Maraming salamat po sa lahat nang patuoy parin na nagbabasa ng Ako’y Sa’yo at Ika’y Akin. Sana po ay magustuhan nyo ang next chapter.
For this chapter. Ito na ang hinihintay nyong mga kasagutan sa tanong nyo.
Enjoy!
Don’t forget to add me on Facebook
====================
“Bakit sa kanya pa! Bakit?! Pwede naman sakin! Bakit kelangan nyang sapitin ito, ang bata pa nya, madami pa kaming pangarap na kelangang matupad!” angsabi ko habang umiiyak.
“Tama nga ba ang hinala ko? Sana naman ay hindi” ang sabi ko sa sarili ko habang umiiyak
Mga katagang hanggang ngayon ay masakit pakinggan, pero kelangan kong tanggapin. Tama nga ang hinala ko, Rahj is dying. He’s sick.
=================
“Dok, ano po ang nangyari kay Rahj? Sabihin nyo po” ang pagmamakaawa ko sa Doktor matapos lumabas ng ICU na pinagdalhan ni Rahj.
“Ikaw ba ang kasama nang pasyente?” ang tanong sakin nang doktor.
“Opo, ako po ang bo... kaibigan nya. Ano po ba ang nangyari sa kanya. Bakit nawalan sya nang malay tao?” ang tanong ko agad sa doktor.
“I’m sorry to tell, pero he’s state is worsening if hindi madadala sa America for advance medication. Maaari nyang ikamatay ito if hindi agad naagapan. He has a leukemia, stage 2 pa lang pero iba ang epekto sa kanya, parang pang stage 3” ang mahabang pagpapaliwanag sakin ng doktor.
Hindi lubusang matanggap isip ko ang mga sinabi nang doktor. Parang hindi nito maprocess nang ayos o sadya lang hindi tinatanggap nang ISIP ko ang katotohanan na maaaring kunin sakin si Rahj nang maaga dahil ang PUSO ko ay ayaw mangyari yon.
Tinawagan ko agad sila Mama at Papa para sabihin ang nangyari kay Rahj.
“he...llo, Mm..aaa, ma-may nangyari po kay Rrra-rahj” ang uutal-utal kong sabi habang humahagulgol ako sa pagiyak.
“Na-nahimatay pp-po sya.”
“pumunta po kayoo ngayon dito sa St. Lukes-Taguig, bi-bilisan n-nyo p-po” ang uutal-utal ko parin sabi.
After naming makapag usap pa ay pinutol ko na ang linya. Agad akong pumasok sa ICU. At nadatnan ko syang madaming mga aparatong mga nakalagay sa kanya. Ang lubos na nagpaiyak sakin ay makita may life supporter sya sa paghinga. Ganito na lang ba? Ganito mo ba ako gustong pahirapan Rahj? Ang makita kang ganyan?oh sadya lang akong sinusubok nang panahon para mahalin ka pa lalo at magpakatatag. Kung ganun nga sana ay magising na ako sa katotohanan. Hindi ko to kakayanin na mag-isa. Rahj.
Pinasuot ako nang mga nurse na isang green coat at hair net at saka pinag mask. Kumuha ako nang isang upuan at tinabi ko malapit sa kanya. Buti wala namang takip na naglilimita sa mga kamag-anak na mahipo sya kaya kinuha ko ang kamay nya at nilagay sa tapat nang puso ko.
“Rahj, ramdam mo ba ang puso ko? Naririning mo ba ang sinasabi? Ikaw ang tinitibok nito, sinasabi nya na mahal na mahal ka daw nya at wag mo daw syang iiwan. Kaya naman Rahj magising ka na. Hindi ko kakayanin na makita kang ganyan. Dinudurog mo ang puso ko. Wag mo akong parusahan nang ganito. Kayanin mong lumaban dahil... dahil... hindi ko kakakayanin na ika’y mawawala sa aking piling. Mahal kita Rahj, mahal na mahal. Please” ang pagsusumamo ko sa kanya nang lahat nang nilalaman nang aking puso at saluobin.
Mataman kong tinititigan ang mukha ni Rahj, maya-maya ay may lumabas na luha sa kanang mata ni Rahj. Bagkus na malungkot ay galak ang aking nadama. Alam ko na narinig niya ang aking mga sinabi. Ramdam ko din ang pag pintig nang kanyang middle finger na gumalaw kaya naman tinawag ko agad ang nurse mula sa station at sinabi ang mga signs na okay si Rahj. Ilang oras pa akong nasa ganoong pwesto nang dumating sila Mama at Papa kasama sila kuya Drew.
Pagkakita ko palang kay Mama ay di na ako nagdalawang isip na yumakap sa kanya at ilabas ang sakit na nararamdaman ko parin hanggang sa oras na yun. Niyakap lang ako ni Mama habang si Papa naman ay hinahagod ang aking likod. Ramdam ko ang kanilang sincerity na tulungan ako sa aking pighati na umahon at karamay na hindi ko naman na ramdaman kila Mommy and Daddy dahil laging trabaho na lang ang inaasikaso nila sakin, kahit mga luho ko ay nasusunod pero pinagkait parin nila sakin ang pumasok sa Mapua, alam ko may alam sila sakin pero di ko pa yun tinatanong dahil ayaw ko ang atmosphere sa bahay. Kaya lagi lang akong nasa kwarto or nasa garden para magliwaliw.
“anak, wag mong damdamin ito, alam ko makakayanan ito ni Rahj dahil tulad mo, kilala din namin nang lubusan si Rahj. Hindi yan basta susuko.”
“At isa pa anak, may gusto kaming sabihin sayo nang Papa mo at ng Kuya Drew mo” ang pahabol naman ni Mama.
“ano po iyon?” ang sagot ko naman habang humihikbi parin ako sa mula sa pagkakaiyak.
“Alam mo kasi, alam namin na dadating tayo sa punto na ito, alam namin na may leukemia si Rahj pero tinatago nya samin, nakita ko ang mga reseta sa kanya nang mga doktor nya na nagkalat sa ilalim nang kama nya nang maglinis ako dun kama-kailan lang.”
Bumuntong hininga muna si Mama at saka tinuloy
“Kaya naman hinanap ko kung para saan ang mga gamot na nakalagay, at don ko na pagtanto na may leukemia sya. Kinompronta namin sya pero ngumiti lang at sinabing hayaan na lang daw sya sa gusto nyang magpakasaya sa buhay hanggang sa huling hininga nya. At binaggit din nya na wag na wag daw namin iyon sasabihin kahit kanino lalo na sayo pero ngayon alam mo na,, sana wag kang magalit sa kanya” ang naluluhang pagpapaliwanag ni Rahj.
Mula sa pagkakahinto ko kanina sa pag iyak ay muling bumuhos ang aking mga luha. Parang isang malakas na ulan na hindi kayang pigilan nang sino man. Umiyak ako na parang bata. Niyakap naman ako ni Kuya Drew, di ko alam pero parehas sila nang pagyakap kaya naman lalo lang akong naiiyak. Kita ko naman sila Mama at Papa na nahahabag sa nakikita nila.
“Ang self-fish mo Rahj!”
“ Ang self fish mo! Bakit kailangan mong itago ito sakin!”
“ang daya mo!”
“Sabi mo walang iwanan pero anong ginagawa mo?”
“Gusto mo akong iwan eh!”
“Madaya ka!...” ang pagwawala ko habang pinapalo ko sa dibdib si Kuya Drew gamit ang aking braso.
Ininda lahat ni kuya ang lahat na pagpalo ko sa dibdib nya. Pagkatpos nun ay napaupo ako sa sahig. Hindi ko na alam ang mga nangyari pagkatapos nun. Nawalan ako nang malay tao dala na rin nang sobrang pagod mula sa pagliibot namin ni Rahj sa buong mall maghapon at sa sobrang kakaiyak.
==================
Isang maliwanag na ilaw ang tumatama sa aking mga mata. Dahilan para magising ako. Pagkakita ko ay nasa gitna ako nang taniman ng trigo(wheat). Nasa ilalim ako nang isang puno nang mangga.
“Asan ako? Anong ginagawa ko dito?” ang tanong ko sa aking sarili.
Pagtingin ko sa aking suot ay naka white na sleeves ako at white pants. Naglakad ako sa gitna nang taninman. Hindi ko naman iniinda ang sikat nang araw dahil hindi naman masakit sa balat.
May nakita akong mga batang naglalaro nang habulan sa di kalayuan kaya naman tumakbo ako papalapit sa kanila habang kumakaway ang dalawa kong kamay na pataas at pababa.
