ano ang mga gagawin ko as waiter. Madali ko naman itong nakuha kaya naman wala akong kaproble-problema sa pagtra-trabaho.


Lingid sa kaalaman nang lahat ng nakakakilala sakin. Ako ay isang bisexual. Hindi ko din malaman kung bakit ako humantong sa ganito pero napatunayan kong ganun nga ako dahil sa nagkaron ako ng isang relasyon na lubusan kong pinagsisihan na pinasok ko. ang pangalan nya Christian Jhay Samaniego. Lubusan ko syang minahal pero ano lang ang sinukli nya sakin? Pinagtaksilan nya ako, pinaglaban ko pa mandin sya sa Daddy ko at sa mga kuya ko tapos malalaman kong nag eentertain sya nang manliligaw at nakita ko pa silang naghalikan. Pinangakuaan ko sya dati nang isang kasal dito sa America pero itinapon nya ang pangakong mamahalin nya ako nang walang kahati ako sa kanya. Kaya naman lubusan akong nagtiwala. Nasa isang resort kami sa batangas nang makipag break ako sa kanya. Sinabi ko lahat nang dahilan pero ayaw nyang tanggapin lahat nang iyon. Lahat sa kanya may rason. Lahat nang sabihin ko may dahilan para sa kanya. Lagi nyang sinasabi na mahal nya ako at di nya ako kayang mawala sa kanya pero sya na mismo ang gumawa nang paraan para magkahiwalay kami. Hindi ko pinakinggan lahat ng sinabi nya. Pagkatapos kong sabihin lahat ng saloobin ko ay umalis agad ako nang resort. Di nya ako nagawang pigilan dahil hindi nya kaya. Kaya ang naging resulta, lumayas ako sa aming bahay sa pilipinas at pumunta dito sa America sa sborang hiya kila Daddy, sana noong una palang nakinig na ako sa kanila at pinatay agad ang damdaming namumuo samin ni Ceejay pero di ko ginawa kundi kinalaban ko pa sila.


1 buwan ang makalipas ay pakiramdam ko mababago nanaman ang buhay ko. isang lalake ang nakapukaw nang atensyon ko  nang makita ko itong palinga-linga sa tapat ng resto. Mukhang may hinahanap. Kaya naman lumapit ako dito. Nagbabaka sakali na sya na ang hinihintay ni Mam Joriz na kaibigan nya na nanghihingi ng tulong. Kaya naman nilapitan ko sya at hindi nga ako nagkamali. Lampit din si Mam Joriz. Ngumiti ang binata na sa tantya ko ay kasing edad ko lang at medyo maliit sakin. Napaka-amo nang mukha, at ang mata, ang ganda, brown na brown.


Pinakilala sakin ni Mam Joriz ang kanyang kaibigan at nalaman kong James ang pangalan. Ang sarap pakinggan ang kanyang pangalan. Parang isang musika na maganda ang melodiya. Nakipagkamay ako sa kanya. Sya ang aking tuturuan sa mga basics kaya naman masaya ako na makasama sya kaya magkakaroon ako ng pagkakataon makita ang kabuan nya. Napapansin ko lang na lagi syang nakatingin sakin, wari’y nanunuri kaya naman tinanong ko na sya.


“May dumi ba ako sa mukha?” ang naitanong ko na lang.


“wa-wala naman, may kamukha ka lang” ang sagot nya. Pinagkibit balikat ko na lang ang sinabi
nya.


Habang ako ay may ginagawa sa labas ay naisipan kong uminom muna nang tubig, papunta na ako nang kitchen nang marining ko na nag-uusap sila ni Mam Joriz. Duon ko napag-alaman ang rason nya bakit sya dito nagtratrabaho at bakit at para saan. Nagulat ako nang ipagtapat nya na may boyfriend sya na kasalukuyang naka-confine sa isang hospital dito at nagpapachemo dahil may Leukemia.


“Rahj ang Pangalan nya. Napakabait, maalahanin, marespeto at higit sa lahat ay mahal na mahal ako kaya naman hindi ako nagsisisi na minahal ko sya nang buong puso.” Ang sagot ni James kay Joriz.


Sa narinig ko ay parang biglang sumakit ang kaing puso. Mali man dahil 2 days palang kami nagkakakilala pero nakakaramdam na ata ako nang selos nang mapakinggang ko ang pangalan nang maswerteng boyfriend nya. Masasabi kong maswerte ang boyfriend nya dahil kahit second day nya palang sa trabaho ay nagpapakita na sya nang kasipagan. Pano pa kung nakatira na sila sa isang bubong, eh di lalong naging masipag si James. Kaya nainggit ako. Nakaramdam din ako nang pagkabahala, dahil sa sinabing pangalan niya, Rahj. May kilala din akong  Rahj pero imposible sigurong sya yun dahil hindi ko maitsurahan na makikipag relasyon sya sa isang lalaki din. Kaya naman pinagkibit balikat ko na lang.


Umalis na ako sa pakikinig at nakaramdam ako ng isang patak ng luha mula sa aking  kanang mata. Pinunasan ko na lang ito at bumalik sa pagtratrabaho.



===================


YVONE’S POV


Sobra akong naasar sa James na yon. Hinding hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nyang pagaagaw sakin nya kay Rahj. Gagawa ako nang paraan para mapaghiwalay sila at makuha kong muli ang tiwala ni Rahj sakin. Mula sa pagbisita ko sa kanya kanina ay mga plano na akong kelangan gawin para sa James na yon. At kailangan ko nalang malaman kung san naglulungga ang bakla na yon. Against man sakin si ate Ysa sa mga plano ko ay wala syang magagawa dahil pwede ko syang isumbong kila Momy and Daddy sa mga kagagahan niya noong high school palang sya sa Pilipinas. Kaya wala akong dapat ikabahala. May alas ako, anong dapat kong problemahin sa kanya?


Isang araw after ko bumista sa hospital ay dumating na nga ang aking inaasam na balita. Binalita sakin ni ate kung san nagta-trabaho si James. Nakita nya ito sa isang resto na pagmamay-ari nang isang pinay dito sa america at may kasama daw na lalaking sa tingin nya ay ka close nya.


“Ka-close? What the? Parang ambilis naman?” ang naitanong ko sa sarili ko.


Kaya naman agad na may namuong plano sakin.


“gagamitin ko ang lalakeng iyon sa mga plano para mapaghiwalay sila James at Rahj!” ang natatawang sabi ko na lang habang nakaharap sa salamin at nahihilamos.





Itutuloy...




Author’s note: ano ang mangyayari if magkita-kita na sila isa isa? Ano ang pwedeng mangyari? Masama ba or magandang tagpo? Sino ang magsasabi nang mga katagang nabanggit sa unahang parte na ILOVEYOU?
Rahj-James. Forever na ba talaga?
Miguel. Lover na ni James?
Ceejay. Kaaway or kakampi?



Eto nanaman ang aking portion nang chismis. I love this part. Haha
Hay naku. Kanina, while browsing my fb account, may nakita akong lalake. Gwapo. Talagan define gwapo. Sya yun. Yung tipong GHN(Gwapong hindi nakakasawa) according kay Fugi. Haha. Kaya lang, habang bina-browse ko account nya napansin ko, parang gay?! Oh sh*t talaga. Haha


Tapos, eto the best. Yung classmate nung kuya ko ay pumunta sa bahay. Kumatok sa pinto. Kala ko kung sino, kasi baka nanghihingi lang nang limos. So di ko piangbuksan muna. Lumakas ang katok kaya binuksan ko, ang charan! Ang gwapo! Shet!. Chinito ang ang ganda ng mata! Remember yung lalaking nakita ko sa chowking? Ganun mata nya at ilong. Sakto naglinis ako nang bahay eh di dagdag points yun sakin. Ang linis kaya nang bahay at ang bango pa. Haha. 11pm na sya nakauwi. Nung lumabas sya, sinundan ko din para malaman ko kung anong jeep sasakyan nya at nakita ko byaheng pasig-quiapo. Oh yeah! Malapit lang. Haha. Tumingin sya sakin eh di ako umiwas kunwari  magpapaload para makanakaw nang tingin. Haha. After non, nagpakwento ako kay utol tungkol sa kanya. Sh*t again, napag-alaman kong may gf na pala at campus crush daw ang gf ni kuyang gwapo! Eh ang pinapatugtog ko non na music sa laptop ko ay Valentine ni Kina Grannis, eh di from good modd naging bad mood ako tottally. Nakakaasar pala yung feeling na ganun no. Kala ko sya na, di pala. Haha. Di na nga ako magmamadali na makahanp ng lovelife. Siguro dadating din yun.





No comments:

Post a Comment