Friday, January 20, 2012

Ako'y Sayo at Ika'y Akin chapter 6

Maraming salamat po sa patuloy na nagbabasa nitong story ko. I am really gratefull na nagustuhan nyo ito. Kaya naman pinaghandaan ko talaga itong chapter na to.

Super nagpapasalamat talaga ako sa mga nababasa kong stories dito sa BOL kasi sila ang nag-iinspire sakin to continue think harder sa mga scenes. Like nung nagbabasa ako nang Second Chance, Kung ako na lang sana, Mahal ko ang Bestfriend nang Bayan, No one, More than you'll ever know, TRT, AA, 9m at iba pa. Nag-generate agad ang utak ko nang mga ilalagay sa story ko.

So here is my chapter 6



==========
                                                                                                              

Linggo nang umaga, maaga akong nagising mula sa pagkakatulog. Magkayakap parin kami ni Rahj. Tuwing nakikita ko ang mukha nya, parang umaaliwalas ang pakiramdam ko. Ang sarap tingnan nang maamo ng mukha nya. Napaka-amo. Parang walang dinadalang pasanin sa buhay...

teka...

pasanin sa buhay?...

Naalala ko yung sinabi ni Manang Lisa sakin na may nangyari kay Rahj kaya di na sya nakakabalik dito sa Resort nila.

“Kelangan ko malaman kung ano ba ang iba pang nakaraan ni Rahj, parang may kulang eh. Kahit umaaliwalas ang pakiramdam ko tuwing nakikita ko sya, parang may pag-aalinlangan kasi ang mga mata nya, parang may sikreto” ang bulong ko sa sarili ko.

Tinanggal ko na ang pagkakayakap sakin ni Rahj. Nakakatawa lang kasi para  talagang bata ito kung matulog, ang kelangan nakapatong ang paa sa dantayan. Gawin ba naman akong hotdog pillow. Haha. Naghilamos muna ako tapos nag toothbrush. Para lang akong nasa bahay. Then nag-wiwi muna saka ako lumabas nang kwarto at bumababa nang hagdan.

“Good Morning Manang, Good morning din sa inyo!” ang masigla kong bati sa kanila.

“Good Morning din James, kamusta ang tulog?” bati ni Manang Lisa sakin.

“Good Morning din po Sir James” ang nakangiting bati naman sakin nang mga staffs ng Resort.

8:30 am na pala nung bumaba ako. Kaya naman abala na ang mga staffs ng Resort na naghahanda nang breakfast buffet na nakalagay sa unahan lang nang kitchen nila.

“Okay lang po Manang, napasarap po ang tulog ko. Hehe” ang sagot ko naman kay Manang Lisa.

“Eh pano ba naman hindi sasarap ang tulog eh magkayakap kayo nang alaga ko. Napakaswerte talaga nang alaga ko sayo”

“Pumasok kasi ako kanina sa kwarto nyo, eh nadatnan ko kayo na sarap na sarap sa pagtulog na magkayakap kaya naman di ko na kayo inostorbo. Pabababain ko na sana kayo para makapag-almusal.” Sabi ni Manang.

“Naku, thank you po. Gisingin ko na lang po si Rahj para sabay na tayo kumain.”

“Sabay na rin kayo Manag Lisa sa pagkain saka yung mga staffs. Mas madami, mas masaya.” Sabi ko naman sa kanila.

Ngumiti na lamang sila sakin.

“Sir James, di ko po alam na napakasweet mo. Sinospresa mo si Rahj. Grabe, napakaganda nung display kagabi, siguro ganung way mo sya napasagot noh?” pang-uusisa nung isang staff na pinakiusapan ko na sindiihan yung firecrackers.

“Thank you huh, hindi ako ang nanligaw. Sya. Kahit tanungin nyo pa. Sige, akyat na ako sa kwarto” sagot ko naman sa kanila. Medyo nagulat ata sila sa sinabi ko. Parang di makapaniwala ata na si Rahj pa mismo ang nanligaw sakin. Siguro dahil sa nakita nila kagabi kaya nasabi nila na ako ang nanligaw sa kanya. HAHA. Kung alam lang nila.

==========

Nagising ako na wala si James sa tabi ko. Nakita ko na medyo nakakawang ang pintuan kaya naman naisip ko na bumaba na si James. Kaya naman bumangon na ako at tinungo ang banyo para maghilamos, mag toothbrush ang jumingle na rin. Pagkatpos ko gawin ang aking daily routines, bumalik muna ako sa pagkakahiga. Nagmuni-muni muna ako. Nag-iisip ako na sana...

“Sana, Our love for each other will lasts forever. Ngayon sa sitwasyon ko, sana kayanin ko ang mga pagsubok na dumating na nga sakin. Hindi makakaya nang konsensya ko na iwan si James basta-basta lang.” Sabi ko sa sarili ko.

Naalala ko tuloy ang sinabi nya sakin.

“Rahj, please, wag mo akong saktan kasi napaka-fragile kong tao. Di ko kakayanin pag nasaktan ako nang lubos” sabi ni James sakin dati.

“kaya naman siguro, kelangan ko nang tumiyempo na sabihin sa kanya ang lahat. Pero parang may gumugulo sa isip ko. Mahal ko sya at gusto nya walang sikretong itatago sa isa’t isa. Pero Pano!”

“PAAN! My god!” ang pagsigaw na sabi ni Rahj.

Di nya namalayan na nakapasok na pala si James nang kwarto at medyo nagulat sa pagsigaw nya.

“Oh bakit ka naman sumusigaw? May problemaa ba?” ang tanong sakin ni James pagkapasok.

“Huh?! Ah.. eh, wala naman. Iniisip ko lang kung pano ako makakaganti sayo mula kagabi. Hehe” ang palusot ko sa kanya. Alam ko naman na bebenta yung palusot na yun. Haha. Ang bad ko lang.

“Sure ka huh?”

“wala naman sakin yun, diba sabi mo gusto mo ipakita ko sayo ang affection ko sayo. Kaya naman naisip ko na dumaan nang Bocacue, Bulacan para narin makabili nang mga ganung klase nang paputok para maging way na maipakita ko sayo yung gusto mo.”

“By the way, nagustuhan mo ba?” ang sagot at diretsong tanong sakin ni Rahj.

“Alam mo, di ko alam kung pano sasabihin eh. Pero nagpapasalamat ako. Sobra. Napagkaganda. Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko kagabi nung nagstart na yung fireworks display. Naalala ko nga nung nasa MOA tayo eh” ang sagot ko naman sa kanya.

“Ah! Nung oras na nagsabi ko na gusto mo ako? Haha. Di ko talaga akalain yun. Nakakatawang isipin talaga. Pero very proud ako sa status natin at sa sarili ko na ang boyfriend ko ay si Chris Rahj Manalo.” Ang sagot naman ni James.

Nakakataba nang puso ang mga sinabi ni Rahj. Tumawa na lang ako saka ko sya binigyan nang isang mahigpit na yakap at smack sa lips. Ganyan nga po kaming dalawa kasweet sa isa’t isa. Hindi namin pinipigilan ang aming mga feelings.

“lalo naman ako, boyfriend ko at mahal na mahal ko ang isang Justin James Castillo. Proud ako sayo kasi boyfriend kita. Haha.” Ang sabi ko naman sa kanya.

“Oh sige na. Baba na tayo. Naghihintay na sila satin dalawa.”

“So? Do you Chris Rahj Manalo take my hands going to kitchen and have some breakfast?” ang natatawang tanong ni Rahj sakin. May paluhod luhod pa na nalalaman huh.

“Haha. Of course!” ang agaran kong sagot.

“Nu ba yan di muna nagpakipot? Haha” ang sambit naman nya.

“Ayaw mo ba? Or ano? Bahala ka jan.” Ang tampu-tampuhan ko naman.

“Hindi, joke lang. So. Tara na. Gutom na mga alaga ko sa tiyan eh.” Sagot ni James.

Bumaba na nga kami. Binati ako nila Manang Lisa, nang mga stafss nang Resort and some of our guests na kasabay namin sa pagkuha nang pagkain ni James sa Buffet. Medyo napakunot naman ang nuo ko kasi hindi ko inaasahan ang lalapit samin at nakangiti itong tinitingnan si James. Nasira lang araw ko dahil sa bwisit na to.

“Good morning sa inyo!” ang bati naman nang isang lalaki.

Napa ismid na lang ako sa inasal nya. Kala mo naman close kayo. Feeler. Nakaka-asar talaga.

“Good morning din Ceejay, tara breakfast tayo.” Ang sabi ni James kay Ceejay.

“Sige, sabay na ko. Naamoy ko kasi na may niluluto kaya naman bumaba na ko para tingnan.” Sagot ni Ceejay.

“Di lang pala basagulero eh no? Aso ka din pala.” Ang mahina kong sabi.

Narinig pala ni James ang sinabi ko kaya naman...

“Hoy, narining ko yun huh.” Sabi ni James sakin

Ngumiti na lang ako pero ngiting aso. Nakaaasar talaga tong feeler na to. Tiningnan ko naman si Ceejay at nakangitin itong sobra nang tumingin din sakin.

“What’s with this guy? Parang tanga lang.” Ang inis kong sabi. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkuha nang pagkain kasi medyo gutom na ako eh.

==========

Narining ko ang sinabi ni Rahj kanina lang. Kaya naman medyo natatawa ako pero di ko pinapahalata sa kanya kasi for sure baka maasar sakin. Alam ko na nasira ang araw ni Rahj sa pagkakita kay Ceejay. Kagabi palang kasi ay parang may mga enerhiya nang naglalaban sa pagitan nung dalawa nung paalis na kami. Kaya nga ako inakbayan ni Rahj nung paalis na kami kasi naramdaman din nya yung naramdaman ko na parang may kakaiba sa tingin at ngiti nya sakin. TALAGANG SAKIN EH NOH?HAHA.

Umuna na ako sa isang bakanteng table, inintay ko si Rahj na dumating para sabay kami. Ganun naman kami lagi eh. Ang daming dalang pagkain ni Rahj. Nagpatulong pa sa staff nila para dalhin pa yung dalawang extra plates na may lamang 3 dishes per plate.

“di ka naman nyang nagpapataba no? Mauubos mo ba yan? Kala ko ba your watching what you are eating?” ang tanong ko naman sa kanya.

“Porke’t madami akong kinuha ako lang mag isa ang uubos? Diba pwedeng share tayo dito kasi ayokong tumayo ka pa mamaya pag di ka satisfied jan” ang sagot naman nya sabay nguso sa konting pagkain ko na nilagay ko sa plate ko. Eh kasi naman. Nakakahiya kumuha nang madami. Understood naman siguro kung madami nga ang kukunin kasi buffet feast naman pero nahihiya talaga ako. Kaya naman ngumiti na lang ako sa kanya.

“Haha. Thank you huh. Nahihira kasi ako” sagot ko naman sa kanya.

“Sira, eh may ari ka narin nitong Resort kaya naman bakit ka pa mahihiya.” Ang nakangising tugon nya.

Napakunot noo naman ako sa sinabi nya sakin. Binigyan ko sya nang isang mukhang di naniniwal. Yung parang nagsasabi na “Weh? Di nga? Utot mo lang”

“Oo nga, diba magpapakasal na tayo. So ang sakin ay sayo na rin ang sayo ay akin narin. Katulad nang relasyon natin dalawa. Ako’y Sayo at Ika’y Akin. Oh diba. Parang sa Law. Conjugal property.” Sagot naman ni Rahj sakin

“Seryoso ka jan sa pakasal mo? Di ka pa nga nagpro-propose sakin eh tapos seyoso ka na pala.” Ang biro kong sabi sa kanya.

“Haha. I’ll take that as a joke. Ayokong masira lalo araw ko. Seryoso ako na pakakasalan kita bago pa ako ma...” ang naputol na sagot ni Rahj. Parang nabigla sa sasabihin.

Oh my, tama ba ang lalabas na salita sa mga bibig nya? Or paranoid lang ako. Pero ayoko mag jump into conclusions agad katulad nga nang laging sinasabi ni la EA and Yuri sa kwentong binabasa ko na “Kung ako na lang sana.

“wala, kalimutan mo na yun. Pero seriously, seryoso ako sa pagpapakasal sayo. Kahit 16 pa lang ako pero pag naging 18 na ko. Papakasalan na kita huh. And that’s final. Proposal can be done later” ang sabi nya sakin

“Okay, sabi mo eh. I’ll wait for that.” Ang nakangiting aso kong sabi sa kanya. Medyo worried na ako sa tinatago nya sakin. Naku, paranoid na nga talaga ako katulad nang minsanang pagiging paranoid ni Ryan at Enzo sa kwentong Second Chance ni Kuya Ea.

==========

“excuse me, pero can i share a seat from you? Wala na kasing vacant seat, all are occupied. Pwede?” ang tanong ko kila Rahj and James na abalang nagkukwentuhan at halatang masaya sila. Mababanaag mo naman sa mukha nila na masayang-masaya sila at hindi mo mahahalata na there’s something between them kasi napaka discreet nilang tingnan.

Napatingin naman si James kay Rahj. Alam ko nag-aalinlangan silang dalawa kasi nga nahampas ko nang bote sa ulo si Rahj. Medyo halata naman kay Rahj na nagturn into mad ang face nya.

“Okay lang. Sige upo ka.” Sya na mismo ang sumagot. Alam ko namang napilitan lang kasi nakita kong tinitigan sya ni James nang masama.

“Salamat huh.” Ang sabi ko sa kanila

Natahimik kaming tatlo sa lamesa habang kumakain. Si James na mismo ang bumasag nang katahimikan at tinanong ako...

“Ceejay, napansin lang namin kasi na ikaw lang ata mag-isa dito sa Resort. Wala ka bang kasama? “ang tanong ni James sakin. Mukhang napansin nya ata na nag-iisa lang ako.

“Hindi, kasama ko yung special someone ko, pero nakakalungkot man, nagbreak na kami nung gabing nahanpas ko nang bote yan si Rahj. Sorry ulit.” Ang pagpapaliwanag ko sa kanila.

Lingidi man sa kaalaman nila. Meron akong karelasyon na lalaki din. Miguel Carlo dela Torre ang pangalan nya. Ka edad lang namin sya. 18 years old. Hindi ko malaman kung bakit sya nakipag hiwalay, walang akong ideya kung bakit nya ako iniwan sa ere mag isa. Pinangakuan nya ako na in no time, magpapakasal na kami sa California at dun na magse-settle down. Meron pala akong isang ideya na pumasok sa isip ko. Ito ay ang papa nya. Tutol nga pala sya sa relasyon naming dalawa. Pilit nya kaming pinaghihiwalay ni Miguel pero pinaglaban niya ako.

“Sorry to hear that. Malay mo makahanap ka ulit nang taong para sayo, diba?”

“everyone deserves to have a second chance kaya why don’t you try finding the one for you.” Ang sagot naman ni James.

Nakakatauwa itong si James, very convincing ang boses at kung titingnan parang ang daming misteryong bumabalot sa mukha. Siguro kaya nachallenge etong si Rahj sa kanya. Nakakaingit naman sila. Ang saya.

“Oo, naniniwala ako sa kasabihang yan. Kaya kahit iniwan ako dito ni Mi... ah eh nung kasama ko ay pinabayaan ko muna. Palalamign ko muna ang sitwasyon. Ayoko din namang masira ang araw ko kasi pauwi na rin akong Manila mamaya. Pinapatawag kasi ako ni Daddy sa opisina nya.” Ang sagot ko naman sa kanya.

“Ako nga kanina mo pa sinira ang araw eh.” Ang mahinang sagot ni Rahj. Rinig na rinig ko yun kahit na mahina lang ang pagkakasabi nya. Special talent ko na ata yun. Alam ko narinig din iyon ni James kasi napalingon ito sa gawi ni Rahj. Hindi ko na lang ito pinansin. Inintindi ko na rin kasi alam ko medyo galit pa ito sakin.

“Pagpasensyahan mo na si Rahj huh, intindihin mo na lang” ang pagpapaumanhin ni  James sakin.

“huh, okay lang. Hindi ko rin sya masisisi.”

“sorry Rahj huh, sana balang araw ay patawarin mo rin ako” ang sagot ko naman.

Ngumiti lang si Rahj nang medyo pilit. Sinuklian ko naman sya nang isang abot tengang ngiti. Inubos nanamin ang aming mga dalang pagkain. Nauna na akong nnatapos sa kinakain ko kaya naman bumalik na ko sa kwarto ko para makapgpahinga. Iniwan ko sila dun dalawa habang kumakain. Ayoko man maging bastos sa pag-iwan ko pero nabusog na ako.

==========

“Alam mo masama yun. Di ka man lang nahiya jan sa asal mo.” Ang sabi ko kay Rahj. Medyo naasar ako sa inasta nya.

“Nakakainis kasi sya. Feeling mo close tayo. Feeling ko talaga may hidden agenda yan satin kaya pilit pinagsisiksikan ang sarili satin, SA’YO!” ang sabi ni Rahj at diniinan ang salitang sayo.

“Grabe ka na Rahj huh, Grow Up!” ang medyo napalakas kong sabi sa kanya. Kaya naman napatingin samin sila Manang Lisa, staffs ng Resort and some guests habang kumakain.

Nag walk out ako sa kitchen kahit di pa masyadong busog ako. Pumunta muna akong dalampasigan para magpalamig. Medyo masama ang loob ko sa kanya. Kasi kahit matured na sya mag-isip ay minsan umaatake ang pagiging spoiled childish brat na si Rahj. Yan ang medyo ayaw ko sa personality nya. Kaya naman kahit pilit kong ipaintindi ang mga ibang bagay na pinag-iisipan nya ng mali ay ayaw nyang makinig, gusto nya yung sa kanya ang masusunod.

==========

Naiwan ako matapos umalis si James. Iniwan nya ako mag-isa dun sa kitchen. Nakakahiya. Yan ang naramdaman ko matapos na akong sabihan na “Grow up!” medyo naluluha ako sa mga sinabi ni James sakin. Agad naman lumapit si Manang Lisa at ang isang babaeng staff samin. Tinanong nila ako kung bakit ganun si James, ikinuwento ko naman sa kanila lahat. As in lahat nang mga nangyari. Kaya ayun...

“Ikaw naman kasing bata ka. Kahit sino naman maaasar sa ginawa mo. Hijo, hindi naman sa kinakampihan ko si James at Ceejay pero tama si James, bakit kelangan mong  magtanim nang galit na ilang beses at paulit-ulit nang nag papaumanhin mo. Malay mo malinis naman talaga ang intensyon niya sa inyo. Pagbigyan mo naman ang tao.” Ang sermon sakin ni Manang Lisa, pati si ateng staff na nakitango narin sa sinabi ni Manang.

Nakakahiya man pero kelangan kong lunukin muna ang pride ko. Siguro nga kelangan kong patawarin si Ceejay sa nagawa nya, isa pa, paulit-ulit na syang nagsorry sakin. Maybe its about time. Kaya naman after kong matapos kainin yung mga pagkain na dinala ko ay pumunta ako sa dalampasigan. (oo nga pala. Inubos ko yung laman nung dalawang plate na dinala ko kasi nga ang turo sakin nila Mama at Manang Lisa ay ubusin ang pagkain na kukunin kaya naman ang laki nang tyan ko. Haha. Katakawan kasi)

Naabutan ko si James sa dalampasigan at...

Wait...

Tama ba tong nakikita ko?...

Kasama nya si Ceejay at masayang silang...

Huh?!?!?!

naglalaro nang...

Beach Volleyball?! What the?! Eh favorite sport namin yan ni James at kilala ko yan na di nakikipaglaro nang basta-basta sa di nya kakilala.

Medyo nabwisit lalo ako. Lalo na kay Ceejay. Sobra. Bwisit na rin ako kay James. Alam ko sasabihin nyo na mababaw lang ang dahilan pero. Hello?! Come to think of it? Favorite sport kaya namin yan at alam namin sa isa’t isa na di kami nakikipaglaro basta basta.

Tumuloy na lang ako sa kwarto ko. Medyo padabog akong naglakad sa hagdan. Pakinig nang mga guest at ng mga staffs ang yabag ko na sobrang lakas. Wala akong paki alam sa sasabihin nila. Bakit. Amin naman tong Resort na to. Pwede ko silang paalisin sa Resort na to ano mang oras na gustuhin ko kaya naman THEY DON HAVE THE RIGHT TO QUESTION ME ABOUT MY DOINGS! CRAP!

Sumalpak agad ako sa kama. Umiyak lang ako. Hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

==========

Ang sarap sa pakiramdam na tumatama sayo ang hangin na galing sa dagat. Ang sariwa pa nang amoy. Yan lang ang nasabi ko sa sarili ko habang nakamasid sa malayo.

“Nagseselos ba si Rahj kay Ceejay? Nakakatuwa pala yung feeling na may nagseselos para sayo. Nakakakilig. Haha.” Ang sambit ko sa sarili ko. Parang tanga lang ako dun na tumatawa. Maya maya pa ay may kumalabit sakin..

“Oh, pareng Ceejay. Dito ka rin pala.” Ang bati ko sa kanya.

“Nakita kasi kita mula dun sa kwarto ko na papunta ka dito kaya naman bumaba ako para maki pag kwentuhan” ang sagot naman nya.

‘Ah ganun ba. Haha. Ang init kasi dun sa loob. Saka medyo nagkatampuhan kami ni Rahj.” Sagot ko naman sa kanya. Di ko alam kung bakit ko nasabi agad problema ko sa kanya well infact di naman kami close.

“Sorry ulit. Alam ko naman na dahil sakin kaya kayo nag-away. Wag ka mag-alala, mag-sosorry ulit ako” ang sagot naman ni Ceejay sakin.

Naaawa na ako sa kanya. Lagi na lang bukang bibig nya ang mag sorry.

“Wag mo na gawin yun. One sorry is enough for the mistakes you have done. So there’s no need to say sorry many times” ang pagpapaliwag ko sa kanya.

“Salamat pare huh”

“tara, papawis tayo. Volleyball?” tanong nya sakin.

“Marunong ka? Sayang, wala si Rahj dito. Favorite sport namin kasi ang beach volleyball.” Ang sabi ko sa kanya

“oo, player ako sa school namin. Spiker and receiver ang pwesto ko. Minsan setter din but most likely spiker talaga ako” sagot naman ni Ceejay.

“Talaga? Spiker din ako. Si Rahj naman ang dakilang setter ko at blocker pag naglalaro kami.” Sagot naman na na excite ako after ko marinig ang mga sinabi nya.

“haha. So game?”tanong ko sa kanya.

“Game!” agarang sagot naman nya.

At ayun nga, naglaro kami ni Ceejay nang naglaro. Halos hingalin ako, ang galing din pala nya. Syempre di ako papatalo. Siguro almost 2hours kaming naglalaro nun. Di ko na namalayan ang oras kasi tinanggal ko relo ko. After namin maglaro. Nagpahinga na kami. Tiningnan ko muna phone ko kung may nagtext pero wala. Nanibago ako kasi dapat nagtext na sakin si Rahj na umuwi na. Naalala ko na nag-away nga pala kami. So nagpaalam na ako kay Ceejay na balik na kong kwarto. Sinabihan naman nya ako na good luck daw samin at magkabati na daw agad kami.
Pagdating ko nang kwarto, ayun, nakahiga si Rahj, kaya naman nilapitan ko ito. Tulog ata ito sa isip ko. Kaya naman niyugyog ko sya hanggang magising.

“Ano ba?! Natutulog ako eh” ang sigwa sakni ni Rahj. Medyo nagulat ako sa ginawa nyang pagsigaw kaya natahimik ako.

“Galit ka ba sakin?” ang medyo mahina kong tanong sa kanya.

Pero di man lang sya sumagot sa tanong ko. Kaya naman niyakap ko sya kahit na medyo pawisan ako nun dahil na rin sa paglalaro namin nang volleyball ni Ceejay kanina.

“Galit ka ba sakin” ang pag-uulit ko nang tanong.

Tumango naman si Rahj sa tanong ko kaya naman tinanong ko sya..

“nagseselos ka ba sa kanya? Huh?” ang tanong ko sa kanya. Medyo nanlaki naman ang mata nya. Halatang nagulat sa tanong ko. Hindi sya sumagot kaya naman sinabihan ko sya na...

“Okay, pag di ka sumagot, re-rape-in kita. Talaga! And that’s final!” ang medyo malaks kong salita. Finally! Nag salita din.

“Bahala ka kung gusto mo. Basta hindi ako nagseselos!” ang sigaw naman nya.

“Eh bakit ka nagagalit sakin?” ang tanong ko naman sa kanya, balik sa normal kong boses.

“Eh kasi nakita ko kayo, naglalaro nang beach volleyball, eh diba hindi ka naman nakikipaglaro kung kanino na lang. Kaya naman naaasar lang ako kasi feeling close nanaman sya. Talagang may agenda yan satin. Sa iyo!” ang sabi nya.

“Oh eh di inamin mo rin na nagseselos ka. Base naman jan sa sinabi mo, confirm nga.” Sagot ko naman na natawa

“bakit ka naman natatawa huh?! Anong nakakatawa sa sinabi ko!” ang sagot nya na malakas.

“Sarap kasi sa pakiramdam na may nagseselos para sayo. Nakakakilig! Haha” ang sagot ko naman sa kanya habang tawa ako nang tawa.

“Hindi ako nag seselos! I Don’t get jealous! I can’t be jealous! I’ve never been jealous!”

“Ngayon lang!” ang sagot naman ni Rahj.

Naging seryoso ang aking mkuha. Niyakap ko sya kasi kahit na ganun sya sakin ay ramdam ko ang super affection nya para sakin. Gumanti rin sya nang yakap at mas hinigpitan nya.

“Sorry Mahal, hindi ko naman akalain na ganun na lang ang epekto nung pakikipaglaro ko sa kanya, wag ka mag alala. Sayong sayo ako. Buong buo. Walang kahati” sabi ko sa kanya. Alam ko naman na gusto nyang marining ang mga katagang yun mula sakin.

“Sorry din kung naging masyado akong immature. Ganito lang talaga siguro nga pag inlove” ang sagot naman nya.

At ayun na nga. Hinalikan nya ako. Unti unti ay gumaganti na rin ako. Medyo mapusok ang aming naging halikan. Ang aming mga kamay ay naglalakbay sa iba’t ibang parte nang katawan namin. Hanggang sa namalayan ko na lang na naihiga na ako ni Rahj. Inumpisahan na nyang tanggalin ang aking shirt at hinayang suot ko pa ang aking shorts. At sya naman ay ganun din, hinubadan ko na rin,  tinira ko muna ang short nya at nagpatuloy ang aming halikan. Hanggang sa tuluyan na nga kaming nawalan nang saplot. Inumpisahan namin paligayahin ang isa’t isa. Nagpakasasa sa init nang katawan. Pumaibabaw sakin si Rahj at nangyari na ang mga dapat mangyari. Mga halinghing lang ang mapapakinggan mo sa loob nang limang sulok na kwartong iyon. Hanggang sa nakatulog na kami ni Rahj na walang saplot at magkayakap.

Nuong umaga naman ay halos sabay kaming nagising. Nawala sa isip ko na dapat ay kahapon pa kami umalis pero may mga bagay na hindi inaasahan na mangyayari. Sabay kaming tumayo at pumunta sa banya. Nahulog ang aming kumot sa sahig, nagtawanan naman kami dahil hubo’t hubad pa pala kami. Kaya naman nag sabay na lang kaming gumamit nang CR para gawin ang daily routines namin.

Nagpaalam kami kila Manang Lisa at sa iba pang mga staffs nang umuwi na kami.

“Naku Sir, sana po makabalik kayo dito sa Resort, mamimiss namin kayo.” Ang sabi ni Manang Lisa

“Naku, wag po kayong mag-alala. Babalik kami dito pag may free time kami.” Ang sagot naman ni Rahj sabay akbay sakin.

“Pano po, tuloy na po kami. Papasok pa po kami mamayang hapon eh. Salamat po nang marami sa pag-iintindi samin Manang Lisa at sa inyo” pagpapaalam ko naman sa kanila.

Umalis na kami ni Rahj sa Resort. Kung tutuusin, ang haba nang bakasyon namin. Habang nasa expressway kami ay sobrang sweet namin ni Rahj, hawak nang kanang kamay ko ang kaliwang kamay ni Rahj at ang isa ko naman ay nagmamaneho nang sasakyan. Anjan yung titigil kami sa isang reso along expressway para bumili nang pagkain, kape or umihi ay magkahawak kami nang kamay. Kahit may mga taong nakakakita samin ay go lang.

“Sayang naman sila, ang gu-gwapo pa naman” rining namin ni Rahj na sabi nung baklang kung makapag damit ay talo pa sa Lady gaga.

At tuluyan na nga kaming nakarating nang Bahay nila Rahj. Nagpasalamt sila Mama at Papa sakin(Haha. Mama at Papa na po tawag ko sa kanila since request nil sakin yun). Kaya naman tumuloy na ako pauwi sa bahay namin.

Itutuloy...

Author’s note: sana po tandaan nyo yung mga nabanggit na character. Dahil sooner or later ay magbibigay sila nang malaking ambag sa kwentong ito. Yun lang po at maraming salamat.





No comments:

Post a Comment