“Hello” ang bati ko sa kanila
“Hi,, ako nga pala sa Mary” ang pagpapakila nang bata na cute.
“Sya si Josh, Mathew at Jude” angpapakilala niya sa mga kasama niyang bata.
“Hi sa inyo, ako si Rahj. Pwedeng sumali sa laro niyo? Nababagot na kasi ako dun sa ilalim nang puno nang mangga. Pwede ba?”
“saka asan pala tayo? Di ko to alam kung saan eh” ang sunod-sunod kong tanong sa kanila.
“Pwde, para marami tayo” ang sagot ni Josh.
“hindi din namin alam eh.”
“Tara laro tayo!” ang sabat naman ni Jude
At naglaro na kami nang habul-habolan. Hanggang sa mapagod kaming lahat at napagdesisyunan na pumunta ulit sa ilalim nang mangga.
Habang tinatanggal ko ang dumi na kumapit sa aking kamay ay napansin ko ang suot ko na singsing. Napaka ganda, kulay silver at meron naka-engraved na “Rahj and James”.
“James?”
“James? James? James?” ulit ko pa
Parang ang sarap pakinggan. Hanggang sa narinig ko ang pintig nang puso na ang sarap pakinggan. “Mula ba yun sa kanya?” ang na isa katanungan ko na lang sa sarili ko.
Agad namang may pumatak na luha sa kanang mata ko sa di malamang dahilan. Pinunasan ko ito gamit ang aking middle finger.
At humiga na lang ako hanggang sa nakatulog.
====================
“James, gising ka na. Andito na Mommy and Daddy mo” ang pagising sakin ni Mama.
Para akong ewan lang na pupungas pungas na bumangon mula sa pagkakahiga.
“Ano po ang nangyari Mama?” ang naitanong ko, hindi ko alintana ang presensya nila Mommy at Daddy.
“Nahimatay ka anak habang umiiyak ka kaya inihiga ka muna namin jan sa sofa.”ang papaliwanag ni Mama sakin
“Pasensya na po kayo, naabala ko po kayo” ang papaumanhin ko.
“Ehem!, James anak, andito na kami ng Daddy mo.” Ang pagsingit naman ni Mommy.
“Opo alam ko”
“Sige po Mama, Papa and Kuya Drew. Aalis na po muna kami, bukas ay babalik din ako dito, ako naman po ang magbabantay kay Rahj.” Ang papaalam ko sa kanila.
“Sige hijo. Babalitaan ka naman namin pag gumising na si Rahj”
“Sige po Mr. And Mrs Rivera. Salamat po.” Ang sabi naman ni Mama.
“Sige Mrs. Manalo, una na po kami sa inyo.” Ang pagpapaalm naman ni Mama.
Habang nasa kotse ay hindi kami nag-iimikanng tatlo. Alam ko may nalaman na itong mga ito sakin. Panahon na nga siguro para sabihin ko sa kanila ang saluobin ko. Ang nasabi ko na lang sa sarili ko.
Nang dumating kami sa bahay, alam ko na ang mangyayari, naisip ko na kung ano ang posibleng mangyari. At tama nga ang aking hinala.
“Umupo ka muna dito James”
“May kelangan tayong pag usapan at linawin sa mga bagay bagay” ang may awtoridad na utos sa kin ni Daddy.
Kaya naman wala akong nagawa kundi sundin na lang ang utos nya. Lagi naman eh!
“Una sa lahat, Justin James Castillo, I’m very disappointed sa mga pinaggagagaawa mo sa buhay mo”
Bumuntong hininga muna si Daddy at nagpatuloy.
“Nakakahiya! Nakakahiya ka!”
“Pano mo nagawang makipagrelasyon sa isang lalaki?!”
“Ano na lang ang sasabihin nang mga kamag anak natin? Nang mga kakilala natin? Nang mga business partners ko? Na ang anak ko ay isang...” ang naputol na pagsasalita ni Daddy dahil sumabat na ako. Di ko kayang isumbat nya sakin ang mga salitang iyon kaya ako na mismo ang magsasabi.
“Na ang anak mo ay isang bakla?!” ang pasigaw kong sabi.
“Na ang anak mo nagkagusto sa isang lalaki?! Na ang anak mo na halos ipagmalaki mo na sa mga kaibigan mo na kesyo babaero, madaming inuuwing mga babae sa kwarto, na gwapo na matalaino na lahat na nang pwedeng ipagyabang ay isa palang bakla at magkakagusto sa isang lalaki na 2 years younger sa akin?”
