Thursday, February 9, 2012

Ako'y Sa'yo at Ika'y Akin chapter 10

Maraming salamat po sa lahat nang patuoy parin na nagbabasa ng Ako’y Sa’yo at Ika’y Akin. Sana po ay magustuhan nyo ang next chapter.

Tulad nga po ng sinabi ko, after ng exam namin kahapon(Wednesday) ay gumawa na ako ng kasunod pagka uwi ko sa bahay ko.

For this chapter. Ito na ang hinihintay nyong mga kasagutan sa tanong nyo.

Don’t forget to add me on Facebook

Thankyou po sa lahat nang nagbabasa at nagco-comment. Di ko na po kayo iisa-isahin. Alam nyo na kung sino kayo.

PS: Please leave a comment after reading. Comment for improvements/papuri/nabwisit/naiyak/natawa/kinilig or kahit anong form nang comment. Natutuwa po kasi ako sa mga comment dun sa ibang chapters ko. Thanks

Enjoy!
===================

Labis namin ikinabigla ang balitang dala ng Doktor kaya naman napayakap ako kay Mama at napaiyak nanaman.

“bakit naman Mama ganun” ang umiiyak kong sabi.


“Maski kami James ay nagbigla, pero wala tayong magagawa, ganun talaga ang pinagkaloob ng Diyos, tanging pag-asa na lang natin ay ang gumana ang chemotherapy nya or else...” ang sabi ni Mama sakin.


“Ma, ayoko pong mawala si Rahj, di ko po kakayanin” ang sabi ko. Di na nakapagpigil ang aking mga luha at kumawala na nga ito sa akin mga mata. Hinagod naman ni Kuya Drew ang aking likod.

Pagkasabi samin ng doktor na kano na lumalala na ang sakit ni Rahj, from sa stage 2 ay naging stage 3 na ang leukemia nya. Magwa-one month palang nang madetect na may stage 2 leukemia sya pero ngayon, stage 3. At ang malala pa neto, konting bangga lang daw sa kanya or masagi lang ay magkakapasa na.


“Pasensya na po.”


“Hindi ko pala kelangan na magpakita kay Rahj nang ganito ako. Kelangan isang James na matapang ang humarap sa kanya. Kayo rin po, kelangan nating ipakita sa kanya na kaya natin” ang biglang pag change ng mood ko from umiiyak to ngumi-ngiting na parang aso. Naalala ko ang sabi sakin ni Rahj nuong nasa Manila pa kami na ayaw na ayaw nya akong nakikita na umiiyak kaya naman never ko na itong ipapakita sa kanya. Ayaw kong nagpapagamot sya na magy dinadala bukod sa sakit nya.

“Tama yan anak, basta suportahan natin sya” si Papa na nagka-crack na ang boses.

“Excuse me, but I guess, Rahj needs to be here everyday so we can monitor his vital signs. As we all know he has a stage 3 leukemia.” Ang pag singit naman ng kanong doktor.

“Okay doc, we’ll just wait for him to recover, anyways, when are you going to start his chemotherapy?” ang sabi naman ni Papa.

“maybe four to five days from now, we will start his therapy. May we remind you to be more patient becuase he’ll be more iritated after each session. Vomiting and dizziness are some of the effects that he will suffer. But if his body respond with the treatment, then in no time, Rahj will be okay” ang nakangitng wika ni Doc samin.

Dahil sa pinakitang mga ngiti, ngiti na siniguradong gagaling si Rahj ay medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Pinuntahan na namin ang kwarto na pinagdalhan ni Rahj. Naabutan namin si Rahj na tulog, nakapang pasyente na syang suot. Siguro nasabihan na sya ng mga doctor na kelangan nyang magstay dito hanggang gumaling.

 Lumapit ako sa kanya. Pinagmasdan ko ang kanyang buong mukha. Muli, ang aking mga luha ay bumagsak isa-isa sa kadahilanang ang Rahj na nakikita ko tuwing gigising ako sa umaga, sa tuwing nagkikita kami para lumabas at magsaya, sa tuwing katabi ko sya sa kama at pinagmamasdan ang kanyang mukha habang tulog, sa tuwing nagkakatinginan kami ay biglang kaming mapapatawa sa isa’t-isa, ay ngayon, maputla na ang mga labi, nagkakaron na ng eyebags, nanunuyot na labi, at pumapayat. Napaluha ako dahil hindi ko kayang makita syang ganyan, pero wala ako magagawa, minahal ko sya at tama lang na ipakita ko sa kanya na minahal ko sya hindi dahil sa mukha nya kundi sa kung ano sya, kung pano sya magsalita, tumingin, kumilos, maglambing, ipakitang mahal ka nya at kung anu-ano pa.

