“Alam kong mali magmahal ng kapwa mo, pero hindi naman sinabing bawal eh”
-James
Mas lalo kong nakikilala si Rahj kapag nag-uusap kami sa fb or sa text. Makulit din pala sya. Mahaba ang pasensya, pero kahit ganun, kapag nagtampo parang ang hirap suyuin.
Tinext ko yung classmate ko na si Joriz kasi alam ko madami ako makukuha pang impormasyon tungkol kay Rahj.
Joana Rizza Nieva or Joriz, isa syang mabait na kaibigang babae. Classmates kami since elementary hanggang high school. Lagi kami magkalaban sa math contest kasi di alam sino papadala samin sa contest. Sa Cavite din sya nag-aaral ng Industrial Engineering sa DLSU.
“friend, James to. Ahhmmm.. may nakachat kasi sa Fb. Rahj is his name. Mabait sya and gwapo, As in. I guaranteed that to you. Ang three weeks na rin kami magkakilala. Meeting place namin sa MoA pero magsasabay kami punta dun sa Doroteo Jose station lrt 1. Any advice from an expert on what to wear? What to say while nagta-travel? Alam mo naman na wala akong experience sa mga ganun and first time ko ‘to.” Text ko kay Joriz.
Buti agad sya nagreply, kasi di talaga ako mapakali sa kakaisip on what to wear and pano ko sya iaaproach. “Friend, be yourself lang naman ang sagot sa tanong mo eh.” Reply nya sakin.
“huh? Naguluhan ako bigla. I’m me. I’m being myself. Alam mo yan. Ano ba maganda suotin? Sabi nya kasi baka mag Red shirt sya na may nakaprint daw. Basta cute daw nakasulat” text ko ulit sa kanya.
“Okay sabi mo. Ahhmm.. try mo rin mag red shirt or polo na chequered na may halong black para lumitaw lalo kagwapuhan mo, haha. Or Red shirt na nga lang pero semi-fit huh para discreet looking. Joke. But I suggest yung polo.” Reply sakin nya. Asarin ba naman ako.
“huh, oo meron ako nyang mga sinasabi mo. So i’ll wear black jeans and a white shoes. Okay na ba yun? Kinakabahan ako. Sobra. Haha” reply ko ulit.
“sige. Oo maganda yan. Haha. I’ll open your fb account huh para Makita ko tong si Mr. Rahj, okay, good luck. Always remember yung mga rules sa first date, no spaghetti and chicken on the first date.” Reply nya sakin with matching paalala.
“Baliw, di to date. Ano ba. Saka makikipag meet lang sya sakin kasi babawi ako sa kanya kasi nagtampo sakin dati” sabi ko. Pero deep inside. “James, ano ba pinagsasabi mo, di ka pupunta dito kung di mo gusto, di mo sya makilala pa deeper, tanga mo talaga. Kanino ka ba nagmana?!” sabi sakin nang nakaka-asar kong isipan.
“sabi mo eh. Basta good luck huh” sabi nya. “sige ligo muna ako huh, maya na kita update sa mga nangyari” reply ko agad.
Time check, 12:30 pm. 1 hour and 30 minutes na lang 1:30pm na. Ligo agad ako, suot ng damit. Papogi ang lolo. Ahit si bigote, bunot si balahibong pusa sa baba.
Time check 1pm. “buti na lang maaga pa” sabi ko sa sarili.
“Kuya, nakasakay na ko nang bus. Sa Lawton ako baba then diretso na ko Doroteo Jose” text ni Rahj sakin aroung 12pm
“Sige, ingat ka. Wait kita sa may escalator huh” text ko sa kanya.
Dumating na nga yong oras nang pag mi-meet namin.
“maaga pa pala, buti di aka late” sabi ko sa sarili ko.
Biglang may tumapik sa likod. “Ah.. eh”. Yun lang nasabi ko, natameme ako sa nakita ko. Isang Rahj ang nakita ko. Gwapo pala sobra sa personal. Nakita ko nanaman yung mga mata nya pero this time parang ang sinasabi naman ay “I’m happy to see you po.” Bumalik na lang ako sa ulirat ko nang mag salita sya,
“Ah, Hello? Kuya? Dito na ko. Hooyyyy!” sabi nya sakin. Nakakahiya, biglang bumibilis ulit tibok ng puso ko.
“oh, kanina ka pa dito? Parang ang aga mo naman ata.” Sabi ko sa kanya
“Hindi, karating ko lang, muntik na nga ako mag round trip eh, buti na lang napansin ko na nandito nasa Doroteo Jose na pala ako. Tara! Excited na ko” sabi ni Rahj na nakangiti. Hinatak nya kamay ko, walang paki alam sa mga nakakakita kita samin.
