One More chance: Chapter 1
Kapag umibig ka pala, di mo kelangan na ibigay pala ang lahat-lahat hanggang wala nang natira para sayo, kelangan mo rin ibigin ang sarili para sa mga pagsubok na dadaan sayo/sa inyo ng minahal mo. Kelangan ang pagtititwala at pagiging matatag sa bawat challenges na kaharapin nyo. Yan ang sabi sakin ng mga classmates ko nung nag-aaral pa ako.
Hi, good day, my name is James, isa na po akong CPA dito sa ating bansa and currently working sa isa sa pinakamalaking Accounting Firm dito sa Pilipinas. Actually, I’m getting married this December 15, 2010 with my one and only love-Rahj. Yes, tama po kayo ng nabasa, we’re a bi couple and hindi biro ang aming piinagdaanan sa buhay hanggang makarating kami sa kinatatayuan namin ngayon.
Ito nga po ang naging storya ng pagmamahalan namin...
Lunes ng umaga, naghihintay ako sa corridor ng aming eskwelahan ng biglang pumasok sa isip ko na kuting-tingin yung phone ko. Buti na lang pwedeng mag net kaya makakapg fb ako. While browsing my account, biglang may nagmessage sakin,
“hi, pwd ba tayong magng frnds, nabo-bore kasi ako dito sa bahay and i saw u ol?” sabi ng lalaki sakin sa fb.
Hindi ko naman pinansin kasi i’m just checking if merong notifications mula sa group namin and also wala ako sa mood magtype ng messages to reply him.
I just ignored him and pumasok na ko sa room namin.
Uwian na and dali-dali na kong lumabas ng room kasi for sure, yayayain ako nila Pichay, Sheila and Mabel na mag mall---lagi naman naming ginagawa dun ay go to food court->sinehan->tambay sa may hagdan->then boy/girl/jowa watching with matching pula sa kanila. Nakakasawa narin minsan kasi ang totoo naiinggit ako pag nakakakita ng mga maggirlfriend/boyfriend sa mall.
Pichay ang tawag namin sa kanya cute kas ng surname, he’s a gay and open-minded sya. Noong una ayaw ko sa kanya kasi medyo naaartehan ako sa kanya pero nung mga panahon na lagi nalang ako niloloko ng mga classmates ko na bading, pinagtanggol ako nya and dun nagsimula yung friendship namin. Siguro mga 5’3 height nya, sakto lang yung ilong, red lips, black eyes and yung katawan ay medyo may curves kasi naman nagpapapayat.
Sheila Joyce or Quinzon/Sheila ang tawag namin sa kanya, isa sa mga henyo ng accounting, makulit and mabait. Her height is around 4’11, sexy and cute ung mga eyes. Madaldal din sya medyo kaya naman lage kami magkakwentuhan pag walang prof naming. Kasama kami pag umuuwi kasi malapit lang house naming sa kanya.
Mabel or Mabelita, siya pinaka close ko, mabait, cute, medyo payat, 5’1 ang height, flat-chested pero may ibubuga sa kantahan kahit payat.
Oo nga pala, di pa ko nagpapakilala
I’m Justin James Castillo, currently 3rd year college sa isang unibersidad sa maynila na sikat pagdating sa Accountancy/Pagtutuos. Galing sa isang pamilya na may kaya sa buhay. Hindi man spoiled pero nakukuha ko ang mga gusto ko gaya ng mga cellphones, laptops and extra allowances basta pinapakita ko sa kanila na matataas ang mga grades ko. Lahat sakin, before ko makuha ang isang bagay, kelangan may kapalit. Ewan ko bas a kanila pero ganun nila ako pinalaki. 5’5 and height, matangos ang ilong, nice lips, athletic ang build ng katawan pero napapabayaan ko na habang nag-aaral ngayong college.
“ano ba yan, di ka sasama, ano ba kasi gagawin mo sa inyo. For sure mabobore ka nanaman” sabi ni Mabel.
“hindi, okay lang ako, tinatamad lang talaga ako, saka masakit ulo. Kelangan ko lang siguro ito itulog” sabi ko sa kanila.
To make it short, mag-isa lang ako umuwi. Hindi na lang ako nag jeep kasi for sure, aatakihin ako ng sinusitis ko sa sobrang alikabok. Nag tricycle na lang ako pauwi.
Pagkadating ko sa bahay. Agad akong nagstart iopen yung laptop ko then facebook account.
“Grabe naman to, ang daming messages sakin, i flood ba naman” sabi ko sa sarili ko habang nag che-check ng messages ko na unread.
Then nagpopout yung chatbox saying “hi po, pwedeng makipag friend?” sabi nanaman nung lalaki na kaninang nag message sakin sa fb.
“Yup, pwede naman. Di naman ako nangangain ng tao eh” sabi ko sa kanya
“thanks po, To start with this conversation. My name is Chris Rahj Manalo, 16 years old and a 4th year high school student dito sa Cavite.” Sabi ni Rahj sakin na may halong pormal na pananalita.