Pinunasan ko ang mga tumutulong luha mula sa aking mga mata at...


“Alam mo Rahj, oras na gumaling ka, ako na mismo ang mag-aalaga sayo, hindi na kita hahayaang ikaw lang ang gumagawa o nagpapakita na mahal mo ko. Kaya ko din iyon at uumpisahan ko ngayong araw. Basta gumaling ka lang. At tandaan mo mahal na mahal kita.” Ang pabulong kong sabi. Lingid naman sa kaalaman ko ay naririning pala ni Papa ang aking mga sinasabi kaya naman...


“Anak, alam mo, proud ako na ikaw ang minahal ni Rahj, noong una ayaw ko sa iyo noong hindi pa tayo nagkikita, pero ngayon unti-unti na binago mo ang paniniwala kong iyon dahil ipinapakita mo kung gaano ka ka-sincere at kaalaga. Kaya naman binibigay ko na sayo ang aking buong blessings sa kung ano man ang gustuhin nyo nang anak ko.”

“Kaming mga magulang ay DAPAT GUMAGABAY LANG SA INYONG MGA ANAK NAMIN SA MAGANDA AT MASAYANG DAAN DAHIL DUON KAYO MASAYA” ang sabi ni Papa sakin. Napayakap naman ako sa kanya dahil sya pa mismo ang nag-approach sakin. Gumanti naman si Papa ng yakap sakin at mas lalo ko itong hinigpitan dahil doon ko lang naranasan ang ganoong yakap na ni minsan ay hindi ko man lang naranasan kay Daddy. Muli ay naalala ko ang mga sagutan namin ni Daddy kaya naman ay nag-umpisang ulit tumulo ang aking mga luha.

Nakwento ko na rin kila Papa ang aking pagbukod dahil sa hindi nga nila ako matanggap kung ano ako.

“Anak, hanggang kelan ka ba dun sa tinitirhan mo, hindi mo ba namimiss sila Daddy at Mommy mo?” ang tanong naman ni Mama sakin.

Hindi agad ako nakasagot sa tinanong ni Mama sakin.

“Sorry” ang maikling sagot ni Mama.

“No, hindi po. Wala po kayong dapat ihingi nang tawag. To be honest po, namimiss ko na rin po sila. Pero wala po akong magagawa, kelangan ko tong pangatawanan dahil sinabi ko sa kanila na hinding hindi na ako babalik sa kanila.” Ang sagot ko naman sa tanong nya sakin.

“Sana lang James hindi pa mahuli ang lahat, I mean, mga magulng mo din iyon, katulad namin mangungulila kamo kapag nangyari samin iyon. Sana hindi ka lamunin nang galit mo at pride” ang walang kagatuol-gatol na sabi naman ni Papa sakin.

“Wag po kayong mag-alala sakin Pa, pag-iisipan ko po lahat nang paalala nyo sakin” ang sagot ko naman.

Umupo na muna ako sa katabing sofa ng higaan ni Rahj at unti unti ay nakatulog ako.

====================

RAHJ’S POV

Alam ko sa sarili ko may mali, may mga nararamdaman akong pagkahilo at minsan gusto ko masuka. Hanggang sa matapos ang aking check up at nakompirma ko nga ito sa Doktor na nagsagawa ng tests sakin.

“So doc, how’s the result?” ang nakangiti kong tanong sa kanya.

Hindi muna sya sumagot kaya naman nagsalita ulit ako.

“Ahm, doc? Are there any problem?” ang nakakunot noo kong tanong sa doctor na kano.

“Okay, to start with, your condition is getting worse. Rahj, you have to take your chemotherapy treatment as soon as possible so I’m recommending you to drink this pill to help you recover your energy. As soon as you recover, we can start the treatment. Is that okay for you” ang sagot ni Doc.

“Its fine with me doc but...” ang putol kong sabi.

“But?” ang pagulit nang Doctor.

“But, what if the treatment didn’t work on me? Are there any other treatment applicable for me? Doct, I really need your help, I don’t want to die.” Ang naluluha ko namang sabi sa kanya.

“That’s why I gave you those pills for you to recover your energy. Don’t worry Rahj, I’ve handled some patients with the same kind of your condition. Believe me!” ang nakangiting wika ni Doc sakin.

