Thursday, February 9, 2012

Ako'y Sa'yo at Ika'y Akin chapter 12

Thank you po sa mga bumabasa nang aking likhang story. Feeling ko delayed ako ng isang araw ata sa pagpopost, kasi po natulog lang ako kahapon(SUNDAY) maghapon.

Don’t forget to to add me on FACEBOOK.

Thanks.

Enjoy!

====================
RAHJ’S POV

Dalawang araw na rin ang nakakalipas ng magsimulang kumuha ng part time job si James sa kanyang kaibigan. Buti at meron syang kaibigan na makakatulong sa kanya. Nakokonsensya ako sa mga sinabi niyang baka daw pabigat lang sya sa gastusin kaya naman maghahanap sya ng trabaho. Pero kagustuhan nya iyon kaya naman wala akong magagawa.

Dalawang araw pa at magsisimula na ulit ang aking chemotheray session kaya umaga hanggang hapon, its either naka higa, nakasandal sa headboard ng kama, natutulog, nanunuod or kumakain lang ang aking mga ginagawa. Hindi naman ako pwedeng gumamit ng laptop dahil ipinagbabawal sakin sa kadahilanang baka ako mahilo. Hanggang sa may isang bisita akong dumating galing pa ng Pilipinas, hindi ko naman akalain na malalaman niya ang aking sitwasyon dahil sa aking pagkakatanda ay wala akong nasabihan sa mga kamag-anak or kaibigan kong naiwan sa Pinas.

“Anak, may bisita ka. Siguradong matutuwa ka kung sino ang dumating” ang nakangiting wika ni Mama sakin.

“Sino po?” ang tanong ko kay Mama.

“Rahj!” ang sabi ng isang babae na biglang lumabas sa pintuan kasama ang kanyang ate na dito sa America nakatira.

“Yvone?!” ang gulat kong sabi nang makita ko sya.

“Oh, bakit parang nakakita ka ata ng multo dyan?” ang nakangiting wika ni Yvone kasama ang pagtaas ng kanyang kaliwang kilay.

“Wa-wala”

“Panong..” magtatanong sana ako sa kanya pero pinutol agad nya.

“Nakita ka daw netong si Ate Ysa na kasama si Kuya Drew at isang lalake kaya naman ng sinabi nya sakin ay pinuntahan ko agad ang inyong bahay at napag-alaman ko na wala na kayo dun.” Ang pagpapaliwanag nya sakin.

“Ah.. Rahj, ako nagsabi kay Mama nya na andito ka sa America at nagpapagamot kaya nya siguro nalaman kung asan tayo.” Ang nakangiting wika ni Mama. Sa sinabi nya ay medyo naasar ako. Hindi naman kasi ugali ni Mama na sabihin kung kanino ang mga ganitong kamaselan na bagay. Pero wala rin akong magagawa dahil family friend namin sila.

“Rahj, namiss kita!” ang sabi ni Yvone sakin sabay yakap sakin.

Lingid sa kaalaman nila Mama at Papa ay naging syota ko si Yvone sa loob ng pitong buwan noong 3rd year high school kami. Tanging si Kuya Drew lang ang may alam na naging syota ko sya dahil malaking issue iyon sami pag nalaman na syota ko na si Yvone. Bakit? Siguradong uulanin kami ng mga tanong ng mga Tito at Tita ko pag nalaman. Labis kong minahal si Yvone, halos lahat ata ibinigay ko na sa kanya. Tanging katawan ko lang ang hindi ko ata naibigay sa kanya. Lubusan ko syang minahal hanggang sa isang araw ay nakipagbreak sya sakin. Pilit syang nakipaghiwalay. Hindi ko naman malaman ang dahilan. Noong araw na makipagbreak sya sakin ay halos gumawa na ako ng eskandalo sa aming eskwelahan dahil para akong tangang nagmamakawa sa kanya sa may shed na nakatayo sa tabi ng main building ng school na pinapalibutan ng mga pine trees. Madaming mga estudyante ang nakasaksi sa aking pagmamakaawa sa kanya. Pero binaliwala nya lang iyon. Pakiramdam ko pinagkait sakin ng tadhana ang aking buhay. Hanggang sa nalaman ko ang dahilan, kung bakit sya nakipaghiwalay. Ang aking matalik na kaibigan at kasamahan ko pa sa swimming team ng school, si Miggy. Nang malaman ko ang balita 3 days after namin maghiwalay ay sila na daw ni Miggy, walang anu-ano ay sinugod ko ang lalaking mang-aagaw nayon. Nagsapakan kaming dalawa sa tambayan nila ng mga kaibigan niya sa likod ng secondary main building ng school. Gustong kong pumatay. Iyon lang ang aking pakiramdam. Matapos ang insidenteng iyon ay hindi ko na sila kinakausap dalawa. Pinatawan ako ng 2 weeks suspension. Dahil nga sa family friend namin ang pamilya nila Yvone ay lagi syang nakakapunta at nakakapasok ng bahay namin. Lagi syang nagmamakaawa na patawarin ko na sya. Hanggang sa pinatawad ko na nga sya pero hindi na maibabalik ang dati. Wala na. Wala na syang puwang sa puso ko. Pero si Miggy. Kahit kelan, di ko sya magagawang patawarin.

“Ano ba Yvone, masakit na pagkakayakap mo sakin.” Ang iritang sabi ko sa kanya.

“Pasensya na.” Ang sagot naman nya

“Heto pala, may dala kaming mga prutas at ang iyong paboritong Strawberry yogurt.” Ang nakangiting sabi ni Yvone.

“Salamat, pakilagay na lang dyan sa side table.” Ang nakangiting sabi ko naman sa kanya.

“Ahm, Tita, kamusta na po ang sitwasyon ni Rahj?” ang tanong ni Yvone kay Mama.

“According to his doctor, ay maganda naman ang respond ng katawan nya. 40% of the cancer cells ay wala na. For the meantime, ay humingi muna si Rahj ng pahinga ng 3-4 araw dahil hindi nya kakayanin. Buti andito si James para samahan kami.” Ang nakangiting wika ni Mama. Sa pagkakasabi nang pangalang James ay napatingin sakin si Yvone.

“Yes, you heard it right Yvone, James is here also.” Ang nang-aasar kong sabi sa kanya.

Sa pagkakasabi ko sa kanya ay nagiba ang mood nya. Yung tipong asar pero tinatago.

“That cheap James?!”

“My goodness Rahj, hindi ko alam kung ano ang pinakain nang lalaking iyon para mahalin mo sya nang husto!”

“Madami namang babaeng nagkalat dyan, baka andyang lang pala sa tabi mo” ang iritang sabi nya. Sa mga sinabi nya na walang kagatul-gatol at hindi man lang nahiya kahit andun sila Mama, Papa at Kuya Drew ay sobra akong nairita.

“Yun na nga ang point ko Yvone eh”

“Madaming nagkalat dyan, ibig sabihin mga basura na sila dahil nakakalat”

“At kahit nasa tabi ko na pala iyong babaeng tinutukoy mo, still, she’s gross, after all nakakadala nang balikan ang mga ganung klase ng babae na linoko ka na dati” ang nakangiting aso ko sa kanya. Siya ang tinutukoy ko sa mga sinabi ko. Nakita ko naman na medyo nagulat sya sa sinabi ko pati na rin sila Ma, Pa Kuya Drew at ate Ysa.

“How dare you!” ang sabi ni Yvone at akmang sasampalin nya sana ako ay biglang nagsalita si ate Ysa.

“Stop it Yvone, nakakahiya kila Tito’t Tita.” Ang may awtoridad na sabi ni ate Ysa.

Natigilan naman si Yvone sa gagawin nya. Kaya naman tumayo na sya, bago pa man sya makalabas ng pinto ay nagsalita sya.

“Hindi pa tayo tapos Rahj, papatunayan ko na mali ang pangpili mo sa isang lalaking katulad ni James”

“Let’s go Ate!” ang sabi ni Yvone, hindi man lang ata nahiya si Yvone sa mga inasta niya. Nakakahiya talaga sya.

“Pasensya na po kayo Tito-Tita kay Yvone, may jet lag pa po siguro sya kaya ganun kung umasta” ang pagpapaumanhin ni ate Ysa.

“Sige po, alis na po kami” ang sabi pa nya.

Umalis na silang dalawa, pagkaalis na pagkaalis nila ay lumapit si Mama sakin at nagtanong.

