Babawi po ako ngayon dahil sa hindi ko agad na update etong story ko. Nilalagna po kasi ako simula pa noong December 30, 2011 hanggang ngayon(January 4, 2011). Medyo okay na rin ako kaya nai-type ko tong chapter 5. JJ
I want to promote lang pala yung Second Chance ni Kuya EA. Na-inspire kasi ulit ako nung binasa ko yung chapter 10 nun kaninang madaling araw. Haha.
Oo nga pala, pasensya na at naguluhan kayo ata dun sa mga point of view sa chapter 4. Di ko naman kasi alam na mawawala pala yung divider per view.
So here’s chapter 5...
==========
Nagising ako na nasa kama ko, nakahiga, may benda ang ulo ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sakin. Ang tangi ko lang naaalala ay may kinukuha ako sa cabinet sa may kusina then bigla na lang may tumama sa likod nang ulo ko. Nakita ko si James na naka higa ang ulo sa kama ko. Binabantayan pala nya ako.
“Je...James... Argh” pagising ko kay James. Di ako makapagsalita nang ayos dahil sumasakit ang ulo ko.
“hhmmmmm” ang tanging naisambit lang ni James sa pagtawag ko sa kanya.
“Ma.. hal, ang sakit nang ulo ko” pag tawag ko ulit.
At nagising na nga si James, medyo namumula ang mga mata niya, siguro napuyat sa pagbabantay sakin.
“Okay ka na ba? Kala ko sobrang sama nang tama mo, buti medyo mababaw lang.” Ang sabi ni James sakin. Batid ko ang pag-aalala nya sakin dahil medyo nagcra-crack na ang boses nya.
Niyakap ko sya nang mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Gusto ko kasing maging secured ang feeling ko. Nagpaalam ako sa kanya na baba ako nang kwarto para makapagpahangin at kumain na rin dahil hindi ako nakakain nang hapunan kagabi eh.
“Aalalayan na kita sa pagbaba mo, baka ma out of balance ka pa, mahirap na” ang sabi sakin ni James.
Pumayag na lang ako dahil medyo hilo pa ang pakiramdam ko at medyo kumikirot parin ang sugat ko sa likudang bahagi nang ulo.
“Good Morning Rahj, James. Kumain na kayo oh. Pinaghanda ko kayo nang paborito mong ulam Rahj, sigurado kasi akong gutom na gutom ka” Bati ni Manang Lisa samin.
“oo nga pala, pumunta dito ang Mama’t Papa mo, pinagbigay alam kasi namin sa kanila ang nangyari sayo kagabi kaya naman napasugod sila, dadlhin ka sana sa Ospital pero buti na lang at may Doktor na guest dito sa Resort kaya naman humingi agad kami nang first aide sa kanya. Sya rin ang nagsabing hindi na kailangang mong dalhin sa Ospital.” Dagdag pa ulit ni Manang.
“ganun po ba, eh asan na...” di ko na nabuo ang sasabihin ko dahil biglang sumagot si Manang Lisa.
“eh yang si James ang tanungin mo” ang biglang sabi ni Manang.
Napatingin naman ako Kay James at ako nama’y binigyan lang nito nang isang abot tengang ngiti. Di ko na lang sya pinansin pa. Alam ko naman na ikukwento nya sakin yun later. Kaya inatupag ko muna ang kumain habang si James ay nakatingin lang sakin.
======================
“Bakit?! Bakit?!” yan lang ang tangin naisambulat ko nang makita ko na may dugong lumabas mula sa likudang bahagi nang ulo ni Rahj nang i-angat ko ang kanyang ulo’t katawan.
Nung bata pa lang ako, takot na ako sa dugo. Pag nakakakita ako nang dugo, nanlalambot agad ang mga tuhod ko at napapaupo na lang. Hindi ko akalain na may mangyayari kay Rahj na kahahantungan nang ganun sa kanya.
