Thursday, February 9, 2012

Ako'y Sa'yo at Ika'y Akin chapter 11

Haha. Since wala naman akong magawa dito sa bahay at wala naman akong taong pinagbubuhusan ng oras ko, then tuloy-tuloy lang ako sa paggawa ng updates for my story.

Bigyan nyo naman ako nang story na mababasa sa BOL. Tinatamad ako maghanap sa content eh.

Oo nga pala, for this chapter, may makikilala tayong mga karakter. Pero isa sa kanila ay may malaking mai-aambag sa buhay ni James. Ano nga kaya ang magigign papel nya sa buhay ni James?

Don’t forget to to add me on FACEBOOK.

Thanks.

Enjoy!

====================

Nasa hallway na kami ng may makita akong pamilyar na mukha na nakasakay sa wheeled chair, kaya naman napatigil ako.

“Tama ba ang nakikata ko? Si Ceejay?”

“Pero bakit sya nakasakay sa wheeled chair?” ang naisambit ko nalang habang karga-karga ko parin si Rahj sa aking mga bisig, at si Kuya Drew naman ay napatigil din at napatingin sakin na nakakunot ang noo.

“Kilala mo sya? Ang tanong sakin ni Kuya Drew.

“Huh?!” ang nabiglang sagot ko kay Kuya.

“Sabi ko kung kilala mo sya?” ang pagulit na tanong ni Kuya Drew sakin.

“Ah.. Eh.”

“Oo, nakilala namin sya sa Resort nyo noong nagbakasyon kami.”

“And accidentally ay napukpok nya si Rahj sa ulo ng bote” ang sabi ko sa kanya.

Noong una ay nag-aalinlangan pa ako kung sasabihin ko ba. Pero wala rin namang sikretong hindi nabubunyag eh. Saka baka nabanggit na rin iyon nila Papa at Mama sa kanya noong gabing napasugod sila sa Resort.

“Sya pala yung gagong humampas kay Rahj” ang medyo inis na sabi nya.

“Eh ano ginagawa nyan dito?” ang tanong naman ni Kuya ulit sakin.

“Malay ko!”

“Tara na, baka maabutan tayo nila Papa, papagalitan tayo nun” ang pagiiba ko naman ng topic.

Tumungo na kami sa kwarto ni Rahj. Pagpasok namin ay nakita namin sila Mama at Papa na nakatayo. Pagkakita samin ay nakita ko ang mga mukha nilang labis na nag-aalala.

“My goodness! Saan nyo ba dinala si Rahj?”

“Alam nyo naman diba na maselan ang kondisyon nya” ang maluha-luhang sabi ni Mama samin.

“Sa may Manhatan Bay po. Gusto daw po nyang sumagap ng sariwang hangin mula sa dagat” ang sagot ko kay Mama.

“Bakit hindi nyo samin ipinagpaalam? Pina-alert tuloy namin sa buong NYPD ang pagkawala ni Rahj”

“Sana sa sunod h’wag nyo nang gagawin iyan” si Papa naman ang nagsalita.

“Sorry po” ang magkasabay namin sabi ni Kuya.

Inilapag ko na si Rahj sa higaan nya. Pagkatapos kong kumutan sya ay tumabi naman ako kila Mama at Papa.

“Ma, Pa, ano po sabi ng doktor?” ang tanong ko sa kanila

“40% of the cancer cells daw ay patay na. At kelangan pa ng almost 1 and a half month para tuluyan na syang gumaling.” Ang nakangiting wika ni Mama sakin.

“Magandang balita po pala iyan. Nasabi nyo na po ang hiling ni Rahj na baka pwedeng magpahinga muna sya ng ilang araw bago ipagpatuloy ang therapy?” ang pagtatanong ko ulit.

“Oo, pumayag naman ang doktor, binigyang nya lang si Rahj ng 3 days para makapagpahinga before sumalang ulit sa chemotherapy.” Ang sagot naman ni Papa.

“So, pwede po natin syang ilabas ulit? Kahit bukas?” ang tanong ko ulit.

Napatingin sakin si Mama bago nagsalita.

“Basta kasama na kami” ang nakangiting sagot ni Mama sakin.

Kaya naman pinagplanuhan ko na ang mga mangyayari para bukas. Sosorpresahin ko ulit si Rahj bukas, gusto ko maranasan nya ulit ang saya na buo ang kanyang pamilya. Nagpatulong naman ako kay Kuya Drew na bumili ng mga kelangan na gamit at pumayag naman sya.

Hindi na nga nagising si Rahj ng araw na yun, marahil ay sa sobrang pagod. Kinabukasan, maaga pa lang nagising na sya. Pasado 8am na ng magising sya. At ako naman ay tulog pa.

===================

RAHJ’s POV
Nagising ako ng sumunod na umaga dahil sa sobrang sakt ng ulo ko at pakiramdam ko ay nasusuka ako. Paglingon ko kila Papa ay mahimbing silang natutulog. Babangon na sana ako pero hindi ko magawa dahil nahihilo din ako. Kaya naman tinawag ko si James para sana maalalayan ako. May nakakabit sa aking dextrose.

“James”

“James, patulong naman”

“Pssst! Gising” ang pagtawag ko kay James.

Pero hindi naman gumigising. Kaya pinilit kong tumaya. Nang makatayo na ako ng ayos ay hinila ko ng yung pinaglalagyan ng dextrose ko. Doon ako kumapait para magsilbing tungkod ko patungong CR. Habang umiihi ako ay nakaramdam ako nang pagkahilo at nasusuka. Matapos kong umihi ay pumuesto na ako na nakatungo sa bowl. Hanggang sa sumuka na nga ako. Ayaw ko mang makita ang aking mga sinuka pero tiningnan ko parin. May nakita akong mga buo-buong dugo kaya naman lubusan akong kinabahan. Pakiramdam ko ay malapit na akong mamatay.

Ramdam ko naman na biglang may humahagod ng aking likuran kaya naman napalingon ako kung sino ang gumagawa noon saakin. Si Mama pala ang gumagawa at katabi si James na medyo shocked sa nakita nya.

“Ma!” ang ang naiiyak kong pagtawag kay Mama.

“Rahj, bakit di mo naman kami tinawag, ayan tu-“ ang biglang pagputol ni Mama sa sasabihin nya sana nang biglang lumapit sa sinukahan ko. Kita ko ang pagkabigla nya kaya naman napatingin ito sakin na may halong pag-aalala.

“Rahj, bakit may...may dugo.” Ang uutal-utal na sabi nya sakin.

“Ma, anong nangyayari sakin”

“Bakit may dugo?” ang pagtatanong ko sa kanya. Ang mga luhang kahapon lang ay umagos sa aking mga mata ay muling bumuhos nang masagana.

“Hindi ko din alam, kelangan nating itanong sa Doktor mo” ang sagot naman ni Mama sa akin.

“Rahj, humiga ka muna sa higaan mo, tatawagin ko lang ang doktor” ang pagsingit naman ni James sa usapan namin. Nakita kong nangingilid ang kanyang mga luha sa mata. Kaya imbes na sumagot sa kanya ay tumungo na lang ako. Lord, kung kukunin nyo na po ako, wag naman po sa ganitong paraan, wag po sa paraang nakakakonsensya dahil hindi ko po maatim na makita silang naghihirap sa pagkawala ko, ang sabi ng utak ko.

Kaya naman inalalayan ako ni Mama na lumabas ng CR at humiga muna. Ilang minuto ay dumating si James kasama ang isang nurse at doctor ko.

“Doc, please do whatever you can for Rahj” ang wika ni Mama sa doctor.

“Please calm down Maam, we will do whatever we can” ang sabi ng kanong doktor. Tiwala ako sa kanya na kaya nya akong pagalingin kaya naman pinaubaya ko ang aking sarili sa kanya. Kumuha sila ng sample ng dugo ko, ihi at dumi.


One day after the tests ay dumating na ang resulta. Nagkaroon lang daw ng konting sugat sa aking bituka dahil sa tapang ng dosage na nilagay sakin during the past therapy. Wala naman akong dapat ipag-alala dahil misan na silang naka encounter ng ganoong klase ng effect ng gamot. Kaya naman pare-parehas kaming nabunutan ng tinik. So extended ang aking pahinga sa therapy dahil na rin sa nangyari sakin. On the 3rd day of my rest, napapansin ko na si James ay medyo balisa, parang may tinatago sakin, kaya lakas loob ko na syang tinanong.

“May problema ka ba? Kasi napapansin kong medyo balisa ka kahapon pa. May hindi ka ba sinasabi sa akin” ang diretsahang tanong ko sa kanya.

“Ah.. eh. Ano kasi...” ang putol putol na pagpapaliwanag ni James.

“Ano?” ang mahinahon kong tanong sa kanya.

“Eh, kasi, pag sinabi ko sayo baka magalit ka sakin eh” ang sagot ni James sakin sabay kamot sa ulo nya.

“Lalo akong magagalit sayo kung hindi mo sasabihin sakin”

“Saka alam mong ayaw kong may nililihim tayo sa isa’t isa at saka...” natigilan ako sa sasabihin ko pa sana dahil naalala ko na naglihim din pala ako sa kanya.

“Basta, sabihin mo na lang kasi” pagpapatuloy ko ulit sa sinasabi ko.

“Basta promise wag ka magagalit huh”

“Ganito kasi, noong binuhat kita mula sa parking area tapos dinala na kita dito sa kwarto mo kasama si Kuya Drew ay...” ang pambibitin ni James sa pagkukuwento nya.

“Ay ano?” ang mahinahon ko paring sabi.

“...eh. nakita ko si Ceejay na nakasakay sa wheeled chair at may kasamang nurse at isang doktor. Patungo sila ata sa operating room, di nya ako napansin kasi tumalikod ako sa kanya bigla” ay pagpapatuloy ni James sa kinukwento nya.

Natigilan ako after ko marining ang sinabi nya.

“Tama ba narinig ko, si Ceejay? Si Ceejay na hinampas ako ng bote sa ulo?” ang sabi ko sa isip ko.

“Oh, bakit hindi ka na nagreact? Dapat talaga di ko na lang sinabi eh, alam ko naman kasing ganyang ang magiging reaction mo.” Ang pagkalungkot ni James matapos nyang makita na nakasimangot na ako.

“Hindi, may iniisip lang ako. Pero bakit sya andito sya? Ano nangyari sa kanya?” ang tanog ko naman kay James.

“Ewan ko, sakin mo pa tinanong iyan.”

“Gusto mo dalawin natin sya? Pleasee” ang sagot naman ni James.

“Okay lang sakin, basta magpapaalam tayo kila Mama at Papa mamaya pagdating” ang sagot ni Rahj sakin.

“Sige, ako na magpapaalam para sayo.”

“Oo nga pala, magpapaalam lang sana ako sa iyo na kung pwede sana, magpapart time job muna ako, ayoko kasing dumagdag pa sa gastos nyo, nakakahiya naman. Saka may kakilala ko dito sa New York na kaibigan ko dati nung high school ako” ang pagpapaalam sakin ni James.

“Bakit? Hindi ka naman pabigat sa gastusin” ang pagkontra ko sa kanya indirectly.

“Kasi alam ko naman sapat sa inyo ang dalang pera nya kaya maghahanap ako ng trabaho.” Ang sagot naman ni James.

“Kaw bahala, desisyon mo naman iyan eh.” Ang supladong kong sagot. Ayaw ko lang yung mga dahilan nya na pabigat sa sa gastusin namin. Anak na rin naman turing sa kanya nila Mama at Papa kaya walang dahilan para magtrabaho sya, isa pa, di na kami laging magkakasama kung magkakaron sya ng trabaho.

“Wag ka nang magalit oh, isipin mo na lang na para to satin. Pleasseee” ang pagmamakaawa nya parin sakin.

“Oo na. Basta bahala ka.” Ang sagot ko para matapos na ang usapan namin.

“thank you!” sabi nya sabay halik sa pisngi ko.

Nginitian ko na lang sya para naman hindi magtampo sakin.

Nilapitan ako ni James saka niyakap. Ay naku, wag please, wag mo akong lambingin. Ang sabi ko sa sarili ko. basta talaga pagnaglalambing si James ang bilis umepekto sakin.

“Alam mo ba, masaya ako na gumagaling ka na. Napakasaya ko, nang marinig ko ang sabi ng doktor ay parang nagkaroon ako ulit ng lakas kahit hinang hina ako ng dumating.” Ang sabi nya sakin habang nakapatong ang ulo nya sa balikat ko.

“Kahit ako masayang masaya dahil sa wakas, gumagaling na ako at masasabi kong I have a reason to live because to love you is one of my mission dito sa mundo.”

“Basta kahit anong desisyon mo James, susuportahan kita.”

“Ganyan kita kamahal eh” ang sagot ko sa kanya.

“Salamat talaga Rahj kasi dumating ka sa buhay ko. napa thankful ko kasi dumating ka.” Ang sagot sakin ni James. Iniharap nya ako at naglapat muli ang aming mga labi. Napakasarap tlaga ng feeling na may taong nag-aantay sayo na gumaling ka. Napakasarap sa feeling na inlove ka.

====================

JAMES’ POV
Lingid sa kaalaman ni Rahj ay alam ko na ang dahilan kung bakit andito si Ceejay sa hospital. Napag-alaman ko mula sa information ang room nya kaya naman agad kong pinuntahan sya sa kwarto nya. Pagkadating ko ay may nakita akong lalaking halos kasing laki ko  lang at medyo moreno ang kulay. May isang babaeng sa early 50s ang nandun din at lalaking halos kaedad lang namin ni Ceejay.

“Good morning po” ang bati ko sa kanila

“Good morning din, ano ang kailangan mo” ang tanong sakin ng babae.

“Ah, dito po ba nakaroom si Christian Jhay Samaniego?” ang tanong ko naman.

“Oo, bakit? Sino ka ba?” ang tanong naman sakin nung lalaking kasing tangkad ko”

“Ah, kaibigan po nya. Ako po si Justin James Castillo, James for short. Nakita ko po kasi sya noong isang araw na nakasakay sa wheeled chair papuntang operating room ata.” ang sagot ko naman.

“Ah, ikaw pala yung naikwento nya sakin dati. Bakit ka nga pala andito din sa hospital?” ang tanong naman sakin ng babae

“Kasama ko po yung bo.. kaibigan ko po, nagpapachemo dahil may leukemia po” ang tanong ko sa kanya. Muntik nang boyfriend ang masabi ko sa kanila. Muntik na talaga.

“Maiba po ako, ano pong nangyari kay Ceejay?” ang pag iiba ko ng topic.

“I accidentally hit him by my car.” Ang sabi sakin nung lalaki.

Napatingin ako sa kanya naparang nagtataka. Sumingit bigla ang babaeng kasusap ko kanina.

“Ako nga pala si  Edeza Samaniego, Mama ni Ceejay, at sya naman Alex, pa...” ang pagpapakilala ni Tita Edeza pero naputol ito ng si Alex ang pinapakilala kung sino sya sa buhay nila.

“Partner ni Ceejay” ang walang ka-abug-abog na pagpapakilala nya. Medyo nagulat ako sa sinabi nya. Hindi dahil sa nagkagusto sya sa isang lalaki din kundi dahil wala sa itsura nya. Napaka manly ng dating nya eh.

“Ah, okay. Pero Tita, kamusta na po si Ceejay? Okay na po ba sya?” ang tanong ko na lang kay Tita Edeza, di ko na lang pinansin ulit si Alex.

“For now, stable na ang kondisyon nya, may bali lang sa kanang rib at sa kanyang hita pero everything’s fine na daw according to his doctor, kaya lang may sunod pa syang operasyon and kelangan daw ng blood transfusion” ang malungkot na wika ni Tita.

“Oh, I’m sorry to hear that, tawagin nyo lang po kami duon sa kabilang room if kelangan nyo ng tulong” ang sagot ko naman kay Tita, medyo ngumiti sya sakin pero di pa sapat iyon para hindi maaninag ang kalungkutan sa mukha nya

“James right?” ang pagsingit naman ni Alex.

“Yep! Why?” ang sagot ko naman.

“Oh nothing, you just reminded me of someone I know back when I was high school” ang sagot naman ni Alex.

“Ah, Okay”

“By the way Tita, alis na po ako, sa sunod na lang po ako bibisita. Isasama ko po yung partner ko dito if pwede” ang pagpapaalam ko sa kanila. Umalis na ako ng room nila at lumabas ng hospital. Agad kong tinawagan ang aking kaibigan noong high school. Alam kong malaki ang maitutlong nya sakin dahil noong high school at close friend kami dahil kasama ko sya lagi if may puupuntahan, kalokohan, sa tawanan at labasan ko ng sama ng loob pati na rin love adviser.

“Hello, joriz! James to. Kelangan ko ng tulong mo.” Ang bungad ko sa kanya.

“James! Long time no talk!”

“Ano balita sayo?” ang sagot nya sakin.

“Mamaya ko na ikukuwento. Pwede ba mag-apply sa resto mo? I really need a job, as in now na” ang sabi ko.

“Sige, punta ka dito sa may  21st street. La Paulina resto name. I’ll wait for you here. Saka may vacant job kami dito. Cashier/Counter attendee at isang waiter.” Ang sabi naman ni Joriz saakin.

“Sige, I’ll be there in 20 minutes. Thanks! Bye!” ang sagot ko sabay baba ng linya.

Nagtaxi na lang ako para mabilis makadating sa sinasabi nyang address. After 15 minutes ay nakadating na ako sa sinasabi nya.

Pag pasok ko sa loob ay ang daming mga tao, at puro mga kano ang nandtio. Maganda ang pag desenyo ng resto. Maihahambing ko ito sa Shangri La hotel ang disenyo ng loob ng resto.

“Excuse me, are you Mr. Justin James Castillo?” tanong sakin ng isang waiter. Napansin ko agad na may pagkakaparehas sila ng mata ni Rahj. Gwapo din at pwedeng isama kay Rahj. Kasing tangkad ko lang at may dimple sa magkabilang pisngi.

“Yes, you are?” ang tanong ko sa kanya.

“Its good to see you again James!”

“My GOD! You look really good.” Ang bati sakin ng isang babaeng napakaganda. Sino ba sya?  Ang naitanong ko sa aking sarili.

“Don’t you recognize me? Its me! Joriz” ang sabi sakin ng babae.

“Excuse me? You’re Joriz? Joriz Nieva? My classmate way back high school?” ang tanong ko sa kanya.

“Yep!” sagot nya.

“What the? Lalo kang gumanda!” ang sagot ko

“Syempre! Ako pa!”

“Nga pala,  sya si Migs. Kasamahan natin sya dito sa resto. Magaling sya sa lahat ng bagay pagdating sa restaurant kaya siya ang mag-aassist sayo if waiter ang gusto mong trabaho” ang pagpapakilala ni Joriz kay Migs.

“Miguel Carlo dela Torre tol, Migs for short” ang nakangitng wika ni Migs.

“James tol” ang pagpapakilala ko. nakipagkamay naman ako sa kanya bilang respeto na rin.

“Joriz, pagiging waiter ang aking kukunin. Saka, kelan pala ako pwedeng mag start?” ang tanong ko kay Joriz.

“You can start kahit ngayon na kung gusto mo” ang nakangiting sabi nya sakin.

“Okay” tugon ko naman

“Migs, kaw na bahala sa kanya huh” ang bilin naman ni Joriz kay Migs.

“Sige po” ang sagot naman nya.

“So, tara na. Para makapagpalit ka na ng damit mo” ang nakangiting wika niya.

Nahihiwagaan na ako dito sa lalaking ito. Naalala ko sa kanya i Rahj kung pano sya tumingin at ngumiti. Kung pano magsalita at kung pano tumawa. Bigla kong naalala si Rahj. Kamusta na ka sya? Ano kaya ginagawa nya ngayon? Ang naitanong ko na lang sa sarili ko. Bukod pa dito. Nahihiwagaan ako sa pangalan ya. Pamilyar talaga ang pangalan nya eh. Napakinggan ko dati.

Wait, parang kilala ko nga yung pangalan na ito. Miguel. Miguel. Miguel. Miguel Carlo dela Torre.

Sandali. Hindi kaya sya si...




Itutuloy...

Author’s Note: Ano kaya ang magiging papel ni Migs sa buhay ni James? Tama nga kaya ang hinala ni James tungkol kay Migs? Abangan.

No comments:

Post a Comment