“Wow, napaka-formal naman ng pagpapakila mo sakin. Anyways, I’m Justine James Castillo, 18 years old. Currently taking up BS Accountancy. Nice meeting you.” Pagpapakilala ko sa sarili.
“Pwede kuya na lang tawag ko sayo? kasi sarap po sa feeling na may tawaging kuya eh” sabi nya sakin after a little conversations namin.
“haha. Pwedeng-pwede naman. Okay lang. So baby brother na kita huh” sabi ko sa kanya.
“Sige po. Ahm, so kuya, may girlfriend ka na po ba? Ako kasi never pa nagkakaroon, torpe siguro ako. And parang di po kasi ako na-aattract sa babae masyado. Ewan, pero 3 times palang po kasi ako nagkaro’n nang feeling na attraction sa babae and friends pa kami so di na ako tumutuloy sa level na magmahal, baka masira friendship naming” sabi nya sakin na parang nang-uusisa.
“haha. Same lang tayo. Ano ka ba. Never been kissed, never been touched ako” sabi ko sa kanya habang tumatawa ako sa pagta-type. Nangilabot agad yung feeling ko kasi, ang gwapo nya nung iniscan ko yung profile nya tapos wala pang gf. “Bakla ba to?” sabi ko sa sarili ko. Then nag click ako ng isang pic nya.
Namangha ako sa picture nya hindi dahil sa mukha nya pero sa mga mata nya na parang nangungusap at sinasabing “napakalungkot ko na, parang hindi ko na kakayanin pa ang mabuhay”. Na-habag naman ako bago sa nakita ko sa picture nya. Nakadama ako ng isang sensasyon na bago sa pakiramdam ko. At the same time, naawa ako sa kanya.
“talaga po kuya? Haha. Walang joke kuya pero gwapo ka din eh. Parang di ka nga pinoy sa picture mo eh tapos wala ka pang gf. What the!” sabi nya sakin na nagpabalik sa ulirat ko habang tinititigan ko picture nya. Natawa naman ako sa sinabi nya. Sya palang unang nagsabi sakin na na parang di daw ako pinoy sa looks ko.
“wag mo nga ako biruin, baka maniwala ako sayo huh” sabi ko sa kanya.
“ahm kuya, baka naman pwedeng mag meet tayo, MoA, treat ko. This coming Saturday. Wag ka mag-alala. Pwede po ba?” sabi ni Rahj sakin.
“Huh? Eh di ako pwede, may klase ako. And besides. Di ako masyado marunong pumunta dun. Di ko gamay kung pano pumunta dun eh” sabi ko sa kanya. Pero deep-in-side, parang gusto ko din na ayaw ko. Gusto ko sya makilala pero parang ayaw ko kasi baka pinatritripan lang nya ako.
“Sure ka kuya? Kasi alam mo bored na bored na ko dito samin. School-Bahay lang ang routine ko” sabi nya sakin na may tinig nang pango-ngonsensya.
“Ano ka ba naman James, wag ka papadala sa kanya, saka lalaki ka diba, bakit ganyan yung nararamdaman mong tuwa. Para ka lang tanga”. Sabi ng isip ko sakin.
“ ah oo eh. Di talaga pwede. Pero i’ll notify you whenever I’m free” sabi ko sa kanya. “Naku! Tanga mo! Bakit mo sinabi yun? Kala ko ba ayaw mo sa kanya. Engottttttt kaaaaaa JJJJAAAMMESSSSSS!”
ng utak ko sakin.
“L, sayang naman po kuya. Sige. Text text na lang tayo. This is my number po 0916*******.” Sabi nya sakin eh.
“sige, i’ll text you later. I’m having a headache at this moment. I’ll miss call you para magregister mo number ko sayo. Sige bye na baby bro. J” sabi ko sa kanya at namaalam na ko.
Ni-log out ko na yung account ko. Shut down may laptop. Then natulog na ko. Nalimutan ko na tatawagan ko nga pala sya after ko mag-out pero nalimutan ko na rin.
Tuesday. 6:45 am. Nagising ako bigla. Naalimpungatan ako nang mahulog sa kama ko. Sobrang napasarap pala tulog ko kahapon kaya’t di na ako nakapag dinner kagabi. “Gutom na ko, di pa ko naka inom nang gamot kagabi. Kaasar” sabi ko sa sarili ko then suddenly may naalala ako. “SH*T!, di ko na natawagan si Rahj, patay ako nito”. At agad-agad ko nga kinuha phone ko para tawagan sya. Isang ring, dalawang ring then pinindot ko na end call. Wala pang 2 minutes biglang may nagtext sakin sa phone.
“Hi po Kuya ko. Good Morning. Kala ko nalimutan mo na promise mo sakin. Tampo ako sayo kagabi.” Text sakin ni Rahj.
“Nakzz. Baby bro ko nag tatampo. Sorry, nalimutan ko eh. Babawi na lang ako sayo pag nag meet tayo. Next Saturday, i’ll clear my schedule para mag meet tayo. Ayos ba yun sayo?” text ko sa kanya.