“Anak, bakit ba ganun nalang iyon kung umasta?” ang tanong sakin ni Mama.

“Ma, wag mo na lang yon pansinin. Nagpapapansin lang siguro” ang nakangiting wika ko parin.

“Rahj, maybe its time to tell them the truth” ang pagsabat ni Kuya Drew. Nagulat ako sa sinabi nya. Madaldal din pala tong kapatid ko.

Tumingin sakin si Mama pati narin  si Papa. Hindi na ako naka-imik. Tumingin naman ako kay Kuya Drew at nakita kong nakangiti sya. Kaya naman ikinuwento ko nga kilala Mama at Papa ang buong pangyayari. Hanggang sa...

“Tama lang ang mga ginawa mo Rahj”

“Hindi ko ata makakaya na makita syang mina-maniubra ang iyong  buhay”

“Hindi sya ang klase nang babaeng tatagalan ng mga lalake” ang sabi ni Papa sakin.

“Salama po sa pagiintidi Pa” ang nakangiting wika ko.

“Mas boto ako kay James, kahit na parehas kayong lalake ay kita naman namin sa kanya na sincere sya sa pag-aalaga sayo. Kaya wag mo syang pakakawalan at sasaktan.” Ang pagsingit naman ni Mama.

“salamat po talaga sa inyong pagiintindi sakin.” Ang pagpapasalamat ko sa kanila.

“Basta magpagaling ka dahil may sorpresa kami sayo. At ito’y ayos na noong makarating tayo dito sa New York, panahon na lang ang bibilangin bago mangyari iyon.” Ang sabi naman ni Papa.

“Talaga?!” ang gulat ko naman tanong.

“Oo, basta magpagaling ka.” Sabi naman ni Papa sakin.

Dahil sa mga sinabi nila ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na magpagaling talaga. Bigla kong naalala si James. Ano kayang ginagawa nun ngayon? Ang naitanong ko na lang sa aking sarili.

====================

JAMES’ POV

Nahihiwagaan na ako dito sa lalaking ito. Naalala ko sa kanya i Rahj kung pano sya tumingin at ngumiti. Kung pano magsalita at kung pano tumawa. Bigla kong naalala si Rahj. Kamusta na ka sya? Ano kaya ginagawa nya ngayon? Ang naitanong ko na lang sa sarili ko. Bukod pa dito. Nahihiwagaan ako sa pangalan ya. Pamilyar talaga ang pangalan nya eh. Napakinggan ko dati.

Wait, parang kilala ko nga yung pangalan na ito. Miguel. Miguel. Miguel. Miguel Carlo dela Torre.

Sandali. Hindi kaya sya si...

+++++++++++++++++++++++

Its been two days since umuwi ako nang hospital para kamustahin si Rahj at mayakap man lang. Buti at sa bahay muna ako ni Joriz pinapapatira. Naikwento ko na rin sa kanya ang tungkol samin ni Rahj at ang dahilan kung bakit ako nandito sa New York. Noong una ay hindi sya naniniwala dahil hindi naman halata sa pisikal kong ka-anyoan na magmamahal ako ng lalaki.

Nagkaroon din naman ako ng isang long term relationship “DATI” sa classmate kong babae na sabay na kaming lumaki. Mula Kinder hanggang 4th year high school ay parehas school namin. Mula sa isang catholic elementary school to a Science high school magkaklase kami at magkalaban din sa ranking. Hindi ko din naman alam na hahantong kami sa pagiging magka-ibigan/couple/syota or whatever we call that kind of relationship. Naghiwalay kami dahil kelangan nyang dito sa America ipagpatuloy ang pag-aaral nya dahil na rin sa location ng work nang Papa nya. Noong una ay naging mahirap para sakin na tanggapin pero kalaunan ay nabura na rin sya sakin isip. Pero sa puso, may konting space pa sya pero hindi na iyon magbabago. Kung baga sa  isang pie chart, 1% na lang ang space nya. Ni hindi ko alam na baka nakasalubong ko na pala siya dito sa New York habang naglalakad kami ni Joriz papuntang resto nya since 3 blocks away lang naman iyon mula sa tinitirhan nya.

Dumating kami ni Joriz mag 8am na at naabutan namin si Migs na naglilinis nang mga chairs and tables sa labas ng resto kaya naman tinulungan ko na sya.