“Bakit Daddy? Kelan pa ba kayo naging concern sakin?!”
“Kelan!”
“Lagi ba kayong nandyan nang mgay mga problema ako sa buhay na tanging ikaw lang ang pwedeng maglinaw nuon sakin, pero asan ka huh? Nasa ibang bansa, nakikipag usap sa mga ibang lahi para sa negosyo natin”
“Ako ba? Inisip nyo man lang ba ang kaligayahan ko? Hindi!”
“Kay Rahj ko nakita ang pagmamahal na hindi ko naranasan sa inyo, na kahit kailan ay hindi nyo ipinaramdam sakin. Oo nga’t binibigyan nyo ako nang mga material na bagay para sa kaligayahan ko pero pangsamantala lang yun!”
“Mahal ko si Rahj Daddy! Mahal ko! Ma..!” ang panunumbat ko sa kanya at biglang naputol dahil sinapak na ako ni Daddy sa panga ko.
“My god James, naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Naririnig mo ba?!”
“Hanggang ngayon ba hindi mo parin naiintindihan na ang lahat nang ito ay para sayo?!”
“Hindi ko lubos na maisip na isusumbat mo sakin yan.”
“Of all person I know, ikaw pa, at anak ko pa ang magsasabi nyan sakin?”
“naiintindihan mo ba iyon? Mahal ka namin nang Mommy mo” ang umiiyak na sabi ni Daddy.
“kung mahal nyo na ako tatanggapin nyo ako! Nag mahal lang ako Dad! Masama ba yon?” ang sagot ko habang umiiyak. Kala ko ubos na ang mga luhang ito pero sagana pa rin pala.
“Hindi ko matatanggap iyan James. Kahit kailan hindi ko matatanggap na may anak akong alanganin.”
“never!” ang sigaw ni Daddy sakin.
Napaupo na lang ako sa mga sinabi nya habang sya umupo na lang sa sofa.
“Bakit Dad? Bakit hindi nyo ako pagbigyan sa kagustuhan ko?”
“Mahirap ba hingin iyon?”
“ayaw ko man sabihin ito pero, Daddy, nuong panahon ba na hiniling ko na sa Mapua ako mag-aral, pumayag ba kayo? Nuong niyayaya ako nang mga kabarkada ko at classmates nuong high school pa ako, pinayagan nyo ba ako? Diba hindi? Bakit? Dahil natatakot kayo na may mangyari sakin.”
“Dad, malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko. May pera na rin akong ginagamit na pansarili na kahit di ako humingi sa inyo ay kayang kong mabuhay.”
“lagi na lang kayong hindi pumapayag sa mga kagustuhan ko kaya naman ang lagi ko na lang dahilan ay may sakit ako.”
“sana alam nyo ni Mommy na nilalayo nyo ako sa realidad na masarap ang mabuhay. Hanggang sa lahat na lang sakin ay isang laro. Laro na pag natalo ka game over na.”
“pero nang dumating si Rahj sa buhay ko, nagbago ang pagtingin kong iyon sa mundo. Nabago nya na masarap pala talaga ang mabuhay na walang problema sa buhay”
“Dad, wala kayong karapatang magalit sakin dahil una sa lahat hindi ko kasalanan na mahalin ko si Rahj.”
“Dad, it comes naturally. Things come naturally with a reason. Si Rahj dumating sa buhay ko na ang misyon ay baguhin ako at ibalik ang dating ako. At nagtagumpay sya Dad.”
Ang humihikbi kong pagpapaliwanag kay Daddy. Nakita ko naman si Mommy na nasa kitchen at may dalang tubig para sakin.
“James anak, pumasok ka na muna sa kwarto mo. Ako na lang bahala dito” pati na rin si Mommy ay umiiyak na rin habang hinahagod ang aking dibdib.
“Hindi Mommy, madami pa akong guston ipaliwanag sa inyo” ang sagot ko naman.
“Ikaw din Mommy, kinokonsenti mo pa si Daddy kapag nagpapaalam ako na may gusto akong gawin, bilhin at mahalin”
“Pati ikaw hindi open minded sa mga bagay bagay. Kahit kailan hindi mo ako kinampihan!”
“Noong mga panahon na mag-eenroll na ko sa Mapua para kumuha nang Civil engineering ay hindi ako pianyagan ni Daddy. Gusto nya sa PUP ako mag aaral at kukuha ng Accountancy pero ano ginawa mo? Hindi mo man lang ako pinaglaban.”
“at ngayon Mommy, kakampihan mo nanaman si Daddy na paglayuin kami ni Rahj?!” ang pasigaw ko nang sagot.
“Pwes, hindi ako papayag! Hindi ko na hahayaan na matangay lang ihip nang hangin nang ganun lang kadali ang aking buhay.”
“Kung hindi nyo matatanggap ang aming relasyon. Mas mabuti pang bumukod na lang ako. Hinding hindi na ako magpapakita pa sa inyo. Kahit kailan. Bubuo ako nang sarili kong pangalan at balang araw, kikilalanin nyo rin ako.” Ang pagbabanta ko sa kanila.
“Are you threatening us James!” ang biglaang tayo ni Daddy at nagtanong.
“If that’s what you understand then Yes Dad. I’m threatening you. Dahil hinding hindi na ako makakapayag na manipulahin mo pa ang aking buhay. Its time na ako naman ang bahala sa buhay ko. And it will start now.” Ang wala kong kagatul gatol na sabi. Tumayo na ako at pumanhik patungong kwarto ko. Nag impake ako nang mga damit ko. Sinilid ko sa maleta ang aking mga damit, personal na gamit at pictures ko kasama si Rahj sa ibang picture.
Nang makababa na ako mula sa aking kwarto ay dire-diretso akong naglakad patungon pintuan. Nang bubuksan ko na ito ay nagsalit si Daddy.
“Pag lumabas ka nang bahay na tio. Wag ka nang babalik pa. Kakalimutan ko na nagkaroon ako nang anak na katulad mo. At tandaan mo. Wala kang makukuhang mana mula sakin” ang may awtoridad na sabi ni Daddy sakin.
Hindi ko sya nilingon man lang pati na rin si Mommy. Sa unang hakbang ko palabas nang bahay ay nagbabaka-sakali ako na pipigilan ako ni Mommy pero bigo lang ako sa pag-asang iyon. Sa pangalawang hakbang nasabi ko sa isipan ko na Daddy, please! Pigilan mo ako! Pero gaya ni Mommy ay hindi ako pinigilan. At tuluyan na akong lumabas nang bahay. Bago ko pa man tuluyang isara ang pinto ay nasilip ko pa sila na umiiyak habang ang pinto ay pasarado na. Pagsara nito ay sinabi ko sa sarili ko na This is it! The start of my new life, my new journey in life.
Kaya naman sumakay na ako sa kotse ko. Binaybay ko ang kahabaan nang Edsa papunta sa nabili kong Condo unit. Hindi ito alam nila Daddy na meron akong ganito. Studio type lang tio na kasya sa dalawang tao at my terrace at kaisa-isahan lang na may terrace at lanai na kasama kaya naman binili ko ito. Nabili ko ito sa aking kaibigan nuong kaklase kaya naman hindi ganuon kalakihan nag presyo.
Dumiretso ako sa terrace at saka umupo. Nagmuni muni muna ako sa kung pano ko sisimulan ang aking buhay bilang isang independent person. Nasa ganuon akong pagiisip na maalala ko si Rahj. Tumulo na naman ang aking luha. Sa di ko malamang dahilan ay napatayo ako humarap sa terrace. Sumampa sa mga grills at
“RRRAAAAHHHHJJJJ!”
“MMMAAHHHHAAALLLL NNNAAA MMMMAAHHHAALLLL KKKIIIITTAAA!” ang sigawa ko naman, di alintana ang mga taong maaraing tulog na malapit sa unit ko.
Pagkatpos nun ay tinext ko muna si Mama at Papa pati narin si Kuya Drew na kung kamusta si Rahj. Pero di naman sila nagreply. Kaya pinadalhan ko sila nang isang inspirational message na naka store sa phone ko. Pagkatapos nuon ay tumulog na ako.
Mabilisan naman akong nakatulog dala na rin sa pagod. Tiningnan ko naman ang phone ko at hindi ako binigo nito. May mga messages na galing Kila Mama, Papa at Kuya Drew. Nang binabasa ko na ito ay unit-unti na ulit tumulo ang aking mga luha.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment