Monday, January 9, 2012

Ako'y Sayo at Ika'y Akin chapter 4

Salamat po sa mga sumosuporta nang “Ako’y sayo at ika’y sakin” kala ko po talaga ay hindi ito bebenta sa BOL kasi alam ko sa aking sarili na isa lang akong bagito sa larangan nang pagsusulat nang mga ganitong story, maraming mas magandang story ditto sakin pero napili niyong isama itong story ko sa mga binabasa nyo. Wag po kayong mag-alala, mas pagagandahin ko pa po ang kwento nito.

Gusto ko lang din po ipaalam sa inyo nab aka 15 chapters lang itong story ko.Kay

“Love is Life, and if you miss love, then you miss life”

                                    -Mabel and Sheila

==========

Lunes nang umaga, pagkagising ko, nakita ko ang cellphone ko na puno ng messages, alam ko kung kanino galing ang mga text messages na yun.

“Sana hindi ka mailang sakin, i think i’m falling for you” text ni Rahj sakin.

“Hindi naman ako manhid para di ko maramdaman na meron mali sa mga kilos mo nung magkasama tayo, wag ka mag-alala, ganun pa rin ang samahan natin” text ko naman sa kanya.

Hindi na muling nagreply si Rahj sakin. So usual routine nanaman ako. Kain-pasok-uwi-tulog. Mga 4 days din akong ganyan ang routine. Walang Rahj na nagpaparamdam sakin, kahit na sinabihan ko na syang walang pagbabago ang pakikitungo ko sa kanya ay bumabagabag parin sa aking isipin na baka hindi na sya magparamdam nang tuluyan sakin.

Sunod na linggo, nag text sakin sila mama na dadating sila kasama ang mga tita, tito and lolo ko for their follow-up check up. So naglinis naman ako nang bahay. Linis dito, linis don. Nakakapagod talaga maglinis nang 2 floors na apartment. Tapos di ka pa tinutulungan nang kapatid mo na panganay. Hayyy.
Mga 10am, dumating na sila Mama, nakasakay sa white van. So asikaso ko naman sila, ako na lang nagluto at nagayos nang mga dala nila na nakalag sa styro. Hanggang gumabi na, nag-eexpect pa rin ako nang Rahj na magtetext, pero bigo ako.

Kinabukasan, 9am, habang kumakain kami nang breakfast, biglang tumunog cellphone ko.

“James, pupunta ako ngayon jan sa inyo. Papatunayan ko na totoo ako sa sinasabi ko” text ni Rahj.

Napaubo ako nang sobra, parang tanggal baga ang effect nang pag ubo ko.

“Ayos ka lang?” tanong ni mama sakin. “Okay lang ako ma” tugon ko naman sa kanya.

“bakit ka ba nasamid?” tanong ulit ni mama.

“wala po yun, nalunok ko lang po nang di ko pa nangunguya nang ayos tong pagkain ko, hehe” sabi ko sa kanya. Buti madaling bolahin si mama, di tulad ni papa na usisero.

“Sh*t, bakit ngayon pa?!” sabi nang utak ko. “bahala ka na lord sa mangyayari mamaya.” Sabi ko naman sa mahinang boses.

10:30am, nagtext sakin si Rahj.

“Dito na ko DJ station, sunduin mo ko, baka mawala ako” text sakin ni Rahj.

Ako naman tong si tanga, sinundo nga. Nakarating ako sa station nang lrt. “bakit ang gwapo nya lalo? Pinaghandaan nya ba to?” bulong nang isip ko sakin.

Nakasuot si Rahj nang dark blue na polo shirt with matching slim jeans and a pair of blue snickers.

“tara na, every second counts” sabi sakin ni Rahj sabay ngiti na nakakagago          

“ah.. eh, Rahj, wait lang, ano kasi..” sabi ko sa kanya.            

“Ano ba yun? Mahal mo na rin ba ako?! haha” tanong sakin ni Rahj and may halong nakakalokong tawa.

“baliw, kasi andyan sila mama and mga tita ko, Please do me a favour. Don’t act like you are my lover in front of them, for sure, baka ikaw ay madamay pag nalaman nila, please” sabi ko kay Rahj.

“what’s wrong with it? Kinhihiya mo ba ako? Bakit? Masama ba na mahalin kita?!” sabi ni Rahj habang nag aabang kami ng jeep pauwi.

“hindi naman sa ganun, ayaw lang kita mapahamak, basta! Maiintindihan mo din ako” sabi ko sa kanya.

Hindi na lang sya nagsalita pang ulit. Tumahimik na lang sya hanggang makarating kami sa bahay. Pag pasok namen, kita sa mga mata nila mama ang gulat na may kasama akong lalake na bago sa paningin nila. Hindi naman kasi ako nagdadala ng kakilala sa bahay, wala naman kasi akong dinadala sa min. Ang masama pa nito, lalaki and dinala ko. Pagpasok namin, bumati agad si Rahj kila mama.

“Hello po, magandang umaga po. Ako po pala si Rahj, ahm, ano ni James, friend po nya. Hehe” sabi nya kila mama.

Natawa na lang ako sa palusot nya and at the same time, nangangamba kung ano maging reaction nila. Basta, bahala na si batman.
“good morning din hijo, bakit ka pala napsyal dito samin, alam mo bang ikaw palang naisama nyang si James dito sa apartment namin” sabi ni mama.

“may lakad po sana kami ni James eh nandito po pala kayo kaya sa sunod na lang po” sabi ni Rahj habang nagkakamot ng ulo.

“naku, pasensya ka na at naistorbo namin ang lakad ninyo nyang anak ko” sabi ulit ni mama sabay balik sakin ng tingin ni mama sa mga mata ko. Agad naman akong ngumiti para wag na lang maghinala.

Agad nagkapalagayan ng loob sila mama and tita kay Rahj. Samin narin nag tanghalian at hapunan si kupal.

Tulog na sila mama nang ihatid ko si Rahj sa sakayan sa Lawton. Habang naglalakad kami, hinawakan nya ang kaliwang kamay ko saka nilagay sa bulsa nang jacket nya.


“dito muna kamay mo, namimiss ko nang hawakan, di ko nga nahawakan yan nung nasa inyo ako eh” sabi ni Rahj sabay ngiti. Nakakatunaw talaga ngiti nya, nakakaasar. Ngumiti na lang ako sa kanya at hindi na lang pumalag kasi wala naming tao na at kami na lang ang naglalakad. Parang tanga lang eh, noh?

Bago pa man makasakay si Rahj nang bus pauwi, hinalikan nya ako sa noo sabay sabing, “maghihintay ako sayo James sa sagot mo. Tandaan mo yan” at natawa ako sa sinabi nya, kahit kalian talaga napaka-mais nya.

The next day, wala sila mama, nasa doctor and usual routine ako. Habang papasok ako sa gate nang school, nakita ko mga friends ko, nag-aabang.

“good morning! Musta tulog? Inggit ako sa halik mo sa noo huh, sya na ba yung si Mr. Right mo?” ang agad na bungad sakin ni Mabel.
“Anong ibig mong sabihin huh?” sabi ko.

“Friend, nakita ka namin kagabi no sa Lawton. At huwag mong itatanggi na hinalikan ka nya sa noo kundi ingu-ngudngud kita sa pader” sabi ni Sheila sakin.

Hindi na lang ako umimik, namula ako, kasi nakita nila pala nila ako at si Rahj. Papakilala ko din naman sila sa kanya kapag settle na lahat. I don’t rush things around me. Yan ang motto ko sa buhay.

Nakalipas ang 4 days. May kumatok sa bahay. Pag bukas ko nakita ko si Rahj, nabigla ako kasi wala man lang pasabi and may dalang white rose, yung thornless. Napangiti na lang ako kasi isa yun sa mga dream ko na may magbibigay ng isang thornless white rose sakin, kapag nangyari yun, sa kanya lang ako ng buong-buo talaga. Napatunayan ko nang mahal ko na nga ata siya, sa loob nang 2 months nyang panliligaw sakin, ngayon ko lang napatunayan. Pinatuloy ko sya sa loob.

“kumusta ka na? Na miss kita, di kasi ako makaalis nang bahay kasi nakabantay sila mama sakin, alam mo kasi, alam na nila ang lahat satin, nung una, sobra silang nagalit sakin, kahit si kuya at papa ay napagbuhatan ako nang kamay. Naiintindihan ko naman sila. Pinaglaban kita at inexplain ko sa kanila na malaki ang naging ambag mo sa pagmature ko and pagpaparealize nang mga bagay-bagay na hindi ko dati naisip” panimula sakin ni Rahj. Hindi agad ako nakasagot sa pangangamusta nya sakin. Kasi nagulat ako sa sinabi nya na pinaglaban nya ako, ganun pala talaga nya ako kamahal, kahit ano hahamakin lang para mapatunayang mahal nya ako. Samantalang ako hindi ko pa nasisisgurado na mahal ko talaga sya nang buo.

“Naiintindihan ko kung yan ang magiging reaction mo sa mga sinabi ko, pero gusto ko lang sabihin sayo na mahal kita ng sobra, hindi ko na alam kung ano ang gagawin pag nawala ka. Oo nga pala, gusto ka ma-meet nila mama, gusto na daw nilang ma-meet ang future son-in-law nila if ever na sagutin mo daw ako” ang nakangiting sabi ni Rahj sakin.

“salamat sa pagtitiyaga mo sakin, basta malapit ko nang sabihin sayo kung ano ang magiging sagot ko, konting tiis na lang” sabi ko sa kanya.

Dito ko nalang sa bahay pinag-almusal si Rahj. Nagluto ako ng favourite nya na sinigang na baboy at marinated fried bangus.

“parang bahay-bahayan lang no?” nakangiting sabi ni Rahj sakin.

Natawa na lang ako sa sinabi nya.        


After naming kumain ay nanunuod muna kami ng pelikula then natulog. Sabay sa pagtulog namin ay ang malaks na ulan at hangin. Niyakap ako ni Rahj para hindi ginawin. Tumagilid na lang ako sa kanya para hindi ako maasiwa sa kanya.

Naalimpungatan na lang ako nang may humahalik sa batok ko and parang may tumutusok sa may pwet ko. Alam ko kung sino yun pero patay malisya na lang akong nagtulog-tulugan. Hinarap nya ako sa kanya at sabay sabing...

“Sana malaman ko na agad ang sagot mo para hindi mahuli ang lahat” isang makahulugang mga salita ang binitawan ni Rahj sakin. Kita ko sa kanyang mga mata ang pamumuo ng mga luha at pumatak sa aking pisngi.

Napa-isip ako nang sobra sa mga katagang binitiwan nya habang “tulog” pa ako.

 “alam ko naman na gising ka na, hindi na ako makapghintay pa James, kelan mo ba ako sasagutin?” sabi ni Rahj sakin sabay halik sa labi ko. Very passionate kiss ang iginawad nya sakin. Hindi ko namalayan na gumaganti na pala ako sa paghalik nya sakin. Bigla syang tumigil sa paghalik at sinabing

“Ibig bang sabihin nito tayo?”

“oo” ang maikli kong sagot sa kanya.
“ANO?!” ang malakas na sabi sakin ni Rahj.

“wala akong sinasabi, bahala ka jan” sabi ko and sabay tayo.  Hindi pa man ako ganap na nakakatayo pero nagsalita ulit sya.

“totoo ba ang narinig ko? Tayo na?” ang sabi nya sakin.

Lumingon na lang ako at ngumiti tanda nang pagsang-ayon.

Agad akong niyakap ni Rahj and hinalikan ulit sa labi, this time super passionate kiss, padampi-dampi sa labi ko ang labi nya sakin. Ang saya nang araw kong iyon. Hindi ko aakalain na may magiging boyfriend ako at 2 years ang gap namin.

Nakatulog ulit kami na magkayakap at pasado alas sais y medya na nang magising ako, wala na si Rahj sa tabi ko. Nakaamoy ako nang isang mabangong niluluto kaya naman agad akong bumaba at nakita ko nga si Rahj na nagluluto nang paborito kong Pinakbet. Pinagsaluhan naming ang niluto nyang pinakbet. Magaling din palang magluto sig ago, pwede na talaga kaming mag-bahay-bahayan. Haha. Yan na lang ang nasabi ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang maamong mukha nya na nuo’y napatingin sakin.

“ano tinitingin-tingin mo? May dumi ba ako sa mukha?” ang nakangiting sabi sakin ni Rahj.