“Good Morning!” ang magiliw kong  bati sa kanya.

“Uy, James, Good Morning din!”

“Good Morning din po Miss Joriz” ang bati nya samin.

“Ano kaba, diba sabi ko Joriz lang pag di pa nagsisimula ang work natin. Saka 10am pa tayo magbubukas, bakit parang ang aga mo ata?” ang tanong naman ni Joriz.

“Wala kasing magawa sa bahay Jo...Joriz” ang nahihiyang sabi ni Migs samin.

Sa nakita ko sa kanyang mga mata ay naalala ko ulit si Rahj. Ano bang meron dito sa taong ito at parang parehas sila ng mata ni Rahj, pati ilong at labi pati narin pananalita halos parehas. Mas matangkad nga lang ng konti tong Miggy. Nagkataon lang ba ‘to? Ay naku, paranoid na naman ako.

“Ah, James. May dumi ba ako sa mukha?” ang tanong sakin ni Migs

“Huh? Wala! May naalala lang ako sayo”

“Sige, tulungan ko na ikaw maglinis. Nahiya naman ako sa kasipagan mo” ang pagiiba ko nang topic.

Iniwan na nga kami ni Joriz sa labas ng resto. Habang naglilinis kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya at suriin ang kanyang mukha. Talagang hindi pa rin mapawi sa isip ko ang kanyang mukha na ikinukumpara ko sa mukha ni Rahj. Sh*t, paranoid nanaman ako.  Ang tanging naisambit ko sa kanya.

Hanggang sa malapit na kaming matapos. Isang table na lang at apat na chairs na lang ang lilinisan nya ay  nagtanong sakin si Migs.

“James, kanina ko pa kasi napapansin na nakatingin ka sakin. May dumi ba talaga ako sa mukha?” ang conscious na tanog nya sakin.

Nahiya naman ako sa inasta ko. Pa-obvious kasi kung manuri nang tao eh.

“Huh! Wala naman”

“Meron ka kasing kamukha, yung...” ang putol kong sabi sa kanya

“Yung boyfriend mo? Narinig ko kasi na pinaguusapan niya sya kahapon sa may kitchen kaya naman nakinig ako. Sorry talaga” ang pag-amin nya sa ginawa nya

“Ano? Nakikinig ka?!” ang biglang tanong ko sa kanya.

“Hindi ko naman kasi intensyon na makinig pero ng sabihin mo ang dahilan mo bakit andito ka sa New york kay Joriz ay nagkainterst ako na pankinggan. Sorry talaga” ang pagpapaumanhin nya sakin.

“ano pa nga ba magagawa ko, eh napakinggan mo na. Pero please wag mo ipagsasabi. Please!” ang pagmamakaawa ko sa kanya.

“Hindi naman ako madaldal eh” ang sabi ni Migs sakin.

“Salamat” ang nakangiting wika ko sa kanya.

Tinapos na nga namin ang aming nililinisan at pumasok sa loob ng resto at tumungo sa locker room para magbihis. Walang ka-abug-abog na naghubad sa harap ko si Migs nang kanyang pang itaas  kaya namannapatigil ako at tumalikod sa kanya. Lalabas sana ako ng pinto kaya lang nagsalita agad sya.

“Pasan ka? Bakit biglang lalabas ka, eh di ka pa nakakapagpalit ng uniform mo. Baka ka pagalitan ni Joriz” ang manhid na sabi ni Migs.

“Nahiya naman ako sayo, bigla ka kasing naghuhubad nang walang paalam eh.” Ang sagot ko naman.

“Yun lang ba. Sorry naman.” Ang nakangising wika ni Migs. Para talagang t*ng* to. Liberated na ata masyado.

Nagpalit na rin ako nang uniform at sabay na kaming lumabas ng locker room. Konti pa lang naman ang mga tao sa resto kaya naman di pa kami aligaga sa pagiintindi. Dumating ang 2pm at dumami na ang mga tao. Kanya kanya na kami ng mga tables na iniintindi.

For two days of my stay sa resto ni Joriz. Si Migs at matiyagang nagtuturo sakin nang mga basics ng tamang handling ng lagayan ng pagkain, pagseserve ng tubig at wines at kung anu-ano pa. Mabilis ko naman itong natutunan kaya hindi na ako nangangapa sa pagta-trabaho.

Habang nagseserve ako ng wine sa isang customer ay aksidenteng nasagi ng kano ang kanya tubig dahilan para magkatubig ang tapat ng table nila. Sa katapat namang table ay nadun si Migs na nagse-serve ng Sweet and Sour Salmon with steamed broccoli. Paparating na sya at dala-dala niya ang inorder ng customer na Amerikana at hindi nya napnsin ang tubig na natapon dahil sa Amerikano kong customer.

*Blag!*

“Oh my GOD! I’m very very sorry!” ang sabi ng Amerikano na pinagse-serve-an ko nang wine.

Nadulas si Migs nang maapakan niya ang tubig na natapon dahilan para mapasungaba sya sakin. Pumailalim ako sa kanya. Ramdam ko masakit ang kanang balikat ko dahil dun napatama ang ulo ni Migs. Kita ko naman na nakakapit ang kanang kamay ni Migs sa kanyang ulo. Parehas kaming tumayo pero hirap kaming tumayo kaya tinulungan kami ng aming guest. Nakakahiya ang nangyari. Today is my 3rd day sa trabaho pero nagkaron agad ako nang pagkakamali.

Dumating si Joriz kasama ang dalawang waiter para tumulong samin. Hindi kami parehas makalakd nang ayos kaya inalalayan kami papuntang locker room para lapatan ng paunang lunas.

“Ano bang nangyrai?” ang nag-aalalang tanong ni Joriz samin.

“Kasi, nasagi ng Kanong pinagseserve-an ko nang wine ang tubig nya sa baso kaya natapon. Kukuha na sana ako ng floor map kaya lang paparating na si Migs kaya ayon, nadulas at natumba sakin.” Ang papaliwanag ko kay Joriz.

“Sa sunod kasi tingnan mo ang dinadaanan mo Miguel. At ikaw naman ay dapat alerto ka sa mga kasamahan mo at sa guests natin dahil baka may maaksidente” ang may awtoridad na pagpapaliwanag ni Joriz samin.

“Sorry” ang magkasabay namin na sabi ni Migs.

Lumabas na nga sila Joriz at ang dalawang kasamahan namin. Naiwan kaming dalawa sa locker room ni Migs.

“salamat at nandun ka. Kundi, mas masama ang tama ko ngayon” ang pagpapasalamat ni Migs.

Di ko naman makuha ang point nya bakit saya nagpapasalamat. Ako kaya tong nasaktan ng husto tapos nagpasalamat. Inconsiderate naman nya.

“Wala iyon, kasalanan ko naman, kung sinabihann kita na may tubig na natapon eh di sana di tayo naaksidente.” Ang pagpapaumanhin ko.

“Wala yon. Basta ingat na lang tayo” ang nakangiting wika niya.

Nagpalipas pa kami nang 30 minutes bago bumalik sa trabaho. Pagkalabas namin ay naabutan namin ang kanong may dahilan para maaksidente kami. Humingi sya nang sorry samin. Syempre, bilang waiter ng resto ni Joriz, inunawa na lang namin. Saka mabait naman ang kano. Binigyan pa kami ng 5 dollars na tip. Nagstart na ulit kaming magrabaho at sumapit ang 8pm ay natapos na ang aming trabaho.

“Joriz, di muna ako sasabay. Uuwi ako ngayon ng hospital. Sosorpresahin ko muna si Rahj. Namimiss ko narin kasi” ang pagpapaalam ko sa kanya.

“Sige, salamat sa iyo”

“Oh, eto, bigay mo sa kanya. Sabihin mo thank you gift kasi di ka nya pinabayaan. Pakisabi din na pag sinaktan ka, sasabunutan ko sya ng bongga.” Ang tatawang sabi ni Joriz.

“Salamat sa mga prutas. Kaw talaga, di ka parin nagbabago. Kaya nagkakasundo tayo eh. Parehas nating love ang away” ang nakangiting wika ko.

I remembered nung 4th year high school kami. Meron kaming classmate na mayabang. Gwapo sana kaya lang ubod nang yabang, di pa magaling sa klase. Lagi syang nang-aasar lalo na pag kasama nya ang classmates pa namin mga lalake. 23 lang kami sa isang room. 5 boys, 18 girls. Kaya naman pagnagsama yung classmate kong mga mayayabang ay sobra kung makapagyabang. One time, sa sobrang galit ko na dahil pati girlfriend ko ay pinagtripan nila ay di na ko nakapgpigil. Nakipagsapakan ako dun sa mayabang kong classmate. Medyo natatalo na ako kaya naman to the rescue sila Joriz at yung girl friend ko. nakipagsabunutan silang dalawa habang ako ay tinatayo ng tatlo kong friend na babae. May magaan ang loob ko sa mga babae kaya mabilis akong makahanp ng kaibigan na babae kesa sa lalake. Feeling ko kasi anytime anywhere, pagkasama ko sila ay magkakaron nang sapakan na twice ko nang naranasan. Magaling din naman akong makipagsapakan kaya lang ayoko na dahil twice na rin akong napatawag sa guidance office. Kaya very thankful ako na may friend ako nakatulad ni Joriz.

Bumili akong nang strawberry yogurt na parehas namin paborito ni Rah. Pati sila Papa, Mama at Kuya Drew ay binilhan ko na rin. Bumili rin ako nang tangerine fruit at tikoy na paboritong paborito ni Rahj. Naikwento sakin ni Kuya Drew, napag chinese New Year ay pumunta pa sya nang binondo para makabili lang ng tangerine fruits at tikoy.

Habang naglalakad ako sa lobby ng hospital ay nakasalubong ko si Yvone. What the? Ano ginagawa nya dito?! Ang naitanong ko sa aking sarili. Hindi kami nagpansinan ng magkasalubong kami. Bagkus, ang kasama nya lang na babae ang nakatingin sakin. Patay malisya akong dumiretso lang sa room ni Rahj. Nasa tapat na ako nang room nya nang makita kong may tao na kausap si Rahj. Nakawheeled chair sya at nakikipag usap kay Rahj. Parang masaya naman nakikipag usap siya kaya tiningnan ko kung sino ang taong iyo.

“Si Ceejay!” ang nasabi ko na lang sa sarili ko nang makilala ko ang likod nya.



Itutuloy...

Author’s Note: ano kaya ang gagawin ni Yvone para paghiwalayin sila Rahj at James? Ano pa ang mga magyayari kila James at Migs habang sila ay magkasamang nagtratrabaho sa resto ni Joriz? Bakit Kausap ni Ceejay si Rahj? At bakit parang masaya silang nag-uusap? ABANGAN

Nakakaiyak naman itong pinasok ko. Pano ko pa sya gagawan ng twists na mas maganda! ANO BA TONG PINASOK KO!

Oo nga pala. Kanina(Monday 11am), nasa SM Sta. Mesa ako, napagtripan kong kumain sa foodcourt. Ang masama pa nito, quotang quota na ang mga mata ko sa mga nakikita kong magjowa pero a bi-couple(I guess) ang nakapukaw nang attention ko. PDA po sila. Nainggit naman ako sa kanilang “CLOSENESS” nakakaasar huh. Magisa na lang akong kumakain ng late breakfast ko at early lunch ko ay maiinggit pa ako. Andyan yung magpipicturan sila. AKO NA ANG BITTER! WOOOOH

Tapos, ngayon lang(Monday, 9pm) nag foodtrip kami ni Kuya sa Chowking sa Pureza. Ang inorder ko Chao Fan Pork and Tofu, while waiting for my order. May dumating n lalake(haha) ganda ng ilong! Naka jersey sya and checkered shorts. Ang ganda ng braso, sexy! ***Paunawa, wala pong lust ang aking description huh***
Syempere tingin lang ako ng tingin, ganun din naman sya(*blush*). Medyo chinito nga pala ang kanyang mata. Taga college of engineering ata yun. Haha. After nya makaorder(for dine-in), dun sya umupo sa tapat ng table ko. and take note, sa harap pa mismo nang table ko. eh ang daming bakanteng table(*bigyan daw ba ng meaning?*). Magkaharapan ang peg namin dalawa. Sadly, dumating naman agad yung inorder ko na for take out. Nakakapag sisi lang na sana for dine in na lang sana ako. Also, nakakalungkot na ngayon ko lang narealize na sana tiningnan ko pala yung apelyido nya na naka print sa likod nang jersey nya. Tang@ lang. 

No comments:

Post a Comment