“sayang naman sila oh, ang gwapo, lalo na yung naka shirt, parang artista lang” sabi nung ticketing officer sa lrt ng makabili kami ng ticket.
Di ko na lang sya pinansin. Buti hindi siksikan nang sumakay kami.
“kuya dito ka upo, ako na lang tatayo” sabi nya sakin.
“Kakahiya naman sayo, ikaw na lang ang umupo, alam ko naman na medyo mahaba yung nilakad mo kasi hinihingal ka kanina nung dumating” sabi ko sa kanya.
“ikaw na lang kuya, magtatampo ako sayo nyan eh, remember, may atraso ka sa kin kaya sunod ka nalang para di ako magalit sayo.” Sabi ni Rahj. Di na nga lang ako nagpilit pa.
Habang naka-upo ako, nakikita ko sa peripheral view ko na nakatingin sakin si Rahj, i starred him back, di man lang sya natinag. Ako na rin ang umiwas sa pagtingin sa kanya. Natawa naman sya sakin. Di ko na lang pinansin kasi baka nantri-trip lang.
Nang malapit na kami sa Vicente Cruz Station, biglang bumuhos ang malaks na ulan. Dumami ang kumpulan ng mga taong naghihintay sa Station. Tumayo na lang ako nang magpasukan na yung ibang mga passengers. Nakita ko si Rahj na nasasagi na ng ibang mga pasahero.
“Ate grabe ka naman makasagi dito sa kasama ko, walang sorry?” sabi ko dun sa nakasagi ng malakas kay Rahj, napansin ko kasi na halos matumba sya.
“Sorry po.” Paghingi nang paumanhin ni Ate.
Hinatak ko si Rahj sakin, sa harapan ko, magkadikit ang aming mga katawan, dibdib sa dibdib, tuhod sa tuhod, nagkatinginan kaming dalawa, parang may dumaloy na kuryente saming dalawa, napatawa na lang kami sa ganuong set up. Sa loob ko naman, “ano ba tong pakiramdam na to, parang kakaiba, ang saya ay parang di ko mapaliwanag” sabi ng utak ko sakin. “May gusto ba ko sa kanya?” sabi ko sa sarili ko. Nangiti na lang ako sa nangyaring yun.
Dumating na nga kami ng MoA, agad kaming pumunta muna sa Starbucks para makapag snack.
“hay, ang mahal nang kape dito huh.” Mahina kong sabi. Napankinggan pala ni Rahj ang sinabi ko.
“Don’t worry, treat ko naman diba?” sabi ni Rahj sakin.
“Hindi, kakahiya naman sayo, mas matanda ako sayo nang 2 years kaya ako dapat manlibre. Ako na lang magbabayad nitong binili ko, maya mo na lang ako i-treat, Okay? Pumayag ka na lang.” Sabi ko sa kanya at pinakita kong dominating ako sa kanya.
Wala na ring nagawa si Rahj.
Natapos kaming mag-snack and agad kaming pumunta sa may iMax, Nanuod kami nun nang New Moon(sa pagkakatanda ko, yun yung pinanuod namin). While watching the show, napansin ko na kinuha ni Rahj yung phone nya, nagtype sya ng messages, pinabasa nya sakin, nagulat naman ako dun sa naka type sa phone nya, di ako makapaniwala sa gusting manyari nya.
“Kuya, pwede ko ba hawakan kamay mo? Nanlalamig na kasi kamay ko, di ko na kaya.” Sabi ni Rahj sakin.
“Huh? Ah.. eh, sige” pagsang-ayon ko na lang sa kanya.
At ganun nga ang naging set up namin sa loob ng sinehan. Kanang kamay ko na nakahawak sa kaliwang kamay then nakahawak yung kanang kamay nya sa kamay ko. Parehas pala nanlalamig.
Pagkatapos naming manuod, lumabas na kami, ganun pa rin, magkahawak kamay. Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Una ako kumalas sa pagkakawak sa pagkahiya na naramdaman ko. Tumingin sa sakin sabay sabing,
“S-sorry kuya” sabi ni Rahj na napahiya.
“Okay lang” sabi ko naman sa kanya.
Umakbay na lang ako sa kanya papalabas nang tuluyan sa sinehan.
Habang naglalakad kami. Nakaramdam ako ng gutom, feeling ko naramdaman na rin ni Rahj ang gutom, niyaya nya ako kumain sa Max’s Restaurant. Ang formal masyado nang taong ito, yan ang nasabi ko sa sarili ko.
Nagpaalam sya sakin na magsi-CR lang daw sya after naming umorder nang pagkain.
Pagkalabas nya, dun ko palang nakita ang buong sya. Ang gwapo nya sa suot nyang may pagka Red mixed with Carnation Pink na V-necked shirt. And may nakaprint na “I want myself to be your lover” na may nakaturong arrow sa kaliwa nya. Kaya pala sabi nya sakin nung magkita kami ay sa kaliwa lang nya ako lagi pupuwesto. Then naka black jeans din na fitted in the sense na hindi badingin yung pagka fit sa kanya and white shoes. “May hidden agenda tong mokong na to ata ah.” Sabi ko sa sarili ko.
“Baka naman matunaw ako sa pagkakatitig mo Kuya” sabi nya sakin na may halong nakakalokong tawa.
“Huh? Hindi, ngayon ko lang kasi napansin yung buong ikaw, may appeal ka pala” sabi nang aking malanding bibig. Kahit ako, nagulat sa nasabi ko, parang bigla na lang bumuka nang sarili, parang may buhay nang kanya.
“Thanks kuya, kaw din naman eh, ang gwapo mo kaya” sabi nya sakin. Bigla naman akong nagblush, yumuko na lang ako para di nya mahalata.
After naming mag dinner, dumiretso kami sa may lobby, dun sa part na hindi naka air conditioned ang lugar. Umupo kami dun sa gilid. Dun sa parteng konti lang ang tao. Nag usap muna kami tungkol sa buhay-buhay naming hanggang sa napunta yung topic namin sa lovelife namin.
“Kuya, pano pala if may friend ka na unti-unting nafo-fall na para sayo, and hindi kayang sabihin pero naipapakita mo thru actions?” ang makahulugang tanong nya sakin.
“Huh, okay lang, pero hanggang friendship lang ang maibibigay ko sa kanya, ayoko masira friendship namin dahil lang dun. Bakit mo pala natanong?” sabi ko sa kanya.
“wala naman po, kasi parang ang bigat kasi sa feeling kapag ganun, nareject ka agad kahit di mo pa nasasabi eh.” Sabi ni Rahj sakin.
“Eh sino ba tong tinutukoy mo huh? Pwede ko ba sya makilala?” sabi ko naman sa kanya.
“Ah, eh... Kasi.... po.. si...” sabi nya nang biglang nagpatugtug nang malaks ang mall. Kasabay nun ay fireworks sa itaas. Manghang-mangha ako sa nakita ko. Di ko na napakinggan yung tinutukoy ni Rahj kung sino ito. Nawala rin sa isip ko kung sino yun. Basta alam ko nag enjoy ako sa kakapanuod nang 10 minutes fireworks show.
Natapos na ang show, nawala si Rahj sa tabi ko. Nagulat ako, kinabahan, nag-aalala. Di ko alam kung san hahanapin sya. Biglang bumilis ang tibok nang puso ko. OA na kung OA pero bigla akong nalungkot, nangamba na baka iniwan na nya ako, baka nagtampo na sakin. Umupo ako sa bench, nakayuko, nag iisip kung ano gagawin ko. Nang biglang may nagsalita.
“Kuya, ice cream oh.” Sabi sakin nang isang pamilyar na bose. Agad kong nilingon. Si Rahj, may dalang drumsticks. Agad ko syang nayakap. Nabigla man ako at sya sa nangyari ay hindi ko na pinansin yung pakiramdam na baka pagtinginan kami nang mga tao. Ang mahalaga na nakita ko ulit sya.
“saan ka ba galing?!” tanong ko sa kanya na medyo napalakas, may halong galit.
“huh, diba nagpa-alam ako sayo na may bibilhin lang. Kala ko narinig mo” sabi ni Rahj sakin.
“Talaga? Wala ka naming sinabi ah. Anyways, wag mo kong iiwan, hindi ko alam gagawin ko pag nawala ka” sabi ko sa kanya.
“Kuya, ah,, eh, Nakatingin na sila oh.” Sabi ni Rahj na sa tonong iyon ay bakas ang pagkapahiya.
Agad akong kumalas, nagpa umanhin, pero di kami umalis, mas masarap yung ambiance dun kasya sa loob. Kinain naming yung dala. Masaya kaming nagkwentuhan. Hanggang sa naalala ko na hindi nya sinabi sakin kung sino yung tinutukoy nya na kaibigan nya.
“Rahj, sino nga pala yun tinutukoy mo kanina? Yung kaibgan na nafo-fall?” tanong ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mala-singkit na mata ni Rahj,
“huh!, eh wala yun kuya, don’t mind it, kalimutan mo na lang yung mga yun” sabi nya sakin
Di na lang ako nagpilit na sabihin nya sakin kung sino ba yung tinutukoy nya.
Napagdesisyonan namin na umuwi, total, 9pm narin. Sumakay ulit kaming Lrt patungong Doroteo Jose.
This time, parehas na kaming nakaupo.
“Kuya, pwedeng sumandal sa balikat mo, antok na ko eh” pagpapaalam niya sakin.
“Sige, go. Okay lang” nag okay lang ako sa kanya since hindi narin sya iba sakin. Again sya ang bago kong pulot na kapatid. PERO KAPATID NGA LANG BA TALAGA? Kasi naguguluhan narin ako sa feeling ko, hindi ko alam kung tama ba tong ginagawa namin. Dalawang lalaki, nagholding hands, nagyakapan nang matagal and ngayon nakahiga sya sa balikat ko na parang babae. Ah ewan.
Di ko na Malayan na nakatulog din pala ako, nakahilig ang ulo ko sa ulo nya.
Unfortunately...
“Boy, boy” panggising sakin nung mga lalaking hindi ko agad maaninag. Nang magclear ang paningi ko, sila manong guards na pala.
“Bakit po? Asan po kami?” bungad kong tanong sa kanila.
“Huh, eh andito na kayo sa terminal nang monumento, nakita namin kayo nang inspectionin naming itong train” sabi ni manong guard.
“Ah eh sorry po sa abala, nakatulog po pala kami nang kasama ko” pagpapaumanhin ko.
Tiningnan ko si Rahj, tulog parin, ginising ko na, niyaya ko na lang na magtaxi kami para ihatid sya sa Lawton para makasakay nang bus papuntang Cavite. 9:45pm na rin. Nasa labas pa kami, gumagala. Tae talaga.
Nang makarating na kami sa Lawton, dun kami bumababa sa may waiting shed. Nag aabang nang masasakyan ni Rahj na bus pauwi.
“kuya, ikaw yong tinutukoy ko kanina, alam ko baka mailing ka na sakin, pero sana hindi. Nung araw na minessage kita sa fb, nagkagusto na ko sayo, ang bait mo kasi, hindi ka naiilang makipag usap kahit na lalaki pa ako.” Sabi sakin ni Rahj.
“Wag ka nga magbiro jan, baka maniwala ako” sambit ko naman na nakatawa. Pero wa effect eh.
Di sya natinang, seryoso parin ang mukha.
“Di ako nagjojoke kuya, I like you and I hope ganun ka din sakin” sabi nya sakin.
Di ako nakaimik, di ko alam ang sasabihin ko, di ko alam if tatalon ako sa sobrang saya, magagalit kasi lalaki sya, at lalaki din ako.
“Alam mo, hindi natin kontrolado ang ating puso na kung kanino ito titibok na kakaiba. Tama sila, mali ang magmahal nang kapwa mo pero rule lang yan nang lipunan, walang sinabi ang Diyos na bawal magmahal nang kapwa eh” salitang nabitiwan ko. Bigla akong ngumiti.
Nangilid ang luha ni Rahj.
Di na lang sya nagsalita, biglang may tumigil na bus sa tabi nang shed, sumakay na sya. Hindi na nagpaalam. Alam ko napasaya ko sya dun sa sinabi ko.
Umuwi na rin ako nang bahay. Time check 10:30pm, buti dalawa lang kami ni Kuya sa apartment namin. Diretso agad ako sa kwarto ko. Naligo, nagtoothbrush and nagpalit ng boxers shorts and sando. Natulog ako nang nakangiti na hindi mo maipaliwanang. Natatawa ako sa sarili. Parang tanga pag naalala yung nangyari kanina.
“I think, he triggered the sleeping me, the real me, the person that I’m trying to hide from the eyes of those judgemental society. I really don’t care what they say, they are not the one feeding me, dressing me, supporting me for what i want and loving me. I think, I found my only wish to love and be loved which is in the person of Rahj, I GUESS?” sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa sementong kisame ng kwarto ko.
Sa kwarto ni Rahj...
“Tama ba yung ginawa ko? Tama si Kuya, masamang magmahal nang kapwa pero walang sinabi na bawal, I guess I’m starting to love him deeper” sabi ni Rahj.
“Kelangan ko na ipakita sa kanya ang totoong emotions ko sa kanya, and pag nagpakita sya nang motibo sakin, hahalikan ko talaga sya” Rahj again.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment