Thursday, February 9, 2012

Ako'y sayo at Ika'y akin chapter 7

Hi po, its me again. This is the 7th part of the story “Ako’y Sa’yo at Ika’y Akin”.
Kung nagkaron man ako nang some typos sa 6th part, ay humihingi akong nang sorry kung meron.


Sana po magustuhan nyo tong 7th part nang kwento


Don’t forget to add me on FACEBOOK


So here Chapter 7...


==========



Three days after namin magbakasyon ni Rahj sa Resort nila sa Batangas ay inimbitahan naman ako nila Mama at Papa niya na mag-dinner sa kanila. Noong una ay nahihiya ako kahit na nagmeet na kami nung maaksidente si Rahj sa Resort. Pero napailit parin ako ni Rahj na sumama kaya naman the day after na napapayag nya ako ay pumunta na lang ako sa kanila.


“Good Evening po Tita’t Tita, thanks po sa pag-invite sakin” ang bati ko naman sa kanila nang salubungin nila ako sa pintuan.


“Good evening din, buti naman at napilit ka ni Rahj. Saka diba sabi ko sayo na Mama at Papa na ang itawag mo samin since tanggap naman namin kayong dalawa at masaya kami para sayo” ang sagot naman ng Mama nya.


Masasabi ko talagang napakabait netong mga magulang ni Rahj lalo na sakin, ramdam ko ang warmest welcome nila sakin kahit second time palang nila akong namemeet.


“Salamat po.”


“Ahm, Ma... Mama. Asan po si Rahj?” ang tanong ko naman kay Mama.


“Naku anak, may sinundo lang, yung kababata nya. Kasi gusto daw nyang makilala mo sya. Hintayin na lang natin sya. Anytime from now ay dadating na yung dalawa” ang sagot naman ni Mama.


Inilibot ko ang ang tingin ko sa buong bahay nila. Manghang-mangha ako sa mga porselanas na nakikita ko at tulad ko ay mahilig din sila sa mga paintings. Hanggang sa may nakakuha nang atensyon ko. Family picture nila. Nakita ko dun na masayang masaya sila. Tatlong magkakapatid pala sila Rahj at sa tantya ko ay bunso ito sa mga iyon. Napaisip tuloy ako kung bakit parang yung panganay lang ang nakita ko nang salubungin ako nang mga magulang nito. Naisip ko na baka sa ibang bansa nag-aaral.


Ilang minuto pa akong nakatitig nang may tumapik sakin sa likuran. Napalingon ako at medyo nahiya sa inasal ko. Ang panganay pala nila Rahj ang tumapk sakin.


“Ikaw pala yung bukambibig ni Rahj samin. Alam mo ba, masaya ako sa kapatid ko dahil nakikita ko na ulit ang mga ngiti nya na dati’s naglaho nang may insidenteng nangyari. Kaya naman sana wag mong bibiguin kami.” Ang sabi sakin nang kuya ni Rahj.


“Salamat po. Makakaasa po kayo sakin Kuya...” ang sagot ko naman


“Kuya Drew na lang ang itawag mo sakin. Ituring mo na rin akong kapatid.” Ang sagot naman nya sakin.


“Sige po Kuya Drew, salamat”sagot ko naman.


Ilang minuto ay may huminto na sasakyan sa tapat nang bahay. Alam ko sila Rahj na yan dahil ang lakas nang boses nyang nakikipagkwentuhan. At batay na rin sa mga narining kong boses nang kasama nya ay isa itong babae. At nang makapasok na nga sila ay masaya silang bumungad sa pintuan. Ang masama pa nito, nakaplupot ang kamay na babaeng kasama nito sa mga braso ni Rahj at feeling ko naman itong Rahj na ito ay nag-eenjoy. Crap! He’s pissing me off! Ang sabi naman nang isang side nang utak ko. Wait, pissing you off? Dont tell me you’re jealous?!  Ang sagot naman nang isa kong side. Napabuntong hinga na lang ako sa mga katangahan nang utak ko at kung anu-ano ang mga pinagsasasabi.


“Oh, Mahal! Andito ka na pala?” ang walang  kagatol-gatol na tawag nito sakin, di alintana ang mga taong nakarining sa kanya. Kaya naman medyo napatingin ako sa mga magulang nito at pati na rin kay Kuya Drew at isang napakatamis na ngiti lang ang ibinigay nila tanda nang isang pagpayag.


“Grabe kung maka-Mahal lang huh” ang sagot ko naman.


“namiss kita eh. Lam mo ba yun?”


“nga pala, James, siya si Yvone Sia, kababata ko at best friend ko rin.”


“Yvone, siya si Justin James Castillo, my other half” ang nakangiting wika ni Rahj habang pinapakilala kami sa isa’t isa.


At inilahad ko nga ang mga kamay ko. Pero di man lang sya nagpakta nang respeto.


“so ikaw pala. Ikaw pala ang kinukwento nito sakin. I’m very disappointed to see na lalaki din pala ang special someone nang kababata ko” sagot ni Rahj.


“nice meeting you Yvone. I hope we can be a good freinds.” Sagot ko na lang kahit medyo na offend ako sa mga sinabi nya sakin.



“hindi ko talaga maatim na sa isang katulad mo lang mapupunta itong si Rahj. I just can believe that this things is currently happening in front of me.” Ang sagot naman nang malditang Yvone na to.


“Yvone, stop that!” ang pagsaway naman ni Rahj kay Yvone the mahadera/maldita



“whatever. Tara na. I’m hungry.” Ang sagot naman ni Yvone samin.


At pumunta na nga siya kila Mama. Naiwan kami ni Rahj. At ako naman ay medyo napako sa kinatatayuan ko.


“Don’t get offended by what she said. She didn’t mean it. Mabait yan. Para lang talagang tigre may bagong nakikilala” ang pampalubag loob na sabi ni Rahj sakin.


“No, its okay. Tara na, naghihintay na sila Mama at Papa pati na rin si Kuya Drew satin” sagot ko naman.


“Mama? Papa?  You mean? Nakilala mo na sila nang masinsinan?” ang nakangiting wika ni Rahj na halatang excited sa isasagot ko.



“Let’s just say na OO” sabi ko sabay ngiti.


At pumunta na kami sa kitchen nila. Duon naghihintay na samin sila na nakaupo.



Sa una at medyo nagaalinlangan ako sa pagkain pero nawala na rin yun nang nakakasabay na ako sa mga topics nila. Ha       nggang sa sakin na napunta ang topic nila. Si Papa ang unang nagtanong sakin...


“Hijo, ano pala ang kursong iyong kinukuha? At saka anong school?” ang tanong ni Papa sakin


“BS Accountancy po, Sa *** po ako nag-aaral” sagot ko naman sa kanya.


“Wow! That’s an amazing school. Ang galing mo” ang pagpuri sakin ni Papa.


“Salamat po sa compliment Pa” ang sagot ko naman, medyo napatingin saki si Yvone nang masama. At mataman akong tinititigan nito. This girl is a total bitch I guess, grabe makatingin, parang lalamunin ako nang buo ang sabi nang isa kong parteng isip.


“Ahm, hijo, if you don’t mind to ask this pero, ano ang nagustuhan mo sa anak namin? Since part ka na rin naman nang pamilya kaya naman siguro okay lang itanong diba?” ang tanong sakin ni Mama.


“Ahm. Ah...Eh.” sagot ko at napatingnin ako kay Rahj. Pakiramdam ko ay namula ako dahil nag init bigla ang aking mkuha.


“Ma, he’s blushing” ang sagot naman ni Kuya Drew dahilan para mapayuko ako at magtawanan sila.


“Kuya..” ang sabi ni Rahj at nagpakawala nang isang masamang tingin.


“Okay, I know, I’m sorry.” Sagot ni Kuya Drew.


Tumingin ulit ako kay Rahj at tango lang ang naisagot nya sakin na tanda nang pagpayag sakin.


“Ah... eh. Una po kasi, wala lang po sakin yung mga pag-uusap namin ni Rahj hanggan sa magkita kami at nakuha po nito ang atensyon nang kanyang mga mata. Hindi ko po alam kung bakit naging ganun ang reaction ko sa unang kita namin. Bukod po duon, naging napaka bait nya sakin, matapat at nirerespeto nya po ako.Yan po ang mga dahilan kung bakit ko sya nagustuhan. Hindi po dahil sa mukha nya kundi sa kanyang ugali” ang mahabang sagot ko sa kanya.



“Alam mo parehas pala tayo, kasi ganyang-ganyan din ang naging simula namin nang Papa mo, diba Hon?” ang sagot naman ni Mama


“Oo nga Hon, I remember the days nung nagtapat ako sayo na mahal kita. Para kang nawalan ata nang dila nuon.” Ang natatawang sagot nito samin.



“talaga po, nakakatuwa naman kung ganun” ang naisagot ko na lang sa kanila.


Madami pa silang mga tinanong sakin. Hanggang sa natapos namin ang dinner sa kanila past 8. Sa salas nila muna ako tumambay bitbit ang isang cup ng tsaa na ginawa pa mismo ni Rahj para sakin. Hanggang sa inaya ako nito na pumunta nang garden nila. May ipapakita daw sya sakin.



“basta iba-blindfold muna kita huh para surprise” ang nakangiting wika nito sakin.


“ano nanaman ba yang kalokohan mo huh Chris Rahj Manalo?” ang medyo asar kong tanong sa kanya.


“Basta, maniwala ka na lang sakin Justin James Castillo-MANALO” ang sagot nya sakin na binigyang diin ang salitang Manalo na apelyido nya


Sinunod ko na lang sya para wala nang gulo, ramdam ko naman yung pag-guide nya sakin palabas nang bahay nila hanggang na naaamoy ko na ang simoy probinsyang hangin sa labas nila at tinanggal nga niya ang blindfold ko. Noong una ay hindi ako makapaniwala pero unti-unti ay tinaggap ito nang isip ko.


“totoo ba to? Eto ang pinapangarap kong perfect date, alam mo ba yun?” ang tanong ko kay Rahj.


Nandun kasi naka set up ang isang table na gawa sa marmol, na may white table cloth at may nakapatong na isang boquet na white flowers then may nakalagay na mga desserts, puro mga favorite desserts ko, nandun ang leche flan, chocolate cake galing red ribbon at strawberry yogurt ng nestle.


“oo, totoo ito James, sana nagustuhan mo.” Ang sagot ni Rahj sakin.


“Alam mo ba sobra mo akong napasaya.” Sabi ko naman kay Rahj.


“lalo ka pa sasaya kapag ginawa ko ito.” Ang nakangiting wika ni Rahj sakin.


Lumuhod ito sa harap ko, at may kinuha na bulsa.


“Do you take Chris Rahj Manalo as your other part as your beloved partner for richer or for poorer, for sickness and health, till death do us part?” ang tanong sakin ni Rahj.


“Huh? Rahj, yoko nang ganyang biro huh.” Ang naluluha kong sabi sa kanya.


“I’m serious James.”


“I repeat, Do you take Chris Rahj Manalo as you other part as your beloved partner for richer of for poorer, for sickness and health, till do us part?” ang muling seryosong tanong sakin ni Rahj.



Wala akong mailabas na salita. Wala akong salitang maisip na isasagot, na bobo ata ako sa kanyang tinanong hanggang sa hindi ko naman layang napa YES ako sa tanong nya.


Agad agad ay niyakap niya ako at siniil nang halik. Ramdam ko ang pananabik nya sakin. Pananabi hindi dahil sa labi ko kundi pananabik nya sakin literally. Gumanti na rin ako sa halik nya. Medyo tumagal din ang aming halikan. Agad syang kumalas at may kinuha sa bulsa, binigay nya ang partner nang singsing na sinuot sakin. Ako naman daw ang gumawa nang ginawa nya. Kaya naman lumuhod ako at ginaya ang mga sinabi nya.


“Do you take Justin James Castillo as your other half, as your beloved partner, for richer or for poorer, for sickness and health, till death do us part? Ang tanong ko naman sa kanya.


“pwde mag-isip?” ang natatawang sagot nya. Kaya naman medyo natawa din ako sa sinabi.


“sige mag-isip ka pa jan, tatanggalin ko tong sing-sing eh” ang sagot ko naman sa kanya.


“kelangan pa ba kasing itanong iyon? Syempre Oo naman. Yes!” ang sagot nya sakin.


At agad nga niya akong niyakap, sobrang higpit nang yakap nya sakin. Kaya naman niyakap ko rin sya.


“So we now pronounce you Partners in Life” ang nakangiting sabi nang mga magulang niya samin. Kanina pa ata sila nakikining samin dalawa.


Nagpalakpakan naman silang lahat. Ramdam ko naman ang saya sa kanilang lahat at pagsang ayon sa relasyon namin dalawa.


“maybe this calls for a celebration, diba Ma, Pa?” ang sabi ni Kuya Drew.


“Yah, dapat lang, dahil officially, Manalo na rin ang apelyido ni James.” Ang nakangiting wika nang Papa nila.


Medyo napangiti talaga dahil tanggap kami nang Papa niya.


“Basta bawal ang heavy drinks Kuya at Papa para dito kay James huh, may pasok pa yan bukas saka di yan sanay mag-inum” ang sabi ni Rahj.


“Oo, di namin lalasingin tong si bayaw.” Ang sagot ni Kuya drew sakin sabay lapit at akbay sakin.


P=sinamahan nga ako ni Kuya Drew sa bar counter nila pati na rin Papa para makakuha nang iinumin. Nagulat lang ako kasi Johnny Walker ang kinuha nang Papa nila. Alam ko malaks ang tama nito para sakin dahil nang subukan ko magtry nang isang shot. Nahilo agad ako. Kaya naman medyo kinabahan ako.


“Wag ka mag-alala, samin to ni Papa, ang sayo lang ay San Mig Light” ang nakangiting wika naman ni Kuya Drew sakin.


At inumpisahan na nga namin ang inuman session namin. Medyo naging tipsy ako after ko makaubos nang talong bote nang SM light. Kaya naman di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa bar counter.



Kinabukasan, nagising na lang ako sa sobrang sakit ng ulo ko, akmang babangon na ako nang mapansin ko ang aking katabi, medyo nagulat ako kala ko kung sino, medyo napa mura ako kasi kala ko si Kuya Drew ang nakatalikod na katabi ko, nang tingnan ko ay si Rahj pala. Magkapatid talaga sila, pati likod magkamukha.


Tinitigan ko ang maamong mukha ni Rahj, duon ko lang napagtanto na wala pala kaming suot na saplot ni Rahj. Goodness! He took advantage over me!
Kaya naman agad kong ginising si Rahj.


“Hoy! Rahj! Kupal ka! Pinagsamantalahan mo ako! Rapist ka!” ang sigwa ko hanbang niyuyogyog ang katawa ni Rahj.



“Good Morning Mahal!” ang bati nya sakin sabay bigay nang isang masuyong halik.


“Round 3?” ang natatawang tanong ni Rahj sakin dahil di ako nakagalawa sa ginawa nyang paghalik.



“Round 3 ka jan. Ano ba. Ni rape mo ako!” ang sagot ko naman,



“anong ni rape. Eh ikaw nga tong unang gumawa nang move eh, don’t you remember?” ang tanong sakin ni Rahj.



“Gago ka, at sinamantala mo naman ang katangahan ko dahil sa lango ako sa alak!” ang sumbat ko sa kanya.



“baliw, di ko yun gagawin sa taong mahal ko. Kaya wag mong isumbat sakin yan!” ang medyo tumaas na boses ni Rahj.



Nahiya naman ako sa mga sinabi nya sakin kaya ako na mismo ang nagsorry. Dun ko lang napagtanto na Partner ko na nga pala sya pero not legally, sa bahay lang nila.



Niyaya naman ako ni Rahj bumaba na para makapg agahan. Pero bago pa man yun nangyari ay nagkaron nang Round 3 sa kama. Halos mawalan ako nang malay sa sakit na naramdam ko sa pagtatalik ni Rahj.



“Good morning po Mama, Papa at Kuya” ang bati namin ni Rahj.



“Good morning din.” Ang sagot naman nila, abala na sila sa pagkain nang almusal nila. Di na daw nila kami nagawang gisingin dahil masarap daw ang tulog namin dalawa at humihilik pa kaming dalawa.


After naming makapg agahan ay nagpaalam na akong uuwi para makaabot ako sa 10:30am ko na klasesa Advance Accounting. Pinayagan naman nila ako pero pinadalhan nila ako nang ulam na si Mama pa mismo ang nagluto para sakin, sabi nya Kare-kare daw yun. Haha, paborito ko pa naman yun. Lalo na pag madaming alamang at nuts! Sarap!


Tumagal nang pitong buwan ang aming relasyon ni Rahj hanggang sa...



Friday night, nasa SM North Edsa kami, naglalaro sa may Tom’s world. Masaya kaming naglalaro. Hanggang sa sumikip ang dibdib ni Rahj at hindi makahinga nang ayos. Natumba sya at nawalan nang malay.
Nagkaron tuloy nang kumpol nang mga tao sa kinalalagyan naming dalawa.




“tulungan nyo po kami! Tumawag po kayo nang ambulansya! Bilisan nyo po!” ang naiiyak kong sabi sa kanila.


Buti na lang may dumating na mga gwardiya nang mall at sinamahan kami sa naka-standby na ambulance sa loob nang mall.



Dinala ko si Rahj sa emergency facility at sinuri nang mga doktor, maya maya pa ay inilipat na sya sa isang private room. Doon lumabas ang doktor, sinabi nya sakin ang mga dahilan kung bakit nagkaganoon si Rahj.



Doon ko lang napatunayan na tama pala ang hinala ko.



May sakit nga si Rahj.



Napaluhod ako sa aking kinauupuan at mataang nakatitig sa kawalan. Umiiyak ako dun sa hallway. Para na akong tanga dun na umiiyak dahil hindi ko malaman ang gagawin ko pag may nangyaring masama sa kanya.



“Bakit sa kanya pa! Bakit?! Pwede naman sakin! Bakit kelangan nyang sapitin ito, ang bata pa nya, madami pa kaming pangarap na kelangang matupad!” angsabi ko habang umiiyak.




Itutuloy...






No comments:

Post a Comment