(Oo nga pala, napansin nyo, complete ako magtext, ganyan po talaga ako, i see to it na complete text messages ko, naniniwala kasi ako na nakakabobo pag kina-cut or nag-aalis ng letters sa words)
Back to story. “Sige kuya, asahan ko yan huh, sige po. Maya na lang ulit tayo lunch time mag text. Pasok muna ako. Bye. Ingat po” text nya sakin.
“okay baby bro. Ingat ka sa pag pasok” text ko sa kanya and binababa ko agad yung phone ko sa side table ko para maligo, its 7:15 am na and 9:00 call time ko sa school. Ligo->toothbrush->bihis. Mabilis ako kumilos para maaga pa ako makadating sa school saka para kamustahin mga friends ko.
Iba yung aura ko nung araw na yun. Ang saya ko. Di ko mapaliwang. SIguro may bago akong dampot na kapatid na mabait.
“good morning!” pagbati ko sa mga classmates ko habang papasok sa room.
“Woah! What’s with that smile? Iba aura mo ngayon ah. Parang ang saya mo. Ano meron?” panimula sakin ni Quinzon sabay tingin kila Pichay and Mabel na nakakaloko.
“huh? Wala naman to. Happy lang ako noh. Wag nyo pansinin, baka mawala yung happiness ko eh” pagsagot ko sa kanila na medyo mataray.
“hay naku James, walang sikretong hindi mabubunyag” sabi ni Mabel sakin sabay tawa na pilit.
“whatever ka talaga Mabelita” sabi ko sa kanya.
Dumating na prof namin sa Accounting. Aga-aga Accounting agad subject, kaasar. Yun na nga, nag discuss si Ma’am ng mga concepts and mga solving techniques samin. Yung aura ko pala na nakangiti ay di parin nawawala sakin. Kaya naman napansin ng prof namin na usisera.
“Class, may napapansin ba kayo sa isa sa classmates nyo na parang ang saya-saya, right Mr. Castillo?” pagpapahayag ni ma’am at pagpapatama sakin.
Nagtawanan ang buong klase namin, sabay sabi nila Pichay, Sheila and Mabel na “Ma’am blooming po yan ngayon” pang-aasar nila sakin.
“Ah...eh” yun lang nasabi ko sa kanila then parang biglang nag-init mukha. Yes, nag blush ako.
“see, nag blush, naku love is on the air” pang-aasar din ng prof ko sakin. Akalain mo, may nalalaman pang ganun, tanda na eh. Grabe. Napayuko na lang ako sa kahihiyan.
“okay back to discussion, please answer chapter 4 problems. No solution, no credit” sabi ng prof namin and tumahimik nalang kami lahat para mag sagot.
Problem 4 na ko, isa lang tapos na. Nang biglang nagring phone ko ng malakas, di ko pala na silent phone ko. Di agad ako nakakilos kasi ayaw pa naman ng prof namin na may istorbo katulad ng pagring ng mga phones namin. Bigla ako kinabahan, dinukot ko phone ko ang pinatay. Humingi ako ng sorry sa prof ko. Buti na lang nasa good mood sya at pinabayaan na lang and pinagsabihan na lang ako.
Nagvibrate ulit phone ko, may nagtext. “Kuya, good morning, remind ko lang, lrt 1 sa may doroteo jose station tayo kita” yun text sakin na biglang nagpangiti sakin.
Lingid sa kaalaman ko, nakatingin pala prof ko. “Caught in the act Mr. Castillo, give me your phone” sabi ng prof ko. “if you don’t give me that, i’ll see to it that you’ll get a score of 0 in this seat work.” Sabi ng prof ko. Wala naman akong nagawa, binigay ko. Binasa ni bruhang prof ko yung message sabay sabing “kaya naman pala naka ngit kasi may manliligaw”. Halos matunaw ako sa pagkakatayo ko ng sabihin nya sa buong klase. Naghiyawan mga classmates ko. Binatukan ako ng mga classmates ko sa unahan.
“grabe, batok agad?” nasabi ko sa kanila. Pero wa-effect.
“ma’am, di naman po nanliligaw yan eh. Saka lalaki po ako, ano ba kayo, di ako pwedeng magkagusto jan.” Sabi ko sa prof ko
“hijo, walang pakialam ang puso kung kanino titibok ng kakaiba” isang malalalim na sentence ang sinabi ng prof ko. Napatameme ako sa sinabi nya. Kala ko gagatungan nya yung sinabi ko na di pwde akong magkagusto sa lalake. Pero taliwas sa inaasahan.
“ah.. eh” yun ulit nasabi ko.
“i o u” pag dudugtong ng mga classmates ko sabay tawanan.
“para kayong baliw, alam nyo yun?” sabi ko sa kanila. Natawa na lang ako sa sarili ko. At bumalik ako sa upuan ko bitbit ang isang di mapawi-pawing ngiti. Tinapos ko ang araw ko na nakangiti lang at nakipag kamustahan pa kay Rahj and sa mga friends ko. Umuwi ako sa bahay nang nalilito sa sarili, bakit ako nakakaramdam ng kakaibang saya. Umuwi na iba ang feeling ko. Nakakaramdam ng fulfilment. Nang parang ang sayang kausap, katext and kabiruan ni Rahj.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment