Thursday, February 9, 2012

Ako'y sayo at Ika'y akin chapter 9

Maraming salamat po sa lahat nang patuoy parin na nagbabasa ng Ako’y Sa’yo at Ika’y Akin. Sana po ay magustuhan nyo ang next chapter.

For this chapter. Ito na ang hinihintay nyong mga kasagutan sa tanong nyo.

Don’t forget to add me on Facebook

Thanks po sa mga nagcomment. Lalo na kay kuya Anonymous sa pagpansin ng mali ko. Haha.

PS: Please leave a comment after reading. Comment for improvements/papuri/nabwisit/naiyak/natawa/kinilig or kahit anong form nang comment. Natutuwa po kasi ako sa mga comment dun sa ibang chapters ko. Thanks

Enjoy!
===================
RAHJ’S POV(point of view)

Humahangin nang malakas sa aking kinatatayuan. Napakasariwa. Paraiso pala talaga  ang aking kinaroroonan. Napakaganda. Lahat na ata nang pwedeng kainin na prutas at mga gulay nandito na. Isama mo pa ang aking mga bagong kaibigan na natagpuan, Si Mary, Josh, Jude at Mathew. Ang aking mga bagong kaibigan na kamakailan ko lang nakilala at masasabi kong masaya ako pagkasama sila.


Pero merong bumabagabag sa aking puso, hindi ko malaman pero sa tuwing hinahawakan ko ang aking singsing, bumibilis ang tibok nang aking puso. Ano ba ang ibig sabihin nito?


“Kuya Rahj, alam namin na hindi na kami dito magtatagal, ano mang oras ay kailangan na din naming umalis dito. Mahirap ipaliwanag pero hindi ka namin pwedeng isama, hindi mo pa oras” ang pagsisimula ni Mary.

Naguguluhan man ako sa sinasabi nya ay mataman ko paring pinapakinggan ang kanyang pagpapaliwanag.


“Hindi ko kayo maintindihan”


“Anong ibig sabihin nyo na hindi ko pa oras? Buhay pa naman ako ah saka bakit nyo kelangang umalis dito?”

Sabay bungtong hininga.


“Hindi ba kayo masaya dito? Okay naman tayo dito diba?” ang pagpapatuloy ko

“Maging kami kuya ay naguguluhan pero isa lang ang nasisiguro namin, iyon ay hindi ka namin pwedeng isama.”

“May mga bagay na sadyang kelangang mangyari kahit hindi mo alam ang dahilan. Ito lang ang pwedeng maging dahilan para ang isang kagaya mo, kagaya natin ay mas tumibay ang paniniwala sa Diyos at sa sarili mo”  ang pagpapaliwanag naman ni Josh sakin.


“Basta bahala kayo sa desisyon nyo. Magiging masaya ako kung ano man ang gustuhin nyo sa buhay nyo.” Ang papaliwanag ko naman.


“Pano kung yung panahon na tinutukoy namin ay ngayon na? Papayag ka ba na maging mag-isa na lang dito?” ang tanong naman ni Mathew.


“Kagaya nga nang sinabi ko ay masaya akong tatanggapin lahat nang gusto nyo” ang nakangiti kong sagot.

“Maraming salamat Kuya Rahj. Hinding hindi ka namin makakalimutan. Babaunin namin ang mga ala-ala na kasama ka namin. Kaya lang naman kami hindi makaalis dahil iniisip ka namin. Napapansin namin na malungkot ka base na lang sa mga mata mo.” Ang sabi ni Mary.

“Isa pa kuya. Gusto namin, bago kami magpaalam gusto ka muna namin tulungan na makabalik kaya sana ipikit mo ang iyong mga mata at hawakan mo ang singsing na meron ka. Isipin mo bakit kelangan mong mabuhay at para kanino mo ito inaalay.” Ang sabi naman ni Josh.


“Sige” ang nakangiti ko paring sagot sa kanila pero sa loob ko lang ay naguguluhan na ako sa mga sinasabi nila.

Pinikit ko nga ang aking mga mata at hinawakan ang singsing. Inisip ko Para kanino nga ba ako nabubuhhay? Habang nag iisip ay may parang bumubulong sa isip ko na isipan ko na James. James. James.  Paulit ulit lang ito hanggang sa...


“James?!” ang nululuha ko nang sabi.

Hindi ako makapaniwala na may tao pala akong naiwan. Naalala ko na ang lahat. At isa lang ang aking naiisip. Kelangan ko nang hanapin sya.