Kahit takot, ay nilapitan ko sya. Niyugyog ko sya nang madahan para malaman if conscious pa sya. Buti na lang at okay pa. May mga napansin din akong mga bubog nang bote nang beer na nagkalat sa sahig kaya naman napalingon ako sa gawi nang isang lalaking nasa isang tabi lang at nakahandusay. Nagtataka man ako ay di ko na lang pinansin, ang kailangn kong gawin ay dalhin sya sa pinaka malapit na ospital.
“Manang Lisa, dalhin po agad natin sya sa Ospital” agad kong sabi sa kanya.
Ngunit di naman sya sumagot. Kaya naman,
“Manang!” ang pagsigaw ko sa kanya kaya naman biglang nagising si Manang sa katotohanan.
“Oh sige hijo. Tara na at baka mapasama pa ang kalagayan nyang si Rahj” ang sabi ni Manang.
“Sir! Wag na lang po, isa po akong doktor sa Maynila, ako na lang po ang maglalapat nang first aide” ang sabi nang isang lalaki na sa tingin ko ay guest nang Resort.
“Nakua, salamat po. Sige po, dalhin ko na lang sya sa kwarto.” Sabi ko naman. At agad ko ngang dinala si Rahj sa kwarto nya.
Una, pinunasan nung doktor ang duguang parte nang ulo ni Rahj, saka nilinis at nilagyang nang betadine at benda ang ulo. Sinabihan nya kami na in no time ay magigising si Rahj at dadaing na masakit ang ulo kaya naman painumin agad nang pain killer. Nagpasalamat ako sa doktor nang papalabas na sya. Mga ilang minuto ay dumating ang Mama at Papa ni Rahj. Medyo balisa ang mag asawa dahil sa sobrang awa nila sa nangyari sa anak nila.
“Good evening po Tito’t Tita” ang bati ko naman sa kanila. Nuon ko pa lang nakita ang mga magulang ni Rahj. Mukhang mayayaman talaga sila. At nakuha ni Rahj ang kagwapuhan mula sa kanyang ama na kahit sa late 40’s na ay banaag parin ang kagwapuhan neto. Sa mama naman nya ay ang magandang mata at labi ang nakuha nitong si Rahj.
“Good evening din hijo, ikaw ba si James? Ano ang nangyari dito sa anak namin?” ang seryosong tanong sakin nang Mama ni Rahj.
“Pa-pasensya na po. Di ko rin po alam ang eksaktong nangyari sa kanya dahil nauna po syang bumaba sakin sa kusina para sana kumain at nangyari na nga po ang hindi inaasahan. Hindi ko pa po natatanong sa staffs nyo kung ano talaga ang nagyari. Pasensya po talaga.” Ang sabi ko naman sa kanila na medyo nagcra-crack ang boses ko.
“Wag mong sisihin ang sarili mo anak, wala kang kasalanan, nagpapasalamat nga kami na merong isang katulad mo na handang bantayan ang aming anak. Dito na muna kami para bantayan namin yang anak namin hanggang magising, hindi muna kami papasok para bukas.” Ang sabi naman nang Papa ni Rahj.
“Naku, pero ako na lang po ang bahala sa kanya, ia-update ko agad kayo if ever na magising na agad si Rahj, wag po kayong mag-alala, babantayan ko po sya at ibabalik sa inyo nang okay na” ang na isambit ko na lang sa kanila dahil nahihiya na ako sa abalang idinulot ko sa pamilya nila.
“Alam mo anak, hindi ko maitatangging magkakagusto nga ang anak namin sayo, dahil siguro sa pagiging pasensyoso mo at mapagkumbaba. Mama at Papa na lang din ang itawag mo samin, at malugod ka naming tatanggapin sa pamilya namin.” Sabi naman nang Papa ni Rahj.
Hindi lang ako makapaniwala sa sinabi nila at mismong sa Papa pa nya nanggaling ang mga salitang iyon.
“Salamat po sa pag-intindi, di ko po kayo bibiguin” sabi ko naman.
Umalis na nga ang mag-asawa pero bago umalis ay hinalikan nila sa noo si Rahj at niyakap naman nila ako. Naiwan kami ni Rahj sa kwartong iyo. Hindi na rin ako nakaramdam nang gutom nang mga oras na iyon dahil ang nasa isip ko ay ipinapanalangin ko na lang na magising na si Rahj. Hinawakan ko ang kanya kanang kamay. Hinalikan ko ito at,
“Rahj, patawarin mo ako kung hindi kita naprotektahan. Hinding hindi na ulit ito mangyayari. Ipinapangako ko yan sayo. Mahal na mahal kita kaya sana magising ka na.”
sabay nang pagbanggit ko sa mga katagang iyon ay ang pag-agos nang mga luha ko na kanina ko pa itinatago. Sobrang mahal ko si Rahj, kaya kong gawin ang lahat para sa kanya.
sabay nang pagbanggit ko sa mga katagang iyon ay ang pag-agos nang mga luha ko na kanina ko pa itinatago. Sobrang mahal ko si Rahj, kaya kong gawin ang lahat para sa kanya.
Naramdaman ko ang biglang pag pinting nang hintuturo nyang daliri kaya naman napangiti ako, alam kong narinig ni Rahj ang mga sinabi ko. Kaya naman hindi ko binitiwan ang kanyang kamay. Palalim na nang palalim ang gabi. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
==========
“Mahal, maraming salamat talaga at binantayan mo ako. Sa halip na mag enjoy tayo sa bakasyon natin ay heto tayo’t nakatingin lang sa dalampasigan at naghihintay nang paglubog nang araw. Gusto ko lang naman sanang makapagsaya tayong dalawa kaya lang heto’t may nangyari satin. Gusto ko sana makita at malaman kung sino ang taong gumawa nito sakin at bakit nya ito nagawa.” Ang sabi ko kay James.
Nakita ko naman na nabigla sya sa mga sinabi ko. Noong una ay tumutol pa ito saking ideya pero mapilit talaga ako.
“Sige, mamayang gabi, pupuntahan natin ang taong iyon.magpapasama tayo sa staff nyo. Kapag ako talaga, di nakapagtimpi. Magkakaron sya nang abs sa mukha.” Ang sabi naman ni James sakin.
“Kaw talaga, kahit seryoso na pinag uusapan natin, nakukuha mo pang magbiro. Kaya naman mahal na mahal talaga kita” sabi ko naman kay James.
Niyakap naman ako ni James. Nagyakapan lang kami habang nakatingin sa pag hampas nang alon sa dalampasigan. Hindi namin iniinda ang mga taong posibleng nakatingin samin. Bilang boyfriend ni James. Hindi ko pinapakita sa kanya na may pinagdadaanan akong sakit. Hindi ko iniinda ang sakit nang ulo ko bagkus ay iniisip ko kung pano ko ipagtatapat sa kanya. Alam kong magagalit sya sakin pag pinatagal ko pa pero wala naman akong magagawa dahil gustong mabuhay sa paraang masaya ako at gusto ko.
“Rahj, bakit ang tahi-tahimik mo?” tanong sakin ni James.
“wala naman, may naisip lang ako” ang palusot ko naman kay James.
“Ayoko nang may tinatago ka sakin huh.” Sagot naman nya sakin.
“Wala nga, naiisip ko lang, sana pwede tayong magpakasal no?? Parang ang saya saya pag magkasama na tayo.” Ang natatawang sabi ko naman sa kanya.
“huh? Eh wala pa nga tayo sa tamang edad saka wala pa tayong trabaho. Ipon n alang muna tayo, pwede?” ang natatawang sagot sakin ni James.
“Pwede rin. Pero sana gusto magpakasal tayo. Sa California, pwede tayong magpakasal or jan sa Bagiuo sabay na rin natin ang honeymoon.” Sagot ko sakanya.
Natawa naman kaming dalawa sa ideya ko. Ang bata-bata ko pa. 16 years old at si James naman ay 18 palang. Pero nakakapag isip na ko nang pagpapakasal. Pero seryoso talaga ako. Alam kong ilang taon na lang ang ilalagi ko dito sa mundo kaya naman gusto kong gawin ang bawat araw na masaya at espesyal para sakin kasama ang taong mahal ko.
“tara balik na tayo sa kwarto ko, gusto ko sanang magpahinga muna para mamaya pag kinompronta natin yung taong may gawa neto sakin ay kaya ko na” sabi ko naman kay James.
Kaya naman inalalayan ako ni James papunta sa Kwarto ko.
==========
Binantayan ko lang si Rahj hanggang sa makatulog na sya. Gusto ko lang masecure na magiging okay na sya sa pagtulog at hindi na sasakit ang ulo nya.
Alam ko namang may tinatago si Rahj sakin pero ayaw ko namang pilitin syang sabihin sakin dahil tulad ko, sobrang mapride din ito.
Tumabi ako sa kanya at niyakap ko sya nang makatulog na siya. Hinalikan ko sya sa batok bilang tanda na mahal na mahal ko sya.
Kahit na mas matanda ako sa kanya. Mas mature pa sya kung mag isip sakin. Ang bawat desisyon na ginagawa namin ay sya ang nag iisip. Lagi akong kumu-konsulta sa kanya kapag may isa akong desisyon na kelangan pangatawanan. Habang nanliligaw sya sakin sa loob nang dalawang buwan. Hindi ko maikakaila na mas dominating sya samin dalawa. Laging ang gusto nya ang nasusunod kahit may mga times na kinukuha nya ang opinyon ko.
4pm kami nagising ni Rahj, medyo una ako sa kanya nagising. Natuwa naman ako sa nakita kong senaryo. Nakahiga na pala ako sa braso nya at nakayakap. Sya naman ay nakayakap sakin nang mahigpit. Tinatanggal ko ang kamay nya sa pagkakayakap sakin pero bigla syang nagising. Ngumiti sya nang ubod nang tamis. Nakakatunay. Nakakahulog nang panty kong sa babae at nakakapaglaway naman kung lalake. Haha. (para lang akong tanga habang tinatype ko to)
“Good afternoon mahal ko!” ang bati sakin ni Rahj.
“Good afternoon din! Baba na tayo, gutom na ako at siguradong gutom ka na rin. Ipagluluto kita nang paborito mong pinakbet at marinated bangus, gusto mo?” tanong ko naman sa kanya.
“Kung ganyan ba naman ang lagi kong makakain siguro gagaling agad ako. Haha!” ang natatawang sabi ni Rahj sakin.
Kaya naman agad kong inalalayan si Rahj pababa nang hagdan. Nakita namin si Manang na hinahanda na ang mga pinabili kong sangkap sa pagluluto.
Inumpisahan ko nang magluto. Gayat dito, gayat don. May portion ding para akong tangang nagpapahid nang luha dahil sa sibuyas.
“Siguro ito ang gayumang naibigay ko sa kanya nung nagtanghalian sa samin kaya nahuhumaling si Rahj sakin.” Ang natatawa kong sabi sa sarili ko. Parang tanga lang talaga ako habang nagluluto. HAHAHA
“Okay, I’m done!” ang malakas kong sabi sa kanila.
Oo nga pala, ang pwesto nang kusina nila ay open, I mean, di sya private kitchen dahil nakikita nang mga guests ang mga niluluto ko at naaamoy nila.
“Hijo, siguro kaya gustong gusto ka ni Rahj ay dahil jan sa mga niluluto mo. Amoy pa lang ang sarap na.” Ang nakangiting sabi ni Manang Lisa sakin.
“Naku Manang, sigurado ako pag natikman nyo rin ‘to at nang iba pang staffs dito sa Resort baka pati kayo ay mahumaling sakin.” Ang natatawang sagot ko.
“Naku, walang talu-talo huh. Akin lang sya.” Ang nakangising sagot naman ni Rahj.
“Baliw! Kumain ka na lang jan, baka dagdagan ko pa yang sugat mo huh.”
“Ah eh manang, pupuntahan po namin yung taong humampas kay Rahj, pwede nyo po ba kaming samahan? Gusto po sana nyang malaman ang dahilan nag pagkakahampas sa kanya.”mungkahi ko kay manang.
Alam kong mali ang gusto ni Rahj pero kagustuhan nya naman yon. Buti pumayag si Manang, kahit nakatanggap kami nang konteng sermon ay pumayag din sa. Tinapos namin ang aming hapunan at tinugno nga namin ang kwarto nung lalaki. Sana naman hindi na sya lasing.
Tok. Tok. Tok.
Agad namang bumukas ang pinto. Isang lalaking halos kaedad lang namin ang iniluwa nang pintong iyon. Gwapo sya huh. Infairness. Ngayon ko lang nakita ang mukha dahil nga nakahandusay sya nang datnan ko kagabi. At halos kasing gwapo pa ni Rahj. Ano ba naman to.
(READERS, PLEASE. TANDAAN NYO ANG TAONG ITO. IMPORTANTE SYA SA KWENTONG ITO, MABIBIGLA NA LANG KAYO SA MGA SUSUNOD NA CHAPTER. HAHA)
“Ah eh magandang gabi sayo. Pwede ba kaming pumasok?” ang agad ko namang tanong sa kanya.
“Pasok kayo.” Sabi naman nya samin.
“Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Una sa lahat, gusto naming ayusin ang gulong dinala mo samin. Ano ba ang gusto mo at hinampas mo nang bote nang beer etong si Rahj” sabi ko sa kanya sabay turo.
“Pagpasensyahan nyo na. Akala ko kasi sya yung taong umagaw sa mahal ko. Lasing ako nun at malaks ang loob ko nang mga panahon iyon. Hindi ko naman akalain na mali pala ang taong nahampas ko.” Sabi naman ni kuyang basagulero.
“Alam mo, madaming namamatay sa maling akala. Pano kung natuluyan mo ako? Pano na pamilya ko? Pano na tong si James? Pano na mga pangrap namin? Sana naman pag nalalasing ka na ay bumalik ka na sa kwarto mo para di ka na makapwerwisyo” ang walang puknat na pasagot ni Rahj na katabi ko lang.
“Pagpasensyahan mo na ako. Hindi ko na uulitin iyon. Sana mapatawad mo ako. Mag sosorry ako sa Mama at Papa mo. Kahit madoble pa ang babayaran ko dito sa Resort nyo okay lang.” Ang sabi naman ni Kuyang basagulero.
Medyo na antipatikuhan ako sa sinabi nya. Alukin ba naman kami nang pera. As if naman na tatanggapin namin iyon.
“Hwag na, di nami kelangan yan. Gusto ko lang naman malaman ang side mo kung bakit mo nagawa. Sana lang ay hwag mo nang uulitin iyon dahil mismong si Papa na ang magpapakulong sayo at siguradong mabibilanggo ko habang buhay.”
“by the way, friends?” ang tanong naman ni Rahj sa kanya.
“Sure, friends.” At nakipagkamay nga si kuyang antipatiko.
“Ako nga pala si Christian Jhay Samaniego.” Pagpapakilala ni Antipatikong kuya.
“Ako si Cris Rahj Manalo, Rahj for short. Eto naman ang kasama ko, sya si Justin James Castillo at ang aming katiwala sa Resort na to si Manang Lisa.” Ang pagpapakilala samin ni Rahj kay Kuyang antipatiko
“You can call me Ceejay” mungkahi naman ni Ceejay.
“Okay. Sige alis na kami bro.” Ang sabi ko naman sa kanya. Napansin ko kasing nakakaloko ang tingin neto samin. Baka nakakahalata ata.
“Sige, salamat ulit” sabi naman ni Rahj.
At umalis na nga kaming tatlo. Nakakasar lang kasi iba kung makatingin samin dalawa ni Rahj.
Hindi pa man nakakalabas kami ay biglang umakbay sakin si Rahj. Natawa ako sa ginawa nya kasi batid kong napansin din niya iyong napansin ko.
==========
Batid kong napansin ni James ang kakaibang ngiti na ibinigay ni Ceejay. Alam ko may gusto ito panigurado kay James kaya naman agad nagyaya si James na bumalik na dahil napansin nya. Kaya naman hanbang di pa kami nakakalabas nang kwarto nya ay inakbayan ko si James para bigyang ideya si Ceejay kung anong meron samin. Teka, nagseselos ba ako? Tae talaga.
Pagdating namin sa kwarto. Humiga agad kami ni James. Hinalikan ko siya sa sa lips pero dampi lang, smack kumbaga, para naman mapawi ang kapagudan niya.
“alam mo ba, parang ang lagkit kung makatingin satin nung Ceejay?” tanong ko naman kay James.
“haha, napansin mo pala? Kaya nga ako nagyaya na eh. Pero mabait naman ata sya. Lasing nga lang talaga sya kagabi kaya ka siguro nahampas. Kaw kasi, ang gwapo mo kaya napagkakamalan kang nang agaw nang may syota nang may syota.” Ang natatawang sabi sakin ni James.
“Ay ganun. Mukha ba akong mang-aagaw? Sa gwapo kong to?!” ang sabi ko naman habang tumatawa.
“May dala ka talagang bagyo. Alam mo yun? Ang hangin. Grabe.” Ang sagot naman sakin ni James.
“Kaya nga gumulo ang hawi nang buhok mo eh nung nadaanan ka nang bagyong to.” Ang sabi ko naman sa kanya.
“oo nga eh. Di ko aakalain na mahahawi mo ang puso ko. Ayyiieeee” ang sagot naman ni James sakin. Ang corny lang namin dalawa habang nag-aalaskahan nang mga cheesy lines.
Napagdesisyunan namin matulog nang dalawa since 11pm na rin. Pero bago pa man kami natulog, pumunta muna kami ni James sa dalampasigan. May pinuntahan sya sa isang kubo at may lumabas na dalawang lalaki. Medyo nagulat ako kasi di ko maaninag kung sino yung mga tao. Agad naman lumapit si James sakin at tinakpan nang kanyang mga kamay ang mga mata ko. Dinala nya ako sa ilalim nang puno nang niyog.
Ilang segundo pa ay binukasn nya ang na ang mga kamay nya.
Nakita ko na biglang nagkulay ang alapaap. Ang ganda nang nakikita ko. Medyo naluluha ako. Kahit pala mas romantiko ako sa kanya ay di naman pala sya pahuhuli.
==========
Nilapitan ko ang dalawang staffs nang resort para sabihin sa kanila na sindihan na ang mga paputok na daladala ko at binili ko mula pa sa Bulacan.
“I’m going now to surprise you in a very romantic set my love. Minsan lang ako maging ganito pero wagas.” Ang bulong ko naman sa sarili ko.
Nilapitan ko nga si Rahj at tinakpan ko ang mga mata nya gamit ang kamay ko. Dinala ko sya sa ilalaim nang puno nang niyog at iniupo sa buhanginan. Pinasandal ko sya sa dibdib ko. Sinenyasan ko ang ma staffs na sindihan na ang mga paputok.
Sa unang putok ay duon ko binuksan ang mga mata ni Rahj. Kita ko sa mga mata nya ang saya kaya naman nagalak ako sa ginawa ko para sa kanya. Ako na si Mr. Romantiko. Haha.
Pinuwesto ko ang aking ulo sa balikat nya at niyakap ko sya.
Napakaganda nang kalangitan. Maski ang mga guests na naroroon ay nakinuod na rin. Hindi naman nila kami nakikita dahil I assure na di nila kami maiistorbo habang nagaganap ang fireworks show.
Matapos ang 5 minutes fireworks display. Inundayan ko sya nang isang maalab na halik.
“I love you. I really love you. I’m madly in love you” sabi ko sa kanya.
“I love you too and I hope this will lasts forever.” Ang sagot naman ni Rahj sakin.
“Yes it will, and You will be my one and only love” sagot ko sa kanya. At muli ay naghalikan kami sa ilalim nang punong niyog. Saksi ang punong iyon sa aming mainit na pagmamahalan. Bumalik na nga kami sa kwarto nya at natulog na magkayakap.
Itutuloy...
PS: sana po nagustuhan nyo ang part na to. I appreciate comments from your heart. Pls dont forget to add me on fb. Then post kayo nang ideas na gusto nyong isama ko. Gumawa na kasi akong outline. And medyo nakukulangan pa ako. Thank you.
No comments:
Post a Comment