“wala naman, may iniisip lang ako” sabi ko sa kanya.           

“ano naman iniisip mo huh, aber?” sabi ni Rahj.

“wala nga diba, ang kulit” sabi k okay Rahj.

Hindi na muli syang nangulit pa at tumuloy na lang kami sa pagkain. Tulong din kami sa pagliligpit nang mga pinaglutuan at pinagkainan namin.

“James, salamat sa lahat, kahit anong man mangyari, mahal na mahal kita. At salamat din dahil tayo na, boyfriend na kita. Pangako ko hinding hindi kita sasaktan at iiwan, ipaglalaban kita sa mga mapnghusgang mata ng lipunan” sabi sakin ni Rahj nang papasok na sya ng CR para mag-ayos dahil uuwi na sya.

“Salamat din Rahj, pangako, pipilitin ko ang aking sarili na maibigay lahat sayo ang mga pangangailangan mo sa buhay. Salamat sa pagmamahal na ibinibigay mo sakin” sabi ko sa kanya. Hinalikan ko sya sa noo at pumasok na nga sya sa CR.

Alam ko sa aking sarili na hindi ko maibibigay ang lahat para sa kanya katulad nang anak na pwedeng maibigay nang isang babae pero kaya kong ibigay sa kanya lahat-lahat nang buong-buo, walang kahati, yan ang paninigurado ko sa kanya.

Hinatid ko na nga si Rahj sa sakayan ng bus sa Lawton, habang naghihintay kami, di mapigilian ni Rahj ang pagiging pilyo, nandyan ang ninanakawan ako ng halik, yayakap sakin oh kaya ay hihipan nya ang aking tenga na isa sa mga kiliti ko.

“ano ba, ang pilyo mo huh, pag may nakakita satin ditto baka isipin nila na... na... mag boyfriend tayo” ang putol putol kong sabi nang maalala ko na mag boyfriend na nga pala kami. Hindi naman ganun sana ang sasabihin ko pero yun ang sinabi nang bibig ko(sisihin ba naman ang bibig ko).

Tumahimik bigla si Rahj nang margining ang mga binitiwan kong salita, maging ako ay napatahimik, hindi pa man nakaka isang araw ay nagkaron agad sya nang tampo sakin. Hindi ko naman kasi sinasadya na masabi sa kanya yun.

Para syang nagpout at ang nakalabas ay yung ibabang labi lang nya saka tumingin sakin.

Natawa naman ako sa kanya, kala ko seryoso si kumag sa pagtatampo nya sakin. Nilapitan ko sya at sinabing.

“pasensya ka na, nawala lang sa isip ko na mag boyfriend nap ala tayo” sabi ko sa kanya at dinampian ko sya nang isang halik sa labi para mawala na ang tampu-tampuhan nya sakin.

Sumilay agad ang ngiti ni Rahj na nakakatunaw at saka nagsalitang,           

“may nakatingin na satin oh, masyado na tayong sikat, paparating na rin pala yun bus, sige aalis na ko” ang nakangiting sabi sakin ni Rahj matapos maghinang ang aming mga labi.

Natawa na lang ako nang lingunin ko ang tinutukoy ni Rahj, grupo nang mga bading na super ladlad, at kung makapag shorts ay talo pa ang mga tunay na babae, talagang short shorts. Mini kung mini. Nginitian ko na lang sila at saka nagpaalam kay Rahj.

Bago pa man sya umalis ay sinabi nya ang three magical words na “I LOVE YOU”

Ngumiti na lang ako sa kanya at kumaway saka hinintay na makaalis ang bus at maglaho na sa paningin ko.

Lumapit sakin ang grupo nang mga bading saka sila nagsalitang lahat na

“ang swerte mo naman sa kanya, gwapo na nga mabait at thoughtful pa” sabi nila.

“salamat sa papuri, wag kayong mag-alala, makakahanap din kayo nang para sa inyo” sabi ko naman sa kanila

Umuwi na nga ako sa bahay, hindi pa rin maalis sa akin ang mga ngiting kanina pa nakatatak sa labi ko. Parang tanga lang akong ngingiti-ngiti habang nasa jeep. Pati nga mga pasahero nakatingin na rin sakin. Haha.


Itutuloy...


No comments:

Post a Comment