====================
Kuya Drew’s POV

Napapansin ko na parang humuhinga nang malalim ang aking kapatid na si Rahj. Kaya naman agad kong ginising si Mama at Papa upang tingnan nila ang nangyayari kay Rahj. Hanggang sa umabot sa punto na parang nagko-convulsion na sya. Kaya naman agad kong tinawag ang doktor via intercom system.

“NURSE! Ang kapatid ko! May masamang nangyayari sa kanya! Bilisan nyong pumunta dito!” ang naluluha kong sabi sa kanila.

“Anak! Raaahhhjj!” ang umiiyak na si Mama ang nagsasalita.

“Rraahhjjj!” si Papa na kasalukuyang umiiyak na rin.

Hindi ko na napigilan ang aking mga luha na kanina pa gustong kumawala.

Dumating na ang mga Nurse kasama ang tatlong Doktor. Ang isang doktor ay tiningnan agad ang pulso. Ang isa naman ay hinahanda na ang gamot na ituturok kay Rahj. At ibang nurse naman ay abala sa paghahanda ng ibang gamot at pati narin sa bagay na ginagamit kapag nag-aagaw buhay na ang pasyente. Yung nilalagay sa dibsib.

Pagkakita namin dun nila Mama at Papa ay lalo kaming kinabahan sa nangyayari kay Rahj. Kaya naman lalong tumindi ay emosyon na nananaig sa kwartong iyon. Kaya naman pinalabas muna kami nang Nurse.


“Sir, Ma’am, lumabas po muna kayo. Protocol po namin ito.” Ang sabi nang Nurse samin

“Nurse anong nangyayari sa kapatid ko?” ang tanong ko naman sa kanya.


“Wag po kayong mag-alala, gagawin po namin ang lahat para sa inyong kapatid.” Ang nakangiting tugon sakin nang Nurse.

Sa nakita kong pag ngitin nang Nurse na iyon ay parang nabunutan ako nang tinik sa dibdib. Tiwala ako sa kanila kaya naman sinamahan ko sila Mama at Papa para umupo muna.

Pagka-upo ko ay tinext ko agad si James. Its almost 6:00 am na kaya naman gising na siguro iyon kaya naman tinext ko.

“James, pumunta ka dito. Si Rahj, may masamang nangyari sa kanya” ang text ko sa kanya.

After 10 minutes ay lumabas ang doktor. Kita ko sa mga mukha nila ang pag-aalinlangan. Parang merong mali kaya naman agad ko silang kinompronta.

“Dok, kamusta na po kapatid ko?” ang nag aalala kong tanong sa kanila.

“Ah..eh, Okay na sya,  stable na.”

At bumuntong hininga muna sya bago nagpatuloy.

“Pero..” ang naputol na sabi ng Doktor dahil dumating si James na patakbong lumalapit samin.

“Kuya Drew, kamusta na si Rahj?” ang bungad na tanong samin ni James. Papasok na sana sya nang kwarto nya nang magsalita si Papa.

“James anak, sandali lang kelangan mong marining siguro ang mga sasabihin nang doktor.

Tumigil sya at wala nagawa kundi ang makinig sa sasabihin nang doktor.

“Pero ano po dok?” ang pagtatanong ko sa kanya.

“Pero, sa ikalawa ko ikatlong mag seizure si Rahj. Baka hindi na kayanin nang kanyang katawan at bawian sya nang buhay. Kapag po hindi agad sya nadala sa America for the advance treatments, ikinalulungkot ko pero within 3 months starting today ay unti-unting manghihina na ang katawan nya at bawian na sya nang buhay ng tuluyan.” Ang malungkot na pagpapaliwanag nang doktor.

Di ko mawari kung saan ako kukuha nang lakas sa mga narinig ko mula sa doktor. Isa sya sa doktor ng St. Luke’s Hospital pero wala sila magawa kaya naman parang kinunan ako nang lakas sa mga narinig.

====================

James’ POV

Mula sa aking kinatatayuan ay narinig ko at sigurado ako sa mga narinig ko mula sa doktor ni Rahj. Ang aking mga luha na akala ko’y naubos na ay unti-unting pumatak. Kita ko sila Papa, Mama at Kuya Drew na napaiyak sa mga narinig.

“Salamat po sa tulong niyo dok.” Ang pagpapasalamat naman ni Mama.

“Mama, Papa, Kuya Drew, sana magtulungan tayo para gumaling si Rahj. Alam ko pagsubok lang ito nang Diyos sa ating pagsasamahan at katatagan kaya naman nothing’s impossible with GOD.” Ang papalubag loob kong sabi.

Kahit ako ay hindi ko alam kung saan ko huhugutin ang aking lakas para sa simula nang araw ko ngayon. Wala naman akong makukuhang suporta galing mismo sa aking mga magulang dahil itinakwil nila ako, buti na lang at walang pisikal na nangyari kagabi sa pagtatapat ko nang saluobin sa kanila. Panigurado baka di ko na malaman kung saan pa ako pupulutin.

Kaya naman dumiretso na kami na pumasok sa kwarto ni Rahj. Nakita ko na naman ang ayaw kong makita. Ang mga aparatong nagsusuporta kay Rahj kaya naman naiiyak nanaman ako. Nilapitan ko si Rahj at muli ay hinawakan ko ang kanyang kamay, nilagay sa tapat ng aking puso at nagsalita.

“Rahj, kumapit ka lang sa panginoon, hindi ka nya papayagan. Saka nandito pa kaming ng mga parents at kapatid mo. Pati na rin ako, nandito lang ka magpakatatag ka. Wag kang bibigay, kumapit ka lang. Saka...” ang aking pagsasalita ay naputol dahil parang narinig ata ni Rahj ang aking mga sinasabi. Napatingin ako kila Mama at Papa. Sinenyasan ko sila na lumapit.

“Ma, Pa, kita nyo ba yun? Nagrespond sa pagkapit sakin, hinigpitan din nya. Ibig sabihin naririnig nya ako” ang nakangiting wika ko sa kanila.

“Magandang senyales iyan James, sana nga magpatuloy na yan” ang nakangiting wika ni Papa pero bakas parin ang kalungkutan. Batid kong hindi pa sila gaanong nakakapagpahinga kaya marahil siguro ay namamaga na ang kanilang mga mata, pati na rin si Kuya Drew ay panay ang hikab.

“Rahj, tandaan mo mahal na mahal kita. Hindi ko kakayanin kapag nawala ka kaya kumapit ka lang at patuloy na kumapit sa pag-asa.” Ang pagpapatuloy ko ulit. Hindi ko inda na katabi ko lang sila Mama at Papa. Inakbayan nila ako parehas na ngumiti. Sa mga pinakita nilang iyon ay masasabi kong tuluyan na nila akong natanggap bilang isang anak na rin. Kaya naman kahit kani-kanina lang halos magunaw na ang mundo ko ay ngayon ay medyo lumuluwag na ang aking pakiramdam. Ibinaba ko na ulit ang kanyang mga kamay at tumabi kila Kuya Drew para magpahinga.

Tumagal pa nang isang araw ang kanya pagkakatulog hanggang sa...

*Umuungol na sound*

Sumunod ay *Umubo na sound*

“Ma...”

“Pa...”

“Ku..*ubo na sound ulit* Kuya..”

“James...” si Rahj na pala. Sa wakas nagising na rin sya.

“Ma! Pa! Gising na si Rahj!” ang biglang pagsigaw ko. Kaya naman napabalikwas kaming lahat sa pagkakaupo.

“Thank God gisng ka na. Drew, tawagan mo ang nurse sabihin mo gising na si Rahj” ang biglaang sabi ni Mama.

“Opo!” ang sagot naman ni kuya Drew.

“Ma, asan po ako?” ang tanong ni Rahj kay Mama.

“Anak andito tayo sa hospital, wag ka mag-alala, andito kami, di ka namin papabayaan” ang nakangiting wika ni Mama pero batid mo na nagtitiis lang na wag ipakita na naluluha na sya.

“Rahj anak, magpahinga ka muna huh, maya-maya ay dadating na din ang mga doktor.” Si Papa naman.

“Opo”

“Si James po?” ang tanong naman ni Rahj. Nagkatinginan bigla sila Mama at Papa at bumaling sakin. Nagbigay daan ang dalawa sakin. At ako naman ay tumayo, lumapit ako sa kanya.

“Rahj” ang wika na naiiyak.

“Rahj, Kamusta ka na? Okay ka na ba?” ang wika ko. Di ko na napigilan ang aking luha. Ngayon nga ay lumabas na aking vulnerable side.

“Wag ka nang umiyak mahal ko, hinding hindi kita iiwan. Kaya please stop it. Its hurting me seeing you in that face” ang naiiyak na rin na komento ni Rahj.

“Oo, di na” ang biglang pag change naman ng mood ko from umiiyak na parang tanga to nakangiting parang baliw.

Dumating na ang mga doktor. At agad ginawa ang kanilang mga trabaho. Labis akong nagpapasalamat at maalaga sila. Kahit di namin tinatawag ay patuloy parin silang pumupunta para kamustahin ang lagay ni Rahj kaya pakiramdam ko ay hindi lang ako ang dumadamay kila Mama at Papa.

Isang araw lang ang nakakalipas at nilipat na si Rahj from ICU to a normal private room. Lagi ko syang kinukwentuhan sa mga nangyari sakin noong hindi pa sya nagigising hanggang sa dumating kami sa topic sa aking mga magulang, naikuwento ko na rin sa kanya ang mga naging sagutan namin ni Daddy at sinabi ko rin na bumukod na ako.

“Ako pala ang dahilan nang lahat nang ito. Pasensya.” Ang malungkot na sabi ni Rahj.

“Hindi mo ito kasalanan Rahj, nagmahal ka lang at nagmahal lang din ako kaya wala tayong kasalanan. Nagkataon lang hindi bukas ang isipan nang aking mga magulang kaya ganun sila makapagreact. Balang araw marerealize din nila ang kanilang kamalian sa buhay.” Ang sabi ko naman kay Rahj.

“Pero...” sasagot pa sana si Rahj pero pinutol ko na ito.

“Wala nang pero pero Chirs Rahj Manalo. Kaya wag mong sisihin ang yong sarili sa nangyari. Ang importante ngayon ay mahal na mahal kita at hinding magbabago iyon at isa pa, kelangan mong magpagaling dahil madami ka na rin na namiss na mga lecture notes at quizzes sa school mo. Okay?” ang sabi ko naman

“Opo, ikaw ang boss ko eh” ang nakangitng wika nya. Hinila nya ako at binigyan nang isang damping halik sa noo. Lubusan ko itong ikinatuwa kaya naman humarap ako sa kanya. At binigyan naman sya nang isang matamis na halik sa kanyang pisngi. Agad na namula si Rahj, hindi naman iyon normal sa kanya dahil if i’m not mistaken ay ako ang namumula kapag ginagawa nya iyon pero this time sya ang namula.

“Ehem!” ang malakas na pang-agaw pansin nang isang pamilyar na boses.

Nang lingunin ko ito ay nakita ko sila Mama, Papa at Kuya Drew na nakatayo sa pintuan, mga pare-parehas na nakangiti na nakakagago.

“Saka na lang kayo maglambigan dalawa, eto oh, may dala kaming pagkain para sainyo, at ito naman Rahj ay kainin mo ang mga prutas na to para magkaroon ka ng bitamina.” Ang nakangiting wika ni Mama samin.

Natawa naman kaming dalawa ni Rahj sa inasta nila. Parang ewan lang. Pinagbalatan ko si Rahj nang sinturis/ponkan/orange ewan kung ano ba ang tawag duon. Dalawang piraso ang aking binalatan, isa para kay Rahj at isa naman ay para samin nila Mama at Papa pati na rin si Kuya Drew.

“Subuan mo ako, pleaaaasseee” ang nakangitng wika ni Rahj.

“Mr. Manalo, hindi ka po lumpo at maayos na pakiramdam mo kaya umayos ka, lagyan ko nang abs mukha mo eh, sige ka” ang pagbabanta ko sa kanya.

“Pa oh, si James, may binabalak” ang pagsumbong naman ni Rahj.

“James, dalawahin mo na ang abs sa mukha nyan, ang arte eh. Yung isa para sakin huh” ang nakangitng wika naman ni Kuya Drew.

“Sige Kuya, no problem” ang nakangiting kong wika.

“Magsitigil na nga kayo dyan, kayo lagyan ko nang abs sa mukha eh, tamo, pare-parehas kayong nakahiga jan sa higaan bukas.” Si Papa naman ang bumanat. Mukhang naasar na ata.

Nagtwanan kaming lahat matapos ang magsalita si Papa. Parang wala kaming problema na kinakaharap at haharapin sa dadating na mga araw.

After ilang days ay kinausap na nga namin ang doktor ni Rahj. Pinapunta na namin sya sa kwarto para kahit si Rahj na naririnig ang mga pinag-uusapan. Napag pasyahan na within a week ay lilipad na sila Rahj patungong America para magpagamot. Inirefer kami ng doktor sa isang pribadong hospital sa New York. Kaya naman kahit labag man ay nagpumilit parin akong sumama sa kanila. Sa una ay hindi pumayag sila Mama kasi naman mapapabayaan ko ang aking pag-aaral pero dahil na nga rin sa malakas ako mapgdahilan ay nagawa kong papayagin sa kanila. After ng isang araw ay nadischarge na si Rahj nang Hospital. Pinaalalahan siyang wag magpapagod dahil masama para sakanya.

After namin syang iuwi ay nagpaalam naman ako...

“Ma, Pa, uwi po muna ako sa unit ko, then diretso pu akong school at sa Immigration, aayusin ko lang mga papeles ko” ang pagpapaalam ko sa kanila. Magsasalita pa sana si Papa per mabilis pa sa ala una ay umalis agad akong umalis. Ayoko masermunan. Buo na ang pasya ko. Habang nasa america ako ay magta-trabaho muna ako. Hindi naman ako pihikan. Dahil ang totoo nyan ay tumutulong ako sa mga gawaing bahay kahit na may katulong pa kami. Marunong ako sa lahat. Minsan pa nga ay pinagpapahinga ko muna si Manang Lucy na naka-assigned sa kusina dahil parang trip ko minsan maglinis.

Pagdating ko sa unit ko ay ginawa ko muna ang mahiwagan daily routine ko sa buhay. After nun ay dumiretso na ako sa school para magsubmit ng leave of abscence for 1 year. Alam ko mahirap na payagan ako dahil tapos na kami ng midterm part at ilang months na lang ay 4th year college na ako pero wala ako magagawa. For the sake of love ika nga nila. Buti naman napayagan ako, buti medyo close ako sa Dean nami, mabait naman sya, very considerate, di tulad nung last dean namin, demonyita. Sama lang ng term ko.

Dumating na ang araw nang pag-alis namin. Ni hindi man lang ako nagpaalam kila Mommy at Daddy na aalis ako para mangibang bansa.

“Rahj, this is it, wala nang atrasan. Haharapin na natin ang problem mo.” Ang sabi ko sa kanya habang papunta nang eroplano na ilang oras na lang ay magte-take off na.

“Magkawak kamay natin itong gagawin. Kaya for god’s sake. Hold my hands till we get there.” Ang nakangiting wika naman ni Rahj.

Tulad nga nang sinabi nya ay magkahawak kami nang kamay na pumasok nang eroplano. Ang mga kasabay namin na mga Pinoy pati na rin ang mga flight attendants ay nakatingin samin. Di namin alintana iyon. Wala kaming paki alam sa kanila. We are just happy on the way we know. Wala kaming natapakan kaya okay lang.

After almost 22 hours of byahe, nakarating din kami. Agad kaming tumuloy sa bahay nila Rahj. Di ko naman alam na may bahay pala sila dito kaya laking pasasalamat ko na malapit lang ito sa business district nang New York kaya madali lang para saakin na makapghanap ng mga part time jobs.

After 2 days of rest ay dumiretso na kami sa hospital na nirefer kami.

“Natatakot ako” ang naluluha na sabi ni Rahj

“Wag ka mag-alala. Andito lang kami para sayo” ang sagot naman ni Papa.

“oo nga tol andito lang kami para sayo, basta believe in GOD” si Kuya Drew

“Mr. Manalo please proceed to examination room.” Ang basag naman ng Nurse saming paguusap.

“Maghihintay kami sayo dito sa labas. Okay?” ang sabi ko naman sa kanya at ginawaran sya nang isang halik sa labi.

“I love you Rahj” ang sabi ko sa kanya.

“I love you more James” ang sagot naman ni Rahj.

After nun ay dumiretso na siya, nakasakay na sya sa wheeled chair at dinala sya ng Nurse sa examination room. Two hours din kaming naghintay sa labas. After nun ay lumabas na ang doktor.

Labis namin ikinabigla ang balitang dala ng Doktor kaya naman napayakap ako kay Mama at napaiyak nanaman.

“bakit naman Mama ganun” ang umiiyak kong sabi.



Itutuloy...

PS: para na akong tanga kanina sa pagtatype netong chapter na to. Haha. Maghahanap na ako nang physical representation ng mga karakter kaya naman pleas add me para makapg search ako kung sino magfi-fit-in sa kanila. Thanks. 

No comments:

Post a Comment