“Okay” ang malungkot ko parin sabi.

Ininom ko na nga ang pill na binigay sakin ng doctor. Medyo nakakaramdam na ako nang hilo at antok hanggang sa nakatulog na ako.

Matagal din akong nakatulog hanggang sa nakaramdam ako ng isang presensya sa aking harapan, kaya naman nagising ako, medyo minulat ko ang aking mga mata at nakita ko si James na nakatingin sa akin. Sa tingin ko, mataman nyang pinagmamasdan ang aking muka. Hanggang sa magsalita sya...

“Alam mo Rahj, oras na gumaling ka, ako na mismo ang mag-aalaga sayo, hindi na kita hahayaang ikaw lang ang gumagawa o nagpapakita na mahal mo ko. Kaya ko din iyon at uumpisahan ko ngayong araw. Basta gumaling ka lang. At tandaan mo mahal na mahal kita.” Ang sabi nya sakin na nakatingin pa rin sa mukha ko.

Gusto ko na sana gumising nang tuluyan at yakapin sya ng mahigpit pero hindi ko na lang ginawa. Gustong ko sabihin na “I LOVE YOU JAMES” pero di ko nagawa. Gusto kong maiyak sa mga sinabi nya sakin dahil kahit hindi nya iyon gawin, alam ko, mahal na mahal nya ako kayang ipaglaban at napatunayan ko na iyon. Sa puntong iyon ay may umagos na luha sa kanang mata ko, kala ko mapapansin ni James iyon pero hindi naman. Luha iyon nang pasasalamat dahil kahit America, sinuong nya para lang samahan ako sa pagpapagaling kaya naman naipangako ko sa sarili ko na, gagawin ko ang lahat para lang mapasaya ko sya sa parang alam ko. Oras na gumaling ako ay ipapakilala ko na sya sa mga kaklase ko, mga pinsan at iba pang kamag-anak, at yayayain ko na syang magpakasal dito sa America para wala na syang kawala sakin. Sa puntong iyon ay gusto kong matawa sa mga sinabi ko dahil kahit may sakit na nga ako ay nakakapag-isip pa ako nang ganoon. Siguro naging panatag ako sa mga sinabi ng Doctor sakin na gagaling ako.

Madami pa nangyari habang nakahiga ako at nagkukunyari na tulog pa. Nang makapg usap na sila ni Papa ay umupo na si James at nakatulog na. Bigla naman akong gumising at nang mapansin nila Mama na gising na ako ay sinenyasan ko ito na huwag maingay. Unti utni akong tumayo at naglakad papunta kay James. Kinuhanan ko sya nang kumot sa cabinet ng aking kwarto at ikinumot ito. Tumabi ako sa kanya sa pagkakaupo at inihilig ko ang kanyang ulo sa aking dibdib.ang kanang kamay ko naman ay nasa likod nya at parang nakayakap sa kanya. Walang hiya hiya ay ginawa ko iyon sa harap aking mga magulang. Kahit may sakit na ako ay may lakas pa ako na gawin iyon. Nag OK sign naman si  Kuya Drew sakin at ngumit naman sila Mama at Papa.

“Salamat” ang mahinan at pabulong kong sabi kila Mama, Papa at Kuya Drew

Lumingon naman ako sa ka James at...

“Salamat” ang mahinahon at mahina ko na sabi kay James.

“Salamat dahil andito ka lagi sa tabi ko, nagbabantay, nagmamahal, hayaan mong ako naman ang magbantay sayo kahit ngayon lang sa iyong pagtulog nang sa iyong paggising ay masilayan mo ang aking mukha na nakatingin parin sayo at naghihintay na magsabi na MAHAL NA MAHAL KITA” ang aking sabi kay James.

After noon ay isinandal ko ang aking ulo sa sandalan ng sofa, hindi rin naman nagtagal ay nakatulog ako dala na rin ng ininom ko na gamot galing kay Doc.

===================


JAMES’ POV

Anim na araw ang nakalipas at nagsimula na nga ang chemotherapy ni Rahj. Sinamahan namin si Rahj hanggang sa kwarto kung saan isasagawa ang kanyang treatment.

“Ma, natatakot po ako” ang sabi ni Rahj.

“Wag ka mag-alala, andito lang kami. Basta magpakatatag ka lang at gagaling ka din” ang nakangiting sabi ni Mama.

“Oo nga tol, basta andito lang kami sa likod mo at sumosupoprta sa iyo. Si Kuya Drew.

“Salamat” ang nakangiting sabi ni Rahj before pumasok.

Hindi na sana ako magsasalita nang si Papa ay biglang magsalita.

“James, wala kabang sasabihin?” si Papa.


“Ah... eh”

“Hoy, ikaw Mr. Manalo. Wag ka malikot sa treatment mo, dahil lalagyan ko ng abs yang mukha mo pag naging sutil ka.” Ang taranta kong sabi sa kanya. Sobrang nabigla ako sa nasabi ko.

“Ikaw talaga” si Rahj na ngumi-ngiti na.

“but seriously, andito ako, maghihintay lang.” Ang ngitng sabi ko sa kanya.

Pumasok na si Rahj sa kwarto. Nag umpisa na ang treatment nya. After 2 hours, lumabas na si Rahj na naka wheeled chair at tulog, dinala sya sa kwarto nya ulit ng nurse nya. Hanggang sa nagkamalay na sya at hinang hina, andyan din yung sumusuka sya na wala namang lumalabas at nahihilo din. Pero ang napapansin ko kahit ganon, nakangiti pa rin ito.

After 2 days, according sa doctor nya ay maganda ang kinalabasan ng kanyang treatment session kaya naman daw magandang senyales ito para samin.

1st week, ganun parin, sumusuka na walalang lumalabas, at nahihilo

2nd week, ganoon pa din

3rd week, medyo pumayat pa sya

4th week lalong pumayat pero hindi naman buto’t balat na. Halata lang na malaki ang pinayat.

5th week.

“Ma, parang gusto ko na sumuko, nahihirapan na po ako” ang lumuluhang sabi ni Rahj samin.

“Anak, hindi pwede ang gusto mo, kelangan mong magpakatatag, sabi nang doctor mo, 60% nang mga cancer cells at nawawala na, hindi ba magandang sign iyon?” ang sabi ni Papa.

“Pa, hindi ko na po talaga kaya” ang umiiyak na sabi ni Rahj.

“Pero anak...”ang naputol na sabi ni Papa.

“Papa, kaya mo bang makita ako na naghihirap ng sobra? Hindi ko po talaga kakayanin. Baka pwedeng magpahinga muna nang 1 week or 2 weeks. Pakiramdam ko ang gaan na nag pakiramdam ko dahil sobrang payat ko na at wala nang buhok.” Si Rahj ulit.

“Sige, tatanungin ko ang doktor mo mamaya, pero sana pag isipan mo ang desisyon mo” si Mama.

“James anak, kaw muna ang bahala jan, puntahan lang namin si Doc” si Papa noong paalis na sila.

“Sige po” sabi ko.

Lumabas na nga sila at kami na lang ang natira, katahimikan ang bumabalot sa buong kwarto kaya naman sya na mismo ang bumasag non.

“Galit ka ba sakin?” ang tanong ni Rahj.

“Bakit naman? Ano ang dahilan at magagalit ako huh?” ang suplado kong sagot.

“galit ka eh, dahil ba sa mga sinabi ko?”si Rahj ulit.

“Hindi nga eh!” sabi ko sa kanya ng pasigaw.

“Galit ka...” ang malungkot na sabi ni Rahj.

“Sabihin mo, bakit ka galit?” si Rahj.

“Seryoso ka? Gusto mo malaman?”

Huminga muna ako nang malalim at saka nagsalita.

“Alam mo ba ang kinagagalit ko? Ang sabihin mo na suko ka na!” ang sabi ko,

“Alam mo, napaka unfair mo! Unfair ka!”

“Off all words, sayo pag nagmula ang salitang SUKA NA AKO!”

“Rahj, for GOD’s sake! Ang tanga mo. Bumubitaw ka na agad eh pinangako mo na hindi ka bibitaw. Pano naman ako, sila Mama, Papa at Kuya Drew? Pano na kami? Ang mga kaibigan mo?”

“Kaya naman wag mong sasabihin na SUKO KA NA dahil masakit para samin iyon”

“Ayaw kong mawala ka!”

selfish na kung selfish pero ayaw  kong mawala ka! Dahil hindi ko kakayanin!” ang mahaba kong sabi. Sa wakas, ang mga luha na kanina pa gustong kumawala ay pumatak na.

Hindi muna sya nakasagot sa akin hanggang sa...

“Suko na ako dahil masakit na nakikita kayong tinatago ang sakit na nararamdaman nyo pag nakikita nyo ko na naghihirap”

“Hindi mo lang alam pero masakit na nakikitang naghihirap kayong itago ang inyong totoong emosyon para lang wag akong masaktan”

“Kaya wag mo saking isumbat na unfair ako dahil kahit kayo ay nagiging unfair din sakin” ang  mahinahon pero lumuluhang sabi ni James.

Napahinto naman ako sa pagiyak dahil sa mga binitiwang salit niya saakin. May point sya sa sinabi nya sakin.

Mataman kong pinagmasdan sya mula ulo hanggang paa. Malaki na talaga ang kanyang pinagbago. Pati buhok nya konti na lang. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kanyang mga kamay. Nilagay ko ito sa aking bewang at niyakap ko sya. Hindi naman sya tumutol kahit na galit sya sakin.


“Rahj, sorry, nadala lang ako ng emosyon ko.”

“Hindi ko sinasadya, sorry. Ganito lang talaga pag nagmamahal” ang sabi ko sa lumuluhang si Rahj.

“No, its not your fault, as if naman na wala din akong ginawang kasalanan. Kung noong una palang sana ay hindi ko na ito binalewala. Eh di sana masaya tayo ngayon nila Papa na kumakain ng agahan sa bahay namin. Masaya sana tayo lagi sa tuwing gigising sa umaga. Masaya sana tayong dalawa na magkasama sa habang buhay.”

Bumuntong hininga muna sya bago nagsalita.

“Pero heto tayo, nasa New York, nasa hospital, nasa isang kwartong nakakatakot, nasa isang kahon, nagpapagamot. Kung hindi nakahiga, nakaupo naman ako.” Si Rahj na umiiyak pa rin.

“James?” si Rahj

“Bakit?” sabi ko naman. Nakayakap pa rin ako sa kanya. Ang aking ulo ay nakapatong naman sas balikat nya.

“Favor naman, please..”si Rahj.

“Kinakabahan ako dyan sa please mo huh. Basta kaya kong ibigay sayo. Ano ba yun?” sabi ko sa kanya.

“Pwede mo ba akong ilabas ng hospital? Gusto ko pumunta tayo sa pwede akong makalanghap nang sariwang hangin” sabi ni Rahj sakin.

“Huh?! Baka pagalitan ako ng Doktor mo at nila Papa at Mama.” Sabi ko sa kanya.

“Pleaseeeee?” si Rahj na nagmamakaawa na.

Ang naisip kong pwedeng pagdalhan sa kanya ay sa may Manhatan Bay, since yun lang ata ang may sariwang hangin. Magpapatulong na lang ako kay Kuya Drew. At sana wag ako netong biguin.

===================

KUYA DREW’S POV

Medyo nasaktan din ako sa mga sinabi ni Rahj saamin na suko na sya. Hindi ko kayang marinig ito mula sa kanya. Never pa syang sumuko sa mga problemang napagdaanan na nya dati. Kaya naman nakakapanibago sa kanya na sabihing SUKO NA AKO, HINDI KO NA KAYA.

Kaya naman bumalik ako sa kwarto ni Rahj, batid kong galit din si James sa mga sinabi nya dahil nakita ko ang mukha nito na kumunot ang noo.

Nasa tapat na ako ng pintuan ng marinig ko ang pagsigaw ni James, papasok na sana ako pero sa mga salitang binitiwan nya ay napgdesisyunan kong makinig muna. Tama ang mga sinabi ni James, at parehas kami ng sentimyento sa mga sinabi ni Rahj samin. Kaya lalo ako netong napabilib sa mga sinabi nya.

Medyo tumahimik ang kwarto at biglang nagsalita si Rahj pero mahina lang, pero dinig ko padin ang kanyang mga sinasabi. Lingid pala sa kaalaman namin ay napapnsin nya na tinatago namin ang totoong emosyon namin kapag kaharap namin, kaya naman hindi ko alam kung pano haharap sa kanya mamaya. Binalot na naman ng katahimikan ang buong kwarto. Maya maya pa ay sinabi ni Rahj na gusto nyang makalabas ng hospital kaya naman naisipan kong magpresinta na samahan sila ni James sa kung saan man niya gusto pumunta. Ang naisip kong pwedeng puntahan ay ang Manhatan Bay. Yun lang naman ang maganda lugar na may sariwang hangin galing dagat.

Kaya naman pumasok ako ng kwarto, nagulat silang dalawa sa pagpasok ko kaya ako na mismo ang unang nagsalita.

“Tara, sasamahan ko kayo. Mamaya ko na lang ipapaliwanag, sa Manhatan Bay ko naisip na dalhin ka Rahj. Okay lang ba?” ang sabi ko sa kanila, medyo gulat parin sila.

“Ah, dun din kuya ang naiisip ko eh. Salamat, tara” ang sagot naman ni James.

Mabilisan namin isinakay si Rahj sa wheeled chair. Duon namin sya nilabas sa back door ng hospital dahil wala naman mag-iisip na dumaan dun papuntang car park. Pagkadating namin ng sasakyan ay isinakay namin ni James si Rahj sa kotse, sa likod ng driver’s seat silang dalawa at ako ang nagmaneho ng sasakyan. Pinaandar ko na ang makina ng sasakayan at...

“Una at huling beses natin itong gagawin. Baka hindi na kami papasukin dito sa hospital kapag may nangyaring masama sayo” ang sabi ko sa kanila.

“Opo Kuya” si Rahj ang nagsalita. Batid sa kanya na masaya siya sa ginagawa nya.

Makalipas ang ilang minuto ay nakadating na kami sa manhatan bay, walang mga puno kaya naman hirap makahanap ng masisilungan mula sa sikat ng araw. Pero itong si Rahj, parang isang bata na binuka ang kamay, perpendicular sa kanyang katawan. Parang sinasagap nya nang buo ang sikat ng araw, sabagay, ilang araw din syang hindi nasisikatan ng araw kaya siguro maputla.

==================

JAMES’ POV

Pinabayanan lang namin si Rahj na magpakita sa sikat ng haring araw, maya maya pa ay tumabi na sya samin.pagkaupo nya ay kinuha nya ang kanang kamay ko at kaliwang kamay ni Kuya Drew.

“Sana pag gumaling na ako ay bumalik tayo dito. Gusto ko kasama natin sila Papa at Mama para mas masaya.” Ang nakangiting wika samin ni Rahj.

“Basta ba gagaling ka okay samin iyon” si Kuya Drew ang nagsalita

Inihilig ni Rahj ang kanyang ulo sa balikat ko at nagsalita...

“Maraming salamat sa iyo James, kasi sinakripisyo mo ang iyong buhay sa Manila para lang samahan mo ako dito na magpagaling. Wag kang mag-alala, gagaling ako, hindi ko na sasabihin na suko na ako.”

“At sa iyo din Kuya Drew, napakaswerte ko kasi may Kuya akong katulad mo. Sana makahanap ka na ng babaeng magmamahal sayo ng tunay at buo” sabi ni Rahj samin dalawa ni Kuya.

“Basta para sayo, gagawin ko ang lahat wag ka lang mawala sakin” ang sabi ko sa kanya.

“Kaw pa, eh ang lakas mo sakin” si Kuya Drew.

Tumagal pa kami ng ilang minuto. At naramdaman kong humihilik na si Rahj.

“Tingan mo to Kuya, kanina lang nagda-drama, ngayon tulog na at humihilik pa” ang natatawa kong sabi kay Kuya Drew

“Tara, ibalik na natin yan sa Hospital, paniguradong masesermunan tayo nila Papa at Mama” ang sabi naman ni Kuya Drew sakin.

Binuhat ko si Rahj papuntang sasakyan. 15 minutes din kaming naglakbay pabalik ng Hospital.

Nasa hallway na kami ng may makita akong pamilyar na mukha na nakasakay sa wheeled chair, kaya naman napatigil ako.

“Tama ba ang nakikata ko? Si Ceejay?”

“Pero bakit sya nakasakay sa wheeled chair?” ang naisambit ko nalang habang karga-karga ko parin si Rahj sa aking mga bisig, at si Kuya Drew naman ay napatigil din at napatingin sakin na nakakunot ang noo.


Itutuloy...

PS: Loveless na nga ako. 18 years passed and still counting sa paghahanap ng taong magmamahal sakin. Pero walang dumadating. NAKAKASAWA DIN PALANG MAGHINTAY. Pano ba yan. Mukhang tatanda ako na walang kasama sa buhay. Nakakalungkot naman.

1 comment:

  1. nakakadepress naman ng story mo. naalala ko tuloy mga pinagdaanan namin sa ate ko. kaya sana gumaling din si rahj sa story. looking forward to it,

    galing mo, keep it up and sana makagawa ka pa ng madameng stories

    ReplyDelete